Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGUDRUSA AT PAGHAHARI SUFFERING AND REIGNING ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV. |
Narito muli tayo! Umupo ako upang isulat ang sermon ito at aking nadiskubre na ang salitang “magdusa” rito ay isinaling “magtiis” sa lahat ng mga makabagong pagsasalin. Gayon ang Bibliya ng Geneva noong taon 1599 at 1611 ay isinalin itong “magdusa” o “magtiis.” Kaya maari itong mapunta sa kahit anong paraan.
Ang konteksto gayon ay dapat isalaang-alang. Sa mga berso 11 at 12 ang Apostol ay nagsasalita tungkol sa pagsasama ng Kristiyano kasama ni Kristo. Sinasabi ng berso 11, “kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya.” Ito’y tumutukoy sa isang Kristiyano na itinatakwil ang mundo at namamatay sa kanyang kasalanan at sarili. Kaya ang berso 11 ay tumutukoy sa pagsasama ng Kristiyano kay Kristo sa Kanyang “pagdurusa.” Kung gayon “magdusa” ay mas pinipiling salitang ginamit ng dakilang mga tagapagsalin ng Bibliyang Geneva at ang Bibliyang Haring Santiago. Ang mga tagapagsalin na iyon ay hindi mga hangal. Sila ang mga pinaka dakilang mga Griyegong eskolar sa Inglatera. Alam nila na ang buong konteksto ng kapitulo dalawa ay nagdadala sa “pagdurusa,” at hindi lamang “pagtitiis.” Inilalarawan ng kapitulo ang tunay na Kristiyano bilang isang alagad, na humahantong doon sa mga naghahamon na mga salita,
“Tapat ang pasabi: Sapagka't kung tayo'y nangamatay na kalakip niya, ay mangabubuhay naman tayong kasama niya: Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya…” – KJV.
Kung susundan natin si Hesus sa Kanyang kamatayan, mabubuhay tayo kasama Niya. Kung susundan natin si Hesus sa Kanyang pagdurusa, tayo ay maghahari kasama Niya! Simple! Bakit gagawing komplikado ang mga bagay sa pagbabago ng “magdusa” gaya ng lahat ng mga makabagong pagsasalin? Hindi mo kailangang maging isang Griyegong eskolar upang maisip iyan! Ngunit ang mga makabagong miyembro ng simbahan ay ayaw magdusa! Kaya, ang mga makabagong tagapagsalin ay pinahina ang berso ng higit na posible upang mapasaya ang kanilang mahinang-ebanghelikal na taga basa. Ito’y kasing simple niyang!
Ang mas lumang pagsasalin din ay mayroong mas mataas na pananaw ng Kasulatan kahit ang pinaka konserbatibong eskolar ngayon. Kaya, isinalin nila ang ating teksto para sa Mga Taga Roma 8:17, na nagsasabing,
“…kung gayon nga [makipagdusa] tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya” (KJV).
At ibinibigay ko rito sa NIV,
“…kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya” (NIV).
Ang salitang isinalin na “magdusa” sa Mga Taga Roma 8:17 ay malinaw na nangangahulugan na “makaranas ng sakit,” “na magdusa kasama nito.” Dahil ang salita sa ating teksto ay mayroong kaisipan ng pagdurusa at pagtitiis, ang mga naunang mga tao ay isinalin ito dahil sa Mga Taga Roma 8:17. Ito ay ang tinawag ni Luther na “ang analohiya ng Kasulatan.”
Ang tunay na dahilan para sa pagbabago ng makabagong mga tagapagsalin ay nakasalalay sa ibang lugar. Alam nila na ayaw ng mga taga basang magdusa! Kaya ginamit nila ang mas mahinang salita upang pakibagayan ang mga mahihinang ebanghelikal ngayon! Madalas kong sinasabi, “Naglalagay ng matinding ilaw sa mga makabagong pagsasalin!”
“Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV.
Ang resultang berso sa Mga Taga Roma 8:17 ay ginagawa itong napaka linaw na tunay na mga Kristiyano ay “mga kasamang tagapagmana ni Cristo; kung gayon nga makipagtiis tayo sa kaniya, upang tayo'y lumuwalhati namang kasama niya” (Mga Taga Roma 8:17).
I. Una, “Kung tayo’y [magdusa], ay maghahari naman tayong kasama niya.”
Nagbigay si Dr. J. Vernon McGee ng isang mahusay na mahusay na kumento riyan. Sinabi niya,
“Kung tayo’y [magdusa], ay maghahari naman tayong kasama niya”… Naniniwala ako na pinaliliit ng bersong ito doon sa mga nagdusa para sa Kanya…Sa Romanong mundo ng araw ni Pablo mayroong maraming mga Kristiyano na mga martir – limamg milyon sa kanila, ayon kay Foxe – dahil tumangi silang itanggi si Kristo.
“Kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo.” Ito ay isang napaka malakas na wika. Binubunyag nito, gayon man, na naniniwala si Pablo na ang pananampalatayang walang gawa ay patay (Santiago 2:17). Kit mo, hindi kailan man kinontra ni Pablo at Santiago ang isa’t-isa. Si Santiago ay nagsasalita tungkol sa mga gawa ng pananampalataya, at sinasabi ni Pablo na ang totoong pananampalatayang iyan ay magbubunga ng mga gawain (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 466; sulat sa II Ni Timoteo 2:12).
“Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV.
Sa mas naunang simbahan lahat ng mga Kristiyano ay naturuan na kinailangan nilang dumaan sa mga pagsubok at pagdurusa. Nakikita natin itong malinaw sa Mga Gawa 14:22, kung saan si Pablo at Barnabas ay nasa Lystra, Iconium at Antioch,
“Na pinatitibay ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:122).
“Sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios.” Ang Griyegong salitang isinaling “maraming kapighatian” ay “thlipsis.” Ibig nitong sabihin ay mga “puwersa, dalamhati, kaguluhan, pagdurusa” (Isinalin mula kay Strong).
Ang mga mas naunang mga Kristiyano ay matapang na sapat upang “nagsisipagtiwarik ng sanglibutan” (Mga Gawa 17:6) dahil sila’y naturuan na ito’y normal na ikaila ang kanilang sarili at kunin ang kanilang krus araw-araw, gaya ng “sinab[ni Kristo] sa kanilang lahat,”
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin sa arawaraw ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Lucas 9:23).
“Sa pamamagitan ng maraming kapighatian [mga puwersa, dalamhati, kaguluhan, pagdurusa] ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22).
“Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV.
Sa kanyang sermon sa “Pagdurusa at Paghahari kasama ni Hesus,” sinabi ng dakilang si Spurgeo , “ang prinsipe ng mga mangangaral,”
Noong inutusan ni Julian, ang taong tumalikod pananampalataya, si Marcus Arethusus (362 A. D.) na, ibigay ang pera para sa pagtatayong muli ng isang hetanong templo na sinira ng mga tao sa dahil sa kanilang pagbabagong loob sa Kristiyanismo, tumanggi siyang sumunod; at kahit na siya’y matanda na, siya ay hinubaran, at tapos ay tinusok sa buong katawan ng mga [sibat] at mga kutsilyo. Ang matandang lalake ay matigas. Kung magbibigay siya ng [kaunting barya] tungo sa muling pagpapatayo ng [paganong] templo, siya’y mapalalaya…[Ngunit] hindi niya ito gagawin. Siya ay pinahiran ng pulot, at habang ang kanyang mga sugat ay dumudugo [pa rin], ang mga pukyutan at mga putakti ay dumapo sa kanya at kinagat siya hangang sa kamatayan. Maari siyang mamatay ngunit hindi niya makait ang kanyang Panginoon. Si Arethusus ay pumasok sa kagalakan ng kanyang Panginoon, dahil marangal siyang nagdusa kasama niya (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Pagdurusa at Paghahari kasama ni Hesus” [“Suffering and Reigning with Jesus,”] Ang Metropolitanong Tabernakulong Pulpito [The Metropolitan Tabernacle Pulpit], 1991 inilimbag muli, kabuuan X, p. 11).
Pinararangalan natin ang mga pangalan ng mga kalalakihang sina Richard Wurmbrand (1909-2001), na gumugol ng 14 na mga taon ng pagpapahirap sa Rumaniyanong Komunistang bilangguan. Pinararangalan natin si Samuel Lamb (1924-2013), na gumugol ng halos 20 mga taon ng mahirap na gawain sa isang Komunistang Tsinong kampong konsentrasyon. Pinararangalan natin si Dietrich Bonhoeffer (1906-1945), na binitay sa leeg gamit ng isang alambre ng mga Nazi sa Ikalawang Makamundong Digmaan dahil sa pangangaral laban kay Hitler. Pinararangalan namin ang maraming daan-daang mga tao na nagdurusa para sa kanilang pananampalataya kay Kristo sa mga Muslim na mga lupain ngayong umaga. Ngunit paano ka? Isusuko mo ba ang ilang oras upang maparito sa panalanging pagpupulong, at pagpunta sa ebanghelismo kada linggo?
Mayroon ako sa aking silid aralan isang kopya ng Bautistang Himnal [The Baptist Hymnal], inilimbag ng Katimugang Bautistang Kumbensyon noong 1956. Kahit noon pa man mayroon nang pagkahina ng pangangailangan para sa mga Kristiyanong magdusa. Tinignan ko ang dakilang himno ni Reginald Heber (1783-1826), “Ang Anak ng Diyos ay Humarap sa Digmaan” [“The Son of God Goes Forth to War”]. Ang aking puso ay gumuho noong nakita ko na inalis ng Katimugang mga Bautista ang pinaka malakas na taludtod mula sa nakapupukaw na himno. Narito ang taludtod na kanilang inalis,
Isang maluwalhating banda, ang napiling kauntin,
Kung kanino ang Espiritu ay dumating,
Labin dalawang magiting na mga santo, ang kanilang pag-asa alam nila,
At kinutya ang krus at apoy.
Sinalubong nila ang makinang na metal ng maniniil,
Ang madugong balahibo ng leyon;
Yinuko nila ang kanilang mga leeg sa kamatayan upang maramdaman:
Sinong susunod sa kanilang prosesyon?
(“Ang Anak ng Diyos ay Haharap sa Digmaan.” Isinalin mula sa
“The Son of God Goes Forth to War” ni Reginald Heber, 1783-1826).
Iyan ang taludtod na kumakapit sa iyo! Iyan ang taludtod na dati ay pumupukaw sa mga kabataan upang iwanan ang kanilang madaling buhay at magpunta sa parang ng misyon, o maging nagsasakripisyo ng sariling mga Kristiyano rito! Bakit nila inalis ang taludtod noong 1956? Sasabihin ko sa iyon kung bakit! Ilang mga matatandang kababaihan ay nainis dahil rito! Ayaw nilang isipin ang tungkol sa “krus at apoy.” Ayaw nilang maharap ng mga imahen ng “makinang na metal ng maniniil.” Maiinis sila nitong mapaalala ng “madugong balahibo ng leyon,” o ang katunayan na ang mga martir ay “yinuko […] ang kanilang mga leeg sa kamatayan upang maramdaman.” Sobra ito para sa kanila, kaya inalis nila ito. Nakakahiya sila dahil sa kanilang pagka duwag! Nakakahiya sa Katimugang Bautistang Simbahang Departamento ng Musika para sa paglalapastangan ng makapangyarihang saksi sa pananampalataya ng martir! Huwag tayo kailan mang maging mahiyang kantahin ito. Huwag tayo kailan man na maging mahiyang upang buhayin ito, sa kahit anong paraan na kaya natin! Ito’y ang huling kanta sa inyong kantahang papel. Kantahin ito!
Sinalubong nila ang makinang na metal ng maniniil,
Ang madugong balahibo ng leyon;
Yinuko nila ang kanilang mga leeg sa kamatayan upang maramdaman:
Sinong susunod sa kanilang prosesyon?
Isang marangal na hukbo, mga kalalakihan at mga batang lalake,
Ang matron at ang dalaga,
Sa paligid ng Tagapagligtas tinatanggihan ang trono,
Sa mga balabal ng ilaw na nakaayos.
Umakyat sila sa matarik na pag-akyat ng Langit,
Sa pamamagitan ng kapanganiban, mabigat na trabaho at sakit;
O Diyos, sa atin naway biyaya ay maibigay,
Upang sumunod sa kanilang prosesyon.
(“Ang Anak ng Diyos ay Humarap sa Digmaan.” Isinalin mula sa
“The Son of God Goes Forth to War” ni Reginald Heber, 1783-1826).
Maari nang magsi-upo.
“Umakyat sila sa matarik na pag-akyat ng Langit sa pamamagitan ng kapanganiban, mabigat na trabaho at sakit.” Oo! Iyan ang ibig sabihin ng Apostol noong sinabi niyang,
“Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV.
II. Pangalawa, “Kung ating ikaila siya, ikakaila naman niya tayo.”
“Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV.
Ibinigay ni Hesus ang taimtim na babala noong sinabi Niyang,
“Sinomang sa aki'y magkaila sa harap ng mga tao, ay ikakaila ko naman siya sa harap ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 10:33).
Sinabi ng Apostol Pablo sa ating teksto, “kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo.” Ito ang pagkait ni Kristo na nangyayari kapag ang isang huwad na Kristiyano ay nahaharap sa pagdurusa na kinakailangan sa tunay na pagiging disipolo. Iyan ang nangyayari sa “batuhan” na mga taong inilarawan sa parabula ng manananim.
“At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito'y walang ugat, na sila sa sangdaling panaho'y nagsisisampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay” (Lucas 8:13).
Sinasabi ni Dr. Rienecker na ang ibig sabihin ng “nagsisihiwalay” ay ang “lumayo,” “tumiwalag” (Isinalin mula kay Fritz Rienecker, Ph.D., Isang Linghuistikong Susi sa Griyegong Bagong Tipan [A Linguistic Key to the Greek New Testament], Zondervan, 1980, p. 161; sulat sa Lucas 8:13).
Kapag ang “tukso” ay darating madalas silang humihiwalay mula sa kanilang lokal na simbahan. “Ang mga ito’y walang ugat” ibig sabihin hindi sila kailan man “nakaugat” kay Kristo. Nilalantad nito na sila’y di kailan man tunay na napagbagong loob. Pinalalakas ng Marcos 4:17 ang ibig sabihin ng “panahon ng tukso” sa parabula,
“Kapag kalungkutan o pag-uusig ay dumarating…agad-agad sila’y nadudusta” [literal “nagsisihiwalay,” isinalin mula sa NASV].
Ang mga ganoong mga tao ay ikakait ni Hesus sa paghahatol. Sasabihin Niya sa kanila, “magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan” (Mateo 7:23).
Ang ibang ikinakaila si Kristo ay nagpapatuloy magpunta sa isang simbahan. Iniisip nila na sila’y O.K. ngunit ikinakaila nila si Kristo sa pamamagitan ng pamumuhay sa kasalanan. Ang mga taong ito ay mga antinomiyan. Nagsalita ako patungkol sa mga taong ito sa aking sermon na “Antinomiyanismo sa Italia” (i-klik ito para mabasa ito). Sila’y inilarawan ng Apostol Pablo sa Titus 1:16,
“Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa, palibhasa'y mga malulupit, at mga masuwayin, at mga itinakuwil sa bawa't gawang mabuti” (Titus 1:16).
Ang mga antinomiyang ito ay maaring natutunana ang tamang doktrina, ngunit ikinakaila ang Diyos sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pamumuhay. Sinasabi ng Repormasyong Pag-aaral na Bibliya [The Reformation Study Bible], “Itinuturo ng Bagong Tipan na ang pagkawala ng mga gawain na naalinsinod sa isang nabagong buhay ay nagbibigay ng pananampalataya ng isa kay Kristo sa pagdududa…Parehong mahusay na doktrina at mga gawain na sang-ayon sa isang nabagong buhay ay kinakailangan para sa mga Kristiyano” (sulat sa Titus 1:16). “Ikinakaila [nila siya] sa pamamagitan ng kanilang mga gawa.”
Noong nabasa ng ating tagapagsalin sa Laos ang aking sermon sa “Antinomiyanismo sa Italia,” sumulat siya sa akin at nagsabi na,
Ito’y talagang totoo na maraming mga tao ay nag-aangkin na sila’y ligtas ngunit walang nagbago sa kanilang buhay. Sa aming bansa ng Laos at kahit sa Thailand ang mga taong nag-aangkin na sila ay mga Kristiyano ay sinisira ang pangalan ni Hesus. Iniibig nilang uminom, at sumayaw, at magnakaw at magbigay ng masamang testimony sa kanilang mga kapit bahay.
Sinabi niya na nagsasanhi ito sa mga di ligtas na mga tao sa Laos na hindi magustuhang maging mga Kristiyano, “Ngunit ang malubha ay sinasabi nila na ayaw nilang maging kaibigan ng mga Kristiyanong [ito].”
Kaya nakikita natin ang teribleng bunga ng antinomiyanismo sa Italia, Laos, at “pati sa Thailand.” Binibitin natin ang ating mga ulo sa kahihiyan dahil alam natin na ito’y huwad na pananaw ng Kristiyanismo ay nanggagaling ng higit mula sa Amerika, at nilalason ang saksi ni Kristo sa buong mundo sa mga huling mga araw. Ibinigay ni Hesus ang propesiyang ito,
“At dahil sa pagsagana ng katampalasanan [Griyego: anomia – kaguluhan; ang ugat ng “antinomiyanismo”] ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:12).
Ito ay isa sa mga tanda ng Pangalawang Pagdating ni Kristo! Kahit mga tunay na Kristiyano ay magging mahina ang loob, at mawawala ang kanilang Kristiyanong pag-ibig, dahil napaka raming mga antinomiyan sa mga huling araw! Ngunit huwag magkakamali rito ang mga antinomiyan na ito ay sa totoo mga nawawalang tao na “ikinakaila siya” sa pamamagitan ng kanilang makasalanang mga buhay (Titus 1:16).
Ang isang tunay na Kristiyano ay di kailan man ikakaila si Kristo. Iyan ang ibig sabihin ni Hesus noong sinabi Niya, sa sunod na berso sa Mateo 24,
“Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas” (Mateo 24:13).
Sa kabila ng pagiging kinamuhi; sa kabila ng mga huwad na mga propeta; sa kabila ng “kasamaan,” ang kaguluhan, ng antinomiyanismo na nagtatanghal na mga Kristiyano ngunit hindi, at tunay na mga napagbagong loob na tao ay “magtitiis hanggang sa wakas” (Mateo 24:9-13). Gaya ng paglagay nito ng lumang himno,
Madalim ang gabi, ang kasalanan ay nakipagdigma laban sa atin,
Mabigat ang karga ng pagdurusa na ating dala;
Ngunit ngayon nakikita natin mga tanda ng Kanyang pagdating;
Ang ating mga puso’y liliwanag sa loob natin, ang tasa ng ligaya ay aapaw!
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
Ang parehong Hesus, na tinanggihan ng tao;
Siya’y babalik muli, Siya’y babalik muli.
Na may kapangyarihan at matinding kaluwalhatian,
Siya’y darating muli!!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa
“He is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).
“Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV.
Handa si Kristong iligtas ka mula sa iyong mga kasalanan. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisan ka mula sa lahat ng kasalanan. Bumangon Siyang pisikal mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Hinahamon kitang tumalikod mula sa iyons mga kasalanan! Magsisi, at ilagay ang iyong tiwala kay Hesus. Ililigtas ka Niya! Ililigtas ka Niya. Ililigtas ka Niya ngayon!
Kung gusto mong makipag-usap sa amin patungkol sa pagiging ligtas ni Hesus, iwanan ang iyong upuan ngayon, at lumakad sa likuran ng awditoriyum. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na silid para sa panalangin at pagpapayo. Magpunta sa likuran ng silid ngayon. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang taong magtiwala kay Hesus ngayong umaga. Amen!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala. Maari
ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man, lahat ng mga
videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala at maari lamang magamit
sa pamamagitan ng pahintulot.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: II Ni Timoteo 2:3-12.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ang Anak ng Diyos ay Humaharap sa Digmaan.” Isinalin mula sa
“The Son of God Goes Forth to War” (ni Reginald Heber, 1783-1826).
ANG BALANGKAS NG PAGUDRUSA AT PAGHAHARI ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Kung tayo'y [magdusa], ay mangaghahari naman tayong kasama niya: kung ating ikaila siya, ay ikakaila naman niya tayo” (II Ni Timoteo 2:12) – KJV. (II Ni Timoteo 2:11; Mga Taga Roma 8:17) I. Una, “Kung tayo’y [magdusa], ay maghahari naman tayong II. Pangalawa, “Kung ating ikaila siya, ikakaila naman niya tayo,” |