Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG NAKATUTUYONG GAWA NG ESPIRITU

THE WITHERING WORK OF THE SPIRIT

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga Ika-14 ng Marso taon 2010

“Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang: Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo. Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man” (Isaias 40:6-8).


“Ang tinig ng isang nagsabi, Ikaw ay dumaing.” Anong tinig ito na sinasabi ng propeta? Ito’y ang “sinalita ng bibig ng Panginoon,” na sinabi sa berso lima. Ang tinig ng Diyos ay nagsalita kay Isaias at nagsabing, “Ikaw ay dumaing.” Nagkumento si Dr. Gill na, “Ito’y ang tinig ng Panginoon sa propeta, o mas saktaong sa kahit sino at bawat ministor ng Ebanghelyo, binibigyan sila ng utos na manghula at mangaral” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament in Six Volumes, The Baptist Standard Bearer, 1989 reprint, volume 5, p. 222).

Tapos sinabi ni Isaias, “Ano ang aking idadaing?” Iyan ang tanong na dumarating sa harapan ng isipan ng isang mangangaral habang kanyang ipinangangaral ang sermon na kanyang ibibigay bawat Lingo – “Ano ang aking idadaing?” Ang Hebreong salita para sa “dumaing” ay qârâ. Daladala nito ang isipang “tumawag,” “paghaharap ng isang taong nakatagpo” (isinalin mula kay Strong #7121). Ito’y ang parehong Hebreong salitang ginamit sa Isaias 58:1,

“Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanans” (Isaias 58:1).

Ang bawat Ebanghelyong mangangaral ay gayon inuutusang gumamit ng isang tiyak na paraan at istilo sa kanyang pangangaral. Nakalulungkot na, hindi ito ang paraan at istilo na ginagamit sa ating panahon. Ngunit ito ang paraan at istilo ni Isaias, at lahat ng mga propeta ng Lumang Tipan. Ito ang paraan at istilo ni Juan Bautista, at dakilang hinalinhan ni Kristo. Ang Bautista ay bumabalik na sumusuri sa mga bersong ito sa Isaias noong sinabi niya, “Ako ang tinig ng isang humihiyaw” (Juan 1:23). Si Juan Bautista ay ang tagapagsalita ng Diyos, at ang Diyos gayon ang dumadaing sa pamamagitan niya, gaya ng ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng propetang Isaias, na sinipi ni Juan,

“Sinabi ni [Juan], Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang… gaya ng sinabi ng propeta Isaias” (Juan 1:23).

Ang Griyegong salitang isiniping “dumadaing” ay bǒaō sa Juan 1:23. Ibig sabihin nito’y “halloo; iyan ay sumigaw…dumaing” (isinalin mula kay Strong, #994). Gayon, mula sa Hebreong salita ng dumaing, nalalaman natin na ito’y upang “humiyaw ng malakas” (Isaias 58:1). Ibig sabihin nito’y ang mangangaral ay dapat magsalita ng malakas bilang tagapagsalita ng Diyos. Ang Griyegong salita ay lumlayo pa, sa pagsasabing ang mangangaral ay dapat sumigaw gaya ng isang humihiyaw ng “halloo,” “sumisigaw at humihiyaw” sa mga makasalanang nawawala sa ilang ng sanglibutang ito!

Ang paraan ng malakas na pangangaral ay ginamit ng mga propeta, na hiniyaw ang mensahe ng Diyos gaya ng ginawa ni Isaias at Juan Bautista, “tinatawag” sila, “hinaharap” ang kanilang mga tagapakinig gamit ng Salita na inilantad ng Diyos sa kanilang mga puso. Ngunit, gaya ng sinabi ko, hindi ito ang popular na istilo ng pangangaral sa panahon natin. Mayroon ng pundamental na pagsaway sa Bibliya sa paraan at istilo ng pangangaral, dahil tayo ay sinabihang propetikal,

Ipangaral mo ang salita…Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita”
       (II Timoteo 4:2-3).

Hindi ako makaisip ng isang propetikong berso sa Bibliya na mas mahusay na makapag lalarawan ng karamihan sa mga modernong pangangaral. Mayroong patuloy na “pagtuturo” sa ating panahon, ngunit napaka kaunting “pangangaral” – ang “pagtuturo” na walang kamadalian at apoy – dahil hindi modelo ng makabagong mga sermon ang Isang nagsabi kay Isaias, “Humiyaw ng malakas, huwag kang magpigil,” o kaya ang pinagkuhanan ng ganoong uri ng makabagong sermon ay tinig ng Diyos na nagsalita kay Isaias na, “Ikaw ay dumaing;” o kaya ito tulad ng tinig ng Diyos na nagsasalita sa pamamagitan ni Hesus sa pampitong kapitulo ng Juan, noong ang Panginoon ay “sumigaw…sa templo” (Juan 7:28); o kaya na ito’y tulad ni Kristo sa parehong kapitulo, noong Siya’y “tumayo at sumigaw” (Juan 7:37). O kaya na ito’y ang istilo ng pangangaral ni Pedro, sa Araw ng Pentekostes, na humiyaw at “hinarap” ang kanyang mga tagapakinig, sinisigaw ang mga salita na ibinigay sa kanya ng Diyos, gaya ng sinabi sa ating sa Mga Gawa 2:14,

“Datapuwa't pagtindig ni Pedro na kasama ang labingisa, ay itinaas ang kaniyang tinig, at sa kanila'y nagsaysay…”
       (Mga Gawa 2:14).

Sinabi ni Dr. Gill, “At ‘itinaas ang kaniyang tinig,’ na siya’y madinig ng buong maramihan…gayon din upang ipakita ang kanyang sikap at kapusukan ng espiritu, at tibay ng isipan; dahil sa pagiging napagkalooban ng Espiritu mula sa itaas, siya’y walang takot sa tao” (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, vol. II, pp. 153-154; sulat sa Mga Gawa 2:14). Kaya, dapat kong ulitin, mayroong pundamental na pagsaway sa Diyos sa maraming mga pulpito ngayon, isang teribleng pagsaway sa pinka paraan at istilo ng pangangaral!

Hindi dapat natin makaligtaang mapansin na di napansin ng mga modernong ministor na ito (lalo na sa Amerika at Europa) ang katunayan na mayroong isang kahalagahan ang “paghihiyaw” at “paghaharap” ng mga tagapakinig ng mensahe ng “tinig” ng Diyos sa tunay na Biblikal na pangangaral. “Sinabi ng tinig, Humiyaw.” Iyan ang istilo ng tunay na pangangaral ng Ebanghelyo! Walang mas kapos nito ang maaring gamitin ng Diyos upang pakilusin ang mga patay na mga puso at pabayang mga isipan! Walang mas kaunti rito ang makagagawa niyan! Walang pagtataka na napaka-kaunti ng mga tunay na pagbabagong loob sa ating panahon sa Kanlurang mundo! Sinabi ni Brian H. Edwards, “Ang muling pagbabangong pangangaral ay mayroong kapangyarihan at awtoridad na nagdadala ng Salita ng Diyos tulad ng isang martilyo sa puso at konsensya. Ito mismo ang nawawala mula sa karamihan ng ating mga pangangaral ngayon. Ang mga kalalakihang nangangaral sa muling pagbabangon ay laging di-takot at madalian” (isinalin mula kay Brian H. Edwards, Revival! A People Saturated with God, Evangelical Press, 1997 edition, p. 103).

Tapos tinanong ni Isaias, “Ano ang aking idadaing?” Isang binata ang nakarinig sa isang propesor sa seminaryong nagsabi na isang anim-na-buwang plano ng mga sermon ang dapat ihanda ng maaga. Aking lubos na kinasusuklaman ang ideya ng isang taong gumagawa ng ganoong bagay! Ang isang taong gumagawa niyan ay hindi maaring magkaroon ng tunay na bigay ng Diyos na mga sermon! Ito’y imposible! Si Spurgeon, ang pinakadakila sa lahat ng mga Bautistang mangangaral, ay di kailan man ginawa iyan. Naghintay siya sa Panginoon upang ibigay sa kanya ang mensahe bawat lingo. Gayon, dapat hingin ng mangangaral ang Diyos para sa kanyang mga sermon, at hintayin na ibigay ng Diyos ang mga ito sa kanya!

“Anong aking idadaing?” Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones,

Ano ang mensahe? Ito ba’y ang “nasa akin” [Mga Gawa 3:6], ito’y limitado diyan. Ito ang aking natanggap…natanggap ko ito, ito’y ibinigay sa akin. Hindi ko dinadala ang sarili kong mga ideya…ibinibigay ko sa kanila ang ibinigay sa akin. Ibinigay sa akin ito, at ibibigay ko ito sa kanila. Ako’y isang sasakyan, isang daluyan, ako’y isang instrumento, ako’y isang kinatawan (isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Preaching and Preachers, Zondervan Publishing House, 1971, p. 61).

Sinabi ng aking matagal ng pastor, guro at mentor na si Dr. Timothy Lin,

Sa lahat ng mga tungkulin ng isang pastor, ang pinaka mahirap at pinaka mahalagang tungkulin ay ang malaman, ng walang duda, ang mensaheng tinatangka ng Diyos para sa kanyang ipangaral bawat araw ng Panginoon (isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., The Secret of Church Growth, FCBC, 1992, p. 23).

Ito’y ang mayroon tayo rito sa Isaias apatnapu, berso anim: “Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing?” Ito ang paraan na ang isang pastor ay dapat tumanggap at magbigay ng kanyang mga sermon. Ang teksto ay maaring mahiwalay sa tatlong pangunahing mga punto.

I. Una, dapat nating idaing ang kaiklian ng buhay.

“Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang”
     (Isaias 40:6).

“Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan [lahat ng kagandahan at kaluwalhatian] niyaon ay parang bulaklak ng parang.” Iyan ay isang mahalagang bagay na ipangaral! Dapat naming sabihin sa iyo na ika’y tulad ng isang damo, o tulad ng mga bulaklak na tumutubo sa isang parang pagkatapos umulan tuwing panahon ng tagsibol. Agad ang buhay ay lilipas. Gaano kadali itong mangyayari! Waring ang iyong kabataan ay magpapatuloy magpakailan man, ngunit ito’y lilipas ng mabilis. Lumingon ako sa sarili kong buhay, isang taong kulang ng pitong dekada, at waring lumipas ito ng pitong buwan! At gayon din ito sa iyo. Ang tag-init na araw ay lilitaw. Ang damo ay magiging kayumanggi. Ang mga bulaklak ay matutuyo at mamamatay. Ang buhay ay lumilipas, lumiliksi, pansamantala, maiksi, dumaraan. Sumipi ang Apostol Santiago sa pasaheng ito sa Isaias upang ipakita ang kahangalan ng pagtutuong pansin ng isang taong buhay sa pulos na pag-angat ng kabuhayan at akumulasyon ng materyal na mga bagay.

“At ang mayaman… siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo. Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad” (Santiago 1:10-11).

Napaka-kaunting mga tao ang may pananaw na ito. Sila’y nag-aabot at kumakapit upang umangat sa mundong ito, na hindi tinatamaan ng waring parang isang malinaw na katotohanang – ito’y matatapos ng mas madali kaysa iniisip mo! Si C. T. Studd (1860-1931) ay isa sa kakaunting mayayamang tao sa kanyang panahong nakakita nito. Nakamana siya ng malaking kayamanan, ngunit ipinamigay niya ang lahat ng ito at nagpunta bilang isang misyonaryo – una sa Tsina at tapos sa Aprika. At si C. T. Studd ang nagsabing,

Isang buhay lamang,
   ito’y madaling lilipas;
Ang nagawa lamang para kay Kristo
   ang magtatagal.

Hiling ko na ang bawat kabataan ay magbabasa tungkol kay C. T. Studd, at hanaping gayahin ang kanyang buhay! At bakit hindi, yamang “lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang”? Ah, kung makita mo lang sana ang katotohanang niyan!

Isang buhay lamang,
   ito’y madaling lilipas;
Ang nagawa lamang para kay Kristo
   ang magtatagal.

Hindi magtatagal lilipas ka mula sa lupang ito at ang iyong kaluluwa ay tatayo sa harap ng Harang Paghahatol ng Diyos. Wala kang dadalhin kundi ang iyong kaluluwa. Ngunit hindi mo ito maitatago kung ika’y di-napagbagong loob! Sa pinaka posibleng simpleng mga salita, sinabi ni Hesus,

“Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios” (Juan 3:3).

Lubos na kinakailangang ika’y maipanganak muli. Kung hindi ay iyong mawawala ang iyong pinka-kaluluwa – sa lahat ng panahon, at buong walang hanggan. “Ngunit,” may isang nagsasabing, “mayroong maraming mahalagang mga bagay na dapat kong gawin.” Gaya ng paglagay nito ng isang babae, “Ang buhay ay tumatawag.” Sa iyo dapat kong isipi ang dalawa sa dakilang tanong ni Kristo:

“Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay? Sapagka't anong ibibigay ng tao na katumbas sa kaniyang buhay?” (Marcos 8:36-37).

“Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang” (Isaias 40:6).

Kung gayon dapat tayong dumaing at mangaral ng matiyaga sa kaiklian ng buhay!

II. Pangalawa, dapat tayong dumaing sa nakatutuyong
gawain ng Espiritu ng Diyos.

Pakibasa ang berso pito ng malakas.

“Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo” (Isaias 40:7).

Sinabi ni Dr. Gill,

Sa pagbabagong loob ng espiritu ang Panginoon ay humihihip ng isang pagsabog sa lahat ng kagandahan ng tao…at ito’y nagsasanhi ng isang pagtutuyo [ng] kabutihn ng tao; ang espiritu ng Diyos ay nagpapakita sa [kanila] na ang kanilang kagandahan ay hindi tunay na kabanalan; na ang kanilang katuwiran ay mayroon lamang kaanyuan…sa harap ng tao; at ang kanilang relihiyon at kagandahan [ay] isang pulos na anyo; at kanilang mabuting gawain [ay] di-sapat upang magpatunay at magligtas, at dalhin [sila] sa langit; kung saan sila’y kukupas at mamatay sa kanilang pagpapahalaga sa [sarili], na kapag sila’y napagbagong loob] bibilang sa kanilang wala kundi nawawala’t dumi (isinalin mula kay Gill, ibid., p. 223).

Ito ang tinatawag ni Spurgeon na “Ang Nakatutuyong Gawain ng Espiritu” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971 inilimbag muli, volume XVII, pp. 373-384). Gaya ng sinundan ni Dr. Gill, sinabi ni Spurgeon na ang Isaias 40:7 ay tumutukoy na ang Banal na Espiritu ay tumutuyo sa iyo, upang ang iyong kaluluwa ay matutuyo at makita ang kawalang tulong nito, kasalanan at kawalang pag-asa nito na wala ang Tagapagligtas.

“Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo” (Isaias 40:7).

Sinabi ni Spurgeon,

Ang Espiritu ng Diyos, tulad ng hangin, ay dapat dumaan sa parang ng iyong kaluluwa, at [magsanhi sa iyong] kagandahang makita na isang kumukupas na bulaklak. Dapat [ka] Niyang makumbinsi ng kasalanan…na [iyong] makikita ang [iyong bumagsak na kalikasan ay kuropisyon mismo (isinalin mula kay Spurgeon, ibid., p. 375).

Iyan ang nakatutuyong gawain ng Banal na Espiritu! Ito’y ang gawain ng Espiritu ng Diyos, na nanunuyo ng iyong huwad na mga pag-asa, nagpapakita sa iyo ng teribleng kamatayan at kuropsiyon ng iyong sarili kalikasan, nanunuyo ng lahat ng pag-asa ng iyong isipan, at gumagawa sa iyong makita na ang iyong tunay na pag-asa lamang ay nakasalalay kay Kristo, ang iyong dumurugong kapalit.

Kapag “itutuyo” ng Banal na Espiritu ang iyong kaluluwa, makikita mo na ang iyong tinatawag na “kabutihan” ay wala kundi maduming trapo. Makikita mo na lahat ng mga relihiyosong mga bagay na iyong ginagawa ay pulos na pagkukunwari; na wala sa mga “mabuting” mga bagay na maari mong gawin ang makapapatunay sa iyo sa paningin ng isang banal ng Diyos; na wala sa iyong mga nagawa ay gagawa sa iyong katangap-tangap sa harap ng Diyos; na ang iyong paniniwala ay wala kundi isang mental na pagkakasundo sa mga salita ng Bibliya; na wala sa mga bagay na ito ang makapatutunay sa iyo sa paningin ng Diyos; na lahat ng ginawa mo, at sinubukang gawin, ay hindi makaliligtas sa iyo mula sa apoy ng paghahatol sa araw ng poot ng Diyos!

Ang mga bagay na ito ay magiging malinaw sa iyo kapag madaraanan mo ang nakatutuyong gawin ng Banal na Espiritu. Isang babae ang nagsabi, “Nandidiri ako sa sarili ko.” Hindi nagtagal pagkatapos ay napagbagong loob siya. Isang babae naman ay nagsabing, “Nayayamot ako sa sarili ko.” Wala siyang naparatingan. Pinayuhan namin siya ni Dr. Cagan na dapat siyang makadama ng mas higit pa sa “pagkayamot.” Tulad noong babaeng napagbagong loob, dapat niyang maramdamang “nandidiri.” Hangang sa madama niyang, malalim sa loob, na siya ay lubusang nandidiri sa sarili niya, hindi niya mararanasan ang nakatutuyo at panloob na gulo na napaka karaniwan doon sa mga tunay na napagbabagong loob.

Ang salitang “tuyo” ay napaka importante. Dapat mong malaman na ang ibig sabihin nito kung gusto mong maintindihan ang nagsisimulang mangyari sa ilan sa inyo. Ang salitang naisaling “nakatutuyo” sa Isaias 40:7 ay nanggagaling mula sa isang Hebreong salita na ang ibig sabihin ay, “maging mahiya…upang matuyo (gaya ng tubig) o tuyo (gaya ng damo)…maging mahiya…maging magulohan…matuyo” (isinalin mula sa Strong’s Concordance #3001).

“Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo” (Isaias 40:7).

Iyan ay dapat mangyari sa iyong puso. Dapat patuyuin ng Espiritu ng Diyos ang iyong huwad na pag-asa at bilib sa sariling mayroon ka. Dapat paliitin, sunugin, patuyuin ang iyong bilib sa sarili, hangang sa ang iyong puso ay malalantang parang isang namamatay na bulaklak – hangang sa ika’y “naguguluhan,” nalilito, napangayupa, at “nahihiya” sa iyong sariling masamang kalikasan. Gaya ng sinabi ng babaeng iyon bago siya napagbagong loob, “Lubos akong nandidiri sa sarili ko.” Iyan ang nakatutuyong gawain ng Banal na Espiritu, hindi na siya’y “nayamot” sa sarili, kundi na siya’y “nandidiri” sa kanyang sarili. Iyan ang nangyayari sa tunay na pagigising, sa tunay na pagkakumbinsi ng kasalanan.

“Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon…” (Isaias 40:7).

Sinabi ni Iain H. Murray,

Ang pag-aasikaso sa konsensya ay dapat maunang dumating, ‘upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios’ (Mga Taga Roma 3:19). Ito’y pagiging totoo, ang konklusiyon ni J. H. Thornwell ay dapat sumunod, ‘Ang pinaka matagumpay na paraan ng pangangaral ay iyong naghahangad sa mainam at radikal na pangungumbinsi ng kasalanan’ (isinalin mula kay Iain H. Murray, The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening, The Banner of Truth Trust, 2005, p. 7).

“Anong aking idadaing?” Anong ipangangaral ko? Mangangaral ako sa kaiklihan ng buhay. Mangangaral ako sa nakatutuyong gawain ng Espiritu ng Diyos. Iyan ang gawain ng isang ebanghelista! Iyan ang gawain ng isang mangangaral! Ngunit mayroon pang isang punto, na akin lamang matatalakay ng mabilis.

III. Pangatlo, dapat nating idaing ang Ebanghelyo ni Kristo.

Tumayo at basahin ang huling berso ng ating teksto, Isaias 40:8.

“Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man”
     (Isaias 40:8).

Maaring magsi-upo.

Sumipi ang Apostol Pedro mula sa bersong iyan. Sinabi niya,

“Datapuwa't ang salita ng Panginoon ay namamalagi magpakailan man. At ito ang salita ng mabubuting balita na ipinangaral sa inyo” (I Pedro 1:25).

Ang walang hangan, walang katapusang Salita ng Diyos, ang banal na napukaw na Banal na mga Kasulatan, ay tumuturo sa natuyong makasalanan, sa pamamagitan ng Ebanghelyo – sa ating Panginoong Hesu-Kristo. Si Hesus ay namatay upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Bumangon siya mula sa kamatayan upang magbigay ng buhay. Malilinis ng Kanyang Dugo ang bawat kasalanan!

Kapag ika’y nandidiri sa iyong sarili, gayon dapat ka naming ituro sa Tagapaglitas! Tapos ay ika’y maaring mapagbagong loob. Tapos ay maari ka nang matipon sa Kanyang mga kamay at buhatin mula sa iyong kasalanan patungo sa Kanya Mismo. Kapag iyan ay mangyayari, sasabihin sa iyo ni Hesus,

“Sila'y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma'y hindi sila malilipol” (Juan 10:28).

Lumingon kay Hesus! Ika’y maliligtas Niya sa lahat ng panahon at sa buong walang hangan, mundong walang katapusan. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Pedro 1:18-25 .
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Halika, Banal na Espiritu, Kalangitang Kalapati.” Isinalin mula sa
“Come, Holy Spirit, Heavenly Dove” (ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748;
sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).


ANG BALANGKAS NG

ANG NAKATUTUYONG GAWA NG ESPIRITU

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang: Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo. Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man” (Isaias 40:6-8).

(Isaias 40:5; 58:1; Juan 1:23; II Timoteo 4:2-3;
Juan 7:28, 37; Mga Gawa 2:14; 3:6)

I.   Una, dapat nating idaing ang kaiklian ng buhay, Isaias 40:6;
Santiago 1:10-11; Juan 3:3; Marcos 8:36-37.

II.  Pangalawa, dapat tayong dumaing sa nakatutuyong gawain
ng Espiritu ng Diyos, Isaias 40:7; Mga Taga Roma 3:19.

III. Pangatlo, dapat nating idaing ang Ebanghelyo ni Kristo,
Isaias 40:8; I Pedro 1:25; Juan 10:28.