Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SI KRISTO MAHALAGA SA MGA TUNAY NA
NAPAGBAGONG LOOB LAMANG!

CHRIST PRECIOUS TO REAL CONVERTS ONLY!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Pebrero taon 2014

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
(I Ni Pedro 2:7).


Si Spurgeon ay labing anim na taong gulang noong ipinangaral niya ang kanyang unang pangaral. Siya’y nagtuturo sa isang Linggong Paaralan ng mga isang taon na, simula sa panahon ng kanyang pagbabagong loob. Ang mga Linggong Paaralan ay itinuro sa hapon, alin ay totoo pa rin sa mga bahagi ng Reyno Unido. Siya’y napaka matagumpay na ang ibang mga guro ay nagpunta sa kanya para sa tulong sa kanilang mga aral. Nagpupunta rin siya sa isang Asosasyon Para sa mga Di pa mga Ministor. Isang araw ang puno ng asosasyon ay nagsabi kay Spurgeon na sumama kasama ng isa pang mas batang lalake na naatasang ipangaral ang kanyang unang pangaral. Habang sila’y palakad papunta sa bahay ng pagpupulong, natanto ni Spurgeon na siya ang kailangang mangaral. Sinabi ng kanyang kasama na walang pangaral hangga’t siya’y magsalita. Habang sila’y naglakad naisip ni Spurgeon “Masasabi ko sa ilang kaunting kawawang [mga tao] ang patungkol sa katamisan at pag-ibig ni Hesus.”

At kaya, ang 16 na taong gulang na si Spurgeon ay nangaral ng kanyang unang pangaral – sa ating teksto,

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7).

Siya’y natatakot habang tumayo siya upang mangaral sa unang pagkakaton sa kanyang buhay. Ngunit siya’y lubos nagulo ng teksto na ang mga salita na umagos lang mula sa kanyang bibig. Sinabi niya, “Si Kristo ay mahalaga sa aking kaluluwa…Hindi ako matahimik kapag [ang] mahal na Hesus ang aking paksa.” Natatandaan ko ang Kanyang pagkabilanggo sa kasalanan, ang butas ng mga apoy uminom sa kanyang nagulong konsensya. Naramdaman niyang handa na siyang bumagsak sa walang hanggang apoy. Sa pamamagitan ng pagtatanda ng takot na pinagdaanan niya, sa kanyang pagbabagong loob sa taon na nauna, madali niyang magpa-uusapan ang pagkamahal ni Hesus. Sinabi niya na ang Tagapagligtas “humatak sa akin gaya ng isang uri mula sa pagkasunog, at inilagay sa isang bato, at naglagay ng bagong kanta sa akin bibig.”

Nagpatuloy si Spurgeon sa pangangaral ng anim pang mga sermon sa tekstong ito, ang huling ibinigay noong 1890, ilang buwan bago ng kanyang kamatayan. Naisip ko ang labing anim na taong gulang na batang ito na nangangaral sa pagkamahal ni Hesus. Nagtaka ako kung kahit sinong binata ang pipili sa paksang iyan sa panahon natin. Mukha para sa akin ngayon na ito’y magigin isang lubos na di pangkaraniwang batang lalake ang pipiling ipangaral ang kanyang unang pangaral sa mga salitang,

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7).

Upang maging tiyak, si Charles Spurgeon ay isang di pangkaraniwang batang lalake. Gayon man nadududa ako na isang batang lalake sa Amerika ay maiisip pa ang mangaral sa pagkamahalaga ni Kristo. Ang mga ebanghelistikong mga pangaral ay hindi halos ipinangaral sa ating mga simbahan ngayon. Naglabas ako ng mga dahilan para diyan noong huling Linggong pangaral, “Bakit Napaka Kaunting Ebanghelyong Pangangaral Ngayon?” Ito’y kaduda duda para sa isang binatang maisip na mangaral ng isang ebanghelistikong pangaral! At na may “bagong” pagdidiin sa tinatawag na”pagpapaliwanag” na pangangaral, tiyak na hindi niya pipiliin na magbigay ng isang buong pangaral sa kalahati ng isang berso! Isang binata ngayon ay kailangan mamiling magbigay ng isang pangaral sa mga Kristiyano base sa lima o higit pang mga berso, sinusundan ang nakamamatay na pamamaraan ng tinatawag na “pagpapaliwang” na pangangaral na ngayon ay ang uso. At ang isang batang lalake ngayon ay marahil hindi makapagsasalita na may pasyon sa “pagkamahalaga” ni Hesus. Bakit hindi? Dahil ito’y halos tiyak na isang binata ngayon ay hindi dumaa sa pagdurusa at ang kaligayahan ng tunay na pagbabagong loob! Pagpupunta, gaya ni Spurgeon, mula sa tahanan ng isang mangangaral, isang binata ay walang dudang magagabay sa binulong na mga salita ng tinatawag na “panalangin ng makasalanan” noong siya’y dalawa o tatlong taong gulang. Walang duda na siya’y nasabihan na siya’y ligtas sa buong buhay niya dahil sinabi niya ang pangalanging iyon. Gayon, ang makabagong kabataan ay nanakawan ng pagkakaroon ng isang tunay, nakapagbabagong buhay na karanasan kay Hesu-Kristo. Iyan ang pangunahin dahilan na halos 90% ng lahat ng mga kabataan na pinalaki sa mga Amerikanong simbahan ay umaalis bago sila 25 taong gulang, “hindi kailan man babalik” ayon sa polster na si George Barna. Ngunit si Spurgeon ay hindi pinalaki sa isang “desisyonistang” simbahan na naniwala sa kaligtasan sa pamamagitan ng isang “madaliang panalangin.” Iyang nakamamatay, naka sisira ng kaluluwang tradisyon na iyan ay di pa nakarating sa mga simbahan. At kaya, ang “batang mangangaral” ay kinuha ang I Ni Pedro 2:7 bilang teksto ng kanyang unang pangaral – at ipinangaral niya ito na may matinding lakas at pagpapala! (Isinalin mula sa Impormasyon kay unang pangaral ni C. H. Spurgeon base kay Thomas J. Nettles, Ph.D., Nabubuhay Sa Pamamagitan ng Nailantad na Katotohanan: Ang Buhay at Pastoral na Teyolohiya ni Charles Haddon Spurgeon, [Information on C. H. Spurgeon’s first sermon based on Thomas J. Nettles, Ph.D., Living By Revealed Truth: The Life and Pastoral Theology of Charles Haddon Spurgeon, Christian Focus Publications], 2013, pp. 58, 59).

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7).

Bibigyan ko kayo ng dalawang punto na ipinahihiwatig ng tekstong ito.

I. Una, sino ang mga iyon na naniniwala?

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga.”

Karamihan sa mga tao ngayon ay di naniniwala ngayon. Ang mga tunay na mga mananampalataya ay lumalalang mahirap mahanap, kahit sa mga teyolohikal na mga serminaryo. Si John. S. Dickerson ay sumulat ng isang aklat dapat basahin ng bawat pastor at bawat seryosong Kristiyano. Ito’y pinamagatang Ang Matinding Ebanghelikal na Resesyon [The Great Evangelical Recession (Baker Books, 2013). Di ako sumasang-ayon higit dahil sa ibinibigay niya sa pangalawang hati ng aklat, ngunit ang unang hati ay dapat mailagay sa mga “dapat basahing” listahan. Narito ang sinasabi ni Gg. Dickerson tungkol sa ating ebanghelikal at pundamentalistasng mga simbahan,

Ang Amerikanong simbahan bangin ng isang espiritwal na resesyon. Ang ating pangkalahatang pagkasapi ay lumiliit. Ang mga [kabataan] ay nagsisialis [mula sa mga simbahan]. Ang ating mga donasyon ay natutuyo. Ang politikal na pagka-init ay naghihiwalay sa atin. Kahit na habang nilalamon ng mga krisis na ito ang simbahan sa kalooban, ang dating mapagkaibigang karamihang kultura ng Estados Unidos ay mabilis na nagiging masungit at antagonistiko…
      Nagpakilala si Pastor John Dickerson ng anim na mga sanhi na radikal na nag-aagnas sa Ameikanong simbahan… (likurang takip ng aklat).

Sinasabi niya na ang bilang ng mga ebanghelikal at mga pundamentalista ay higit na napapalabis. Sinasabi niya na mga 7% ng mga Amerikano ay mga ebanghelikal o pundamentalista. Sinasabi niya na ang natira sa mga tao sa ating bansa ngayon ay namumuhi sa atin. Sinasabi niya na tayo ay bingit ng paglubog. Sinasabi niya na 80% hanggang 90% ng ating mga kabataan ay iniiwan ang kanilang simbahan sa edad na 25 at di kailan man bumabalik. Sinasabi niya na tayo ay naghihiwalay, na may 70% sa atin na hindi na sinosoportahan ang relihiyosong karapatan at ang Repulikang Partido. Sinasabi niya na ang mga ebanghelikal at ang mga pundamentalista ay hindi lumalagong mabilis na sapat upang makahabol sa paglago ng populasyon. Sinasabi niya na, “Ang pursyento ng mga ebanghelikal ay bumababa kasama ng bawat kabataang henerasyo, habang ang pursyento ng mga agnostiko at ateyistiko ay tumataas sa mga kabataang henerasyon. Ang epekto pagkatapos ng panahon ay isang mala-sunaming pag-usog ng kultura habang ang mas matandang henerasyon ay magsisilipas…45 na pursyento ng mga ebanghelikal ay mamamatay sa loob ng dalawam pu’t siyam na taon – ibig sabihin ang mga ebanghelikal [ay] babagsak mula sa 7 pursyento ng mga Amerikano sa mga 4 na pursyento o mas kaunti pa. [Kung] gayon ang Estados Unidos ng 2030 o 2040 ay magiging mas radikal na sekular at ateyistiko kaysa maiisip ng marami [sa atin]” (isinalin mula sa ibid., mga pahina 113, 116). Ipinapakita rin niya na ang mga megang mga simbahan, tulad ni Rick Warren at Joel Osteen, ay nagbubunga ng napakakaunting mga napagbagong loob mula sa mundo. Lumalago lamang sila sa pamamagitan ng mga lumilipat mula sa maliliit na mga simbahan – kaya hindi sila nagdaragdag ng mga tao sa bilang mga ebanghelikal sa kabuuan! (Isinalin mula sa ibid., mga pahina 117, 118).

Sinasabi niya na ang buong bilang nga mga “nananampalataya” ay lumiliit kada taon sa Estados Unidos, ngunit, gaya ng ipinakita namin sa aming mga aklat na, Pangangaral sa Namamaty na Bansa [Preaching to a Dying Nation] at Ang Apostasiya Ngayon [Today’s Apostasy], ang malaking karamihan ng mga ebanghelikal at mga pundamentalista ay hindi naipanganak muli, hindi napagbagong loob, hindi ligats! Isang dahilan ay dahil napaka kaunting pangangaral sa Ebanghelyo ni Kristo! Walang pagtatakang nahikayat si Dr. Michael Horton na sumulat ng isang aklat ng pinamagatang, Walang Kristong Kristiyanismo: Ang Alternatibong Ebanghelyo ng Amerikanong Simbahan [Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church (Baker Books, 2008). Ang bawat pastor ay dapat basahin ang aklat ni Dr. Horton, at ang aklat ni John Dickerson. Ang unang hati ng aklat ni Dickerson ay napaka halaga. Ngunit tandaan na personal kong naiisip na ang pangalawang hati ng kanyang aklat ay halos walang halaga. Nakasalalay ito sa mga “teknik” kaysa sa ibinigay ng Diyos na pagbabagong loob at ibinigay ng Diyos na muling pagkabuhay.

Ang anyo ng “muling pagkbuhay” na tinutukoy ni Dickerson ay nakatayo sa modelo ni Finney, na pinuna ni Dr. David Wells, tinatawag itong “isang bagay na maaring magawa sa pamamagitan ng mga nararapat ng mga teknik” (Isinalin mula kay David F. Wells, Ph.D., Walang Lugar para sa Katotohanan: o Anong Nangyari sa Ebanghelikal na Teyolohiya? [No Place for Truth: or Whatever Happened to Evangelical Theology?], Eerdmans, 1993, p. 296).

Ginawang sariling mga pagbabago sa simbahan ay hindi siyempre, nagbubunga nga tunay na muling pagkabuhay. Ngunit si Dickerson ay nagpapatuloy sa pagsasabi sa atin na maari tayong magkaroon ng “muling pagkabuhay” sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang anyo ng “Fnneyismo.” Lubusan akong sumasang-ayon kay Dr. David Wells na ang uri ng “muling pagkabuhay” ay hindi tumutulong sa atin. Sabi ni Dr. Wells, “Ang kailangan ng simbahan ngayon ay hindi muling pagkbuhay kundi repormasyon” (isinalin ibid.). Iyan ang ibig sabihin ni Dr. Tozer noong sinabi niyang, “Ang buong ebanghelikal na mundo ay sa karamihan di pabor sa isang malusog na Kristiyanismo…ibig kong sabihin ang naniniwala sa Bibliyang pulong.” “Dapat tayong magkaroon ng isang bagong repormasyon. Dapat tayong macaroon ng marahas ng pagtiwalag diyan sa…naging paganong kunwaring relihiyon na pumapasa ngayon para sa pananampalataya kay Kristo at ikinakalag sa buong mundo” (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Patungkol sa Diyos at mga Tao [Of God and Men], mga pahina. 12-13; Naglalakbay Tayo sa isang Inatasang Daan [We Travel an Appointed Way], mga pahina. 110-113).

Ang ugat ng ating mga problema ay nakasalayay sa katunayan na napaka raming mga ebanghelikal at mga pundamentalista ay di napagbagong loob. Sila’y mga “mananampalataya” sa ilang mga doktrina. Sila’y mga “mananampalataya” sa ilang mga berso ng Bibliya. Ngunit si Kristo Mismo ay hindi mahalaga para sa kanila dahil hindi sila mga “mananampalataya” kay Hesus, sa diwang Biblikal ng salita.

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7)

Sinabi ni Spurgeon na ito’y tumutukoy sa paniniwala kay Kristo Mismo. Sinabi niya na ang tunay na paniniwala ay “kapag ang isang tao ay naniniwala kay Hesus inilalapag niya ang kanyang sarili sa kanya… [Masasabi niyang] ‘Naniniwala ako sa maluwalhating Taong iyan; ang aking tiwala ay nasa kanya’ [Si Kristo ay] ang lahat ng kanyang kaligtasan at ang lahat ng kanyang hangarin…kung ika’y isang manananampalataya sa kanya, siya’y magiging mahalaga sa iyo na walang kapantay” (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], Pilgrim Publications, 1978 inilimbag mulit, kabuuan 54, pp. 470, 471).

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7)

Hangga’t ikay makumbinsi ng iyong kasalanan hindi mo mararamdaman ang pangangailangan kay Hesus Mismo. Hangga’t ika’y makumbinsi ng iyong kasalanan iyong itatago ang iyong mukha mula sa Kanya, at hindi siya pahahalagahan (Isaias 53:3). Ngunit kapag gagawin ka ng Banal na Espiritung maramdaman ang rebelyon at ang desperadong pagkalupit ng iyong puso, marurumihan ka sa iyong sarili. Kapag iyo lamang maramdaman na mahalaga si Hesus.

Maaring dumaan ka sa maraming pangungumbinsi ng kasalanan bago na ang iyong matigas na ulo, makasalanang puso ay susuko kay Hesus. Kapag nararamdaman mo na wala ka nang pag-asa, wala talaga sa mundong ito, kapag nararamdaman mo na ika’y makasalang wasak, na walang pag-asa na pagbabago ng iyon sarili, gayon maari kang mahikayat na magtiwala kay Hesus Mismo at mahugasan malinis mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahalagang Dugo. Tapos, at tapos lamang, na ikaw ay mananampalataya kay Hesus, sa diwa ng ating teksto.

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7).

II. Pangalawa, bakit mahalaga si Kristo doon sa nananampalataya?

Ang Griyegong salita na isinalin na “mahalaga” ay “teemay.” Ibig nitong sabihin ay mahalaga, mamahalin, di mabibili ng salapi (Isinalin mula kay Strong). Kapag iyo lamang maramdaman na ika’y nawawala sa kasalanan na ika’y magpupunta kay Hesus at magtitiwala sa Kanya – gayon lamang, hindi bago niyan! At kapag magtitiwala ka sa Kanya makikita mo na Siya at Siya lamang, ay di mabibili ng salapi, mahalaga, at mamahalin! Gayon lamang, na ika’y makakakanta mula sa iyong puso ang mga salita ni Gg. Griffith ilang sandali kanina,

Napakahalaga ni Hesus, aking Tagapagligtas at Hari,
   Ang Kanyang papuri sa buong araw na may pagdadagit ako’y kakanta;
Sa Kanya sa aking pagkahina para sa lakas ako’y kumakapit,
   Dahil Siya’y napaka mahalaga sa akin.
Dahil Siya’y napaka halaga sa akin, Dahil Siya’y napaka halaga sa akin,
   Ito’y Langit sa ibaba, makilala ang aking Tagapagligtas,
Dahil Siya’y napaka mahalaga sa akin.
    (“Dahil Siya’y Napaka Mahalaga sa Akin.” Isinalin mula kay
        “For He is So Precious to Me” ni Charles H. Gabriel, 1856-1932).

Pagkatapos niyang magtiwala kay Hesus, maaring nakanta ni Luther and kantang iyan! Pagkatapos niyang magtiwala kay Hesus, ang dakilang si Whitefield ay maaring nakanta ito! Ang lahat ng mga sumusunod na mga mangangaral ay maaring nakanta ito – Si John Bunyan, John Wesley, William Romaine, Augustus Topaldy, John Newton, Robert Hall, Jonathan Edwards, Timothy Dwight, Gilbert Tennent, William Williams, Howell Harris, Daniel Rowland, Christmas Evans, Charles Simeon, Robert Murray McCheyne, C. H. Spurgeon, Martyn Lloyd-Jones, A. W. Tozer, at libo-libong mga ibang nagtiwala kay Hesus, ay nakahanap ng kapayapaan sa pamamagitan ng paniniwala sa Kanya, at ipinangaral si Kristo at Siyang naipako sa krus sa katapusan ng kanilang mga araw! Ang Puritanong kumentor na si John Trapp (1601-1669) ay nagsabi na si Hesus ay “ang pulupukyutan sa aking bibig, musika sa aking tainga, at galak sa aking puso.”

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga
      (I Ni Pedro 2:7).

Sinabi ng dakilang si Spurgeon, ang “Prinsipe ng mga Mangangaral,” na si Hesus ay

  Mahalaga sa Kanyang pinakadiwa – sa kung sino Siya!
     Mahalaga dahil hindi Siya mabibili – dahil Siya ay di mabibili ng salapi!
        Mahalaga dahil Siya ay di mapaparisan – dahil Siya ay lubos na di
           pangkaraniwan! isa ng kanyang uri!
             Mahalaga dahil hindi Siya maaring mawala – dahil minsan kang magtiwala sa
             Kanya hindi mo Siya kailan man mawawala!
                 Mahalaga dahil hindi Siya masisira – dahil magpakailan man
                    Siyang mabubuhay sa itaas!
                       Mahalaga dahil sa anong ginagawa Niya para sa atin –

Kinuha Niya ang ating pagkasala sa Kanyang sarili at namatay upang bayaran ang multa para sa ating kasalanan, bilang ating kapalit. Bumangon Siya mula sa pagkamatay at nabubuhay sa kanang kamay ng Diyos, namamagitan para sa atin! nananalangin para sa atin! Binibigyan Niya tayo ng kapatawaran! Binbigyan Niya tayo ng mga sagot sa panalangin!

Mahalaga si Hesus higit sa lahat ng mga bagay sa mga puso noong mga tunay na niniwala at nagtitiwala sa Kanya! Gaya ng paglagay ni John Trapp, Siya ay ang “Pulupukyutan sa bibig, musika sa tainga, at galak sa puso” doon sa mga nagtitiwala sa Kanya! Masasabi nila kasama ng Apostol Pablo,

“Datapuwa't sa kaniya kayo'y nangasa kay Cristo Jesus, na sa atin ay ginawang karunungang mula sa Dios, at katuwiran at kabanalan, at katubusan: Na, ayon sa nasusulat, Ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon” (I Mga Taga Corinto 1:30-31).

Dahil Siya’y napaka halaga sa akin, Dahil Siya’y napaka halaga sa akin,
   Ito’y Langit sa ibaba, makilala ang aking Tagapagligtas,
Dahil Siya’y napaka mahalaga sa akin!

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
       (I Ni Pedro 2:7).

Si Hesus ay mahalaga. Sa katunayan, hindi Siya mabibili ng salapi. Siya’y mas higit na mahalaga kaysa lahat ng mga yaman, lahat ng karangalan, at lahat ng luwalhati ng lumang mundong ito. Magpunta kay Hesus. Namatay Siya para sa iyong kasalanan – bilang iyong kapalit – sa Krus – upang di ka kailan man mapaparusahan para sa iyong kasalanan kung nagtitiwala ka sa Kanya. Buhay Siya – sa kanang kamay ng Diyos, sa Langit – kaya hindi ka kailan man mamamatay kung magtitiwala ka sa Kanya. Ang iyong mga kasalanan ay mapapatawad at magkakaroon ka ng walang hanggang buhay – kapag magtiwala ka sa Tagapagligtas, si Hesu-Kristo! Iniibig ka Niya! Ililigtas ka Niya! Huwag kang matakot! Magtiwala sa Kanya ngayon, ngayong umaga, ngayon na! Ililigtas ka Niya. Ililigtas ka Niya. Ililigtas ka Niya ngayon!

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, iwanan ang iyong upusan at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Gg. John Samuel Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal tayo at makapag-uusap. Kung gusto mong maging isang Kristiyano, magpunta sa likuran ng awditoriyum ngayon. Dr. Chan, manalangin ka na mayroong isang magtitiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Ni Pedro 2:1-8.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dahil Siya’y Napaka Halaga sa Akin.” Isinalin mula sa
“For He is So Precious to Me” (ni Charles H. Gabriel, 1856-1932).


ANG BALANGKAS NG

SI KRISTO MAHALAGA SA MGA TUNAY NA
NAPAGBAGONG LOOB LAMANG!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sa inyo ngang nangananampalataya, siya'y mahalaga”
(I Ni Pedro 2:7).

I.   Una, sino ang mga iyon na naniniwala? Isaias 53:3.

II.  Pangalawa, bakit mahalaga si Kristo doon sa nananampalataya?
I Mga Taga Corinto 1:30-31.