Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SANDEMANIYANISMO SANDEMANIANISM ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). |
Sa loob ng dalawang libong mga taon mayroon di pagkakasundo patungkol sa Griyegong pandiwang pag-sasaling na “saliksikin” ay nasa imperatibo o indikatibong kondisiyon. Sinasabi ba ni Hesus sa kanila na saliksikin ang mga Kasulatan, o na Kanyang inilalarawan ang katunayan na sinasaliksik sila ng mga ito? Para sa akin ito ay isang mahalang katanungan dahil hindi iyan ang pangunahing puntong ginagawa ni Krito. Sa palagay ko iyan ang dahilan na hindi ibinigay ng Banal na Espiritu ang kondisyon ng pandiwa – dahil gusto Niya tayong magbigay ng pansin sa pangalawang hati ng berso. At saka naiisip ko na inilalarawan ni Kristo ang ginagawa ng mga Fariseo. Sinasaliksik nila ang mga Kasulatan – at ginagawa itong palagi! Tiyak na hindi kinailangan ni Kristo silang saliksikin ang mga Kasulatan! Sinasabi ng kumentaryo ni Dr. Gaebelein, “Tinitigan ni la ang LT [Lumang Tipan] nagsisikap na makuha ang pinaka puspos na posibleng kahulugan mula sa mga salitang ito, dahil naniwala sila na ang pag-aaral mismo nito ay magdadala sa kanila sa buhay” (isinalin mula kay Frank E. Gaebelein, D.D., tagapatnugot, Ang Bibliyang Kumentaryo ng Tagapaliwanag [The Expositor’s Bible Commentary], Zondervan, 1981, kabuuan 9, p. 68; sulat sa Juan 5:39).
Sa pamamagitan ng di pagbibigay sa atin ng kondisyon ng pandiwang isinalin na “saliksikin” ang dinadala ng Espiritu ng Diyos ang ating pansin sa mas mahalagang punto – na inakala nila na mayroon silang walang hanggang buhay sa pamamagitan ng pag-aaral at paniniwala ng mga Kasulatan … “iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan.” Sinabi ni Mathew Henry, “Naghanap sila para sa [walang hanggang buhay] sa pamamagitan ng simpleng pag-aaral ng Kasulatan. Ito’y isang karaniwang kasabihan sa kanila, ‘Siyang mayroon ng mga salita ng batas ay mayroong walang hanggang buhay’; inakala nila na silay tiyak sa langit kung kanilang masasabi na nasaulo…ang mga ganoong uri ng pasahe ng Kasulatan gaya ng pagkaturo ng tradisyon ng mga matatanda” (isinalin mula sa Kumentaryon ni Mathew Henry sa Buong Bibliya [Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible], Hendrickson Publishers, 1996 edisyon, kabuuan 5, p. 753; sulat sa Juan 5:39).
Sila’y handang saliksikin ang mga Kasulatan at paniwalaan ang mga Kasulatan, ngunit hindi sila nakahandang magpunta kay Hesus. Kanilang ipinalit ang paniniwala sa mga berso ng Bibliya para sa pagpupunta kay Kristo! Iyan ang itinuturo ng teksto – at iyan ay napakahalagang aral talaga!
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
At dinadala tayo nito sa nakapapahamak ng kaluluwang pagkakamali ng Sandemaniyanismo, isang pag-kakamali na nagpuno sa ating mga simbahan na libo-libong mga di ligtas na mga tao na naiisip na sila’y mga Kristiyano, kung sa katunayan sila ay mga anak ng Diablo, patungo sa walang hanggang mga apoy ng Impiyerno. Ano ang Sandemaniyanismo? Ito’y isang doktrinang unang itinuro ng isang pastor Simbahan ng Scotland na nagngangalang John Glas (1695-1773), at tapos pinatanyag ng kanyang anak sa pagkakasal na si Robert Sandeman (1718-1771). Ang kanyang pangunahin pagtuturo ay – na iyong tanggapin ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Kristo sa iyong isipan, at iyan lang lahat ang kinakailangan. Upang maligtas, paniwalaan mo lamang ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Kristo. Ito’y tunay na parehas na pagkakamali gaya noon sa mga Fariseo na nagsabing, “Siyang mayroong ang mga salita [ng Bibliya] ay mayroong walang hanggang buhay.” Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Tangapin mo iyan sa iyong isipan, at iyan lang lahat ang kinakailangan…Pinangahawakan nito ang sariling malamig na hiwalay mula sa kahit anong pagpapakita ng pakiramdam sa pag-eensayo ng isang relihiyosong buhay. Ngayon iyan ang pinaka diwa ng pakasa” (isinalin mula kay Martyn Lloyd-Jones, M.D., “Sandemaniyanismo,” sa Ang mga Puritano: Ang Kanilang mga Pinanggalingan at mga Sumusunod, [“Sandemanianism,” in The Puritans: Their
Sinabi ni Rober Sandeman na ang lahat na nakaiintindi ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo, at naniniwala na ang mga pangyayari ay tunay na nangyari gaya ng pagka-ulat ng Bibliya, ay ligtas (isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., p. 174). Ngayon ang Sandemaniyanismo ay isang pangunahing pagkakamali sa ating mga simbahan. Nagpapadala ito ng milyon-milyon sa Impiyerno. Mayroong mga tao rito ngayong umaga na pinaniniwalaan ang nakamamatay na pagkakamaling ito! Kung gayon, magbigay pansin sa sermon ito, dahil maaring ika’y isa sa kanila!
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
Matututunan natin ang dalawang pangunahing mga bagay mula sa tekstong ito.
I. Una, paniniwala sa Bibliya ay hindi magliligtas sa iyo.
Ang mga Hudyong kinausap ni Kristo ay naniwala sa Bibliya. Ngunit hindi sila magpupunta kay Hesus. Mayroong ilan rito ngayong umaga na naniniwala sa Bibliya. Pinaniniwalaan mo pati kung anong sinasabi ng Bibliya tungkol kay Hesus. Naniniwala ka na Siya’y bumaba mula sa Langit. Naniniwala ka na Siya ay ipinanganak ng isang birhen. Naniniwala ka na Kanyang kinuha ang iyong mga kasalanan sa Kanya. Naniniwala ka na nagdusa Siya sa ilalim ng bigat ng iyong kasalanan sa Hardin ng Gethsemani, kung saan ang “[Kanyang] pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Naniniwala ka na Siya’y hinampas sa likuran. Naniniwala ka na ang mga makasalanan ay pinagagaling sa pamamagitan ng Kanyang mga latay. Naniniwala ka na Siya’y ipinako sa isang krus. Naniniwala ka na Kanyang binuhat ang iyong mga kasalanan doon. Naniniwala ka na Siya’y namatay upang gumawa ng buong pagbabayad para sa kasalanan sa krus. Naniniwala ka na bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay. Naniniwala ka na Siya’y pumaitaas pabalik sa Langit, sa kanang kamay ng Ama. Naniniwala ka na Siya’y nananalangin para sa mga makasalanan. Naniniwala ka na Siya’y darating muli upang tanggapin sa Kanyang sarili sa Pagdadagit. Naniniwala ka na Siya’y darating muli sa mga ulap upang maghari sa lupa ng libo-libong mga taon. Naniniwala ka pati na walang maliligtas na hindi nagpupunta kay Hesus. Ngunit, kahit na pinaniniwalaan mo ang lahat ng mga bagay na iyon, sinasabi pa rin sa iyo ni Kristo,
“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).
Ang ilan sa inyo ay nalilito. Nagtataka ka kung paano mo mapaniniwalaan ang lahat ng mga mahahalagang mga katotohanan na iyon sa Bibliya at hindi maligtas. Hindi mo naintindihan ang katunayan na walang maliligtas sa pamamagitan ng paniniwala sa mga Kasulatan. Sinasabi ng Apostol Pablo kay Timoteo,
“...iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. (II Ni Timoteo 3:15)
.Nariyan ang iyong pagkakamali. Pinaniniwalaan mo ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay Hesus na walang “pananampalataya kay Cristo Hesus” Mismo. Sa ibang salita, ika’y katulad noong mga Hudyo na kinausap ni Hesus noong sinabi Niyang,
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
Dapat kong sabihin sa iyo muli, kasing lakas ng posible – paniniwala sa Bibliya ay hindi magliligtas sa iyo hangga’t ika’y magpunta kay Hesus Mismo! Simpleng paniniwala sa Bibliya, bilang ito na mismo, ay nakamamatay na doktrina ng Sandemaniyanismo!
Nagsalita si Dr. A. W. Tozer laban rito palagi. Sa isang kapitulong pinamagatang, “Itinuro ng Bibliya o Itinuro ng Espiritu?” [Bible Taught or Spirit Taught?”], sinabi ni Dr. Tozer,
Maaring magulat nito ang ilang mga mambabasa na imungkahi ng mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagkakaturo ng Bibliya at pagkakaturo ng Espiritu. Gayon pa man ito nga’y ganito…
Ang karamihan sa atin ay kilala ang mga simbahan na nagtuturo ng Bibliya sa kanilang mga anak mula sa pinaka maagang edad, nagbibigay sa kanila ng mahahabang mga tagubilin sa katekismo [o klase sa Bibliya] at hindi pa rin nagbubunga sa kanila ng mga nabubuhay na Kristiyanismo o isang maskulinong kabanalan. Ang kanilang mga miyembro ay di nagpapakita ng ebidensya ng pagkakalampas mula sa kamatayan sa buhay. Wala sa mga [marka] ng kaligtasan na napaka simpleng ipinakita sa mga Kasulatan ay mahahanap sa kanila. Ang kanilang mga relihiyosong mga buhay ay tama at resonableng moral, ngunit mekanikal na buo at magkakasamang nagkukulang ng liwanag…
Ang ganoong mga tao ay hindi madedespatsang mga ipokrita. Marami sa kanila ay naka-aawang seryoso tungkol rito. Sila’y simpleng bulag. Mula sa pagkakulang ng napakahalagang Espiritu sila’y napupuwersang makaraos sa panlabas na punglo ng pananampalatay, habang sa lahat ng pagkakataon ang kanilang malalim na mga puso at nagugutom para sa espiritwal na katotohanan at hindi nila alam ano ang mali sa kanila…si Hesu-Kristo Mismo ang Katotohanan, at hindi Siya limitado sa simpleng mga salita lamang… (isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “Itinuro ng Bibliya o Itinuro ng Espiritu?” [“Bible Taught or Spirit Taught?”], Ang Ugat ng Katuwiran [The Root of Righteousness], Christian Publications, 1986 edisiyon, pp. 35, 36, 37).
Inilantad ni Dr. Tozer ang huwad na doktrina ng Sandemaniyanismo. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones na ang Sandemaniyanismo “…ay isang napaka makabagong paksa. Sa katunayan, mas lalayo pa ako at imumungkahi na ito ang isa sa mga pangunahing problema sa harap natin sa kasalukuyang panahon” (isinalin mula sa ibid., pah. 177).
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40).
II. Pangalawa, dapat kang ma-alog palabas sa iyong pagka-antok.
Minsan basahin ang buong mensahe na ipinangaral ni Kristo doon sa mga di naniniwala sa ika-limang kapitulo ng Juan. Sinabi Niya sa kanila,
“At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo. At kayo'y walang salita niya na nananatili sa inyo: sapagka't hindi kayo nagsisisampalataya sa kaniyang sinugo” (Juan 5:37, 38).
Iyan ay malakas ng pangangaral. Iyan ang uri ng pangangaral ng narinig ng ating mga nuno noong Unang Dakilang Pagkagising. Si Whitefield at Edwards at Wesley, Howell Harris, at ibang mga dakilang mangangaral ng panahong iyon ang naglatag ng palakol sa ugat. Kinamuhian ni Robert Sandeman sila dahil rito! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,
Iyong mga naghahawak ng Sandemaniyanismong mga pananaw ay laging tutol sa mainit, emosyonal na pangangaral, at kahit anong pangangaral na magkakaroon ng epekto ng pagdadala sa mga tao sa pagkadama…ng katunayan na sila’y mga makasalanan, at ang sindak ng Batas, at na sila’y haharap sa isang banal na Diyos, at na kailangan nilang maging banal bago nila Siya makaharap…si Christmas Evans [isang dakilang Bautistang ebanghelista] ay itinuro kung paano [ang mga Sandemaniyan] ay laging tutol sa ‘mainit na pangangaral.’ Hindi nila nagustuhan iyan. Makita mo sinabi [ng mga Sandemaniyan] kailangan mo lang ipakita ang ebidensya… (isinalin mula sa ibid., pah. 185).
Si Robert Sandeman at ang kanyang mga tagasunod ay literal na kinamuhian ang pangangaral nina, Whitefield, Wesley, Howell Harris, Daniel Rowland, Christmas Evans at ibang mga puno ng Espiritung mga kalalakihan na nangaral ng walang hanggan na nakatatak sa kanilang mga noo sa Unang Dakilang Pagkagising.
Isang Sandemaniyan na pastor ay naniniwala na kaya niyang “ituro” sa mga taong maging ligtas. Ang ganoong pastor ay hindi iniisip na kailangan ng kahit anong “matapang” na pangangaral sa kasalanan at Batas. Mga kalalakihan tulad niyan ay iniisip na ang pangangaral ng “Batas” ay makaiinis ng mga taong di kinakailangan. Isang pastor ang nagsabi sa akin niyan, at tinanong ko siya, “‘Matuturuan’ mo ba ang isang kambing na maging tupa?” Iyan ang isang bagong pag-iisip para sa kanya. Tumingin siya pababa sa sahig at hindi ako sinagot. Ngunit iyan ay isang mahusay na tanong. “Maari mo bang ‘maturuan’ ang isang kambing na maging isang tupa?” Pagkatapos ng limampu’t limang taon sa ministro sinasagot ko ang tanong na iyan na may isang umaalingaw-ngaw na “HINDI!!!” Maari mong ‘ituro’ ang Ebanghelyo hangang sa maging asul na ang iyong mukha at ang kambing ay mananatiling isang kambing. Kinakailangan ng isang himala upang maging isang tupa! At ang himal ng pagbabagong loob ay madalas kasama ng puno-ng-Espiritung pangangaral – sa kasalanan at paghahatol, at pagkawalang pag-asa wala si Kristo! Nagsasalita patungkol sa Sandemaniyanismo, “Maari kang mangaral ng mekanikal, maari kang mangaral ng malamig, maari kang manalanging mekanikal, maari kang manalanging malamig. Ang epekto ng pagtuturong ito kay Christman Evans ay ang nakawin sa kanya ang init at pagkaramdam ng pag-aapura na hindi nya pa nalalaman, at ang ipakilala sa kanya ang teribleng pagkalamig sa kanya (isinalin mula kay Lloyd-Jones, ibid., pp. 186-187).
Minsan nang nakaraan isang pastor na hindi kailan man sumisigaw at hindi kailan man lumuluha kapag siya’y nananalangin o nagbibigay ng mga sermong nagbubulyaw kay Gg. Lee dahil sa pananalangin ng masyadong malakas. Ang problema ay hindi kay Gg. Lee, kundi sa pastor na isinisipi si Pangulong Theodore Roosevelt, nananalangin at nangangaral tulad noong mga “malamig mahiyaing kaluluwa na hindi nalalaman ang tagumpay o pagkatalo.” Sinabi ko kay Gg. Lee huwag mong pansinin ang pastor na iyon dahil halatang napaka kaunti ang nalalaman niya tungkol sa taos-puso, nagdadalamhaw, naghihirap ng lubos na panalangin. Ang lahat ng alam niya ay ang malamig, walang buhay na Sandemaniyang panalanging narinig niya sa mga Bautistang simbahan sa ating panahon. Kawawang tao! Hindi pa siya nakakikita ng muling pagkabuhay! Napaka walang buhay at napaka lungkot!
“Oo,” sinasabi mo, “Iyan ay mabuti! Inilalagay ni Gg. Lee ang kanyang buong puso sa kanyang mga panalangin. Iyan ay mabuti!” Ngunit tatanungin kita? Inilalagay mo ba ang iyong buong puso sa paghahanap kay Kristo? O ikaw ba’y kasing lamig at kawalang buhay sa iyong paghahanap para kay Kristo gaya ng taong iyan sa kanyang mga panalangin? Sinasabi ko sa iyo wala ka sa panig ni Gg. Lee sa anumang paraan! Ika’y nasa parehong panig ng isang Sandemaniyang pastor! Ika’y nasa panig ng Sandemaniyan. Ang iyong paghahanap para kay Kristo ay hindi maapoy at maalab. Ika’y hindi masugid at masugid ng kasangkot sa iyong paghahanap para kay Kristo, ikaw ba? WAla akong nakikitang mga luha sa iyong mga mata habang ika’y naghilahod na matamlay sa silid ng pagsasaliksik. Ikaw ay malamig at mahiyain gaya noong mangangaral na masyadong takot na itaas ang kanyang boses sa pangangaral o sa panalangin – dahil takot siya sa ilang “mahalagang” kababaihan sa kanyang simbahan! “Oo,” ang sabi mo, “Ang isang taong told niyan ay takot sa ilang mga kababaihan sa simbahan!” Sino ang kinakatakutan mo? Bakit hindi namin kailan man narinig ng malakas na sigaw o isang malakas na panalangin mula sa iyo? Dahil ikaw ay isang Sandemaniyan mismo, iyan ang dahilan! Ika’y isang malamig, patay na Sandemaniyan mismo
!Ika’y nagpupuntang mahinahon sa silid ng pagsasaliksik at nagsasabing, “Nagtitiwala ako na namatay si Hesus para sa akin.” Nagtitiwala ka na namatay Siya para sa iyo! Napaka maselan at magalang mo! Hindi ka maging mapangahas at sabihin, “Namatay Siya para sa akin.” O, hindi! “Nagtitiwala ako na namatay Siya parasa akin.” Isang doktrina! Isang doktrina “Na” Namatay Siya para sa akin! Nagtiwala ka sa isang doktrina – at hindi kay Kristo Mismo! Ikaw na di nagbabagong Sandemaniyan! Ikaw na mahinang boses, malambot ang pupulsuhang Sandemaniyan! Ikaw na nabulag ng Diablong Sandemaniyan! Hindi ka magtitiwala kay Hesus Mismo! O, hindi! Masyado kang maselan para riyan! Magtiwala kay Hesus Mismo? O, hindi! Iyan ay masyadong magulo. Maari kang umiyak! O maari kang magkaroon ng kaunti ng Kanyang Dugo sa iyong mga damit! Sinasabi mo, “Hindi mo ako maasahang na maging ganoon ka lapit sa Kanya! Tatayo ako ritong, maganda at malinis, at ‘magtiwala na Siya’y namatay para sa akin!’ O ‘Magtitiwala ako sa Kanyang hugasan ang aking mga kasalanan.” Magrtitiwala ka ba kay Kristo Mismo? “O masyado itong radikal! Maari akong mapaiyak nito. Hindi, ako magpupuntag direkta sa Kanya. Tatayo akong tahimik rito at magtitiwala sa Kanyang hugasan ang aking mga kasalanan. Nais ko na iyong maintindihan.”
Oo, naiintindihan ko. Naiintindihan ko na ika’y isang malambot na pulusuhan, “huwag mong rumihan ang aking mga kamy” Sandemaniyan. “Ngunit” ang sabi mo, “ito’y napaka hirap maintindihan!” O hindi!!! Mayroon kaming mga batang narito lamang na maikling panahon na nagpunta kay Kristo at naligtas. Mayroon kaming mga batang nagtiwala kay Kristo Mismo at naligtas, na narito lamang ng maikling panahon. Si Jin at Robert at Barry at Jackie lahat ay mga inaasahang nagtiwala kay Hesus kamakailan lang. Kaya wala kang pagdadahilan! Walang pagdadahilan ng kahit ano para sa kusa at sadyang pagtangging magtiwala kay Hesu-Kristo Mismo. At alam ni Hesus kung anong isang sirang, rebeldeng makasalanna ka, na tinatanggihan mong magpunta sa umiibig na Anak ng Diyos. At kaya sinasabi Niya,
“Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:40).
Sinabi ng Puritanong pastor na si Richard Baxter (1615-1691, at aking sasabihin sa ibang salita ang sinabi niya sa makabagong Inlges,
Kung ika’y atat na makilala si Kristo gaya mo sa paggawa ng maiinam na grado, o magkaroon pa ng mas maraming pera, hindi ka magtitipid ng halaga o sakit hanggang sa mahanap mo si Kristo.
Ngayon hindi ba iyan ang katotohanan? Hindi ba ito totoo na wala ka si Kristo dahil ika’y nahanap na nangangalikot, tulad ng isang takot, mahinang maliit na Sandemaniyan? At hindi ba ito totoo na ang tunayna dahilan na wala ka si Kristo ay dahil ayaw mo Siya? Gusto mong panatilihin ang iyong kasalanan. Gusto mong panatilihin ang panghahawak sa iyong sariling buhay. Ayaw mong si Kristo ang humawak ng iyong buhay! Hindi ba tama iyan? Kayong mga Sandemaniyan ay nagsasabi patungkol kay Kristo, “Ayaw kami na ang taong ito'y maghari pa sa amin” (Lucas 19:14). Nagpapanggap kang hindi mo Siya mapagkatiwalaan – ngunit ang katotohanan ay na tumatanggi kang magtiwala sa Kanya, dahil gusto mong mapanatili ang iyong kasalanan!
Alam mo na iyan ay totoo. Alam ko na iyan ay totoo. Alam ng Diyos na iyan ay totoo. Kaya bakit manatiling nagkukunwaring ito’y di totoo? Tanggapin ito – hindi ka magtitiwala kay Hesus dahil hindi mo Siya gustong pamahalaan Niya ang iyong buhay. Ngayon hindi ba iyan totoo? Ang mga Fariseo sa ating tekst ay hindi magpupunta sa Kanya dahil hindi nila Siya gustong baguhin ang kanilang mga buhay. Ika’y nasisiyahan na nabubuhay sa kasalanna. At kung ika’y magpapatuloy sa pagtatanggi kay Hesu-Kristo, mamamatay ka sa iyong mga kasalanan. Ang mga Fariseong iyon ay namatay sa kanilang mga kasalanan, at ika’y mamamatay sa iyong mga kasalanan. At iyan ang lubos na katotohanan! Mamamatay ka sa iyong mga kasalanan – isang nawawalang Sandemaniyan. Mamamatay ka sa iyong mga kasalanan! At sasabihin ni Hesus sa iyo, “Ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay.”
Hindi ko masasabi sa iyo ang kahit anong bagay na hindi mo na narinig sa sermon ito. Masasabi ko lamang sa iyo na lilinisin ka ni Hesus mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Kanyang Dugo kapag ika’y magtitiwala sa Kanya, kapag ika’y magpupunta sa Kanya at itatapon ang iyong sarili sa Kanya! Kung gustong makipagusap sa amin tungkol riyan magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa silid ng pagsasaliksik. Dr. Chan, magdasal ka para doon sa mga tumugon. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Juan 5:33-40.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang mga Sugat ni Kristo ay Bukas.” Isinalin mula sa
“The Wounds of Christ Are Open” (ni Evangeline Booth, 1865-1950).
ANG BALANGKAS NG SANDEMANIYANISMO ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39-40). I. Una, paniniwala sa Bibliya ay hindi magliligtas sa iyo, II. Pangalawa, dapat kang ma-alog palabas sa iyong pagka-antok,
|