Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
INIWANAN NILA SIYA AT TINAKASAN THEY FORSOOK HIM AND FLED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56). |
Tinapos ni Hesus ang Kanyang malumbay na panalangin sa Hardin ng Gethsemani. Ginising Niya ang mga natutulog na mga Disipolo na nagsasabing, “Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin” (Mateo 26:46). Habang ginigising ng mga Disipolo ang kanilang sarili, si Hudas ay dumating na pinangungunahan ng “lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote” (Mateo 26:47). Lahat ng mga Disipolo ay marahil na magkakamukha doon sa lubhang kadiliman ng Gethsemani. Sinabihan ni Hudas ang mga kawal ng Templo, “Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya” (Mateo 26:48). Hinalikan ni Hudas si Hesus. “Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip” (Mateo 26:50). “Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco” (Juan 18:10). “Hinipo [ni Hesus] ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling” (Lucas 22:51). Tapos sinabi ni Hesus kay Pedro na isauli ang kanyang tabak at nagsabing, “O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel? Kung gayo'y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?” (Mateo 26:53-54). Tapos si Hesus ay tumingin doon sa mga dumating upang dakpin Siya at nagsabing, “Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako? Araw-araw ay nauupo ako sa templo na nagtuturo, at hindi ninyo ako dinakip” (Mateo 26:55). Dinadala tayo nito sa ating teksto,
“Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
Ang mga kaganapang ito ay inilarawan ng mga propeta daan-daang taon ng mas maaga. Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski, “Ang buong pangyayaring ito ay naganap dahil sa isang dahilan at para sa isang dahilan lamang: ‘upang ang mga Kasulatan ng mga propeta...dapat ay matupad.’ Narito ay ang mga tunay na mga puwersa na kumikilos sa kung anong nagaganap ng gabing iyon: Isinasagawa ng Diyos ang kanyang mga propetikong plano, kusang-loob gayon ni Hesus na inilalagay ang kanyang sarili sa mga kamay ng mananakop…Ngayon ang berso 56 ay natupad. Habang si Hesus ay naidala, lahat ng mga disipolo ay nagsitakas” (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., The Interpretation of St. Matthew’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1964 edisiyon, p. 1055; tala sa Mateo 26:56)
“Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
Ito’y layunin ko, na sa pangaral na ito’y, pagsaliksikan ng higit pa ang bersong ito, upang makahukay ng ilang mga dahilan na “iniwanan siya ng mga alagad, at [tinakasan].” Ayon kay Dr. George Ricker Berry ang Griyegong salitang naisaling “iniwanan” sa KJV ay nangangahulugang “inabandona” (isinalin mula sa A Greek-English Lexicon and New Testament Synonyms). Narito ay maraming mga dahilan kung bakit iniwanan si Hesus ng Kanyang mga Disipolo, habang kanila Siyang iniabandona at tinakasan.
I. Una, kanilang iniwanan si Hesus at tinakasan upang tuparin ang mga kasulatan ng mga propeta.
Sinasabi ng ating teksto, “Datapuwa’t nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan…” Kasama nito ang propesiya ng mga Disipolo na pag-iwan at pagtakasan Siya. Sinasabi ng Zakarias 13:6-7,
“Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan... saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat” (Zakarias 13:6-7).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris patungkol sa mga salitang iyong “saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat,”
Ang bersong ito ay naisipi sa Mateo 26:31 at Marcos 14:27 sa pamamagitan ni Kristo Mismo. Siya, ang Mabuting Pastor, ay ibibigay ng Kanyang buhay para sa tupa (Juan 10:11), ngunit sa pagkabigla ng mga pabago-bagong mga pangyayaring ito, ang Kanyang mga tupa ay makakalat ng sandali (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishing, 1995 edisiyon, p. 993; tala sa Zakarias 13:7).
Ang Panginoong Hesu-Kristo Mismo ay nagsabi na ang Zakarias 13:7 ay nahulaan na ang mga Disipolo’y iiwanan Siya at tatakasan. Sa Mateo 26:31 sinabi ni Kristo,
“Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan” (Mateo 26:31).
Muli, sa Marcos 14:27,
“Sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa” (Marcos 14:27).
Kaya walang pagtataka na ang pag-iwan ng mga Disipolo sa Kanya at pagtatakas nila ay isang katuparan ng propesiyang iyan sa Zakarias.
“Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
II. Panglawa, iniwanan nila si Hesus at tinakasan dahil sila’y mga miyembro ng bumagsak na lahi.
Ang lahi ng tao ay isang bumagsak na lahi. Huwag dapat nating kalimutan iyan,
“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala”
(Mga Taga Roma 5:12).
Iyan ang dahilan na ang lahat ng tao ay naipapanganak na “patay dahil sa ating mga kasalan” (Mga Taga Efeso 2:5). Iyan ang dahilan na lahat ng tao ay “katutubong mga anak ng kagalitan” (Mga Taga Efeso 2:3).
Ang mga Disipolo’y hindi mas higit kaysa sa sanglibutan. Sila rin ay “katutubong mga anak ng kagalitan.” Sila rin ay mga “patay dahil […] mga kasalanan.” Sila rin ay mga anak ni Adam. Gaya ng paglagay nito ng isang lumang pambatang aklat mula sa Bagong Inglatera,
“Sa Pagbagsak ni Adam
Tayong lahat ay nagkasala.”
Gayon mayroong naayon sa lamang mga kaisipan ang mga Disipolo na “pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Gayon kanilang tinanggihan ang Ebanghelyo bawat beses na ipinangaral ito ni Kristo sa kanila. Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Inulit [ni Kristo] ng lima’m beses ang katunayan na Siya’y magpupunta sa Jerusalem upang mamatay (Mateo [16:21]; 17:12; 17:22-23; 20:18-19; 20:28). Sa kabila nitong masidhing pagtuturo na ito, nabigo ang mga disipolong makuha ang kahuluguhan [ng Ebanghelyo] hanggang sa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 93; tala sa Mateo 16:21).
Bakit hindi “[nakuha]” ng mga Disipolo “ang kahuluguhan” ng Ebanghelyo? Ang sagot ay simple,
“Kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak” (II Mga Taga Corinto 4:3).
Sa kanyang tala sa Juan 20:22, sinabi ni Dr. McGee na ang mga Disipolo ay hindi naipanganak muli (napagbagong buhay) hanggang kanilang nakatagpo ang muling nabuhay na Kristo, at nahingahan Niya sila, at nagsabing, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., p. 498; tala sa Juan 20:22). (I-kilk ito upang mabasa ang pangaral sa paksang ito – “Ang Takot ng mga Disipolo” – “Ang Sabing ito ay Nalingid sa Kanila,” “Ang Pagbabagong Loob ni Pedro,” “Si Pedro sa Ilalim ng Pagkakahatol,” at “Ang Huwad na Pagsisisi ni Hudas.”
“Magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
sAng ilan ay maaring magsabi sa iyo na ako’y lumayo masyado sa pagsasabi na ang mga Disipolo ay di-napagbagong buhay at di-napagbagong loob hanggang sa muling pagkabuhay ni Kristo. Kung iyan ang pag-iisip mo, gayon ating talakayan ito ng mapagpanalangin sa pananaw ng Kasulatan.
Hinahangaan kong lubos ang aklat ni Rev. Iain H. Murray, Ang Lumang Ebanghelismo [The Old Evangelicalism] (Mula sa The Banner of Truth Trust, 2005). Tumutukoy sa pagbabagong loob na pangkaraniwan, sinabi ni Iain H. Murray, “Mayroong isang madaliang pangangailangan ngayon para sa pagkabawi ng katotohanan tungkol sa pagbabagong loob. Isang malawakang kontrobersiya sa paksang ito ay isang malakas na hanggin na magtatangay ng isang libong mga mas kaunting mga bagay” (isinalin mula p. 68 ng aklat ni Murray). Sulatan ako tungkol rito. Gusto kong makarinig mula sa inyo, at sasagutin kong personal ang bawat isa!
“Magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
III. Pangatlo, iniwanan nila si Hesus at tinakasan dahil wala silang lumang-ebanghelikal na pagkakahatol ng kasalanan bago nito.
Mayroon silang matinding pananalig sa kanilang sariling abilidad. Nakikita natin iyan ng paulit-ulit bago bumangon si Kristo mula sa pagkamatay at nagpakita sa kanila. Halimbawa, noong sinabi ni Hesus kay Pedro na ipagkaila niya Siya sa gabing iyon,
“Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad” (Mateo 26:35).
Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Walang tunay na ebanghelismo na walang doktrina ng kasalanan, at nawalang pagkakaintindi kung ano ang kasalanan…ang ebanghelismo ay dapat magsimula sa kabanalan ng Diyos, ang pagkamakasalanan ng tao at ang walang katapusang kinahihinatnan ng masama at gawing-mali. Yaon lamang taong nadalang makita ang kanyang pagkakasala sa paraang ito ang tatakas patungo kay Kristo para sa kaligtasan at pagkakatubos (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Studies in the Sermon on the Mount, InterVarsity, 1959, kabuuan 1, p. 235).
Naniniwala ako na ang mga Disipolo ay hindi napunta sa ilalim ng lumang-ebanghelikal na pagkakahatol ng kasalanan hanggang sa pagkatapos na silang lahat ay “iniwanan siya, […] at nagsitakas.” Noong sinabi ng mga Disipolo kanina, “Nagsisisampalataya kami na ika’y nagbuhat sa Diyos,”
“Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo? Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa…”
(Juan 16:30-32).
Naniniwala ako na ang kalungkutan ni Pedro at pagkakahatol, pagkatapos niyang ipagkaila si Kristo ay naramdaman rin ng ibang mga Disipolo. “At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” (Lucas 22:62). Nagkumento si Dr. W. G. T. Shedd, “Hindi karaniwang pinapagbagong buhay ng Banal na Espiritu ang tao hanggang sa siya’y nahatulang tao” (isinalin mula kay Shedd, Dogmatic Theology, kabuaan 2, pahina 514).
Ngayon, sa pangwakas, babalik ako at gagamitin ito doon sa inyong mga di napagbabagong loob. Naramdaman mo na ba na ika’y isang nasirang makasalanan, na ang iyong sariling puso “ay magdaraya…at totoong masama”? (Jeremias 17:9). Naramdaman mo na bang, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24). Nawala mo na ba ang lahat ng pananalig sa iyong sarili? Gaya ng sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ang tao lamang na naidala upang makita ang kanyang sala sa paraang ito, ang magpupunta kay Kristo para sa kaligtasan at pagtutubos” (Isinalin mula sa ibid.). Magsitayo at kantahin ang himno bilang 8 sa inyong papel.
Sa ngalan ni Hesus, sa isang kasunduan,
Magtaas ng isang sagradong himno,
At isipin kung anong nakapagagaling na mga batis ang Kanyang ibinuhos
Mula sa bawat dumurugong biyas.
O, sinong makapagsasabi kung anong hapis ang Kanyang dinala
Noong ang dalisay na dugo ay naibuhos,
Anong kirot ang Kanyang pinahirapang dibdib ay napunit
Noong kinargahan ng ating sala?
Ito’y hindi ang nangungutyang tinig ng suklam
Lubos na pinilipit ang Kanyang puso;
Ang tumutusok na mga pako, ang matalim na tinik,
Hindi nagsanhi ng pinakamalungkot na sakit.
Kundi kada nakikipaglabang buntong-hiningang nagkanulo
Isang mabigat na dalamhati sa loob,
Gaano na sa Kanyang nabibigatang kaluluwa ay inilagay
Ang bigat ng kasalanan ng tao.
Ikaw na bumaba upang dalhin ang
Aming mapang-aping bigat ng mga kasalanan,
Ipagkaloob sa amin ang Iyong katuwiran upang maisuot,
At dalhin kami sa aming Diyos.
(“Iniligay ng Panginoon sa Kanya.” Isinalin mula sa
“The Lord Hath Laid on Him” ni William Hiley Bathurst, 1796-1877;
a tono ng “Amazing Grace.”)
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 26:47-56.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mag-isa” Isinalin mula sa “Alone” (ni Ben H. Price, 1914).
ANG BALANGKAS NG INIWANAN NILA SIYA AT TINAKASAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56). (Mateo 26:46, 47, 48, 50; Juan 18:10; Lucas 22:51; I. Una, kanilang iniwanan si Hesus at tinakasan upang tuparin ang II. Panglawa, iniwanan nila si Hesus at tinakasan dahil sila’y mga III. Pangatlo, iniwanan nila si Hesus at tinakasan dahil wala silang |