Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA NAWAWALANG MIYEMBRO NG SIMBAHAN AT MGA (ANG MGA SIMBAHAN NG HULING MGA ARAW – BAHAGI II) LOST CHURCH MEMBERS AND SHEEP STEALING PREACHERS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:1-3). |
Si Hesus ay lumabas ng templo sa Jerusalem. Ito ang pinaka mahalagang gusala sa bahaging iyon ng mundo. Ang mga Disipolo ay nagpunta sa Kanya. Gusto nilang ipakita sa Kanya ang mga naka paligid na mga gusali na katabi ng templo. Habang si Hesus ay lumakad papalayo ng sakop ng templo sinabi Niya sa mga Disipolo, “Nakikita ninyo ba ang lang ng mga ito? Sasabihin ko sa iyo ang katotohanan, wala ni isang bato rito ay maiiwan sa isa; bawat isa ay maibabagsak” (NIV).
Noong ang aking asawa at ako ay nasa Jerusalem nagpunta kami sa isang lugar kung saan ang templo ay minsan nakatayo. Wala na ito roon. Dumating ang Romanong heneral na si Titus at sinura ang lungsod ng Jerusalem noong 70 A.D. Ang buong templo ay nawasak, at ang mga bato kung saan ito’y naitayo ay naikalat ng mga Taga Roma. Isa lamang pader sa labas ng templo ang nananatili. Ito’y tinatawag na ang “Tumataghoy na Pader.” Ang mga Hudyong mga tao ay nagpupunta sa pader na iyon mula sa maraming bahagi ng mundo upang manalangin para sa Mesiya upang dumating at itayo muli ang kanilang templo. Noong ang aking anak na lalakeng si Leslie ay naroon, mayroong siyang isang Hudyong yarmulke. Inilagay niya ang kanyang kamay sa Tumataghoy na Pader upang magdasal. Isang rabay ang nag-akala ng siya ay isang Hudyo. Lumapit siya patungo sa likuran ni Leslie at binasbasan siya gamit ng langis!
Ang pagkasira ng templo ng mga Taga Roma ay isang matandang kasaysayan sa atin. Ngunit tiyak ako na ang mga Disipolo ay nagulat noong sinabi ni Hesus sa kanila na mangyayari ito. Sinabi Niya, “Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak.” Ang propesiyang iyan ay literal na natupad mas kaunti sa apat na pung taon maya-maya ni Titus at kanyang Romanong hukbo.
Tapos noong si Hesus ay nagpunta ng maikling distansya mula sa sakop ng templo sa Bundo ng Olivo. Habang siya’y umupo sa gilid ng bundok na iyon ang mga Disipolo ay dumating sa Kanya at tinanong Siya ng dalawang katanungan.
1. Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? [Kailan masisira ang templo?].
2. Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan – [ng panahong ito; ang katapusan ng mundong nalalaman natin?].
Ang sagot sa unang tanong ay naitala sa Ebanghelyo ng Mateo. Ito’y naitala sa Lucas 21:20-24. Sa mga bersong iyon sinabi Niya na ang Jerusalem ay mapapaligiran ng mga hukbo,
“At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:24).
Ang Ebanghelyo ng Mateo ay nasentro kay Hesus bilang Hari ng Israel. Ang impormasyong ito ay hindi naangkop doon. Ito’y naitala sa Lucas, na tumutukoy sa mas higit na detalya tungkol sa Gentil na mga bansa.
Ngunit ang sagot sa pangalawang tanong ng mga Disiplo ay ibinigay na naka detalye sa kapitulong ito ng Mateo. Tinanong nila, “2. Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” Hindi niya sila pinagalitan dahil sa pagtatanong ng tanong na ito. Hindi niya sinabi na, “Walang mga tanda.” Ito ang ganap na pagkakataon para sa Kanyang gawin iyan, ngunit imbes ay binigyan Niya sila ng listahan ng mga tanda. Ito ang mga tanda ng Kanyang Pangalawang Pagdating at ang katapusan ng mundo, ang katapusan ng panahong ito. Oo, ang Bibliya ay nagtuturo na ang sanglibutang ito ay matatapos. Tinuturo ng Budismo na ang kasaysayan ay paulit-ulit, nagpapatuloy ito sa walang katapusang bilog. Noong ang Lion King si Disney ay tumukoy sa bilog ng buhay, ibinibigay niya ang pananaw ng Budismo ng kasaysayan. Ngunit ang Bibliya ay nagtuturo na ang kasysayan ay isang linya, ito’y nagpapatuloy sa isang linya kaysa isang bilog. Mayroon itong simuli, gitna, at katapusan. Nilikha ng Diyos ang mundo mula sa wala sa simuli. Si Hesu-Kristo ay dumating sa mundo sa gitna. Ang mundo ay masusunog sa apoy sa pinaka katapusan. At kaya tinanong nila Siya ng isang tanda ng Kanyang Pangalawang Pagdating at ang katapusan ng panahong iyo – ang katapusan ng sanglibutan na nalalaman natin. Nagbigay Siya sa kanila ng maraming mga tanda.
Si Dr. John F. Walvoord ay ang president ng Teyolohikal na Seminaryo ng Dallas ng maraming mga taon. Siya rin ay isang mataas na nirerespetong tagapagsalin ng propesiya ng Bibliya. Nangaral siya sa ating simbahan noong mga taon ng 1980. Tinawag ni Dr. Walvoord ang mga “tanda” na ibinigay ni Hesus sa Mateo 24:4-14, na mga “karaniwang mga tanda, na maoobserbahan na ngayon ngunit matutupad ng may mas maliwanag na detalya sa Matinding Pagdurusa” (isinalin mula kay John F. Walvoord, Th.D., Pangunahing Propesiya ng Bibliya [Major Bible Prophecies], Zondervan Publishing House, 1991, p. 254).
Sumasang-ayon ako sa salaysay ni Dr. Walvoord. Nakikita natin ang mga “karaniwang tandang” ito sa paligid natin sa mundo ngayon. Ang mga tanda na ibinigay ni Hesus sa Mateo 24:4-14 ay ang mga ito:
1. Mga bulaang Kristo, 24:5. Naniniwala ako na ito’y tumutukoy unang-una sa mga demonyo na nagpapakita bilang si Kristo. Sa berso 24 sinabi ni Hesus, “May magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta.” Naniniwala ako na ang mga ito ay mga demonikong mga kahuwaran ni Kristo, gaya ng Mormon na Kristo, ang espiritung Kristo ng Saksi ni Jehova, ang Kristo ng Kristiyanong Siyensya, ang Kristo, o Isa, ng Koran at Islam, ang Kristo ng liberal na Protestanismo, at ang “Kristo” ng Romanong Katolisismo. Ang mga bulaang mga propeta ay ang mga guro na nagtataguyod ng bulaang mga Kristo! Ang mga ito ay mga bulaang, demonikong kahuwaran ni Hesus. Ang pagbangon ng mga bulaang mga Kristong ito ay sa katunayan isang tanda na tayo ay nabubuhay sa huling mga araw.
2. Mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan. Ang ika dalawam pung siglo ay nagkaroon ng dalawang makamundong digmaan sa unang pagkakataon sa kasaysayan. Mayroong patuloy na digmaan simula noon sa maraming bahagi ng mundo.
3. Mga pagkagutom. Sa mundo ngayon pagkagutom ay sumisira sa milyon-milyong mga tao bawat taon. Mas maraming mga tao ay namatay mula sa pagkagutom kaysa kahit anong ibang nag-iisang sanhi sa nakaraang 100 mga taon. Mayroong pa rin tayong maraming mga pagkain sa Amerika. Ngunit ang “Itim na Kabayo” ng Apocalipsis 6 ay dinala ang kasindakan ng pagkagutom sa buong ng umuunlad na mundo sa ating panahon.
4. Mga salot. Ang tamang Griyegong teksto ay nagbibigay nito bilang isang mahalagang tanda ng katapusan. Mga bagong anyo ng sakit, tulad ng AIDS, ay nagsanhi ng di mabilang na mga kamatayan sa umuunlad na mundo. Sa marami sa mga primitibong mga lugar ay walang mga medisina. Bird flu at swine flu, at iba pang mga di magamot na mga salot ay panay na mga banta ngayon.
5. Mga lindol. Na may mabilis na pagtaas ng populasyon, mga lindol ay naging tumataas na nakamamatay, dahil naapekto nito ang higit-higit na mga tao. Hinuhulaan ng Bibliya ang isang halimaw na lindol bago lang ng Pangalawang Pagdating ni Kristo. Sisirain nito ang karamihan sa mga malalaking lingsod ng mundo (Apocalipsis 16:18-20).
6. Pagkamartir at pag-uusig. Ang pag-uusig ng mga Kristiyano, at pati, pagkamartir, ay mga katangian ng ating panahon. Milyon-milyon ay namatay para sa kanilang pananampalataya. Hinulaan ito ni Hesus sa Mateo 24:9-10.
7. Mga bulaang mga propeta. Mga bulaang mga guro at mga kahuwarang mga relihyon ay lumitaw nitong mga huling 100 mga taon kaysa sa kahit anong ibang panahon sa kasaysayan, pati ang teyolohikal na liberalismo, na tinatanggihan ang Bibliya, at itinuturo sa karamihan sa mga pangunahing teyolihikal na mga paaralan, tulad ng Seminaryo ng Fuller sa Pasadena, California.
8. Tumaas na kawalan ng batas at kawalan ng Kristiyanong pag-ibig. “At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig (agape) ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
(tignan si John F. Walvoord, ibid., pp. 354-356).
Ang Griyegong salitang isinaling “katampalasan” sa Mateo 24:12 ay nangangahulugang “kawalan ng batas.” Ang Griyegong salita ay “anomia." Tumutukoy ito sa mga tinatawag ng mga “Kristiyano” na nabubuhay ng masasamang mga buhay. Ang Ingles na salita ay antinomiyan. Kung gayon hinulaan ni Hesus na ang mga simbahan ng huling mga raw ay mapupuno ng karnal at masasamang antinomiyan. Ang ilan sa karamihan ng mga masasamang mga tao na aking nakilala ay mga antinomiyan na umaangkin na mga Kristiyano. Ngayon ang mga simbahan ay puno ng mga ito. Maari akong magsulat ng isang buong aklat tungkol sa paraan na ako’y kanilang masamang sinalakay na personal. Siguro balang araw. Minsan naramdaman kong napaka hinaan ang loob dahil sa kanilang kasamaan na naisip kong isuko ang ministro. Minsan ang masasamang mga taong ito ay naging napaka lupit na talagang natukso akong iwanan ang simbahan. At iyan mismo ang epekto na mayroong sila sa mga tunay na mga Kristiyano. Ang ilan sa mga pinaka masasamang mga tao na nakilala ko ay nagsabi na sila’y naipanganak muling mga Kristiyano! Dahil sa tumataas na kasamaan ng mga tinatawag na mga Kristiyanong ito, pati ang “agape” pag-ibig ng mga tunay na mga Kristiyano ay lalamig! Iyan ang ibig sabihin ni Kristo sa Mateo 24:12. Sinabi ni Dr. McGee, “Kapag ang katampalasan ay lalago, ang pag-ibig ng marami ay lalamig, at ito ay magiging totoo pa sa katapusan ng panahon” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, p. 127; sulat sa Mateo 24:12).
Ang aking pastor ng 23 mga taon sa Tsinong Bautistang Simbahan ay si Dr. Timothy Lin. Nagsasalita patungkol sa mga simbahan ng huling mg araw. Sinabi ni Dr. Lin, “Ngayon ‘ang pagmamahal sa isa’t isa’ ay isa lamang salawikain na inaawit ng simbahang mekanikal, ngunit kaunti ang pag-aalala dahil… Kapag ang simbahan ay di naiintindihan ang kahalagahan ng diwa ng pag-ibig..ito’y imposible para sa Diyos upang makasama niya” (isinalin mula kay Timothy Lin, Ph.D., Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], FCBC, 1992, pah. 33).
“Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas” (Mateo 24:13).
Ang tunay na napagbagong loob na tao ay hindi matiis ang malupit at antagonistikong espiritu ng “mga hindi tunay na kapatid na ipinasok ng lihim” (Mga Taga Galacias 2:4). Ang mga karnal na mga miyembro ng simbahang mga ito ay nagdadala ng maraming sakit at pagdurusa sa mga simbahan ng huling mga araw. Ang Bibliya ay nagbibigay ng isang paglalarawan sa kanila.
I. Una, maraming mga miyembro ng simbahan sa
huling mga araw ay hindi muling naipanganak muli.
Ang II Ni Timoteo 3:1-7 ay nagbibigay ng isang paglalarawan ng mga nawawalang miyembro ng simbahan sa huling mga araw. Tumingin rito. Mali si Dr. John MacArthur sa Dugo ni Kristo, ngunit tama siya noong sinabi niya na ang pasaheng ito “ay hindi tumutukoy sa sangkatauhan sa karaniwan o sa di ligtas na sanglibutan kundi sa mga miyembro…sa simbahan ni Kristo” (isinalin mula kay John MaArthur, D.D., Ang Bagong Tipang Kumentaryo ni MacArthur [The MacArthur New Testament Commentary, 2 Timothy], Moody Press, 1995, pah. 108). Sinabi ni Dr. McGee na ang pasaheng ito ay tumutukoy sa “huling mga araw ng simbahan” (Isinalin mula kay McGee, ibid., kabuuan V, pah. 469). Sinabi niya, “Mayroong tayong labin siyam na iba’t ibang mga paglalarawan na ibinigay sa sunod na ilang mga berso. Ito’y isang pangit na malungkot na pakaisipin, ngunit gusto natin tignan ang mga ito dahil itinatangghal nila ang pinaka mainam na larawan ng…huling mga araw ng simbahan…naniniwala ako na tayo na ngayon ay nasa ‘delikadong’ mga araw na nilarawan sa bahaging ito” (isinalin mula kay McGee, ibid., mga pah. 469, 470). Ang malaking bilang nga mga di napagbagong loob na mga miyembro ng simbahan ngayon ay isang resulta ng pabayang ebanghelistikong mga gawain na nanggagaling mula sa ministro ni Charles G. Finney (1792-1875). Ang mga tao ay tinatanggap na mga miyembro ng mga simbahan na hindi maingat na tinitiyak ang kanilang salaysay ng kaligtasan. Ang mga di ligtas na mga miyembro ng simbahang ito ay inilarawan sa II Ni Timoteo 3:2-4 –
1. “Maibigin sa kanilang sarili.” Sinabi ni Dr. McGee, “Mahahanap mo ito sa mga simbahan” (isinalin ibid).
2. “Maibigin sa salapi.” Sinabi ni Dr. McGee, “Sinusundan nito ang pag-ibig sa sarili dahil ang maibigin sa sarili ay nagiging maibigin sa ng salapi. Ang matandang kalikasan na ito ay gustong magkaroon ng maraming perang ginagasta para rito” (isinalin mula sa ibid.).
3. “Mayayabang.”
4. “Mga Mapagmalaki.”
5. “Mapagtungayaw.” Ang Griyegong salita ay nangangahulugang “mapagreklamo.” Ang mga ito ay mga tao ng simbahan na laging “nakikialam sa buhay ng ibang tao” (Isinalin mula kay McGee, ibid.). Sila’y mga maninirang puri. Ginagawa nila ang lahat upang sirain ang reputasyon ng iba sa simbahan. Iyan ang saligang ideya.
6. “Masuwayin sa mga magulang.” Ang mga kabataang nagrebelde laban sa kanilang mga magulang, ang sabi ni Dr. MacArthur, “pagkabagbag ng budhi sa kanilang pagrerebelde laban sa kahit sino pang iba” (Isinalin mula sa ibid., pah. 114). Nagsanhi sila ng matinding kaguluhan at pagkalito sa kahit anong simbahan.
7. “Walang turing.” Ing isang tao ay nabigayan ng libreng seminaryong edukasyon, at ang kanyang asawa ay nabigyan ng liberang kolehiyong edukasyon ng isang simbahan. Agad-agad na kanilang nakuha ang kanilang mga edukasyon, sinubukan ng lalakeng sirain ang simbahan! Iyan ay isang tunay na kwento. Sinabi ni Dr. McGee, “Maraming mga tao ay tumatanggap ng kabutihan mula sa iba na hindi man lang iniisip na pasalamatan sila” (Isinalin mula sa ibid.).
8. “Walang kabanalan.”
9. “Walang katutubong pag-ibig.” Ibig sabihin nito ay ang mawalan ng natural na pag-aalala para sa pamilya o simbahan. Sila ay interesado lamang sa ano magagawa ng iba para sa kanila, dahil sila’y napaka naka sentro sa kanilang sarili.
10. “Walang paglulubag.” Ang mga taong ito ay di kailan man nagpapatawad at ayaw mapatawa. Hindi ka mapagkakasundi sa kanila. Hindi nila pananatilihin ang kanilang salita. Walang mahalaga sa kanila kundi ang pagpapasaya ng kanilang sarili!
11. “Mga palabintangin.” “Kinukuha nila ang napakasamang mga kasiyahan sa pagsisira ng reputasyon at pagsisira ng mga buhay” (Isinalin mula kay MacArthur, ibid., pah. 115). Mayroong marami sa mga ito na tinatawag ang kanilang mga sariling “Kristiyano.”
11. “Mga walang pagpipigil sa sarili.” Ang mga taong ito ay mga taong walang kontrol sa kanilang sarili.
13. “Mga mabangis” ibigsabihin mabangis. Ilan sa mga pinaka mabangis na mga taong ating nakatagpo ay mga miyembro ng simbahan.
14. “Hindi mga maibigin sa mabuti.” Literal na mga “mapagmuhi ng mga mabuti.” Alam nila kung anong tama at mabuti ngunit kinamumuhian nila ang mabuti – at kinamumuhian nila iyong mabuti, gaya ni Cain ay kinamuhian si Abel – at pinatay siya. Maraming mga miyembro ng simbahan ngayon ay tulad ni Cain
15. “Mga lilo.” Sila’y mga taong hindi mapagkakatiwalaan. Sila’y magiging mga laban sa kanilang sariling mga pamilya at mga kaibigan sa simbahan.
16. “Mga matitigas ang ulo” ibig sabihin ay walang pagbabahala.
17. “Mga palalo” ibig sabihin nabubulag ng pagmamalaki.
18. “Mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios.” Sinasabi nito lahat! Kasama sa mga ito ay mga tao sa simbahan na hindi magpupunta sa panggabing paglilingkod sa Linggo, o gitna ng linggong pagpupuling na panalangin, simple dahil sila’y “mga maibigin sa kalayawan kay sa mga maibigin sa Dios.”
Sinabi ko ang mga katangiang ito ng mga miyembro ng simbahan sa huling mga araw na nawawala, di napagbagong loob, di ligtas. Iyan ay nagiging malinaw sa sunod na berso (II Ni Timoteo 3:5) na bilang 19.
19. “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:5).
Ang mga miyembro ng simbahan na ito na mayroong panlabas na anyo ng Kristiyanismo – ngunit hindi kailan man naranasan ang nakaliligtas na kapangyarihan ni Kristo sa kanilang mga buhay. Hindi pa sila naipanganak muli. Hindi sila mga tunay na mga Kristiyano. Gaano pa man nila sinisipi ang Bibliya, mayroong lamang isang nararapat na paraan upang tratuhin ang mga ito, “lumayo ka rin naman sa mga ito.” Ang pandiwa ay isinalin na “lumayo” ay ang panggitnang tinig. Ibig nitong sabihin “gawin ang iyong sariling” lumayo. Gaano man ka inam nila, o gaano man ka tamis nilang magsalita, “gawin ang iyong sariling” lumayo mula sa kanila, at manatiling malayo mula sa kanilang posible! Sinabi ni Apostol Pablo,
“Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay” (Mga Taga Roma 16:17-18).
Sinasabi ni Mathew Henry, “Umiwas sa pakikisama sa kanila, baka mahawaan ka nila.” Ito’y isang mabagsik na medisina, ngunit ito’y ibinigay upang protektahan ang Kristiyano mula sa pagkalito at pagkasira.
II. Pangalawa, mayroong mga mangangaral sa huling mga araw na “magnanakaw ng tupa” imbes na pagwawagi ng mga kaluluwa.
Sinasabi ng Apostol sa II Ni Timoteo 3:6-7,
“Sapagka't sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at binibihag ang babaing haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng mga iba't ibang pita, Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:6-7).
Ito’y tumutukoy sa mga pastor at mga guro sa mga simbahan na inuuod ang kanilang daan sa mga puso ng mahihinang mga kababaihan at dinadala sila sa kanilang sariling simbahan o pag-aaral ng Bibliya. Madalas nilang inaakit ang mga kababaihan, ngunit maari rin nila ito gawin sa mga mahihinang mga kalalakihan, partikular ang mga mahihinang mga kalalakihan na ang mga asawa nila ay naakit ng mga “magnanakaw ng tupa.” Sinabi ni Dr. McGee “‘Babaing haling’ ibigsabihin ay haling na mga kababaihan ng parehong kasarian” (Isinalin mula sa ibid., pah. 471).
Ang mga magnanakaw ng tupa, siyempre, ay hindi kailan man magsasabi sa iyo, “ako’y isang magnanakaw ng tupa. Narito ako upang makuha kang iwanan ang iyong simbahan at sumali sa akin.” Isang lalake na napaka kilalang magnanakaw ng tupa ay nagsabi sa akin di katagalan lang, “hindi ako magnanakaw ng tupa.” Sa katunyan ang lalakeng ito ay isang ekspertong magnanakaw ng tupa, at gayon man sinabi niya iyan sa akin sa telepono. Sa palagay ko ang mga kalalakihang ito ay madalas niloloko ang kanilang sarili, upang pigilan sila mula sa paghaharap ng sarili nilang pagkamakasalanan. Sila’y “mangagdadaya, at sila rin ang mangadadaya” (II Timoteo 3:13).
Ang ginagawa nila ay ginagawa ang inaasahang tupang magsalita tungkol sa kanyang sariling simbahan. Kung nakikita nila na ang tupa ay walang reklamo ang magnanakaw ng tupa ay iiwanan siyang mag-isa. Ngunit kung ang tupa ay magrereklamo sa kanya, dadalhin niya siya papalabas sa pamamagitan ng pagtatanong ng mga tanong sa mahinahon at mabait na tinig. Kung makuha niya ang tupang magsabi ng isang bagay laban sa kanyang pastor, ang magnanakaw ng tupa ay kikilos sa puntong iyon, sa buong oras nagmumukhang maging isang mabait at mapag-intinding kaibigan. Sa katapusan ang magnanakaw ng tupa ay hihikayatin ang tupang iwanan ang kanyang sariling simbahan at sumama sa kanya. Maniwala ka man o hindi, mayroong mga mangangaral na ginagawang karir ang gawaing ito. Marami silang mga tao sa kanilang simbahan na kanilang inakit sa pagsasama sa kanila. Isang mangangaral kamakailan lang ay nagsabi sa akin tungkol sa isang maliit na bayan sa Alabama na mayroong 66 na mga Bautismong simbahan sa loob nito. Sinabi niya ang mga tao ay pa urong sulong mula sa isang magnanakaw ng tupa sa isa. Di na kailangang sabihin, ang espirituwal na antas sa baying iyon ay napaka baba, na wala halos kahit sinong tunay na ligtas. Bakit? Dahil ang ganoong mga tao ay
“Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7).
Ang nag-iisang paraan upang maiwasan ang pagnanakaw ng tupa ay para sa isang pastor na huwag tumanggap ng mga miyembro mula sa ibang simbahan na hindi sila binibigyan ng dating simbahan nila ng isang “sulat” ng paglipat. Mga miyembro ng simbahna ay dapat hindi matanggap sa basehan ng kanilang “salaysay.” Ang mga makasaysayang Bautistang posisyon, na nilalabag ng mga magnanakaw ng tupa ngayon.
Sana ay hindi ko kinailangang ipangaral ang sermong ito, ngunit sinabi sa akin ni Dr. Cagan na kinailangan ko, at sa palagay ko tama siya. Ito’y nagpapatuloy na problema dahil napaka kaunting mga pastor sa huling mga araw ang alam manalo at magdisipolo ng mga napagbagong loob mula sa mundo. Bilang resulta, madalas silang sumusubok na magtayo ng kanilang mga simbahan sa pamamagitan ng pag-aakit ng mga nagdedeklarang Kristiyano upang iwanan ang kanilang sariling mga simbahan at sumama sa kanila. Sasabihin ko ng kasing lakas ng posible – kinapopootan ko ang ganyang uri ng ministro! Mga magnanakaw ng tupang mga mangangaral ay tulad ng mga magnanakaw ng libingan noong ika-19 siglo. Naghukay sila ng mga patay na mga katawan na kamakailan lang nalibing at ibinenta sila sa mga paaralan ng medisina upang makatay. Ang mga magnanakaw ng tupang mga mangangaral ay hindi mas maigi kaysa mga magnanakw ng libingan sa aking pananaw!
Habang aking isasara ang mensaheng ito, sasabihin ko sa iyo gaano man kasama maging ang mga simbahan sa huling mga araw, si Hesu-Kristo Mismo ay handang magpatawad ng iyong kasalanan. Nagdugo Siya at namatay sa Krus upang iligtas ang iyong kaluluwa. Siya ngayon ay nasa kanang kamay ng Diyos nagdarasal para sa iyo. Panalangin ko na hahanapin mo Siya at mahanap mo Siya. Sinabi Niya,
“Inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso” (Jeremias 29:13).
Amen.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com o www.rlhsermons.com. I-klik
ang
“Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
ANG BALANGKAS NG MGA NAWAWALANG MIYEMBRO NG SIMBAHAN AT MGA (ANG MGA SIMBAHAN NG HULING MGA ARAW – BAHAGI II) ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At lumabas si Jesus sa templo, at payaon sa kaniyang lakad; at nagsilapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad upang sa kaniya'y ipamalas ang mga gusali ng templo. Datapuwa't siya'y sumagot at sa kanila'y sinabi, Hindi baga ninyo nangakikita ang lahat ng mga bagay na ito? katotohanang sinasabi ko sa inyo, Dito'y walang maiiwang isang bato sa ibabaw ng ibang bato, na hindi ibabagsak. At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan?” (Mateo 24:1-3). (Lucas 21:24; Mateo 24:24, 12, 13; Mga Taga Galacias 2:4) I. First, many church members in the last days are not born again, II. Pangalawa, mayroong mga mangangaral sa huling mga araw na |