Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MALING PAGKAKAHULUGAN NG MAPAGLUSTAY NA ANAK (PANGARAL BILANG 2 SA MAPAGLUSTAY NA ANAK) MISINTERPRETING THE PRODIGAL SON ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa” (Lucas 15:24). |
Ang Parabula ng Mapaglustay na Anak ay isa sa pinaka iibig na mga kwento sa Bibliya. At gayon man ito ang isa sa mga pinaka maling pagkakahulugang pasahe ngayon. Magbibigay ako ng isang maikling paliwanag ng parabula, at tapos, sasabihin ko sa inyo kung paano ito nababaluktot at napipilipit, kahit ng mga mabubuti ang layong mangangaral.
Habang aking ibibigay ang mensahe ngayong gabi, aking tratratuhin ang parabulang ito sa dalawang paraan. Una, ipapakita ko kung paano ito napipilipit ng “desisyonismo.” Pangalawa, ipapakita ko kung ano talaga ang ibig sabihin nito. At tapos ipapakita ko kung paano ito maisasagawa sa iyo. Ngunit magsisimula tayo sa pagtitingin ng buong parabula muna.
Sinabi ni Hesus mayroong isang lalake na mayroong dalawang lalakeng mga anak. Ang mas batang anak ay nagpunta sa kanyang ama, at hiningi ang kanyang bahagi ng kanyang mamanahin ngayon na, bago pa ng kamatayan ng kanyang ama. Sumang-ayon ang ama, at ibinigay sa kanyang mas batang anak ang kanyang kalahati ng pamana. Kinuha ng mas batang anak ang lahat at nilisan ang tahanan. Nagpunta siya ng malayo sa malayong probinsya at nilustay ang buong pamana sa pakawala at makasalanang pamumuhay.
Noong kanyang nagastos na ang lahat ng pera, isang tag-gutom ang naganap at siya ay nagutom. Nagpunta siya sa isang mamamayan ng bansang iyon na nagpadala sa kanya upang pakainin ang mga baboy. Siya’y gutom na gutom na gusto niyang kainin ang mga upak na kinakain ng mga baboy, at walang nagbigay sa kanya ng kahit anong makakain.
Tapos siya’y nakapag-isip at natanto niya na ang mga alipin ng kanyang ama ay may sapat na mga tinapay na makakain, habang siya’y nagugutom. Nagpasiya siya na bumalik sa tahanan ng kanyang ama at sabihin sa kanya, “Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin, hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.” Bumangon siya at nagpunta sa kanyang ama. Habang siya’y papunta, ang ama ay tumakbo at yinakap siya at hinalikan siya. Naglagay ang kanyang ama ng mamahaling balabal sa kanya, isang sing sing sa kanyang daliri, at sapatos sa kanyang mga paa. Kumatay ang kanyang ama ng isang bisiro at lumikha ng isang pista. Sinabi ng ama,
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa” (Lucas 15:24).
Iyan ang saligang balangkas ng parabula. Ngayon, babalik ako at ipapakita ko kung paano ito maling nakahulugan sa ating araw, at tapos ipapakita ko kung ano talaga ang ibig nitong sabihin.
I. Una, ang paraan na ang parabulang ito ay maling nakahulugan ng maraming mga makabagong mangangaral.
Nasusuklam kong sabihin na maling nakahulugan ni Dr. J. Vernon McGee ang parabulang ito, ngunit siya nga. Sinabi ni Dr. McGee, “Hindi ito isang larawan ng isang makasalanan na naliligtas…Sa kwentong ito sinabi ng ating Panginoon na hindi kailan man nagkaroon ng tanong kung ang batang lalake ay isang anak o hindi…Siya ay isang anak sa buong pagkakataon…Ang nag-iisang gustong magpunta sa tahanan ng Ama ay isang anak; at isang araw sasabihin ng anak, ‘Magtitindig ako at paroroon sa aking ama’” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, pp. 314, 315; sulat sa Lucas 15:11-19).
Kaya, maling sinabi ni Dr. McGee na ang binatang ito ay naligtas sa lahat na panahon. Nagrebelde siya at nagpunta sa isang buhay na malalim, napahabang kasalanan, ngunit siya pa rin ay naligtas. Maya maya nagsisi siya at muling inilaan ang kanyang buhay.
Nagsisisi akong sabihin na ipinapakita nito kung gaano naimpluwensyahan si Dr. McGee ng makabagong “desisyonismo.” Ganyan ang paraan na ipinakahulugan ng maraming mga makabagong mangangaral, tulad ni Billy Graham ang parabula. Bakit nila ginawa iyan? Ginawa nila ito dahil libo-libong mga tao ang gumawa ng mga “desisyon” at bumalik sa kasalanan. Ang paraan lamang na mapaliliwanag iyan ng mga mangangaral na ito ay na sabihin na sila’y tulad ng Mapaglustay na Anak, at balang araw sila’y gigising at muling ilalaan ang kanilang sarili. Maririnig mo silang sabihin na sila’y “ligtas” na mga lasingero, “ligtas” na mga adik sa droga, at pati “ligtas” na mga babaeng mababa ang lipad. Dahil 88% ng lahat ng mga “bata sa simbahan” ay iniiwanan ang kanilang simbahan “hindi kailan man buamabalik” (isinalin mula kay Barna) at lahat sila ay gumawa ng isang “desisyon,” ang mga pastor ay nagbigay ng huwad na pag-asa sa kanilang mga magulang sa pagsasabi na sila’y mapaglustay, ligtas ngunit bumalik sa dating kasamaan. Sinasabi nila na ang lahat ng mga taong ito, na nabubuhay sa malalim na kasalanan at hindi nagpupunta sa simbahan, ay “ligtas” na parehas lamang. Ang lahat na kailangan nilang gawin ay bumalik at muling ilaan ang kanilang sarili sa isang hinaharap na panahon. Ngunit kung hindi nila gawin iyan, sila pa rin ay ligtas. Gaya ng sabi ni Dr. McGee, “Wala kailan mang kahit anong tanon kung ang batang lalake ay isang anak o hindi. Siya ay anak sa lahat ng panahon.” Kaya, si Bill Clinton, isang Bautista, ay “isang anak” kahit habang siya’y nakikipagtalik sa Oval na Opisina kay Monica Lewinsky. Kaya, isa pang Bautista, si Jimmy Carter, ay “isang anak” kahit na kanyang ipinapagkait ang kawalan ng pagkakamali ng Bibliya at sinasabi na ang mga Mormon ay tunay na mga Kristiyano! Ilang taon noon isang babae na namuno ng isang bahay para sa mga babaeng mababa ang lipad ditto sa Los Angeles ay nagsabi na siya’y “naligtas muling Kristiyano.” Isang ebanghelikal na pinuno ang nagsabi sa akin, “Huwag mo siyang husgahan.” Anong kaululan! Ang nakalilitong uri ng ebanghelikalismo ay tinatawag na “antinomiyanismo,” at lumalabas ito mula sa paniniwala na ang isang tao ay mabubuhay sa isang bahay ng baboy ng kasalanan at maging isang anak ng Diyos sa parehong beses. Sila’y mga tinatawag na “karnal na mga Kristiyano.” Ngunit sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, “Ito’y isang maling pagkakahulugan [ng Mga Taga Roma 8:5-8] na sabihin na ‘ang mga ayon sa laman’ ay mga tinatawag na mga ‘nasa laman’ na mga Kristiyano; dahil nakikita natin na ang Apostol ay nagsasabi ng isang bagay tungkol sa kanila na gumagawa ritong maging imposible na sila’y mga Kristiyano sa anumang paraan…ang Kristiyanismo, gaya ng pagkapakita ng Apostol sa atin ay napaka dalas na, kasama ang isang ganap, isang radikal na pagbabago ng kalikasan ng katauhan” (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Pagpapaliwanag ng Mga Taga Roma 8:5-17, “Ang Mga Anak ng Diyos” [Exposition of Romans 8:5-17, “The Sons of God,”] The Banner of Truth Trust, 2002 inilimbag muli, p. 3)
Kinasusuklaman kong iwasto si Dr. McGee. Tinuruan niya ako ng malaking bahagi ng Bibliya noong mga taon ng1960 at mga taon ng maagang 1970, habang pinakinggan ko siya araw araw sa radyo. Ako’y umuurong sa kaisipan ng pagwawasto sa kanya sa kanyang pananaw ng Mapaglustay na Anak. Ngunit wala akong mapagpipiliin. Sinabi ni Dr. McGee na siya mismo ay ligtas kapag isang “ebanghelista sa katimugang Oklahoma ng maraming taon ay ginamit ang parabulang ito upang itanghal ang ebanghelyo…isang gabi nangaral siya sa Mapaglustay na Anak, at iyon ang gabi na ako’y nagpunta sa harap” (isinalin mula sa ibid.). Sinabi niya na ito’y “primerong” tungkol sa kung paano kinukuha ng Diyos “pabalik ang isang anak na nagkakasala.”
Hindi nakuha ni Dr. McGee ang ideyang iyan mula sa lumang istilong mangangaral na nagawa siyang maligtas sa Oklahoma. Hindi, nakuha niya ang ideya mula sa makabagong bagong ebanghelikal na mga mangangaral tulad ni Billy Graham, na tumatawag para sa “muling paglalaan” kaysa isang malinaw na pagbabagong loob. Ang “bagong” paraan na ito ng pagtitingin ng parabula ay nagbunga ng isang nagsisigapang na karagatan ng mga tinatawag na “bumalik sa dating kasamaang mga Kristiyano” na di kailan man napagbagong loob. Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “imposible ito na sila’y matawag na mga Kristiyano sa anong paraan.”
Kamakailan lang ay nabasa ko ang isang artikulo ng isang ebanghelista na nagsabi,
Nakatira ako sa Timog ng Carolina, at iniibig ko ang Timog, at hindi ko kinukutya ang kahit sino mula roon, ngunit mukhang ang lahat ng naroon ay nagsasabi na sila’y ligtas!...Sa isang Katimugang estado, mayroong isang simbahan sa halos bawat sulok ng kalye. Kahit ang ating mga politiko at mga artista ay nagsasabi na sila’y ligtas…Gayon man mayroon kaming mas maraming patayan, paggagahasa, mga droga, pornograpiya, diborsyo, pagsisinungaling, at pagnanakaw kaysa kailan man… Kaya anong mali rito? Bakit lumiliit ang ating mga simabahan sa paglago at pag-aabot?...Ano ang problema? (isinalin mula kay Jerry Sivnksty, “Basang-basa sa Ebanghelyo o Nauuhaw sa Ebanghelyo” Isinalin mula sa “Gospel Soaked or Gospel Thirsty?”, Frontline Magazine, Hulyo/Agosto 2013, p. 38).
Sasabihin ko sa iyo ang problema – mayroon tayong libo-libong mga tao na gumawa ng mga “desisyon” ngunit hindi napagbagong loob! Iyan ang problema! At hindi lamang ito nangyayari sa Timog. Ito’y sa buong Amerika! Kamakailan lang sinabi ng isang mangangaral sa akin na halos bawat pinutan na kinakatukan niya sa ebanghelismo, sinasabi ng mga tao sa kanya na lumayo dahil sila’y ligtas na! Sinabi niya hindi sila magpupunta sa simbahan at hindi sila magsisisi ¬– dahil iniisip nila na sila’y ligtas na! Iyan ang resulta ng mga dekada ng “desisyonismo” ang lubos na huwad ideya ng “mapaglustay na mga anak” ay tunay na mga Kristiyano! Sasabihin ko, “Itapon ang ganoong uri ng huwad na ebanghelyo! Literal na sinira nito ang Amerika!” Ibagsak ito! Tapusin na ito! Itapon ito! Sinira nito ang milyong milyong mga kaluluwa, pumilay sa ating mga simbahan, at nagdala ng espiritwal na pagkasira sa ating bansa! Wala akong pakialam sa kung sinong mag-endorso nito – si Dr. McGee, Billy Graham, Papa Francis, o ang Anti-kristo – ito’y isang mala –impiyernong doktrina, puno ng Satanikong lason! Na nagdadala sa atin pabalik sa ating teksto,
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa” (Lucas 15:24).
(I-klik ito upang basahin ang isa pang sermon na aking ipinangaral sa Mapaglustay, na pinamagatang, “Ang Modelo ng Pagbabagong Loob.” Dapat mo itong basahin kasama ng sermon ito).
II. Pangalawa, ang parabulang ito ay ibinigay ni Kristo upang ipakita kung paano ang mga nawawalang mga makasalanan, patay sa pagsalangsang at mga kasalanan, ay naliligtas!
Kilala ko minsan ang isang lalake na iniwan ang kanyang asawa at tumakas kasama ang isa pang babae. Tapos nagnakaw sa isang bangko gamit ang isang baril, at nagpunta sa bilangguan dahil sa pagnanakaw ng isang bangko ng maraming taon. Siya’y isang adultero, isang magnanakaw, at isang magnanakaw ng bangko. Ngunit sinabi niya na siya’y ligtas sa lahat ng pagkakataon! Tinanong ko siya anong mangyayari kung ang pagdadaigt ay mangyari habang kanyang ninanakawan ang bangko gamit ang isang baril. Na may diretsong mukha sinabi niya, “Ang baril ay babagsak sa sahig kapag ako’y madagit upang salubungin ang Panginoon sa ere!” Sinabi ko sa kanya na siya’y mali, na hindi siya kailan man napagbagong loob. Umapela siya sa Mapaglustay na Anak, at ibinigay ang huwad pagkakahulugan na ipinaliwanag ko ilang sandalin kanina, na siya ay isang “anak” mula sa simula. Binuksan ko ang Bibliya. Kinuha ko ang kanyang daliri sa aking kamay at inilagay ang dulo ng kanyang daliri sa Lucas 15:24. Sinabi ko, “Basahin ito.” Kinailangan kong sabihin ng tatlo o apat na beses bago niya sa wakas na may pag-aalinlangang binasa ito,
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan...” (Lucas 15:24).
Tinitigan niya ako na may matapang na titig sa kanyang mga mata, na parang siya’y nahuli! Tapos isinigaw niya, “Ngunit hindi iyan ang ibig nitong sabihin!” sabi ko, “Hindi ko sinabi sa iyo ang ibig nitong sabihin. Sinabi ko lamang sa iyong basahin ito.” Tapos binasa ko ito sa kanya,
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan...”
Tapos sinabi ko, “Ang sariling ama ng taong iyon ay nagsabi na siya’y ‘patay.’ Ang sariling ama ng taong iyon ay nagsabi na siya’y ‘nawala.’ Kung ang kanyang sariling ama ay nagsabi noon, sino ka ba upang kontrahin siya?” Siya nga pala, kung titignan mo ang kumentaryo ni Dr. McGee, makikita mo na hindi siya nagbigay ng kahit anong kumento sa Lucas 15:24! Hindi siya makabigay! Maaring nasira nito ang kanyang huwad na teyorya ng lubusan! Sa Lucas 15:24 sinabi ng ama na ang kanyang anak ay “patay” – iyan ay, “patay sa pagsalansang at kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:1, 5). Sinabi ng ama, “siya’y nawala.” Ano pang posibleng mas lilinaw? Nilalarawan ng Mapaglustay ang isang nawawalang makasalanan!
Nagbigay si Hesus ng tatlong mga parabula sa ika-labin limang kapitulo ng Lucas upang sagutin ang mga Fariseo. Nagreklamo na sila na siya’y kumain kasama ng mga makasalanan (Lucas 15:2). Ibinigay niya ang tatlong mga parabulang ito upang ipakita kung paano nagpupuri ang Diyos kapag ang isang makasalanan ay naliligtas! Ang bawat isang mga parabula ay nagpapakita na tatanggapin ng Diyos at patatawarin ang nawawalang makasalanan. Ibinigay niya ang parabula ng nawawalang tupa sa mga berso 3 hanggang 7. Ibinigay niya ang parabula ng nawawalang barya sa mga berso 8 hanggang 10. At tapos ibinigay Niya ang parabula ng nawawalang anak sa mga berso 11 hanggang 32. Ang pangunahing punto sa lahat ng tatlong mga parabula ay ang Diyos ay matinding nagpupuri sa “isang makasalanang nagsisisi” (Lucas 15:7, 10, 24). Di pangkaraniwan na pati si Dr. Ryrie ay di sumang-ayon kay Dr. McGee at Billy Graham. Nakuhang tama ito ni Dr. Ryrie. Sa kanyang sulat sa Lucas 15:4, sinabi niya, “Nawawala. Walong beses sa kapitulong ito ang pagkawala ng tao ay naididiin, mga berso 4 [dalawang beses], 6, 8, 9, 17, 24,32” (isinalin mula kay Charles C. Ryrie, Th.D., Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ni Ryrie [The Ryrie Study Bible], Moody Press, 1978, p. 1576; sulat sa Lucas 15:4). “Ang pagkawala ng tao ay na nadidiin.” Saktong tama!
Masyadong idiniin ni Dr. McGee ang katunayan na ang Mapaglustay ay tinawag na “isang anak.” Sa parabulang ito ang “anak” ay hindi ibig sabihin na siya ay ligtas. Si Dr. John MacArthur ay tama sa partikular na puntong ito noong sinabi niya na ang parabulang ito ay “naglalarawan ng lahat ng mga makasalanan (na nakaugnay sa Diyos ang Ama ng pagkalikha) na nag-aksaya ng kanilang potensyal na mga pribiliheyo at tumanggi sa kahit anong pagkakaugnay sa Kanya [Diyos], pinipili imbes ang isang buhay na makasalanan at pansariling estrabagansa” (isinalin mula kay John MacArthur, D.D., Ang MacArthur Pag-aaral na Bibliya [The MacArthur Study Bible], Word Bibles, 1997, p. 1545; sulat sa Lucas 15:12).
Tamang sinabi rin ni Dr. MacArthur na ang Mapaglustay na Anak “ay isang kandidato para sa kaligtasan” noong siya’y “nakapag-isip” (Isinalin mula sa ibid., sulat sa Lucas 15:17). Ipinapakita nito na tamang sinabi ni MacArthur na ang Mapaglustay ay nawawala. Pumapanig ako kay Dr. McGee laban kay Dr. MacArthur sa maraming mga isyu, partikular sa Dugo ni Kristo. Tama si Dr. McGee sa importanteng paksa, at si John MacArthur ay hindi tama. Ngunit ang pagbabagong loob ng Mapaglustay na Anak, sa ating teksto ay pumepuwersa sa aking sumang-ayon kay John MacArthur,
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan...” (Lucas 15:24).
Siya nga pala, lahat ng mga lumang mga kumentaryo ay nagsasabi na ang Mapaglustay na Anak ay nawawala, at tapos napagbagong loob sa parabulang ito. Wala sa mga matatandang mga kumentador ay nagsabi na kanyang “muling inilaan” ang kanyang buhay at siya ay ligtas mula sa simula! Sinabi ni Mathew Poole (1624-1679) sa ating teksto, “Isang makasalanang kaluluwa ay isang patay na kaluluwa…Ang pagbabagong loob ng isang makasalanan ay gaya ng isang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay. O kaya kahit sinong kaluluwang may kapasidad ng kahit anong tunay na kaglakan, hanggang ito’y mapagsama sa Diyos sa dugo ni Kristo” (sulat sa Lucas 15:24; Isang Kumentaryo sa Banal na Bibliya [A Commentary on the Holy Bible], The Banner of Truth Trust, 1990 inilimbag muli, kabuuan III, p. 247).
Sinabi ni Mathew Henry (1662-1714), “Ang parabula ay kumakatawan sa Diyos bilang isang karaniwang Ama sa lahat ng sangkatauhan, sa buong pamilya ni Adam…” Nagpatuloy si Mathew Henry upang sabihin na kinakatawan ng Mapaglustay na Anak ang “isang makasalanan, bawat isa sa atin sa ating natural na kalagayan…ang kalagayan ng mapaglustay…kumakatawan sa atin isang makasalanang kalagayan, ang miserableng kalagayan alin ay pinagbagsakan ng tao.” Nagpatuloy si Mathew Henry sa pagbibigay ng siyam na mga paraan na ang mapaglustay ay naglalarawan ng isang nawawalang tao (isinalin mula sa Kumentaryo ni Mathew Henry sa Buong Bibliya [Matthew Henry’s Commentary on the Whole Bible], Hendrickson Publishers, 1996 inilimbag muli, kabuuan 5, pp. 599-600).
Tumingin si Dr. John R. Rice sa lumang paraan ng klasikal na mga kumentaryo. Di sumang-ayon si Dr. Rice kay salaysay ni Dr. McGee na “hindi ito isang larawan ng isang makasalanan na naliligtas.” Sinabi ni Dr. Rice ang kabaligtaran. Sinabi ni Dr. Rice, “Ang mapaglustay na anak ay isang larawan ng isang nawawalang makasalanan” (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Ang Anak ng Tao [The Son of Man], Sword of the Lord Publishers, 1971, p. 372; sulat sa Lucas 15:11-16).
Ibinigay ni C. H. Spurgeon, ang Prinsipe ng Mga Mangangaral, ang parehong pananaw sa kanyang sermon “Ang Pinaka Mataas na Sandali ng Mapaglustay” (Ang Pulpita ng Metropolitanong Tabernakulo [The Metropolitan Tabernacle Pulpit Pilgrim Publications, 1975 inilimbag muli, kabuuan XLI, pp. 241-249). Sinasabi ng ating teksto,
“Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa” (Lucas 15:24).
Sinabi ni Spurgeon patungkol sa ating teksto, “Ang pagbabagong loob ng isang kaluluwa ay sapat upang gumawa ng walang hanggang kaligayahan sa mga puso ng mga makatuwiran” (Isinalin mula sa ibid., Pagpapaliwanag ng kapitulo, p. 251). Ang bigat ng lahat ng mga kumentador na ito ay nagpapakitang malinaw na ang Mapaglustay ay isang nawawalang tao, at ang ipinapakita ng parabula kung paano siya napabagong loob. Iyan ang pananaw na ibinigay ng tipikal na eskolar sa lahat ng panahon – hanggang sa ang “desisyonismo” ng ating panahon ay ginawa ng pagbabagong loob na “malabo” at “di malinaw!
III. Pangatlo, ipinapakita ng parabula kung ano dapat ang mangyari sa iyo sa isang tunay na pagbabagong loob.
Kung umaasa kang mapagbagong loob, at maging isang tunay na Kristiyano, kailangan mong pagdaan ang parehong bagay na pinagdaanan ng Mapaglustau. Kung hindi, hindi masasabi sa iyo ng Diyos,
“Patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan...” (Lucas 15:24).
Ngayon na umupo ka sa lahat ng mga paliwanag na ito, at ang iyong isipan ay lumilipad. Umupong maayos lalake! Umupong maayos babae! Ngayon ako’y nagsasalita sa iyo! Dapat mong pagdaanan ang kahit ilan sa anong pinagdaanan ng Mapaglustay o ika’y pupunta sa Impiyerno! Dapat mong maranasan ang kanyang naranasan, o ika’y magpapalipas ng walang hanggan sa isang puno ng sulpur na mga apoy, nakaaklmot at pinahihirapan ng mga demonyo, at napunit ng mga pira-piraso sa iyong sariling konsensya! Narito ang dapat mong pagdaanan, kahit sa ilang antas, upang maligtas. Namatay sa Hesus sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, sa Krus. Bumangon Siya mula sa pagka matay upang bigyan ka ng buhay. Ngunit karaniwang mayroong pakikipaglaban sa pagpunta kay Kristo. Ang mga sumusunod na mga punto ay nakuha mula sa parabula ng Mapaglustay:
1. Aminin sa iyong sarili na ang iyong puso ay tunay na makasarili at gustong kasing layo mula sa Diyos ng posible. Nakakilala na kami ng mga taong nagpunta sa silid ng pagsisiyasat at nagsabi na gusto nilang maligtas, sa parehong beses ay plinaplanong lisanin ang simbahan! Ito’y isang malalim na pagloloko sa sarili. Bakit dapat bigyan ng Diyos ng nagliligtas na biyaya sa isang tao na nag-iisip na bumalik sa mundo? “Kung ang sinoman ay umiibig sa sanglibutan, ay wala sa kaniya ang pagibig ng Ama” (I Ni Juan 2:15). “Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:8).
2. Manalangin sa Diyos na ipakita sa iyo ang kawalan ng laman ng mundong ito. Hindi mo kailangang maging isang tao sa kalye ng Skid Row, upang matanto na ayaw mong magpunta doon! Maipapakita ng Diyos sa iyo ang kawalan ng laman ng kahit anong materyalistikong pamumuhay. Hingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang kawalan ng laman ng walang diyos na buhay. “Kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi” (Santiago 4:2).
3. Gumising! Mag-isip ka! Manalangin sa Diyos na ipakita sa iyo na ika’y “mamamatay sa gutom,” habang maari kang magkaroon ng kapayapaan at kaligayahan! Kung paano ka ngayon, wala kang pan loob na kapayapaan! Bakit magpatuloy sa kasalanan kung maari kang mapatawad ni Kristo? “Walang kapayapaan, sabi ng aking Dios, sa mga masama” (Isaias 57:21).
4. Pag-isipan ang iyong mga kasalanan. Pag-isipan ang iyong mga isa-isang kasalanan, gayun din ang iyong makasalanang puso. Pag-isipang lubos ang iyong kasalanan hanggang sa masasabi mo kasama ng Mapaglustay, “Nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin” (Lucas 15:18). Ang aking pastor na si Dr. Timothy Lin ay di naligtas hanggang sa kanyang isinulat ang mahabang listahan ng kanyang mga kasalanan. Tinignan niya ang listahan ng kanyang mga kasalanan ng paulit ulit hanggang sa napaniwala siya ng Diyos na nagkasala, at alam niya na siya’y isang nawawalang makasalanan! Hindi ko sinasabi na gawin mo iyan, ngunit maaring matulungan nito ang isang tao.
5. Itapon ang iyong sarili sa Diyos Anak, “Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5). Sinabi ni Hesus, “Sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14:6). “Magpilit kayong magsipasok” kay Kristo (Lucas 13:24). Yoong mga hindi kaswal lang mag-isip patungkol sa pagpupunta kay Kristo ay hindi maliligtas. Ito’y dpat ang pinaka mahalagang bagay sa iyong buhay! “Magpilit kayong magsipasok”! Kapag iyong mahanap si Kristo ito’y nararapat ng kahit anong halaga ng puwersa, kahit anong halaga ng “pagpipilit.” Sinabi ni Hesus, “Magsiparito sa akin… at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28). “Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).
Naway maging iyong panalangin ang lumang himnong ito ngayong gabi –
Ako’y nag-gala ng malayo mula sa Diyos,
Ngayon ako’y uuwi na;
Ang daanan ng kasalanan ay masyado ng matagal na aking nilakad,
Panginoon, ako’y uuwi na.
Inaksaya ko ang maraming mahalang mga taon,
Ngayon ako’y uuwi na;
Ako na ngayon ay nagsisisi na may mapait na mga luha,
Panginoon, ako’y uuwi na.
Uuwi na, uuwi na,
Di na kailan man maggagala,
Bukas na malawak ang Iyong mga braso ng pag-ibig,
Panginoon, ako’y uuwi na.
(“Panginoon, Ako’y Uuwi Na.” Isinalin mula sa
“Lord, I’m Coming Home” ni William J. Kirkpatrick, 1838-1921).
Kung gusto mo kaming kausapin patungkol sa pagiging ligtas, iwanan na ang iyong upuan at maglakad sa likurang ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid para sa panalangin. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang taong magtiwala kay Hesus ngayong gabi. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 15:21-24.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ngayon Ako’y Pag-aari ni Hesus.” Isinalin mula sa
“Now I Belong to Jesus” (ni Norman J. Clayton, 1903-1992).
ANG BALANGKAS NG MALING PAGKAKAHULUGAN NG MAPAGLUSTAY NA ANAK (PANGARAL BILANG 2 SA MAPAGLUSTAY NA ANAK) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa” (Lucas 15:24). . I. Una, ang paraan na ang parabulang ito ay maling nakahulugan II. Pangalawa, ang parabulang ito ay ibinigay ni Kristo upang ipakita III. Pangatlo, ipinapakita ng parabula kung ano dapat ang |