Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG MAS NAKAGUGULAT NA PANGKABATAANG
|
Isang mainam na batang mangangaral ang sumulat sa akin ng isang mahabang email noong isang araw. Siya’y naatasang tao sa ministro. Nangangaral na siya ng mga lampas sa apat na mga taon. Siya’y kasal at mayroong dalawang anak. Sinasabi niya na siya’y napagbagong loob pagkatapos basahin ang aming aklat na, Pangangaral sa isang Namamatay na Bansa (Preaching to a Dying Nation).
Nagsulat siya ng ilang mga kawili-wili at nakapupukaw na mga bagay tungkol sa anong mali sa pangangaral ng karamihan sa ating mga simbahan. Sumang-ayon ako sa marami sa mga sinabi niya. Huwag mo itong papatayin! Ang sasabihin ko, ay naniniwala ako, ang pinaka mahalagang bagay na kailangan nating marinig sa ating panahon.
Sa ating teksto, sinabi ng Diyos sa propetang Isaias na ang mga tao ay mapagrebelde. Ayaw nilang marinig ang “kautusan ng Panginoon” (30:9). Ayaw nilang maharap sa katotohanan mula sa Diyos. Gusto nila ang mga propetang magsalita ng mga “malubay na mga bagay” – “magagandang mga salita” at mga “magdarayang” mga bagay o mga “ilusyon.”
Ang mga tao sa araw ni Isaias ay gusto marinig ang mga “malubay na mga bagay.” Kung gayon sinabi ng Diyos sa propeta na isulat ang sarili Niyang mga salita “tapyas na bato, at ititik mo sa isang aklat upang manatili sa panahong darating na walang hanggan” (Isaias 30:8). Naniniwala ako na ang “panahong darating” ay tumutukoy sa isang bahagi sa ating panahon. Nagpapaalala ito sa atin sa propesiya ni Apostol Pablo, sa “huling mga araw” (II Ni Timoteo 4:1),
“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:3-4).
Tayo na ngayon ay nabubuhay sa “panahong darating” (Isaias 30:8). At nakikita na ngayon natin ang maraming mga pastor na nagsasalita ng mga “malubay” at magagandang mga salita sa kanilang mga tao, kaysa pangangaral ng batas at ang Ebanghelyo gaya ng ginawa minsan ng ating mga ninuno sa pangangasiwa!
Ang lahat ng mga ito ay napansin ng batang pastor na sumulat sa akin ng email. Ibibigay ko sa inyo ang higit sa mga isinulat niya sa akin, kasama ang aking mga kumento.
Sinabi niya gumawa siya ng propesiyon ng pananampalataya sa edad na pito, ngunit maya maya ay natanto na hindi siya talaga naipanganak muli. Maya maya nabasa niya ang ating aklat na, Pangangaral sa isang Namamatay na Bansa. Humanga siya sa mga estatistika na ibinigay nina Dr. W. A. Criswell, Dr. A. W. Tozer at iba pa, nagsasabi na karamihan sa mga tao sa mga nainiwala sa Bibliyang mga simbahan ay nawawala. Naramdaman niya na siya ay isa sa kanila. Nagpunta siya sa isang pastor, na “gumabay sa akin sa Panginoon.” Siya’y bininyagan dalawang linggo maya-maya.
Tapos noon ay nagpunta siya sa isa pang simbahan at narinig ang isang tao na gumawa ng “tunay na pangangaral.” Sinabi niya na alam niya na kinailangan niyang marinig ang ganong uri ng pangangaral na “tuloy-tuloy” upang “mabuhay para sa Panginoon.”
Napaniwala siya na ang doktrina ng bagong pagkapanganak ay “nabawasan sa pagbabanggit ng mga Biblikal na mga katunayan ng Ebanghelyo na totoo [Sandemanyanismo], at tapos ay nagbubulong ng walang pusong panalangin upang tanggapin si Kristo.”
Napunta siya sa konklusyon na ang tinatawag na “pagpapaliwanag na pangangaral” ay hindi ginagamit sa pagpapabagong loob ng maraming mga tao. Sinabi niya, “ang tunay na pangangaral ng Bibliya ay nagpapabagong loob, gumigising, at nagsisiyasat ng puso.” Sinabi niya, “Hindi mo matuturuan ang mga tao sa kaligtasan. Dapat silang mapangaralan sa kaligtasan.” Sinabi niya na maraming mga pastor ay “sumusubok na tuturuan ang mga tao sa kaligtasan, na karaniwan ay nabubunga sa mga taong nananalangin ng panalangin upang tanggapin si Kristo na hindi talaga alam kung bakit kailangan nila si Kristo.”
Ngunit tapos may sinabi siya na gumulo sa akin ng kaunti. Napagtaka ako nito kung lubos na naiintindihan niya kung anong mali sa higit sa pangangaral ngayon. Sinabi niya ang lumang panahong mangangaral ay napaka seryoso, “wala silang takot, at alam ng mga tao na sila’y tunay at seryoso. Iyan ang dahilan na mayroon silang muling pagkabuhay.” Pinagdududahan ko iyan. Si Charles Finney ay isang napaka seryosong tao at walang takot na mangangaral. Nangaral siyang matindi laban sa kasalanan mula sa isa o dalawang mga berso ng Kasulatan. Hindi siya nagsabi ng mga biro. Ngunit ang mangingat na pag-aaral ng pangangasiwa ni Gg. Finney ay magpapakita sa isang nag-iisip ng lubos na tagabasa na ang pangangaral ni Finney ay hindi kailan man nagbunga ng isang tunay na, ipinadala ng Diyos na muling pagkabuhay. Noong natapos na siya, ang sakop kung saan siya nangaral ay tinawag na, “Ang nasunugang distrito.”
Ang isang taong interesado sa pagkakaiba sa pagitan ng tunay na muling pagkabuhay at “revivalismo” ni Finney ay dapat basahin ang, Muling Pagkabuhay at Revivalismo: Ang Paggawa at Pagsisira ng Amerikanong Ebanghelikalismo 1750-1858, [Revival and Revivalism: The Making and Marring of American Evangelicalism 1750-1858] ni Iain H. Murray (The Banner of Truth Trust, 1994). Dapat rin nilang basahin ang, Ang Lumang Ebanghelikalismo: Mga Lumang Katotohanan para sa isang Bagong Paggigigising [The Old Evangelicalism: Old Truths for a New Awakening] ni Iain H. Murray (The Banner of Truth Trust, 2005). Ang unang aklat ay nagpapakita ng pagkakamali ng mensahe ni Finney at pamamaraan. Ang pangalawang aklat ay nagpapakita ng dahilan para sa pangangaral ng batas – upang magawa ang mga taong maramdaman ang pangangailangan para kay Kristo! Ito’y isang pangunahing problema, isang hindi halos nakikita ng kahit sino ngayon. Ang Kapitulo Isa ay mahalaga talaga. Ngunit ang Kapitulo 2 ay patas ang kahalagahan. Ito’y pinamagatang “Si Spurgeon at Tunay na Pagbabagong Loob” [“Spurgeon and True Conversion”]. Ngunit ang Kapitulo 3 at 4 ay dapat ring aralin ng napaka ingat, at mabasa ng maraming beses. Ang layunin ng bata ay hindi lamang magsanhi sa mga makasalanang ayusin ang kanilang mga buhay, gaya ng pinaniwalaan ni Finney at ipinangaral. Ang layunin ng batas ay ang gawin ang mga makasalanang maramdaman ang kanilang kawalan ng pag-asa at ang kanilang pangangailangan kay Hesus at Kanyang Dugo pagbabayad, sa Krus!
Tapos sinabi ng batang pastor na ito na ang mga taong “mapakikinggan ko ngayon at mahahamon at makukumbinsi ay ikaw at isang lalakeng nagngangalang Paul Washer…naniniwala siya na ang karamihan sa mga nagdedeklarang mga Kristiyano ngayon ay hindi napatigas ng Ebanghelyo, kundi ignorante ng Ebanghleyo.” Sinabi niya na si Gg. Washer ay nagsalita seminaryo ni Dr. John MacArthur, ngunit nagsalita siyang napakalakas na “marahil si Kapatid ng Washer ay hindi maiimbita pabalik pagkatapos ng pangaral na iyon.” Habang isinusulat ko ang pangaral na ito ang aking kabakas na si Dr. C. L. Cagan, ay pinanood ang pangaral na iyan sa Internet at gumawa ng nakadetalyeng mga ulat patungkol rito. Habang amin itong inaral aming natanto na ang ipinangaral ni Gg. Washer sa seminaryo ni Dr. MacArthur ay pundamental na mensahe na – tinatawag na “Pagkapanginoon na Kaligtasan.” Narito ang paghuhusga ni Dr. Cagan sa pangaral ni Paul Washer sa seminaryo ni Dr. MacArthur:
Sumasangguni si Washer sa kasamaan ng tao, ang biyaya ng Diyos, ang pagbabayad, at pagbabagong buhay. Ngunit (narito ang pagkakaiba sa atin) biyaya at pagbabayad ay hindi ang mga pangunahing punto ng kanyang pagdidiin. Para kay Washer (at MacArthur, at ang mga manonood sa seminaryo) ang sentral na pagdidin ay ang magpunta sa Diyos (lalo na sa pamamagitan ng pag-aaral) at tapos ay iproklama sa mga tao ng Diyos (na mga ipinapalagay na mga Kristiyano na) ang iyong natutunan, at ipangaral sa kanila upang maisasagawa ito sa kanilang sariling Kristinayong mga buhay (na).
Sa pagpaparis, ang aming diin ay ang iproklama ang kayamanan ng Ebanghelyo sa nawawalang mga tao upang sila’y mapagbagong loob. Mayroon tayong makukumparang kaunting pangangaral at pagtuturong nakadirekta lamang sa mga Kristiyano. Tiyak na inaral ni Nicodemus ang mga Kasulatan, nanalangin, bumuhay ng malinis, relihiyosong buhay, at nagturo ng iba. Maari siyang sinangg-ayunan ni Washer at MacArthur kung hindi tiyak na sinabi ni Hesus na kailangan niyang maipanganak muli (Isinalin mula kay (Christopher L. Cagan, Ph.D., M.Div., Ph.D.).
Ang paghahatol ni Dr. Cagan ay kailangang paglinayan upang mas maiging maintindihan ang mga kabilang rito. Dapat na matandaan na si Dr. Cagan ay nagpunta sa simbahan ni Dr. MacArthur ng lampas sa isang taon, kaya alam niya sa pangunang karanasan kung anong pinag-uusapan niya. Kasama ng kanyang dalawang Ph.D. si Dr. Cagan din ay mayroong Master digri mula sa Seminaryo ng Talbot.
Paano tayo makapapangaral ng mapa-ebanghelistikal sa mga nawawala tuwing Linggo – umaga at gabi? Simple pareho ng ginawa ni Spurgeon. Ang ating mga tao ay gumagawa ng maraming pagkakayod upang magdala ng mga nawawaka sa bawat paglilingkod. Kinakausap namin sila ng maraming beses, hanggang sa maramdaman nila ang tama ng lubusang pagkasama sa kanilang buhay, biyaya, at ang pagbabayad ni Kristo. Kapag lamang na sila’y nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan na sila’y tunay na makapupunta kay Hesus at malinis mula sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo. Ang layunin ng ating pangangaral ay hindi lamang magkumbinsi ng pagkakasala sa kanila, na hanggang doon lang. Gusto namin silang makumbinsi ng pagkakasala upang sila’y aktwal na makapunta kay Hesus! Nangangaral kami ng kumbiksyon bilang motibo para sa pagpunta kay Hesus. Kung gayon ang “malaking” bagay ay hindi kumbiksyon, kundi si Hesus Mismo. Ang aking mga sermon ay madalas nagsisimula sa batas, pinapakita sa mga tao na sila’y nawawalang mga makasalanan. Ngunit, tapos ang pangalawang hati ng aking mga sermon ay nagtuturo kay Kristo, ang Kanyang pagdurusa sa Gethsemani at sa Krus; si Kristo, at Kanyang Dugong pagbabayad; si Kristo, at Kanyang pag-akyat at panalangin para sa atin, sa kanang kamay ng Diyos! Kaya, sinusundan natin ang lumang paraan ng pangangaral ng Ebanghelyo. Nagsisimula tayo sa batas para sa kumbiksyon, at nagtatapos sa Ebanhelyo at Hesus para sa kapatawaran.
Pinanood din ni Dr. Cagan at gumawa ng maraming pagsusulat sa tanyag na sermon ni Gg. Washer, “Ang Nakagugulat na Pangkabataang Mensahe” [“The Shocking Youth Message”] (isinalin mula sa ibinigay noong taon 2002 at nakita sa YouTube). Sinasabi ni Dr. Cagan na naniniwala si Wahser sa tamang doktrina, sa mga paksa tulad ng imputasyon at pakikipagpalit. Ngunit sinasabi niya na si Gg. Washer ay talagang isang mangangaral ng batas (tulad ni C. G. Finney), hindi isang mangangaral ng Ebanghelyo tulad ni C. H Spurgeon. Ibinigay ni Spurgeon ang batas upang ituro ang mga tao kay Kristo. Ibinibigay ni Gg. Washer ang batas upang ituro ang mga tao sa tinatawag niyang “pagsisisi.” Ang pagsisisi ay isang sentral na bagay sa sermon ni Gg. Washer, gaya nito kay Finney. Ang kamatayan ni Kristo sa Krus ay ang sentral na mensahe ng aking mga sermon, gaya nit okay Spurgeon. Sinasabi ni Dr. Cagan na ang puso ng mensahe ni Washer ay – “Ang kasalanan ay masama, kailangan mong mapatalikod mula rito at sundan si Hesus at mabuhay ng Kristiyanong buhay.” Ang aming mensahe ay – “Ang kasalanan ay masama. Ika’y alipin nito at hindi ito maisuko, dahil ika’y nawawala! Dapat kang huminto sa pagsusubok upang iligtas ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagsunod. Dapat mong maramdaman na ika’y walang pag-asa at walang kapangyarihan – at magtiwala kay Hesu-Kristo lamang. Walang pagkilos ng pagsisisi ang makaliligtas sa iyo! Ang napako sa krus at bumanggong Tagapagligtas Mismo lamang ang makaliligtas sa iyo!”
Ipinaghahalo ni Gg. Washer ang batas at ang Ebanghelyo magkasama sa kanyang sermon. Ngunit tinatapos niya ito sa pagbibigay lamang ng batas. Gayon ang mga sermon ni Gg. Washer ay mayroong mga malalakas na mga element ng Pelagianismo rito – ang ideya na ang tao sa kasalanan, ang tao sa kasamaan, ang tao na “patay sa kasalanan,” ay kahit papano ay sumusunod sa Diyos at pinapanatili ang batas. Ang tawag rito ay “Pagkapanginoon na Kaligtasan” at pinanghahawakan rin ito ni Dr. MacArthur. Pinanghahawakan ni Dr. MacArthur at Gg. Wahser na nangangaral ng Narepormang Kristiyanismo, ngunit ito’y lubos na namantsahan ng Pelagianismo (ang mas maagang erehiya na magagawa ng tao ay gawin ang sarili nilang katanggap-tanggap sa Diyos). Ipinagsasama ni Gg. Washer at Dr. MacArthur (na ang tao ay nakikipagsundo sa Diyos sa kanyang kaligtasan). Ang mga Tagareporma at mga ebanghelista ng Matinding Paggising, mula kay Whitefield, hanggang kay Nettleton, hanggang kay C. H. Spurgeon, ay mas mga monerhista. Ginagawa ni Kristo ang lahat ng pagliligtas ng mga kalalakihan at mga kababaihan na “patay sa pagsalangsang at mga kasalanan” (Mga Taga Efesp 2:1).
Pahintulotan ako! Ngunit nasusuka na ako sa Pelagianismo at synergism! Nasusuka na ako kay Finney at lahat ng bagay na nanggagaling mula sa kanya! Nasusuka ako sa “panalangin ng makasalanan”! Nasusuka ako sa mga Bautista na nagbibinyag ng mga di napagbagong loob na maliliit na mga bata! Hindi sila mas maigig kaysa mga medibal na Romanong Katoliko! Maraming beses sila pa nga ay mas malubha! Mabuti pa ang mga Katolikong iyon ay may takot sa Diyos! Ngunit nasusuka na rin ako kay John MacArthur, na pinabababa ang mahal na Dugo ni Kristo, at Paul Washer na nagsasabi sa mga nawawalang mga kabataan na kaya nilang itrabaho ang kanilang daan sa Langit sa paghahalo ng batas at biyaya! Hindi! Hindi! Hindi! Itapon ang mga ideyang ito ng mga tao – walang kabutihang nagawa ang mga ito sa atin at wala kailan man!
Sinabi ng mga Disipolo,“Sino nga kaya ang makaliligtas?” Sinabi ni Hesus, “Hindi maaari ito sa mga tao” (Marcos 10:26, 27).
Wala sa mga bagay na magagawa mo, o matututunan, o hihintong gawin ang makaliligtas sa iyo! Magtiwala kay Kristo Mismo! Si Kristo Mismo lamang ang makaliligtas sa iyo! Si Kristo ay nagdusa sa Hardin ng Gethsemani. Noong inilagay ng Diyos ang iyong kasalanan kay Hesus nagpawis Siya na parang malalaking patak ng Dugo at halos mamatay doon sa Hardin. Sumigaw Siya sa Diyos at naligtas upang Siya’y makapunta sa Krus sa sunod na umaga bilang iyong kapalit. Namatay Siya sa iyong lugar, upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niua ang Kanyang mahal na Dugo upang linisin ang iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay sa bagong pagkapanganak. Kristo! Kristo! Kristo! Si Kristo lamang ang makaliligtas sa iyo – “upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Dios” (Mga Taga Corinto 1:29). Si Kristo lamang si Kristo lamang “ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30, 31). Iyan ang dahilan,
“Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2).
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18).
Anong makalilinis ng aking kasalanan?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
Anong makagagawa sa aking buo muli?
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
O! mahalaga ang agos!
Na gumagawa sa aking kasing puti ng niyebe;
Walang ibang bukal ang alam ko,
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala Kundi ang Dug.” Isinalin mula sa
“Nothing But the Blood” ni Robert Lowry, 1826-1899).
Maraming mga mangangaral ang nag-iisip na mayroon lamang dalawang posibilidad – maniwala ka man sa kaligtasan sa pamamagitan ng “panalangin ng makasalanan,” o maniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng Pagkapanginoong pangako. Mukhang di nila kailan man naiisip na mayroong pangatlong paraan – ang paraan ng Repormasyon – kumbiksyon ng kasalanan na nagpapakilos sa makasalanan na magpahinga kay Kristo lamang, sa krisis na pagbabagong loob! Iyan ang sumisigaw na pangangailangan ng mga tao ngayon! Itapon ang pagtuturo ni Washer! Itapon ang pagtuturo ni MacArthur! Itapon ang paghahalo ng biyaya at gawa!
O, Diyos, magpadala sa amin ng mga kalalakihang mangangaral ng mga doktrina ng biyaya, ng mga doktrina ng Repormasyon, na walang paghahalo ng batas! Kaligtasan ay na kay Kristo lamang, sa isang krisis na pagbabagong loob tulad niyon kay Luther, Bunyan, Whitefield, at Spurgeon! Hayaan iyan na maging ang dakilang tema ng lahat ng ating pangangaral at lahat ng ating mga testimony! Hayaan na si Kristo ang maging sentral sa lahat na sasabihin natin at sa lahat na ipangaral natin! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! SABIHIN ITO KASAMA KO! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo! Kristo!
“Upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan” (Mga Taga Colosas 1:18).
Mayroon tayong mga libo-libong mga kabataan na nabigyan ng lahat ng bagay maliban si Kristo Mismo! Magpuntang diretso kay Kristo! Huwag magpunta sa isang panalangin o isang berso ng Bibliya! Huwag lang maniwala sa isang doktrina! Magpuntang direkta sa taong si Kristo Hesus! Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos sa Langit. Magpuntang direkta sa Kanya! Magtiwala sa taong si Kristo Hesus! Lilinisin Niya ang iyong kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo. Ililigtas ka NIya mula sa kasalanan sa lahat ng panahon, at sa buong walang katapusang panahon!
Tumingin sa himno bilang 7 sa inyong katahang papel. Ito’y mula kay Dr. Oswald J. Smith. Kantahin ito!
Para sa kaligtasan puno at malaya, Binili minsan sa Kalbaryo,
Si Kristo mag-isa ay maging aking paki-usap –
Hesus! Hesus lamang.
Hesus lamang, hayaan akong makita,
Hesus lamang, walang makaliligtas sa Kanya,
Tapos ang aking kanta magpakailan man –
Hesus! Hesus lamang!
(“Hesus Lamang, Hayaan Akong Makita.” Isinalin mula sa
“Jesus Only, Let Me See” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).
“Si Kristo lamang ang aking paki-usap – Hesus! Hesus lamang.”
Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin kayo ni Gg. John Samuel Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal at makapag-uusap tayo. Kung gusto mong makarinig ng higit pa tungkol sa pagiging isang tunay na Kristiyano, magpunta na ngayon. Dr. Chan, manalangin na mayroong magtiwala kay Hesus ngayong gabi. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Isaias 30:8-15.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus Lamang, Hayaan Akong Makita.” Isinalin mula sa
“Jesus Only, Let Me See” (ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986).