Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG MGA LUHA NI HESUS THE TEARS OF JESUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7). |
Ang paksa ko ngayong gabi ay ang “ang mga Luha ni Hesus.” Sinasabi sa atin ng teksto na si Hesus ay nanalangin na “sumisigaw ng malakas at lumuluha” habang Siya’y narito sa lupa, “sa mga araw ng kaniyang laman.” Sinabi ng propeta Isaias na Siya ay magiging “isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman” (Isaias 53:3). Ang paglalarawan na ito ay nagpapakit na si Hesus ay lumuha ng maraming beses sa loob ng Kanyang paglilingkod sa lupa.
“Tao ng Kapanglawan,” anong ngalan
Para sa Anak ng Diyos na dumating
Nasirang makasalanan upang makuhang muli!
Aleluya! Anong Tagapagligtas!
(“Aleluya, Anong Tagapagligtas” Isinalin mula sa
“Hallelujah, What a Saviour!” ni Philip P. Bliss, 1838-1876).
Si Hesus ang Tao ng Kapanglawan, ay tiyak na lumuha ng maraming beses. Itinala ng Bibliya ang tatlo sa mga okasiyon na iyon, na nagpapakita sa atin ng pagkakahabag ng Kanyang nagmamahal na puso.
I. Una, si Hesus ay lumuha sa libingan ni Lazaro.
Noong si Hesus ay nagpunta sa Bethany ang Kanyang kaibigang si Lazaro ay patay na. Inilibing nila siya apat na araw ng mas maaga. Ang kapatid ng namatay na lalake ay nagpunta upang salubungin si Hesus. “Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan, At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo. Tumangis si Jesus. Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!” (Juan 11:33-36).
Alam ni Hesus na kaya Niyang maibangon ni Lazaro mula sa pagkamatay, gayon man Siya’y lumuha, kasama nina Maria at iba. Sinabi ni Dr. John R. Rice,
Bakit tumangis si Hesus? Alam Niya na sa ilang sandali Kanyang tatawagin si Lazaro mula sa libingan…O, ngunit Siya’y tumatangis para sa mga luha ni Maria at Marta at iba pa. Lumuluha Siya kasama ng lahat ng mga nabiyak na mga puso sa mundo. Tumatangis Siya kasama ng bawat ina na nagmamahal ng kanyang [patay] na sanggol, bawat asawang nakatayo sa kabaong ng kanyang maybahay. Tumatanggis Siya sa bawat ina o ama na tumatangis sa gabi para sa mapaglustay na lalakeng anak at naliligaw na babaeng anak…Ngunit ang mga luhang iyon ay para sa akin rin, at para sa iyo, at lahat ng mga mayroong mga pagkakagulo at pagdurusa sa mundong ito…Siya ay nagugulo sa ating mga kaguluhan…pumapasok Siya sa bawat pagdurusa (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., The Son of God, Sword of the Lord, 1976, p. 233).
Sinasabi ng Bibliya sa atin na “Makigalak kayo sa nangagagalak; makiiyak kayo sa nagsisiiyak” (Mga Taga Roma 12:15). Sinabi ni Dr. Rice, “Hindi natin maaring isipin na si Hesus ay gagawa ng mas kaunti kaysa sa anong iniutos sa ating gawin. Anong nakamamanghang katotohanan na si Hesus ay lumuluha kasama natin dahil sa lahat ng ating mga pagdurusa…Siya siguro’y tumangis ng maraming beses para sa ating mga kasalanan, at dahil binabanggit ng Kasulatan ang maraming mga bilang ng pagkakataon na si Hesus ay ‘naapektuhan sa pagkahabag,’ ating malalarawan ang isang luha sa Kanyang wagas na mata na kumakatawan sa isang pagdurusa at pagkahabag sa Kanyang puso” (isinalin mula kay Rice, ibid.).
Noong ako’y labin limang taong gulang ang aking matandang lola ay namatay. O lubos ko siyang minahal! Noong namatay siya nagpunta ako sa kusina at kumuha ng isang baging na pinagmamay-ari niya. Aking itinago ang baging na iyon sa loob ng 56 na mga taon. Kahit saan man ako lumipat, palagi ko itong dala-dala. Ito na ngayon ay nasa aking silid aralan sa aking tahanan. Tinitignan ko ito habang sinusulat ko ang pangaral na ito. Ipinangako ko kay “Mama” na palagi ko itong itatago, habang ako’y nabubuhay, upang magpaalala sa akin sa kanya. Minahal ko siyang lubos!
Maraming gabi, kapag hindi ako makatulog, nagpunta ako sa kanyang kama na isang batang lalake, inilalagay ang akin ulo sa kanyang dibdib, at pinapakinggan ang tibok ng kanyang puso, habang hinihintay ko ang tulog na dumating. Minahal ko siyang lubos!
Tumayo ako sa kanyang libingan at nagsimulang lumuha. Hindi ko na ito mapigilan pa. Tumakbo ako patungo sa tuktok ng burol. Tumakbo ako ng tumakbo sa ginta ng sementeryo. Bumagsak ako sa lupang tumatangis at humahagul-gol. At ang Diyos ay bumaba sa akin, gaya ng pagbaba Niya kay Jacob sa kagubatan, at maaring nasabi ko sa kanya, “Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman” (Genesis 28:16).
O kabataan, tumangis si Hesus sa libingan ni Lazaro! At tumatangis Siya para sa iyo ngayong gabi! Alam ni Hesus ang iyong pagdurusa at iyong mga takot! Nagmamakaawa ako sa iyo – nakiki-usap ako sa iyo – magpunta sa Kanya na nagmamahal sa iyo na may walang hanggang pag-ibig!
Nagmahal Siyang napakatagal, Nagmahal Siyang napaka-inam,
Minamahal ka Niya higit sa kayang masasabi;
Nagmahal Siyang napakatagal, Nagmahal Siyang napaka-inam,
Namatay Siya upang iligtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno.
(“Minamahal Ka Pa Rin Niya.” Isinalin mula sa “He Loves You Still”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
“Tumangis si Jesus” (Juan 11:35).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,
Walang pagbabanggit sa Bibliya kay Hesus na tumatawa, ngunit Siya’y madalas na na-oobserbahang tumatangis. Sa pagkakataong ito, nakikiramay Siya sa pagluluksa ni Maria at Marta, dahil minahal Niya rin si Lazaro, ngunit Siya’y “nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan” (Juan 11:33) sa pagkakaroon ng kamatayan at…kasalanan na kung saan kamatayan ay naghahari (isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., The Defender’s Study Bible, World Publishers, 1995 edisiyon, p. 1154; sulat sa Juan 11:35).
Nagmahal Siyang napakatagal, Nagmahal Siyang napaka-inam,
Minamahal ka Niya higit sa kayang masasabi;
Nagmahal Siyang napakatagal, Nagmahal Siyang napaka-inam,
Namatay Siya upang iligtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno.
II. Pangalawa, si Hesus ay tumangis para sa lungsod ng Jerusalem.
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Tumangis Siya para sa lungsod ng Jerusalem. Dahil tumangis Siya para sa Jerusalem sa panahong iyon, tiyak ako na tumangis Siya ng maraming beses sa mga lungsod na kung saan tayo’y naninirahan” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan V, p. 540, sulat sa Mga Taga Hebreo 5:7).
“At nang malapit na siya, nakita niya ang bayan, at ito'y kaniyang tinangisan, Na sinasabi, Kung sa araw na ito ay nakilala mo sana, sa iyong sarili, ang mga bagay na nauukol sa iyong kapayapaan! datapuwa't ngayo'y pawang nangatatago sa iyong mga mata. Sapagka't darating sa iyo ang mga araw, na babakuran ka ng kuta ng mga kaaway mo, at kukubkubin ka, at gigipitin ka sa magkabikabila, At ilulugso ka sa lupa, at ang mga anak mo na nasa loob mo; at sa iyo'y hindi sila magiiwan ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato; sapagka't hindi mo nakilala ang panahon ng sa iyo'y pagdalaw” (Lucas 19:41-44).
Lumuha Siya habang iniisip Niya ang teribleng pagkasira na babagsak sa Jerusalem noong 70 A.D., noon gang Romanong heneral na si Tito ay bubuwagin ang lungsod at kakatayin ang mga maninirahan nito na walang awa. Tumangis si Hesus dahil alam Niya na ang magandang templo ng Diyos ay lubos lubos na masisira sa Jerusalem. Wala nang matitira kundi isang piraso ng pader na dumadaan sa paligid ng templo. Tumayo ako sa pader na iyon at nahawakan ito. Tumangis ako gaya ni Hesus habang ako’y tumayo sa Tumataghoy na Pader. Tumangis ako habang naisip ko ang teribleng pag-uusig na pinagdaanan ng mga tao ng Diyos, ang mga Hudyo, sa lahat ng mga siglo.
O, paanong si Hesus ay tumatangis ngayong gabi sa mga lungsod ng mundo, puno ng nagkukumpulang mga milyong-milyong mga di ligtas ng mga kaluluwa! Paanong Siya’y tumangis para sa Washington at London, Paris at Berlin, Calcutta at Bejing, Glasgow at Sydney, Lungsod ng Mehiko at Saigon, Vientiane at Rangoon, Jakarta at Moscow – at lahat ng mga lungsod sa mundo, malaki at maliit! Naway ang ating mga puso ay mabiyak par asa mga bagay na bumiyak sa puso ng Diyos!
At ang mga luha ni Hesus ay nagpapakilos sa atin, na walang ibang katulad, upang ipangaral ang Ebanghelyo sa bawat nilalang. Ang Kanyang mga luha ay nagpapakilos sa atin na mag-dagdag ng maraming wika sa ating websayt – upang maabot ang kasing rami na ating makakaya gamit ang Ebanghelyo. Hindi tayo dumarating na mga “kolonista” upang ipataw ang ating kultura sa kanila! Hindi! Dumarating kami na mga biyak ang mga pusong tagasunod ni Hesus – upang ibahagi ang Kanyang pagmamahal sa kanila, ang Kaniyang pagmamahal na nagliligtas sa atin mula sa kasalanan, kamatayan at Impiyerno! At sinasabi namin sa lahat na nakaririnig ng pangaral na ito, o nakabasa nito, sa ating websayt,
Nagmahal Siyang napakatagal, Nagmahal Siyang napaka-inam,
Minamahal ka Niya higit sa kayang masasabi;
Nagmahal Siyang napakatagal, Nagmahal Siyang napaka-inam,
Namatay Siya upang iligtas ang iyong kaluluwa mula sa Impiyerno.
At ang mga luha ni Hesus ay nagpakilos sa ating ebanghelismohin ang Los Angeles rin! Dahil sinabi Niya sa atin,
“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
(Lucas 14:23).
III. Pangatlo, si Hesus ay tumangis sa Hardin ng Gethsemani.
Iyan ang pangatlong pagkatala ng Kanyang pagtatangis. O ang mga luha na Kanyang ibinuhos doon sa kadiliman ng hardin! Sinasabi sa atin ng ating teskto patungkol kay Hesus,
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7).
Sa Hardin ng Gethsemani, ang gabi bago Siya ipinako sa Krus, si Hesus ay nanalanging mag-isa. Doon sa kadiliman ng Gethsemani ang Tagapagligtas ay nagbuhos ng Kanyang kaluluwa sa panalangin sa Diyos. Nanalangin Siya, “doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7). Anong ikinatakot Niya? Naniniwala ako na si Hesus ay natakot na Siya’y mamamatay doon sa Hardin, bago Siya makapunta sa Krus upang ipagbayad ang ating mga kasalanan. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Ipinalangin ni Hesus na ang tasa ng kamatayan ay lalampasan Siya nang gabing iyon upang Siya’y mabuhay upang mamatay sa krus sa sunod na araw” (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 441). Sinabi ni Dr. J. Oliver Busweel, isang tanyag na teyolohiyano, ang parehong bagay. Sinabi niya na “si [Hesus] ay nanalangin para sa pagkaligtas mula sa kamatayan sa hardin, upang Kanyang matupad ang Kanyang layunin sa krus. Ang interpretasyon na ito ay tutugma sa Mga Taga Hebreo 5:7, at para sa akin mukhang ang nag-iisang interpretasyon na gayon ay tutugma” (isinalin mula kay J. Oliver Buswell, Ph.D., A Systematic Theology of the Christian Religion, Zondervan Publishing House, 1971, part III, p. 62).
Si Dr. Buswell at si Dr. Rice ay sumang-ayon kay Dr. McGee, na nagsabing, “Aking kaibigan, Siya’y nadinig; hindi Siya namatay sa Hardin ng Gethsemani” (isinalin ibid.).
“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7).
Ang mga kasalanan ng mundo ay inlagay kay Hesus sa Hardin ng Gethsemani.
“At siya'y humiwalay sa kanila na may agwat na isang itsang bato; at siya'y nanikluhod at nanalangin, Na sinasabi, Ama, kung ibig mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito: gayon ma'y huwag mangyari ang aking kalooban, kundi ang iyo. At napakita sa kaniya ang isang anghel na mula sa langit, na nagpalakas sa kaniya. At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:41-44).
Si Hesus ay nasa matinding paghihirap habang ang ating mga kasalanan ay inilagay sa Kanya ng Diyos. “At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22:44). Sinabi ni Dr. McGee, “Ang ating Panginoon ay malapit nang mamatay habang Kanyang nilalapitan ang krus, at nanalangin Siya upang mailigtas mula sa kamatayan upang maabot Niya ang krus. At tayo ay sinabihan na Siya’y ‘siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot’” (isinalin mula sa ibid.). Nadinig ng Diyos si Hesus na nananalangin “na sumisigaw ng malakas at lumuluha” doon sa kadiliman ng Gethsemani. Nagpadala ang Diyos ng isang anghel upang palakasin Siya upang Siya’y magpunta sa Krus upang bayaran ang multa ng ating mga kasalanan. Tinukoy ni Joseph Hart ang panalangin ni Hesus sa Hardin sa isa sa kanyang mga himno,
Tignan ang nagdurusang Anak ng Diyos,
Naghihingalo, humahagulgol, nagpapawis ng dugo!
Walang hangganang lalim ng [biyayang] banal!
Hesus, anong pag-ibig ang na sa Iyo!
(“Ang Iyong Di Nalalamang Pagdurusa.” Isinalin mula sa
“Thine Unknown Sufferings” ni Joseph Hart, 1712-1768).
Tignan kung gaano ka kamahal ni Hesus! Tignan mo Siya tumatangis para sa iyong pagdurusa! Tignan Siya tumatangis para sa kasalanan sa lungsod! Tignan Siya “tumatangis ng mga luha” sa Gethsemani, namamakaawa sa Diyos na hayaan Siyang mabuhay, upang Siya’y maipako sa krus, sa susunod na araw upang bayaran ang multa ng ating mga kasalanan! Hindi ba ito nagpapakilos sa iyo? Kung ang mga luha ni Hesus ay di nagpapakilos sa iyo, ano pa? Ikaw ba’y napatigas na ng lubos ng kasalanan na hindi mo na maramdaman ang pagmamahal Niya para sa iyo? Natatandaan ko ang unang pagkakataon na aking nadinig ang himno ni Dr. Watts, “Kapag Aking Tinitignan ang Nakamamanghang Krus.” Pinakilos ako nito noon, at napapakilos ako nito ngayon.
Kapag Aking tinitignan ang nakamamanghang krus,
Kung saan ang Prinsipe ng luwalhati ay namatay,
Ang aking pinakamayaman aking nakakamit aking nabibilang ngunit nawawala,
At nagbubuhos ng paghahamak sa lahat ng aking mga pagmamataas.
Tignan mula sa Kanyang ulo, Kanyang mga kamay, Kanyang mga paa,
Pagdurusa at pagmamahal ay tumutulong magkasama;
Ang ganoong pag-ibig ba at pagdurusa ay nagtatagpo,
O mga tinik na naglilikha ng napaka matabang korona?
Ang buong kaharian ba ng kalikasan ay akin,
Na mga gantimpalang masyadong maliit;
Pag-ibig nakamamangha, napaka banal,
Nangangailangan sa aking kaluluwa, aking buhay, aking lahat.
(“Kapag Aking Tinitignan ang Nakamamanghang Krus.”
Isinalin mula sa “When I Survey the Wondrous Cross”
ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).
Nakikiusap sa ko sa iyo ngayong gabi – maniwala kay Hesus! Magpunta sa Kanya! Bumagsak sa harapan Niya! Magtiwala sa Kanya nang lahat ng iyong pagkatao! Sabihin kasama ni Dr. Watts, “Pag-ibig nakamamangha, napaka banal, nangangailangan ng aking kaluluwa, aking buhay, aking lahat.” Si Benjamin Beddome ay isang mumuting Bautistang mangangaral sa ika-18 na siglo. Hindi natin siya makikilala ngayon kung hindi siya nagsulat ng isang himnong tinatawag na “Si Kristo ba para sa mga Makasalanan ay Lumuha?”
Si Kristo ba ay lumuha para sa mga kasalanan,
At ang ating mga pisngi ba’y magiging tuyo?
Hayaan ang mga baha ng nagsisising pagluluksa umagos
Sumasambulat balik mula sa bawat mata.
Ang Anak ng Diyos sa luha
Ang mga anghel na may pagkamanha’y nakikita!
Magulat ka, O aking kaluluwa,
Ibinuhos Niya ang mga luhang iyon para sa iyo.
Lumuha Siya upang tayo’y lumuha;
Bawat kasalanan ay nangangailangan ng luha:
Sa langit lamang walang kasalanan ang mahahanap
At walang pagluluha doon.
(“Si Kristo ba para sa mga Kasalanan ay Lumuha.” Isinalin mula sa
“Did Christ O’er Sinners Weep?” ni Benjamin Beddome, 1717-1795).
Nakakita na ako ng dalawang muling pagkabuhay, dalawang di pangkaraniwang pagkilos ng Diyos. Sa parehong pagkakataon ang mga tao’y nagsisisabog sa pagtangis habang sila’y nadala sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Nakikita natin ang Tsina ngayon. Ito’y palaging totoo sa mga tunay na mga muling pagkabuhay. “Lumuha Siya upang tayo’y lumuha; Bawat kasalanan ay nangangailangan ng luha.” O naway ika’y magawang mapaniwalang nagkasala ng kasalanan ngayong gabi! Naway magpunta ka sa lumuluhang Tagapagligtas! Ililigtas ka Niya! Ililigtas ka Niya! Ililigtas ka Niya ngayon!
Kung nakita mo kaya Siya na nagmula sa Hardin ng Gethsemani, lumuluha at nagtutulo ng Dugo, sa tinggin mo’y Siya’y iyong mapagkakatiwalaan? O, gayon, magtiwala sa Kanya ngayon! Siya ang parehong Hesus ngayong gabi! Tignan kung gaano ka Niya minamahal! Nagpupunta Siya sa iyo na may pagmamahal sa Kanyang mga kamay! Mananamapalataya sa Kanya. Magtiwala sa Kanya at ika’y maliligtas sa pinaka sandaling iyon! Patatawarin Niya ang iyong mga kasalanan at bibigyan ka ng walang hanggang buhay!
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 22:39-45.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Minamahal Ka Pa Rin Niya.” Isinalin mula sa
“He Loves You Still” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG ANG MGA LUHA NI HESUS ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7). (Isaias 53:3) I. Una, si Hesus ay lumuha sa libingan ni Lazaro, Juan 11:33-36; II. Pangalawa, si Hesus ay tumangis para sa lungsod ng Jerusalem, III. Pangatlo, si Hesus ay tumangis sa Hardin ng Gethsemani, |