Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




BAKIT ANG DOKTRINA NG MGA ANGHEL AY
NAKALILIMUTAN SA HULING MGA ARAW

WHY THE DOCTRINE OF ANGELS
IS NEGLECTED IN THE LAST DAYS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-15 ng Enero taon 2012

“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturoSapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:2-4).


Sinabi ni Billiy Graham, “Hindi pa ako nakarinig ng kahit sinomang mangaral ng isang sermon sa mga anghel…natanong ko na ang aking sarili, bakit mayroong na lamang ganitong pagkalingat? Bakit natin na walang bahala ang dakilang biblikal na mga pagtuturo tungkol sa mga anghel?” (Mga Anghel: Mga Sekretong Ahente ng Diyos isinalin mula sa Angels: God’s Secret Agents, Doubleday and Company, 1975, p. 17).

Itinuro gayon ni Graham na lahat ng mga aklat ng sistematikong teyolohiya ay mayroong mga bahagi na nagtatalakay tungkol sa mga anghel. Ngunit hindi natin nadirinig ang doktrinang itong ipinangangaral mula sa mga pulpit ng ating araw.

Hindi ako sumasang-ayon kay Billy Graham sa maraming mga paksa, lalo na pagdating sa “desisiyonismo.” Ngunit nagtanong si Graham ng maiiging mga tanong noong sinabi niyang, “Hindi pa ako nakarinig ng kahit sinomang mangaral ng isang sermon sa mga anghel…natanong ko na ang aking sarili, bakit mayroong na lamang ganitong pagkalingat? Bakit natin na walang bahala ang dakilang biblikal na mga pagtuturo tungkol sa mga anghel?” Sa aking pangaral na “Ang Mga Anghel Ay Kasama Natin!” (i-klik ito upang basahin ito) itinuro ko ang dalawa sa mga dahilan: (1) Maraming mga mangangaral ang hindi napagbagong loob, at (2) maraming iba ang hindi tinawag na maging mga mangangaral. Ang mga pastor sa kondisyong iyon ay hindi maaasahan na Makita ang pangangailangang magsalita patungkol sa mga espiritwal na mga bagay.

Ngunit mayroong higit pa riyan. Ito’y isang nakasentro sa taong panahon. Karamihang mga tao ay hindi interesado sa anong inilantad ng Diyos sa Bibliya tungkol sa mga espiritwal na mga bagay. Sila’y mga nakasentro sa tao kaya nakasentro sa Diyos. Interesado lamang sila sa kanilang sarili, at sa kung anong nakikita nila at nararamadaman nila sa material na mundo. Tiyak na kasali sa mga ito ang matinding bilang ng maraming mga nagpupunta sa simbahang mga tao ngayon.

Sa kanyang matalim na sanaysay, “Ang Mundo ng Bibliya ay ang Tunay na Mundo” [“The Biblie World is the Real Wordl”], sinabi ni Dr. A. W. Tozer,

      Kapag ang binabasa ang Kasulatan ang sensitibong tao ay tiyak na mararamadaman ang kapansinpansing pagbabago sa pagitan ng mundo gaya ng paglantad ng Bibliya nito at ang mundo gaya ng iniisip ng mga relihiyosong mga tao ngayon. At ang pagkakaiba ay wala sa ating pabor…nakakita si Jacob ng isang hagdanan na nakatayo sa lupa kung saan ang Diyos ay nakatayo sa ibabaw nito at ang mga anghel na umaakyat at bumababa rito. Si Abaraham at Balaam at Manoah at napakaraming iba pa ang sumalubong sa mga anghel ng Diyos at [nagsalita] sa kanila…Mga Anghel ay naroon upang sabihin ang padating na pagkapanganak ni Hesus at ipagdiwang ang pagkapanganak na iyon noong ito’y naganap sa Bethlehem; inaliw ng mga anghel ang Panginoon noong nanalangin Siya sa Gethsemani; ang mga anghel ay binanggit sa ilang mga nabigyang inispirasyong sulat, ang Aklat ng Apocalipsis ay kumikinang sa presensya ng mga di pangkaraniwan at magagandang mga nilalang masigasig sa mga kaabalahan ng lupa at langit…
      Oo, ang tunay na mundo ay isang tinitirhang mundo. Ang bulag na mga mata ng mga makabagong Kristiyano ay hindi nakikita ang di makita ngunit hindi niyan nasisira ang katotohanan ng espiritwal na pagkalikha (isinalin mula kay A. W. Tozer, D.D., “The Bible World is the Real World,” Of God and Men, Christian Publications, 1960, pp. 116-117

Ang nag-iisang bagay na matatanggap kong eksepsyon dito ay ang mga “makabagong mga Krisitiyanong mga ito” ay mga Krisitiyano talaga – sa kahit anong makabuluhang diwa ng salita. Ang “mga mata ng kanilang pagkaintindi” ay hindi pa kailan man nabubuksan. Ipinapakita nito na hindi pa nila nararanasan ang bagong pagkapanganak. Inilarawan ng Apostol Pablo itong mga tinawag na mga nga “Kristiyano” sa mga berso tatlo at apat ng ating teksto.

“Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:3-4).

Ibinibigay ng Ang Propesiyang Pag-aaral na Bibliya [The Prophecy Study Bible], ang mga kumentong mga ito sa ating teksto,

Nagbibigay si Pablo ng mas marami pang babala para sa mga huling araw ng Panahon ng Simbahan. Ang salitang “titiisin” ay mayroon ang batayang kahulugan ng “magsuporta” …Gayon, mayroong darating na panahon kung saan ang karamihan sa mga nasa loob ng Simbahan ay hindi susuporta sa pagtuturo ng husto o malusog na doktrina. Ang salitang “masasamang pita” ay simpleng nangangahulugang “malakas na pagnasa,” ngunit sa kontekstong ito mayroon itong isang negatibong kahulugan. Ang isang pagpapalampas ng huwad na doktrina ay nanggagaling sa pagnanasa o pakiramdam ng mga taong ayaw sumunod sa Salita ng Diyos. Ang mga miyembro ng simbahang mga ito ay sinasabing mayroong “[makakating] tainga,” na nanganghulugan na gusto nila na ang kanilang mangangaral ay magsalita lamang nga mga nakalulugod na mga bagay. Hindi nila gustong makarinig ng mga pagtuturo ng malugod na doktrina, o na sila man ay malulugod sa Salita ng Diyos, kaya sila ay maa-akit sa makataong mga kaisipan at pabula upang mapuno ang kahungkangan (isinalin mula sa The Tim LaHaye Prophecy Study Bible, AMG Publishers, 2000, p. 1304; sulat sa II Ni Timoteo 4:3-4).

Karamihan sa mga kongregasyon sa mga “huling mga araw” ay napangungnahan ng mga di napagbagong mga tao, na bumubuo ng karamihan noong mga nagpupunta. Ang mangangaral ay makapagsasalita lamang tungkol sa “masasayang mga bagay.” Gaya ng paglagay nito ng Ang Propesiyang Pag-aaral na Bibliya, “Gusto nila na ang kanilang mangangaral ay magsalita lamang nga mga nakalulugod na mga bagay.” Kung sasabihin ng pastor na sila’y makasalanan o mali mawawala niya lahat sila! Iyan ang dahilan na maraming mga mangangaral ang takot na magsalita ng tungkol sa katotohanan! Dahil karamihan sa mga tao sa kongregasyon ay hindi pa kailan man napagbagong loob ayaw nilang makarinig ng pagsusumawata, pagsusuway at pangangaral (II Ni Timoteo 4:2). “Hindi nila titiisin ang magaling na aral” (II Ni Timoteo 4:3). Iyan ang dahilan na napaka raming mga mangangaral ang tumitingin sa mga “pabula” (II Ni Timoteo 4:4) tulad ng popular na psikolohiya, positibong pag-iisip, ebanghelyo ng prosperidad, “mapagudyok” na pangangaral, at sa mga “eksposisyon” sa Bibliya na hindi “sumasawata,” “sumusuway,” o “nangangaral” sa kanilang mga tao (isinalin, tignan ang Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity] ni Dr. Michael Horton, Baker Books, 2008).

Hindi lamang mga anghel ang nakaliligtaan sa mga pangangaral ngayon. Kailan tayo kailan man nakaririnig ng mga sermon sa kasalanan, Impiyerno, kay Satanas, mga demonyo, ang Dugo ni Kristo, o kay Hesu Kristo Mismo? Hindi tayo halos kailan man nakaririnig ng mga buong mga sermon sa pagbabayad ni Kristo sa Krus. Hindi tayo halos kailan man nakaririnig nga mga sermong nakasentro kay Hesu-Kristo Mismo! Hindi tayo halos kailan man nakaririnig nga mga sermon sa bagong pagkapanganak! Tiyak na tayo ay nabubuhay sa huling mga araw! Tiyak na tayo ay nabubuhay sa panahon na hinulaan sa II Ni Timoteo 4:2-4!

“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturoSapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:2-4).

Mga nakatutulong sa sariling mga aklat na pag-aaral, nakapag-uudyok na mga mensahe, at mga berso-kada-bersong mga pag-aaral ng Bibliya ay ang lahat ng ating nadidinig sa ating mga pulpit sa huling mga araw, kung saan tayo ay nabubuhay. Berso-kada-bersong pag-aaral ng Bibliya ay hindi ang narinig ng ating mga ninuno sa tatlong dakilang mga paggising ng ika-18 at ika-19 na mga siglo! Burahin ang mga “eksposisyong” mga iyan mula sa lupa! Narinig na natin ang mga ito ng mga dekada at hindi nila tayo natulungan! Kailangan natin ng laman, doktrinal na laman, laman mula sa Banal na Salita ng Diyos!

Maraming masasabi ng Bibliya tungkol sa doktrina ng mga anghel – at kailangan mo itong marinig ngayon! Nag-alay si Dr. P. B. Fitzwater ng maraming taon bilang isang propesor ng sistematikong teyolohiya sa Insituto ng Bibliya ni Moody. Ako’y kukuha ng dalawang punto sa paksang ito mula sa Kristiyanong Teyolohiya: Isang Sistematikong Pagtatanghal [Christian Theology: A Systematic Presentation] ni Dr. Fitzwater (Eerdmans Publishing Company, 1958 edition, pp. 255-257).

I. Una, ang mga anghel ay naglilikod doon sa mga tagapagmana ng kaligtasan.

Sinipi ni Dr. Fitzwater ang Mga Hebreo 1:13-14, “Nguni't kanino sa mga anghel sinabi niya kailan man, Lumuklok ka sa aking kanan, Hanggang sa ang iyong mga kaaway ay gawin kong tungtungan ng iyong mga paa? Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?” (Mga Hebreo 1:13-14). Sinabi ni Dr. Fitzwater, “Dito direktang idineklara [na ang mga anghel] ay naglilingkod sa ngalan ng mga anak ng Diyos. Hindi binanggit na mayroong tiyak na anghel para sa isa-isang mananampalataya. Sapat nang malaman na mayroon itong paglilingkod sa ngalan ng mga ligtas. Ang mga anghel ay mukhang mayroong partikular na interest sa mga batang mananampalataya. ‘Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng mukha ng aking Ama na nasa langit’ (Mateo 18:10). Ang interes na ito ay nasa pagproprotekta ng mga pangangailangan ng mga batang [Kristiyano]. Ang mga kabataan ang mayroong mga pinaka kritikal na pangangailangan. Kailangan nilang buhayin ang kanilang buhay sa mundo ng masama. Napaka pinagpala malaman na ang Diyos ay mayroong espesyal na pag-aalala para sa batang mananampalataya at na Siya gayon ay nagbibigay ng kinakailangan na paglilingkod para sa mga ito sa pamamagitan [ng mga anghel].”

Mga pagpapakita ng anghelikong tulong ay nagaganap rin sa mga lugar kung saan ang mga Kristiyano ay inuusig dahil sa kanilang pananampalataya. Sa mga Muslim na mga bansa, at mga Komunistang mga bansa, naririnig natin ang mga anghel na naglilingkod doon sa mga “taga pagmana ng kaligtasan.” Madalas tulungan ng mga anghel na mga ito ang mga inuusig na mga Kristiyano sa mga panahon ng panganib.

Kahit na hindi ako sumasang-ayon kay Billy Graham sa paghihiwalay, desisiyonismo at ilang mga paksa, natuklasan ko ang aklat naito sa mga anghel ang nakakapagsigla. Sinabi ni Billy Graham, “Ang mga misyonaryo ng mga ika-labing walo at ika-labing siyam na siglo ay nag-ulat ng napakaraming nakamamanghang mga pangyayari kung saan mukhang tinulungan sila ng mga anghel na iproklama ang ebanghelyo” (isinalin mula sa ibid., p. 112).

Ngunit ang anghelikong tulong ay hindi lang limitado sa nakaraan lamang. Ngayon, maraming mga bansa kung saan ang Ebanghelyo ay pinagbabawal, ang mga Kristiyano ay nakahanap ng tulong sa pamamagitan ng paglilingkod ng mga anghel. Mga ulat ng anghelikong tulong ay dumarating sa atin mula sa Tsina, Indiya, Iran, Pakistan, Indonesiya, hilagang Aprika at iba pang bahagi ng Ika’tlong Mundo. Isang katutubong Kristiyanong manggagawa sa Tsina ay nagsabi na ang mga Amerikano ay madalas bulag sa paglilingkod ng mga anghel dahil, “Kung iniisip mong ika’y malakas at mayaman, walang himala sa paligid mo.”

Habang ang Amerikanong mga bansa ay patuloy na bumabagsak, ang oras ay parating kung saan mga tunay na mga Kristiyano rito makikita rin ang kanilang pangangailangan ng tulong ng mga anghel sa gitna ng panganib at pag-uusig. Sa masasamang mga araw sa hinaharap ang mga natitirang mga tunay na Kristiyano ay makikita rin na ang Diyos lamang ang makatutulong sa kanila.

II. Pangalawa, ang mga anghel ang nagsasagawa ng paghahatol sa mga kalaban ng Diyos.

Sinipi ni Dr. Fitzwater ang Mga Gawa 12:23, “At pagdaka'y sinaktan siya ng isang anghel ng Panginoon, sapagka't hindi niya ibinigay ang kaluwalhatian sa Dios: at siya'y kinain ng mga uod, at nalagot ang hininga” (Mga Gawa 12:23). Sinabi ni Dr. Fitzwater, “Ang masamang si Herodes ay sinakatan ng mga anghel ng Panginoon dahil hindi niya binigyan ng luwalhati ang Diyos. ‘At nangyari, nang gabing yaon, na ang anghel ng Panginoon ay lumabas, at nanakit sa kampamento ng mga taga Asiria ng isang daan at walong pu't limang libo: at nang ang mga tao ay magsibangong maaga sa kinaumagahan, narito, silang lahat ay mga bangkay’ (II Mga Hari 19:35). Bilang sagot sa panalangin ng hari, ang anghel ng Panginoon ay ipinadala upang saktan ang Asyrianong hukbo, binibigyan ng kaligtasan sa Israel.”

Nagpatuloy si Dr. Fitzwater na nagsabing, “[Ang mga anghel] ay nagpulong ng mga hinirang nga Diyos at nagsagawa ng paghahatol sa masasama. ‘Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid, At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin’ (Mateo 13:49-50). Sa pamamagitan ng mga anghel ang masasama ay hiniwalay mula sa mga makatuwiran…Sa paglilingkod na ito ng paghahatol walang posibleng pagkabigo; walang gamit ng tao ang makapagpapatagal o makapipigil ng kanilang paglilingkod” (Isinalin mula sa ibid., pp. 254-259).

Kung hindi ka isa sa mga nahirang masisigurado kang ihihiwalay ka ng mga anghel mula sa makatuwiran, at itatapon ka sa apoy ng Impiyerno, kung saan ika’y tatangis at gigiling ng iyong ngipin sa buong walang hanggan.

O, naway hindi iyan mangyari sa iyo! Naway kahit ngayon palang na talikuran mo ang iyong pagkawalan ng pananampalataya kay Hesus. Nagdusa Siya at namatay sa Krus upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang linisin ka mula sa lahat ng kasalanan. Umakyat Siya sa pabalik sa langit sa kanang kamay ng Diyos at nariyan para sa iyo ngayon! Magpunta sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. “Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya ngayon.”

Sa mga panahong ganito, kailangan mo ng Tagapagligtas,
   Sa mga panahong ganito kailangan mo ng isang angkora
Maging lubos na tiyak, maging lubos na tiyak
   Ang iyong angkora’y nakahawak at nakakapit sa Matatag na Bato!
Ang Batong ito ay si Hesus, Oo Siya nga;
   Ang Batong ito ay si Hesus, Ang Nag-iisa lamang!
Maging lubos na tiyak maging lubos na tiyak
   Ang iyong angkora’y nakahawak at nakakapit sa Matatag na Bato!
(“Sa Mga Panahong Ganito.” Isinalin mula sa
      “In Times Like These” ni Ruth Caye Jones, 1902-1972).

Ipihit ang iyong mata kay Hesus
   Tignang buo ang Kanyang nakamamanghang mukha,
At ang mga bagay ng lupa ay lalagong di pangkaraniwang madilim,
   Sa ilaw ng Kanyang luwalhati at biyaya.
(“Ipihit Ang Iyong Mga Mata Kay Hesus.” Isinalin mula sa
    “Turn Your Eyes Upon Jesus” ni Helen H. Lemmel, 1863-1961).

“Ipihit ang iyong mata kay Hesus.” Kailangan mo Siya! Si Hesus lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa iyong mga kasalanan. Ngunit upang magtiwala kay Hesus dapat kang huminto sa pagtitiwala sa iyong sarili. Sinabi ni Spurgeon, “Magtiwala kay Hesus, at ika’y maliligtas. Magtiwala sa sarili at ika’y nawawala.” Ang ilan sa inyo ay nagtitiwala sa inyong sarili. Hinihingi kong magpunta kayo kay Hesus at magtiwala sa Kanya. Ngunit agad-agad mong tinitignan ang iyong sarili, upang Makita kung iba ang pakiramadam mo, upang Makita kung mayroong pagbabago sa loob mo. Imbes na magtiwala kay Hesus, at pagpapalaya nito, tinitignan mo ang iyong sarili – upang makita kung nagkaroong ka noong “tamang pakiramdam” o “tamang pagbabago.” Gayon, pinagkakatiwalaan mo ang iyong sarili imbes na si Hesus! Nagkilala na kami ng mga taong ginawa iyan ng maraming taon na hindi naliligtas. Kung nilalaran ka niyan, making sa mga salita ng lumang kantang ito,

Sinubukan kong walang kapararakan
   Ang libong mga paraan
Ang aking mga takot upang masugpo,
   Ang aking mga pag-asa upang maangat;
Ngunit ang kailangan ko, sinasabi ng Bibliya,
   Ay laging si Hesus lamang.
(“Kay Hesus.” Isinalin mula sa “In Jesus” ni James Procter, 1913).

Habang isinusulat ko ang sermon ito isang maliit na itim na ibon ang tumama sa salamin ng bintana ng aking opisina sa bahay. Tumayo ang ibon at tinamaan muli ang salamin, tapos muli, tapos muli. Sa wakas tumayo ako at tinakot ang ibon papalayo. Ang ilan sa inyo ay tulad ng maliit na ibon na iyon. Ginagawa mo ang parehong bagay ng paulit-ulit, ngunit ika’y nawawala pa rin. Sinasabi mong pagtitiwala ka kay Hesus, ngunit agad-agad mong tinitignan ang iyong sarili. Dahil wala kang nakikitang pagbabago, o walang bagong pakiramdam sa iyong sarili, sinasabi mong ika’y nawawala. Sinasabi ko sa iyo tumigil ka sa pagsusuri ng iyong sarili! Mayroong panahon upang tumigil sa pagsusuri ng iyong sarili at magsimulang suriin si Hesus! Magpunta kay Hesus at huwag lumingon sa iyong sa sarili. “Sinubukan kong walang kapararakan.” Kantahin ito kasama ko.

Sinubukan kong walang kapararakan
   Ang libong mga paraan
Ang aking mga takot upang masugpo,
   Ang aking mga pag-asa upang maangat;
Ngunit ang kailangan ko, sinasabi ng Bibliya,
   Ay laging si Hesus lamang.

Kung lilingon ka sa iyong sarili makakikita ka lamang ng kadiliman at kasalanan. Huwag maging tulad ng asawa ni Lot – na lumingon sa Sodom at nawala! Ang iyong puso ay isang maliit na Sodom, puno ng kasalanan at kadiliman. Magpunta kay Hesusm at huwag lumingon sa iyong sarili! Gaya ng sinabi ni Spurgeon, “Magtiwala kay Hesus, at ika’y maliligtas. Magtiwala sa iyong sarili, at ika’y nawawala.” Magpunta kay Hesus, at huwag tignan ang iyong sarili. Maraming ibang naligtas pagkatapos ng mahabang pakikipaglaban tulad nito. Tumingin kay Hesus. Magpunta kay Hesus. At huwag lumingon. Magpunta sa Kanya na wala ang “tamang pakiramdam” at ika’y maliligtas. Tignan ang iyong sarili at ika’y masusumpa – kasama ng asawa ni Lot. Sinabi ni Hesus, “Alalahanin ninyo ang asawa ni Lot” (Lucas 17:32). Tumingin kay Hesus, magtiwala sa Kanya, at huwag lumingon! Huwag mong suriin ang iyong sarili! Magpunta kay Hesus at huwag ang iyong sarili! “Magtiwala kay Hesus, at ika’y maliligtas. Magtiwala sa iyong sarili, at ika’y nawawala.” Kantahin ang kanta muli.

Sinubukan kong walang kapararakan
   Ang libong mga paraan
Ang aking mga takot upang masugpo,
   Ang aking mga pag-asa upang maangat;
Ngunit ang kailangan ko, sinasabi ng Bibliya,
   Ay laging si Hesus lamang.

Sinabi ni Spurgeon “[Iniisip mo ba] na ito’y terible kung magtitiwala ka kay Hesus gayon ay mamatay? Oo ito nga’y terible. Ngunit [dahil] mamamatay ka kung hindi mo [Siya], pagkakatiwalaan ang panganib ay hindi matindi.

Kayak o ngunit mamamatay kung ako’y magpupunta;
   Ako’y desididong sumubok;
Dahil kung ako’y mananatiling malayo, alam ko
   Dapat akong magpakailan mang mamatay.

Wala kang mawawala, dahil nawawala ka na; kung gayon magmamadali kay [Kristo] at mangahas na maniwala sa awa ng Diyos sa iyo – kahit ikaw” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, Sa Paligid ng Maliit na Tarangkahan [Around the Wicket Gate], Pilgrim Publications, 1992 inilimbag muli, pp. 50, 51). Kantahin ang kantang iyon ng isa pang beses.

Sinubukan kong walang kapararakan
   Ang libong mga paraan
Ang aking mga takot upang masugpo,
   Ang aking mga pag-asa upang maangat;
Ngunit ang kailangan ko, sinasabi ng Bibliya,
   Ay laging si Hesus lamang.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: II Ni Timoteo 4:1-5.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sa Mga Panahong Ganito.” Isinalin mula sa
“In Times Like These” (ni Ruth Caye Jones, 1902-1972).


ANG BALANGKAS NG

BAKIT ANG DOKTRINA NG MGA ANGHEL AY
NAKALILIMUTAN SA HULING MGA ARAW

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ipangaral mo ang salita; magsikap ka sa kapanahunan, at sa di kapanahunan, sumawata ka, sumaway ka, mangaral ka na may buong pagpapahinuhod at pagtuturoSapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha” (II Ni Timoteo 4:2-4).

I.   Una, ang mga anghel ay naglilikod doon sa mga tagapagmana ng
kaligtasan, Mga Hebreo 1:13-14; Mateo 18:10.

II.  Pangalawa, ang mga anghel ang nagsasagawa ng paghahatol sa
mga kalaban ng Diyos, Mga Gawa 12:23; II Mga Hari 19:35;
Mateo 13:49-50; Lucas 17:32.