Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGLULUMO NI KRISTO SA GETHSEMANI CHRIST’S AGONY IN GETHSEMANE ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). |
Noong huling Linggo nangaral ako sa “Mga Luha ni Hesus.” I-klik ito upang basahin. Ang huling punto ng sermon ay, “Si Hesus ay tumangis sa Hardin ng Gethsemani.” Sinabi ko, “Sa Hardin ng Gethsemani, ang gabi bago Siya ipinako sa Krus, nagdusa si Hesus at nanalanging mag-isa. Doon sa kadiliman ng Gethsemani ay ibinuhos ng Tagapagligtas ang Kanyang kaluluwa sa pangalangin sa Diyos. Ayon sa mga Taga Herbreo 5:7 nanalangin Siya ‘na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot’ (Mga Taga Hebreo 5:7). Anong ikanatakot Niya? Naniniwala ako na ikinatakot ni Hesus na Siya’y mamatay doon sa Hardin bago Siya makapunta sa Krus upang makapagbayad para sa ating mga kasalanan.”
Isinipi ko si Dr. John R. Rice na nagsabing, “Nanalangin sa Hesus upang ang kamatayan ay duman sa Kanya noong gabing iyon upang mabuhay Siya upang mamatay sa krus sa sunod na araw.” Isinipi ko ang teyolohiyanong si Dr. J. Oliver Buswell na nagsabi na si Hesus ay “nanalangin para sa kaligtasan mula sa pagkamatay sa hardin, upang Kanyang matupad ang Kanyang layunin sa krus.” Isinipi ko rin si Dr. J. Vernon McGee, na nagsabing, “Kaibigan, Siya’y nadinig; hindi Siya namatay sa Hardin ng Gethsemani.” Sinabi ko rin na si Hesus ay nasa matinding paglulumo habang ang ating mga kasalanan ay inilagay sa Kanyang ng Diyos.
Mayroong nakabasa ng sermon iyon at tinanong ako kung bakit kinailangang magpunta ni Hesus sa Krus. Bakit hindi nalang Siya namatay para sa ating mga kasalanan doon sa Hardin? Sinagot ko siya na nagsasabi na ito’y di possible. Sinasabi ng Bibliya,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Namatay si Kristo “ayon sa kasulatan” – kata tas graphas. Kung namatay Siya sa Hardin ng Gethsemani hindi Siya maaring maging ang Tagapagligtas na hinulaan sa Lumang Tipang Kasulatan. Siya ay magiging isang impostor, hindi ang hinulaang Tagpagligtas! Kinailangan Niyang mamatay kata tas graphas, “ayon sa mga Kasulatan.” “Ang mga Kasulatan” ay tumutukoy sa Lumang Tipan, dahil ang Bagong Tipan ay hindi pa naisulat. Bago pa pumasok si Hesus sa Gethsemani sinabi niya, “na kinakailangang matupad sa akin itong nasusulat” (Lucas 22:37). Isinipi Niya ang Isaias 53:12, na nagsasabi na dapat Niyang matupad ang berso sa pamamagitan ng pagkakapako sa pagitan ng dalawang magnanakaw. Kung namatay Siya sa Gethsemani hindi Niya maaring naitupad ang Isaias 53:12; hindi Niya siya namatay “kata tas graphas, “ayon sa mga Kasulatan,” hindi Siya maaring naging ang Tagapagligtas na hinulaan ni Isaias!
Ibinibigay ng Isaias kapitulo 53 ang buong propesiya sa Lumang Tipan ng pagpapako sa krus ni Kristo. Sa katunayan ang talatang iyan ay nagsisimula kay Isaias 52:13 at nagpapatuloy ng 15 pang mga berso sa Ingles na Bibliya. Nagbibigay ito ng mga propesiyang magkakasunod-sunod patungkol sa pagpapako sa krus ni Kristo. Napaka kaunti noong mga paghuhulang iyon ng Kanyang pagpapako sa krus ay maaring natupad kung namatay si Kristo sa Gethsemani. Ang Isaias 50:6, na nagsasabi pagtungkol sa Kanyang paghahampas, ang hiya at ang pagdudura, ay hindi maaring natupad. Ang Mga Awit 22:16, na hinulaan ang pagkakatusok ng Kanyang mga kamay at paa, ay hindi maaring natupad, o kaya ang Zakarias 12:10, “sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan.”
Ang Mga Awit 22 ay nagbibigay rin ng mga paghuhulang makakasunod-sunod na hindi maaring natupad kung si Hesus ay hindi namatay sa krus sa Gethsemani. At marami pang iba sa mga Kasulatan sa Lumang Tipan ay maaring hindi natupan kung si Hesus ay namatay sa Hardin. Hindi nakapagtataka na si Hesus ay nanalangin sa Gethsemani “na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot’ (Mga Taga Hebreo 5:7). Natakot Siya na maari Siyang namatay sa Hardin, hindi maabot ang Krus sa sunod na araw! Kinailangan Niyang mamatay katas tas graphas, “ayon sa kasulatan.” Natupad ni Kristo ang Lumang Tipang paghuhula sa pinaka maliit na detalye noong Siya ay naipako sa krus. Kung namatay Siya sa Gethsemani wala sa mga paghuhulang ito ang maaring natupad – at Kristo ay maaring naging isang impostor, hindi ang Tagapagligtas ng sangkatauhan na hinulaan sa mga Kasulatan. Si Kristo ay maaring hindi “namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan” (I Mga Taga Corinto 15:3). Hindi nakapagtataka na Siya’y nanalangin sa Gethsemani, “Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito” (Lucas 22:42).
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Ang Griyegong salitang isinaling “nanglulumo” ay “agonia.” Tinutukoy nito ang “matinding emosyonal na papupuwersa at paghihirap” (Isinalin mula kay Vine). Naranasan ni Hesus ang lubos na pagdurusa, pagpapahirap at nakapagpapapilipit na sakit doon sa kadiliman. Ating pag-isipan ang Kanyang palulumo sa Gethsemani ng ilang minute ngayong gabi.
I. Una, ang Kanyang paglulumo ay inilarawan.
Doon ipinagdiwang Niya ang unang Hapunan ng Panginoon kasama nila. Iniwanan ni Hudas ang grupo at nagpunta sa punong saserdote upang itakwil Siya. Yoong mga nanatili ay kumanta ng isang himno at nagpunt sa Sapa ng Kedron, sa itaas ng gilid ng Bundok ng Olivo, sa kadiliman ng Hardin ng Gethsemani. Sa tabi ng Hardin nag-iwan si Hesus ng walo sa mga Disipolo, na nagsasabi sa kanila, “Magsiupo kayo rito, samantalang ako'y nananalangin” (Marcos 14:32). Tapos kinuha Niya sina Pedro, Santiago at Juan kasama Niya sa mas loob na bahagi ng Hardin kung saan Siya’y “nagpasimulang nagtakang totoo, at namanglaw na mainam. At sinabi niya sa kanila, Namamanglaw na lubha ang aking kaluluwa, hanggang sa kamatayan: mangatira kayo rito, at mangagpuyat” (Marcos 14:33-34). Sinabi ni Joseph Hart,
Maraming pighati ang Kanyang tiniis,
Marming makirot na mga pagtutukso ang nasalubong,
Matiyaga, at sa mga sakit ay nasanay:
Ngunit wala pa ang pinaka makirot na pagsubok
Na dapat tumagal sa iyo,
Malumbay, malungkot na Gethsemani!
Na dapat tumagal sa iyo,
Malumbay, malungkot na Gethsemani!
(“Maraming Pighati ang Kanyang Tiniis.” Isinalin mula sa
“Many Woes He Had Endured” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “Come, Ye Sinners”).
Sinasabi ni Mateo “nagpasimula siyang namanglaw at nanglumong totoo” (Mateo 26:37). Patungkol sa Griyegong salitang isinalin na “naglumong totoo,” sinasabi ni Goodwin na mayroong pagkakaabala o pagka-istorbo sa paglulumo ni Hesus, dahil ang salita ay nangangahulugang “paghihiwalay mula sa mga tao – ang mga tao sa pagkakaabala, pagkakahiwalay mula sa sangkatauhan.” Anong kaisipan! Si Hesus ay naitulad sa dulo ng pagkaabala, sap unto ng halos pagkakabaliw, sa pamamagitan ng lakas ng Kanyang paghihirap. Isinisipi ni Mateo ang Tagapagligtas sa pagsasabing, “Namamanglaw na lubha ang kaluluwa ko, hanggang sa kamatayan” (Mateo 26:38). Ang Griyegong salitang isinalin “lubhang namamanglaw” ay nangangahulugang “naglulumong buong-buo, lubusang nagdurusa” (isinalin mula kay Strong), natabunan ng pagdurusa. “Siya’y inilubog, ulo’t tainga sa pagdurusa at walang butas upang makahinga,” sinabi ni Goodwin. Sinabi ni Rienecker Siya’y “Pinalibutan ng pagdurusa, natabunan ng pagkabalisa.” Si Hesus ay nailubog sa malalim na pagdurusa at pagluluksa. Sinasabi ni Marcos sa atin na Siya’y “nagtakang totoo, at namanglaw na mainam” (Marcos 14:33). Ang Griyegong salitang “nagtakang totoo” ay nangangahulugang “lubos-lubos na nabigla” (isinalin mula kat Strong), “pagiging nasa kapit ng isang nakapanginginig na sindak” (isinalin mula kay Rienecker), lubos na pagkabalisa, naitapon sa…sindak, lubusang nagulat, natakot, tinamaan ng takot” (isinalin mula kay Wuest). Sinabi ni Joseph Hart,
Halina, kayong lahat na mga hinirang na santo ng Diyos,
Na naghahangad na maramdaman ang nakalilinis na dugo,
Sa pagkamaalalahanin ngayon samahan ako,
Upang kumanta ng malungkot na Gethsemani.
Doon ang Panginoon ng buhay ay nagpakita,
At bumuntong-hininga, umungol, at nanalangin at natakot,
Dinala ang lahat ng madadala ng naglamang taong Diyos
Na may sapat lang na lakas at wala nang natitira.
(“Gethsemani, Ang Pigaang ng Olivo.” Isinalin mula sa
“Gethsemane, The Olive-Press!” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
II. Pangalawa, ang sanhi ng Kanyang paglulumo.
Anong nagsanhi ng paghihirap ni Kristo sa Hardin? Dati’y iniisip ko na ang Kanyang paghihirap ay nanggagaling mula sa pag-atake ni Satanas. Ngunit nagdududa na ako ngayon na ito ang kaso. Ang Diablo ay hindi nabanggit sa kahit anong pagpapaliwanag ng Kanyang paglulumo sa Gethsemani. Sa pinaka umpisa ng Kanyang ministro Siya ay lubusang tinukso ng Diablo. Tatlong beses sa kaparangan “ang manunukso ay dumating […] sa kaniya” (Mateo 4:3). Ngunit hindi natin kailan man narinig na si Hesus ay “nagtakang totoo at namanglaw ng mainam” sa panahon ng tukso. Walang pagbabangit ng kahit anon a tulad ng Kanyang madugong pawis sa Gethsemnai. Sa loob ng Kanyang pagtutukso sa kaparangan nalampasan ni Hesus ang Diablo ng madali sa pamamagitan ng pagsisipi ng Salita ng Diyos. Ngunit sa Gethsemani ang Kanyang paglulumo ay napakatindi na dinala nito Siya sa dulo ng kamatayan. Sinabi ni Dr. McGee, “Noong nagdasal Siya sa Hardin, ‘hayaang lampasan ako ng sarong ito’ (Lucas 22:42), ang ‘sarong’ ay kamatayan. Hindi Niya ginustong mamatay sa Hardin ng Gethsemani” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, kabuuan V, p. 540; sulat sa Mga Taga Hebreo5:7).
Para sa akin mukhang ang mapait na paglulumo na iyon sa Gethsemani ay nanggaling mula sa Diyos Ama. Naniniwala ako na, sa Hardin,
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat”
(Isaias 53:6).
Sinabi ni Spuergon, na sa Gethsemani, ang Diyos Ama “yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin” (II Mga Taga Corinto 5:21). “Siya na ngayon…ay magdadala ng sumpa na dapat para sa mga makasalanan, dahil tumayo siya para sa lugar ng mga makasalanan at dapat magdusa para sa mga makasalanan…ngayon ay Kanya nang natanto, na siguro para sa unang pagkakataon, kung anong pakiramdam ng isang nagdadala ng kasalanan…dahil ang lahat ng ito ay ipinatong sa kanya” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “The Agony in Gethsemane,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1971, kabuuan XX, p. 593).
Mayroong dalawang mga kambing na ginamit nina Aaron sa Araw ng Pagbabayad. Si Kristo sa Hardin ay inilarawan ng pangalawang kambing. Ang pangalawang kambing ay nakaranas ng matinding paghihirap noong ito’y ginawang pag-aalay para sa kasalanan. Ang takot at sakit na naramdaman ng hayop na ito ay maliit na larawan lamang ng paghihirap ni Kristo. Ang paghihirap ni Hesus sa Hardin ay isang anti-tipo, ang pagkakatupad.
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Sinabi ng propeta Isaias,
“Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya: nilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan...”
(Isaias 53:10).
Tiyak na ito’y nangyari sa Hardin ng Gethsemani!
Ito’y madaling araw; at para sa sala ng iba,
Ang Tao ng Pagdurusa ay tumatangis ng dugo;
Gayon man Siyang nasa dalamhati ay lumuhod
Ay hindi pinabayaan ng Kanyang Diyos.
(“Ito’y Madaling Araw, at sa Noo ng Olivo.” Isinalin mula sa
“‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow” ni William B. Tappan, 1794-1849).
“Ito’y madaling araw; at para sa sala ng iba, Ang Tao ng Pagdurusa ay tumatangis ng dugo.” Sinabi ni Dr. John Gill, “Ngayon siya’y nabugbog, at nagawang nagdurusa ng kanyang ama; ang kanyang pagdurusa ngayon ay nagsisimula, dahil hindi sila natapos rito, kundi sa krus…nagsimula siyang ‘maging napakabigat’ dahil sa bigat ng kasalanan ng kanyang mga tao, ang pakiramdam ng banal na poot, na siya’y napiping lubos at nalamon na…siya’y handa nang mawalan ng malay, lumubog at mamatay…siya’y dinala, na gaya ng sa alikabok ng kamatayan; o kaya na ang kanyang pagdurusa ay lilisan sa kanya…hangang sa ang kanyang kaluluwa at katawan ay maghiwalay mula sa isa’t-isa” sa Krus (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the New Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, p. 334).
Ito’y sa Gethsemani na ang “ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat” (Isaias 53:6). Sinabi ni Joseph Hart,
Doon [ang Anak ng Diyos] ang nagdala ng lahat ng aking sala,
Ito sa pamamagitan ng biyaya ay mapaniniwalaan;
Ngunit ang mga sindak na Kanyang naramdaman
Ay masyadong malake upang maisip.
Walang makatatagos sa iyo,
Mapanglaw, madilim na Gethsemani!
Walang makatatagos sa iyo,
Mapanglaw, madilim na Gethsemani!
(“Maraming mga Pighati ang Kanyang Tiniis.” Isinalin mula sa
“Many Woes He Had Endured” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “Come, Ye Sinners”).
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Humihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Walang katapusang lalim ng [biyayang] banal.
Hesus, anong pag-ibig ang sa Iyo!
(“Ang Iyong Di Kilalang Paghihirap.” Isinalin mula sa
“Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow”).
“Ipinasan sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat”
(Isaias 53:6).
Inilagay ni Hesus ang ating mga kasalanan sa Kanya sa Hardin ng Gethsemani, at dinala Niya ang ating mga kasalanan “sa Kanyang sariling katawan” sa Krus, kung saan Siya’y namatay sa sunod na araw. Ang ating kasalanan ay pumiga sa Kanya hanggang sa Siya’y magpawis ng dugo!
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Oo, Kanyang dinala ang ating mga kasalanan sa Kanyang katawan sa Krus.
“Na siya rin ang nagdala ng ating mga kasalanan sa kaniyang katawan sa ibabaw ng kahoy (I Ni Pedro 2:24).
Magpunta sa Hardin ng Gethsemani at tignan ang ginawa ni Hesus para sa iyo at sa akin. Tayo ay dapat napunta sa Impiyerno dahil sa ating mga kasalanan. Ngunit kinuha ni Hesus ang mga kasalanang iyon sa Kanyang sarili, at dumaan sa nabubuhay na impiyerno sa Hardin sa Krus, upang bayaran ang buong multa para sa ating mga kasamaan.
Ang bawat Kristiyano ay dapat madalas magnilay-nilay sa Gethsemani sa Krus. Ang Gethsemani at ang Krus ay di mapaghihiwalay. “Nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18). Tayo ay pinalakas upang abuhay para sa Diyos sa pamamgitan ng gawain ni Kristo sa Gethsemani at sa Krus! Tayo ay pinukaw upang mabuhay para kay Kristo sa pamamagitan ng pag-iisip ng Kanyang paghihirap!
Malapit sa krus, O Kodero ng Diyos,
Dinadala ang mga eksena nito sa harap ko;
Tulungan akong lumakad kada araw,
Na ang mga anino nito sa ibabaw ko.
Nasa krus, nasa krus,
Maging aking luwalhati kailan man;
Hanggang sa ang aking nadaigt na kaluluwa ay mahanap
Mamahinga sa kabila ng ilog.
(“Malapit sa Krus.” Isinalin mula sa “Near the Cross”
ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).
At sa iyong hindi pa naligtas sinasabi ko sa iyo, Paano mo Siya nakikitang nalublob sa paghihirap at dugo, doon sa kadiliman ng Gethsemani, nagdurusa para sa iyo, at gayon man ay tumatalikod mula sa Kanya? Siya ay nagdurusa para sa iyong mga kasalanan! Paano mo Siya maipagkakaila, at tatanggihan ang ganitong uri ng pag-ibig?
“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44).
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Humihingal, umuungol, nagpapawis ng dugo!
Walang katapusang lalim ng [biyayang] banal.
Hesus, anong pag-ibig ang sa Iyo!
Inilagay ni Hesus ang iyong mga kasalanan sa Kanya sa Gethsemani dahil mahal ka Niya!
Mga kasalanan laban sa isang banal na Diyos;
Mga kasalanan laban sa Kanyang makatuwirang batas;
Mga kasalanan laban sa Kanyang pag-ibig, Kanyang dugo;
Mga kasalanan laban sa Kanyang ngalan at sanhi;
Mga kasalanan na kasing laki ng dagat –
Itago ako, O Gethsemani!
Mga kasalanan na kasing laki ng dagat
Itago ako, O Gethsemani!
(“Maraming Pighati ang Kanyang Tiniis.” Isinalin mula sa
“Many Woes He Had Endured” ni Joseph Hart, 1712-1768;
sa tono ng “Come, Ye Sinners””).
Magpagkakatiwalaan mo ba Siya ngayong gabi? Makapupunta ka ba sa Kanya na nagmamahal sa iyo na may walang hanggang pag-ibig? Maniwala sa naglulumong Tagapagligtas! Magtiwala sa Kanya ngayon! Ang iyong mga kasalanan ay mapapatawad sa pamamagitan Niya, at ika’y magkakaroong ng walang hanggang buhay!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Marcos 14:32-41.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ito’y Madaling Araw, at sa Noo ng Olivo.” Isinalin mula sa
“‘Tis Midnight, and on Olive’s Brow” (ni William B. Tappan, 1794-1849).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGLULUMO NI KRISTO SA GETHSEMANI ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). (Mga Taga Hebreo 5:7; I Mga Taga Corinto 15:3; Lucas 22:37; I. Una, ang Kanyang paglulumo ay inilarawan, Marcos 14:32, 33-34; II. Pangalawa, ang sanhi ng Kanyang paglulumo, Mateo 4:3; |