Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG KRISTO NG KRUS THE CHRIST OF THE CROSS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Araw ng Panginoon, “Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan; Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan. Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:1-3). |
Ito ay ang malinaw at direkta sa puntong salaysay ni Apostol Pablo ng Kristiyanong Ebanghelyo. Ang salitang “ebanghelyo” ay simpleng nangangahulugang “mabuting balita.” Sinabi ni Pablo sa simbahan sa Corinto na ipinangaral niya sa kanila ang mabuting balita ng Ebanghelyo. Sinabi niya na sila’y naligtas ng Ebanghelyo, maliban nalang na sila’y nagkaroon ng huwad na pagbabagong loob, “maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan” (Mga Taga Corinto 15:2). Tapos inulit niya ang mabuting balita na kaniyang inihatid sa kanila. Ang Ebanghelyo ay mayroong tatlong simpleng punto: (1) “si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan.” (2) “At na siya’y inilibing.” (3) “At na bumangon siyang muli sa ikatlong araw, ayon sa mga kasulatan.” Iyan ang Ebanghelyo. Iyan ang mabuting balita na tunay na mga mangangaral ay ipinoproklama sa mga siglo ng panahon. Noong ako’y naordina, sinabi ng aking sertipiko ng ordinasyon na ako’y na-ordina sa “Ebanghelyong Paglilingkod.” Ibig sabihin niyan na ako’y inatasan o inihiwalay unang-una upang mangaral ng Ebanghelyo. Ang pangunahing bagay na aking gagawin sa “Ebanghelyong Paglilingkod” ay ang iproklama ang mabuting balita ng kamatayan ni Kristo, pagkalibing at muling pagkabuhay. Iyan ang pagtatawag ng bawat pastor, na-ordina, at nahiwalay na gawin. At sinabi ni Pablo, “ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral” (I Mga Taga Corinto 15:1). Ngunit dapat akong magsabi ng maraming mga bagay tungkol sa pagkatawag na mangaral ng Ebanghelyo.
I. Una, maraming mga pastor ngayon ay gumagawa ng ibang bagay na sentro ng kanilang pangangaral kay sa ang Ebanghelyo.
Mayroon iyong nangangaral ng politiko. Ang kanilang mga sermon ay base sa anomang nangyayari sa departamento ng politiko. Ang mga mangangaral na tulad nito ay bihirang magdiin ng kaligtas dahil hindi nila iniisip na ito’y kinakailangan. Sila’y simpleng mga politikal na mga kalalakihan. Maraming tayon noon, sa Tsinong simbahan kung saan ako ay isang miyembro, mayroong isang binata na naisip na si Dr. Lin ay dapat mangaral laban sa Digmaang Vietnam. Sa wakas umalis siya at dinala kasama niya ang maraming ibang mga kabataan. Sumapi sila sa Lahat ng Mga Santong Episkopal na Simbahan [All Saints Episcopal Church] ng Pasadena, isang probinsya ng Los Angeles. Ang simbahan iyon ay isinaalang-alang na napaka napapanahon. Ang pastor, si Dr. George Regas, ay nangaral na halos bawat Linggo laban sa digmaan sa Vietnam at ibang politikal na paksa. Ngunit pagkatapos ng ilang panahon ang mga kabataang iyon mula sa aming simbahan ay napagod sa walang ibang pag-uusap kundi politikal na pag-uusap. Sa wakas, lahat sila ay umalis ng simbahan na iyon ay bumalik sa mundo. Sa aking kaalaman wala sa kanila ay nagpupunta sa simbahan ngayon. Iyan ang naging kondisyon sa lahat ng mga sa katawagan mga “tinatanggap” [“mainline”] na mga denominasyon. Mga kaliwang kamay na pangangaral ay hindi humahawak sa mga tao. Bawat isa sa mga tinatanggap na mga simbahan ay nawalan ng libo-libong, at milyon-milyon pati, ng mga miyembro sa nakaraang mga dekada, higit dahil sa ang kanilang mga sermon ay base sa politiko at sosyal na mga paksa.
Tapos mayroon iyong mga nagpopokus sa kanilang pangangaral sa psikolohiya. Ang kanilang nakatutulong ng sariling mga sermon ay tulad noong kay Robert Schuller at Joel Osteen. Nabibigay sila ng berso ng Bibliya minsan, ngunit ang kanilang mga sermon ay nakasentro sa Bibliya. Tulad ni Oprah Winfrey at Dr. Drew sa telebisyon, ang paksa ng kanilang pangangaral ay kung paano maging mabuti ang pakiramdam at maging tagumpay. Noong huling Miyerkules nakausap ko ang isang Romanong Katolikong nars na nagpupunta sa Misa kada Linggo at nanonood din ng Joel Osteen sa telebisyon. Siya ay isang Filipina nars na nagtratrabaho sa ospital kung saan nagkaroon ako ng isang maliit na operasyon na pinagawa. Mayroong siyang malungkot na simangot sa kaniyang mukha tuwing tinitignan ko siya. Nagsabi ako ng ilang biro, ngunit hindi ko siya makuhang ngumiti. Noong sa wakas ay tinanong ko siya tungkol sa kaniyang relihiyon, sinabi niya nagpupunta siya sa Misa, at pinapanood si Joel Osteen kada Linggo, dahil tinuturuan niya siya kung paano maging masaya! Ang mga mangangaral tulad niyan ay nagpaparamdam ng mabuti sa mga tao, ngunit mayroong maliit na tama sa kanilang personal na mga buhay, at tiyak na maliit o wala sa kanilang kaligtasan ng kanilang kaluluwa!
Pangatlo, mayroon iyong nagtuturo ng Bibliya ng berso kada berso. Dahil ang Bibliya ay mayroong maraming mga paksa, ang mga kalalakihang ito ay laging patalon-talon, mula sa isang ideya tungo sa isa, sa kanilang mga sermon. Karamihan sa mga konserbatibong mga pastor ay ginagawa ang ganitong uri ng pangangaral ngayon. Ngunit ito’y kalakihang walang saysay. Ito’y halos laging puno ng napakaraming mga kaisipan at ideya na hindi nagbabago ng mga buhay ng mga tao. Ang aking kanang kamay na si Dr. Cagan, ay nagpunta sa simbahan ni Dr. John MacArthur ng maraming mga buwan, bago ng kanyang pagbabagong loob. Nagbigay si Dr. John MacArthur ng kaakit-akit na mga eksposisyon, ngunit si Dr. Cagan ay hindi naudyok na hanapin ang kaligtasan. Siya’y nagpunta at umalis mula sa simbahan iyon na di ligtas, kahit na katamtamang matapang ang interes niya sa pagiging isang Kristiyano. Ang karaniwang tema na tumatakbo sa berso-kada-bersong mga simbahan ay ang ideya na ang pag-aaral ng Bibliya mismo ay ang layunin ng pangangaral. Ang Bibliya mismo ay sentral, kaysa si Kristo ng Bibliya. Ito’y tinatawag na Sandemaniyanismo. Marami sa mga tao sa mga ganitong uri ng mga simbahan ay nagiging malamig, ngunit matalino, tulad ng mga Fariseo ng lumang panahon.
Sa wakas, mayroon iyong mga nagpopokus sa tinatawag na “pagsasamba.” Ito’y mayroong maraming di pangkaraniwang pasikot-sikot. Isang kaibigang pastor at ako ay naging mga saksi sa isang nakagugulat na “pagsasamba” paglilingkod kung saan ang mga tao ay umungol na tulad ng mga leyon, at nagkakalmutan ng isa’t-isa, habang ang iba ay nagsisitili at nagsisirolyo sa sahig na tulad ng mga di nakulong na mga demonyak. Sa iba pang “pagsasambang” paglilingkod ang aking asawa at mga anak ay nanood ng ng mga taong literal na nagsasamba ng mga idolo habang sila’y nagtawanan at itinarapa ang kanilang mga sarili sa sahig. Naramdaman naming wala sa lugar na para bang kami’y nasa isang asilo ng mga baliw! Sa iba pang lugar, sa isang Kristiyanong kolehiayo, nakakita ako ng mga babaeng nagsisayaw na parang mga kalapating mababa ang lipad habang pulang usok ay lumabas mula sa isang makina, at ang musika ay nakabibingi. Ibang, mas kaunting mabulaklak na “pagsasambang” paglilingkod ay gawa ng mahabang oras ng pagkakanta ng isang koro ng paulit-ulit hanggang sa ang mga tao ay halos naengkanto. Sa mga paglilingkod na iyon mayroong maliit na panahon na naiwan para sa kahit anong tunay na pangangaral. Hindi na kailangang sabihin, si Kristo ay walang pananaig sa mga sermon sa mga simbahang ito!
At ang “Kristo” na madalas na tinutukoy sa mga paglilingkod na ito ay hindi tunay na Kristo sa anumang paraan. Ang paksang si Kristo ng Ebanghelyo ay nabago sa isang indibidwal na pakiramdan ng isang tao. Sa kanyang tumatagos na aklat na, Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity], sinabi ni Dr. Michael Horton,
Sa kasing higit na maari nating pag-usapan ang ating personal na kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, mukhang wala talagang higit na kaugnayan sa anumang paraan, maliban nalang sa sarili…si Hesus ay nagiging aking ibang pagka-ako [ego] (Isinalin mula kay Michael Horton, Ph. D., Baker Books, 2008, pah. 43).
Isang binata na nakilala ko kamakailan lang ay nagsabi sa akin, “Hindi ko kailangan ng Bibliya o simbahan. Mayroong akong personal na kaugnayan kay Kristo, iyan lang ang lahat na kailangan ko.” Karamihan sa pangangaral ngayon ay nagbubunga ng mga tao ng tulad niyan, na naniniwala na ang kanilang mga sariling kaisipan at pakiramdam ay si Kristo. Iyan ay ibang Hesus! Iyan ay isang huwad na Kristo! Hindi iyan ang Ebanghelyo na tinukoy ni Pablo sa ating teksto! Ang ganyang uri ng pag-iisip, at ibang mga huwad na mga ideya, ay nanggagaling mula sa masyadong maraming mga pastor gumagawa ng ibang bagay kaysa sa Ebanghelyo na ang sentro ng kanilang pangangaral. Si Apostol Pablo ay nagsalita patungkol sa “ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap” (II Mga Taga Corinto 11:4). Ang lahat na aking natukoy sa puntong ito ay nakasentro sa “ibang ebanghelyo.” Sinabi ni Pablo sa ating teksto,
“Ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Iyan ang Ebanghelyo!
II. Pangalawa, ang sentro ng Ebanghelyo ay ang krus ni Kristo.
Sa lahat ng mga uri ng pangangaral na aking nabanggit, ang krus ni Kristo ay wala sa sentro – hindi ang pangunahing bagay – hindi ang pundasyon ng Kristiyanismo. Sinabi ni Dr. W. A. Criswell,
Kunin ang kamatayan ni Kristo mula sa…mensahe at walang matitira. Ang mangangaral ay di na nagtataglay ng “mabuting balita,” ang ebanghel ng kapatawaran ng ating mga kasalanan…Alin sa mga ito…sa mga uri ng Kristiyanismo ay ang Kristiyanismo ng Bagong Tipan? Walang duda ito ang Kristiyaniso ng krus. (Isinalin mula kay W. A. Criswell Ph.D., Sa Depensa ng Pananampalataya [In Defense of the Faith], Zondervan Publishing House, 1967, pah. 67).
Sinabi ni Apostol Pablo,
“[Naway ipagbawal ng Diyos] sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo” (Mga Taga Galacias 6:14).
“Namatay si Kristo para sa ating mga kasalanan.” Iyan ang pangunahing paksa ng pangangaral ni Pablo. Sa katunayan, sinabi niya sa simbahan ng Corinto, “Sapagka't aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus” (I Mga Taga Corinto 2:2). Kung ito’y ang Kristiyanismo ng Biblya, ito’y ang Kristiyanismo ng krus. Ang Dakilang si Spurgeon, “ang prinsipe ng mga mangangaral,” ay nagsabi, “Ang puso ng Ebanghelyo ay kaligtasan, ang diwa ng kaligtasan ay pakikipagpalit na alay ni Kristo sa krus.”
Ngayon maraming mga simbahan ay ginagamit ang simbolo ng isang kalapati upang ikatawan ang kanilang pananampalataya. Para sa akin ito’y isang pagkakamali. Ang kalapati ay kumakatawan sa Banal na Espiritu. Ngunit ang Banal na Espiritu ay hindi ang sentral na tao ng Trinidad ng mensahe ng Ebanghelyo. Sa ika labing-anim na kapitulo ni Juan sinabi ni Hesus na ang Banal na Espiritu ay “hindi […] magsasalita ng mula sa kaniyang sarili” (Juan 16:13). Muli, sinabi ni Hesus, “Luluwalhatiin niya ako” (Juan 16:14). Ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi ang kumuha ng atensyon sa kanyang Sarili, kundi magdala ng luwalhati kay Kristo. Kung gayon ang isang simbahan na ang sentral na mensahe ay nakapokus sa Banal na Espiritu ay hindi isang tunay na Biblikal na simbahan. Sinabi ni Apostol Pablo na si Kristo ay dapat magkaroon ng paghahari sa lahat ng ating paglilingkod at lahat ng ating pangangaral. Sinabi niya na si Kristo
“...ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan; [na sa lahat ng mga bagay siya’y magkaroon ng paghahari]. Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya... sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Taga Colosas 1:18-20).
Mayroon tayong kapatawaran para sa kasalanna at kapayapaan sa Diyos, “sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” – at sa pamamagitan lamang ng Dugo ng krus ni Kristo!
Nagpunta ka nab a kay Hesus para sa naglilinis na kapangyarihan?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ikaw ba’y lubos na nagtitiwala sa Kanyang biyaya sa oras na ito?
Ikaw ba’y nahugasan sa dugo ng Kordero?
Ikaw ba ay nahugasan sa dugo, sa nakalilinis na dugo ng Kordero?
Ang iyong mga damit ba’y walang bahid?
Ang mga ito ba’y maputi gaya ng niyebe?
Ikaw ba ay nahugasan sa dugo, sa nakalilinis na dugo ng Kordero?
(“Ikaw Ba’y Nahugasan sa Dugo?” ni Elisha A. Hoffman, 1839-1929).
O! mahal ang agos
Nang gumagawa sa aking maputi gaya ng niyebe:
Walang ibang bukal na alam ko,
Wala kundi ang dugo ni Hesus.
(“Wala Kundi ang Dugo.” Isinalin mula sa “Nothing But the Blood”
ni Robert Lowry, 1826-1899).
“Ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan...” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Sinabi ni Dr. Criswell,
Anong ibig niyang sabihin sa mga salitang “una sa lahat”? Ang kanyang pagtutukoy ay wala masyadong kinalaman sa panahon kaysa sa kahalagahan… Ang doktrina ng bikaryong kaparusahan ng ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo [sa lugar ng makasalanan] ay ang pinaka pundasyon ng biyaya, ang pinaka puso ng Ebanghelyo. Walang ibang katotohanan ay tumatayong napaka taas…Ang lahat ng mga dakilang mga doktrina ng Banal na Kasulatan ay nagdadala sa krus.
Isang kritiko ay minsan nagsabi kay Charles Haddon Spurgeon, “Lahat ng iyong mga sermon ay magkakatunog,” alin ay sumagot ang tanyag na mangangaral ng London, “Oo, kinukuha ko ang aking teksto sa kahit saan man sa Bibliya at gumagawa ng direktang linya [tumutungong diretso] sa krus.” Walang kapatawara kung walang pagbabayad; walang kapatawaran kung walang pagbubuhos ng dugo; walang pagkakasundo kung walang pagbabayad ng utang…
Ang pangangaral ng pagbabayad na kamatayan ni Kristo ay katangi-tangi, nagtutukoy na doktrina ng Bagong Tipan. Pinagkakaiba nito ang ating pananampalataya mula sa lahat ng ibang mga relihiyon. Ang Kristiyanong mensahe ay katangi-tanging patungkol sa kaligtasan. Ang saligang layunin nito ay ang mabawi ang tao mula sa pagka-alipin at paghahatol ng kasalanan…Ito’y una at mas mataas sa lahat isang Ebanghelyo ng kaligtasan, isang pagaanunsyo ng mabuting balita na sa alang-alang ni Kristo tayo’y napatawad ng Diyos (Isinalin mula kay W. A. Criswell, Ph.D., Sa Depensa ng Pananampalataya [In Defense of the Faith], ibid,. pp. 68-70).
III. Pangatlo, ang Kristo ng krus ay nagliligtas sa atin mula sa ating mga kasalanan.
Naniniwala ang mga Muslim kay Hesus – sa isang diwa. Tinatawag nila Siyang “Isa.” Sinasabi ng Koran pati na Siya’y ipinanganak ng isang birhen. Sinasabi rin nito na Siya’y umakyat pabalik sa Langit. Ang ilang mga hangal na mga tao ay iniisip na iyan ay sapat. Ngunit daan-daang mga kabataan sa muslim na mundo ay tumatalikod kay “Isa” Hesus ng Koran. Mas marami sa kanila ay tumitingin kay Hesus ng Bibliya ngayon kay sa kahit anong panahon sa nakaraan. Sila’y halos dumadaan sa pag-uusig at pagdurusa upang magtiwala kay Hesus ng Kristiyanismo. Bakit sila nagdurusa, pati dumadaan sa mga pagpapahirap, upang magtiwala kay Hesus? Sasabihin ko sa iyong kung bakit! Ang Hesus ng Koran ay hindi namatay sa krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan – iyan ang dahilan! Sinasabi ng Koran hindi Siya namatay sa krus upang iligtas tayo! Ngunit hindi sinasabi ng Koran sa kanila kung paano mapapatawad ng kanilang mga kasalanan. Sinasabi sa kanila nitong gumawa ng mabuti, at sundan ang mga patakaran, ngunit hindi nito sinasabi sa kanilang kung paano mapapatawad at maging katanggap-tanggap bilang anak ng Diyos. Hindi masabi ng Koran iyan sa kanila, dahil tinatanggi ng Koran na si Hesus ay namatay sa krus! Pinagdudusahan nila ang matinding pag-uusig upang maniwala sa ating Hesus dahil Siya lamang ang nagbibigay sa kanila ng kapayapaan sa Diyos, “sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus” (Mga Taga Colosas 1:20).
Dadaan ka ba sa pag-uusig upang magtiwala kay Kristo ng krus? Itataya mo ba ang iyong buhay upang mahanap ang kapayapaan sa Diyos “sa pamamagitan ng dugo [ng] krus”? Ginagawa nila ito. Ginagawa nila ito araw-araw. Dadaan ka ba sa apoy ng Muslim na pagkamuhi upang mahanap ang kapatawaran para sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo na ibinuhos upang iligtas ka sa krus? Ginagawa nila ito. Ginagawa nila ito araw-araw.
Sa magasin ni Pasotr Wurmbran ilang panahon noon nakita ko ang mukha ng isang Muslim na babae sa Indonesia. Nagtapon sila ng asido sa kanyang mukha noong nagtiwala siya kay Hesus. Ang kanyang mukha ay ngayon nakakatakot na, halos lampas sa paglalarawan. Ngunit siya’y ngumingiti. Sinabi nila lagi siyang nakangiti. Naramdaman niya na ito’y nararapat na mawala ang kanyang mukha upang makamit ang krus ni Kristo! Bakit? Dahil,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Aking kasalanan – lubos na kaligayahan ng maluwalhating kaisipan na ito,
Ang aking kasalanan, hindi bahagi, kundi buo—
Ay nakapako sa krus at hindi ko na ito matiis,
Papuri sa Panginoon, papuri sa Panginoon, O aking kaluluwa!
(“Ito’y Mariwasa sa Aking Kaluluwa.” Isinalin mula kay
“It Is Well With My Soul” ni H. G. Spafford, 1828-1888).
Oo, si Kristo ay umakyat pabalik sa Langit. Ngunit sinasabi ng Koran! Kung mayroon ka ng pag-akyat ni Hesus pabalik sa Langit na wala ang krus – wala kang kaligtasan. Dapat kang magkaroon ng krus! Dahil ito’y sa krus na nagbayad ni Hesus para sa multa ng iyong kasalanan. Na wala ang krus walang pagbabayad para sa kasalanan, at walang kapayapaan sa Diyos. Ang Kristo lamang ng krus ang makaliligtas sa iyon mula sa kasalanan! Ang Kristo lamang ng krus na nagbuhos ng Kanyang banal na Dugo ang makalilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan. Oo,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Milyon-milyong mga martir at mga santo ay nagsabi, “Ibibigay ko ang aking sarili para kay Kristo sa krus! Ibibigay ko ang aking mga kamay at mga paa para sa Kristo ng krus! Ibibigay ko ang aking katawan sa mabangis na halimaw hayop para kay Kristo sa krus! Ibibigay ko ang aking buong buhay para kay Kristo ng krus!”
Sinalubong nila ang winawagayway na metal ng maniniil,
Ang madugong balahibo ng leyon;
Yinuko nila ang kanilang mga leeg ang kamatayan upang maramdaman:
Sinong sumusunod sa kanilang prosisyon?
(“Ang Anak ng Diyos ay Humaharap sa Digaam.” Isinalin mula sa
“The Son of God Goes Forth to War” ni Reginald Heber, 1783-1826).
Sinabi nila na ito’y nararapat ng lahat at higit pa upang magakaroon ang kanilang mga kalanang napatawad at malinisan ni Kristo ng krus.
Tatanggapin mo ba si Kristo? Magtitiwala ka ba sa Kanyan ngayon, nitong pinaka umaga? Sasabihin mo ba kay Dr. Watts, “Narito Panginoon, ibinibigay ko ang sarili, ‘Itong lahat ang aking magagawa”? Sasabihin mo, “Handa akong ibigay ang aking sarili kay Kristo ng krus, na namatay upang iligtas ako mula sa lahat ng aking kasalanan.” Tapos iwanan ang iyong upuan at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isa pang silid kung saan iyong magagawang banal ang iyong buhay sa Kanyang namatay upang iligtas ka mula sa iyong kasalanan. Magpunta na sa likuran ng awditoriyum. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang magtiwala kay Kristo sa krus ngayong umaga. Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: I Mga Taga Corinto 15:1-4.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Lumang Magaspang na Krus.” Isinalin mula sa
“The Old Rugged Cross” (ni George Bennard, 1873-1958).
ANG BALANGKAS NG ANG KRISTO NG KRUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ngayo'y ipinatatalastas ko sa inyo, mga kapatid, ang evangelio na sa inyo'y aking ipinangaral, na inyo namang tinanggap, na siya naman ninyong pinananatilihan; Sa pamamagitan naman nito'y ligtas kayo kung matiyaga ninyong iingatan ang salitang ipinangaral ko sa inyo, maliban na kung kayo'y nagsipanampalataya nang walang kabuluhan. Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:1-3). I. Una, maraming mga pastor ngayon ay gumagawa ng ibang bagay II. Pangalawa, ang sentro ng Ebanghelyo ay ang krus ni Kristo, III. Pangatlo, ang Kristo ng krus ay nagliligtas sa atin mula sa ating |