Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ISANG “BAGONG” PARAAN NG PAKAKAMIT NG KALULUWA! A “NEW” METHOD OF SOUL WINNING! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral” “Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” |
Nasubukan ko na halos lahat ng paraan ng pangangamit ng kaluluwa sa loob ng 53 kong taon sa ministro. Nangaral na ako sa mga sulok ng kalye ng San Francisco, Kanlurang Los Angeles, at Pershing Square sa gitnang lungsod ng Los Angeles ng daan-daang beses na hindi nakakikita ng isang nawawalang kaluluwa na pumapasok sa simbahan at nanatili! Namigay na ako ng mga pampleta ng daan-daan na walang tiyak na mga resulta. Ang aming mga tao ay namigay ng malapit sa isang milyong mga pampleta na hindi nakakapagdag-dag ng isang napagbagong loob sa ating simbahan. Nagpunta na kami sa mga tahanan at nagbibigay ng pinaikling plano ng kaligtasan at nagdadasal kasama ng mga tao, sa buong Los Angeles, na hindi nakakakuha ng higit sa tatlo o apat na mga tao sa simbahan bilang mga matibay na mga Kristiyano. Nangaral na ako sa radiyo ng lampas sa isang taon na hindi nakakapagdag-dag ng isang napagbagong loob sa ating simbahan. Ilang mga taon noon, sa Sacramento, California itinuro ko sa isang malaking grupo ng mga kabataan “Ang Ebanghelismong Pagsabog.” Naisagawa namin ito, ngunit wala kaming nakitang bunga mula rito. Walang pumasok sa lokal na simbahan at nanatili. Nagkaroon kami ng isang bus na ministro ng maraming taon, ngunit, muli, walang nagtagal na bunga ang nagmula rito.
Hindi ko sinasabi na ang mga paraan na ito ay mali. Sinasabi ko lamang na hindi sila umuubra. Sa kamunti man ay hindi ito umuubra sa Los Angeles, San Francisco, o Sacramento, kung saan sinbukan ko sila ng maraming taon. Marahil ay makakapagbuo ito ng ilang bunga sa mga bukirang mga lugar, o sa maliliit na mga nayon, ngunit alam ko hindi sila nakakapagbunga ng maraming mga Kristiyano sa malalaking mga siyudad ng Amerika.
Pagkatapos ng mahabang panahon ating natuklasan ang isang paraan upang makapagwagi ng mga ilang mga di-ligtas na mga makasalanan kay Kristo. Tinutukoy ko itong bagong paraan na ito bilang “nakasentro sa lokal na simbahang ebanghelismo.” Ang ibig naming sabihin ay ito – imbes na pagsasabi ng isang “madaliang pananalangin” kasama nila at pagkatapos ay “sinusundan” sila, ginagawa namin ang kabaligtaran nito. Sinusundan namin muna sila, tapos ay inihahayag namin sa kanila ang Ebanghelyo. Iyan ay, pinapapasok muna namin sila sa simbahan, tapos ay naririnig nila akong mangaral ng Ebanghelyo.
Halos bawat isa ng mga miyembro ng aming simbahan ay naiwagi kay Kristo gamit nitong “bagong” paraan na ito. Naglalagay ako ng mga panipi sa paligid ng “bago” dahil ito’y sa katotohanan ay isang napaka lumang paraan. Alam kong mayroong ilang kaunting mga pagkakataon sa Aklat ng Mga Gawa kung saan mayroong isang taong nagbigay ng Ebanghelyo sa isa at nakuha silang maligtas, tulad nina Felipe sa Ethiopianog eunucho, si Pablo sa Filipianong tagapagbilanggo, at si Pedro kay Cornelius. Ngunit dapat itong matandaan na si Felipe ay na-ordinang diakono (Mga Gawa 6:5-6) at si Pedro at Pablo ay mga Apostol. Si Felipe (Mga Gawa 8:5), si Pedro at Pablo ay mga mangangaral, hindi mga karaniwang mga Kristiyano. Si Felipe ay tinawag na “ebanghelista” sa Mga Gawa 21:8. Siya ay isang naordinang diakono at isang ebanghelista. Habang mayroong ilang kaunting mga pagkakataon nitong mga tinawag ng Diyos na mga Apostol at mga ebanghelista na naggagabay ng mga tao kay Kristo, walang duda na ang karamihan sa libo-libo ng mga tao na naligtas sa Aklat ng mga Gawa ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pagdinig ng pangangaral – kasama na nang tatlong libong napagbagong loob sa Pentekostes sa ilalim ng pangangaral ng tatlong libong napagbagong loob sa Pentekostes sa ilalim ng pangangaral ni Pedro, ang limang libong napagbagong loob sa ilalim ng pangangaral ng mga Apostol (Mga Gawa 4:4), ang malaking grupo na napagbagong loob sa ilalim ng pangangaral ni Felipe ang ebanghelista sa Samaria (Mga Gawa 8:5, 8), at maraming mga Gentil na napagbagong loob sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo sa Antioch sa Pisidia (Mga Gawa 13:44, 48). Ang lahat ng mga libo libong mga ito ay napagbagong loob sa pamamagitan ng pangangral at nabuong mga lokal na mga simbahan agad-agad, “At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mga Gawa 2:47). Kaya, iyan para sa akin ay ang lumang paraan, hindi isang bagong paraan sa anumang paraan!
Saliksikin ang mga kasaysayan ng Krisityanong mga aklat at mahahanap mo na ito ay walang dudang ang pinaka matinding nagamit na paraan ng ebanghelismo sa lahat ng mga panahon: makuhang ang mga nawawalang mga makasalanan sa simbahan muna, at tapos ipangaral sa kanila ang Ebanghelyo. Sa ika-pitum-pung siglo sinabi ng ebanghelistikong pastor na si Richard Baxter,
Kapag bibigyan ng Diyos ang kahit sinong tao ng nakaliligtas na biyaya, madalas niya itong ibinibigay sa pamamagitan ng mga paraan ng biyaya…Isang partikular na paraan ng pagbabagong loob ay, ang pagdidinig ng salitang naipangangaral ng mga minister ni Kristio sa publikong pagpupulong [ang simbahan]. “Paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?” …Tignan ang mga Kasulatan, at tignan kung ang mga karaniwang mga paraan ng pagbabagong loob ay hindi naibigay sa pamamagitan ng pagdinig sa salita ng Diyos na naipangaral (isinalin mula kay Richard Baxter, 1657, A Treatise on Conversion, The American Tract Society, pp. 320, 321, 325).
“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral”
(I Mga Taga Corinto 1:21).
“Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
(Mga Taga Roma 10:14).
Ang kaisipan na ang bawat mga Kristiyano ay dapat ihayag ang Ebanghelyo at magsabi ng isang “madaliang panalangin” kasama ng mga nawawala sa harapan ng kanilang pintuan – at tapos ay subukang “masundan” sila – ay nagmula sa “desisiynismo” ni Finney halos 170 mga taon ang nakalipas. Sinundan ni Moody si Finney sa paniniwala na ang kahit sino ay maaring maligtas sa kahit anong oras, kaya ang mga Kristiyanong ay napuwersang maggabay ng mga kaluluwa kay Kristo sa isang madaliang pagpapahayag ng Ebanghelyo at isang madaliang panalangin. Gayon man panahon at karanasan ay nagturo sa atin na ang paraan na ito ay bihirang umuubra. Iyan ang dahilan na maraming mga simbahan ngayon ay isinusuko ang paraan na ito at tumitingin sa isang anyo ng labis na Kalivinismo, kung saan ang mga Kristiyano ay hindi inaasahang gumawa ng kahit-ano upang maabot ang mga nawawala. Nagpupunta lamang sila sa simbahan upang matutunan ang Bibliya! I-klik ito upang mabasa ang aking sermon sa, “Ang Ebanghelismo sa Naunang mga Simbahan – isang Halimbawa Ngayon.” Matututunan mong higit pa ang pagkakaiba sa pagitan ng limang-puntong Kalvinismo at labis na Kalvinismo sa sermong iyon.
Labis na Kalvinismo ang hinarap ni William Carey noong kanyang ipinanukala sa isang komite ng mga pastor na naramdaman niyang tinatawag na magpunta sa Indiya bilang isang misiyonaryo. Isang labis na Kalvinistang Bautismong mangangaral sa komiteng iyon ay tumayo at nagasabing, “Umupo ka binata. Kapag pipiliin ng Diyos na iligas ang mga hetano Kanya itong gagawin na wala ang iyo o aking tulong.” Iyan ang ugali ng labis na Kalvinismo. Kahit ngayon sila’y nagpapadala ng mga banyagang mga misyonariyo, natatakot ako na maraming mga na-Repormang mga pastor ay mayroong labis na Kalvinistikong ugali tungo sa nawawala sa kanilang sariling mga komunidad.
Sinabi ni Rev. Iain H. Murray mismo isang limang puntong Kalvinista, “…maipapakita na ang prioridad na mayroon ang pagkakamit ng mga kaluluwa sa ministro ni Spurgeon ay hindi karaniwang nakikita bilang ating prioridad. Ang pagkabuhay muli ng [na-Repormang] doktrina ay madalang na naipapares sa isang muling pagkabuhay na ebanghelismo. Habang hindi tinatanggap ang mga dogma ng Labis na Kalvinismo maari ito ng hindi tayo sapat na nagising sa panganib ng pagpapayag sa isang pinaniniwalang kaalinsunan ng doktrina na manaig sa biblikal na prioridad ng kasigasigan para kay Kristo at ang mga kaluluwa ng tao. Ang doktrina na walang kapakinabangan ay hindi isang premyo” (isinalin mula kay Iain H. Murray, Spurgeon v. Hyper-Calvinism, The Banner of Truth Trust, 1995, p. xiv).
Sinasabi ko na kailangan nating idiin ang bawat miyembrong ebanghelismo sa ibang paraan – na ang lahat ay dapat maipadala upang mag-imbita ng mga nawawalang mga tao sa simbahan, upang madinig ang Ebanghelyong maipangaral dahil,
“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral”
(I Mga Taga Corinto 1:21).
“Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
(Mga Taga Roma 10:14).
Ang paraan na ito ay inirekumenda ni Spurgeon, na nagsabi na,
Anong maari mong gawin upang makakamit ng mga kaluluwa? Pabayaan akong irekumenda…ang pagdadala ng iba upang marinig ang salita. Iyan ang tungkulin na higit na pinababayaan…na humihikayat [ng mga tao] upang pumaharap sa lugar ng pagsasamba; bantayan sila, akitin sila, hikayatin sila…Dalhin sila sa ilalim ng salita, at sinong naka-aalam kung anong maaring resulta? O anong pagpapala ito sa iyo kung…ang hindi mo magawa, para sa iyo, ay madalang na nagsasalita para kay Kristo, ay nagawa ng iyong pastor, sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, sa pamamagitan ng iyong pag-uudyok [paghihikayat] sa isang magpunta loob ng saklaw ng ebanghelyo (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Soul Winning,” The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1976, volume XV, pp. 32-33).
Sa pamamagitan ng paraan na ito nakita ni Spurgeon ang kanyang mga taong nagdadala ng mga nawawala sa kanyang simbahan upang marinig ang Ebanghelyo. Oo, upang marinig siyang mangaral ng Ebanghelyo! Ang pastor ay nahihikayat na mangaral ng mga buong sermon sa Ebanghelyo ni Kristo kapag nakikita niya ang kanyang mga taong nagdadala ng mga nawawala. Ang ilan ay na susurpresa na matagpuan na ipinangangaral ko ang Ebanghelyo bawat Linggo. Ako’y natutulak na gawin ito dahil sa katunyan na ang ating mga tao ay nagdadala ng mga nawawala, at mayroong mga nawawalang mga tao sa bawat paglilingkod.
Maaring mayroong mag-iisip na masyadong higit na ebanghelistikong pangangaral, pangangaral ng Ebanghelyo sa mga nawawala, ay gagawa sa mga Kristiyanong mahina, na ang Linggong Paaralang pagtuturo at pagtuturo ng Bibliya pagkatapos ng pananalanging pagpupulong ay hindi sapat, na dapat rin nilang isaalang-alang ang umaga ng Linggong paglilingkod para sa higit-higit pang pag-aaral ng Bibliyang nakadirekta sa mga ligtas, na gagawin nito ang mga ligtas na mga taong malakas. Ngunit nahanap ko ito bilang isang huwad na kaisipan. Ang ilan sa pinaka malalakas na mga Kristiyanong aking nakilala ay nasa aming simbahan na nadirinig ang Ebanghelyo kada umaga ng Linggo, taon kada taon. At ang ilan sa pinaka mahihinang mga taong kilala ko ay nanggagaling sa mga simbahan kung saan sila’y nasa ilalim ng berso-kada-bersong pag-aaral ng Bibliya bawat Linggo, at hindi kailan man nakarinig ng mga buong nakasaalang-alang sa Ebanghelyo ni Kristo.
Halos lampas sa isang daang taon pagkatapos ng kanyang kamatayan, ang mga sermon ni Spurgeon ay naka limbag pa rin, at binabasa ng mga libo-libo. Gayon man karamihan sa mga sermon ni Spurgeon ay mga ebanghelistikong, Ebanghelyong sermon. Ipinangaral ni Spurgeon ang mga ito nang may matinding puwersa at hikayat, kahit pa noong siya ay may sakit patungo sa katapusan ng kanyang ministro. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “Si Spurgeon ay isang pastor sa lahat ng kanyang mga araw at hindi kailan man tinawag ang kanyang sariling isang ebanghelista. Gayon man ay dumadaming libo-libo ay naligtas sa ilalim ng kanyang ministro, at ang Metropolitan Tabernacle [ang kanyang simbahan] ay tinawag na ‘bitag ng kaluluwa’” – dahil napakarami ay napagbagong loob sa ilalim ng kanyang pangangaral (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Why Our Churches Do Not Win Souls, Sword of the Lord Publishers, 1966, p. 68).
O, naway ating sundan ang halimbawa ng mga Apostol, si Richard Baxter, Spurgeon, at iba pang mga dakilang mangangaral ng Ebanghelyong pastor ng nakaraan. Naway tulungan ako ng Diyos na ipanangaral si Kristo sa katapusan ng aking mga araw! Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo,
“Aking pinasiyahang walang maalaman anoman sa gitna ninyo, maliban na si Jesucristo, at siya na napako sa krus”
(I Mga Taga Corinto 2:2).
“Kinalugdan ng Dios na iligtas ang mga nagsisipanampalataya sa pamamagitan ng kamangmangan ng pangangaral”
(I Mga Taga Corinto 1:21).
“Paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?”
(Mga Taga Roma 10:14).
At naway kayong mga minamahal na mga kapatid, ay magtratrabaho kasama ko sa pamamagitan ng paggagawa ng lahat ng inyong makakaya upang magdala ng mga nawawala sa ating simbahan upang marinig ang Ebanghelyong mapangaral! Kantahin ang koro ng “Dalhin Sila Papasok” habang tayo’y magsisitayong sabay-sabay.
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
Dalhin sila papasok mula sa bukid ng kasalanan;
Dalhin sila papasok, dalhin sila papasok,
Dalhin ang mga naliligaw kay Hesus.
(“Dalhin Sila Papasok.” Isinalin mula sa “Bring Them In”
ni Alexcenah Thomas, 19th century).
At ngayon, aking kaibigan, kung hindi ka pa napagbabagong loob, nagmamakaawa kami sa iyong magpunta kay Hesus. Namatay siya sa Krus upang magbayad para sa iyong mga kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang mahugasan ang iyong mga kasalanan. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Nananalangin Siya para sa iyo sa itaas sa Langit, sa kanang kamay ng Diyos. Magpunta kay Hesus at ika’y Kanyang ililigtas, ililigtas ka na niya ngayon!
Kung hindi ka ligtas ngayon, o kung mayroon kang tanong patungkol sa iyong kaligtasan, ang mga diakono at ako ay matutuwang makipag-usap sa iyo ng ilang minuto. Magpunta sa likuran ng silid ngayon at gagabayan kayo ni Dr. Cagan sa isang tahimik na lugar kung saan tayo’y makakapag-usap. Amen.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan:
Mga Taga Roma 10:14-17.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Narito Ako.” Isinalin mula sa “Here Am I”
(ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).