Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PAGBABAGPNG LOOB NI ADONIRAM JUDSON –
ANG UNANG MISYONARYO SA BURMA

THE CONVERSION OF ADONIRAM JUDSON –
THE FIRST MISSIONARY TO BURMA

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-29 ng Enero taon 2012

“Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit” (Mateo 18:3).


Ito’y magiging isang biyograpikal na pangaral. Ibibigay ko ang kwento ng pagbabagong loob ni Adoniram Judson (1788-1850). Ang kanyang pagbabagong loob ay dapat maging nakakaakit sa mga kabataang ipinanganak sa simbahan. Siya ay isang ganap na paglalarawan ng isang “bata sa simbahan” na napagbagong loob pagkatapos ng isang mahabang pakikipaglaban.

Adoniram Judson ay nagpatuloy bilang isang tagapangunang misyonaryo, isa sa mga unang pangkat ng mga misyonaryo na ipinadala sa Hilagang Amerika. Sa ika-19 ng Pebrero, taon 1812 si Adoniram at Ann Judson ay lumayag mula sa Cape Cod, Massachusetts para sa Indiya. Mula doon dinala ni ang Ebanghelyo sa Burma (ngayon ay Myanmar). Ang Judson ay dadaan sa mga mapapait na paghihirap, pagkabilanggo, at mga trahediya sa pamilya bilang unang mga misyonaryo sa isang ganap na paganong lupain kung saan walang mga misyonaryo ay nakapunta pa noon. Gayon man si Judson ay di kailan man umurong-sulong sa kanyang pangakong makamit ang mga hetanong mga taong it okay Kristo, at upang isalin ang Bibliya sa unang pagkakataon sa wikang Burmese. Paano naging isang malakas na Kristiyano si Adoniram Judson? Sa pagbabasa ng kanyang buhay, ako’y kumbinsido na ang pundasyon ng kanyang Kristiyanong buhay ay nakasalalay sa tunay na pagbabagong loob na kanyang naranasan bilang isang binata, bago pa man siya nagpunta sa kaparangan ng misyon. Sa pangaral na ito ako’y sasalalay sa aklat ni Courtney Anderson’s Sa mga Gintong Tabing-Dagat: Ang Buhay ni Adoniram Judson [To the Golden Shore: The Life of Adoniram Judson] (Judson Press, 1987 edisiyon).

Ang kanyang pangalan ay Adoniram Judson, Jr. Ang kanyang ama ay si Adoniram Judson, Sr. ay isang lumang panahong Kongregasyonal na ministor. Ang taong kinatatakot ni Adoniram sa lahat ay ang kanyang ama. Ito’y purong kamanghaan ng isang lalake upang masanhi ang kanyang anak na katakutan siya. Siya ay halos walang kakayahang matawa. Siya ay kasing higpit at strikto gaya ng Diyos Mismo. Sa katunayan, sa batang isipan ni Adoniram, ang Diyos at ang kanyang ama ay halos mayroong parehong katauhan.

Natuto si Adoniram na magbasa sa edad na tatlong taong gulang lamang. Dahil rito nadama ng kanyang ama na ang bata ay magiging isang dakilang tao, at sinabi ito sa kanyang ng kanyang ama ng paulit-ulit. Ang Kanyang ama ay isang mahirap na pastor lamang, ngunit gusto niya ang kanyang anak na maging malayong mas dakila kaysa sa kanya – isang ministor sa Bagong Inglaterang simbahan. Inasam niya na ang kanyang anak ay makakakamit ng tagumpay at katanyagan na hindi niya kailan man naranasan.

Sa kanyang kabataan binasa ni Adoniram ang lahat ng mahawakan ng kanyang mga kamay, mula sa mga aklat ng librarya ng kanyang ama hanggang sa mga nobela at mga dula na kilala sa panahon na iyon. Gayon man siya ay napaka-aktibo at puno ng enerhiya. Sa panahon na siya’y sampubg taon siya’y isa nang ganap na matematisyan, at natutunan na ang mga pundamental ng Griyego at Latino. Sinabi ng ama niya sa kanya, “Ika’y isang napaka [talinong] bata, Adoniram, at inaasahaan kong ika’y magiging isang dakilang tao.”

Sa panahong ito, ang kongregasyon ng kanyana ama ay dumaan sa isang teribleng paghihwalay ng simbahan. Sa wakas kinailangan ng pamilyang lumipat sa ibang barangay kung saan ang kanyang ama ay naging pastor ng ibang mas maliit ng simbahan. Gayon man mayroong matinding respeto si Adoniram sa halimbawa ng kanyang ama: huwag kailan man magkompromiso.

Nadama ni Adoniram na ang kanyang tadhana ay maging isang orator, isang manunula, o isang estadista tulad ni John Adams – isang bagay na nakaugnay sa nga aklat at pagkakaalam, isang bagay na magwawagi sa kanya ng papuri at katanyagan, at gawin ang kanyang pangalang kilala sa lahat ng mga panahon.

Lagi niyang ginustong maging tunay na relihiyoso. Gayon man paano siya magiging isang tunay na Kristiyano at maging isang dakilang tao? Habang siya’y nakahiga sa kanyang kamang may sakit, mukhang naririnig niya sa kanyang isipan ang isang tinig, “Hindi para sa amin, hindi para sa amin, kundi para sa Iyong ngalan ang luwalhati.” Ito’y magiging ang di kilalang pastor sa probinsya na sinong katanyagan ay kikililing sa buong kawalang hanggan, kahit na hindi siya kilala rito. Ang mundo ay mali patungkol sa mga bayani. Mali ang mundo sa mga paghahatol nito. Ang katanyagan ng di kilalang pastor ng probinsya ay tunay na mas dakila – lubos na mas dakila na kahit anong makamundong tagumpay ay lumiliit sa kawalan ng kahalagahan nito. Ito lamang ang katanyagan na nagtagumpay sa ibabaw ng libingan. “Hindi para sa amin, hindi para sa amin, kundi para sa Iyong ngalan ang luwalhati” ay kumililing sa kanyang isipan. Siya’y nakaupo sa kanyang higaang may sakit, nagugulat sa mga di pangkaraniwang mga kaisipang mga ito.

Hindi nagtagal na puwersa niya ang mga ito palabas ng kanyang isipan, gayon man. Ngunit sa isang medaling sandaling iyo ang kaisipan ay napaka lakas na kanya itong matatandaan sa kanyang buong buhay.

Sa edad na labin anim si Adoniram ay handa nang pumasok ng kolehiyo. Kahit na nagtapos sa Yale, hindi ipinadala ng ama ni Adoniram ang kanyang anak doon, dahil siguro ito ay masyadong malayo mula sa bahay. Kahit na ang Harvard ay limampung milya ang layo, hindi niya ipinadala ang kanyang anak doon dahil ito’y nagiging liberal na. Imbes ipinadala ni Rev. Judson ang kanyang anak sa Kolehiyo ng Rhode Islan sa Providence. Hindi nagtagal pagkatapos pumasok ng kolehiyo ni Adoniram ito’y naging kilala bilang “Unibersidad ng Brown.” Alam ni Rev. Judson na ito’y isang maiging, na nanampalataya sa Bibliyang paaralan. Naramdaman ni Rev. Judson na si Adoniram ay magiging ligtas sa kolehiyong iyon.

Dahil alam na ni Adoniram ang Latino, Griyego, matematiko, astronomiyo, lohiko, pagsasalita sa publiko at moral na pilosopiya pumasok siya sa paaralan bilang isang sopomor kaysa isang primer anyo. Naging kilala siya agad ng kanyang mga propesor. Sa katapusan ng isang taon ng pag-aaral nagpadala ang pangulo ng kolehiyo ng isang sulat sa kanyang ama, tinatawag si Adoniram na isan “napaka gigiliw at maraming talentong anak.” Tumaba ang puso ni Rev. Judson sa pagmamalaki habang kanyang binasa ang sulat.

Natagpuan ng mga estudyante sa paaralan na, kahit na siya ay anak ng isang ministor, napakaliit ng interes ni Adoniram sa kada dalawang linggong panalanging pagpupulong. Imbes ay siya ay naging isang napakatanyag sa mga di napagbagong loob na mga binata sa paaralan.

Si Adoniram ay di nagtagal naging kaibigan ng isang binatang nagnganganlang Jacob Eames, na isang taong mas matanda sa kanya. Maraming talent si Eames, matalino at napaka tanyag – ngunit siya’y isang Deista, hindi isang Kristiyano. Siya at si Adoniram ay naging napakalapit na magkaibigan, at si Adoniram ay napakanaimpluwensya niay na siya’y di nagtagal na naging nananampalatayang tulad ni Jacobe Eames. Kung nalaman ng ama ni Adoniram na siya’y naging isang Deist agad-agad niya itong tatanggalin mula sa unibersidad. Kinamuhian ni Rev. Judson ang liberalism, Unitarianismo, at Unibersalismo, ngunit nadama niya na Desimo ang pinaka malubha sa lahat. Tinatanggihan ng mga Deista ang Bibliya ng lubusan. Naniniwala lamang ang mga Deista na mayroong isang Diyos na walang kinalaman sa sangkatuahan sa anomang paraan. Tinanggihan nila si Kristo bilang Anak ng Diyos, hindi sila naniwala sa Langit o Impiyerno, o Dugong pagbabayad ni Kristo. Ngunit hindi alam ni Rev. Judson na ang kaibigan ni Adoniram ay nagdala sa kanyang anak sa ganoon na lamang na pagkakamali at kawalan ng paniniwala.

Si Jacob Eames ang pinuno ng mga kabataan na kinakasama ni Adoniram. Ang mga batang ito ay nag-aral na magkakasama, nagpunta sa mga salo-salo kasama ng mga dalaga, nagsipag-usap sa isa’t-isa at naglarong magkakasama. Ang mga binatang ito ay walang interes sa Kristiyanismo. Nagsalita sila tungkol sa pagiging mga dakilang mga may-akda, manunulat ng mga dula, at maging mga aktor. Sila’y magiging mga Shakespear at Goldsmith ng Bagong Mundo ng Amerika. Ang buong relihiyon ng ama ni Adoniram na napaka maingat na itinuro sa kanyang anak ay naglaho ng lubusan. “Pinalaya” ni Jacob Eames si Adoniram mula sa mga lumang paniniwala ng kanyang ama, at pinalaya siya upang hanapin ang katanyagan at kayamanan.

Gayon man mayroong di mapalagay na pakiramdam ng pagkakasala si Adoniram. Ang pagtatanggi sa Diyos ng kanyang ama ay parehas ng pagtatanggi sa kanyang ama, na kanya paring kinahahangaan ng buong puso. Ikinatakot niya ang kanyang di pagsang-ayon, kaya hindi niya kailan man binanggit ang kanyang kawalan ng pananampalataya noong umuwi siya mula sa kolehiyo sa pagitan ng mga semester.

Naging una si Adoniram sa kanyang klase. Siya ang piniling valediktoriyan, at ibinigay ang pangunahing talumpati sa kanyang pagtatapos. Agad-agad pagkatapos niyang nalaman na kanyang nakamit ang kanyang parangal tumakbo siya sa kanyang silid at isinulat, “Mahal kong Ama, ito’y nakuha ko na. Ang iyong nagmamahal na anak, A.J.” Sa katapusan ng pagtatapos, sa posisyon ng pinakamataas na parangal ibinigay ni Adoniram ang talumpati ng valediktoryan, na naroon ang mga nagmamalaking ama at ina na nanood sa madla.

Gayon, sa edad na labing siyam, si Adoniram ay handa nang simulan ang gawain ng kanyang buhay. Ngunit wala siyang ideya kung ano ito! Umuwi siya at nagpunta sa simbahan kasama ng kanyang ama at ina tuwing Linggo. Hindi alam kanyang mga magulang na siya na ngayon ay di na nananamapalataya. Nadama niya na para siyang isang hipokrito tuwing sinasamahan niya ang kanyang ama at ina sa kanilang pagdarasal bilang pamilya.

Linggo kada lingo siya’y nagiging mas di napapakali. Patuloy niyang naiisip ang mga ambisyon na kanyang nakabahagi kay Jacob Eames. Sa tag-init na iyon sa wakas nagpasiya siyang lisanin ang kanyang tahanan at magpunta sa New York. Makatatagpo niya ang mga taong kaugnay sa teatro. Matututunan niyang magsulat ng mga dula para sa entablado. Alam niya na iniisip ng kanyang ama at ina na ang New York ang pinaka makasalanang lungsod sa Amerika, isang makabagong Sodom. Alam niya na iniisip nila na ang teatro ay isang butas sa impiyerno ng kasamaan at kasalanan. Ngunit inisip niya na ang kanyang mga magulang ay masyadong makikitid ang isipan.

Di nagtagal handa na siyang lumisan ng New York. Ang kanyang mga magulang ay tumugon na para bang siya magpupunta sa buwan! Hindi nila natanto na siya’y napunta na sa isang punto ng pagtatapon ng kanilang batas, upang kumilos at mag-isip para sa kanyang sarili bilang isang nasa gulang. Sa puntong ito hiningi ng ama niyang mag-aral siyang maging isang ministor. Noong narinig iyan ni Adoniram, galit-na-galit niyang sinabi sa kanyang mga magulang ang totoo. Ang kanilang Diyos ay hindi niya Diyos. Hindi na siya naniwala sa Bibliya. Hindi na siya naniwala na si Hesus ay ang Anak ng Diyos.

Sinubukan ng kanyang amang makipag-usap sa kanya ngunit siya’y nabigo. Ang kanyang ina ay lumuha at sumigaw habang sinundan niya siya sa mga silid ng bahay. “Paano mo kayang gawin ito sa iyong ina?” ang kanyang iyak. Ang kanyang minamahal na Adoniram ay pinili ang Diablo at tinanggihan ang Diyos. Naririnig niya siyang umiiyak at nagdarasal para sa kanya tuwing siya’y pumapasok sa bahay.

Tiniis ito ni Adoniram ng anim na araw. Tapos kanyang sinakyan ang kayang kabayo at nagpuntang New York. Ngunit noong nakarating na siya roon natagpuan niya na hindi ito ang paraiso na kanyang pinangarap. Walang pagbati para sa kanya at walang trabaho. Nanatili lamang siya roon ng ilang lingo bago siya umalis, nasusuklam at nalulungkot.

Habang ang araw ay pababa dumating siya sa isang maliit na nayon. Nakahanap siya ng isang otel, inilagay ang kanyang kabayo sa isang kuwadra, at humingi ng isang silid. Ang otel ay halos puno na. Mayroong nalang isang silid na natitira. Sinabi ng may-ari na ang silid ay katabi ng isang silid ng isang binata na lubusang may sakit, at marahil ay namamatay na. Maari siyang maistorbo sa kanyang pagtulog. “Hindi,” sabi ni Adoniram, hindi niya hahayaan ang kakaunting ingay sa kabilang silid na pigilan siyang makapagpahinga ng mabuti. Pagkatapos siyang bigyan ng makakain, dinala ng may-ari si Adoniram sa kanyang silid at iniwan siya roon. Si Adoniram ay humiga sa kama, at naghintay sa antok na dumating.

Ngunit hindi siya makatulog. Naririnig niya ang mahihinang tunog na nanggagaling mula sa kabilang silid, mga yapak pa urong-sulong, ang tablang lumalangitngit, mahihinang tinig, unggol at paghingal. Ang mga tunog na ito hindi masyadong umistorbo sa kanya – hindi kahit ang isipan na ang lalake ay maaring namamatay. Kamatayan ay karaniwan sa Bagong Inglatera ni Adoniram. Maari itong mangyari sa kahit sino, sa kahit anong eda

d.

Ang gumambala sa kanya ay ang pag-iisip na ang lalake sa kabilang silid ay maaring hindi handa para sa kamatayan. Handa na nga ba siya, para rito? Ang mga kaisipang mga ito ay nagpunta sa kanyang isipan habang siya’y nakahiga roon kalahating nananaginip, kalahating gising. Nagtaka siya kung paanong siya mismo ay haharap sa kamatayan. Ang kanyang ama ay babati sa kamatayan na parang isang pintuan na bumubukas sa walang hanggang luwalhati. Ngunit kay Adoniram, ang di nananamapalataya, kamatayan ay ang pintuan sa walang lamang pugon, sa kadiliman, sa pinakaigihan pagkalipol, sa pinaka malubha sa – ano? Kinilabutan siya habang inisip niya ang libingan, ang dahan-dahang pagkabulok ng katawan, ang bigat ng lupa sa nakalibing na kabaong. Ang lahat ng ito ba’y sa buong walang katapusang mga siglo?

Ngunit ibang bahagi niya ay natawa sa mga hating gabing mga kaisipang ito. Anong iisipin ng kanyang mga kaibigan sa kolehiyo sa mga kilabot ng mga gabing ito? Sa ibabaw ng lahat, anong iisipin ng kanyang kaibigang si Jacob Eames? Nalarawan niya si Eames na tumatawa sa kanya, at naramdaman niya ang hiya.

Noong nagising siya ang araw ay sumisinag sa bintana. Ang kanyang mga takot ay nawala kasama ng kadiliman. Hindi niya halod mapaniwalaan na napaka hina at matatakutin niya noong gabi. Binihisan niya ang kanyang sarili at nagpunta sa ibaba upang mag-almusal. Nahanap niya ang tauhan ng otel at binayaran ang kanyang utang. Tapos tinanong niya kung ang binata sa kabilang silid ay magaling na. Sumagot ang lalake, “patay na siya.” Tapos tinanong ni Adoniram, “Kilala mo ba kung sino siya?” Sumagot ang tauhan, “Oo. Siya’y isang binata mula sa Unibersidad ng Brown. Ang pangalan niya ay Jacob Eames.” Ito’y ang kanyang matalik na kaibigan, ang di nananampalatayang si Jacob Eames, ang namatay sa kabilang silid noong lumipas na gabing iyon.

Hindi na kailan man matandaan ni Adoniram kung paano niya pinagdaanan ang mga sunod na mga kakaunting mga oras. Ang lahat na kanyang natatandaan ay na hindi niya nilisan ang otel ng ilang panahon. Sa wakas lumisan siya, sakay sa kanyang kabayong tuliro. Isang salita ang patuloy na umiikot sa kanyang isipan – “nawawala!” Sa kamatayan, ang kanyang kaibigang si Jacob Eames ay nawawala – lubusang nawawala. Nawawala sa kamatayan. Nawawala sa kanyang mga kaibigan, sa mundo, sa hinaharap. Nawawala na gaya ng isang buga ng usok ay nawawala sa ere. Kung ang mga sariling pananaw ni Eames ay totoo, ang kanyang buhay o kanyang kamatayan ay walang saysay.

Ngunit paano kung mali su Eames? Paano kung ang Bibliya ay literal na totoo at ang isang personal na Diyos ay totoo? Tapos si Jacob Eames ay walang hanggang nawawala na. At alam na ni Eams sa sandaling iyon na siya’y mali. Ngunit huli na para kay Eames na magsisi. Nalalaman ang kanyang pagkakamali, nararanasan na ni Eames and di mailarawang dusa ng mga apoy ng Impiyerno. Ang lahat ng pagkakataon ng pagiging ligtas ay wala na, wala na ng magpakailan man. Ang mga pag-iisip na ito ay nagpa-ikot-ikot sa gulat na isipan ni Adoniram. Naisip ni Adoniram na ang kanyang matalik na kaibigan na namamatay sa kabliang silid ay hindi maaring isang pagkakataon lamang. Inisip niya na ang Diyos ng kanyang ama ang nagsaayos ng mga pangyayaring mga ito sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, na ito’y hindi pagkakataon lamang.

Bigla naramdaman ni Adoniram na ang Diyos ng Bibliya ay ang tunay na Diyos. Inikot niya ang kanyang kabayo at nagsimulang tumungo sa kanyang bahay. Ang kanyang paglalakbay ay tumagal ng limang linggo, ngunit sa loob ng limang linggong iyon ang sa simula nito’y isang pagtatapon ng kapit ng kanyang mga magulang ay naging isang kumakalog ng kaluluwang panloob na kombulsyon. Siya’y nasa malalim na pagkaligalig, sa mortal na pagkatakot para sa kanyang sariling kaluluwa. Umuwi siya isang nagising na makasalanan.

Sa oras na ito dalawang ministor ang dumating sa bahay ng kanyang ama. Iminungkahi nila na ipasok sai Adoniram sa bagong seminrayo na kabubukas lang. Pumasok siya sa Teyolohikal na Seminaryo ng Andover ng Oktubre. Hindi pa siya napagbagong loob, kaya siya ay nakapasok bilang isang espesyal na estudyante, hindi bilang isang kandidato sa ministro. Bilang isang estudyante doon niya nasimulang basahin ang Bibliya sa orihinal na wika ng Banal na Espiritu.” Sa pangalawang araw ng Disyembre – isang araw na hindi niya kailan man malilimutan – siya ay napagbagong loob at inilaan ang kanyang buong buhay sa Diyos. Mula sa oras na iyon siya ay literal na bagong tao. Tinalikuran niya magpakailan man ang kanyang mga hangarin ng makamundong tagumpay, at simpleng tinanong ang kanyang sarili, “Paano ko pinakamahusay na mapalulugod ang Diyos?”

Ito’y isang lubos na mahalagang pagbabagong loob, dahil dinala nito si Adoniram na maging unang banyagang misyonaryo sa Burma. Dumarating doon sa kaparangan ng misyon, naging Bautista su Adoniram Judson, sa pamamagitan ng pag-aaral ng Griyegong salitang “baptize.” Siya’y nagpunta sa Burma sa isang panahon na wala pang misyonaryo ang nakapunta pa sa hetanong lupaing iyon. Sa pamamagitan ng mapapait na paghihirap, pagkabilanggo at mga trahedya ng pamilya, kasama ng mga pagkamatay ng dalawang mga asawa at maraming mga anak, hindi siya kailan man nagurong-sulong sa kanyang pangakong magkamit ng mga kaluluwa kay Kristo, at isalin ang buong Bibliya sa wika ng Burmese. Panalangin namin na ang ilang sa mga kabataan sa ating simbahan ay maranasan ang tunay na pagbabagong loob na karanasan, gaya ni Adoniram Judson, at magpatuloy sa paglilingkod kay Kristo ng buong buhay. Isinulat ni Dr. John R. Rice (1895-1980) ang kantang ito na ganap na inilarawan ang pagbabagong loob ni Adoniram.

Nillakad ko ang daan ng kaginhawaan,
   Ako’y nagsikap para sa makalupang kayamanan,
Ngunit kapayapaan hindi masusukat, ay mahahanap lamang kay Hesus…

Binigo ako ng pinagmamalaki kong kabaitan,
   Walang gamut para sa kasalanan na pinagpadusa ko,
Ang Espiritu ng Diyos gayo’y nagtagumpay sa akin
   Upang iwanan ang aking mga kasalanan kay Hesus…

Matagal ko nang nilabanan ang Salita ng Diyos,
   Ang tumawag na Kanyang espiritu ay nagpumilit,
Nagsisisi akong nagpalista, Kay Hesus mahal na Hesus.
   Ang lahat ng aking mga kasalanan ay napatawad,
Ang mga kadena ng kasalanan ay napigtas,
   At lahat ng aking puso ay naibigaym Kay Hesus, lamang kay Hesus.

O pag-ibig kay Hesus ay hindi kumukupas,
   Dahil ang biyaya ay magpakailan mang lumalago,
Dahil lahat ng aking mga takot na napapakawala,
   Pinupuri at iniibig ko akin Hesus.
Ang aking mga kasalanan ay lahat napatawad,
   Ang mga kadena ng kasalanan ay napigtas,
At lahat ng aking puso ay naibigay, Kay Hesus, lamang kay Hesus.
(“Hesus, Lamang Hesus.” Isinalin mula sa “Jesus, Only Jesus”
     ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).

Magsitayo at kantahin ang bilang 5 sa inyong papel, “Halos Nakumbinsi.”

“Halos nakumbinsi” ngayon upang maniwala;
“Halos nakumbinsi” Si Kristo upang tanggapin;
Mukhang ngayon isang kaluluwa upang magsabi,
“Humayo Espiritu, humayo sa Iyong paroonan,
Sa isang mas maiging panahon Sa Iyo ako tatawag,”

“Halos nakumbinsi,” pag-aani ay lumipas na!
“Halos nakumbinsi” sumpa ay parating na sa wakas!
“Halos” ay di maari; “Halos” ay wala kundi mabibiga!
Malungkot, malungkot iyang mapait na pag-iyak – “Halos,” ngunit nawawala.
    (“Halos Nakumbinsi.” Isinalin mula sa “Almost Persuaded”
         ni Philip P. Bliss, 1838-1876).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Panalangin Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
(“Magsalita Panginoon, sa Katahinikan.” Isinalin mula sa
“Speak, Lord, in the Stillness” ni E. May Grimes, 1868-1927;
binago ng Pastor).