Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG HUWAD NA PAGSISISI NI HUDAS

THE FALSE REPENTANCE OF JUDAS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon Ika-3 ng Abril taon 2011

“Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda” (Mateo 27:3).


Ang Mateo 27 ay nagsisimula ng maaga ng umaga, pagkatapos na si Hesus ay nadakip sa Hardin ng Gethsemani, pagkatapos Siya ay dinala sa harapan ng mataas na saserdote at sa Sanhedrin, pagkatapos na mga huwad na mga saksi at tumestigo laban sa Kanya, pagkatapos na Siya’y nabugbog sa mukha at kinutya, at pagkatapos na ipinagkait Siya ni Pedro.

“Pagka umaga nga, ang lahat ng mga pangulong saserdote at ang matatanda sa bayan ay nangagsanggunian laban kay Jesus upang siya'y ipapatay: At siya'y ginapos nila, at siya'y inilabas, at kanilang ibinigay siya kay Pilato na gobernador”
       (Mateo 27:1-2).

Habang kanilang sinimulang dalhin si Hesus sa palasiyo ng mataas na saserdote, si Hudas ay pumasok. Tumayo si Hudas malapit kay Hesus. Ngunit si Hudas ay hindi tumingin kay Hesus upang humingi ng kapatawaran. Kung tumingin siya kay Hesus, kahit na sa huling oras na ito, maari siya sanang napatawad. Ang magnanakaw sa krus katabi ni Hesus ay napatawad di nagtagal bago siya namatay. Bakit tumingin si Hudas sa punong saserdote at mga matatanda imbes na tumingin kay Hesus para mapatawad? Naniniwala ako na mayroong dalawang dahilan.

I. Una, nakamit na ni Hudas ang di-mapapatawad na kasalanan.

Sinabi ni Hesus,

“Ang bawa't kasalanan at kapusungan ay ipatatawad sa mga tao; datapuwa't ang kapusungang laban sa Espiritu ay hindi ipatatawad. At ang sinomang magsalita ng isang salitang laban sa Anak ng tao, ay ipatatawad sa kaniya; datapuwa't ang sinomang magsalita laban sa Espiritu Santo, ay hindi ipatatawad sa kaniya, kahit sa sanglibutang ito, o maging sa darating”
     (Mateo 12:31-32).

Sa kanyang mga kumento sa mga bersong ito, sinabi ni Dr. John R. Rice na si Hudas ay mukhang “nakakamit na ng di-mapapatawad na kasalanan,” iyan ay, siya ay naibigay na sa kadustaan. Sinabi ni Dr. Rice,

Ang di-mapapatawad na kasalanan ay isang kompleto at wakas na pagtanggi kay Kristo na napaka tiyak…na iniinsulto at pinapalayo nito ang Banal na Espiritu magpakailan man. Tapos [ang Banal na Espiritu] ay di na kailanman magpapakilos sa puso, magdadala ng paghahatol o gigising ng paghangad para sa kaligtasan…Ang isang [nakakamit na ng di-napapatawad na kasalanan] ay walang pagkabahala dahil ang Banal na Espiritu ay lumalayo na mula sa kanya. Lahat ng tunay na pagtingin sa Diyos ay dapat nasanhi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na kumikilos sa puso. Kung [ang Banal na Espiritu] ay maglalayo ng Kanyang sarili, wala nang ibang sangay na maaring gamitin ng Diyos upang manghatol at magligtas ng isang makasalanan (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., A Verse-by-Verse Commentary on the Gospel According to Matthew, Sword of the Lord Publishers, 1980 edisiyon, p. 183; mga kumento sa Mateo12:31-32).

Ang pangalawang taludtod ng kanta ni Dr. Rice na, “Kung Ipatatagal Mong Masyado,” ay maaring nakaturo kay Hudas mismo!

Ika’y nag-antay at nagpatagal tinatanggihan pa rin ang Tagapagligtas,
   Ang lahat ng Kanyang pagbabala’y napaka tiyaga, ang lahat ng Kanyng pagmamaka-awa’y napaka buti
Gayon man kinain mo ang prutas na ipinagbawal, naniwala ka sa pangako ni Satanas,
   Gayon ang iyong puso ay napatigas; napadilim ng kasalanan ang iyong isipan.
Tapos napakalungkot na pagkaharap sa paghahatol, matatandaan mo na walang awa
   Na ipinagpalunay at pinatagal mo hanggang sa ang Espiritu’y wala na;
Anong pagsisisi at pagluluksa, kung kapag ang mahanap ka ng kamatayan na walang pag-asa,
   Iyong ipinagpalunay at pinatagal at naghintay ng masyadong mahaba!
(“Kung Ipatatagal Mong Masyado.” Isinalin mula sa
     “If You Linger Too Long,” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

“Pinatagal” ni Hudas “hanggang sa ang Espiritu’y wala na.” Nakamit niya ang di mapapatawad na kasalanan. Hindi siya tumingin kay Hesus sa umagang iyon dahil masyado nang huli para sa kanya upang maligtas. Masyado nang huli! Masyado nang huli! Walang hanggang huli na!

Mayroong linya na naguguhit sa pagkakait sa Panginoon,
   Kung saan ang tawag ng Kanyang Espiritu’y nawawala;
At ika’y nagmamadali na may pagkaulol sa kasiyahaang pagdagsa –
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
Nabilang mo na ba ang halaga, kung ang iyong kaluluwa’y mawawala,
   Kahit na iyong makamit ang buong mundo para sa iyong sarili?
Kahit ngayon maari na ang linya’y iyong natawid,
   Nabilang mo na ba, nabilang mo na ba ang halaga?
(“Nabilang Mo Na Ba Ang Halaga.” Isinalin mula sa
   “Have You Counted the Cost?” ni A. J. Hodge, 1923).

Nagmamakaawa ako sa iyo, huwag kang maghihintay hanggang sa ang Banal na Espiritu’y lilisan mula sa iyo! Kapag ika’y Kanyang hahatulin ng iyong kasalanan – magpunta kay Kristo. Maari hindi ka na kailan man magkakaroon ng isa pang pagkakataon! Nagmamaka-awa ako sa iyo, nakikiusap ako sa iyo, magpunta kay Kristo bago maging huli na magpakailan man!

II. Pangalawa, ang “pagsisisi” ni Hudas ay “pagsisisi ng sanglibutan” lamang.

Sinasabi ng teksto,

“Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi…” (Mateo 27:3).

Ang salitang “nagsisi” rito ay isinalin mula sa Griyegong anyong salitang “metamelomai” na nangangahulugang “nanghihinayang” (isinalin mula kay Strong), “ang makaramdam ng lungkot para sa” (isinalin mula kay George Ricker Berry). Ngunit ang “metamelomai” ay hindi nagdadala sa kaligtasan. Ito’y “pagkahinayang” lamang, hindi pagkakahatol ng kasalanan sa pamamagitan ng Banal ng Espiritu. Ito’y wala nang mas higit pa kaysa sa pagkalungkot dahil sa pagkakahuling nakakamit ng isang kasalanan. Ang uri ng kalungkutang ito at pagkahinayang ay nagdadala lamang ng kapanglawan, kalumbayan, pagka-awa sa sarili, at pagkawalan ng pag-asa. Sinabi ng Apostol Pablo,

“Ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay” (II Mga Taga Corinto 7:10).

Ang kalumbayang mula sa Diyos ay nagbubunga ng tunay na pagsisisi, na nagdadala sa kaligtasan kay Kristo. Ang salita na isinaling “pagsisisi” sa II Mga Taga Corinto 7:10 ay iba mula sa salita sa Mateo 27:3, kung saan si Hudas ay “nagsisi.” Ang Griyegong salita sa II Mga Taga Corinto 7:10 ay isang uri ng “metanoia” – na nangangahulugang “pagbabago ng isipan” (isinalin mula kay Vine). Gaya ng dati kong Tsinong pastor na si Dr. Timothy Lin (1911-2009), na isang iskolar ng Hebreo at Griyego, ay madalas na nagsabing, “Ito’y isang bagong ‘nous,’ isang bagong isipan.” Ito’y isang masusing pagbabago ng puso at isipan ng ang Diyos lamang ang nakalilikha. Sinabi ni Dr. George Ricker Berry (1865-1945) na ang “metanoia” ay isang mas “marangal na salita [kaysa sa simpleng metamelomai], ang karaniwang pananalita para sa masusing pagsisisi” (isinalin mula sa Greek-English New Testament Lexicon). Tinawag ito ng Puritanong may-akda na si Richard Baxter (1615-1691) na “isang pagbabago ng minamahal.”

“Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay”
       (II Mga Taga Corinto 7:10).

Kalumbayang mula sa Diyos ay nililikha ng Banal na Espiritu, na pagkatapos ay lumilikha ng pagsisisi, isang bagong isipan, na nagdadala sa kaligtasan kay Kristo.

Naranasan lamang ni Hudas ang huwad na pagsisisi ng pagkakaramdam ng kalungkutan dahil sa pagkakahuli. “Pagkakitang siya'y nahatulan na, [siya] ay nagsisi.” Sa tinggin ko ibinibigay ng Bibliya ni King James ang diwa nito. Siya’y “nagsisi [sa kanyang sarili].” Hindi ito nilikha ng Diyos. Ito’y wagas na makataong kalumbayan, hindi “kalumbayang mula sa Dios [na] gumagawa ng pagsisisi.’’ Hindi ito “kalumbayang mula sa Dios” na lumilikha ng isang tunay na pagbabago ng isipan – isa lamang pagsisisi ng sarili! Ang “kalumbayang ayon sa sanglibutan [lamang na] ikamamatay.” Kaya siya’y “umalis; at siya'y yumaon at nagbigti” (Mateo 27:5).

Naniniwala ako na si Cain at Esau ay mga tipo (o larawan) ni Hudas, na tinawag ni Kristong, “ang anak ng kapahamakan” (Juan 17:12). Tulad ni Hudas, na may pananagutan sa kamatayan ni Kristo, “nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, at siya'y kaniyang pinatay” (Genesis 4:8). Sinasabi ng tala sa Scofield kay Cain, “Si Cain…ay isang tipo ng simpleng tao ng lupa…salat sa kahit anong sapat na pag-iisip ng kasalanan, o pangangailangan ng pagbabayad” (isinalin mula sa The Scofield Study Bible; tala sa Genesis 4:1). Si Cain ay hindi kailan man nagkaroon ng kahit anong “kalumbayang mula sa Dios,” at walang “pagsisisi sa ikaliligtas.” Nakadama lamang siya ng awa sa kanyang sarili. Sinabi ni Cain, “Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko” (Genesis 4:13). Awa sa sarili! Iyan lamang ang kanyang naramdaman. Naramdaman lamang niya ang “kalumbayan ayon sa sanglibutan.” Ito’y wala nang mas higit pa kaysa kalumbayan dahil sa pagkakahuli. Nagdala ito sa pagkaawa sa sarili, at wala nang mas higit pa. Iniwan nito si Cain sa isang walang pag-asang kalagayan.

Si Esau ay isa pang tipo (o larawan) ni Hudas. Isinanla ni Esau ang kanyang karapatan ng unang isinilang para sa isang mangkok ng nilaga, tulad ng tatlom pung piraso ng pilak na natanggap ni Hudas dahil sa pagkakanulo kay Kristo. Sinasabi ng tala sa Scofield, “Si Esau ay sumasagisag para sa simpleng tao ng lupa” (Isinalin mula sa ibid., tala sa Genesis 25:25). Maya maya, noong natagpuan ni Esau na nawala niya ang pagpapala, siya’y “humiyaw ng malakas at ng di kawasang kapanglawan: at sinabi sa kaniyang ama. Basbasan mo ako, ako naman, Oh ama ko” (Genesis 27:34). Si Esau, tulad ni Cain at Hudas, ay napuno ng “kalumbayan ng sanglibutan.” Hindi niya kailan man naramdaman ang “kalumbayang mula sa Dios [na] gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas.” Naramdaman lamang niya ang pagka-awa sa sarili at pagkahinayang, tulad ni Hudas. Gayun din, tulad ni Hudas, sinabi ni Esau, “Kung magkagayo'y papatayin ko si Jacob na aking kapatid” (Genesis 27:41). Ang Aklat ng Hebreo ay tumatawag kay Esau na “mapaglapastangan…isang pinggang pagkain ay ipinagbili ang kaniyang sariling pagkapanganay. Sapagka't nalalaman ninyo na bagama't pagkatapos ay ninanasa niyang magmana ng pagpapala, siya'y itinakuwil; sapagka't wala na siyang nasumpungang pagkakataon ng pagsisisi sa kaniyang ama, bagama't pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha” (Hebreo 12:16-17). Hindi niya kailan man natagpuan ang tunay na “pagsisisi…bagama’t pinagsisikapan niyang mapilit na lumuluha.”

Umaasa ako na hindi ka tulad ni Cain, Esau at Hudas. Nananalangin ako na ika’y mapunta sa ilalim ng matinding pagkakahatol ng kasalanan mula sa Espiritu ng Diyos. Panalangin ko na hindi ka magiging tulad ni Cain, isang “simpleng tao ng lupa…salat ng kahit anong sapat na kaisipan ng kasalanan, o pangangailangan ng pagbabayad.” Panalangin ko na hindi ka maging tulad ni Esau, isang mapaglapastangang tao. Panalangin ko na hindi mo itatapon ang iyong kaluluwa para sa mga bagay ng sanglibutan. Panalangin ko na hindi ka maging tulad ni Hudas, na ipinagkanulo si Kristo para sa simpleng tatlom pung piraso ng pilak! Sinabi ni Kristo,

“Ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay?”
       (Marcos 8:36).

O magpunta ka palayo mula sa sanglibutan, at sa mga kasalanan nito at mga huwad na kayamanan nito! Magpunta papalayo mula sa kasalanan, at magpunta kay Kristo. Habang ang Espiritu ng Diyos ay tumatawag sa iyo, at ang iyong puso’y makaramdam ng bigat at karga ng iyong kasalanan, magpunta kay Hesus at mahugasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo! Magpunta kay Hesus bago ito maging huli magpakailan man!

Tapos napakalungkot na pagkaharap sa paghahatol, matatandaan mo na walang awa
   Na ipinagpalunay at pinatagal mo hanggang sa ang Espiritu’y wala na;
Anong pagsisisi at pagluluksa, kung kapag ang mahanap ka ng kamatayan na walang pag-asa,
   Iyong ipinagpalunay at pinatagal at naghintay ng masyadong mahaba!
(“Kung Ipatatagal Mong Masyado.” Isinalin mula sa
     “If You Linger Too Long,” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Isang binata minsan ay nagsabi sa aking kawaning si Dr. Cagan, “Sa ganitong antas hindi ako kailan man magiging Kristiyano.” Lubos na totoo! Ang lahat ng iyong pagkakatuto at panalangin at mabubuting gawain ay hindi makatutulong hangga’t ika’y madala sa malalim na pagkakahatol ng kasalanan, at tumgingin kay Hesus. Gaya ng sinabi ng isang babae, “Ako’y naging lubos na nasuklam sa aking sarili.” Iyan ay “kalumbayang mula sa Dios [na] gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas.” Hindi nagtagal pagkatapos niyang maramdamang “nasusuklam” sa kanyang kasalanan, ang babaeng iyon ay nadala kay Kristo at napagbagong loob. Naway ang Espiritu ng Diyos ay gawin kang “lubos na nasusuklam” sa iyong sarili, “upang matikom ang bawa't bibig, at [ika’y] mapasa ilalim ng hatol ng Dios” (Mga Taga Roma 3:19). Naway i-ugnay ka ng Espiritu ng Diyos kay Hesus para sa kaligtasan mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mateo 27:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kung Ipatatagal Mong Masyado.” Isinalin mula sa
“If You Linger Too Long” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).


ANG BALANGKAS NG

ANG HUWAD NA PAGSISISI NI HUDAS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Nang magkagayo'y si Judas, na nagkanulo sa kaniya, pagkakitang siya'y nahatulan na, ay nagsisi, at isinauli ang tatlongpung putol na pilak sa mga pangulong saserdote at sa matatanda” (Mateo 27:3).

(Mateo 27:1-2)

I.   Una, nakamit na ni Hudas ang di-mapapatawad na kasalanan,
Mateo 12:31-32.

II.  Pangalawa, ang “pagsisisi” ni Hudas ay “pagsisisi ng sanglibutan”
lamang, II Mga Taga Corinto 7:10; Mateo 27:5; Juan 17:12;
Genesis 4:8, 13; Genesis 27:34, 41; Hebreo 12:16-17;
Marcos 8:36; Mga Taga Roma 3:19.