Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
TSINA SA PAGHUHULA SA BIBLIYA CHINA IN BIBLE PROPHECY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12). |
Sinabi ni Dr. Edward J. Young tungkol sa bersong ito,
Gayon, parehong ang una at huling mga miyembro ng berso ay naghahayag ng kaisipan ng malaking distansya, habang ang dalawang gitnang miyembro ay nagtuturo sa tiyak na mga direksyon. Sa kahit anong pagsubok upang makilala ang lupain ng Sinim dapat tayong tumingin para sa isang lugar malayo mula sa Palestine. Isang lumang interpretasyon ay [nagtuturo] nito sa Tsina (isinalin mula kay Edward J. Young, Ph.D., The Book of Isaiah, William B. Eerdmans Publishing Company, 1972, volume 3, p. 282).
Ang salitang “Sinim” (binibigkas na see-neem), ayon sa Strong’s Exhaustive Concordance (#5515, p. 82), ay nangangahulugang “plural ng…Sinim, isang malayong Oriyental na rehiyon.” Itinuturo ni Brown, Driver at Briggs ang “Sinim” “sa mga tao ng Timog Tsina” (sulat sa Isaias 49:12). Sinabi ni Heinrich Gesenius (1786-1843), sa kanyang Hebrew-Chaldee Lexicon (1821),
Inaasahan sa sitwasyon, na ito ay dapat maging isang malayong bansa [mula sa Judah]…naiintindihan ko ito bilang lupa ng Seres ng Tsina, Sinenses; itong napaka luma at tanyag na bansa ay kilala ng mga Arabo at Siryano…at maaring kilala ng isang Hebreong manunulat na nakatira sa Babylonia…na sa yaong panahon ang pangalang ito ay ibinigay sa mga Tsino, sa pamamagitan ng ibang mga bansa ng Asiya, at ang mga maaring pinagmulan ng mga ito, ay hindi lang simpleng nagpapakita (isinalin mula sa Gesenius, Hebrew-Chaldee Lexicon, Baker Book House, 1990 inilimbag muli, pp. 584-585).
Itinuro ni Dr. John Gill (1697-1771) na si Manasseh ben Israel (1604-1657), isang Hebreong iskolar, ay kinilala ang Sinim bilang ang Tsina, gaya ni Ptolemy (c. 90-168 AD), isang Ehiptong siyentipiko at heograper (isinalin mula kay John Gill, D.D., An Exposition of the Old Testament, The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, volume I, p. 289; sulat sa Isaias 49:12). Ang ilang mga modernong iskolar gaya ng makikita sa kumento sa ibaba ng pahina ng NIV, ay mukhang nakalilitong sa “kinang” sa Dead Sea Scrolls, ngunit ang Masoretikong Teksto’y, na ibinibigay ang lumang pagbabasa, ay tiyak na mayroon ang salitang “Sinim.” Ang mas lumang pagbasa sa Masoretikong Teksto ay tama, at nagtuturo ng may katiyakan sa Tsina. Ito ang posisyon ng mga Ermanong iskolar na sina C. F. Keil at Franz Delitzsch, na nagturo na ang salitang “Sinim” ay tumutukoy sa mga Tsino (isinalin mula kina C. F. Keil and F. Delitzsch, Commentary on the Old Testament, William B. Eerdmans Publishing Company, 1973 inilimbag muli, volume VII, pp. 266-268). Pinanghawakan rin ni James Hudson ang pananaw na ito.
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
Bakit iyan importante sa atin ngayon? Bakit tayo dapat mag-alala na ang lumang salita para sa Tsina ay nagpapakita sa paghuhulang ibinigay ni Isaias? Bibigyan ko kayo ng tatlong dahilan mula sa Bibliya.
I. Una, tatanggapin ng mga Tsino ang Manunubos ng Israel.
Tignan ang Isaias 49:6. Magsitayo at basahin ito ng malakas.
“Kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ni Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa” (Isaias 49:6).
Maaring magsi-upo.
Ito’y tumutukoy sa “Manunubos ng Israel [ang Diyos] na kanilang Banal” [si Hesus, ang Messias] (Isaias 49:7). Ang Diyos Ama, at si Hesus, ang nag-iisang Anak ng Diyos, ay magiging “pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa (Isaias 49:6).
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
Sinabi ni Dr. Edward J. Young, “[Ito’y] tumutukoy doon sa hindi lamang mga Israelita sa laman kundi sa lahat na Kanyang napili sa walang hangang buhay” (Isinalin mula kay Young, ibid., p. 283). Pakilipat sa Isaias 60:3. Magsitayo at basahin ito ng malakas.
“At ang mga bansa [mga Gentil] ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat” (Isaias 60:3).
Ngayon basahin ang berso 5 ng malakas.
“Kung magkagayon ikaw ay makakakita at maliliwanagan ka, at ang iyong puso ay titibok at lalaki; sapagka’t ang kasaganaan ng dagat ay mababalik sa iyo, ang kayamanan ng mga bansa [mga Gentil] ay darating sa iyo” (Isaias 60:5).
Maari ng magsi-upo.
“Ang mga bansa [mga Gentil] ay paroroon sa iyong liwanag.” “Ang kayamanan ng mga bansa [mga Gentil] ay darating sa iyo.”
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
II. Pangalawa, ang mga Tsino ay darating mula sa silangan at uupo sa darating na Kaharian ni Kristo.
Paki-lipat sa Lucas 13:29. Basahin ito ng malakas.
“At sila’y magsisipanggaling sa silanganan at kanlunuran, at sa timugan at sa hilagaan, at magsisiupo sa kaharian ng Dios”
(Lucas 13:29).
Dito’y simpleng sinasabi sa atin ni Kristong, “Sila’y magsisipanggaling sa silanganan.” Si Dr. John MacArthur kahit na mali sa Dugo ni Kristo, ay tamang nagsasabi tungkol sa bersong ito,
Sa pamamagitan ng pagsasali sa mga tao mula sa apat na mga sulok ng lupa, ginawa itong malinaw ni Hesus na kahit mga Gentil ay maiimbitahan [sa Kaharian ng Diyos] (isinalin mula kay John MacArthur, D.D., The MacArthur Study Bible, World Bibles, 1997, p. 1542; sulat tungkol sa Lucas 13:29).
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
III. Pangatlo, ang mga Tsino ay darating kay Kristo sa katapusang panahon.
Naniniwala ako na ang Lucas 13:30 ay dapat intindihin sa ganoong paraan. Paki basa ang berso 30 ng malakas,
“At narito, may mga huling magiging una at may mga unang magiging huli” (Lucas 13:30).
Pansinin ang katapusan ng berso, “at may mga unang magiging huli.” Sino ang mga “una” sa berso 29? Yoong mga manggagaling mula sa silangan.” Gayon, naniniwala ako, na ang katapusan ng berso 30 ay tumutukoy sa mga Tsino at ibang mga tao ng Malayong Silangan na nagpupunta kay Kristong huli, malapit sa katapusan ng panahong ito.
Hindi ba ito totoo habang tinitignan natin ang kaganapan sa mundo ngayon?
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
Kailan na ang mga tao ng Sinim [ng Tsina] ay nagsimulang bumuhos sa Kaharian ni Kristo? Hindi hangang sa pagkatapos ng Kanlurangang mga misyonariyo ay na puwersa palabas ng Tsina sa pamamagitan ng mga Komunista noong 1949. Noong ang mga Kanlurangang misyonaryo ay umalis sa Tsina mayroon lamang mga isang milyong Tsinong Kristiyano doon. Ngayon ito’y hinuhulaan na mayroon na ngayon sa pagitan ng 70 at 90 milyong mga Kristiyano sa Tsina. Isinulat ni David Aikman, ang dating Hepe ng Beijing Bureau, sa Time magasin, na
Ang Tsina ay nasa proseso ng pagiging Kristiyano…ito’y posible na ang mga Kristiyano ay bubuo sa…30 pursyento ng populasyon ng Tsina sa loob ng [dalawang] dekada… Nararapat na konsiderahin ang mga posibilidad na hindi lang sa bilang, kundi pati ang intelektwal na sentro ng kahalagahan para sa Kristiyanismo ay maaring alising tiyak palabas ng Europa at Hilagang Amerika habang ang Kristiyanisasyon ng Tsina ay magpatuloy habang ang Tsina ay maging isang global na makapangyarihan (Isinalin mula kay David Aikman, Jesus in Beijing, Regnery Publishing, Inc., 2003, pages 285, 291).
Si Dr. C. L. Cagan, isang propesyonal na estatistisyan, ay hinuhulaan na mayroong lampas sa 700 na mga pagbabangong loob kay Kristo bawat oras, 24 oras isang araw, pitong araw isang linggo, sa Tsina. Ako’y kumbinsido na ito ay isang katuparan ng propesiya ni Isaias,
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
Ako ay sigurado na ito’y isang propesiyang Bibliya ng dakilang muling pagbabangon na ngayon ay nagaganap sa Republika ng mga Tao ng Tsina. Iyan ang dahilan na inuudyok kitang pumunta kay Kristo! Siya ang Tagapagligtas ng buong sanglibutan! Nakita ni Juan Bautista si Hesus na dumarating at nagsabing,
“Narito ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan” (Juan 1:29).
Maging ikaw man ay Tsino, o mula sa ibang grupong etniko, si Hesus ay dumating upang mamatay sa Krus – upang bayaran ang multa ng iyong kasalanan. Lumapit kay Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya at ang Kanyang Dugo ay maghuhugas ng iyong mga kasalanan at ika’y maliligtas mula sa kasalanan, Impiyerno at sa hukay!
“Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12).
Siguraduhin na isa ka doon sa mga magppupunta kay Hesus at maliligtas! Isinulat ni Dr. John R. Rice ang isang magandang kanta na nagsasabing,
Mayroon kaming isang kwento ng pag-ibig na lampas sa lahat ng sukat,
Sinasabi namin kung paanong mga makasalanan ay napapatawad.
Mayroong libreng kapatawaran dahil si Hesus ay nagdusa,
At gumawa ng pakikipagsundo sa puno ng Kalbaryo.
O, anong bukal ng awang umaagos,
Pababa mula sa napakong Tagapagligtas ng tao,
Mahal ang dugo na Kanyang ibinuhos upang itubos tayo,
Biyaya at kapatawaran para sa lahat ng ating mga kasalanan.
(“O Anong Isang Bukal!.” isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Magsitayo tayo at kantahin ang “Bilang Ako Lamang”! Ito’y bilang 7 sa inyong papel.
Bilang ako lamang, na walang paghingi ng tawad,
Ngunit ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin,
At ako’y Iyong tinatawag na lumapit sa Iyo,
O Cordero ng Diyos, Akoy pupunta sa Iyo, Ako’y pupunta sa Iyo!
(“Bilang Ako Lamang,” isinalin mula sa “Just As I Am”
ni Charlotte Elliott, 1789-1871).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet
sa www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Isaias 60:1-5.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“O, Anong Bukal!” Isinalin mula sa “Oh, What a Fountain!”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
ANG BALANGKAS NG TSINA SA PAGHUHULA SA BIBLIYA ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Narito, ang mga ito’y manggagaling sa malayo; at, narito, ang mga ito ay mula sa hilagaan, at mula sa kalunuran; at ang mga ito ay mula sa lupain ng Sinim” (Isaias 49:12). I. Una, tatanggapin ng mga Tsino ang Manunubos ng Israel, Isaias 49:6, 7; II. Pangalawa, ang mga Tsino ay darating mula sa silangan at uupo sa III. Pangatlo, ang mga Tsino ay darating kay Kristo sa katapusang panahon, |