Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PAANO MAGHANDA NG ISANG EBANGHELISTIKONG PANGARAL – MGA NALIMUTANG MGA KATOTOHANAN NA KINAKAILANGAN PARA SA TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB

HOW TO PREPARE AN EVANGELISTIC SERMON –
FORGOTTEN TRUTHS NEEDED FOR REAL CONVERSIONS
(Tagalog)

ni Dr. C. L. Cagan at Dr. R. L. Hymers Jr.
Isang pangaral na ipinangaral Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Sabado ng Gabi, Ika-14 ng Oktubre taon 2017

by Dr. C. L. Cagan and Dr. R. L. Hymers, Jr.
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Saturday Evening, October 14, 2017

“Gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio”
(II Ni Timoteo 4:5).


Ibinigay ng Apostol ang mga salitang ito kay Timoteo agad-agad bago si Pablo ay pinatay sa ilalim ng pag-uusig ng Emperor Nero. Si Timoteo ay alagad ni Pablo. Sinanay siya ni Pablo sa Gawain sa ministerio. Si Timoteo ay naging ang pastor ng simbahan sa lungsodng Efeso. Ang pangunahing Gawain ni Timoteo ay ang maging isang pastor.

Si Timoteo ay hindi nagkaroon ng parehong ministerio tulad ni “Felipe na evangelista” (Mga Gawa 21:8). Si Felipe ay nagpunta sa maraming mga lugar. Nagpunta si Felipe sa Samaria at nangaral si Kristo doon (Mga Gawa 8:5). Tapos si Felipe ay nagpunta sa desyerto at pinangunahan ang Etiopiang Bating kay Kristo (Mga Gawa 8:26-39). Tapos si Felipe ay nangaral sa ibang mga lungsod (Mga Gawa 8:40). Si Felipe ay naglalakbay na ebanghelista. Si Timoteo ay ang pastor ng isang lokal na simbahan.

Bakit sinabihan ni Pablo si Timoteo na “gawin ang gawain ng ebanghelista”? Dahil bawat pastor ay tinawag upang gawin ang gawain ng isang ebanghelista! Sinabihan ni Pablo si Timoteo na “ganapin [niya] ang [kanyang] ministerio” (II Ni Timoteo 4:5). Ano ang naging kaganapan ng kanyang ministerio? Paggagawa ng gawain ng isang ebanghelista! Ang bawat pastor ay tinawag na gawin ang gawain ng isang ebanghelista. Kung hindi mo ito gagawin, hindi mo ginagawa ang lahat na iniutos ng Diyos sa iyong gawin!

Ang bawat pastor ay nangangaral sa kanyang simbahan. Iyana ng kanyang pagkatawag. At bawat pastor ay dapat mangaral ng ebanghelistikong mga pangaral sa kanyang simbahan – at ipangaral ang mga itong madalas! Kung iiwan moa ng Ebanghelyo sa isang Panlinggong Paaralang klase ilang beses sa isang taon, hindi ka mapagpananampalatayang mangangaral. Kung ang lahat na gawin mo ay ang turuan ang mga tao, hindi ka isang mapagpananampalatayang mangangaral. Ang iyong ministerio ay hindi lamang pagtuturo ng Bibliya. Dapat mong gawin ang gawain ng isang ebanghelista. Dapat kang mangaral na mga ebanghelistikong pangaral, at gawin ito palagi.

Ano ang isang ebanghelistikong pangaral? Ang isang ebnanghelistikong pangaral ay nakatutok direkta sa nawawalang mga tao sa kongregasyon, kung saan mayroon laging marami sa bawat paglilingkod, kahit na ang ilan sa kanil ay nagpupunta kada lingo. Ang buong ebanghelistikong pangaral ay nagproproklama ng katotohanan patungkol sa kasalanan at kaligtasan kay Kristo – upang ang mga nawawalang mga taong nakaririnig nito ay magtiwala kay Hesus at maligtas. Ang isang ebanghelistikong pangaral ay hindi isang pagpapaliwanag na pangaral sa bawat berso ng Kasulatan. Ito’y mas mainam na huwag mangaral ng isang pagpapaliwanag na pangaral patungkol sa maraming mga berso ng Kasulatan. Pumili ng isa o dalawang mga berso na mangangaral mula. Ang ebanghelistikong mga pangaral ay nakasentro sa katotohanan ng isa o dalawang mga berso sa pinaka higit. Mga pagpapaliwanag ng maraming mga berso ay hindi ebanghelistikong mga pangaral. Pag-aralan ang ebanghelistikong mga pangaral ni Spurgeon. Wala sa mga ito ay ang tinatawag nating “pagpapaliwanag” na mga pangaral ngayon. Sa Mga Aklat ng Mga Gawa ang bawat maliban sa isa ay isang ebanghelistikong pangaral. Mayroong isa lamang na “nagpapaliwanga” na pangaral sa buong Aklat ng Mga Gawa! Dapat nating sundan ng halimbawa ng mga Apostol at ni Spurgeon kapag mangangaral tayo ng mga ebanghelistikong mga pangaral!

Napaka kaunting mga pastor ngayon ay nangangaral na ebanghelistikong mga pangaral. Marami ay hindi nagpapangaral ng mga ito sa anumang paraan. Sa Amerika bihira tayong makadinig ng mga ebanghelistikong mga pangaral. At hindi ito mas higit na iba sa ibang mga bansa. Ang mga pastor ay nagtuturo ng Bibliya sa kanilang mga tao – o kaya nangangaral sila patungkol sa paggagaling, prosperidad, at paano bumuti ang pakiramdam – kahit ano maliban sa Ebanghelyo ni Kristo! Hindi nila sinusunod ang Ebanghelyo, na nagsasabing, “Gawin ang gawain ng isang ebanghelista.”

Maari mong sabihin, “Ngunit paano ako makapaghahanda ng isang ebanghelistikong pangaral? Ano ang dapat kong gawin?” Iyana ng ibig sabihin ng mensaheng iyan. Sasabihin ko sa inyo kung paano mangaral ng isang ebanghelistikong pangaral.

Ang isang ebanghelistikong pangaral ay isang naka-sentro sa Ebanghelyong pangaral. Ano ang isang Ebanghelyong pangaral? Upang magpangaral ng Ebanghelyo dapat mong malaman kung ano ang isang Ebanghelyo. Sinabi ng Apostol Pablo,

“ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio... na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:1, 3, 4).

Muli, sinabi ng Apostol Pablo,

“Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Mayroong dalawang bahagi sa isang ebanghelistikong pangaral. Una, ang problema ng kasalanan ng tao; at pangalawa, anong ginagawa ni Kristo upang iligtas ang mga tao mula sa kanilang kasalanan.

I. Una, dapat mong ipangaral ang batas – na nagpapaalam sa mga tao ng kanilang makasalanang mga puso.

Sa unang bahagi ng isang ebanghelistikong pangaral, dapat mong ipangaral ang batas. Bakit magtitiwala ang isang tao kay Hesus? Ano ang dahilan? Bakit namatay si Hesus sa Krus? Maraming mga pangaral ang nagsasabi sa mga tao na magtiwala kay Hesus upang magkaroon sila ng mas mabuting buhay, o maging maligaya, o makahanap ng pag-ibig at pakikipagkaibigan. Ngunit hindi iyan ang dahilan na namatay si Hesus sa Krus! Ang ilang mga pangaral ay nagsasabi sa mga tao na magtiwala kay Hesus upang sila’y makapunta sa Langit. Ngunit hindi iyan ang mensahe ng Ebanghelyo kung hindi nito sinasabi bakit kailangan nila si Hesus na magpunta sa Langit. Sinasabi ng Bibliya, “Namatay si Kristo para sa iyong mga kasalanan.” Sinasabi ng Bibliya, “Si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan.”

Kung hindi makita ng mga tao na sila’y makasalanan bakit sila magpupunta kay Kristo? Maari silang manalangin ng isang panalangin. Maari nilang itaas ang kanilang kamay. Maari silang magpunta sa harapan sa katapusan ng pangaral. Ngunit hindi sila maliligtas! Bakit? Dahil walang bagay silang ikaliligtasan mula!

Paano mo mapipikita sa mga tao na sila’y makasalanan? Sa pamamagitan ng pangangaral ng batas ng Diyos sa kanila. Sinasabi ng Bibliya,

“Ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo” (Mga Taga Galacias 3:24).

Ipinapakita ng batas na sila ay mga makasalanan. Pagkatapos nilang makumbinsi ng kasalanan ng kanilang mga puso, maari silang magpunta kay Kristo.

Maraming mga pastor ay takot na ipangaral ang batas. Sila’y takot na mapagalit ang tao. Sinabi ni Iain H. Murray ito “Ang Pangunahing Problema ng Ebanghelismo.” Sa aklat niyang, Ang Lumang Ebanghelikalismo [The Old Evangelicalism] (Banner of Truth, 2005; basahin ang mga pahinang 3 hanggng sa 37),

Anumang gawin mo, huwag kang mangaral laban sa indibidwal na mga kasalanan. “Gawin ito. Huwag gawin iyan.” Ito’y patungkol sa aktwal na kasalanan, particular na mga kasalanan ng tao. Ngunit ang kasalanan ay mas malalim pa. Sila’y mga makasalanan sa loob. Ang lahat ay isang makasalanan sa loob. Mayroon silang makasalanan na mga puso na namana kay Adam. Iyan ang dahilan na sinabi ni David, “Ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina” (Mga Awit 51:5). Iyan ang dahilan na sinasabi ng Bibliya, “Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam” (Jeremias 17.9). At sinasabi ng Bibliya, “ang kaisipan ng laman [di napagbagong loob] ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Iyana ng dahilan na ginagawa ng mga tao ang mga bagay na ginagawa nila. Ang ginagawa nila au lumalabas mula sa kung ano sila. Sinabi ni Kristo, “Mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao… Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob” (Marcos 7:21, 23). Mas malalim pa riyan ang ginagawa ng mga tao ay kung ano sila. Kahit na ang isang tao ay susubukang maging mas mabuti, hindi niya kalian man mababago ang kanyang puso, na mas higit sa kaysa isang kambing ay mababago ang kanyang sarili sa isang tupa. Hindi matuturuan ang mga taong maging mga Kristiyano. Kailangan silang maipangaral tungo rito, gaya ng pagpapaliwanag ko sa pangaral na ito. Isinusumpa ng Diyos ang puso ng tao gayon din ang mga aksyon ng tao. Sinasabi ng Bibliya, “Silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:9). Ang lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan at multa ng kasalanan bago ng pagbabagong loob.

Dapat mong ipangaral ang batas upang makita ng mga tao at maramdaman na ang kanilang mga puso ay makasalanan. Ngayon, inaamin ng lahat na sila’y mga makasalanan sa ilang paraan. Hindi pa ako nakakilala ng kahit sinong nagproklamang maging ganap. Sinabi ng isang lalake sa isang mangangaral, “Siguro nga ako’y [isang makasalanan], ngunit hindi ako ang matatawag mong isang masamang makasalanan. Sa tingin ko ako’y isang mabuting makasalnaan. Sinusubukan ko laging gawin ang pinaka mainam na magagawa ko.” Ang taong iyon ay hindi handang maligtas! Bago siya maligtas, kailangan niyang makita na siya’y isang “masamang” makasalanan. Iyan ang dahilan na dapat kang mangaral patungkol sa kanilang makakasalanang puso.

Na wala ang batas ng Diyos, hindi makikita ng mga tao kung bakit kailangan nila ang Ebanghelyo ni Kristo. Iyan ang dahilan na dapat kang mangaral ng batas bago ka mangaral ng Ebanghelyo. Sinasabi ng Bibliya, “ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo” (Mga Taga Galacias 3:24). Tulad ng isang guro, ang batas ay nagpapakita kung bakit kailangan ng mga tao si Kristo. Una ang batas. Tapos ang Ebanghelyo. Ang sinabi ni Luther ay tamang-tama. Dapat mong pag-aralang mabuti ang sinabi niya kung gusto mong matutunan kung paano mangaral ng ebanghelistikong mga pangaral. Sinabi ni Luther,

It is necessary, if you would be converted, that you become [troubled], that is, that you have an alarmed and trembling conscience. Then, after this condition has been created, you must grasp the consolation that comes not from any work of your own but from the work of God. He sent His Son Jesus into this world in order to proclaim to terrified sinners the mercy of God. This is the way of conversion. All other ways are false ways (Martin Luther, Th.D., What Luther Says, Concordia Publishing House, 1994 reprint, Number 1014, page 343). Kinakailangan ito, kung ika’y dapat mapagbagong loob, na ika’y [magulo], iyan ay, na mayroon kang nababahala at nanginginig na konsensya. Gayon, pagkatapos ng kondisyon na ito ay nalikha, dapat mong makuha ang kasiyahan na hindi nanggagaling mula sa kahit anong gawain ng iyong sarili kundi mula sa gawain ng Diyos. Ipinadala Niya ang Kanyang Anak na si Hesus sa mundong ito upang iproklama sa mga natatakot na mga makasalanan ang awa ng Diyos. Ito ang paraan ng pagbabagong loob. Ang lahat ng ibang paraan ay huwad (Isinalin mula kay Martin Luther, Th.D., Anong Sinasabi ni Luther [What Luther Says], Concordia Publishing House, 1994 inilimbag muli, Bilang 1014, pahina 343

Sinabi ko, “Dapat mong ipangaral ang batas upang makita ng mga tao at maramdaman ang kanilang panloob na kasalanan.” Hindi ko sinabi na, Dapat kang mangaral patungkol sa Impiyerno.” Oo, si Kristo ay nagsalita patungkol sa Impiyerno. Ang Impiyerno ay totoo. Ngunit dapat kang mag-ingat kapag mangaral patungkol sa Impiyerno. Walang maliligtas sa pamamagitan ng pagiging takot sa Impiyerno. Maari nilang subukang maging mas mabuting mga tao. Maari silang maging napaka relihiyoso. Ngunit ang pagiging takot sa Impiyerno ay di kailan man nagliligtas sa kahit sino. Namatay si Kristo para sa ating mga kasalanan. Ang Impiyerno ay isang bunga ng kasalanan. Ang tunay na problema ay kasalanan, hindi Impiyerno. Natagpuan naming na buong mga pangaral sa Impiyerno ay di nagpapabagong loob ng mga tao. Ang unang bahagi ng isang ebanghelistikong pangaral ay dapat maglantad ng kanilang kasalanan – hindi lamang mga indibidwal na mga kasalanan, kundi ang kasalanan ng kanilang mga puso.

Upang ipakita sa mga tao ang kanilang kasalanan, dapat kang mangaral laban sa kanilan makasalanang, rebeldeng mga puso. Ngunit hindi ka dapat magtatapos riyan. Hindi makaliligtas ang batas ng kahit sino. Ang batas ay nagpapakita lamang sa mga tao na kanilang kasalanan ng kanilang puso. Sinasabi ng Bibliya, “Sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:20). Sinasabi ng Bibliya na ang pagliligtas ng mga tao “ang hindi magawa ng kautusan” (Mga Taga Roma 8:3). Si Kristo lamang Mismo ang makapagbabago ng puso ng isang makasalanan. Ang Dugo lamang ni Kristo ang makahuhugas papalayao ng kasalanan. At dinadala ako nito sa pangalawang punto.

II. Pangalawa, dapat kang mangaral ng Ebanghelyo – na nagsasabi sa mga tao kung anong ginawa ni Kristo upang iligtas sila mula sa kasalanan.

Sa pangalawang bahagi ng iyong ebanghelistikong pangaral, dapat mong ipangaral ang Ebanghelyo. Ang Ebanghelyo ay hindi nagtuturo kung paano maging magmabuti. Ang Ebanghelyo ay hindi isang mensahe tungkol sa simbahan, o tungkol sa Langit. Ang Ebanghelyo ay na si “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Ang Ebanghelyo ay na “si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Ang Ebanghelyo ay hindi isang pulutong ng mga patakaran. Ang Ebanghelyo ay nagpapakita na iniibig ng Diyos ang makasalanan ng higit na si Kristo ay dumating upang mamatay para sa kanya. Ang Ebanghelyo ay hindi gawa mula sa batas. Ito’y purong pag-ibig at biyaya. Gaya ng sinabi ni Luther,

Hindi ipinapangaral…ng Ebanghelyo ang dapat nating gawin o iwasan. Wala itong itinatakdang pangangailangan kundi ay ibinabaligtad nito ang pamamaraan ng batas, ginagawa ang pinaka kabaligtaran, at sinasabing, ‘Ito ang ginawa ng Diyos para sa iyo; pinabayaan niya ang kanyang Anak na maging laman para sa iyo, hinayaan siyang mamatay para sa iyong alang-alang’ …itinuturo ng Ebanghelyo… kung anong ibinigay sa atin ng Diyos, hindi…kung anong gagawin natin at ibbigay sa Diyos (Isinalin mula sa “Paano Dapat Tignan ng mga Kristiyano si Moses” [“How Christians Should Regard Moses,”] 1525).

Inaalay ng Ebanghelyo sa isang makasalanan ang isang bagong puso, at kapatawaran ng kasalanan sa pamamagitan ng ginawa ni Kristo sa Krus at isang walang lamang libingan! Ang isang taong nagtitiwala kay Hesus ay

“inaring-ganap na walang bayad ng kaniyang biyaya sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob [a payment for sin isang pambayad para sa kasalanan] sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24, 25).

Sinasabi ng Bibliya “[Ipinapakita ng] Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin… [tayo na] inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 5:8, 9). Namatay si Kristo sa lugar ng mga makasalnaan upang magbayad para sa kanyang kasalanan. Gaya ng sinabi ni Isaias, “Ipinasan sa kaniya [si Kristo] ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Ang Ebanghelyo ay libreng biyaya ng kapatawaran ng kasalnaan sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

Kapag ipangangaral mo ang Ebanghelyo, huwag mo lang ipangaral ang kamatayan ni Kristo. Ipangaral ang muling pagkabuhay ni Kristo! Ito’y bahgi ng Ebanghelyo na si Kristo ay “muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:4). Ang muling pagkabuhay ni Kristo ay mahalaga. Sinasabi ng Bibliya, “kung si Cristo ay hindi muling binuhay, ang inyong pananampalataya ay walang kabuluhan kayo'y nasa inyong mga kasalanan pa” (I Mga Taga Corinto 15:17). Si Kristo ay hindi nanatiling patay sa Kanyang libingan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ang mga makasalanan ng isang bagong puso (tignan ang Ezekiel 11:19, 36:26, 27).

Huwag lamang mangaral sa kamatayan ni Kristo. Ipangaral ang Dugo ni Kristo! Tandaan na ang mga tao ay naliligtas “sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:25). Tayo ay “inaaring-ganap sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 5:9). At sinasabi ng Bibliya, “maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Mga Taga Hebreo 9:22). Namamangha ako na napaka raming mga mangangaral ang sumusunod kay Dr. John MacArthur kapag sinasabi niya na ang Dugo ni Kristo ay hindi kinakailangan para sa kaligtasan, at walang Dugo ni Kristo ngayon. Ngunit mapagpananampalatayang at mabubuting mga pastor ay ipinangangaral ang Dugo ni Kristo! Si Dr. Martyn Lloyd-Jones ay tama noong sinabi niya, “Sa mga panahon ng muling pagkabuhay…ginagawa siya [ng simabahan] na ipagmalaki ang dugo…mayroon lamang isang paraan kung saan makapaasok tayo na may kalakasan ng loob sa pinaka banal na [lugar] sa lahat, at iyan ay sa pamamagitan ni Hesus” (Isinalin mula sa Muling Pagkabuhay [Revival] Crossway Books, 1992 edisyon, pah. 48). Ipangaral ang Dugo! Ipangaral ang Dugo! “Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Ang Ebanghelyo ay ang libreng regalo ng biyaya ng Diyos kay Kristo. Hindi magagawa ng makasalanan ang kanyang sariling mabuti. Mayroon lamang isang bagay na kailangang gawin ng makasalanan. Dapat siyang magtiwala kay Hesus. Ang paniiwala lamang sa isang katunayan patungkol kay Kristo ay hindi magliligtas sa kanya. Dapat siyang magtiwala kay Hesus Mismo. Sinabi ng Apostol Pablo sa Taga Filipong tagabilanggo, “Manampalataya ka sa [Griyego epi = sa, sa loob ng] Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Kung ang isang makasalanan ay magtiwala kay Hesus, siya’y maliligtas. At lahat na kailangang gawin ng makasalanan ay magtiwalaa kay Kristo. Ginagawa ni Hesus ang lahat ng iba. Binibigyan Niya ang makasalanan ng isang bagong puso sa bagong pagkapanganak (Mga Taga Efeso 2:5; Juan 3:6, 7) at nililinis Niya ang makasalanan mula sa lahat ng kasalanan gamit ng Kanyang Dugo (Mga Taga Hebreo 9:14; Apocalipsis 1:5b; 5;9b). “Magtiwala lamang sa Kanya, Magtiwala lamang sa kanya, Magtiwala lamang sa Kanya ngayon. Ililigtas sa Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas sa Niya ngayon” (Isinalin mula sas “Magtiwalaa Lamang sa Kanya” [“Only Trust Him”] ni John H. Stockton, 1813-1877).

Sa katapusan ng iyong pangaral, magmakaawa sa mga makasalanan na magtiwala kay Hesus. Imbitahin sila na magpunta sa ibang silid kung saan ay kakausapin mo silang pribado. Ang iyong gawain ay hindi pa tapos kung sila’y magpupunta sa iyo upang makipag-usap. Ang “Papupunta sa harap” ay hindi parehas ng pagtitiwala kay Hesus. Ang “Pagtataas ng kamay” o pagsasabi ng isang “panalangin ng makasalanan” ay hindi parehas ng pagtitiwala kay Hesus. Ang pagtitiwala kay Hesus ay pagtitiwala kay Hesus – wala nang iba. Iyan ang dahilan na dapat mong kausapin ang mga tao na tutugon sa iyong imbitasyon pagkatapos ng pangaral. At iyan din ang dahilan na dapat kang making sa kanilang maigi rin. Sa pamamagitan ng pakikinig matututunan mo ang huwad na mga ideya na kanilang pinaniniwalaan, upang iyo silang maiwasto. Kausapin ang bawat isang na personalan at gawin ang iyong lahat na makakaya upang gabayin sila kay Kristo. Ngunit iyan ay paksa ng isa na naming mensahe. Naway pagpalain ka ng Diyos habang mangaral ka sa mga kasalanan ng puso at kapatawaran sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo.

I-klik ito upang basahin ang isang ebanghelistikong pangaral na isinaulat ni Dr. R. L. Hymers Jr. Si Dr. Hymers ay nangangaral na ng mga ebanghelistikong mga pangaral sa loob ng anim na pung taon. Marami kang matututunan sa pamamagitan ng pagbabasa ng kanyang ebanghelistikong pangaral na, “Mahugasan at Malinisan – Isang Tipolohiyo ng Pagbabagong loob. I-klik ang pamagat at basahin ito. Ipapakita nito kung paano ipangaral ang batas at ang Ebanghelyo sa isang ebanghelistikong pangaral.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.


ANG BALANGKAS NG

PAANO MAGHANDA NG ISANG EBANGHELISTIKONG PANGARAL – MGA NALIMUTANG MGA KATOTOHANAN NA KINAKAILANGAN PARA SA TUNAY NA PAGBABAGONG LOOB

HOW TO PREPARE AN EVANGELISTIC SERMON – FORGOTTEN TRUTHS NEEDED FOR REAL CONVERSIONS

ni Dr. C. L. Cagan at Dr. R. L. Hymers Jr.

“Gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio”
(II Ni Timoteo 4:5).

(21:8; 8:5, 26-39, 40; I Corinthians 15:1, 3, 4;
I Timothy 1:15)

I.     Una, dapat mong ipangaral ang batas – na nagpapaalam sa mga tao ng kanilang makasalanang mga puso, Mga Galacia 3:24; Mga Awit 51:5;
Jeremias 17:9; Mga Taga Roma 8:7; Marcos 7:21, 23;
Mga Taga Roma 3:9, 20; 8:3.

II.   Pangalawa, dapat kang mangaral ng Ebanghelyo – na nagsasabi sa mga tao kung anong ginawa ni Kristo upang iligtas sila mula sa kasalanan, I Mga Taga Corinto 15:3; I Ni Timoteo 1:15; Mga Taga Roma 3:24, 25; 5:8, 9;
Isaias 53:6; I Mga Taga Corinto 15:4, 17; Ezekiel 11:19; 36:26, 27;
Mga Hebreo 9:22; I Ni Juan 1:7; Mga Gawa 16:31; Mga Taga Efeso 2:5;
Juan 3:6, 7; Mga Hebreo 9:14; Apocalipsis 1:5b; 5:9b.