Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MAHUGASAN AT MAGING MALINIS! – ISANG TIPOLOHIYO NG PAGBABAGONG LOOBWASH AND BE CLEAN! – THE TYPOLOGY OF CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10). |
Ito’y isang simpleng kwento. Ngunit mayroon itong malalim na kabuluhan. Kung hindi ka pa ligtas dapat kang makinig ng mabuti rito. Dapat kang kumilos patungkol rito. Ipinapakita nito sa iyo ang nag-iisang paraan upang maging tunay na maligtas.
Ito’y isang simpleng kwento. Ito’y ibinigay sa Bibliya upang ipakita sa iyo na ang nag-iisang paraan upang maligtas ay maging isang tunay na Kristiyano.
Si Naaman ay isang dakilang tao. Siya ang komander, ang heneral, ng Syrianong kawal. Siya ay isang magiting na sundalo. Siya ay pinarangalan ng hari, at siya ay isang napaka mapagmalaking tao. Ngunit siya’y kinakain ng buhay ng teribleng karamdaman ng ketong. Siya ay namamatay ng ketong at alam niya ito. Sinubukan niya ang lahat, ngunit walang nakapagpagaling ng kanyang ketong. Isang batang Hebreon babae ay nagtrabaho sa tahanan ni Naaman. Sinabi niya sa kanya na mayroong isang propeta sa Israel na makapagpapagaling ng kanyang ketong. Sinubukan niya ang lahat, ngunit walang nakapagpagaling ng kanyang karamdaman. Sa wakas inisip ni Naaman, “Siguro ang propetang ito ay makapagpapagaling sa akin.” Ito ang kanyang huling pag-asa upang mapagaling, kaya nagpunta siya upang makita si Elisha, ang propeta ng Diyos.
Ngunit ang propeta ay isang tunay na tao ng Diyos. Kung lumabas siya ng kanyang tahanan at nanalangin para kay Naaman iisipin ng tao na siya, ang propeta, ay nagpagaling sa kanya. Gusto ng propetang malaman ni Naaman na ito’y ang Diyos na nagpagaling sa kanya, hindi ang propeta mismo. Kaya si Naaman ay dumating sa kanyang karwahe sa pinto ng bahay ng propeta. Ngunit ang propeta ay hindi nagpunta upang makipag-usap sa kanya. Imbes ay pindalhan niya si Naaman ng isang mensahe,
“Ikaw ay yumaon, at maligo sa [ilog na] Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10).
Ginawa niyan si Naaman na talagang magalit. “Aba, ang propetang ito ay hindi man lang lumabas upang makita ako! Sino ba siyang akala niya?” Akala niya na ang propeta ay lalabas sa kanya “at iwawagayway ang kanyang kamay sa ibabaw ng bahid, at pagalingin ako ng aking ketong.” Akala niya na ang propeta ay maging tulad ni Benny Hinn. Iyan ay maging isang matinding palabas, at magagawa ang taong isipin na siya ay isang dakilang mananampalatayang manggagamot. Ngunit gusto ng propeta na bigyan ng parangal ang Diyos. Nagpadala lamang siya ng isang mensahe kay Naaman,
“Ikaw ay yumaon, at maligo sa [ilog na] Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis” (II Mga Hari 5:10).
Si Naaman ay lubhang nagalit. Nagsimula siyang umalis sa galit!
Tapos sinabi ng tagapaglingkod ni Naaman sa kanya, “Kung ang propeta ay nagsabi sa iyong gumawa ng isang dakilang bagay, hindi ba gagawin mo ito? Bakit hindi mo gawin ang sinabi niyang gawin mo, ‘Mahugasan at maging malinig’?” Tapos inisip ni Naaman, “OK, gagawin ko ang sinabi ng propeta.” Nagpunta siya sa ilog ng Jordan at sumugbong sa tubig ng pitong beses, “at ang kaniyang laman ay nagsauling gaya ng laman ng isang munting bata, at siya'y naging malinis” (II Mga Hari 5:14).
Maraming mga dakilang mga pangaral ay naipangaral patungkol sa pasaheng ito ng Kasulatan. Iyong mga dakilang mga mangangaral, tulad ni Spurgeon, ay tama upang sabihin na ang paglilinis ng ketong ni Naaman ay naglalarawan ng paglilinis ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus na ibinuhos sa Krus. Makinig at ang kwento ni Naaman ay magpapakita sa iyo kung paano maligtas at mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan ngayong umaga!
I. Una, mayroon siyang ketong.
“[Mayroon siyang] ketong” (II Mga Hari 5:1).
Ikaw rin. Ikaw ay puno ng ketong ng kasalanan! Ang ketong ng kasalanan ay bumaba sa iyo mula sa unang makasalanan, si Adam. Sinabi ng Apostol Pablo,
“sa pamamagitan ng isang tao [si Adam] ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao” (Mga Taga Roma 5:12).
Anong isang paglalarawan mo ngayong umaga! Inilagay ni Dr. Watts ang iyong kondisyon sa isang himno,
Panginoon, ako’y masama, pinagbuntis sa kasalanan,
At ipinanganak na di banal at di malinis;
Sumibol mula sa isang lalakeng ang kanyang pagkakasala ay bumagsak
Nagpasama sa lahi, at bumulok sa ating lahat.
Tignan, bumagsak ako sa harap ng Iyong mukha,
Ang nag-iisa kong taguan ay Iyong biyaya;
Walang panlabas na anyo ang makagagawa sa aking malinis;
Ang ketong ay namamalaging malalim sa loob.
(Isinalin mula kay Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
Ang ketong ng kasalanan ay “namamalaging malalim sa loob” mo! Inilalarawan ka nito ngayong umaga! “Ang ketong ng kasalanan ay namamalaging malalim sa” iyo! Sinabi ni Hesus,
“Sapagka't mula sa loob, mula sa puso ng mga tao, lumalabas ang masasamang pagiisip, ang mga pakikiapid, ang mga pagnanakaw, ang mga pagpatay sa kapuwa-tao, ang mga pangangalunya, Ang mga kasakiman, ang mga kasamaan, ang pagdaraya, ang kalibugan, ang matang masama, ang kapusungan, ang kapalaluan, ang kamangmangan: Ang lahat ng masasamang bagay na ito ay sa loob...” (Marcos 7:21-23).
Iyan ay isang larawan ng iyong puso, puno ng masasamang mga pag-iisip. Ang iyong puso ay puno ng ketong ng kasalanan!
Walang panlabas na anyo ang makagagawa sa [iyong] malinis;
Ang ketong ay namamalaging malalim sa loob –
hindi ba ganoon ito? Hindi ba ganoon ito? Alam mo na ganito ito! At “walang panlabas na anyo [walang panlabas na mga gawain] at makagagawa sa iyong malinis! Wala mga desisyon o mga panalangin ang makagagawa sa iyong malinis! Walang madarama mo o matututunan mo ang makagagawa sa iyong malinis! At alam mo ito! ‘Ang ketong [ng kasalanan] ay namamalagi malalim sa loob” sa iyong puso! At alam mo ito – hindi ba?
Alam mo na ito’y totoo. Alam mo ito bago ka pa nagkamit ng panlabas na kasalanan. Ginawa mo itong sadya! Alam mong sakto kung anong ginagawa mo. Bakit mo ginawa ito kung alam mon a mali ito? Ito ang iyong di napagbagong loob na kalagayan inibig mo ang kadiliman. Tinatamasa mo ang kasalanan. Maligaya kang nagkakasala. Iniibig mo ang lasa nito. Iniibig mo ito kahit na alam mon a ito’y mali! Iyan ang dahilan na kinamumuhian mong madinig ang katotohanan patungkol sa iyong makasalanang puso! Kinamumuhian mo ako dahil sa pagsasabi sa iyo ng katotohanan patungkol sa iyong malupit na puso – hindi ba? Isinusumpa ka nito at ginagawa kang madamang miserable na madinig ang katotohanan! Ang ketong ay namamalagi sa loob! Ang iyong puso ay baluktot at taliwas. Tinatamasa mo ang kasalanan kaysa kung anong mabuti at tama. Ang ketong ay namamalagi sa loob ng iyong malupit na puso ng di paniniwal! Hindi ko iyan gawa-gawa. Sinasabi ko sa ibang paraan ang sinabi ni Dr. Matryn Lloyd-Jones, isang medikal na doktor na alam ang lahat patungkol sa makakasalanang mga puso tulad ng iyo!
II. Pangalawa, sumama ang loob niya dahil sinabihan siya ng propeta kung paano maging malinis.
Noong sinabihan siya ng propetang “yumaon at maligo” siya’y nagpunta na galit-na-galit. Sinabi niya, “Akala ko [ang propeta ay darating at mananalangin para sa akin].” “Akala ko.” Iniisip moa lam mo ang gagawin upang maligtas. “Akala ko.” Itapon ang iyong mga huwad na mga pag-iisip! Itapon ang iyong pag-iisip patungkol sa anong akala mo upang magligtas. Wala kang alam patungkol rito! Sinabi ni Moody,
Si Naaman ay mayroon ang kanyang karamdaman – pagmamalaki at ketong. Ang pagmamalaki ay kinailangan ng paglilinis na kasing higit ng ketong. Kinailangan ni Naaman bumaba mula sa kanyang karwahe ng pagmamalaki; pagkatapos ay maligo gaya ng siya’y sinabihan.
Iyan ang kailangang mangyari sa iyo ngayong umaga. Iyan ang kailangan mong gawin kung gusto mong maligtas. Itapon ang “akala mo.” Itapon ang iyong pagmamalaki at iyong sariling mga pag-iisip kung paano maligtas. Dapat kang mapaliguang malinis gaya ng pagkasabi sa iyo. “Yumaon at maligo…at maging malinis.” Magpunta kay Hesus bilang isang nawawala at makasalanang tao. Magpunta kay Hesus at lilinisin ka Niyang malinis mula sa iyong makasalanang puso gamit ng Dugong Kanyang ibinuhos upang malinisan ka sa Krus! “Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). “Maligo at maging malinis!” Iyan ang sinasabi ng Diyos Mismo sa iyo ngayon! “Maligo at maging malinis!”
Hindi ka maaring malinisan hanggang sa ang iyong pagmamalaki ay matatalo. Ang iyong puso ay dapat mabago. Hindi ka maaring mapatawad hanggang sa ika’y magsisi. Ang iyong puso ay dapat mabago. Dapat kang magawang madama ang iyong pagkamakasarili. Gusto mong madamang maligtas. Gusto mo ng kasiguraduhan na ika’y ligtas. Ngunit ayaw mong baguhin kung sino ka. Gusto mong maligtas upang ika’y makapagpatuloy sa pamumuhay ng isang makasariling buhay.
Ang pagbabagong loob ay nagsasabi sa atin ng ganap na pagbabago ng puso. Ang iyong pinak kalikasan ay mali. Ang iyong pinaka puso ay mali. Ang iyong kalikasan ay bulok sa pinakaibuturan. Ang pagbabago sa loob ay dapat maging napaka radikal na mamamatay ka sa iyong sarili at naipapanganak muli sa isang buong bagong buhay, isang buhay na nakasentro sa pagpapalugod sa Diyos kaysa sa iyong sarili. Isinusuko ang ilang mga kasalanan ay hindi tutulong sa iyo. Simpleng pagpupunta sa simbahan at simpleng pagsasabi ng isang panalangin ay hindi makatutulong sa iyo. Dapat kang magkaroon ng isang bagong kalikasan, isang buong bagong buhay.
Makinig kay John Cagan sa kanyang pakikipaglaban para sa pagbabagong loob. “Ako’y lubos na pagod na sa lahat na anuman ako. Kahit na habang ang aking kasalanan ay humatol sa akin hindi ko pa rin makamit si Hesus. Sinusubukan kong maligtas. Sinusubukan kong magtiwala kay Kristo at hindi ko magawa ito. Hindi ako [makapagpasiyang] maging isang Kristiyano. Ginawa ako nitong lubos na walang magawa. Nadarama ko ang aking kasalanang tumutulak sa akin pababa sa Impiyerno gayon nadarama ko ang aking pagkamatigas ng aking ulo pinipilit ang aking mga luha paplaayo. Naipit ako sa gulong ito.”
Nadarama mo ba ang kahit ano sa mga ito ngayong umaga? Kung gayon, bakit ka ganyan? Ito’y dahil gusto mong maligtas na hindi nababago ang iyong puso. Gusto mong tanggapin ka bilang isang Kristiyano na hindi binabago ang iyong puso. Ngunit iyan ay hindi possible! Dapat kang maligtas muli. Dapat kang magkaroon ng isang bagong puso na umiibig sa Diyos higit sa iyong buhay mismo. Dapat kang magsisi. Dapat mong kamuhian kung sino ka! Dapat mong isuko ang iyong pagkamalaki o ika’y mamamatay sa iyong kasalanan. Ang iyong puso ay kontrolado ng ketong ng kasalanan. Sinabi ni Jack Ngann, “dapat gawin ng Diyos na mamuhi ka sa kung sino ka.”
Walang panlabas na mga anyo ang makagagawa sa [iyong] malinis;
Ang ketong ay namamalagi malalim sa loob.
Si Moody ay tama,
Si Naaman ay mayroon ang kanyang karamdaman – pagmamalaki at ketong. Ang pagmamalaki ay kinailangan ng paglilinis na kasing higit ng ketong. Kinailangan ni Naaman bumaba mula sa kanyang karwahe ng pagmamalaki; pagkatapos ay maligo gaya ng siya’y sinabihan.
Sinabi ni John Cagan, “Hindi na ako makakapit sa sarili ko na mas matagal pa. Kinailangan kong magkaroon si Hesus. Sa sandaling iyon huminto ako sa paglalaban kay Kristo. Ito’y napak linaw na lahat na kinailangan kong gawin ay magtiwala sa Kanya; [natatandaan] ko noong huminto ang ako at ito’y lahat si Kristo…tumalikod ako mula sa kasalanan, at tumingin ako kay Hesus lamang!...kinuha ni Hesus [ang mga kasalanan ng aking puso] at binigyan ako ng pag-ibig imbes…hinugasan ni Hesus ang lahat ng aking kasalanan. Binigyan niya ako ng bagong buhay.”
Sa sandaling magtiwala ka kay Hesus ang Anak ng Diyos, “nililinis [ka] ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). Lahat ng kasalanan! Lahat ng kasalanan – maging kasalanan man ng iyong puso, o mga kasalanan na iyong nakamit – ang lahat ng kasalanan ay dapat malinis ng Dugo ni Hesus – at sa pamamagitan lamang ng Dugo lamang ni Hesus, ang Anak ng Diyos. Ibunuhos Niya ang Kanyang Dugo sa Krus upang linisan ka. Bakit Niya ginawa iyan? Dahil minamahal ka Niya. Gusto Niyang linisan ka gamit ng Kanyang Dugo!
Anong makahuhugas ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus;
Anong makagagawa sa aking buo muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahal ang agos
Na gagawa sa aking kasing puti ng niyebe;
Walang ibang bukal na nalalaman ko,
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala kundi ang Dugo.” Isinalin mula sa
“Nothing but the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).
Ika’y nagtagal ng sapat sa kasalanan. Hiling mon a ika’y maligtas tulad ni John Cagan. Hinangad mong maging tulad niya. Ngunit akala mo ito’y imposible. Akala mo ika’y masyadong di pangkaraniwan. Akala mo masyado kang makasalanan. Akala mo na wala kang magagawa. Ngunit mali ka! Iniibig ka ni Hesus. Iniibig ka Niya higit sa kahit sino na iyong kailan man ay nakilala. Hindi ka nila mamahalin kung alam ni ang mga kasalanan ng iyong puso. Ngunit minamahal ka ni Hesus anu pa man. Sinasabi ni Hesus, ‘Magpunta ka akin – at maging malinis ng aking Dugo.” Sinasabi ni Hesus, “Maligo at maging malinis.” Ang lahat na hinihingi Niya ay na ika’y tumalikod mula sa iyong pagmamalaki at magtiwala sa sKanya. Tapos balang araw kakanta ka sa Langit,
“Doon sa umiibig sa [akin], at sa [humugas sa akin] sa [aking] mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo” (Apocalipsis 1:5).
“Maligo at maging malinis.” Gg. Griffith, magpunta at kantahin “Oo, Alam ko” muli.
Kung gusto mong maging malinis manatili sa mga harapang mga upuan at kakasusapin naming kayo patungkol sa pagtitiwala kay Hesus.
Dr. Chan, paunawa at magpunta ka at manalangin para sa kanila, at tapos magbigay pasasalamat para sa pagkain na ating kakanin sa bulwagan ng pakikipagsamahan. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Oo, Alam Ko!” Isinalin mula sa “Yes, I Know!”
(ni Anna W. Waterman, 1920).
ANG BALANGKAS NG MAHUGASAN AT MAGING MALINIS! – ISANG TIPOLOHIYO NG PAGBABAGONG LOOB WASH AND BE CLEAN! – THE TYPOLOGY OF CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ikaw ay yumaon, at maligo sa Jordan na makapito, at ang iyong laman ay sasauli sa iyo, at ikaw ay magiging malinis”
(II Mga Hari 5:14)
I. Una, mayroon siyang ketong, II Mga Hari 5:1; Mga Taga Roma 5:12;
II. Pangalawa, sumama ang loob niya dahil sinabihan siya ng propeta kung paano maging malinis, I Ni Juan 1:7; Apocalipsis 1:5. |