Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT NAPAKA KAUNTING PANGANGARAL NG EBANGHELYO NGAYON?

WHY SO LITTLE GOSPEL PREACHING TODAY?
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-26 ng Enero taon 2014

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!”
(I Mga Taga Corinto 9:16).


Iyan ang mga salita ng Apostol Pable. Naramdaman niyang napilit ipangaral ang Ebanghelyo ni Kristo. At ipinangaral niya ang Ebanghelyong madalas sa buong ministro. Sinabi ni Mathew Henry, “Iyong mga nahihiwalay sa opisina ng ministro ay mayroon sa kanilang tungkulin na ipangaral ang ebanghelyo. Sa aba sa kanila kung hindi.” Na walang mas marami pang paliwanag, magpupunta ako agad sa pangaral.

Maraming mga tao ang nagreklamo sa akin tungkol sa pagkakulang ng pangangaral ng Ebanghelyo ngayon. Sinasabi nila sa akin na hindi sila kailan man nakaririnig ng isang buong sermon sa Ebanghelyo ni Kristo sa kanilang mga simbahan. Tinatanong nila ako bakit ang mga mangangaral ay di nagbibigay ng mga pangaral tungkol sa nakaliligtas na gawain ni Kristo sa Krus. At pinag-iisipan ko nang matagal ang katanungang iyan – bakit napaka kauntin mga pastor ang nagpapangaral ng Ebanghelyo? Ako mismo ay di pa nakarinig ng kahit anong lokal na simbahang pastor na ipangaral ang Ebanghelyo ng marami taon! Sa tinggin ko ay mayroong maraming mga dahilan – at bibigyan ko kayo ng dalawa sa kanila sa pangaral na ito.

I. Una, hinuhulaan ng Bibliya na si Kristo ay mapagsasarhan mula sa karamihan ng mga simbahan sa huling mga araw.

Inilalarawan ng Apocalipsis 3:14-22 ang Laodiceang simbahan. Ganap na inilalarawan nito ang mga simbahan sa Kanlurang mundo sa huling mga araw. Sinabi ni J. A. Seiss, “Maari bang kahit sinong tao ang magsusurig mabuti na makitid ang iprinoklamang simabahan ng ating araw, at magsasabi na hindi natin naabot ang Laodiceang panahon?” (Isinalin mula sa J. A. Seiss, Ang Apocalipsis [The Apocalypse], Zondervan Publishing House, n.d., p. 85).

Sinabi ni Dr. John F. Walvoord, “Ang simbahan ngayon…sa maraming aspeto ay nakalulungkot na nagpapari sa espiritwal na kalagayan ng simbahan sa Laodicea” (Isinalin mula kay John F. Walvoord, Th.D., Ang Paglalantad ni Hesu-Kristo [The Revelation of Jesus Christ,] Moody Press, 1966, p. 95).

Sinabi ni Dr. Lehman Strauss, “Sa higit na bahagi ang Laodiceang simbahan ng huling mg araw ay hindi inaangkin ang…Krisitiyanong kaharian ni Kristong pagkasira na selyado. Ang simbahan ng tao ng huling mga araw ay isang isinuakang simbahan” (Isinalin mula kay Lehman Strauss, D.D., Ang Aklat ng Apocalipsis [The Book of Revelation], Loizeaux Brothers, 1982 edisiyon, pp. 104, 105).

Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng Laodiceang simbahan…Ito ang kondisyon ng higit na mraming tinatawag na pundamental na konserbatibong mga simbahan…Naiisip ko na kung si [Kristo] ay nagsalita sa maraming mga simbahan ngayon, sasabihin Niya, ‘Napasusuka mo ako…Sinasabi mong mahal mo ako. Sinasabi mo ito, ngunit hindi ito ang ibig mong sabihin’…Kaibigan ko, tayo ay nabubuhay sa Laodiceang panahon ngayon…Ito ang simbahan na tinukoy ni Stanley High noong sinabi niyang:

     Ang simbahan ay nabigo upang sabihin sa akin na ako’y isang makasalanan. Ang simbahan ay nabigo upang ialay sa akin ang kaligtasan ni Hesu-Kristo lamang. Ang simbahan ay nabigo upang sabihin sa akin ang teribleng mga bunga ng kasalanan, ang katiyakan ng impiyerno, ang katunayan na si Kristo-Hesus ang nag-iisan naka liligtas” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru The Bible], 1983, Thomas Nelson Publishers, kabuuan V, mga pah. 922, 923, 925, 924; mga sulat sa Revelation 3:14-19; Stanley H. High ay isang nakatataas na tagapagnugot ng The Reader’s Digest at isang Kristiyanong may-akda. Ang salaysay sa itaas ni Gg. High ay nagpapakita sa Agosto 1947 na Magasin na Time).

Nasaan si Kristo sa mga Laodiceang mga simbahan ng ating panahon? Iyan ay inilarawan sa Apocalipsis 3:20,

“Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Apocalipsis 3:20).

Si Kristo ay ipinagsasarhan mula sa Kanyang mga simbahan sa Laodiceang panahon na ito. Siya ay nakatayo sa labas, kumakatok sa pinto ng simbahan, dahil Siya’y pinagsarhan! Sinabi ni Dr. Charles C. Ryrie, “Napaka mamangha na si Kristo ay mapanatili sa labas ng Kanyang sariling simbahan!” (Isinalin mula kay Charles C. Ryrie, Th.D., Ph.D., Ang Pag-aaral na Bibliya ni Ryrie [The Ryrie Study Bible], Moody Press, 1978 edisiyon, p. 1900; sulat sa Apocalipsis 3:20).

Pansinin na ang Apocalipsis 3:20 ay hindi tumutukoy kay Kristong pumapasok sa puso ng tao. Gaya ng napansin ni Dr. Ryrie, Siya ay pinag-sasarhan mula sa Kanyang simbahan, mula sa puso ng tao. Iyan ang tinutukoy ng Apocalipsis 3:20. Iyan ay malinaw sa konteksto ng bahaging ito, na nagtatapos sa mga salitang ito, “Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.”

Kung gayon hindi tayo dapat magulat na napaka kaunting pangangaral ng Ebanghelyo ni Kristo sa huling mga araw, sa Laodiceang panahon na ito! Sumulat si Dr. Michael Horton ng isang masusing aklat na pinamagtang, Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity]. Sinasabi niya na karamihan sa mga simbahan ay nangangaral ng isang “pagtulong sa sariling” mensahem kaysa ang Ebanghelyo ni Kristo. Isinipi niya ang mga paksa ng pangaral sa isang Bautistang simbahan upang patunayan ang kanyang punto:

“Paano Maging Mabuti ang Pakiramdam sa Iyong Sarili”
“Paano Matatalo ang Pagkalungkot”
“Paano Magkaroon ng isang Puno at Matagumpay na Buhay”
“Pag-aaral ng Paghahawak ng Pera na Hindi ka nito Hinahawakan”
“Ang Mga Sekreto ng Matagumpay na Pamumuhay na Pamilya”
“Paano Matatalo ang Pag-aalala,” atb.
   (Isinalin mula kay Michael Horton, Ph.D., Walang Kristong Kristiyanismo:
Ang Alternatibong Ebanghelyo ng Amerikanong SImbahan

[Christless Christianity: The Alternative Gospel of the American Church], Baker Books, 2008, p. 49).

Mapaghihinuha ko na ang unang dahilan na napakakaunting pangangaral sa mga gawain ni Kristo – Kanyang kamatayan sa Krus, Kanyang Pagbabayad sa Dugo, Kanyang muling pagbuhay, Kanyang Pangalawang Pagdating, atb. – ay tayo ay nabubuhay sa Laodiceang apostasiya ng huling mga araw, na tinukoy sa propesiya ng Bibliya. Sinabi ni Dr. McGee,

     Sa simbahan ng Laodicea sinabi ng Panginoong Hesus, “Kaya sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig” (b. 16). Ito ang tumalikod na simbahan na nagproproklamang Kristiyano ngunit nagkukulang ng katotohanan. (Isinalin mula kay McGee, ibid., p. 926).

Sa kanyang dakilang propetikong pasahe sa ika-apat na kapitulo ng II Ni Timoteo sinabi ng Apostol Pablo,

“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. Nguni't ikaw ay magpigil sa lahat ng mga bagay, magtiis ka ng mga kahirapan, gawin mo ang gawa ng evangelista, ganapin mo ang iyong ministerio”(II Ni Timoteo 4:3-5).

Pagkatapos na pagsasabing, “ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga,” sinabi niya, “gawin mo ang gawa ng evangelista.” Wala nang mas matindi pang kinakailangan kaysa malakas, eskolar na ebanghelistikong mga pangangaral, tulad ng libo-libo na ipinangaral ni Spurgeon noong ika-19 na siglo! O, napaka kailangan ng henerasyong ito ang ganyang uri ng pangangaral sa desperadong panahon na ito! Wala akong paki-alam kung ang bawat mangangaral sa Amerika ay magbigay ng berso-kada-bersong aral sa mga Kristiyano! Ano man ang gawin nila, magpapatuloy akong mangaral ng Ebanghelyo ng aking Panginoong Hesu-Kristo!

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!” (I Mga Taga Corinto 9: 16).

Iniibig kong sabihin ang kwento Ng mga di nakikitang mga bagay sa itaas,
   Patungkol kay Hesus at Kanyang luwalhati,
Pagtungkol kay Hesus at Kanyang pag-ibig.
   Iniibig kong sabihin ang kwento, Dahil alam ko na ito’y totoo;
Napaglulugod nito ang aking paghahangad Na walang ibang katulad.
   Iniibig kong sabihin ang kwento, Ito’y maging tema ko sa luwalhati
Na sabihin ang lumang, lumang kwento Ni Hesus ang Kanyang pag-ibig.
      (“Iniibig Kong Sabihin ang Kwento.” Isinalin mula kay
         “I Love to Tell the Story” ni A. Catherine Hankey, 1834-1911).

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!” (I Mga Taga Corinto 9:16).

II. Pangalawa, ang “panalangin ng makasalanan” ay ginawa ang Ebanghelyo ni Kristong lipas na, laos na at din a kailangan – ang sabi ng mga “makabagong” mangangaral!

Kung ang lahat sa inyo ay kailangang gawin ay gawin ang mga taong sabihin ang “panalangin ng makasalanan” gayon walang pangangailangan upang ipangaral ang Ebanghelyo. Sumasalalay sa “makabagong” pamamaraan ng “panalangin ng makasalanan” ay ngayon pumalit sa pangangaral ng Ebanghelyo ni Kristo! Kung iniisip mo na iyan ay pagmamlabis, makinig sa isinulat ni Jack Hyles noong 1993,

     Ang Bagong Tipang simbahan sa Aklat ng Mga Gawa ay isang nagtatagumpay ng mga kaluluwang simbahan. Sa lahat ng mga taon inilipat natin ang nagtatagumpay ng mga kaluluwa sa pag-eebanghelismo, at sa loob ng maraming mga siglong ito, mayroong pagdidiin sa ebanghelisitkong simbahan.
     Ngayon anong pagkakaiba ng nagtatagumpay na simbahan sa isang ebanghelistikong simbahan? Sa isang ebanghelistikong simbahan ang pastor ay tumatayo sa likod ng pulpit at nangangaral ng Ebanghelyo sa di ligtas na mga tao na dinala ng mga tao sa simbahan. Sa isang nagtatagumpay ng mga kaluluwang simbahan, ang mga tao ay umalis mula sa simbahan at lumalabas sa mga daan at sa mga bakuran, pinapanalunan sila kay Kristo, at dinadala sila sa simbahan upang maglakad sa gitna at gumawa ng publikong propesyon ng kaligtasan. Sa ating henerasyon, nakita natin ang mas maiging simbahan na mag-iba mula sa isang ebanghelistikong simbahan sa nagtatagumpay ng mga kaluluwang simbahan…Binibigyan nitong daan ang tao ng Diyos na mangaral sa Kristiyanong mga tao sa Araw ng Panginoon, nalalaman na sila’y magpupunta…at magdadala ng mga tao kay Kristo (Isinalin mula kay Jack Hyles, D.D. Ang Mga Kalaban ng Pagtatagumpay ng Kaluluwa [Enemies of Soul Winning], Hyles-Anderson Publishers, 1993, pp. 140, 141).

Ang ibig niyang sabihin ay malinaw, hindi ba? Sinabi niya na ang mga “mas maiging simbahan” ay wala nang ebanghelistikong mga pangaral. Ang mga tao ay lumalabs at kumukuha ng mga nawawalang mga tao upang sabihin ang “panalangin ng makasalanan” at tapos ay dinadala sila sa simbahan upang “lumakad sa gitna.” Sinabi rin niya na ang Bagong Tipang mga simbahan ay ginawa ito (ibid., p. 140). Gusto kong makita ang kahit sinong patunayan iyan mula sa Aklat ng Mga Gawa! Bawat sermon maliban sa isa sa Aklat ng Mga Gawa ay isang ebanghelistikong sermon! Tama iyan, ang bawat sermon maliban sa isang nakatala sa Aklat ng Mga Gawa ay isang ebanghelistiong sermon! Ang Mga Gawa 20:18-35 ay ang nag-iisang eksepsyon! Ang isang sermon na iyon ay ibinigay ni Pabloe sa mga “nakatatanda” ng simbahan ng Ephesus. At, kahit sa isang sermon na iyon, tinukoy niya ang mga ebanghelistikong sermon na ibinibigay niya sa mga nawawala, “Na sinasaksihan ko sa mga Judio at gayon din sa mga Griego” (Mga Gawa 20:21). At bawat isang sermon sa Aklat ng Mga Gawa ay isang ebanghelistikong sermon – pati ang sermon ni Pedro sa Pentekostes (Mga Gawa 2:14-40); Ang sermon ni Pedro sa harap ng Sanhedrin (Mga Gawa 4:5-12); ang sermon ni Esteban (Mga Gawa 7:1-53); ang sermon ni Felipe sa Samaria (Mga Gawa 8:5); ang sermon ni Pablo pagkatapos ng kanyang pagbabagong loob (Mga Gawa 9:20-22); Mga sermon ni Pedro sa mga Gentil (Mga Gawa 10:34-43); sermon ni Pablo sa Antioch sa Pisidia (Mga Gawa 13:14-41); ang sermon ni Pablo sa Atena (Mga Gawa 17:22-31); atb., atb. Mababasa rin natin na si Pablo ay nangaral na publiko mula sa bawat tahanana (Mga Gawa 20:20-21). Sinasabi ng Aklat ng Mga Gawa sa atin na ang mga Apostol ay nasa mga templo at iba’t ibang mga tahanan na nangangaral na mapa ebanghelistikal. Tayo ay sinabihin na “hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo” (Mga Gawa 5:42). Kaya maling mali si Jack Hyles noong isinulat niya na ang “Bagong Tipang mga Simbahan ng Aklat ng Mga Gawa” ay hindi itinayo ng ebanghelistikong pangangaral (Isinalin mula kay Hyles, ibid., p. 140). At maling mali si Jack Hyles noong sinabi niya na ang mga pastor sa “mas maiging mga simbahan” ay tumalikod mula sa ebanghelistikong pangangaral upang magsilta “sa mga Kristiyanong mga tao sa Araw ng Panginoong” (Isinalin mula kay Hyles, ibid., p.141).

Ngunit isa pang bagay na lubos na naka-iinteres kay Jack Hyles ay ang salaysay na ipinapakita nitong napaka malinaw na ang “panalangin ng makasalanan” ay pinalitan ng ebanghelistikong pangangaral! Ang kaisipan ng paglilibot at pagkuha sa mga taong dasalin ang “panalangin ng makasalanan” ay gumawa sa Ebanghelistikong pangangaral na lipas na, di na kinakailangan, isang bagay ng nakaraan. Sinabi ni Jack Hyles, “Sa mga taon inilipat natin ang pagtatagumpay ng mga kaluluwa [makuha ang mga taong dasalin ang ‘panalangin ng makasalanan’] sa ebanghelismo” (Isinalin mula kay Hyles, ibid., p. 140) – at sabi ni Hyles mali ito

!

Hindi lang si Hyles ang nag-isip niyan. Napaka daling makuha ang mga taong “itaas ang kanilang mga kamay” – o sabihin ang “panalangin ng makasalanan”! Bakit mag-aabalang mangaral ng isang buong sermon tungkol kay Kristo? Bakit hindi nalang turuan “ang mga Kristiyanong mga tao sa Araw ng Panginoon” – gaya ng paglagay nito ni Jack Hyles? Kaya ngayon bawat isa mula kay John MacArthur hanggang kay Joel Osteen ay nagtuturo “ng mga Kristiyanong mga tao sa Araw ng Panginoon.” Kung gayon, ang tinatawag na “panalangin ng makasalanan” ay sumira sa Ebanghelyo ng pangangaral sa ating mga simbahan. Ngunit dapat ko pa ring sabihin kasama ni Apostol Pablo,

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!” (I Mga Taga Corinto 9: 16).

Kakabasa ko lang ng isang nakapupukaw ng pag-iisip na salaysay ng isang taong nagngangalang Thomas Williamson. Sinabi niya,

     Siguro may nakakaligtaan ako, ngunit hindi ako maka-isip ng isang pagkakaton sa Bagong Tipan kung saan ang kahit sinong Kristiyano ay nagsabi sa isang di ligtas na tao na “ulitin mo lang pagkatapos ko ang mga salita ng panalangin na ito, o na kung nahihiya kang magdasal ng malakas, gayon ay sumunod na lang na tahimik na nakayuko ang iyong ulo habang ako’y magdasal, at ika’y maliligtas” (isinalin mula kay Thomas Williamson, “Hilagang Tanda Misiyonaryong Bautista” [“Northern Landmark Missionary Baptist,” Disyembre, 2013, pahina 2).

Hindi ko kilala si Gg. Williamson, o anong pinaniniwalaan niya. Ngunit ang sinabi niya ay nararapat na pag-isipang matagal at matindi. Wala saan man sa Bagong Tipan na ang kahit sino ay nagdala sa isang nawawalang tao upang magdasal ng isang “panalangin ng makasalanan”! Iyan ay isang bagong paraan – hindi matatagpuan sa Bibliya! At iyan ay isang mapanganib na paran dahil ginagawa nito ang Ebanghelyong di kinakailangan – gaya ng nakikita natin sa napaka raming mga simbahan ngayon!

Ang aking pangalawang taong, si Dr. Christopher Cagan, at ako ay pinanood si Joel Osteen sa isang kompyuter isang gabi. Nagbigay siya ng isang maikling pagtulong sa sariling salita kung paano maging maligaya. Isinipi niya ang isang berso o dalawa mula sa Bibliya, ngunit di kailan man binanggit ang Ebanghelyo ni Kristo – wala ni isang salita tungkol sa pakikipagpalit na kamatayn sa Krus – wala ni isang salita sa naglilinis na Dugo ni Kristo – wala ni isang salita tungkol sa muling pagkabuhay ni Kristo – wala ni isang pagbabanggit ng Ebanghelyo ano man. Ngunit, sa katapusan ng kanyang pagsasalita – isinulat ko ang sinabi niya salita- kada –salita – sinabi ni Joel Osteen,

Ayaw namin kailan man na isara ang aming brodkast na hindi ka binibigya ng pagkakataon na gawin si Hesus ang Panginoon ng iyong buhay. Magdasal ka kasama ko? Sabihin mo lang, “Panginoong Hesus, pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Magpunta ka sa aking puso. Ginagawa kitang aking Panginoon at Tagapagligtas.” Mga Kaibigan, kung dinasal mo ang simpleng panalanging iyan, naniniwala kami na ika’y naipanganak muli.

Maari niyang paniwalaan na sila’y “naipanganak muli,” ngunit hindi ako! Walang “naipanganak muli” sa pagsasabi ng isang panalangin – wala ni isa! Paano ito ng maari? Walang Ebanghelyo sa panalangin na iyon – wala! Dahil walang Ebanghelyo ng anuman sa kanyang sermon, nagbigay si Gg. Osteen ng walang Kristong sermon at isang “panalanging ng makasalanan” na walang pagbabanggit ng Ebanghelyo rito! Walang pagbabanggit ni Hesus na namamatay sa Krus upang bayaran ang multa para sa kasalanan – alin ay ang pinaka puso ng Ebanghelyo. Walang pagbabagnggit ng naka lilinis na Dugo ni Kristo. Walang pagbabanggit ng Kanyang sa katawang muling pagkabuhay mula sa pagkamatay. Sa ibang salita, walang pagbabanggit sa anumang paraan ng Ebanghelyo (I Mga Taga Corinto 15:1-4). Ito ang huwad na ebanghelyo ng isang madaliang panalangin – hindi ang Ebanghelyo ni Kristo! Kung gayon, si Osteen ay nangangaral ng tinatawag ni Apostol Pablo na, “isa pang ebanghelyo,” hindi ang Ebanghelyo ni Kristo (Mga Taga Galacias 1:6, 7). Ngunit sasabihin ko pa rin,

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!” (I Mga Taga Corinto 9: 16).

Iniibig kong sabihin ang kwento, Ito’y kaaya-kayang ulitin
   Ang mukhang bawat beses sabihin ko,
Ay mas higit na nakamamanghang matamis.
Iniibig kong sabihin ang kwento, Dahil ang hindi pa kailan man nadinig ng iba
   Ang mensahe ng kaligtasan Mula sa sariling Banal na Salita ng Diyos.
Iniibig kong sabihin ang kwento, Ito’y magiging tema ko sa luwalhati
   Na sabihin ang lumang, lumang kwento Ni Hesus at Kanyang pag-ibig.

Ang lahi ng tao ay nakagapos sa mga kadena ng kasalanan, sa ilalim ng panghahawak ni Satanas ang, “pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin” (Mga Taga Efeso 2:2). Ang lahat ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan, “na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan” (Mga Taga Efeso 2:12).

Ngunit “si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15). Si Hesus ay bumaba mula sa Langit at nabuhay sa gitna natin na walang kasalanan, ang ganap na banal na Anak ng Diyos – ang nag-iisang Anak ng Diyos. Ngunit sa teribleng gabi bago Siya ipinako sa krus, sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani, inilagay ng Diyos ang kasalanan ng Kanyang mga tao “sa kaniyang katawan” (I Ni Pedro 2:24). Nakipaglaban si Hesus, sa ilalim ng bigat ng iyong kasalanan hanggan sa “ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Ang mga kapitan ng templo ay dumating at inaresto Siya sa mga huwad na mga pag-aakusa. Kinaladkad nila Siya papalayo sa mataas na saserdote. Tinakpan nila ang Kanyang mga mata at binugbog ang Kanyang mukha, habang ang iba ay naghatak ng mga piraso ng kanyang balbas sa mga ugat nito.

Dinala nila Siya sa Romanong gobernador na si Pontiu Pilato. Pinaghahampas niya ang kanyang mga kawal ng likuran ni Hesus, hanggang sa Siya ay halos patay na, ang Kanyang Dugong bumabasa sa lupa. Dumura sila sa Kanyang mukha at hinampas Siya sa ulo gamit ng isang tungkod. Pinuwersa nila Siyang magbuhat ng isang krus sa mga kalye habang ang mga tao ay nagsisigaw sa Kanya. Noong naabot na nila ang lugar ng pagbibitay, ipinako nila ang Kanyang mga kamay at paa sa Krus. Ibinitin nila siya doon, hubad sa Krus, habang kinukutya at nililibak nila Siya. Pagkatapos na magdusa sa Krus ng anim na oras, sumigaw Siyang, “Tapos na” (Juan 19:30), at yinuko ang Kanyang uli at isunuko ang Kanyang espiritu – habang Siya’y namatay. “Gayon ma'y pinalagpasan ang kaniyang tagiliran ng isang sibat ng isa sa mga kawal, at pagdaka'y lumabas ang dugo at tubig” (Juan 19:34). Isang lalakeng nagngangalang Jose ng Arimathea ay kinuha ang patay na katawan ni Hesus, pinabalutan ito ng tela, at inilagay sa ito sa isang libingan. Naglagay sila ng isang malaking bato sa bunganga ng libingan, at sinelyuhan ito, at naglagay ng mga Romanong mga kawal upang panoorin ito. Ngunit maaga sa umaga ng Araw ng Pagkabuhay na umaga, bumangong pisikal ang Panginoong Hesu-Kristo, laman at buto, mula sa pagkamatay!

Kaibigan ko, ginawa ni Hesus ang lahat para sa iyo. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan. Dapat kang naparusahan para sa iyong kasalanan – ngunit nagdusa si Hesus at namatay bilang iyong kapalit. Itinuturo ng Bibliya na maari ka lamang maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng pakikipagpalit na kamatayan ni Hesus sa iyong lugar. At ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan. At bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng walang hanggang buhay! Dumaan si Hesus sa lahat ng sakit na iyon at paghihirap dahil mahal ka Niya! Magpunta kau Hesus. Iniibig ka Niyang lubos na ililigtas ka Niya – ngayon na!

Anong natitira para sa iyong gawin? Ang lahat na hinihingi ng Diyos ay na ika’y magsisi at magtiwala sa Kanyang Anak na si Hesus. Kapag ika’y magsisi at magtiwala kay Hesys ika’y maliligtas mula sa kasalanan, mula sa hukay, at mula sa Impiyerno mismo! Magtiwala kay Hesus ngayon at lilinisin ka Niya mula sa lahat ng kasalanan at gamit na Kanyang mahal na Dugo!

Iniibig kong sabihin ang kwento,
   Para doon sa mga nalalaman itong pinaka mahusay
Mukhang nagugutom at nauuhaw Upang madinig ito tulad ng iba.
   At kapag, nasa eksena ng luwalhati, Ako’y kumanta ng bagong, bagong kanta,
Ito’y maging ang lumang, lumang kwento Na aking iniibig nang napaka tagal na.
Iniibig kong sabihin ang kwento, Ito’y maging tema ko sa luwalhati
   Upang sabihin ang lumang, lumang kwento Ni Hesus at Kanyang pag-ibig.

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!” (I Mga Taga Corinto 9:16).

Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagiging ligtas mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ni Hesus, iwanan ang iyong upuan at lumakas sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Gg. John Samuel Cagan sa isa pang silid kung saan makapagdarasal tayo at makapag-uusap. Kung ika’y interesado sa pagiging isang Krisityano, lumakad sa likuran ng silid na ito ngayon na. Dr. Chan, manalangin ka na may isang magtiwala kay Hesus. Amen.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik ang
 “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.

Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Apocalipsis 3:14-22.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Iniibig Kong Sabihin ang Kwento.” Isinalin mula sa “I Love to Tell the Story” (ni A. Catherine Hankey, 1834-1911).


ANG BALANGKAS NG

BAKIT NAPAKA KAUNTING PANGANGARAL NG EBANGHELYO NGAYON?

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang evangelio!”
(I Mga Taga Corinto 9:16).

I.   Una, hinuhulaan ng Bibliya na si Kristo ay mapagsasarhan mula sa karamihan ng mga simbahan sa huling mga araw, Apocalipsis 3:20; II Ni Timoteo 4:3-5.

II.  Pangalawa, ang “panalangin ng makasalanan” ay ginawa ang Ebanghelyo ni Kristong lipas na, laos na at din a kailangan – ang sabi ng mga “makabagong” mangangaral! Mga Gawa 20:21; 2:14-40; 4:5-12; 7:1-53; 8:5; Acts 9:20-22; 10:34-43; 13:14-41; 17:22-31; 20:20-21; 5:42; I Mga Taga Corinto 15:1-4; Mga Taga Galacias 1:6, 7; Mga Taga Efeso 2: 2, 12; I Ni Timoteo 1:15; I Ni Pedro 2:24; Lucas 22:44; Juan 19:30, 34.