Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG SABING ITO AY NALINGID SA KANILA

THIS SAYING WAS HID FROM THEM

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon Ika-27 ng Marso taon 2011

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34).


Ito ang pangatlong beses, sa Ebanghelyo ni Lucas, na sinabihan ni Hesus ang labin dalawang Disipolo na Siya’y mamamatay (Lucas 9:22; 9:44). Sa Lucas 18:31-33, ginawa itong napaka simple ni Hesus, noong sinabi Niya,

“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya”
     (Lucas 18:31-33).

Paano ito magiging mas malinaw pa? Gayon man, “Wala silang pagunawa sa mga bagay na ito, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34). Sinasabi ng Marcos 9:32, “Hindi nila naunawa ang sabing ito.” Ibinigay ni Dr. A. T. Robertson ang komentong ito sa Marcos 9:32, “Nagpatuloy silang hindi nakapagunawa” Sila’y mga agnostiko [mga di nananamaplataya] sa paksa ng kamatayan [ni Kristo] at muling pagkabuhay” (isinalin mula kay A. T. Robertson, Litt.D., Word Pictures in the New Testament, Broadman Press, 1930, kabuuan I, p. 344; sulat sa Marcos 9:32).

Ang Ebanghelyo ni Kristo ay binanggit ng madali at payak sa pamamagitan ng Apostol Pablo,

“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan”
       (I Mga Taga Corinto 15:3-4).

Gayon man, sa panahong ito, hindi naunawaan ng labin dalawang mga Disipolo ang Ebanghelyo.

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34).

Gaya ng sinabi ni Dr. Robertson, “Sila’y mga agnostiko [mga di nanampalataya] sa paksa ng pagkamatay at pagkabuhay muli [ni Kristo]” (isinalin ibid.). Hindi pa pinaniniwalaan ng mga Disipolo ang Ebanghelyo! Nagkukumento sa Marcos 9:30-32, sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Hindi ito ang unang beses na Kanyang iminungkahi ang Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay sa kanila, at hindi pa rin nila naunawaan” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 201; sulat sa Marcos 9:30-32).

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34).

Tatlong mga salita sa teksto ang nagsasabi sa atin ng kanilang di paniniwala sa Ebanghelyo.

I. Una, hindi nila naunawaan ang Ebanghelyo.

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito.” Ang Griyegong salitang “naunawa” ay nangangahulugang “upang maunawaan sa pag-iisip” (Isinalin mula kay Strong). Kahit na si Kristo ay nagsalita malinaw at literal, hindi nagawang nakuha ng mga Disipolo ang kahulugan ng sinabi Niya. Sinasabi ng teksto, “Wala silang napagunawa sa mga bagay na ito.” Sinabi ni Mathew Poole, “Ang mga salita ay madaling sapat na maintindihan” (isinulat mula sa A Commentary on the Whole Bible, The Banner of Truth Trust, 1990 inilimbag muli, kabuuan 3, p. 258; sulat sa Lucas 18:34), gayon man wala silang napagunawa sa mga bagay na ito! Hindi naintindihan ng mga Disipolo na si Kristo ay “ibibigay […] sa mga Gentil.” Hindi nila naintindihan na Siya’y “aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan.” Hindi nila naintindihan na siya’y “papatayin” sa isang krus. Hindi nila naintindihan na Siya’y muling magbabangayon mula sa pagkamatay “sa ikatlong araw.” Gaya ng pagkasabi sa atin sa Ebanghelyo ni Marcos,

“Ang Anak ng tao sa mga kamay ng mga tao, at siya'y papatayin nila; at pagkapatay sa kaniya, ay siyang magbabangong muli pagkaraan ng ikatlong araw. Nguni't hindi nila naunawa ang sabing ito, at nangatakot silang magsipagtanong sa kaniya” (Marcos 9:31-32).

Ang makataong sagot sa kanilang kamangmangan ay ipinaliwanag ni William MacDonald,

Ang kanilang mga isipan ay punong lubos ng mga kaisipan ng isang temporal na tagapagligtas na magliligtas sa kanila mula sa Roma, at itayo ang kaharian agad-agad, na tinanggihan nilang isaalang-alang ang iba pang programa (isinalin mula kay William MacDonald, Believer’s Bible Commentary, Thomas Nelson Publishers, 1989 edition, p. 1440; sulat sa Lucas 18:34).

Ang kanilang isipan ay kumikiling laban sa paniniwala sa pagdurusa ng Mesiyas (Mesiya’s Ben Jose) dahil karamihan ng mga Hudyo ng araw na iyon ay naghahanap ng isang Mesiyas na magpapalaya sa kanila mula sa Roma (Mesiyas Ben David). Hindi nila naisip na ang dalawang mga Mesiyas ay iisa. Tignan ang aking sermon, “Ang Takot ng mga Disipolo” – i-klik ito upang basahin ito. Ngunit mayroong isa pang dahilan para sa kanilang kamangmangan ng Ebanghelyo.

II. Pangalawa, ang Ebanghelyo ay nalingid sa kanila.

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila…” (Lucas 18:34).

Ang salitang “nalingid” ay naisalin mula sa Griyegong salita na nangangahulugang “nakatago, nakakubli” (Isinalin mula kay Strong). Ito’y parehong Griyegong salita na mahahanap sa Juan 8:59 na nagsasabing, “nagtago si Hesus.” Kaya, sa ating teksto, “Ang sabing ito ay nalingid sa kanila.” Mayroong kahima-himalang elemento na kasangkot sa ating teksto, “At ang sabing ito ay nalingid sa kanila.” Nagsasalita tungkol sa mga salitang iyon sa Lucas 18:34, ang kumentaryo ni Dr. Frank Gaebelein ay nagsasabing, “Ipinagdurugtong ni Lucas ang kamangmangan ng mga disipolo sa isang tila isang kahima-himalang pagkakait ng pag-uunawa” (isinalin mula kay Frank E. Gaebelein, D.D., general editor, The Expositor’s Bible Commentary, Zondervan Publishing House, 1984 edisyon, kabuuan 8, p. 1005; sulat sa Lucas 18:34). Iyan ang ganap na iniisip kong ibig sabihin ng teksto. Ito’y isang kahimala-himalang pagkakait ng pag-uunawa. “At ang sabing ito [ang Ebanghelyo] ay nalingid sa kanila.”

Ngayon makikita natin na ang mga Disipolo ay hindi mga dakilang mga santo sa panahong ito. Sila’y mga tao lamang. Bilang mga tao, sila’y tulad nating lahat, mga anak ni Adam. Gayon, sila’y kasing “patay dahil sa […] mga pagsalangsang at mga kasalanan” gaya ko, bago ako naligtas; at gaya pa rin ng ilan sa inyo (Mga Taga Efeso 2:1, 5). Gaya ng mga anak ni Adam, ang kanilang mga umaayon sa lamang kaisipan ay “pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Gaya ng mga anak ni Adam sila’y mga natural na tao lamang, at “ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios” (I Mga Taga Corinto 2:14). Gaya ng mga anak ni Adam, “ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak” (I Mga Taga Corinto 1:18). Kasing totoo ng sinabi ni Kristo kay Nicodemus, “Kinakailangan ngang kayo'y ipanganak na muli” (Juan 3:7), kaya ang mga Disipolo’y “[kinailangang] ipanganak na muli.” Hindi sila maaring maipanganak muli sa pamamagitan ng paglisan ng kanilang hanapbuhay at pagsusunod kay Kristo. Ang mga ito’y magiging kaligtasan sa pamamagitan ng gawa! Ganyan ipagkahulugan ito ng mga Romanong Katoliko! Ngunit naniniwala kami sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, kaya hindi sila maaring maligtas sa pamamagitan ng pagsunod sa Kanya!

“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Mga Taga Efeso 2:8-9).

Si Hudas ay isa sa mga labin dalawang mga Disipolo. Siya ba’y naipanganak muli? Sinabi ni Kristo na siya’y “nawawala,” at tinawag siyang “anak ng kapahamakan” (Juan 17:12). Si Tomas ba’y naipanganak muli” Pagkatapos ng muling pagkabuhay, matatag na sinabi ni Tomas, “hindi ako sasampalataya” (Juan 20:25). Alam ko na si Pedro ay nagkaroon ng isang iluminasyon mula sa Diyos (Mateo 16:17) ngunit ilang minuto lang pagkatapos kanyang sinumbatan si Hesus dahil sa pagsasabi sa kanilang Siya’y “[papatayin], at muling ibangon sa ikatlong araw” (Mateo 16:23), at sinabi ni Hesus “Lumagay ka sa likuran ko, Satanas: ikaw ay tisod sa akin: sapagka't hindi mo pinagiisip ang mga bagay ng Dios, kundi ang mga bagay ng tao” (Mateo 16:23). Malinaw na tinanggihan ni Pedro ang Ebanghelyo, at naimpluwensiyahan ni Satanas upang tanggihan ang pagpapako sa krus at ang muling pagkabuhay ni Kristo.

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito [ng Ebanghelyo] ay nalingid sa kanila…” (Lucas 18:34).

Sinabi ni Apostol Pablo,

“Na binulag ng dios ng sanglibutang ito [si Satanas] ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya …”
       (II Mga Taga Corinto 4:3-4).

Oo, mayroong isang “kahima-himalang” pagbubulag, isang Satanikong pagbubulag ng mga Disipolo, gayun din ng pagkabulag ng Ebanghelyo mula sa kanilang sariling laman, Adamikong katutubuan. Sinabi ni Hesus, “Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3). Kanino Niya sinabi ito? Sinabi Niya ito “sa mga alagad” (Mateo 18:1). Magsitayo at basahin ang Mateo 18:1-3,

“Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit? At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila, At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:1-3).

Maari nang magsiupo. Gustong malaman ng mga Disipolo kung sino sa kanila ang pinakadakila sa kaharian ng langit (Mateo 18:1). Sinabi ni Hesus sa mga Disipolo, “Malibang kayo’y magsipanumbalik…hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito [ng Ebanghelyo] ay nalingid sa kanila…” (Lucas 18:34).

III. Pangatlo, hindi nila alam ang Ebanghelyo ayon sa karanasan.

Ang katapusan ng ating teksto ay nagsasabing, “at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34). Ang Griyegong salitang “napagtalastas” ay nanganghulugang “maging nakababatid, maging tiyak, nakamamalay ng karanasan” (isinalin mula kay George Ricker Berry, A Greek-English Lexicon of New Testament Synonyms, naka-alituntunin kay Strong, bilang 1097). Ang parehong salita ay ginamit sa Mga Taga Filipo 3:10, “pang makilala ko siya, at ang kapangyarihan ng kaniyang pagkabuhay na maguli, at ang pakikisama ng kaniyang mga kahirapan…” Hindi alam ng mga Disipolo ang Ebanghelyo ayon sa karanasan. Narinig nila ang mga salita, ngunit hindi pa nararanasan ang katotohanan ng Ebanghelyo. Ngayon tayo na’t magsitayo at basahin ang buong sipi ng malakas muli. Ito’y Lucas 18:31-34.

“At isinama niya ng bukod ang labingdalawa, at sa kanila'y sinabi, Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya. At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi”
     (Lucas 18:31-34).

Maari nang magsiupo.

Nakikita mo na ba ito ngayon? “wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas [ayon sa karanasan] ang sinabi.”

Pakinggan ang testimono ni C. H. Spurgeon. Siya ay pinalaki sa isang tahanan ng isang mangangaral ng Ebanghelyong pastor – ang kanyang sariling ama. Ginugol niya ang kanyang mga panahon ng tag-init sa tahanan ng kanyang lolo, na siya rin ay isang mangangaral ng Ebanghelyo. Narinig niya ang Ebanghelyong ipinangaral bawat Linggo, sa kanyang buong buhay. Gayon man siya ay napagbagong loob gaya ng mga Disipolo bago ng muling pagkabuhay. Sinabi ni Spurgeon,

Narinig ko ang plano ng kaligtasan sa pamamagitan ng sakripisyo ni Hesus mula sa aking pagkabata pataas, ngunit wala na akong alam tungkol rito sa aking pinaka loob na kaluluwa kay sa kung ako’y naipanganak [sa isang paganong lupain]. Dumating ito sa akin na isang bagong pagbubunyag, kasing sariwa na para bang hindi ko pa kailan man nabasa ang mga Kasulatan…[tapos] naintindihan at nakita ko sa pamamagitan ng pananampalataya na Siyang Anak ng Diyos ay naging tao at, sa Kanyang sariling pinagpalag tauhan, ay nagdala ng aking mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan sa puno [sa Krus]…Iyan ba’y nakita mo kailan man? (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, How Can a Just God Justify Guilty Man?, Chapel Library, Pensacola, Florida).

Alam ni Spurgeon ang tungkol kay Kristo. Narinig na niya ang plano ng kaligtasan. Ngunit “wala [siyang] napagunawa sa mga bagay na ito: at ang sabing ito [ng Ebanghelyo] ay nalingid sa [kanya], at hindi [niya] napagtalastas [sa pamamagitan ng karanasan] ang sinabi.” Ang Ebanghelyo ay dumating sa kanya ng biglaan, nang mayroong uri ng puwersa, na sinabi niya, “Dumating ito sa akin na isang bagong pagbubunyag, kasing sariwa na para bang hindi ko pa kailan man nabasa ang mga Kasulatan.”

Iyan ay tunay na pagbabagong loob – kapag ang iyong kaluluwa ay magawang maramdaman ang bigat ng iyong kasalanan – at ika’y madala sa bumangong si Kristo. Mayroong nagsabi sa akin, “Saan itinuturo ng Bibliya na ang mga Disipolo ay napagbagong loob sa pamamagitan na pagkakatagpo sa bumangong Kristo?” Ang sagot ay simple – sa katapusan ng lahat ng apat na Ebanghelyo – sa Mateo 28; sa Marcos 16; sa Lucas 24 (lalong-lalo nang malinaw rito, sa mga berso 36-45); at sa Juan 20:19-22. Si Dr. J. Vernon McGee, ang pinaka tanyag sa Amerikang mangangaral ng Bibliya, ay nagsabi sa Juan 20:22, “Personal kong pinaniniwalaan na sa sandaling ang ating Panginoon ay huminga sa kanila, at nagsabing, ‘Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo,’ ang mga kalalakihang ito ay napagbagong buhay [naipanganak muli]. Bago nito, hindi pa sila pinaninirahan ng Espiritu ng Diyos” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, kabuuan IV, p. 498; sulat sa Juan 20:21). Maari ninyong marinig si Dr. McGee sa Internet sa www.thruthebible.org.

Ngayon ito ay ang ating panalangin na ika’y mahatulan ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, at na ang Espiritu ng Diyos ay magbukas ng iyong puso, at dalhin ka kay Hesu-Kristo, ang bumangong Anak ng Diyos, para sa paglilinis mula sa kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Amen.

Ang bawat isa sa mga programa ni Dr. McGee ay nagtatapos sa himnong, “Binayaran Lahat Ito ni Hesus.” Ito’y bilang pito sa inyong papel. Magsitayo at kantahin ito.

Naririnig ko ang tinig ng Tagapagligtas na nagsasabing,
   “Ang iyong lakas ay tunay na maliit,
Anak ng kahinaan, manood at manalangin,
   Hanapin sa akin ang iyong lahat lahat.”
Binayaran ito lahat ni Hesus,
   sa Kanya lahat ay utang ko;
Nag-iwan ang kasalanan ng pulang mantsa,
   hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.

Panginoon, ngayon tunay na aking nahanap
   ang Iyong kapangyarihan, at Iyo lamang,
Ang makababago ng mga mantsa ng leproso,
   At tunawin ang puso ng bato.
Binayaran ito lahat ni Hesus,
   sa Kanya lahat ay utang ko;
Nag-iwan ang kasalanan ng pulang mantsa,
   hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.

Dahil wala akong kabutihan na
   Iyong biyaya’y maa-angkin –
Huhugasan ko ang aking mga barong maputi
   Sa dugo ng Kordero ng Kalbaryo.
Binayaran ito lahat ni Hesus,
   sa Kanya lahat ay utang ko;
Nag-iwan ang kasalanan ng pulang mantsa,
   hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.

At kapag, sa harap ng trono,
   tatayo ako sa Kanyang ganap,
“Namatay si Hesus upang aking kaluluwa’y maligtas,”
   Uulitin pa rin ng aking mga labi.
Binayaran ito lahat ni Hesus,
   sa Kanya lahat ay utang ko;
Nag-iwan ang kasalanan ng pulang mantsa,
   hinugasan Niya itong kasing puti ng niyebe.
(“Binayaran Lahat ni Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus Paid It All”
     ni Elvina M. Hall, 1820-1889).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog”.

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here)
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 18:31-34.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Buksan Ang Aking Mga Mata.” Isinalin mula sa
“Open My Eyes” (ni Clara H. Scott, 1841-1897).


ANG BALANGKAS NG

ANG SABING ITO AY NALINGID SA KANILA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito; at ang sabing ito ay nalingid sa kanila, at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34).

(Lucas 18:31-33; Marcos 9:32; I Mga Taga Corinto 15:3-4)

I.   Una, hindi nila naunawaan ang Ebanghelyo, Lucas 18:34a;
Marcos 9:31-32.

II.  Pangalawa, ang Ebanghelyo ay nalingid sa kanila, Lucas 18:34b;
Juan 8:59; Mga Taga Efeso 2:1, 5; Mga Taga Roma 8:7;
I Mga Taga Corinto 2:14; 1:18; Juan 3:7; Mga Taga Efeso 2:8-9;
Juan 17:12; 20:25; Mateo 16:17; Mateo 16:21-22, 23;
II Mga Taga Corinto 4:3-4; Mateo 18:1-3.

III. Pangatlo, hindi nila alam ang Ebanghelyo ayon sa karanasan,
Lucas 18:34c; Mga Taga Filipo 3:10.