Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG PISTA NG MOON KEYK AT ANG DIYOS
NA GUMAWA NG BUWAN

THE MOON CAKE FESTIVAL
AND THE GOD WHO MADE THE MOON

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-11 ng Setyembre taon 2011

“Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa” (Mga Taga Roma 1:25).


Kahit na ako’y nagtapos mula sa Unibersidad ng Estado ng California sa Los Angeles, at tatlong teyolohikal na mga seminary, natanggap ko ang karamihan ng aking praktikal na pagsasanay sa ministro mula sa aking Tsinong pastor, si Dr. Timothy Lin, na nagturo ng mga Semitikong wika at teyolohiya sa pagtatapos na departamento ng Unibersidad ng Bob Jones noong mga taon ng 1950. Siya ang aking pastor noong mga taon 1960 at mga 1970, at nagpatuloy na sinundan si James Hudson Taylor III bilang pangulo ng Tsinang Ebanghelikal na Seminaryo sa Taiwan. Kamakialan lamang ay ipinaalala sa akin ni Dr. David Innes ng balangkas ni Dr. Lin ng Mga Taga Roma 1:18-32. Ang balangkas ni Dr. Lin ay (1) Ang Ilaw ay nailantad, Mga Taga Roma 1:18-20; (2) Ang Ilaw ay tinanggihan, Mga Taga Roma 1:21-25; (3) Ang Ilaw ay inalis, Mga Taga Roma 1:26-32.

Iyan ang larawan kung anong nangyari sa lumang mundo. Sa simula “ang buong lupa ay iisa ang wika at iisa ang salita” (Genesis 11:1). Ngunit dahil sa kasalanan, sa Tore ng Babel, “doon ginulo ng Panginoon ang wika ng buong lupa: at mula roon ay pinanabog sila ng Panginoon sa ibabaw ng buong lupa” (Genesis 11:9).

Noong ang mga grupo ng mga tao ay naikalat, ang ilan sa kanila ay lumakbay ng malayo sa Silangan patungo sa ano na ngayon ay kilala bilang Tsina. Si Dr. James Legge (1815-1897) ay isang tanyag na Sinolohisto. Siya ay naging propesor ng Tsinong Wika at Literatura sa Unibersidad ng Oxford ng dalawampung taon. Sa kanyang aklat, Ang mga Relihiyon ng Tsina [The Religions of China] (Mula sa Charles Scribner’s Sons, 1881), itinuro ni Dr. Legge na ang original na relihiyon ng Tsina ay monoteyismo, ang paniniwala sa isang Diyos, na kanilang tinawag na Shang Ti (Hari ng Langit). Ipinakita niya na sa simula sumamba ang mga Tsino ng isang Diyos, dalawang libong mga taon bago ni Kristo. Ito’y mga 1,500 na mga taon bago ipinanganak sina Confucius (551-479 BC) at Buddha (563-483 BC). Ang Budiyismo ay dumating sa Tsina mula sa Indiya, at gayon, isang banyagang relihiyon na nadala sa Tsina. Ngunit mas matandang relihiyon ng pagsamba ay ng isang Diyos, si Shang Ti, ay naganap ng 1,500 na taon bago pa man ipinanganak sina Confucius o Buddha. Siyempre, sa mga dumating na mga siglo, mga nadagdag na mga espiritu ang naidagdag at sinamba, ngunit si Shang Ti ay nanatiling ang supremang Diyos ng lumang kultura ng Tsina. Ang pananaw ni Dr. Legge ay pareho noong kay Dr. Wilhelm Schmidt (isinalin mula sa Ang Pinanggalingan at Paglago ng Relihiyon isinalin mula sa The Origin and Growth of Religion, Cooper Square Publishers, 1972 edisiyon).

Napaka-aga sa kasaysayan ang Pagitna ng Taglagas na Pista ay naging napaka halagang okasyon sa Tsinong kalendaryo. Pinalitan nito sa panahon ng taglagas na ang araw at kapantay ng haba ng gabi ng solar na kalendaryo, kapag ang Buwan ay nakikita sa pinaka kabuuan at kabilugan nito. Ang maagang mga Tsinong mga tao ay hindi naniwala na ang Buwan ay isang diyos. Naniwala sila na si Shang Ti ay ang Diyos na lumikha sa Buwan at mga bituwin. Maya maya maraming mga alamat ang umusbong ang humantong sa pagsamba sa Buwan.

Ito ay higit na tulad ng nangyari sa Pagbibigay Pasasalamat sa Amerika. Ang Pagbibigay Pasasalamat ay inumpisahan ng mga Peregrino. Sila’y mga Kristiyanong nagpunta sa Amerika mula sa Inglatera na naghahanap ng kalayaan ng relihiyon. Sa unang Pagbibigay Pasasalamat kanilang sinamba ang Diyos, nagbibigay pasasalamat sa Kanya para sa pagproprotekta sa kanila at pangangaloob sa kanila. Iyan ay noong taon 1621. Ang Pagbibigay Pasasalamat ay nagpatuloy bilang isang Kristiyanong araw ng pag-alala at pasasalamat sa Diyos. Ito’y idineklarang isang pambansang okasyon ni Pangulong Abraham Lincoln (1809-1865). Ngunit ngayon, halos 400 na taon pagkatapos ng unang Pagbibigay Pasasalamat, karamihan sa mga Amerikano’y di naka-iisip sa Diyos sa anomang paraan tuwing Pagbibigay Pasasalamat. Ang salitang “Pagbibigay Pasasalamat” mismo ay nagpapahiwatig na mayroong isang Diyos na dapat nating pasalamatan. Dahil maraming mga Amerikano ngayon, kahit kaunting pagbanggit sa pagkabuhay ng Diyos ay di tinatanggap. Iyan ang dahilan napaka raming ang tumatawag nitong “Araw ng Pabo.” Imbes na isang araw upang magbigay ng pasasalamat sa Diyos, para sa kanila ito’y isang araw upang pabundatin ang kanilang sarili ng pabo, uminom ng serbesa at manood ng telebisyon. Kaya, ang mga Amerikanong ito ay tulad ng mga matatandang mga tao,

“Pinalitan […] ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at […] nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang [nilikhang mga bagay] kay sa Lumalang…” (Mga Taga Roma 1:25).

Ang pagbabago patungkol sa Pagbibigay Pasasalamat sa Amerika ay naganap sa loob lamang nga 400 na taon. Kaya hindi dapat ito nakagugulat na ang Pagitnang Tagalas na Pista ng lumang Tsina ay unti-unting nabago sa Pista ng Buwan. Hindi dapat tayo magulat na ang mga Tsino ay dahan-dahang nalimutang sambahin ang Diyos (si Shang Ti) at unti-unting nagsimulang sambahin ang dalawang tao (sina Houyi at Chang’e, ang diyosa ng Buwan) o isang “Batong-luntiang Kuneho” sa Buwan, at sambahin pati ang Buwan mismo – habang ang mga Amerikano ay unti-unting tawagin ang Pagbibigay Pasasalamat na “Araw ng Pabo.” Gayon, parehong ang mga Amerikano at mga Tsino ay “pinalitan […] ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at […] nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang [nilikhang mga bagay] kay sa Lumalang…” (Mga Taga Roma 1:25).

Ngayon, mali bang kumain ng Moon Keyk sa taglagas? Hindi sa tinggin ko – hindi ito mahigit na mali kaysa pagkain ng pabo sa Pagbibigay Pasasalamat! Ang ang Tsinong Moon Keyk ay mayroong pula ng itlog sa gitna nito, kumakatawan sa Buwan. Ngunit hangga’t ating sinasamba ang Diyos na gumawa ng Buwan, kay sa ang Buwan mismo, wala akong nakikita pagkakasala sa pagkain ng pula ng itlog sa Pista ng Pagitna na Tagalagas. Maaring mayroong kaunting mga mahihirap, na mapamahiing mga Tsinong mangbubukid na sumasamba pa rin sa Buwan. Ngunit hindi pa ako kailan man nakakilala ng isa, kahit na nakasama ko ang mga Tsino ng halos limampung taon. Binigayan ko ng isang kahon ng Moon Keyk si Dr. Lin, ang aking mahabang panahong Tsinong pastor, ilang lingo bago siya lumisan; tiyak kong kumain siya ng kahit isa lang ng mga ito. Walang idolatrya doon. Nangaral si Dr. Lin ng Ebanghelyo ng lampas saw along taon. Inibig niya ang Diyos na kanyang buong puso. Ngunit wala siyang nakitang masama sa pagkain ng keyk na may isang pula ng itlog sa loob nito, higit sa pag-isip niyang masamang kumain ng pabo sa Pabibigay Pasasalamat!

Mayroong mga tao ang nag-iisip na ang mga punong kahoy ng Pamasko ay mali dahil may ilang mga sinaunang mga tao ang sumamba sa isang idolo na gawa sa kahoy at tinakpan ito ng pilak at ginto (Jeremias 10:3-4). Isang tanyag na ebanghelista ay nagsabi na ito’y isang punong kahoy na Pamasko – at nangaral laban sa punong kahoy na Pamasko mula sa talatang ito bawat Disyembre. Ngunit paano ito naging posible na ito’y isang punong kahoy na Pamasko, dahil nagsulat si Jeremias na anim na daang taon bago si Kristo ay ipinanganak sa unang Pasko? Nagsusulat sa talatang ito sa Jeremias, sinabi ni Dr. John R. Rice,

Hindi, hindi ipinagbabawal ng Bibliya ang mga punong kayo na Pamasok. Totoo na ang mga pagano minsan sinamba ang mga puno. Sinamba rin nila ang mga hayop, sinamba ang hanggin, sinamba ang dagat, sinamba ang araw. Ngunit walang pagsasamba ng mga idolo sa pagtatayo ng isang berdeng punong kahoy na Pamasko bilang isang dekorasyon…Hindi hihigit kay sa pamamalamuti ng mga libingan ng mga bulaklak tuwing Araw ng Pag-aalala…Sinong nag-iisip na ang mga dekuryenteng mga ilaw sa puno, para sa katuwaan ng maliliit na mga bata at ilawan ang tahanan habang ang mga tao’y kumakanta ng mga masasayang awiting Pampasko, ay makasalanan? Iniibig ko ang Pasko at Pamaskong mga dekorasyon, at hindi ko iniisip na mali ang mga ito. Ang mga ito’y mga pagpapahiwatig ng kaligayahan na nasa puso habang aking iniisip kung paano naging tao ang Diyos, kung paano ang Lumalang ay naging sanggol, kung paano “bagaman siya'y mayaman, gayon ma'y nagpakadukha dahil sa inyo, upang sa pamamagitan ng kaniyang karukhaan ay magsiyaman kayo,” II Mga Taga Corinto 8:9 (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., I Love Christmas, Sword of the Lord Publishers, 1955, pp. 11-12).

At kaya ganoon din ito sa mga Tsino sa Tsina, Taiwan, Korea, Vietnam, Malaysia, Singapore, Pilipina, at sa mga Tsino sa Indonesiya, Amerika, at marami pang ibang mga bansa, na umuupo para sa isang pormal na hapunan, nagbibigay pasasalamat sa Diyos sa panalangin, at kumakain ng tradisyonal na Moon Keyk sa Pista ng Pagitnang-Taglagas. Hayaang maalala nila na ang mga sinaunang mga Tsino ay sumamba sa isang Diyos, na lumikha sa Buwan. Hayaang maalala nila na ang pagsamba-sa-Buwan ay maya mayang pagkabuo, ngunit si Hesus ay dumatin upang dalhin tayo pabalik sa orihinal na Diyos ng ating pinaka sinaunang mga ninuno. Sinabi ng propeta Isaias,

“Narito, ang mga ito'y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).

Ang Puspusang Indise ng mga Salita ni Strong [Strong’s Exhaustive Concordance]; sina Brown, Driver at Briggs; Gesenius; Dr. John Gill; Keil at Delitzsch, at James Hudson Taylor lahat ay nagsabi na ang salitang “Sinim” (binibigkas na see-neem) ay tumutukoy sa Tsina (i-klik ito upang mabasa ang akin sermon, “Tsina sa Propesiya ng Bibliya” [“China in Bible Prophecy”]).

Ang Isaias 49:12 ay isang mahalagang propesiya, hinuhulaan ang pagbalik ng Tsina sa tunay na Diyos sa katapusan ng panahon. Ang matinding muling pagkabuhay na nagaganap sa Republika ng mga Tao ng Tsina ay ang pinaka matinding pagpupulong-pulong ng mga bagong Kristiyano sa makabagong kasaysayan. Ngayon ating nasasaksihan ang libo-libong mga Tsino na nagpupunta sa Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Hesu-Kristo. Si Kristo ay dumating upang dalhin ang sangkatauhan pabalik sa orihinal na Diyos, sino ay minsan sinamba ng ating pinaka sinunang mga ninuno sa lahat ng mga bansang minsan ay sinamba. Dumating si Kristo upang dalhin tayo pabalik sa Diyos. Si Kristo ay namatay sa Krus upang bayaran ang multa para sa iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng bagong pagkapanganak at buhay na walang hanggan. Magsitayo at kantahin ang himno bilang pito sa inyong kantahang papel!

Sa Diyos maging ang luwalhati, dakilang mga bagay na Kanyang ginawa,
   Inibig Niyang lubos ang mundo na ibinigay Niya ang Kanyang Anak,
Na sumuko ng Kanyang buhay para sa pakikisundo ng kasalanan,
   At binuksan ang pasukan-ng-Buhay upang ang lahat ay makapasok.
Papuri sa Panginoon, papuri sa Panginoon, Hayaang marinig ng lupa ang Kanyang tinig!
   Papuri sa Panginoon, papuri sa Panginoon, Hayaan ang mga taong magalak!
O magpunta sa Ama sa Pamamagitan ng Anak, At bigyan Siya ng luwalhati,
   Mga Dakilang bagay na Kanyang ginawa.

O ganap na pagtutubos, ang pagbili ng dugo, Sa bawat mananampalataya ang pangako ng Diyos,
   Ang pinakamasamang makasalanan na tunay na naniniwala,
Sa sandaling iyon mula kay Hesus isang kapatawaran ang natatanggap.
   Papuri sa Panginoon, papuri sa Panginoon, Hayaang marinig ng lupa ang Kanyang tinig!
Papuri sa Panginoon, papuri sa Panginoon, Hayaan ang mga taong magalak!
   O magpunta sa Ama sa Pamamagitan ng Anak, At bigyan Siya ng luwalhati,
Mga Dakilang bagay na Kanyang ginawa.
    (“Sa Diyos Maging Ang Luwalhati.” Isinalin mula sa “To God Be the Glory”
      ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

(KATAPUSANG NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) – or you may
write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Or phone him at (818)352-0452.

Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Mga Taga Roma 1:18-25.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Napaka Dakila Mo.” Isinalin mula sa “How Great Thou Art”
(ni Carl G. Boberg, 1859-1940; Isinalin ni Stuart K. Hine, 1899-1989).