Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI PEDRO SA ILALIM NG PAGKAKAHATOL

PETER UNDER CONVICTION

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-3 ng Abril taon 2011

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
(Lucas 22:62).


Sa gabi bago si Hesus ay napako sa krus dinala Niya ang Kanyang mga Disipolo sa “isang malaking silid sa itaas” (Lucas 22:12) kung saan kanilang kinain ang kanilang hapunang pam-Paskua na sabay-sabay. Pagkatapos ng hapunan kinuha ni Hesus ang tinapay at isang tasa at isinagawa ang Hapunan ng Panginoon. Sinabi tapos ni Hesus sa kanila “na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo” (Juan 13:30). Ilang minuto ang lumipas, muli ang mga Disipolo’y (isinalin mula sa cf. ng Lucas 9:46 ng KJV) nagtatalo sa kung “sino kaya sa kanila ang pinakadakila.” Sinabi ni Dr. McGee, “Ito ba’y iyong malarawan? Kahit hanggang doon sa anino ng krus ang mga kalalakihang ito ay nagsisisunggab para sa posisyon” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan p. 345; tala sa Lucas 22:24).

Hindi pa rin nila naintindihan na si Hesus ay magpupunta sa Krus, kahit na sinabihan Niya sila tungkol nito ng limang beses sa Ebanghelyo ni Mateo (16:21; 17:12; 17:22-23; 20:18-19; 20:28). Sumasangayon ako kay Dr. McGee (tala sa Juan 20:21) na ang mga Disipolo ay hindi naipanganak muli (napagbagong buhay) hanggang sa kanilang nakatagpo ang muling nabuhay na Kristo sa gabi ng Pasko ng Pagkabuhay. (I-klik ito upang basahin ang aking mga sermon – “Ang Takot ng mga Disipolo,” “Ang Sabing ito ay Nalingid sa Kanila” at “Ang Pagbabagong Loob ni Pedro.”) Si Pedro lalo ay di sumasangayon sa Ebanghelyo. Si Pedro’y mayroong kaunting iluminasyon mula sa Diyos patungkol kay Hesus (Mateo 16:15-17) – gayon man sinumbatan niya si Hesus dahil sa pagsasabing Siya’y “patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw.” Gayon, malakas na tinanggihan ni Pedro ang Ebanghelyo! Sinasabi ni Mateo sa atin,

“Mula ng panahong yao'y nagpasimulang ipinakilala ni Jesus sa kaniyang mga alagad, na kinakailangang siya'y pumaroon sa Jerusalem, at magbata ng maraming bagay sa matatanda at sa mga pangulong saserdote at sa mga eskriba, at siya'y patayin, at muling ibangon sa ikatlong araw. At isinama siya ni Pedro, at nagpasimulang siya'y pinagwikaan, na nagsasabi, Panginoon, malayo ito sa iyo: kailan man ay hindi mangyayari ito sa iyo. Datapuwa't lumingon siya, at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao” (Mateo 16:21-23).

Ibinigay ni Dr. J. Vernon McGee ang mga kumentong ito sa siping ito mula sa Mateo 16,

Sa unang pagkakataon inanunsyo ni Hesus sa Kanyang mga disipolo ang Kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ang oras ay humigit-kumulang na anim na buwan bago ng Kanyang aktwal na pagkapako. Bakit Siya naghintay ng napaka tagal upang gumawa ng ganoong napaka importanteng anunsyo? Malinaw na ang Kanyang mga disipolo’y hindi handa para rito, kahit na sa pagkakataong ito, mahuhusgahan mula sa kanilang reaksyon. Inulit Niya ng limang beses ang katunayan na Siya ay magpupunta sa Jerusalem upang mamatay (Mateo [16:21]; 17:12; 17:22-23; 20:18-29; 20:28). Sa kabila nitong masidhing utos, nabigong maunawaan ng mga disipolo ang kahalagahan nito…hanggang sa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D. Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 93; tala sa Mateo 16:21).

Sinabi ni Dr. McGee, “Sa pinakadiwa, sinabi ni Pedro, ‘Ikaw ang Mesiyas; ikaw ang Anak ng Diyos. Hindi ka dapat, hindi ka maaaring magpunta sa krus!’ Ang krus ay wala sa [kanyang] pag-iisip…sa anumang paraan, gaya nang inyong mapapansin” (Isinalin mula sa ibid., sulat sa Mateo 16:22). Inaasahan ni Pedro na isasasaayos ng Mesiyas ang Kanyang Kaharian sa puntong iyon. Hindi niya inasahan na ang Mesiyas ay unang magdurusa at mamatay sa Krus gaya ng pagkahula sa napakaraming mga propesiya sa Lumang Tipan (isinalin mula sa cf. Isaias 53; Mga Awit 22; Zakarias 12:10; 13:6; atbp.). Gayon sumasangayon ako kay Dr. McGee, na ang lubos na pagtatanggi ni Pedro sa Ebanghelyo ay nagpapakita na hindi siya naipanganak muli (napagbagong buhay) hanggang sa pagkatapos ng pagbabangon ni Kristo mula sa pagkamatay. Walang tumatanggi sa Ebanghelyo ang maaring maipanganak muli at mapagbabagong loob!

Ngayon, habang ating hinaharap ang ating teksto, makikita natin na ang mga Disipolo ay nagtatalo sa kung sino ang “maipapalagay na pinakadakila.” Tapos ay matatagpuan natin si Hesus na nagsasalita kay Simon Pedro,

“Simon, Simon, narito, hiningi ka ni Satanas upang ikaw ay maliglig niyang gaya ng trigo: Datapuwa't ikaw ay ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya; at ikaw, kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid. At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan. At kaniyang sinabi, Sinasabi ko sa iyo, Pedro, na hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala” (Lucas 22:31-34).

Sinabi ni Hesus, “kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin mo ang iyong mga kapatid.” Ngunit hindi inisip ni Pedro na kinailangan niyang mapagbagong loob muli! Padalos-dalos na sumagot si Pedro, “nakatalaga akong sumama sa iyo sa bilangguan at sa kamatayan.” Ngunit alam ni Hesus na hindi niya ito magagawa sa isang di napagbabagong loob na kalagayan. Sinabi ni Hesus sa kanya, “hindi titilaok ngayon ang manok, hanggang sa ikaila mong makaitlo na ako'y hindi mo nakikilala.”

Tapos dinala ni Hesus ang mga Disipolo palabas ng itaas na silid sa malalim na kadiliman ng Hardin ng Gethsemani kung saan, “nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Noong si Hesus ay bumalik mula sa kanyang mapanglaw na panalangin, nahanap Niya ang mga Disipolong natutulog. Habang Siya’y nagsasalita sa kanila, ang mga pulis ng templo, na pinangungunahan ni Hudas ang traidor, ay lumitaw sa Hardin at dinakip si Hesus. Hinatak nila si Hesus papalayo sa tahanan ng mataas na saserdote, “Datapwa’t sa malayo'y sumusunod si Pedro” (Lucas 22:54). Isang apoy ay sinindi sa labas ng tahanan ng mataas na saserdote. Si Pedro ay umupo malapit sa apoy kasama ng isang grupo ng mga tao. Pagkatapos ay isang batang babae ay nagsabing, “Ang taong ito ay kasama rin [ni Hesu]” (Lucas 22:56). Ipinagkaila ni Pedro si Hesus sa pagsasabing, “Babae, hindi ko siya nakikilala” (Lucas 22:57). Mayamaya pagkatapos isa pang tao ang nakakita kay Pedro at nagsabing, “Ikaw man ay isa sa kanila” – ika’y isa sa mga Disipolo ni Hesus – “Lalake, ako'y hindi” (Lucas 22:58). Mga isang oras mayamaya isa na namang lalake ang nagsabing, – “Sa katotohanan, ang taong ito'y kasama rin niya; sapagka't siya'y Galileo” (Lucas 22:59). At sinabi ni Pedro, “Lalake, hindi ko nalalaman ang sinasabi mo” (Lucas 22:60). “Nang magkagayo'y nagpasimula [si Pedrong] manungayaw at manumpa, Hindi ko nakikilala ang tao” (Mateo 26:74).

“At pagdaka, samantalang siya'y nagsasalita pa, ay tumilaok ang manok At lumingon ang Panginoon, at tinitigan si Pedro. At naalaala ni Pedro ang salita ng Panginoon, kung paanong sinabi niya sa kaniya, Bago tumilaok ang manok ngayon, ay ikakaila mo akong makaitlo. At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” (Lucas 22:60-62).

Narito ang teksto, “At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.” Dalawang aral ang makukuha mula rito – una, ang sanhi ng kanyang pagkakahatol, pangalawa, ang gamot para rito.

I. Una, ang sanhi ng pagkakahatol ni Pedro.

Dito makikita natin si Pedro sa ilalim ng pagkakahatol ng kasalanan. Sinabi ni Dr. A. T. Robertson, “Siya’y nagumiyak. ‘Kapaitpaitan’ ay isang karaniwang pananalita para sa mga luha sa lahat ng wika at lahat ng mga puso” (isinalin mula kay A. T. Robertson, Litt.D., Word Pictures in the New Testament, Broadman Press, 1930, kabuuan II, p. 276; sulat sa Lucas 22:62).

Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski, “Si Mateo at Lucas [ay inilarawan ang] pagsisisi [ni Pedro] gamit ng dalawang salita [eklause pikrōs], ipinahihiwatig ng pandiwa ang malakas, naririnig na pagluha: ‘siya’y nanangis ng kapaitpaitan.’ Ang pang-abay ay tumutukoy sa, hindi pisikal na pagtangis, kundi sa kapaitan ng pagsisisi na likuran nito. Kabilang sa pagsisisi ang pagkakatanto na tayo’y nagkasala at ang nagreresultang tunay na pagdurusa para sa ating kasalanan” (isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., The Interpretation of St. Luke’s Gospel, Augsburg Publishing House, 1961 edisiyon, p. 1091; tala sa Lucas 22:62).

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
       (Lucas 22:62).

Ito’y isang makadiyos na pagdurusa,

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas” (II Mga Taga Corinto 7:10).

Ito’y paghahatol na ipinadala kay Pedro sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos,

“At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan” (Juan 16:8).

Sinabi ni Rev. Iain H. Murray,

Ang Banal na Espiritu ay dumating upang mangumbinsi ng kasalanan. Ito’y isang lubusang kinakailangan na ang tao ay dapat makumbinsi ng kasalanan…[Ang Banal na Espiritu] ay dumarating sa paglalayong mangumbinsi ng kasalanan, upang magawa ang taong maramdaman na sila’y nagkasala, lubos na nagkasala – lubos na nagkasala na sila’y sira at wasak. Dumarating siya upang gawin ang kasalanang lumitaw na kasalanan, at upang mapakita sa atin ang katakot takot na kahihinatnan [ng kasalanan]. Dumarating siya upang sumugat upang walang makataong panghaplas ang makagagamot; upang pumatay upang walang makalupang kapangyarihan ang gagawa sa ating mabuhay…Mayroong isang nakatutuyong gawain ng Banal na Espiritu ang dapat nating maranasan, o hindi natin kailan man malalaman ang kanyang nakakapagpabuhay at nakapapanumbalik na kapangyarihan. Ang panunuyong ito ay ang pinaka kinakailangang karanasan, at ngayon lang dapat maging lubos na iginigiit. Ngayon mayroon tayong napakaraming mga naipatayo na hindi pa kailan man napapababa; napakaraming puno na hindi pa kailan man nawawalan ng laman; napararangalan na di kailan man napapagpakumbaba; na aking maalab na ipinapaalala sa inyo na ang Banal na Espiritu ay dapat makumbinsi [ka] ng iyong kasalanan, o [ika’y] hindi maliligtas. Ang gawain na ito [ng paghahatol] ay pinaka kinakailangan, dahil kung wala nito walang mga namumunong mga taong tatanggap ng Ebanghelyo ng biyaya ng Diyos…Mayroong madaliang pangangailangan ngayon para sa pagbabalik ng katotohanan tungkol sa pagbabagong loob. Isang malawakang kontrobersiya sa paksang ito ay ang isang mabuting hangin upang maitangay ang isang libong mas kulang na mga bagay. Isang napanumbalik na takot sa Diyos ay magtatapos sa makamundong pag-iisip… (isinalin mula kay Rev. Iain H. Murray, The Old Evangelicalism, The Banner of Truth Trust, 2005 edisiyon, pp. 66-67).

I-klik ito upang mabasa ang aking pangaral na, “Ang Nakatutuyong Gawain ng Espiritu.

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
       (Lucas 22:62).

Para sa akin, naniniwala ako na ito’y noong si Pedro ay napunta sa ilalim ng lumang-ebanghelikal na pagkakahatol ng kasalanan. Oo, alam ko na mas maaga pa sinabi ni Pedro kay Hesus, “Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan” (Lucas 5:8). Ngunit ito’y isang bagay upang isipin na ika’y makasalanan, at ito’y lubos na ibang bagay upang maramdaman ang bigat at takot ng iyong kasalanan sa harapan ng mukha ng isang banal na Diyos! Ako’y kumbinsido na si Pedro ay hindi nagawang nahatulan sa loob hanggang sa spanahong ito.

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
       (Lucas 22:62).

Hindi lahat ay tumatangis na pisikal na luha kapag sila’y napagbabagong loob. Gayon man si Luther, at Bunyan, at Whitefield, at Wesley, at maraming mga libong mga tao sa mga panahon ng muling pagkabuhay ay pisikal na tumangis ng mapait na mga luha. At sa palagay ko isa sa mga dakilang mga bagay na nawawala sa ebanghelismo ngayon ay ang pagkawala ng kahit anong luha, at ang pagkawala ng “kalumbayang mula sa Dios, [na] gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas” (II Mga Taga Corinto 7:10).

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
       (Lucas 22:62).

Isang binata ang nagsabing, “Kapag tinitignan ko ang aking sarili, nakikita ko ang aking sarili bilang isang makasalanan.” Ah, ang “pagkakakita” ay isang bagay! Ngunit nararamdaman mo ba ang iyong pagkamakasalanan? Nakapapabigat ba ito sa iyo at “tumutuyo” sa iyo, gaya ng sinabi ni Iain Murray? Ikaw ba’y napapagod at nabibigatan sa ilalim ng bigat ng pagkakahatol ng kasalanan? Iyo bang kahit kaunti’y nakararamdam ng isang luhang pumupuno sa iyong puso kapag iniisip mo ang iyong kasalanan?

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
       (Lucas 22:62).

Ang sanhi ng pagkakahatol ni Pedro ay ang Espiritu ng Diyos.

II. Pangalawa, ang gamot ng pagkakahatol ni Pedro.

Ang aking oras ay tapos na. Matatalakay ko lamang ang puntong ito ng mabilis. Si Pedro ay nanatili sa isang kalagayan ng pagkakahatol ng kasalanan ng tatlong araw. Siya ay nasa isang matinding pagkakagulo ng kaluluwa noong Biyernes, Sabado at halos ng buong Linggo (ayon sa Romanong kalkulasyon). Sa umaga ng Linggo ng Muling Pagkabuhay,

“Si Pedro...[ay] tumakbo sa libingan; at nang siya'y tumungo pagtingin niya sa loob, ay nakita niya ang mga kayong lino na nangasa isang tabi; at umuwi siya sa kaniyang bahay na nanggigilalas sa nangyaring yaon” (Lucas 24:12).

Si Pedro ay “nanggigilalas” pa rin; hindi pa rin niya lubusang naiintindihan o napaniniwalaan ang Ebanghelyo.

Naniniwala ako na ito’y noong ang bumangong Kristo ay nagpakita sa labin isang mga Disipolo at nagsabing, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo” (Juan 20:22), na si Pedro ay sa wakas naipanganak muli at napagbagong loob. Ibinigay ni Dr. McGee ang kumentong ito sa Juan 20:22,

Ito’y totoo na si Simon Pedro [ay] nagpakita ng kaunting pag-aninaw noong sinabi niya na si Hesus ay ang Kristo, ngunit ito’y ilang minuto lamang pagkatapos na sinabi niya kay Hesus na huwag magpunta sa krus at mamatay. Para sa akin naniniwala ako na sa sandaling iyon ang ating Panginoon ay huminga sa kanila, at nagsabing, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo,” ang mga kalalakihang ito ay napagpabagong buhay [naipanganak muli]. Bago nito, hindi sila pinaninirahan ng Espiritu ng Diyos (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., p. 498; tala sa Juan 20:22)

Gaya ni Dr. McGee, naniniwala ako na si Pedro ay naipanganak muli sa gabi ng Linggo ng Muling Pagkabuhay noong si Kristo y nagpakita sa kanya at sa iba pa. Dito na si Hesus Mismo ang gumamot sa pagkakahatol ng kasalanan ni Pedro.

Nararamdaman mo ba ang bigat ng iyong kasalanan? Ang pagkakahatol ba ng kasalanan ay nagpapabigat sa iyo? Gusto mo bang malinis ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo ni Kristo? Ang pangalawang taludtod ng ebanghelyong kanta ni Dr. John R. Rice, “Hesus, si Hesus Lamang” ay maari ring naisulat ni Pedro!

Ang mayabang kong kabutihan ay bumigo sa akin,
   Walang gamot para sa kasalanang nagpakasakit sa akin,
Ang Espiritu gayon ng Diyos ay nagpanaig sa akin
   Upang iwanan ang aking mga kasalanan kay Hesus.
Ang aking mga kasalanan ay lahat napatawad,
   Ang mga kadena ng kasalanan ay napigtas,
At ang aking buong puso ay ibinibigay,
   Kay Hesus, lamang kay Hesus.
(“Hesus, si Hesus Lamang.” Isinalin mula kay “Jesus, Only Jesus”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 26:69-75.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, si Hesus Lamang.” Isinalin mula sa
“Jesus, Only Jesus” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

SI PEDRO SA ILALIM NG PAGKAKAHATOL

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At [Si Pedro’y] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan”
(Lucas 22:62).

(Lucas 22:12; Mateo 26:21; Juan 13:30; Lucas 9:46;
Matthew 16:21; 17:12; 17:22-23; 20:18-19; 20:28; 16:21-23;
Lucas 22:31-34, 44, 54, 56, 57, 58, 59, 60;
Mateo 26:74; Lucas 22:60-62)

I.   Una, ang sanhi ng pagkakahatol ni Pedro,
II Mga Taga Corinto 7:10; Juan 16:8; Lucas 5:8.

II.  Pangalawa, ang gamot ng pagkakahatol ni Pedro,
Lucas 24:12; Juan 20:22.