Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PASANIN ANG KANIYANG KRUS TAKE UP YOUR CROSS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34). |
Ang kaganapang ito ay nakatala sa lahat ng tatlong Sinoptikong Ebanghelyo – Mateo, Marcis, at Lucas. Ilang mga guro ng Bibliya ay nagsasabi na ito ay para lamang sa mga ganap nang mga Kristiyano. Ngunit lahat ng tatlong mga Ebanghelyo ay tiyak na nagsasabi sa atin ito ay para sa lahat. Sa Mateo mababasa natin, “Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Mateo 16:24). Kaya, sa Mateo ang pagtatanggi sa sarili at pagpapasan ng krus ay para sa “kung sinomang tao. Sa katunayan ang salitang “tao” doon ay ibinigay sa italiko ng mga tagasalin ng KJV. Isinalin ng mga makabagong bersyon ang “sinoman” na “kahit sino,” gayun din sa NKJV. Kaya ang berso ay magagamit sa kahit sinong maging tagasunod ni Kristo. Sa ating sariling teksto sa Marcos tayo ay sinabihan na “tinawag ni” Hesus ang mga tao, kasama ng mga Disipolo, at nagsabing, “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.” Kaya, muli, ito ay para sa lahat sa masa, gayon din sa Kanyang labin dalawang Disipolo. Sa Lucas 9:23, mababasa natin, “At sinabi niya sa lahat, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin…” Kaya ito’y malinaw na sa lahat ng tatlong Sinoptikong Ebanghelyo na ibinigay ni Hesus ang pagpapasan ng krus bilang isang kondisyon para sa lahat, hindi lang sa labin dalawang mga Disipolo.s Malinaw na si Hesus ay nagsasalita sa lahat noong sinabi Niyang, “Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34). Narito ay dalawang mga punto na umaagos mula sa tekstong iyan.
I. Una, mga makabagong antinomiyan ay nagtatanggi na nangyari ito at na ito ay isang tunay na pagbabagong loob.
Noong huling gabi ng Linggo nangaral ako ng isang sermon laban sa antinomiyanismo. Isinipi ko mula sa Repormasyong Pag-aaral na Bibliya, na nagsasabing, “Ang mga pananaw ng antinomiyan ay iyong itinatanggi na ang mga batas ng Diyos ay direktang pinanghahawakan ang buhay ng Kristiyano…hinahatak nila ang huwad na konklusyon na ang kanilang ugali ay walang nagagawang pagkakaiba, sa kondisyon na sila’y magpatuloy na mananampalataya…hindi ito posibleng maging isang Kristiyano at sa parehong beses ay yakapin ang kasalanan bilang paraan ng buhay” (pah. 1831). Tapos isinipi ko si Dr. A. W. Tozer, na nagsabing,
Ang bantog na erehya ay dumating sa buong ebanghelikal na Kristiyanong grupo – ang malawaang tinatanggap na konsepto na tayong mga tao ay maaring pumiling tanggapin si Kristo lamang dahil kailangn natin Siya bilang Tagapagligtas at mayroon tayong karapatan upang ipagpaliban ang ating pagsunod sa Kanya bilang Panginoon hanggang sa gusto natin!...
Anong traheday na sa ating panahon madalas nating marinig ang apela ng ebanghelyong ginawa sa ganitong uri ng batayan: “Magpunta kay Hesus! Hindi mo kailangang sundin ang kahit sino. Hindi mo kailangang baguhin ang kahit ano. Hindi mo kailangang isuko ang kahit ano – magpunta lamang sa Kanya at maniwala sa Kanya bilang Tagapaglitas!”
Kaya sila’y nagpupunta at naniniwala sa Tagapagligtas. Maya maya, sa isang pagpupulong o panayam, kanilang maririnig ang isa pang apela: “Ngayon kailangan mo Siyang tanggapin bilang Tagapagligtas, magustuhan mo kaya Siyang makuha bilang Panginoon?”
Ang katunayan na naririnig natin ito sa lahat ng lugar ay hindi gumagawa ritong tama. Ang himukin ang mga kalalakihan at kababaihan na maniwala sa isang nahiwalay na Kristo ay isang masamang pagtuturo dahil walang makatatanggap ng kalahating Kristo… Kapag ang isang tao ay manampalataya kay Hesu-Kristo dapat siyang mananampalataya sa buong Panginong Hesu-Kristo – hindi gumagawa ng kahit anong reserbasyon! Ako’y nasisiyahan na ito’y maling tumingin kay Hesus bilang isang uri ng banal na nars na mapupuntahan natin kapag ang ginagawa tayong may sakit ng kasalanan, at pagtapos na Kanya tayong tinulungan ay nagsasabing “Paalam” -- at nagpapatuloy sa sarili nating daan…
Hindi tayo nagpupunta sa Kanya bilang isang, na namimili ng kasangkapan para sa kanyang bahay at nagdedeklarang: “Kukunin ko ang mesang ito ngunit hindi ko gusto ang upuang iyan” – ihinihiwalay ito! Hindi senore! Ito’y buong si Kristo o wala!
Naniniwala ako na kailangan nating mangaral muli’t muli ng isang buong Kristo sa mundo – isang Kristo na hindi kailangan ang iyong paghingi ng tawad, isang Kristo na hindi mahihiwalay, isang Kristo na maging isang Panginoon ng lahat o hind imaging Panginoon sa anomang paraan!
Binabalaan kita – hindi ka makakukuha ng tulong sa Kanya sa ganyang paraan dahil hindi ililigtas ng Pangingoon iyong hindi Niya mautusan! Hindi niya hahatiin ang Kanyang mga opisina. Hindi ka maaring maniwala sa isang kalahating Kristo. Kinukuha natin Siya para sa kung ano Siya – isang binasbasang Tagapagligtas at Panginoon na Hari ng mga hari at Panginoon ng mga Panginoon! Hindi Siya maging kung sino Siya kung iniligtas Niya tayo at tinawag tayo at pinili tayo na hindi naiintindihan na Kanya ring magagabayan at mapamamahalaan ang ating mga buhay…
Maari kaya ito na naiisip talaga natin na hidni tayo nagkakautang kay Hesu-Kristo ng ating pagkamasunurin? Pinagkakautangan natin Siya ng ating pagkamasunurin simula ng segundong tayo’y sumigaw sa Kanya para sa kaligtasan, at kung [ikaw] ay di magbibigay sa Kanya ng pagkamausuring iyon, mayroon akong dahilan upang pagkatakahan kung [ika’y tunay na napagbagong loob!
Nakakikita ako ng mga bagay at nakaririnig ng mga bagay na ginagawa ng mga Kristiyanong mga tao at habang akin silang pinanood…itinataas ko ang tanong kung sila’y tunay na napagbagong loob…
Naniniwala ako na ito’y bunga ng isang maraming kamaliang pagtuturo sa simula pa lang. Naisip nila ang Panginoon bilang isang ospital at si Hesus bilang ang hepe ng mga kawani na mag-aayos ng kawawang mga makasalanan na napupunta sa gulo! “Ayusin mo ako, Panginoon,” kanilang ipinilit, “upang ako’y makapagpatuloy sa aking daan!”
Iyan ay masamang pagtuturo…Ito’y puno ng panloloko sa sarili. Tumingin tayo kay Hesus ating Panginoon, mataas, banal, nagsusuot ng korono, Panginoong ng mga Panginoon at Hari ng lahat, nagkakaroon ng ganap na karapatan upang mag-utos ng punong pagkasunod mula sa lahat ng Kanyang mga ligtas na tao!... (Isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., Tinatawag Ko Itong Erehya! [I Call It Heresy!], Christian Publications, 1974 edisiyon, pp. 9-21).
Ang isang tunay na pagbabagong loob ay nangangailangan na ika’y magsisi at magtiwala sa Panginoong Hesu-Kristo. Ibig sabihin niyan ang buhay mo ay kukuha ng isang bago at ibang direksyon kapag ika’y tunay na magtiwala sa Kanya. Ginawa itong malinaw ng Apostol Pablo noong sinabi niya,
“Kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya'y bagong nilalang: ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila'y pawang naging mga bago” (II Mga Taga Corinto 5:17).
Isang bagong direksyon sa buhay ay nanggagaling mula sa isang nawawalang makasalanan sa pamamagitan ng biyaya lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya sa Panginoong Hesu-Kristo lamang!
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran” (Mga Taga Efeso 2:8-10).
“Nilalang kay Kristo Hesus para sa mabubuting gawa” – iyan ay simple at malinaw doon sa mga umiibig kay Hesus, dahil sinabi ni Hesus, “Kung ako'y inyong iniibig, ay tutuparin ninyo ang aking mga utos” (Juan 14:15). Muli, sinabi ni Hesus, “Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita” (Juan 14:24). Noong pinagalitan ni Apostol Pablo ang mga antinomiyan ng simbahan sa Corinto, sinabi niya, “Sapagka't ang kaharian ng Dios ay hindi sa salita, kundi sa kapangyarihan” (Mga Taga Corinto 4:20). Ang mga salitang sinasabi natin tungkol sa pagmamahal kay Hesus ay walang kabuluhan kung hindi ito kasama ng kapangyarihan ng biyayang nagbabago ng buhay ng isang tao. Ang mga antinomiyan ay iyong mga “Na may anyo ng kabanalan, datapuwa't tinanggihan ang kapangyarihan nito: lumayo ka rin naman sa mga ito” (II Ni Timoteo 3:5). Kung gayon, sila’y “Na laging nagsisipagaral, at kailan pa man ay hindi nakararating sa pagkaalam ng katotohanan” (II Ni Timoteo 3:7). At ang katotohanan ay sinabi ni Hesus sa ating teksto,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34).
II. Pangalawa, iyong mga tunay na napagbagong loob ay walang kahirapan na paniwalaan iyan.
At gayon man ang kasabihang iyan ay lubos na nakatago mula sa isang di napagbagong loob na natural na tao.
“Nguni't ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios: sapagka't ang mga ito ay kamangmangan sa kaniya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu” (I Mga Taga Corinto 2:14).
Ito’y naitago sa kanila ni Satanas, na tinatawag na “diyos ng sanglibutang ito,”
“At kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga napapahamak: Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios” (II Mga Taga Corinto 4:3-4).
Ang Ebanghelyo ay inilarawan ng Apostol Pablo,
“Sapagka't ibinigay ko sa inyo una sa lahat, ang akin namang tinanggap: na si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan; At siya'y inilibing; at siya'y muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto15:3-4).
Ngunit paano ka naliligtas ng Ebanghleyo at nababago ang iyong buhay?
Kapag iyong pagkakatiwalaan si Kristo, ang Kanyang kamatayan sa Krus ay magpapatawad sa iyong kasalanan. Kapag iyong pagkatiwalaan si Kristo, ang Kanyang muling pagkabuhtay ay nagbibigay sa iyo ng kapangyarihan upang magkaroon ng isang bagong direksyon sa iyong buhay. Muli, umaapela ako sa Mga Taga Efeso 2:8-10,
“Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Dios: Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri. Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran” (Mga Taga Efeso 2:8-10).
Sa pamamagitan ng biyaya tayo ay iniligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Kapag tayo ay naligtas, tayo ay “nilalang kay Kristo Hesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran” (Mga Taga Efeso 2:10). Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus ang makagagawa sa ating katanggap-tanggap sa Diyos. Ang bagong pagkapanganak ay dumarating sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo. Ngunit ang bagong pagkapanganak ay nagbubunga ng isang bagong buhay, at isang bagong direksyon sa buhay. Hindi sa pagkaganap. Na dumarating sa proseso ng pagpapakabanal. Ngunit isang bagong direksyon – isang bagong paraan ng buhay – isang bagong pagpaya na sundin si Kristo! At diyan pumapasok ang ating teksto,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34).
Ang pagkagising at lalo na ang bagong pagkapanganak, ay nagbubunga ng isang paghahangad sa puso na sundin ang utos ni Kristo! Kung walang bagong pagkapanganak, hindi magkakaroon ng kahit anong paghangad upang sundin si Hesus. Ngunit kapag ang Espiritu ng Diyos ay gagawin ang Kanyang gawain, ang isang naipanganak mula sa itaas ay hindi liliit at tatangihan ang utos ni Kristo,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34).
Kahit na si Dietrich Bonhoeffer (1906-1945) ay humawak ng isang pananaw ng inspirasyon, ipinaliwanag ng Diyos ang katotohanan na ito sa kanya. Naintindihan niya ang katotohanan na ito, na nakaligtaan ng marami sa mga mayroong mas maiging pananaw ng inspirasyon. Si Bonhoeffer ay isang binatang Luteranong pastor na nagsalita laban kay Hitler, at nabitay sa leeg ng mga Nasi ilang araw bago ng pagbagsak ng Alemanya sa mga Alyansa. Siya ay 39 taong gulang lamang. Sa kanyang klasikal na aklta, Ang Halaga ng Pagiging Alagad [The Cost of Discipleship, sinabi ni Bonhoeffer, “Kapag tatawag si Kristo ng isang tao, tinatawag Niya siyang magpunta at mamatay. Maari itong isang kamatayan noong mga unang mga alagad na kinailangang iwanan ang kanilang mga tahanan at magtrabaho para sa Kanya, o maari itong isang kamatayan tulad ng kay Luther, na kinailangang iwanan ang monastaryo at lumabas sa mundo. Ngunit ito’y parehong kamatayan sa bawat pagkakataon..Sa katunayan bawat utos ni Hesus ay ang tumawag upang mamatay, kasama ng lahat ng ating apeksyon at kalibugan…Araw araw tayo’y nahaharap ng mga bagong tukso, at araw araw dapat tayong magdusa para sa alang-alang ni Hesu-Kristo.
Ang mga sugat at peklat na [ating] natatanggap sa [digmaan] ay mga nabubuhay na mga tanda ng pakikisaping ito sa krus ng ating Panginoon…ang pagdurusa ngayon ay ang sagisag ng totoong pagiging alagad. Ang alagad ay hindi mas mataas sa kanyang panginoon. Ang pagsunod kay Kristo ay nangangahulugang passio passiva, nagdurusa dahil kailangang nating magdusa. Iyan ang dahilan na naisip ni Luther na ang pagdurusa ay isa sa mga marka ng tunay na simbahan, at isa sa mga memoranda na nakuha sa paghahanda ;ara sa Augsburg na Kumpisal ay parehong nagpapaliwanag sa Simbahan bilang nayon noong mga ‘nausig at mga namartir para sa alang-alang ng ebanghelyo.’ Kung tayo’y tatangging buhatin ang ating krus at sumuko sa pagdurusa at pagtatanggi sa mga kamay ng tao ating [nawawala] ang pakikisama kay Kristo at kailangang huminto sa pagsunod sa Kanya…Ang mga gawain ng mga naunang mga Kristiyanong martir ay puno ng ebidensya na nagpapakita kung paano binabagong anyo ni Kristo para sa Kanyang sariling oras ng kanilang mortal na lubos na paghihirap sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng di masabing kasiguraduhan ng Kanyang presensya. Sa oras ng pinaka malupit na pagpapahirap nagtitiis sila para sa Kanyang alang-alang, sila’y ginawang kasalo sa ganap na kagalakan at lubos na kaligayahan ng pakikisama sa Kanya. Upang mabuhat ang krus ay pagpapatunay na ang nag-iisang paraan ng pagtatagumpay mula sa pagdurusa. Ito ay totoo para sa lahat na sumusunod kay Kristo, dahil ito’y totoo para sa Kanya…Ang krus ay inilalagay sa bawat Kristiyano. Ang unang Krisityanong pagdurusa na dapat maranasan ng bawat tao ay ang tawag na iwanan ang koneksyon sa mundo. Ito’y ang pagkamatay ng matandang tao na resulta ng kanyang pagtatagpo kay Kristo. Habang tayo’y [magsimulang maging mga disipolo] isusuko natin ang ating mga sarili kay Kristo sa pagsasama sa Kanyang kamatayan – ibibigay natin ang ating mga buhay sa kamatayan. Kung gayon ito’y nagsisimula; ang krus…ay nagtatagpo sa atin sa simula ng ating komunyon kay Kristo. Kapag tatawagin ni Kristo ang isang tao, tinatawang Niya siyang magpunta at mamatay” (Isinalin mula kay Dietrich Bonhoeffer, Ang Halaga ng Pagiging Alagad [The Cost of Discipleship], Collier Books, 1963 papel na likod na edisiyon, pp. 99-101).
Kilala ko si Pastor Richard Wurmbrand (1909-2001). Mayroong kaming larawan sa aming simbahan siya at kanyang asawa hawak hawaka ang aming mga anak na lalake, noong nagdasala sila para sa kanila at isinaalang-alang sila kay Kristo. Marami na akong nakilalang maraming mga dakilang Kristiyano. Si Dr. Timothy Lin, ang aking pastor sa Tsinong simbahan, ay ang pinaka dakilang pastor na aking nakilala. Si Dr. Christopher Cagan ay ang pinaka dakilang Kristiyano na aking personal na nakilala. Si Pastor Herman Otten ay isang santo sa paningin ng Diyos. Kanyang ipinagtanggol ang Bibliya laban sa liberal na mga pagsalakay ng higit sa 50 mga taon, at nagsanhi ito ng isang matinding pagdurusa, at ang pagkawala ng maraming mga kaibigan, sa Missouri Synod Luteranong denominasyon. Hinahangaan ko ang isang tao tulad niyan – kahit na hindi ako sumasang-ayon sa lahat ng bagay na sinasabi niya. Ngunit si Pastor Wurmbrand, ay higit salahat, ang pinaka dakilang Kristiyano na aking nakilala.
Si Richard Wurmbrand ay isang Luteranong pastor na gumugol na labin apat na mga taon sa Komunistang bilangguan sa Romania. Gumugol siya ng dalawang taon sa solitaryong pagkakulong, hindi kailan man nakikita ang araw, hindi kailan man nakaririnig ng tinig ng tao. Siya ay nabugbog, at nadroga, at dumaan sa medibal na pagpapahirap. Ang kanyang katawan ay nasugat-sugatan at madugo mula sa paulit-ulit na paghahampas. Pula at maiinit na mga panundot ay gumawa ng malalalim na mga sugat sa kanyang likuran at leeg. Hindi siya makatayo upang mangaral noong siya ay narito rito sa aming simbahan, dahil ang kanyang mga paa ay nasira ang hugis mula sa pagbubugbog at pagpapahirap. Sa kanyang aklat, Sa Ilalim na Lupa ng Diyos [In God’s Underground], sinabi niya, “Sa isang espesyal na bloke nakinig ako sa isang malakas na espiker, araw araw.
Kristiyanismo ay patay.
Kristiyanismo ay patay.
Kristiyanismo ay patay.
At sa loob ng panahon napapaniwala ako sa sinasabi nila sa amin sa lahat ng mga buwang iyon. Kristiyanismo ay patay. Hinulaan ng Bibliya ang isang panahon ng matinding apostasiya, at naniniwala ako na ito’y dumating na. Tapos naisip ko si Maria Magadalena, at marahil ang kaisipang ito, mas higit pa kaysa iba pang mga bagay, ay tumulong sa aking maligtas mula sa pumapatay ng kaluluwang lason ng huli at malubhang yugto ng pagpropropaganda, natandaan ko na kung gaano siya Richard Wurmbrand, Th.D., Sa Ilalim na Lupa ng Diyos [In God’s Underground], Living Sacrifice Books, 2004, pp. 263, 264).
mapagpananampalataya kay Kristo kahit na sumigaw Siya sa krus, ‘Dios ko, bakit mo ako pinabayaan?’ At tapos Siya ay isang bangkay sa libingan, lumuha siya ng malapit at nag-antay hanggang Siya’y bumangon. Kaya noong naniwala ako sa wakas na ang Kristiyanismo ay patay, sinabi ko, ‘Kahit na, paniniwalaan ko ito, at ako’y luluha sa libingan nito hanggang sa ito’y bumangon muli, na tiyak na ito nga’” (Isinalin mula kay
Hindi ako kinailangang magdusa ng masyado para kay Hesus. Ngunit ang huling dalawang taon ko sa liberal na Katimugang Bautistang seminary malapit sa San Francisco ay mahirap. Sa emosyon ko naramdaman ko na para bang ako’y nasa Gethsemani. Noong ang aking mga kaibigan ay tumalikod sa akin at ako’y nag-iisa, dalawang magkaibang propesor ang nagsabi sa akin na hindi ako kailan man maaatasang maging isang pastor sa isang Katimugang Bautistang simbahan kung patuloy kong ipagtatanggol si Kristo at ang Bibliya. Ang guro ng homiletiko, si Dr. Green ay nagsabi sa akin, “Ika’y isang maiging mangangaral. Ngunit nagkakaroon ka ng isang reputasyon bilang isang taga gawa ng gulo. Kung gusto mong magpastor ng isang simbahan, dapat kang huminto ngayon na.” Iyan ay katulad ng isang taong nagsasabi sa iyo sa kolehiyo, “Hindi ka kailan man makakukuha ng isang trabaho kung hindi ka titigil sa pagtatanggol ng Bibliya.”
Bumalik ako sa aking silid sa dormitoryo. Isinuot ko ang aking dyaket at naglakad. Ang mala yelong hangin mula sa dagat ay nagpanginig sa akin. Patuloy kong iniisip ang mga salita ng propesor, “Nagkakaroon ka ng isang masamang reputasyon. Hindi ka kailan man makakukuha ng simbahan. Huminto ka sa pagtatanggol ng Bibliya.” Mga kalahit ng daan ng aking paglakad, sinabi ko sa aking sarili, “Sa Impiyerno ito! Ano mang mangyari tatayo ako para kay Hesus at Kanyang Salita. Sa Impiyerno sa pagkakaroon ng isang simbahan!” Alam ko na dapat kong sabihin iyan sa ibang paraan, bulgar man ito, iyan mismo ang sinabi ko sa aking sarili sa araw na iyon! Maaring sinabi iyan ni Dr. John Rawlings (1914-2013)! Maaring sinabi iyan ni Luther (1483-1546)! Sinabi ni Apostolo Pablo, “tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo” (Mga Taga Filipo 3:8). Minsan walang ibang paraan upang puwersang magpakita ng isang kaisipan. Sinabi ko lang, “Sa Impiyerno sa buong bagay na iyon! Anoman ang halaga nito hindi ako hihinto sa pagsasalita para kay Kristo at Kanyang Salita!” Inaari kong kalugihan sa lahat ng mga bagay “inari kong sukal lamang, upang tamuhin ko si Cristo”!
Ano iyan na kinatatakot mong mawala? Ano ang ikinatatakot mong isuko? Ano gumagagawa sa iyong matakot upang ikait ang iyong sarili, at pasanin ang iyong krus at sundin si Kristo? Ito’y palaging isang uri ng takot ang humihinto sa mga tao. Aariin mo ba ang mga takot na iyon na “sukal,” at magpunta kay Kristo gayon pa man? Kung gagawin mo iyan, ika’y magiging isang napaka espesyal na tao sa mata ng Diyos!
Sa sinaunang simbahan yoong namatay para kay Kristo ay tinawag na mga “Martir.” Ngunit yoong mga katulad ni Wurmbrand ay isang Kompesor. Ikinait Niya ang kaniyang sarili, pinasan ang kanyang krus at nagpunta kay Hesus, kahit na ito’y naghalaga sa kanya ng matinding paghihirap. Gagawin mo ba iyan? Aariin mo ba ang lahat ng mga bagay na “sukal lamang, upang tamuhin [mo] si Cristo”? Ikakait mo ba ang iyong sarili at papasanin ang iyong krus, at magpunta kay Hesus? Sasabihn mo ba ang mga salita ng paboritong kanta ni Dr. John R. Rice,
Hesus, aking krus aking pinasan,
Lahat iiwanan at susundan Ka;
Salat, kinamuhian, tinalikdan,
Ikaw mula roon, ang lahat ko’y maging:
Patayin ang bawat iniirog na ambisyon,
Lahat na aking hinanap, at hinangad, at nalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kondisyon,
Ang Diyos at Langit ay akin sarili pa rin.
Ito’y bilang 8 sa inyong papel. Tumayo at kantahin ito.
Hesus, aking krus aking pinasan,
Lahat iiwanan at susundan Ka;
Salat, kinamuhian, tinalikdan,
Ikaw mula roon, ang lahat ko’y maging:
Patayin ang bawat iniirog na ambisyon,
Lahat na aking hinanap, at hinangad, at nalaman;
Gayon man napaka yaman ng aking kondisyon,
Ang Diyos at Langit ay akin sarili pa rin.
Hayaan na kamuhian at iwanan ako ng mundo,
Iniwan rin nila ang aking Tagapagligtas;
Makataong mga puso at mga paningin ay nanlilinlang sa akin;
Ika’y hindi tulad ng taong, di totoo;
At habang Ika’y ngumiti sa akin,
Diyos ng karunungan, pag-ibig, at kapangyarihan,
Maaring mamuhi ang mga kalaban, at maaring iwasan ako ng mga kaibigan;
Ipakita ang Iyong mukha, at ang lahat ay maliwanag.
Maaring magulo ako at mahapis ako ng tao,
Ito nga ngunit dadalhin ako sa Iyong dibdib;
Buhay na may mga pagsubok mahirap maaring mapipi ako,
Dadalhan ako ng langit ng mas matamis na pahinga.
O ito’y hindi sa kalungkutan na pipinsala sa akin,
Habang ang Iyong pag-ibig ay naiwan sa akin;
O hindi ito sa kagalakan na ako’y mabighani,
Ay ang mga kagalakang iyon ay di nakahalo sa Iyo.
(“Hesus, Aking Krus Aking Pinasan.” Isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
Kung gusto mo kaming kausapin tungkol sa pagiging isang Kristiyano, iwanan ang iyong upuan at maglakad sa likod ng awditoriyum ngayon. Dadalhin ka ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar para sa panalangin. Dr. Chan, manalangin ka para sa isang taong tumugon na maligtas.
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Maari ninyong sulatan sa pamamagitan ng email si Dr. Hymers sa Ingles sa
rlhymersjr@sbcglobal.net – o maari ninyong sulatan siya sa P.O. Box 15308, Los Angeles,
CA 90015. O tawagan sa (818)352-0452.
Banal na Kasulatan na Binasa Bago ang Pangaral Gg. Abel Prudhomme: Marcos 8:34-38.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Hesus, Aking Krus Aking Pinasan.” Isinalin mula sa
“Jesus, I My Cross Have Taken” (ni Henry F. Lyte, 1793-1847).
ANG BALANGKAS NG PASANIN ANG KANIYANG KRUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At pinalapit niya sa kaniya ang karamihan pati ng kaniyang mga alagad, at sa kanila'y sinabi, Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34). (Mateo 16:24; Lucas 9:23) I. Una, mga makabagong antinomiyan ay nagtatanggi II. Pangalawa, iyong mga tunay na napagbagong loob ay walang |