Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGKAKASUMPA SA MGA ANAK NI ELI, THE REPROBATION OF THE SONS OF ELI, ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Ngayo'y ang mga anak ni Eli ay mga hamak na lalake; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12). “Hindi pa nga nakikilala ni Samuel ang Panginoon, o ang salita man ng Panginoon ay nahahayag pa sa kaniya. At tinawag uli ng Panginoon na ikaitlo. At siya'y bumangon, at naparoon kay Eli, at nagsabi, Narito ako; sapagka't ako'y iyong tinawag. At nahalata ni Eli na tinatawag ng Panginoon ang bata. Kaya't sinabi ni Eli kay Samuel, Yumaon ka, mahiga ka: at mangyayari, na kung tatawagin ka niya, ay iyong sasabihin, Magsalita ka, Panginoon; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod. Sa gayo'y yumaon si Samuel at nahiga sa kaniyang dako. At ang Panginoon ay naparoon, at tumayo, at tumawag na gaya ng una, Samuel, Samuel. Nang magkagayo'y sinabi ni Samuel, Magsalita ka; sapagka't dinirinig ng iyong lingkod” (I Samuel 3:7-10). |
Muntik ko nang pinamagatan ang pangaral na itong, “Ang Tagalabas at ang Bata sa Simbahan.” Ang batang si Samuel ang tagalabas na pumapasok sa Tabernacle. Ang mga “bata sa simbahan,” na naroon na ng mahabang panahon, ay sina Hohni at Phinehas, ang mga anak ni Eli ang pari. Maari mong isipin na ako’y masyadong marahas sa mga bata sa simbahan. Ngunit tandaan, ang sinaliksik si George Barna, ipinapakita nito na 88% ng lahat ng mga kabataan na pinalaki sa simbahan ay lumilisan bago ng edad ng dalawam pu’t lima, “hindi na kailan man bumabalik.” Dahil 1 mula 10 mga bata sa simbahan ay nananatili pagkatapos nilang magsarili, sa tingin ko ito’y ganap na tama upang ikumpara si Samuel sa isang kabataan na nagpupunta sa simbahan mula sa mundo, at naliligtas, at paglilingkuran ang Panginoong tapat sa kanyang buong buhay. Kaya ang pangaral na ito ay maghahambing ng ligtas na tagalabas sa di ligtas na “bata sa simbahan.” Kung ika’y isang bagong tao, nagpupunta sa simbahan mula sa mundo, gugustuhin mong makinig ng mabuti sa pangaral na ito. Kung ika’y di ligtas na “bata sa simbahan” – na nasa simbahan na ng mahabang panahon – ang pangaral na ito ay dapat maging isang babala sa iyo – kahit na sa tinggin ko karamihan sa inyo’y hindi ito maririnig, dahil mukhang ika’y isinuko na ng Diyos.
Iyan ang nangyari kay Phinehas at Hophni, ang mga anak ni Eli. Ginawa sila ng kanilang amang mga pari sa Tabernacle. Ngunit di sila napagbagong loob na mga lalake. Sinasabi ng Bibliya, “Ang mga anak ni Eli ay mga [anak ni Belial]; hindi nila nakikilala ang Panginoon” (I Samuel 2:12). Sinabi ni Dr. McGee, “ang mga anak ni Eli ay ‘mga [anak ni Belial],’ ibigsabihin mga anak ng diablo. Hindi sila ligtas. Dito sila’y mga anak ng mataas na saserdote, umaaligid-aligid sa tabernakulo at aktwal na naglilingkod doon!” (isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Thru the Bible, Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan II, p. 127; sulat sa I Samuel 2:12).
Huwag kalimutan na ang mga kabataan na mga pinalaki sa simbahan ay kailangan pa ring mapagbagong loob. Ang mga anak ni Eli ay walang personal na karanasan o pakikisama sa Diyos. Hindi sila kailan man nag-isip ng masinsinan tungkol sa Diyos. Sinasabi ng Bibliya, “Ang masama, sa kapalaluan ng kaniyang mukha, ay nagsasabi, hindi niya sisiyasatin. Lahat niyang pagiisip ay, walang Dios” (Mga Awit 10:4) – sa lahat ng kanyang kaisipan walang lugar para sa Diyos! Ganyan sina Hophni at Phinehas. “Hindi nila nakilala ang Panginoon” – at hindi pa nga sila interesado sa pagkakakilala sa Panginoon! Walang lugar sa kanilang isipan para sa Diyos. Sila’y nasa Tabernakulo. Kilala ng kanilang ama ang Panginoon. Ngunit ang kanyang dalawang anak ay mga nawawalang mga lalake, di ligtas na mga tao, “mga [anak ni Belial na] hindi nakilala ang Panginoon.” Sila’y mga nasa laman na mga kalalakihan na iniisip lamang kung anong makukuha nila, sila’y di sekswal na di malinis (I Samuel 2:22). Sa lahat ng kanilang pag-iisip walang lugar para sa Diyos. Noong sinubukan silang tuwirin ng kanilang amang si Eli, “hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon” (I Samuel 2:25). Binigyan sila ng Diyos ng maraming oras upang magsisi, ngunit ngayon sumuko na ang Diyos sa kanila,
“At palibhasa'y hindi nila minagaling na kilalanin ang Dios, ibinigay sila ng Dios sa isang mahalay na pagiisip...”
(Mga Taga Roma 1:28).
Maari ka lamang magpatuloy ng may tiyak na katagalan na tinatanggihan ang Banal na Espiritu. Sinabi ng Diyos, “Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao magpakailan man, sapagka't siya ma'y laman” (Genesis 6:3). Mayroong darating na panahon na susuko ang Diyos sa iyo. Tapos hindi ka makikinig sa pangagnaral at magsisisi. “Hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon.”
Ang tinutukoy ko na ngayon ay ang mga “bata sa simbahan,” mga kabataang lumaki sa simbahan na hindi napagbabagong loob. Ang sinasabi ko rin ay magagamit sa mga kabataang dumating sa simbahan, ngunit agad-agad sila’y naging tulad ng mga bata sa simbahan. Nakakita ako ng isang larawan ng isa sa mga kabataan na tulad nito hindi katagalan lang. Ang ilan sa kanila ay pinalaki sa simbahan. Ang ilan ay dumating mula sa labas, ngunit naging tulad ng mga bata sa simbahan. Maging maingat sa kung sino ang iyong gagayahin! Hindi ito sapat na magpunta sa simbahan at magbitbit ng isang Scofield na Bibliya. Kailangan mong lumayo mula sa mga kabataan sa simbahan na hindi kilala ang Panginoon! Dapat kang “magsialis […] sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon” (II Mga Taga Corinto 6:17). Si Samuel ay naroon sa Tabernakulo kasama ni Hophni at Phinehas, ngunit wala siya pakikipagsamahan sa kanila. Kahit na sila’y nasa Tabernakulong magkakasama, walang tala na si Samuel ay nakipag-usap man lang sa kanila! Kung siya nga, maaring maiikli mga salita lamang ang mga ito. Lumayo mula sa makamundong mga bata ng simbahan! “magsialis […] sa kanila, at magsihiwalay kayo, sabi ng Panginoon.”
Ngayong gabi ako’y mangangaral sa pagbabagong loob ni Adoniram Judson (1788-1850), ang unang misyonaryo sa Burma (I-klik ito upang mabasa ang pangaral na ito). Ang kanyang ama ay isang ministor. Siya ay pinalaki sa simbahan. Ngunit hindi totoo ang Diyos sa kanya. Ang lahat na kanyang naiisip kailan man ay ang Diyos ng kanyang ama. Wala siyang pagkamalay sa Diyos ng siya mismo, hanggang siya’y mag-isa isang gabi, malayo mula sa tahanan. Tulad ni Jacob. Mag-isa isang gabi, sa disyerto, biglang ang Diyos ay naging totoo sa kanya. Sinabi ni Jacob, “Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman. At siya’y natakot” (Genesis 28:16-17).
Noong ako’y 15 taong gulang tumakbo ako mula sa bukas na libingan ng aking lola, malayo pataas ng isang burol. Bumagsak ako sa lupa, humihingal at pinapawisan at umiiyak. At ang Diyos ay bumaba, at ako’y nasa malalim na pagka-alam ng kanyang teribleng presensya. Maaring kong nasabi kasama ni Jacob, “Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman. At [ako’y] natakot.” Hindi ako napagbagong loob pa noon. Ngunit namalayan ko ang Diyos ni Jacob. Naiisip mo ba kailan man ang dakila at teribleng Diyos ni Jacob kapag ika’y mag-isa? Nararamdaman mo ba kailan man ang pagkakasala kapag ika’y nag-iisa – nalalaman na ang nakakatakot na Diyos ni Jacob ay nakita na ang iyong mga kasalanan? Kung hindi mo pa kailan man naramdaman ang kahit anong tulad niyan tungkol sa Diyos, paano ka mapagbabagong loob? Sinasabi ng Bibliya, “ang lumalapit sa Dios ay dapat sumampalatayang may Dios” – na Siya’y tunay na nabubuhay! (Mga Taga Hebreo 11:6). At hindi ako nagsasalita tunkgol sa isang matamis na maliit na “Linggong Paaralang” Diyos. O hindi! “Sapagka't ang Dios natin ay isang apoy na mamumugnaw” (Mga Taga Hebreo 12:29). Tulad ni Moises, dapat kang mabatid “ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios” (Exodo 3:6). Kapag iyo lamang maramdaman ang katotohanan ng Diyos kapag ika’y nag-iisa, at natatakot tumigin sa Kanya, na ika’y tunay na magiging gising at kumbinsido ng iyong mga kasalanan. Sinabi ni Luther.
Kung hindi ka mapagbabagong loob, kinakailangan na ika’y matakot, iyan ay na ika’y magkaroong ng naalaramang konsensya (isinalin mula sa Anong Sinasabi ni Luther [What Luther Says], Concordia Publishing House, 1994 edisiyon, p. 343; sulat sa Mga Awit 51:13).
Iyan ang nangyari sa batang si Adoniram Judson noong siya’y mag-isa sa kadiliman. Mga kaisipan ng kamatayan tuwing hating gabi, ang kanyang nabubulok na bangkay, at pagkawalang hanggan, napuno ang kanyang isipan ng takot. Huwag mong alisan ang iyong isipan ng mga ganoong mga kaisipan. Payamanin ang mga ganoong mga kaisipan. Mamahay sa mga kaisipang ito. Hayaan na ang mga kaisipang ito ay manakot sa iyo, at kalugin ka, alarmahin at takutin ka. Na hindi kailan man nagkakaroon ng kahit anong mga kaisipang tulad ng mga iyan hindi ka kailan man makahahanap ng kapayapaan sa Diyos sa pamamgitan ng Dugong-alay ni Kristo!
Ngunit hindi kailan man naramdaman ni Hophni at Phinehas ang ganoong uri ng kombiksyon. Sila’y mga “anak [ni Belial]; hindi nila nakilala ang Panginoon.” “Gayon ma'y hindi nila dininig ang tinig ng kanilang ama, sapagka't inakalang patayin sila ng Panginoon.”
Napaka iba nito sa batang si Samuel! Hindi siya isang “bata ng simbahan.” Iniwan siya ng kanyang ina kay Eli sa Tabernakulo. Siya ay isang sensitibong batang, malayo mula sa tahanan. Hating gabi noon noong tinawag siya ng Diyos.
“At nangyari nang panahon na yaon, nang si Eli ay mahiga sa kaniyang dako, (ang kaniya ngang mata'y nagpasimulang lumabo, na siya'y hindi nakakita; At ang ilawan ng Dios ay hindi pa namamatay, at si Samuel ay nakahiga upang matulog, sa templo ng Panginoon, na kinaroroonan ng kaban ng Dios; Na tinawag ng Panginoon si Samuel: at kaniyang sinabi, Narito ako” (I Samuel 3:2-4).
Doon sa lumalagong kadiliman ng Tabernakulo, habang ang ilaw ng Diyos ay kuminang, at nagsimulang mamatay, at si Samuel ay nasa kanyang kama, tinawag siya ng Diyos. Ang naung-nagkalamang Kristo “ay naparoon, at tumayo, at tumawag” (I Samuel 3:10). At si Samuel ay napagbagong loob, at sa wakas kilala ang Panginoon siya mismo, “sapagka't ang Panginoo'y napakilala kay Samuel” (I Samuel 3:21). Pakinggan ang mga salita ng kantang kinanta kanina ni Gg. Griffith bago ng pangaral.
Magsalita, Panginoon, sa katahimikan,
Habang ako’y naghihintay sa Iyo;
Gawin ang aking pusong makinig,
Sa pag-aasa,
Magsalita, O pinagpalang Panginoon,
Dito sa tahimik na oras;
Hayaan akong makita ang Iyong mukha,
Maramdaman ang hawak ng Iyong kapangyarihan.
Magsalita, Ang Iyong tagalingkod ay nakikinig,
Huwag manahimik, Panginoon;
Ako’y naghihintay sa Iyo
Para sa nakabubuhay mong Salita,
(“Magsalita, Panginoon sa Katahimikan.” Isinalin mula sa
“Speak, Lord, in the Stillness” ni E. May Grimes,
1868-1927; binago ng Pastor).
O, mga kabataan, ang Diyos ay totoo! Si Kristo ay totoo! O, panalangin naming na ika’y di mananatiling anak ni Belial! Panalangin naming na iyong maranasan ang “takot ng gabi,” gaya nina Jacobe at Adoniram Judson – gaya ng makikita natin mamayang gabi sa panggabing sermon. Panalangin naming na ika’y magawang mapaisip tungkol sa iyong kamatayan, tungkol sa walang hanggan, tungkol sa nakatatakot na Diyos ni Jacob at Moises! Panalangin naming na maramdaman mo ang kaunting eksistensyal na “gabing takot” na kanilang naramdaman, na ika’y mahatulan ng iyong mga kasalanan sa mukha ng paghahatol ng Diyos! Panalangin namain na mga ganoong uri ng nakatatakot na mga kaisipan ay magpakilos sa iyong hanapin si Hesus, na Siya lamang ang makalilinis ng iyong mga kasalanan gamit ng Kanyang mahal na Dugo! Panalangin naming na ika’y magagawang sabihin,
Palabas ng aking pagkabilanggo, dusa, at gabi,
Hesus ako’y pupunta, Hesus ako’y pupunta;
Sa Iyong kalayaan, kasiyahan, at ilaw,
Hesus ako’y pupunta sa Iyo…
Palabas ng akng nakahihiyang kabiguan at pagkawala,
Hesus ako’y pupunta, Hesus ako’y pupunta;
Sa Iyong maluwalhating pagkakamit ng Iyong Krus,
Hesus ako’y pupunta sa Iyo…
Palabas ng takot at sindak ng libingan,
Hesus ako’y pupunta, Hesus ako’y pupunta;
Sa saya at ilaw ng Iyong tahanan,
Hesus ako’y pupunta sa Iyo;
Palabas ng lalim ng kasiraang di nalalaman,
Sa kapayapaan ng Iyong nagsisilong na takip,
Kailan man Iyong maluwalhating mukhang makikita,
Hesus ako’y pupunta sa Iyo.
(“Hesus, Ako’y Papunta sa Iyo.” Isinalin mula sa
“Jesus, I Come” ni William T. Sleeper, 1819-1904).
(KATAPUSAN NG
PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa
www.realconversion.com. I-klik
ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.
Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: I Samuel 3:1-10.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magsalita, Panginoon, sa Katahimikan.” Isinalin mula sa
“Speak, Lord, in the Stillness” (ni E. May Grimes, 1868-1927;
binago ng Pastor).