Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA ANGHEL AY KASAMA NATIN!

THE ANGELS ARE WITH US!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Enero, taon 2012

“At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng maraming mga anghel sa palibot ng luklukan at ng mga nilalang na buhay at ng matatanda; at ang bilang nila ay sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo” (Apocalipsis 5:11).


Hindi pa ako kalian man nakarinig na kahit sinong pastor na nangaral ng isang buong pangaral sa mga anghel. Gayon man ang mga anghel ay kilalang-kilala sa buong Bibliya. Ang ating pamabukas na teksto sa Apocalipsis 5:11 ay nagsasabi sa atin na mayroong hindi mabilang na bilang nga mga anghel, “sangpung libong tigsasangpung libo at libolibo” (Apocalipsis 5:11).

Ang mga anghel ay nagpapakita sa buong Bibliya. Noong ipinadala ni Abraham ang kanyang tagapaglingkod upang maghanap ng asawa para sa kanyang anak na si Isaac, sinabihan niya ang tagapaglingkod na magpapadala ang Diyos ng isang anghel sa harapan niya, upang tulungan siya (Genesis 24:7). Habang si Jacob ay naglalakbay siya ay sinalubong ng “mga anghel ng Diyos.” Sinabi ni Dr. John Gill (1697-1771) na ang mga anghel ay naghiwalay sa dalawang mga grupo upang protektahin siya. Isang grupo ng mga anghel ay nagpunta sa harapan niya, at ang ibang grupo ng mga anghel ay nagpunta sa likuran niya, upang protektahan siya (Genesis 32:1-2). Noong si Lot at ang kanyang pamilya ay nasa panganib sa Sodom, ginabayan sila ng mga anghel palabas ng lungsod (Genesis 19:15-17). Noong si Daniel ay naitapon sa isang yungib ng mga leyon, nagpadala ang Diyos ng isang anghel upang “itinikom ang mga bibig ng mga leon” (Daniel 6:22). Noong ang mga apostol ay nailagay sa bilangguan dahil sa pangagnaral ng Ebanghelyo, “binuksan ng isang anghel ng Panginoon ang mga pintuan ng bilangguan,” at pinalaya sila (Mga Gawa 5:19-20). Noong ang Apostol Pedro ay nailagay sa bilangguan dahil sa pangangaral ng Ebanghelyo, isang anghely ay dumating at binuksan ang pintuan ng bilangguan at pinakawalan siya (Mga Gawa 12:7-10).

Prineserba ng mga anghel ang buhay ng bagong silang na si Kristo sa pagpapakita kay Jose at pagsasabi sa kanyang tumakas papunta sa Egipto kasama ng Bata (Mateo 2:13-14). Pagkatapos na natukso ng Diablo si Kristo sa kaparangan, “nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran” (Mateo 4:11). Isang anghel ang nagpalakas kay Kristo noong siya ay dinurog ng ating mga kasalanan, nagpapawis ng madugong pawis, sa Hardin ng Getsemani (Lucas 22:43-44). Isang anghel ang nagpagulong ng bato papalayo mula sa libingan ni Kristo, at nagsabi sa mga kababaihan na nagpunta doon na Siya ay bumangon mula sa pagkamatay (Mateo 28:2, 5-6). Libo-libong mga anghel ang sumama kay Kristo noong Siya ay pumaitaas pabalik sa Langit (Mga Awit 68:17-18; Mga Taga Efeso 4:8). At ang mga banal na mga anghel ay bababa kasama ni Kristo sa Kanyang Pangalawang Pagdating (Lucas 9:26; II Mga Taga Tesalonica 1:7). Tignan ang aklat ni Dr. John Gill na, Isang Katawan ng Doktrinal na Kabanalan [A Body of Doctrinal Divinity], The Baptist Standard Bearer, n.d., kabuuan I, pp. 262-268.

Dagdag pa rito, ang gawain ng mga anghel para sa mga tao ng Diyos ay mas malinaw na inilalantad sa Bibliya. Prinoprotektahan at inililigtas nila ang mga tao ng Diyos. Sinasabi ng Mga Awit 91:11-12, “Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.” Sinasabi ng Hebreo 1:14 na nagpapadala ang Diyos ng mga anghel upang “maglingkod para doon sa mga magmamana ng kaligtasan.” Tignan ang aklat ni Dr. Henry C. Thiessen, Pambungad na mga Panayam sa Sistematikong Teyolohiya [Introductory Lectures in Systematic Theology], Eerdmans Publishing Company, 1971 edisiyon, p. 205.

Dahil ang gawain ng mga anghel ay nalantad ng napaka malinaw (at napaka dalas) sa Bibliya, bakit hindi tayo nakaririnig ng mga buong mga sermon sa mga anghel ngayon? Hindi pa ako nakarinig ng kahit sinong pastor na nangaral ng isang buong sermon sa mga anghel. Nakarinig ka na ba? Bakit iyan ang kondisyon ngayon? Sa palagay ko ay marami ang dahilan para rito. Una, maraming mga pastor ang hindi pa kalian man napagbabagong loob. Iyan tiyak ang pangunahing dahilan. Pangalawa, marami doon sa mga napagbagong loob ang hindi tinawag ng Diyos. Ang aking matagal na panahong pastor sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles ay nagsabing, “Ang kapanglawan sa mga simbahan ng mga huling mga araw ay hindi dahil sa pagkakulang nga mga pastor, kundi isang pagkarami ng mga pastor na naglilingkod na walang [pagtawag] ng Diyos [at] na walang pagpapadala ng Diyos. Dahil hindi sila ipinadala ng Diyos, paano nila maaasahan ang Diyos na maging responsable para sa kanila at magkaloob sa kanila gamit ng Kanyang mensahe?” (Isinalin mula kay (Timothy Lin, Ph.D., Ang Lihim ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], First Chinese Baptist Church, 1992, pp. 21-22).

Ang mga pastor na hindi napagbagong loob, at yoong mga hindi tinawag ng Diyos, ay hindi makikita ang dahilan upang “pagsasaysay sa inyo ng buong kapasiyahan ng Dios” (Mga Gawa 20:27). Sa tingin ko iyan ang pangalawang dahilan na napakakaunti ang nadidinig natin tungkol sa mga anghel, o mga demonyo, sa ating mga pulpit ngayon. Sa katunayan, napakakaunting mga sermon ang naririnig natin kay Hesu-Kristo Mismo! Halos lahat ng mga sermon ngayon ay nakasentro sa tao at mapagpaudyok – hindi nakasentro sa Diyos at sa espiritwal.

Maraming taon nangaral ako ng isang sermon tungkol sa mga anghel sa isang simbahan sa hilagang California. Simpleng nagbigay lamang ako ng maraming mga punto tungkol sa mga anghel mula sa aklat ni Dr. Thiessen sa systematikong teyolohiya (ibid.). Tinapos ko ito na may malakas na apela para sa mga nawawala na tumingin kay Kristo. Maraming tumugon sa imbitasyon. Ngunit sa sunod na araw inatake ako ng pastor sa harap ng maraming mga nakakatanda, na nagsasabi na aking sermon ay “na aayon sa isang kulto” at maaring maghatid sa “pagsamba sa mga anghel” (Mga Taga Colosas 2:18). Siyempre iyon ay walang say-say. Kapag isang uri ng mapaglapastangan masukal na tao ay nahaharap ng kanilang kasalanan sa isang sermon, madalas nila ito tawaging “na aayon sa isang kulto”! Iniwan ko ang simbahan na iyon. Mga dalawang taon ang nakalipas ang tanyag na ebanghelistang si Billy Graham ay naglimbag ng isang aklat na pinamagatang, Mga Anghel: Mga Sekretong Ahente ng Diyos [Angels: God’s Secret Agents] (Doubleday and Company, 1975). Ang aklat ni Billy Graham ay naglalaman ng higit ng kung anong ipinangaral ko sa sermon na tinawag ng pastor ng iyon na “na aayon sa isang kulto.” Pinadalhan ko siya ng isang kopya ng aklat ni Billy Graham na may isang sulat na nagsabing, “ang aklat na ito ba ay na aayon sa isang kulto?” Hindi siya kailan man tumugon sa akin. Hindi nagtagal ang pastor na ito ay nasitante mula sa simbahang ito dahil sa pakikipagtalik sa mga kababaihan ng kanyang kongregasyon. Yoong mga sumasagot ng matindi, sa maskulinang istilo ng pangangaral ay makahahanap ng mali ano man ang aking sabihin!

Habang hindi ako sumasang-ayon kay Billy Graham sa nabibilang na mga bagay, natatagpuan kong mayroong kaunting bagay na di pagsasang-ayunan sa kanyang aklat sa mga anghel. Sa aklat na iyan sinabi ni Billy Graham na sa “buong Bibliya nagsabi sa atin ang Diyos ng maraming mga bagay. Dahil rito, ang mga teyolohiyano sa lahat ng mga panahon ay pangmalakawang sumasang-ayon tungkol sa kahalagahan ng ‘angelohiya’ (ang tinakdang salaysay ng biblikal na katotohanan tungkol sa mga anghel). Hinatulan nila itong nararapat sa kahit anong aklat ng sistemationg teyolohiya” (isinalin ibid., p. 18).

Ang dakilang Taga repormang si Martin Luther ay nagsabing, “Ang isang anghel ay isang espirituwal na nilalang na walang katawan na nilikha ng Diyos para sa paglilingkod ng nasyon ng Kristiyanismo at ng simbahan” (Isinalin mula kay Graham, ibid., p. x). Si John Calvin, ay nagsabi sa kanyang unang kabuuan ng kanyang Instituto ng Kristiyanong Relihiyon [Institute of the Christian Religion], na “ang mga anghel ay mga taga dala at taga bigay ng banal na [kagandahang loob] tungo sa atin. Kanilang pinagsasa-alang-alang ang ating kaligtasan, proteksyon, ginagabay ang ating daan, at nagpapakita palagi ng [pag-aaruga] na walang kasamaan ang mapupunta sa atin” (Isinalin mula kay Graham, ibid.). Ang dakilang si Spurgeon, “ang prinsipe ng mga mangangaral,” ay nagsabing, “‘Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad’…Tinuturo nito sa atin na ang bawat isa sa mga santo ay personal na naproprotektahan. Ang Diyos ay nagbibigay ng personal na interes sa bawat manlalakbay sa tamang daan, at binibilin ang kanyang mga anghel na protektahan siya” (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Angelic Protection in Appointed Ways,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1978 inilimbag muli, kabuuan 52, p. 20).

Ngunit ang mga dakilang mga pangakong ito ng anghelikong proteksyon ay nagagamit lamang sa mga hinirang. Kung hindi ka isa sa kanila wala kang proteksyon – mula sa Diyos o sa Kanyang mga anghel. Ika’y naiiwan sa umuungol na hangin na walang kaligtasan. Mayroong isang paraan lamang upang maligtas. Dapat kang magsisi at magpunta kay Hesu-Kristo sa pananampalataya. Kahit sa proteksyon ng mga anghel, yoong mga di napagbagong loob ay “bahagyang” naliligtas (I Ni Pedro 4:18). “ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?” (I Ni Pedro, ibid.). Kapag ang mabangis na pagsabog ng paghahatol ay darating, ikaw na di ligtas ay madadakot sa walang hanggang mga apoy! Nagmamakaawa ako sa iyo, tumingin kay Kristo. Magpunta sa Kanya at mahugasang malinis mula sa iyong kasalanan! Ang Dugo ni Kristo ay makahuhugas ng bawat isa ng iyong kasalanan mula sa mga aklat ng paghahatol ng Diyos. Magpunta kay Hesus at maligtas mula sa pagkakasala at multa ng kasalanan! Tapos ang mga anghel ng Diyos ay magiging iyong mga anghel din, upang protektahan ka “sa lahat ng iyong mga lakad” – ngunit hindi bago nito! Hindi bago nito! Hindi bago nito! Huwag kang maghintay! Magpunta kay Kristo ngayon, habang ika’y bata pa.

Si Martin Luther ay isang taga reporma sa edad na 29 lamang, sinimulan niya ang Repormasyon sa edad na 33 lamang. Magpunta kay Kristo ngayon, habang bata ka pa, at ika’y proprotektahan ng mga anghel ng Diyos gaya ni Martin Luther! Si Luther ang nagsabi,

Na ang mga anghel ay kasama natin ay napaka tiyak, at wala dapat magduda nito…sila’y tunay na nakapaligid sa atin sa buhay na ito, nagbibigay at naggagabay sa ating mga pinagkakaabalahan…Kung gayon dapat nating matutunan na ang ating pinaka maigi at pinaka matapat na mga kaigbigan ay hindi nakikita. Sila ay ang mga mabubuting mga anghel, na sa kanilang katapatan at kabaitan at kanilang maraming paglilingkod ng pakikipagkaibigan ay lubos na napangungunahan ang ating mga nakikitang mga kaibigan…ano mang mabuting mangyari, ito dalang lubos ng buo sa pamamagitan ng mga mabubuting mga anghel (isinalin mula sa Anong Sinasabi ni Luther [What Luther Sayas], Concordia Publishing House, 1994 edisiyon, p. 23; mga kumento sa Genesis 24:5-7)

Karamihan sa mga tunay na mga Krisitiyano ay nagkaroon sa kanilang buhay kung saan naramdaman nila ang piling ng mga gumagabay na mga anghel. Ilang araw ang nakalipas isang pundamental na Bautismong pastor, na kaibigan ko ang nagsabi sa akin ng karanasan na ito kasama ng mga anghel. Sinabi niya, “Sa tingin ko maaring ako’y namatay kung hindi dahil sa isang anghel na prumotekta sa akin.”

Natandaan ko ang dalawang beses noon na ako’y naniwala na mga anghel ang nagligtas sa akin mula sa isang teribleng aksidente sa haywey ditto sa Los Angeles. Ang una ay nangyari noong ako’y nagmamaneho papunta sa isang pagpupulong ng pananalangin sa Unang Bautistang Tsinong Simbahan. Umuulan ng mahina noon. Nakikinig ako ng musika sa radyo. Habang dalawang haywey ay nagsasama ang tao sa kotse sa harapan ko ay prumeno ng malakas ng biglaan. Ganoon din ang ginawa ko. Biglang umikot ang aking kotse. Mayroong malalaking mga poste sa bawat tabi ng makipot na rampang pinaroroonan ko noon. Nakikita ko ang mga posteng nagpapa-ikot-ikot, habang ang aking kotse ay nagpatuloy na nagpa-ikot-ikot ng tatlong beses. Alam ko noon na ako’y mamatay. Ngunit biglaan na ang kotse ay huminto. Ito’y nakaharap papunta sa maling direksyon. Ang ulan ay bumabagsak ng mahinahon sa harapan ng kotse. Ang radyo ay tumutugtog pa rin. Pinatay ko ito. Naka-upo roon ng ilang minute, sa katahimikan, mukhang naririnig ko ang mga pakpak ng mga anghel. Tapos iniikot ko ang kotse at nagmaneho papunta sa pagdarasal na pagpupulong. Ngunit hindi ako makapagdasal noong nakarating ako roon. Ang aking mga kamay ay nanginginig. Naramdaman ko na para bang ang paningin ko ay magdidilim. Ngunit iyong mga berso ng Kasalutan ay patuloy na umiikot sa aking isipan,

“Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato” (Mga Awit 91:11-12).

Isang pangalawang karanasan sa haywey ay hindi ko malilimutan. Gabi na noon ng isang Sabado. Si Gg. Gene Wilkerson at ako ay nasa Unang Tsinong Bautistang Simbahan. Kanyang minanikilya ang bulletin habang aking nilinis ang simbahan, bilang Pangulo ng mga Aser, at hinahanda ang aking sermon para sa Junyor na Simbahan sa susunod na umaga. Tapos aming itinutuklip ang buletin at hinahatid ko si Gg. Wilkerson sa kanyang apartment sa Pasadena, hilaga ng Los Angeles. Mayroon akong lumang kotse at ang panukat ng gasolina nito ay sira. Akala ko’y marami akong gasolinang sapat upang makauwi, ngunit nagkamali ako. Habang ako’y nagsimulang bumalik sa Los Angeles naubusan ako ng gas sa patungong timog na direksyon ng Pasadena Haywey, hilaga ng Istadyum ng Dodger. Ang Pasadena Haywey ang pinaka lumang haywey sa Los Angeles. Bilang ang pinaka lumang haywey ito’y nakadisenyo para sa mga mas mababagal na bilis na kaysa mga mas bagong mga haywey. Kilala ang Pasadena Haywey dahil sa mga liko nito, sa mga maiikling rampa papasok at papalabas. Dinesenyo ito para sa mababagal na pagpasok at paglabas. Ang mga balikat nito sa gilid ay maliliit o wala. Ito’y napaka makitid at sa malaking bahagi nito ay nagkukulang ng kahit anong espasyo para sa pagtabi sa gilid sa isang emerhensya. Ako’y nasa daanan papunta sa timog. Walang espasyo para sa isang kotse upang tumabi mula sa kalye. Ang aking kotse ay pumisiksik at huminto sa daanang iyon, na may paliko sa likuran ko lamang. Ang susunod na kotse parating mula sa palikong iyon ay tiyak na tatamaan ang likuran ko. Nataranta ako habang ako’y tumalon palabas ng aking kotse, hindi nalalaman kung anong gagawin ko. Ngunit agad-agad paglabas ko ng kotse nakarinig ako ng isang busina. Isang maliit na lalake ang lumabas mula sa isang VW Bug sa kabilang tabi ng isang pinagdugtong dugtong ng kadenag estokada katabi ng haywey. Nagsabit siya ng isang lata ng gas sa isang dulo ng mukhang isang polong pang pangisda. Tapos rinolyo niya ito mula sa polo, at pinahaba ito na para bang isang teleskopyo, sa ibabaw ng kadenang estokada na may gas sa dulo nito. Sinabi niya, “Bilis, ilagay mo itong gas.” Kinuha ko ang lata, at inilagay ang gas sa kotse, at ibinalik ang lata sa sabitan upang mahatak ito pabalik. Bibigyan ko na siya ng pera upang bayaran ang gas. Sinabi niya, “Huwag ka nang mag-abala pa. Bilisan mo, pumasok ka na sa kotse mo. Huwag kang mag-alala. Ginagawa ko ito tuwing gabi.” Nagmadali akong pumasok ng kotse at nagmaneho. Tapos biglang kong naisip. “Ginagawa ko ito tuwing gabi.” Tumayo ang aking mga balahibo habang naisip ko ang berso sa Bibliya na nagsasabing, “Ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel” (Mga Taga Hebreo 13:2). Hindi ko ko siya pinatuloy, ngunit tiyak na iniligtas niya ko!

“Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad. Kanilang dadalhin ka sa kanilang mga kamay, baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato” (Mga Awit 91:11-12).

Maari akong magbigay ng marami pang ibang mga kwentong tulad niyan, ngunit dapat ko nang tapusin ang sermon.

Masasabi ng aking asawa sa inyo na nagdadasal ako para sa inyo bawat gabi, habang kayo’y papunta sa mga kampus at mga kalye upang magebanghelismo sa Los Angeles. Ito’y malulupit at delikadong mga kalye. Lagi kong panalangin, “Diyos ko, protektahan ninyo mo lahat ng lalabas upang magebanghelismo ngayong gabi.” Nagpapadala na tayo ng mga tao palabas upang magebanghelismo sa madidilim na mga kalye ng halos 35 mga taon na. Himalang wala pang nasasaktan!

“Sapagka’t siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad”
       (Mga Awit 91:11).

Ang mga anghel ay kasama natin! Lumabas at magebanghelismo! Magpunta sa mga tindahan! Magpunta sa mga kampus! Magpunta sa mga kalye! Ang mga anghel ay kasama natin! Walang makapipigil sa atin! Mapunta gayon at sundin si Kristo na nagsabing,

“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
       (Lucas 14:23).

Lumabas at magebanghelismo ng mga nawawala! Walang demonyo ang makapipigil sa iyo! Si Satanas mismo ay hindi makapipigil sa iyo! Walang galit na tao ang makapipigil sa iyo! Walang makapipigil sa iyo! Ang mga anghel ay kasama natin! Mapunta at dalhin ang mga nawawala! Walang makapipigil sa iyo! Ang mga anghel ay kasama natin!

Tumayo at kantahin ang huling kanta sa inyong papel, “Magebanghelismo! Magebanghelismo!” ni Dr. Oswald J. Smith.

Bigyan kami ng isang salita para sa oras,
   Isang nakagigising na salita, isang salita ng kapangyarihan,
Isang pagsigaw sa digmaan, isang umaapoy na hininga
   Na tumatawag sa pagkatalo o kamatayan.
Isang salita upang gisingin ang simbahan mula sa pahinga,
   Upang pakinggan ang malakas na hinihingi ng Panginoon.
Ang pagtawag ay ibinigay, Ang iyong pulong ay bumabangon,
   Ang ating salita ay, magebanghelismo, magebanghelismo!

Ang natutuwang ebanghel ngayon ay nagproproklama,
   Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salita ay kumikiring sa mga ulap:
   Magebanghelismo! Magebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, isang bumagsak na lahi,
   Gawing kilala ang regalo ng Ebanghelyo ng biyaya;
Ang mundo na ngayon sa kadiliman na lagay,
   Magebanghelismo! Magebanghelismo!
(“Magebanghelismo! Magebanghelismo!” Isinalin mula sa
   “Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
       binago ni Dr. Hymers: sa tono ng “And Can It Be?”
         ni Charles Wesley, 1707-1788).

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Kasulatang Binasa Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 2:8-16.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Mr. Benjamin Kincaid Griffith:
“Banal, Banal, Ang Kinakanta ng mga Anghel.” Isinalin mula sa
“Holy, Holy, Is What the Angels Sing” (ni Johnson Oatman, Jr., 1856-1922).