Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PANGATLONG PARAAN – KRISIS NA PAGBABAGONG LOOBTHE THIRD WAY – CRISIS CONVERSION ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles, Gabi ng at “Isang Babala Para sa Pagpapaliwanag ng Pangangaral” ni Iain H. Murray “At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake: At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay. At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay. At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan. At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy. At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya. Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin, Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan” (Lucas 15:11-19). |
Mayroong dalawang paraan ng pangangaral ng Ebanghelyo sa nawawalang tao ngayon. Ang unang paraan ay karaniwang tinatawag na “Madaling Paniniwala.” Ang pangalawang paraan ay tinatawag na “Pagkapanginoong Kaligtasan.” Mayroong halatang pagkakamali sa parehong mga ito ng paraan dahil ni isa sa kanila ay ginamit ng Diyos sa isang paggigising ng kahit anong matinding laki sa nagsasalita ng Ingles na mundo simula ng taon 1859 ng muling pagkabuhay.
Gayon din, ang mga namumunong mga mangangaral ay nagsabi na karamihan sa mga miyembro ng simbahan ngayon ay di kailan man napagbagong loob. Sa aming aklat na, Pangangaral sa Isang Namamatay na Bansa [Preaching to a Dying Nation], ang aking kanang kamay na si Dr. C. L. Cagan at ako ay sumipi ng maraming mga ganoong uri ng pinuno kasama pati mga Linggong Paaralang mga guro, mga diakono, mga asawa ng pastor at mga pastor mismo. Sinabi ni Dr. A. W. Tozer, “Sa pagitan ng mga ebanghelikal na mga simbahan siguro ay walang hihigit sa isa mula sa sampu ang may alam tungkol sa kahit anong naa-ayon sa karanasan tungkol sa bagong pagkapanganak.” Sinabi ni Dr. A. W. Criswell, ang tanyag na Katimugang Bautistang pastor ng malaking Unang Bautistang Simbahan ng Dallas, Texas, “siya’y magugulat na makatagpo ng 25% ng kanyang mga miyembro sa langit.” Noong mga taon ng 1940 ang batang si Billy Graham ay nagdeklara na 85% ng ating mga miyembro ng simbahan “ay di kailan man napagbagong loob.” Sinabi ni Dr. Monroe “Monk” Parker, tumutukoy patungkol sa pundamentalistang mga simbahan, “Kung makuha natin ang kalahati ng mga mangangaral sa Amerikang mapagbagong loob, makakikita tayo ng isang makapangyarihang muling pagkabuhay” (Isinalin mula kay Monroe “Monk” Parker, Sa Loob ng Sinag ng Araw at mga Anino [Through Sunshine and Shadows], Sword of the Lord Publishers, 1987, mga pahina 61, 72).
Ang lahat ng mga tauhang ito ay nakatala sa ibaba ng pahina ang kanilang mga pinanggalingan sa aming aklat, Pangangaral sa isang Namamatay na Bansa [Preaching to a Dying Nation (mga pahina 42, 43). Ang mga bilang na ibinigay ni Dr. A. W. Tozer, Dr. W. A. Criswell, isang batang Billy Graham, at si Dr. “Monk” Parker ay mga hula lamang siyempre. Ngunit ipinapakita ng mga namumunong tauhan ay naniniwala na mayroong teribleng pagkakamali sa paraan na ginagawa natin ang ebanghelismo. At gaya ng sinabi ko, ang dalawang mga paraan ay ginamit sa pagpapakita ng Ebanghelyo ay “Madaling Paniniwala”at “Pagkapanginoong Kaligtasan.” Ni isa sa mga ito ay ginagamit ng Diyos upang magbunga ng napaka raming mga tunay na pagbabagong loob.
Ang unang paraan ay madalas tinatawag na “Madaling Paniniwala.” Iyan ang pangunahing paraan na ginagamit ng mga Ebanghelikal at Pundamentalista ngayon. Ito’y nakasalalay sa pagkuha sa isang taong bigakasin ang tinatawag nilang “Panalangin ng Makasalanan,” hinihiling kay Hesus na magpunta sa kanilang puso.” Tapos ang nawawalang tao ay itinuturing na “ligtas,” kahit na hindi sila nagpapakita ng tanda ng pagbabago, nagpapatuloy sa pamumuhay sa malalim na kasalanan, tumatangging magpunta sa simbahan ng palagi. Mayroong literal na milyon-milyong mga tao sa kondisyong ito sa mundo ng mga Ingles ang salita.
Ang pangalawang paraan ng ebanghelismo ay tinatawag na “Pagkapanginoong Kaligtasan.” Ang paraang ito ay bumangon bilang isang reaksyon laban sa “Madaling Paniniwala.” Ngunit ang “Pagkapanginoong Kaligtasan” ay nabigong ayusin ang “Madaling Paniniwala.” Kahit na iyong mga humahawak ng pananaw na ito ay madalas may mas higit na pagkaintindi kaysa sa iba, ang kanilang paraan ay hindi kailan man ginamit sa isang klasikal na muling pagkabuhay, o kailan man nagamit, sa kahit anong pangunahing paraan, upang magdagdag ng tunay na mga napagbagong loob sa ating mga simbahan. “Pagkapanginoon” na mga mangangaral ay sumusubok na ayusin ang pagkasama ng kasalanan ng “Madaling Paniniwala” sa pamamagitan ng malakas at paulit-ulit na idinidiin ang doktrina, at ang tinatawag nilang “pagsisisi.” Ito’y madalas na nagreresulta sa nawawalang tao na naghahawak ng isnag anyo ng “Sandemanianismo,” at sa paghahawak ng isang anyo ng paggawa ng katuwiran. Ang “Sandemanianismo” ay tumutukoy sa paniniwala sa mga berso ng Bibliya at doktrina, kaysa kay Hesu-Kristo Mismo. Ito’y pagtitiwala sa mga berso ng Bibliya at mga doktrina, kaysa pagtitiwala kay Hesu-Kristo Mismo. Isa sa mga mangangaral na ito ay ngasabi, “Dapat tayong maniwala o magtiwala sa anong ginawa ng Diyos.” Kahit na maaring hindi niya alam ito, ito’y isang kahulugan ng “Sandemanianismo.” Sinasabi ng nito sa isang makasalanan na siya ay maliligtas sa pamamagitan ng pagtitiwala sa sinasabi ng Bibliya imbes sa pagtitiwala kay Hesu-Kristo Mismo. Tignan ang kapitulo sa “Sandemanianismo” sa aklat ni Dr. Martyn Lloyd-Jones, Ang mga Puritano: Ang Kanilang Pinangalingan at mga Tagasunod [The Puritans: Their Origins and Successors], Banner of Truth, 2002 edisiyon, mga pahina. 170-190. I-klik ito upang basahin ang aking sermon sa Sandemanianismo.
Ang mga Fariseo sa panahon ni Kristo ay hindi nakasalalay sa kahit anong anyo ng “Madaling Paniniwala.” Nabuhay silang sa panlabas ay maliliis na buhay. Inaral nila ang mga Kasulatan ng madalas at pinaniwalaan ang mga ito. Anong nawawala sa kanilang mga buhay? Isang bagay lamang – Si Hesu-Kristo Mismo! Sinabi ni Hesus sa kanila,
“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan, sapagka't iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at ang mga ito'y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin. At ayaw kayong magsilapit sa akin, upang kayo'y magkaroon ng buhay” (Juan 5:39, 40).
Sinabi ni Spurgeon, “Ang pananampalatyang nagliligtas ng kaluluwa ay paniniwala sa isang taong, sumasalalay kay Hesus” (“Ang Kasiguraduhan ng Pananampalataya,” Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], kabuuan 9, Pilgrim Publications, 1979, pah. 530).
Sa parehong sermon sinabi ni Spurgeon, “Ang simpleng kaalaman ng mga bagay na ito [sa Bibliya] ay hindi gayon man, magliligtas sa atin, maliban nalang na ating tunay at talagang ipagkatiwala ang ating mga kaluluwa sa mga kamay ng Tagapagligtas” (isinalin mula sa ibid.).
Ang Mapaglustay na Anak, gaya nang nakita natin sa teksto, ay alam na ang “ama” ay mayroong “sapat at lumalabis na pagkain” (Lucas 15:17). Ngunit ang simpleng pagkaalam ng mga bagay na iyon ay hindi nagligtas sa kanya mula sa pagkagutom. Kinailangan niyang magpuntang direkta sa “ama” upang tanggapin ang “pagkain.” Paniniwala sa Bibliya, kahit na tunay na paniniwala nito, ay di kailan man nagliligtas ng kahit sino. Maaring maniwala ang mga tao sa Bibliya, at ang mga dakilang mga kredo, tulad ng Westminister na Katekismo, na hindi naliligtas. Nagsalita ang Apostol patungkol sa “ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15). Paniniwala sa Bibliya, at ang mga kredo ay base rito, ay hindi magliligtas. Itinuturo tayo ng Bibliya kay Hesu-Kristo. Tayo ay naliligtas “sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 3:15). Ginagawang iyang malinaw ng Bibliya kapag sinasabi nitong, “nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya” (Mga Taga Efeso 2:8). At ang pananampalataya ay dapat nakasentro kay Hesus lamang. Gaya ng paglagay nito ni Apostol Pablo, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus, at maliligtas ka” (Mga Gawa 16:31). Ang aking kasamahang si Dr. C. L. Cagan ay nagsabi, “Sa katunayan, tayo ay naliligtas sa pamamagitan ng ‘direktang’ pagtiwala kay Kristo, na mas dakila kaysa sa ibang mga bagay na ito – ‘Siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay,’ Mga Taga Colosas 1:17” (Pangangaral sa isang Namamatay na Bansa [Preaching to a Dying Nation], pah. 220). Pagkaintindi sa isang simpleng katotohanan na ito ay magpapagaling sa lahat ng anyo ng “Madaliang Paniniwala” at “Pagkapanginoong Kaligtasan.”
Ang ibinibigay ko rito, ay tinatawag nating “Ang Pangatlong Paraan – Krisis na Pagbabagong Loob.” Ang unang paraan ay kaligtasan sa pamamagitan ng pagsasabi ng “Panalangin ng Makasalanan.” Ang pangalawang paraan ay ang pagsubok na gawin sai Hesus Panginoon – na walang lubusang masamang makasalanan ang makagagawa kailan man! Ngunit ang “Pangatlong Paraan – Krisis na Pagbabagong Loob” ay ang naayon sa Kasulatang paraan ng tunay na pagbabagong loob. Nilikha ko ang salitang “Krisis na Pagbabagong Loob” – ngunit ito lamang ang nag-iisang pangalan para sa “lumang panahong” mga pananaw; ito’y isa lamang bagong pangalan para sa klasikal na Protestante at Bautistang pagbabagong loob. Ang “Krisis na Pagbabagong Loob” ay ang naranasan ni Luther. “Krisis na Pagbabagong Loob” ay ang naranasan nina, John Bunyan, George Whitefield, John Wesley, at C. H. Spurgeon – at bawat tao na tunay na napagbagong loob bago ng “Panalangin ng Makasalanan” at ang “Pagkapanginoong Kaligtasan” ay naging popular – at lahat ngunit sinira ang konsepto ng mas lumang “Krisis na Pagbabagong Loob” ng ating Bautistang Protestanteng mga ninuno. Upang gawin ito, ilalarawan ko ang “pagkasama,” at tapos ilalarawan ko ang “pagkagising.
I. Una, narito ang isang paglalarawan ng “kasamaan” ng tao gaya ng pagkalantad sa pangatlong paraan ng “Krisis na Pagbabagong Loob.”
Pinili ko ang kwento ng Mapaglustay na Anak upang ilarawan ang ibig sabihin namin ng lumang panahong “Krisis na Pagbabagong Loob,” habang ito’y nagaganap hangang sa ito’y napalitan ng “Panalangin ng Makasalanan” at “Pagkapanginoong Kaligtasan.”
Ang Mapaglustay na Anak ay isang makasalanan. Hiningi niya ang kanyang mana at lumayas mula sa tahanan “sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay” (Lucas 15:13). Iyan ang ginagawa nating lahat, sa isang pang paraan o iba. Tumatalikod tayo kay Kristo at nabubuhay na wala Siya sa isang kondisyon ng kasalanan. Tinatanggihan natin si Kristo, gaya ng pagtanggi ng Mapaglustay na Anak sa kanyang ama. Sa katunayan, sa ating di napagbagong kalagayan, kinamumuhian at tinatanggihan natin ang Tagapagligtas, gaya ng Mapaglustay na Anak, sa pamamagitan ng kanyang mga kilos, ipinakita kung gaano niya kinamuhian ang kanyang ama,
“Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaiass 53:3).
Sa ating mga puso tayo ay mga kaaway ng Diyos at Kanyang Anak. Tayo ay hindi nasa ilalim ng batas ng Diyos, gaya na ang Mapaglustay ay hindi nasa ilalim ng batas ng kanyang ama,
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios; sapagka't hindi napasasaklaw sa kautusan ng Dios, ni hindi nga maaari” (Mga Taga Roma 8:7).
Ang ating mga puso ay walang pag-asang mapagrebelde laban sa Tagapagligtas. Sa katunayan tayo ay lubusang napakasamang mga makasalanan, na walang ni kislap ng katunayan sa atin. Sinabi ng Apostol Pablo na tayo ay “patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan,” at nasa ilalim ng paghahawak ni Satanas, “ang diyos ng mundong ito” (Mga Taga Efeso 2:1).
Kung di ka ligtas , iyan ay isang di magandang larawan mo. Sinabi ng Apostol, “Silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan; Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:9, 10). Inilarawan ng propetang Isaias ang iyong espiritwal na kondisyon na maliwanag noong sinabi niya,
“...ang buong ulo ay masakit, at ang buong puso ay nanglulupaypay. Mula sa talampakan ng paa hanggang sa ulo ay walang kagalingan; kundi mga sugat, at mga pasa, at nangagnananang sugat...” (Isaias 1:5,6).
Ito ang kondisyon ng Mapaglustay na Anak. Sinasabi ng Bibliya, “pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy. At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya” (Lucas 15:15, 16). At ito’y iyong kondisyon rin. Ang “mamamayan sa lupaing yaon” ay ang Diablo, na may hawak ng kanyang isipan, ang “espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Ika’y nabitag sa teribleng kondisyon na ito, isang alipin ni Satanas, binubuhay ang buhay ng isang alipin kay Satanas, “patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Ito’y kilala bilang ganap na pagkasama. Ito ang kondisyon ng Mapaglustay na Anak. Sinabi ng sarili niyang ama na siya ay “patay” at na siya ay “nawawala.” Sinabi niya, “Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan…” (Lucas 15:24).
Sa iyong rebelyon laban kay Kristo, iniisip mo na ika’y malaya. Ngunit ikaw talaga ay isang alipin, nakapalupot sa kasalanan, patay sa mga bagay ng Diyos, pinag-haharian at nakatali sa pagkabilanggo ni Satanas. Ika’y hawak ng Diablo ng higit, na iniisip mo na ang iyon pagka-alipin sa kasalanan ay kalayaan! Ika’y isang walang pag-asang kalagayan, lubos na masama, tulad ng Mapaglustay, na napaliit sa isang walang pag-asang buhay ng pagka-alipin sa kasalanan. At ika’y makikipagtalo kahit sino na maglalarawan ng iyong nawawalang kondisyon.
II. Pangalawa, narito ay isang paglalarawan ng “pagkagising” ng isang makasalanan sa kanyang paghihirap, gaya ng pagkalantad sa pangatlong paraan ng “Krisis na Pagbabagong Loob.”
“Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom?” (Lucas 15:17).
“Nang siya’y makapagisip.” Iyan ay noong siya’y naliwanagan, noong siya’y nagising mula sa koma ng kasalanan, ang pagkawalang malay at pagkawalang buhay ng kasalanan. “Nang siya’y makapagisip” ; noong siya’y nagising mula sa tulog ng kamatayan – tapos ay kanyang naisipi, “namamatay ako.” Ito ang pagkagising ng isang nawawalang makasalanan upang maramdaman ang kalungkutan, ang paghihirap, ang pagdurusa ng pamumuhay sa kasalanan. Ang pagkagising na ito ay magbubunga lamang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Sa pagkukumento sa tekstong ito, sinabi ni Spurgeon, “
Ang baliw na tao ay hindi alam na siya ay baliw, ngunit agad-agad na makapag-isip siya masakit niyang [makikita] mauunawaan ang kalagayan na kanyang tinatakasan. Bumabalik gayon sa tunay na dahilan at tunog ng paghahatol, ang mapaglustay ay dumating sa kanyang sarili (Isinalin mula kay C.H. Spurgeon, MTP, Pilgrim Publications, 1977 inilimbag muli, kabuuan 17, pah. 385).
Ang paggigising na ito ay tulad niyon sa isang taong napatulog, at nagawang magising muli. Sa Griyegong alamat si Circe, ang engkantada, ay ginawang mga baboy ang mga tao. Ngunit pinilit ni Ulysses ang engkantada na ibalik ang kanyang mga kasamahan sa kanilang orihinal na taong anyo. Kaya ang Espiritu ng Diyos ay gumising sa Mapaglustay. Gayon lamang na kanyang natanto ang kanyang walang pag-asa at teribleng kalagayan na siya’y naroon. Tinukoy ni Apostol Pablo ang “pagkagising” noong sinabi niya,
“Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo” (Mga Taga Efeso 5:14).
Ngunit ang “pagkagising” ng isang nawawalang kaluluwa ay hindi mapayapa. At ito ay kapag ang krisis ay nagaganap sa pangatlong paraan ng tunay na pagbabagong loob. Walang dudang ang pinaka karaniwang paraan na ang mga tao ay nagigising ay sa pamamagitan ng pangangaral, gaya ng madalas ituro ng Puritanong si Richard Baxter (1615-1691). Maraming mga mangangaral ang nagsisipi sa Mga Taga Roma 10:13 kapag ipinangangaral ang Ebanghelyo. Ngunit wala halos sa kanila ang nag-iisip patungkol sa sunod na berso, na nagsasabing, “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
Iyan ang dahilan na dapat tayong magkaroon ng ebanghelistikong pangangaral sa simbahan. “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” At kailangan matutunan ng mga mangangaral kung paanong ebanghelistikong mangaral sa nawawala. Napaka kaunting mga mangangaral ang ay marunong maghanda at maghatid ng isang ebanghelistikong pangaral ngayon – talagang napaka kaunti! Hindi pa ako nakarinig ng kahit sinong mangaral ng isang ebanghelistikong pangaral na tama ng maraming taon! Ito’y naging isang bagay ng nakaraan. Iyan ay isang pangunahing dahilan na karamihan sa mga taong nagpupunta sa ating mga simbahan ng regular ay nananatiling di ligtas! “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
Dapat ipakita ng ebanghelisktikong pangangaral na ang makasalanan ay tiyak na mapapahamak maliban na lamang kung siya’y magpunta kay Hesus. Dapat nitong maipakita sa kanya na ang kasalanan ay nakalagay sa pinaka ugat ng kanyang katauhan. Hindi “mga kasalanan,” kundi kasalanan mismo, ay naghihiwalay sa Diyos mula sa kanya. Ang kasalanan inilalarawan ng rebelyon at pagkamakasarili. Ang makasalanan ay dapat magawang maharap ang katunayan na, tulad ng Mapaglustay, siya ay puspos na makasarili. Dapat madinig ng nawawalang makasalanan itong maipangaral sa mula sa pulpit hanggang sa makita niya na kailangan niyang magkaroon ng radikal na pagbabago sa kanyang puso. Dapat itong maidiin hanggang sa ang makasalanan ay magsimulang tunay na subukang baguhin ang kanyang buhay. Ang kanyang mga pagsubok sa pagbabago ng kanyang buhay ay laging mabibigo. At ang pagkabigong ito ang gigising sa makasalanan ng lubos pa sa teribleng katotohanan tungkol sa pagkawala niya. Dapat siyang masabihang paulit-ulit na siya ay nawawala. Dapat siyang masabihan na magpilit na mahanap si Kristo. Dapat siyang masabihan na “Magpilit kayong magsipasok sa pintuang makipot…” (Lucas 13:24). Habang ang makasalanan ay nagpipilit at nabibigo, nagpipilit at nabibigo, at nagpipilit at nabibigo muli, kanyang sa wakas mararamdaman na walang pag-asang nawawala. Ito tiyak ang dapat maramdaman niya, o kanyang di kailan man mahahanap ang pahinga kay Hesus.
Ang tawag rito ay “pangangaral ng batas” – na ginawa ng lahat ng mga luma at klasikal na mga mangangaral – hanggang sa ang mga makasalanan ay sumuko ng lahat ng pag-asa ng pagbabago ng kanyang sarili! Ito ang ibig sabihin ng berso ng nagsasabing, “Sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan” (Mga Taga Roma 3:20). Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkabigo upang maging isang banal na tao, sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkabigo na makahanap ng kapayapaan sa Diyos – at lalo na, sa pamamagitan ng paulit-ulit na mabigong magpunta kay Hesus – nasisimulang isipin ng makasalanan, “Ako’y tunay na nawawala!” Ito ay ang pagkagising na dapat magkaroon siya!
“Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya…ako rito'y namamatay ng gutom! Magtitindig ako at paroroon sa aking ama…” (Lucas 15:17-18).
Sa puntong ito, kapag naisuko na ng makasalanan ang lahat ng pag-asa ng “makuha itong tama” o “magawa ang tamang paraan” – maari siya gayong “makapag-isip” – magising at matanto na dapat siyang magsalalay kay Hesus, dahil wala siyang magagawa upang maligtas ang kanyang sarili!
“Datapwa’t nang makapg-isip siya.” Kinailangang dumaan ang Mapaglustay sa isang panloob na pagkagulo, Impiyerno sa lupa, tulad ng pinagdaanan ni Bunyan, bago siya “makapag-isip,” bago nabago ang kanyang isipan sa tunay na pag-sisisi. Pagkatapos ng lahat, ang Griyegong salitang isinalin na “magsisi” ay nangangahulugang “isang pagbabago ng isipan.” Ito ang “pangatlong paraan.” Ito ang “krisis na pagbabagong loob.” “Wala ako kundi isang ipokrita at isang mapagrebeldeng makasalanan!” “Walang pag-asa para sakin.” “Ako’y nasa isang krisis! Kailangan kong magbago – ngunit hindi ko magawa! Hindi ko magawa! Hindi ko magawa! Sinubukan ko na! Sinubukan ko na! Mas matindi kong subukan, mas imposible ito! Hindi ako makagpagsisi! Hindi ako makapagbago! Hindi ako makapagbago! Hindi ko mabago ang aking puso! Nawawala ako! Nawawala ako! Nawawala ako! Hindi ba iyan ang saktong nangyari kay Luther, Bunyan, John Wesley, Whitefield, Spurgeon, at Dr. John Sung – at ibang tunay na mga napagbagong loob? Dahil ang malalim na pagtrato ng paksang ito dapat basahin ang Ang Paghahanda ng Kaluluwa Para kay Kristo [The Soul’s Preparation for Christ] isang klasiko mula kay Thomas Hooker (1586-1647). Para sa isang maikling makabagong pagtrato tignan ang Ang Lumang Ebanghelikalismo: Lumang Mga Katotohanan para sa isang Bagong Pagkagising [The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening] ni Iain H. Murray (The Banner of Truth Trust, 2005)
.Mahalagang malaman na hindi lahat ng mga pagbabagong loob ay saktong parehas. Ang ilang mga tao ay napupunta sa ilalim ng kumbiksiyon sa maiksing panahon kaysa iba. Ang ilan ay maaring maramdaman ang maikling pagtusok ng kumbiksyon, habang ang iba ay mananatiling mas higit o mas kaunti sa isang kalagayan ng kumbiksyon ng mahabang panahon. Ang sarili kong asawa ay napagbagong loob sa pinaka unang pagkakataon na kanayang nadinig ang Ebanghelyo. Gayon din ang aking kawaning si Dr. Kreighton L. Chan. Ang Diyos ay pinakamakapangyarihan sa lahat at kumikilos sa Kanyang sariling paraan sa pagbabagong loob ng mga makasalanan. Maraming mga tao ay lumuluha kapag sila’y napagbabagong loob, sa katunayan karamihan sa mga tao. Ngunit ang sarili kong ina ay nagkaroon ng nakapagbabagong buhay na pagbabagong loob na walang pagluha. Dalawang punto ang importante, gayon man, sa bawat tunay na pagbabagong loob – isang pagka-isip ng kasalanan ng isang tao, at ginhawa mula rito sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesu-Kristo Mismo! Iyan ang dalawang mga bagay na nangyari sa bawat tunay na pagbabagong loob. Ang dalawang mga bagay na iyan ay kasing totoo sa pagbabagong loob ng aking asawa at ni Dr. Chan gaya rin nito kay Luther, Bunyan, John Wesley, George Whitefield at Spurgeon – kahit na mas maiksi tagal. Gayon man lahat sila ay natusok sa kanilang mga konsensya bago sila nagtiwala sa Tagapagligtas. Ang mga taong nagpapauminhin ng kanilang kasalanan o trinatrato itong wala lang ay di nakararanas ng tunay na pagbabagong loob.
Mabuti iyan. Natutuwa ako na sa wakas nararamdaman mo ang kumbiksyon ng kasalanan. Ngayon marahil mahanap mo ang pahinga kay Hesus. Ngayon marahili mararamdaman mo ang Kanyang pag-ibig, na nagdala sa Kanya sa Krus upang iligtas ka – dahil hindi mo maligtas ang iyong sarili! Tapos mararamdaman mo ang pasasalamat kay Hesus, para sa pamamatay sa Krus bilang iyong kapalit, at pagbubuhos ng Kanyang Dugo upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan! Tapos ika’y makapagpapasalamat kay Hesus sa buong natitira ng iyong buhay – dahil iyong naranasan ang Kanyang biyaya, Kanyang pag-ibig, at Kanyang kaligtasan sa isang tunay na “Krisis na Pagbabagong Loob” – ang nag-iisang uri na nagbabago ng puso at nagliligtas sa kaluluwa mula sa poot ng Diyos! Nais kong makita mo kung paano ito naiiba mula sa “Madaliang Paniniwala” at “Pagkapanginoong Kaligtasan.” At panalangin ko na ito ay maging iyong karanasan habang ika’y magtiwala kay Hesus, at malinis sa Kanyang mahal na Dugo! Tapos panalangin ko na ika’y magawang kantahin kasama ni Charles Wesley,
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Lucas 15:14-19.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Taga-ibig ng Aking Kaluluwa.” Isinalin mula sa
“Jesus, Lover of My Soul” (ni Charles Wesley, 1707-1788).
ISANG BABALA SA PAGPAPALIWANAG NA PANGANGARAL
A CAUTION FOR EXPOSITORY PREACHING
ni Iain H. Murray
(Tagapangasiwa ng Bandera ng Katotohanan Pagkatiwala [Banner of Truth Trust])
Sa maraming mga grupo ngayon ang “pagpapaliwanag na pangangaral” ay nasa uso, at ito’y hinihikayat sa mga mangangaral bilang paraan upang mangaral. Kung ibig sabihin nito na ang nag-iisang problema ng mangangaral ay ang limitahin ang kanyang sarili sa teksto ng Kasulatan, at gawin ang diwang simple sa iba, walang nang ibang pang tatalakayin; sinong makapag di sang-ayon maliban na lang iyong mga hindi alam ang Bibliy ay ang salita ng Diyos.
Ngunit ang “pagpapaliwanag na pangangaral” ay madalas ay nagiging mas higit pa ang ibig sabihin. Ang pariralang ay tanyag na ginagamit upang ilarawan ang pangangaral na sumusunod sa pagdadala ng kongregasyon sa isang pasahe, o aklat ng Kasulatan, linggo-linggo. Ang pamamaraan ay kinukumpara sa paraan ng pangangaral sa indibidwal na mga teksto na maaring walang direktang koneksyon sa isa’t-isa mula sa isang Linggo sa sunod na Linggo. Ang pangalawa ay di hinihikayat sa pagbibigay pabor sa “pagpapaliwanag” na paraan.
Bakit ang pananaw na ito ng “pagpapaliwanag na pangangaral” naging kung paparisan ay popular? Mayroong maraming mga dahilan. Una, pinaniniwalaan na ang kagawian ay magtataas ng pamantayan ng pangangaral. Sa pamamagitan ng isang sumusunod na pagtrato ng isang aklat ng Kasulatan, sinasabi na, ang mangangaral ay naililihis mula sa kahit anong paboritong paksa, at ang mga kongregasyon ay mas malamang na mabibigyan ng isang mas malawak, mas matalinong pagkakuha ng lahat ng Kasulatan. Ang mangangaral rin ay naliligtas mula sa isang patuloy na paghahanap ng mga teksto – alam niya at ng mga tao kung anong nahaharap sa kanila. Ang mga dahilang ito ay marahil makukumpirma para sa mga mas batang mga mangangaral sa pamamagitan ng katunayan na ang ating pangunahing kumbensyon at mga pagpupulong ang mga kilalang mga tagapagsalita ay madalas nagtatalakay ng isang pasahe sa kaunting pagsasalita, at kapag malimbag ang mga ito, isinaalang-alang na mga modelo ng pinakamahusay na paraan ng pangangaral. Ang mga nailimbag na mga pangaral ng ibang uri ay kaunti at masyadong nasa gitna, dahil ang mga tagapagnugot ay tiyak na pabor sa “pagpapaliwanag” dahil sa popularidad nito. 1
Sa ating pananaw, gayon man, panahon na na ang mga katalunan ng pananaw ng pangangaral na ito ay sa mas kaunti maisaalang-alang:
1. Ipinapalagay na lahat ng mga mangangaral ay kayang gumawa ng epektibong mga pangaral tulad nito. Ngunit ang mga tao ay mayroong iba’t ibang mga talent. Hindi di kilala ni Spurgeon ang “pagpapaliwanag na pangangaral” (makinig sa kanyang mga sermon sa kanyang pagkabata minsan ay hinangad niya na itinago ng mga Hebreo ang mga sulat sa kanilang mga sarili!), at pinag-pasiyahan niya na hindi ito nararapat sa kanyang mga talent. Mayroong dahilan upang isipin na ang pagiging epektibong “nagpapaliwanag” na mangangaral ay hindi ganoong ka karaniwang talent gaya ng pagka-isip ng iba. Kahit si Dr. Lloyd-Jones ay 20 taon sa kanyang pangangasiwa bago niya dahan-dahang ipinakilala ang “pagpapaliwanag” na serye.
2. Ang argumento na ang “pagpapaliwanag” na paraan ay ang pinaka mahusay na paraan upang masakop ang karamihan ng Bibliya ay masayadong higit na konektado sa ideya na ang pinaka unang layunin ng pangangaral ay ang ihatid ng mas higit ng posible ang Bibliya. Ngunit ang kaisipang iyan ay kailangang mahamon. Kailangan ng pangangaral na maging mas higit kaysa sa isang ahensya ng pagtuturo. Kailangan nitong tumama, gumising, at magpakilos sa mga kalalakihan at mga kababaihan upang sila mismo ay maging mga matatalinong mga Kristiyano at araw-araw na mga mag-aaral ng Kasulatan. Kung naipapalagay ng mangangaral ang kanyang gawain unang-unang sa mga tuntunin ng pagbibigay ng pagtuturo, kaysa pagbibigay ng pampasigla, ang pangaral, sa karamihang mga kamay, ay napaka daling nagiging uri ng linggo-linggong “klase” ---isang katapusan sa sarili nito. Ngunit kailangan ng tunay na pangangaral na magpasiklab ng isang walang tapos na proseso.
3. Nangangahulugan, ang mga simbahan---lalo na sa Eskosya---ay minsan ipinaghiwalay ang pagkakaiba sa “pangaral” at “aral.” Ang salitang “aral” ay hindi ginamit sa kahit anong nakasisirang diwa, ibig nitong sabihin ay simple na ano ngayon na karaniwang ibig sabihin ng “nagpapaliwanag na pangangaral,” ang tinatawag na, sumusunod na pagtrato ng isang pasahe o aklat. Ang mga kumentaryo ni John Brown ng Broughton Place, Edinburgh, ay nagsimula sa paraang ito. Gayon din ang gawain ni Lloyd-Jones sa Mga Taga Roma –tinawag niya ang mga pagpapaliwanag na iyon na mga “panayam”; ang pagkakaiba sa pagitan ng isang pangaral at isang panayam, sa kanyang pananaw, ay ang isang pangaral ay isang bilog na buo, isang natatanging mensahe—complete sa sarili nito—samantalang ang panayam sa Kasulatan ay isang bahagi ng isang bagay na mas malaki at nagpapatuloy. Sa paghahambing sa kanyang Mga Taga Roma, nakita ni Lloyd-Jones ang mga laman ng kanyang Mga Taga Efeso bilang mga pangaral, at sino mang naghahambing sa kanyang pamamaraan sa dalawang seryeng ito (ang una ay ginawa ng gabi ng Biyernes, ang pangalawa ng umaga ng Linggo) ay agad na makikita ang pagkakaiba. Ito’y hindi upang pababain ang halaga ng Kanyang Mga Taga Roma, ang layunin ay iba.
4. Sa katapusan ng araw, ang pinakamahusay na pangangaral ay pangangaral na tumutulong ng mas higit sa mga taga dinig, at sa koneksyong iyan ang ulat ng sumusunod-sunod na “pagpapaliwanag” na pamamaraan ay hindi kahanga-hanga. Hindi nito kailan man napatunayan na popular sa mahabang panahon, at ang dahilan para diyan, sa tingin ko ay malinaw: kailangan ng isang pangaral ang isang teksto bilang basehan para sa hindi malilimutang mensahe. Ang teksto ay maaring maalala kapag ang lahat ng iba ay wala na sa isipan ng tagakinig. Minsan iyan ay totoo, ang isang teksto ay maaring maging isang talata kaysa isang berso –isang Ebanghleyong parabula o isang salaysay, halimbawa—ngunit kung, kasing dalas nangyayari sa “pagpapaliwanag na pangangaral,” isang serye ng mga berso ay palaging nagagawa “ang teksto,” gayon isang buong serye ng mga ideya ay napupunta sa pangaral, at nasasakop ang lahat ng aral (gaya ng maaring makita sa mga pangaral ni Spurgeon) ay nawawala. Ang mangangaral ay naging isa lamang tagapagkumento. Minsan humihinto pa siyang magbigay ng isang teksto mula sa pasahe na binabalak niyang kunin. Ngunit ang mga tao ay karaniwang makakukuha ng parehong tulong, at marahil mas mahusay, sa pagkuha ng isang aklat na nagtuturo ng parehong bahagi ng Kasulatan. Ngunit, maaring sabihin, “Hindi ba ang Mga Taga Efeso ni Lloyd-Jones parehong pagpapaliwanag at tekstwal na pangangaral? Ipinapatupad lamang siya ng kaunting naggagabay ng mga kaisipan sa isang beses, gayon man ay nagpapatuloy na sumusunod—bakit hindi magawa ng iba ang ganoon din?” Ang sagot ay ipinagsama ni Lloyd-Jones ang tekstwal at ang pagpapaliwanag sa kanyang Mga Taga Efeso, ngunit ito’y saktong ang uri ng pangangaral na hindi sakop ng talent ng karamihang mga mangangaral. Masyadong maraming mga baguhan ang sumubok na mangaral ng berso-kada-berso pamamagitan ng mga pangunahing aklat ng Kasulatan na may mapaminsalang resulta. Mapagtatalo na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang “narepormang” pangangaral ay mayroong higit sa isang lugar, ay napuna bilang “mabigat” o simpleng “tamlay.” Ang mas kaunting ambisyoso, na humango ng “pagpapaliwanag” na pamamaraan, ay hindi gumagawa ng pagsubok na gumamit ng isa-isang mga berso para sa kanilang mga teksto, at iyan ang panganib na masyadong madaling nagbabago sa pangangaral sa isang kumentaryo.
5. Ang Ebanghelistikong pangangaral ay hindi pinaka mainam na umaangkap sa “pagpapaliwanag” na pamamaraan; sa katunayan, kung saan ang “pagpapaliwanag” ay ekslusibong ginagamit, ang tunay na pangangaral sa puso at konsensya ay karaniwang nawawala. Maaring sabihin na kung ito ay totoo ito’y kasalanan ng tao, hindi ang pasahe, dahil hindi ba lahat ng Kasulatan ibinigay sa inspirasyon ng Diyos at napakikinabangan? Tiyak, ito’y nilalayon, lahat ng Kasulatan ay maaring magamit ng Espiritu ng Diyos upang gisingin at maabot ang nawawala? MAari, ngunit ito’y malinaw mula sa Kasulatan na mayroong partikular na mga katotohanan na karamihang hinahango upang magsalita sa mga di Kristiyano (saksihin ang halimbawa ng ating Panginoon) at na ang mga katotohanang ito, at ang mga teksto na pinaka mainam na nagbibigay halimbawa sa mga ito, ay mayroong espesyal at regular na kabantogan sa karamihan ng mga epektibong ebanghelistikong pangangasiwa. Ang mga taong karamihang ginamot sa mga pagbabagong loob ng mga makasalanan sa nakaraan ay nalalaman ang mga tekstong ito ay sina – Whitefield, McCheyne, Spurgeon, Lloyd-Jones at isang dami ng iba ay nalaman ito. Ngayon mayroong ilang panganib na malilimutan sila. Kailan mo huling nadinig ang pangaral sa “Sapagka't ano ang mapapakinabang ng tao, na makamtan ang buong sanglibutan, at mapapahamak ang kaniyang buhay”?
Ito’y hindi isang argumento na ang buong konsepto ng magkasunod-sunod na pangangaral sa pamamagitan ng isang pasahe ay mali, simple na dapat itong hindi ipahintulot na magkaroon ng isang ekslusibong lugar sa pangangasiwa ng pulpit. Hayaan na bawat mangangaral ay mahanap ang pinaka mahusay niyang magawa, at hayaan itong kailan man maalala na, anoman ang paraan ng paghahandog ng katotohanan, ito’y mga mangangaral na puno ng pananampalataya at Banal na Espiritu na kinakialangang higit sa oras na ito. Higit sa tamang pagtuturo ang kinakailangan: kailangan natin ng mga mensahe na magpapakilos sa mga kongregasyon at magpakilos pati sa mga komunidad.
Kung sakali na ang kahit sino ay mag-isip na ang mga obserbasyon sa itaas ay gawa-gawa lamang, magsasara ako gamit ng opinion ng isa sa mga pinaka dakilang mangangaral ng huling siglo, si R. B. Kuiper. Ang kanyang mananalambuhay ay nagtuturo na tinanggihan niya silang payagan ang salitang “pagpapaliwanag” na mailagay lamang sa mga pangaral na ibinigay sa isang magkakasunod-sunod na anyo sa mga pasahe o mga aklat ng Kasulatan. Ang salita ay dapat mailagay sa lahat ng mga eksposisyon ng Kasulatan na nararapat ng pangalan. Nagpapatuloy siya:
“Sinusundan na ito’y isang seryosong pagkakamali na irekomenda ang pagpapaliwanag na pangangaral bilang isa sa maraming lehitimong paraan. O na ito’y lahat nakasisiya, pagkatapos ng paraan ng maraming mga konserbatibo, na purihin ang pagpapaliwanag na paraan bilang ang pinaka mahusay. Lahat ng pangangaral ay dapat maging pagpapaliwanag… Siya rin ay lumalayon sa karaniwang pinanghahawakang opinion na isa lamang tumatakbong komentaryo sa isang pinahabang bahagi ng Kasulatan (isang kapitulo, marahil) ay maaring matawag na pagpapaliwanag na pangangaral. Ang tumatakbong komentaryong uri ng pangangaral ay mayroong tiyak na nakasisilaw na mga pagkakamali, ayon kay Kuiper. Ang pagka-intindi ng tekstp ay nagagawing maging mababaw, dahil napaka raming materyal ang kailangang masakop. At ang ganoong mga pangaral ay madalas nagkukulang ng pagkaka-ugnay, kaya ang tagapakinig ay walang malinaw na ideya sa kung ano patungkol ang pangaral.”2
Anomang paraan ang hinahango ng mangangaral, ang sumusunod na mga salita ni Kuiper ay mahalaga sa lahat:
“Isang simple…gayon man puwersahang paghahatid ay nag-uutis ng parehong respeto at tugo. Ang kasigasiagan ay nagpupukaw. Ang lohika ay nagkukumbinsi, ang di lohikal ay nakalilito. Habang ang mga mangangaral ay hayaan tayong magkaroon ng isang puso. Huminto tayo sa pagpapapagod sa ating mga manonood. Gawin natin ang ating pangangaral na napaka hihigop at nakaininteres na kahit mga bata ay mas gusto pang makinig sa atin kaysa gumuhit ng mga larawan at gayon ay maglalagay sa kahihiyan ng kanilang mga nagbibigay ng papel at lapis na mga magulang. Kundi na tayo rin ay magpasiya na isang ganap na pangunahing kailangan ng ganoong pangangaral ay ang pinaka maingat na paghahanda.”3
MGA TALABABA
1. Hindi ko talaga ikinalulumbay ito. Mayroong mga maiiging dahilaln kung bakit ang “pagpapaliwanag” ay umaapela sa inilimbag na pahina, ngunit mapanganib na ipalagay na ang maigi para sa mga mambabasa ay maigi rin para sa mga taga pakinig. Pagbabasa at pakikinig ay dalawang makaibang mga bagay.
2. Edward Heerema, R.B., Isang Propeta sa Lupain [A Prophet in the Land ](Jordan Station, Ontario [Paideia, 1986]), mga pah. 138–9.
3. Ibid, p. 204.
ANG BALANGKAS NG ANG PANGATLONG PARAAN – KRISIS NA PAGBABAGONG LOOBni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake: At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay. At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay. At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan. At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy. At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya. Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin, Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan” (Lucas 15:11-19). (Juan 5:39, 40; Lucas 15:17; II Ni Timoteo 3:15; Mga Taga Efeso 2:8; I. Una, narito ang isang paglalarawan ng “kasamaan” ng tao gaya ng II. Pangalawa, narito ay isang paglalarawan ng “pagkagising” ng isang |