Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANTINOMIYANISMO SA ITALIA

ANTINOMIANISM IN ITALY
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Setyembre taon 2013

“Ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mga Taga Corinto 5:17).

“Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo” (Judas 4).


Noong isang araw nakatanggap ako ng isang email mu.a sa babaeng nagsasalin ng aking mga sermon sa Italiano. Sinabi niya sa akin na binasa niya ang isa sa aking mga sermon sa ilang mga “mananampalataya” sa Italia. Ngunit natagpuan ko na hindi talaga sila mga “mananamapalataya” sa diwang Biblikal na salita! Ang salitang mga “mananampalataya” ay sa aking pag-iisip, ay masyadong ginagamit at minsan nakalilito. Ito’y totoo na ang mga “mananampalataya” ay tinukoy ng dalawang beses sa Bagong Tipan sa (Mga Gawa 5:14; I Ni Timoteo 4:12), ngunit ang salita ay maling nagagamit ngayon. Ito’y madalas na ginagamit doon sa mga mayroon “nasa isip” na paniniwala sa Bibliya, na walang pagtatagpo kay Kristo sa tunay na pagbabagong loob. Ang mga ganong mga tao ay inilarawan “na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:5). Sila’y “na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7). At ang mga “gayon din naman ang mga ito'y nagsisilaban sa katotohanan; mga taong masasama ang pagiisip, mga itinakuwil tungkol sa pananampalataya” (II Ni Timoteo 3:8). Ang mga bersong iyan ay naglalarawan ng mga tinatawag na mga “mananampalataya” na nagtatanggi na ang pagbabagong loob ay nagbabago ng direksyon ng buhay ng isang napagbagong loob. Sinasabi nila na ang mga tao ay nabubuhay sa patuloy na kasalanan at maging mga Kristiyano, dahil pinaniniwalaan nila ang ilsang mga berso sa Bibliya. Sa kanila, paniniwala sa isang berso ng Bibliya ay nagliligtas sa kanila, na walang pagtatagpo sa Panginoong Hesu-Kristo Mismo. Ang unang teksto ay nagsasabi, “Ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mga Taga Corinto 5:17). Ito ay ang matinding erehiya na kilala bilang “Sandemaniyanismo.”

At saka, ang mga tinatawag na mga “mananamplalatayang” ito ay nag-iisip na ito’y normal para sa isang Kristiyano na magpatuloy sa pamumuhay sa kasalanan. Kung gayon kanilang “na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo” (Judas 4). Iyan ang pangalawang teyolohikal na pagkakamali na tinatawag na “antinomiyanismo.” Sa isang kamakailan lang na sermon sa Mapaglustay na Anak sinabi ko,

Ilang taon noon isang babae na namuno ng isang bahay para sa mga babaeng mababa ang lipad dito sa Los Angeles ay nagsabi na siya’y “naligtas muling Kristiyano.” Isang ebanghelikal na pinuno ang nagsabi sa akin, “Huwag mo siyang husgahan.” Anong kaululan! Ang nakalilitong uri ng ebanghelikalismo ay tinatawag na “antinomiyanismo,” at lumalabas ito mula sa paniniwala na ang isang tao ay mabubuhay sa isang bahay ng baboy ng kasalanan at maging isang anak ng Diyos sa parehong beses. (Isinalin mula kay R. L. Hymers, Jr., Th.D., “Maling Pagkahulugan ng Mapaglustay na Anak” [“Misinterpreting the Prodigal Son],” Ika-25 ng Agosto, 2013).

Kung gayon, ang antinomiyanismo ay nagpapalit “ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios” (iyan ay “kahalayan, kasagawaan, walang hiyang asal” – isinalin mula kay W. E. Vine). Ang Griyegong salitang isinalin na “kalibugan” ay nagpapakita rin sa Mga Taga Galacias 5:19, kasama ng ibang mga salitang “ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios” (Mga Taga Galacias 5:21). Ang buong pasahe ay nagsasabi,

“At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan, Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya, Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios” (Mga Taga Galacas 5:19-21).

Hindi ko alam kung ano pang lilinaw! “Ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.” Gayon man sinasabi ng antinomiyanismo na sila ay magmamana ng Kaharian! Anong kalokohan! Sa Mga Taga Efeso 4:17-19, ang Griyegong salitang isinalin na “kalibugan” ay ibinigay upang ilarawan ang mga di ligtas. Ano pang mas lilinaw? At gayon man mga makabagong ebanghelikal na mga antinomiyan ay nagpapatuloy na “na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios” (Judas 4). Ang erehyang ito ay hindi limitado sa Italia. Hindi sa anomang paraan! Ito’y napaka laganap rito sa Amerika ngayon na halog bawat nawawalang taong iyon makatagpo ay nag-iisip na sila’y ligtas, kahit na sila’y nabubuhay sa kinagawiang kasalanan. Sa katunayan ang antinomiyanismo ay sumisira sa Kristiyanismo sa Amerka!

Sinasabi ni Judas kanilang “pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo.” Ikinakait nila ang Pagkapanginoon ng Ama, at kanilang ikinakait ang Pagkapanginoon ni Kristo. Madalas nilang gawin ito sa pamamagitan ng paghihiwalay kay Kristo bilang Tagapagligtas mula kay Kristo bilang Panginoon. Sinabi ng ating Italianong tagasalin, “Sa Italia maraming mga ebanghelikal na mga tao na nagsasabi na si Hesus ay maaring maging iyong Tagapagligtas, ngunit hindi kailangang Panginoon.” Nagbigay si Dr. A. W. Tozer ng isang malakas na salaysay laban sa huwad na doktrina. Tanyag niyang sinabi,

      Ang bantog na erehya ay dumating sa buong ebanghelikal na Kristiyanong grupo – ang malawaang tinatanggap na konsepto na tayong mga tao ay maaring pumiling tanggapin si Kristo lamang dahil kailangn natin Siya bilang Tagapagligtas at mayroon tayong karapatan upang ipagpaliban ang ating pagsunod sa Kanya bilang Panginoon hanggang sa gusto natin!...
      Anong traheday na sa ating panahon madalas nating marinig ang apela ng ebanghelyong ginawa sa ganitong uri ng batayan: “Magpunta kay Hesus! Hindi mo kailangang sundin ang kahit sino. Hindi mo kailangang baguhin ang kahit ano. Hindi mo kailangang isuko ang kahit ano – magpunta lamang sa Kanya at maniwala sa Kanya bilang Tagapaglitas!”
      Kaya sila’y nagpupunta at naniniwala sa Tagapagligtas. Maya maya, sa isang pagpupulong o panayam, kanilang maririnig ang isa pang apela: “Ngayon kailangan mo Siyang tanggapin bilang Tagapagligtas, magustuhan mo kaya Siyang makuha bilang Panginoon?”
      Ang katunayan na naririnig natin ito sa lahat ng lugar ay hindi gumagawa ritong tama. Ang himukin ang mga kalalakihan at kababaihan na maniwala sa isang nahiwalay na Kristo ay isang masamang pagtuturo dahil walang makatatanggap ng kalahating Kristo… Kapag ang isang tao ay manampalataya kay Hesu-Kristo dapat siyang mananampalataya sa buong Panginong Hesu-Kristo – hindi gumagawa ng kahit anong reserbasyon! Ako’y nasisiyahan na ito’y maling tumingin kay Hesus bilang isang uri ng banal na nars na mapupuntahan natin kapag ang ginagawa tayong may sakit ng kasalanan, at pagtapos na Kanya tayong tinulungan ay nagsasabing “Paalam” -- at nagpapatuloy sa sarili nating daan…
      Hindi tayo nagpupunta sa Kanya bilang isang, na namimili ng kasangkapan para sa kanyang bahay at nagdedeklarang: “Kukunin ko ang mesang ito ngunit hindi ko gusto ang upuang iyan” – ihinihiwalay ito! Hindi senore! Ito’y buong si Kristo o wala!
      Naniniwala ako na kailangan nating mangaral muli’t muli ng isang buong Kristo sa mundo – isang Kristo na hindi kailangan ang iyong paghingi ng tawad, isang Kristo na hindi mahihiwalay, isang Kristo na maging isang Panginoon ng lahat o hind imaging Panginoon sa anomang paraan!
      Binabalaan kita – hindi ka makakukuha ng tulong sa Kanya sa ganyang paraan dahil hindi ililigtas ng Pangingoon iyong hindi Niya mautusan! Hindi niya hahatiin ang Kanyang mga opisina. Hindi ka maaring maniwala sa isang kalahating Kristo. Kinukuha natin Siya para sa kung ano Siya – isang binasbasang Tagapagligtas at Panginoon na Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon! Hindi Siya maging kung sino Siya kung iniligtas Niya tayo at tinawag tayo at pinili tayo na hindi naiintindihan na Kanya ring magagabayan at mapamamahalaan ang ating mga buhay…
      Maari kaya ito na naiisip talaga natin na hidni tayo nagkakautang kay Hesu-Kristo ng ating pagkamasunurin? Pinagkakautangan natin Siya ng ating pagkamasunurin simula ng segundong tayo’y sumigaw sa Kanya para sa kaligtasan, at kung [ikaw] ay di magbibigay sa Kanya ng pagkamausuring iyon, mayroon akong dahilan upang pagkatakahan kung [ika’y tunay na napagbagong loob!
      Nakakikita ako ng mga bagay at nakaririnig ng mga bagay na ginagawa ng mga Kristiyanong mga tao at habang akin silang pinanood…itinataas ko ang tanong kung sila’y tunay na napagbagong loob…
      Naniniwala ako na ito’y bunga ng isang maraming kamaliang pagtuturo sa simula pa lang. Naisip nila ang Panginoon bilang isang ospital at si Hesus bilang ang hepe ng mga kawani na mag-aayos ng kawawang mga makasalanan na napupunta sa gulo! “Ayusin mo ako, Panginoon,” kanilang ipinilit, “upang ako’y makapagpatuloy sa aking daan!”
      Iyan ay masamang pagtuturo…Ito’y puno ng panloloko sa sarili. Tumingin tayo kay Hesus ating Panginoon, mataas, banal, nagsusuot ng korono, Panginoong ng mga Panginoon at Hari ng lahat, nagkakaroon ng ganap na karapatan upang mag-utos ng punong pagkasunod mula sa lahat ng Kanyang mga ligtas na tao!...
      Hinahangad ng Diyos na tayo’y tapat sa Kanya sa ibabaw ng lahat ng ibang mga bagay. Saliksikin ang mga Kasulatan, basahin ang Bagong Tipan, at kung makita mo na nagbigay ako ng butil ng katotohanan, gayon hinihimuk kita na gumawa ng isang bagay tungkol rito. Kung ika’y nadalang maniwalang di ganap sa isang nahiwalay na Tagapagligtas, magalak ka na mayroon pang panahon para sa iyong may gawin tungkol rito! (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Tinatawag Ko Itong Erehya! [I Call It Heresy!], Christian Publications, 1974 edisiyon, pp. 9-21).

Ngunit natagpuan ko na ito’y lubos na di madalang para sa isang antinomiyan na pagsisihan ang kanyang kawalan ng batas at maging tunay na mapagbagong loob. Nangangaral na ako ng lampas sa 55 na mga taon, at ako’y di kailan pa man personal na nakatagpo ng nag-iisang debotong antinomiyan na pinagsisihan itong erehyang ito at tapos ay naransan ang tunay na pagbabagong loob. Naniniwala ako na ito’y totoo dahil ang mga debotong antinomiyan ay nasa ilalim ng panghahawak ni Satanas. Ibinabatay ko iyan sa I Ni Juan 3:8, na ibibigay ko rito mula sa Inlges na Batayang Bersyon [English Standard Version], “Ang gumagawa ng kasalanan ay sa diablo…” Kung gayon tayo ay sinabihan na ang antinomiyan na gumagawa ng kasalanan ay “sa diablo” – iyan ay, sila’y sa ilalim ng panghawak ng diablo. Ang diablo ay “pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Nagsisipi ako rito mula sa sulat sa “antinomiyanismo” sa Pag-aaral na Bibliya ng Repormasyon. Sinasabi nito.

Ang ibig sabihin ng antinomiyanismo ay “labag sa batas.” Ang mga pananaw ng antinomniyan ay yong mga nagkakait na ang batas ng Diyos sa Kasulatan ay dapat direktang hawak ang buhay ng Kristiyano…hinahatak nito ang huwad na konklusyon na ang kanilang pag-uugali ay walang nagagawang pagkakaiba, basta sila’y nagpapatuloy na maniwala. Ngunit ang I Ni Juan 1:8-2:1 at 3:4-10 ay tumuturo sa ibang direksyon. Ito’y posible na maging na kay Kristo at sa parehong beses ay yakapin ang kasalanan bilang paraan ng buhay (pah. 1831).

Gayon din, ang mga antinomniyan sa Italia ay umapela sa I Mga Taga Corinto 5:1,

“Sa kasalukuya'y nababalita na sa inyo'y may pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, na isa sa inyo'y nagaari ng asawa ng kaniyang ama” (I Mga Taga Corinto 5:1).

Sinabi ng Italianong antinomiyan na “ito’y isang halimbawa ng inses sa pagitan ng mga mananampalataya.” Kaya sinabi nila na ito’y nagpapatunay na “ang mga mananampalataya ay maaring maging ayon sa laman rin.” Narinig ko na iyang uri ng walang kabuluhang iyan rito sa Amerika rin. Ngunit ipinapakita ng I Mga Taga Corinto 5:2-13 na sinabi ni Pablo sa simbahan sa Corinto na “alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao” (Mga Taga Corinto 5:13). Malinaw na sinabi sa kanila ng Apostol Pablo na alisin ang isang “masamang tao tulad niyan sa simbahan, at huwag pati kumain kasama ng ganoong uri ng tao (I Mga Taga Corinto 5:11). Ang kumentaryo rito ay ibinigay isang kapitulo maya maya, sa I Mga Taga Corinto 6:9-11,

“O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake, Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios. At ganyan ang mga ilan sa inyo: nguni't nangahugasan na kayo, nguni't binanal na kayo, nguni't inaring-ganap na kayo sa pangalan ng Panginoong Jesucristo, at sa Espiritu ng ating Dios” (I Mga Taga Corinto 6:9-11).

Nagbigay ang Apostol rito ng isang listahan ng uri ng antinomiyanismo na “hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios” (6:9). Ginagawa nitong malinaw na ang taong nagkakamit ng insestyosong “pakikiapid” ay “hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.” Sa I Mga Taga Corinto 6:9 sinasabi ng Bibliya sa atin na ang mga “mapagpakiapid” ay hindi maparoroon sa kaharian ng Diyos. Ang Apocalipsis 21:8 ay nagsasabi sa atin na ang mga sekswal na na mga imoral na mga tao tulad niyan ay maitatapon sa Lawa ng Apoy. Sila’y mapupunta sa Impiyernong apoy sa buong kawalang hanggan.

Gaya ng sinabi ko, ang antinomiyanismo ay hindi limitado sa Italia. Hindi sa anomang paraan! Ang demonikong pagtuturo na ito ay lumalaganap sa buong Kanlurang mundo, at partikular sa Amerika. Ang antinomiyanismo ay ganap na inilarawan sa ating pangalawang teksto,

“Sapagka't may ilang taong nagsipasok ng lihim, yaong mga itinalaga nang una pa sa kahatulang ito, mga di banal, na pinalitan ng kalibugan ang biyaya ng ating Dios, na itinatatuwa ang ating iisang Guro at Panginoong si Jesucristo” (Judas 4).

Sinasabi ng mga Antinomiyan na dahil tayo ay ligtas sa pamamagitan ng biyaya maari tayong magptuloy sa pamumuhay sa kasalanan. Hindi mo kailangang magsuko ng kahit ano. Hindi mo kailangang magbigay ng bahagi ng iyong nakita o managumpay ng mga kaluluwa. Hindi pa nga nila kailangang magpunta sa mga pagpupulong ng simbahan! Gaya ng sinabi nila na iyong sa ating nagpipilit sa pagka masunurin sa mga bagay na ito ay mga “legalista” o “Fariseo.” Ngunit mali ang paggamit nila sa mga salitang iyan. Ang mga legalista at mga Fariseo ay nagturo ng mga tao na ligtas sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihang gawa. Gayon man itinuturo natin na tayo’y ligtas sa pamamagitan ng biyaya lamang, at tapos ay kabutihang gawa ay lumalabas sa buhay ng isang taong tunay na ligtas. Itinuturo ng mga legalista at mga Fariseo na ang mga kabutihang gawa ay nagliligtas sa iyo. Itinuturo ng mga tunay na mga Kristiyano na biyaya lamang ang makaliligtas sa iyo, at tunay na pagbabagong loob gayon ay nagbubunga ng kabutihang gawa sa buhay ng bawat tunay na napagbagong loob. Itinuturo ng mga legalista na ang mga kabutihang gawa ay nagbubunga ng kaligtasan. Itinuturo natin na ang biyaya lamang ay nagbubunga ng kaligtasan, nagbubunga ng kabutihang gawa. Sinasabi ng mga legalista na ang mga kabutihang gawa ay nagbubunga ng kaligtasan. Sinasabi natin na ang kaligtasan ay nagbubunga ng kabutihang gawa – ang saktong kabaligtaran ng legalismo! Ngunit hindi idinidiin ng antinomiyanismo ang mabuting gawain sa anumang paraan. Hindi pa nga nila iniisip na kailangan ng mga Kristyano na sumali sa isang simbahan at magpunta sa sa mga paglilingkod kada Linggo na hindi nabibigo. Hindi pa nga nila iniisip na kailangan mong magpinta sa panalanging pagpupulong bawat linggo. Hindi nila naiisip na kailangan nilang ibigay ang bahagi ng kanilang nakikita, at magpunta at managumpay ng mga kaluluwa kada linggo. Hindi nila naiisip na kailangan mong magsuot ng mapakumbabang pananamit. Madalas silang magpunta sa simbahan na mukhang mga palaboy ng dalampasigan dahil sila’y malakas na nagrerebelde sa pagsusuot ng tamang pananamit. Noong huling linggo nakita ng aking asawa ang isang dalagang anak ng isang antinomiyang mangangaral na nakasuot ng isang sobrang ikling miniskirt sa isang libing ng isang matanda nang pastor! Kapag ang isang antinomiyang ebanghelikal ay nagpupunta sa ating simbahan binibigyan namin siya ng isang korbata upang isuot. Walang ibang tumututol. Ang mga Romanong Katoliko, mga Budista at iba, na hindi ebanghelikal, ay di kailan man tumututol. Ngunit ang antinomiyang ebanghelikal ay laging tumututol. Madalas nilang inaalis ang korbata at itinatapon ito sa sahig, o tumatangging isuot ito sa anumang paraan. Malakas silang nagrerebelde laban sa tamang pananamit! Walang sistema ng pananamit para sa kanila! Sila’y walang batas. Sila’y lahat laban sa mga batas. Sila’y mga antinomniyan! Gayon din, hindi nila naiisip na kailangan mong magsisi at iwanan ang mga napakasamang mga kasalanan. Sila’y mga antinomiyan! Sa ibang salita, iniisip ng mga antinomiyan na maari kang maipanganak muling Krisityano at hindi maranasan ang kahit anong pagbabago sa iyong buhay sa anomang paraan!

Naniniwala kami na itinuturo ng Bibliya ang – tunay na pagbabagong loob sa pamamagitan ng biyaya ay nagbubunga ng isang buhay ng kabutihang mga gawa. Ito’y malinaw na malinaw sa maraming mga Kasulatan, tulad ng klasikal na pasahe sa Mga Taga Efeso, kapitulo dalawa,

“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri . Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran” (Mga Taga Efeso 2:8-10).

“Nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa” – iyan ay malinaw at simple. Dapat itong madaling maintindihan.

Ngunit hindi tatanggapin ng antinomiyanismo ang mga Kasulatan. Sila pa nga ay makikipaglaban laban sa kanila. Sinasabi nila, “Huwag kang maghusga.” Ngunit sila ang pinaka mapaghusga sa lahat ng tao! Ilan sa mga pinaka malubhang pagsalakay na aking naranasan sa sarili kong buhay at ministro ay nanggaling mula sa malulupit na mga antinomiyan. Ang pinaka una kong sermon ay laban sa antinomiyanismo na nakita ko sa mga kabataan sa simbahan na ako ay isang miyembro sa Huntington Park, California. Ako noon ay labin pitong gulang. Dinala ako ng lider ng mga kabataan pagkatapos at sinabihan ako na huwag mangaral tulad niyan muli. Pinapaglitan niya ako, sinabi ng kanyang asistant sa mga kabataan na ako ay mali, at huwag mababalisa sa aking sermon. Ngunit ilang buwan maya maya ang direktor na ito ng mga kabataan ay kinailangang umalis mula sa simbahan noong natagpuan ng mga magulang na siya’y nakikipagtalik sa kanilang mga anak. Sa maraming taon pinanood ko ang lahat talaga sa mga kabataang aking pinangaralan sa araw na iyon na lumayo mula sa simbahan upang bumuhay ng mga masasamang buhay. Tapos sinabi ng Diyos sa aking puso, “Robert, magpatuloy ka at mangaral laban sa antinomiyanismo. Ito’y isang teribleng erehya. Huwag kang matakot. Mangaral ng mapangahas laban rito!”

Sinubukan ko iyang gawin sa buong ministro ko. Ako’y brutral na sinalakay bilang isang “legalista” ng isang antinomiyang simbahang lider sa Marin County, hilaga ng San Francisco noong ako’y nagpapastor doon. Maya maya nalantad ito na ang lalakeng ito ay nakikipagtalik sa mga kababaihan sa simbahan. Sa Westwood, sa kanlurang bahagi ng Los Angeles, isang antinomiyang “guro ng Bibliya” ay tumawag sa aking isang Fariseo at isag mapanganib ng huwad na guro. Ako’y nakikinig sa isa pang linya habang ako’y kanyang pinunit ng pira piraso sa telepono sa isang kabtaan sa aming simbahan. Noong sinabi kong, “Helo, Bill, si Dr. Hymers ito,” sumigaw siya at ibinagsak ang telepono. ANg mga kabataan sa Bibliyang klaseng ito ay naninigarilyo ng mariwana, at matapang na labag sa pagpupunta sa simbahan tuwing Linggo. Ito ang itinuro ng antinomiyang “gurong” ito sa kanila. Sa loob ng ilang taon ang kanyang buong “ministro” ay bumagasak – at nawala na. Hanggang sa pinaka araw na ito isang antinomiyang babae ang brutal na sumasalakay sa akin sa Internet, pinapangalanan akong isang legalista at isang huwad na guro. May dala dala siyang isang baril at nagsasabi na sinasabi ng baril sa kanyang, “Bumaril upang pumatay!” Iniulat na namin siya sa FBI. Ngunit natutunan ko nang matagal na na huwag lubusang magulo ng mga antinomiyang pagsalakay na ito. Ang mga pagsalakay na tulad na iyan ay nagpatuloy na laban sa mga tunay na mga Kristiyano simula noong pinatay ni Cain si Abel sa matandang mundo. Tinukoy ni Apostol Juan ang pagpatay ni Abel ng kanyang kapatid na si Cain. Tinukoy niya si “Cain, na siya'y sa masama, at pinatay ang kaniyang kapatid. At bakit niya pinatay? Sapagka't ang kaniyang mga gawa ay masasama, at ang mga gawa ng kaniyang kapatid ay matuwid. Huwag kayong mangagtaka, mga kapatid, kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan” (I Ni Juan 3:12-13).

Tinatanggihan ng antinomiyanismo ang malakas na pangangaral sa “pagsisisi sa mga patay na gawa” (Mga Hebreo 6:1). Literal na kinamuhian nila ang ganyang uri ng pangangaral – at makikipaglaban laban sa isang mangangaral na ginagawa ito. Pinugutan ng ulo ni Herod si Juan Bautista dahil as pangangaral na pagsisi mula sa kasalanan. Tumawag ang Sandhedrin para sa pagpapako sa krus ni Kristo dahil Siya’y nangaral ng pagsisisi mula sa kasalanan. Si Apostol Pablo ay “sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid” dahil sa pangangaral ng pagsisisi mula sa kasalanan (II Mga Taga Corinto 11:26; Mga Gawa 26:20, 21).

Ang mga debotong antinomiyan ay hindi napagbagong loob. Hindi sila kailan man naipanganak muli. At kanilang literal na kinamumuhian yoong mga nagsasabi sa kanila na sila’y nawawala. Si Dr. Tozer ay nagsulat tungkol sa kanilang pagkapoot sa kanyang sanaysay, “Ang Minsag Naipanganak at Dalawang Beses na Naipanganak.” Ipinakita niya mula sa Kasulatan na iyong mga di kailan man naipananak muli ay laging nilalabanan iyong mga naipanganak muli – dalawang beses naipanganak. Ipinaliliit ng antinomiyanismo, tinatakot, at sinasalakay iyong mga naranasan ang bagong pagkapanganak. Sinabi ni Dr. Tozer, “Ang makapangyarihang pagkapoot na ito laban sa dalawang beses na naipanganak ay naglilingkod lamang upang kumpirmahin ang katotohanan na kanilang itinuturo” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “Ang Minsang Naipanak at ang Dalawang Beses na Naipanganak” Ang Tao: Ang Tirahan ng Diyos [“The Once-Born and the Twice-Born,” Man: The Dwelling Place of God], Christian Publications, 1966, pahina 21).

Nakalulungkot na ito ang kalagayan. Hinahangad namin na ang mga antinomiyan ay maligtas. Madalas namin ipanalangin na sila’y mapagbagong loob. Alam nila na si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang kanilang mga kasalanan. Alam nila na siya’y buhay sa Langit. Ngunit hindi sila kailan man tunay na nagsisi, at di kailan man tunay na nagtiwala sa Kanya.

Maaring may isa rito ngayon na isang antinomiyan, kumakapit sa isang huwad na pagbabagong loob at nakikipaglaban sa iyong puso laban sa isang tunay na pagbabagong loob. O isang taong nagbabasa ng naririnig ang sermon na ito sa Internet ay maaring nakikipaglaban sa pagkakaroon na tunay na pagbabagong loob. Sa iyo sinasabi ko na may mabigat na puso, “Ika’y kumakapit sa isang patay at nabubulok na katawan na huwad na propesyon. Nawawala mo ang kapayapaan at kaligayahan ng isang tunay na pagbabagong loob. Piliin ang buhay! Piliin ang buhay! Itapon ang nabubulok, mabantot na bangkay ng isang huwad na pagbabagong loob. Tapos itapon ang iyong sarili kay Hesu-Kristo! Lilinisin ka Niya ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang sariling Dugo! Gagawin ka Niyang isang bagong nilalang na sinusundan ang Diyos dahil sa pag-ibig, imbes na nagrerebelde laban sa Kanya sa masasamang mga araw na ito.” Sinasabi ng Bibliya,

“Ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mga Taga Corinto 5:17).

Kapag ika’y magsisisi at itapon ang iyong sarili kay Hesus iyong makakanta, “Isusuko Ko ang Lahat.”

Lahat kay Hesus Aking isusuko, Lahat sa Kanya aking malayang ibibigay;
   Akin magpakailan man iibigin at pagkakatiwalaan Siya,
Sa Kanyang piling araw- araw nabubuhay.
   Isinusuko ko ang lahat, isinusuko ko ang lahat.
Lahat sa Iyo, aking pinagpalang Tagapagligtas, isinusuko ko ang lahat.

Lahat kay Hesus aking isusuko, Mapakumbaba sa Kanyang paa ako’y yuyuko,
   Makamundong mga kaligayahan lahat iiwanan.
Kunin ako Hesus, kunin ako ngayon.
   Isinusuko ko ang lahat, isinusuko ko ang lahat.
Lahat sa Iyo, aking pinagpalang Tagapagligtas, isinusuko ko ang lahat.
   (“Isusuko Ko ang Lahat.” Isinalin mula sa “I Surrender All”
      ni Judson W. Van DeVenter, 1855-1939).

Kami’y narito upang makipagusap sa iyo tungkol sa pagiging ligtas ni Hesus. Kung gusto mo kaming makausap, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan tayo’y makakapag-usap. Dr. Chan manalangin ka na may isang tumugon na magtitiwala kay Hesus ngayong gabi. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Mga Taga Efeso 2:4-10.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isusuko Ko Ang Lahat.” Isinalin mula sa “I Surrender All”
(ni Judson W. Van DeVenter, 1855-1939).