Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
EBANGHELISMO SA MAAAGANG MGA SIMBAHAN – EVANGELISM IN THE EARLY CHURCHES – ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “At pinalapit niya sa kaniya ang labingdalawa, at nagpasimulang sinugo sila na daladalawa” (Marcos 6:7). |
Ang labindalawang mga kalalakihang ito ay nakasama lamang ni Hesus ng ilang lingo. Ngunit agad-agad ipinadala Niya sila na daladalawa upang mgangaral (Marcos 6:12). Kahit sa pinaka oras na tinawag sila ni Hesus, ginawa Niya ito “upang sila'y suguin niyang magsipangaral” (Marcos 3:14). Tiyak na alam ninyo na ang mga kalalakihang ito ay hindi gaano ma-espiritwal. Tiyak na alam ninyo na si Hudas ay hindi napagbagong loob, na si Tomas ay hindi pa nananampalataya sa Ebanghelyo, na sinubukan ni Pedrong pigilan si Hesus mula sa pagpupunta sa Krus. Gayon man ipinadala sila ni Kristo agad-agad upang mag-ebanghelismo! Ang pinaka unang bagay na sinabi ni Hesus kay Pedro at Andres ay “Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao. At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya” (Mateo 4:19-20).
Muli, mga isang taon maya-maya, tinawag ni Kristo ang pitom-pu ng Kanyang mga taga-sunod, “at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan” (Lucas 10:1). Paki lipat sa talatang iyon sa Lucas 10. Tumayo at paki basa ang mga berso 1 hangang 3.
“Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan. At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin. Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo” (Lucas 10:1-3).
Maari nang magsi-upo.
Paraan ni Kristo na magpadala ng mga tao sa ebanghelismo ng dala-dalawa. Sa palagay ko iyan mismo ang kailangan nating gawin ngayon. Gayun din pansinin na ang mga ito’y mga baguhan, mga batang mga Kristiyano sa pinaka-mahusay, ngunit ipinadala Niya sila agad-agad. Hindi Siya gumuguol ng mga taon upang ituro sa kanila ang Bibliya bago sila ipinadala. Hindi! Sinabi Niya sa kanila,
“Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo” (Lucas 10:3).
Pansinin rin na sinabi ni Kristo ang mga walang karanasang mga batang tagasunod kung ano dapat ang ipagdasal. At sinabi Niya sa kanila kung ano dapat ang ipagdasal sa berso dalawa,
“Idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin” (Lucas 10:2).
Sinabi Niya sa pitongpung mga walang karanasang mga batang tagasunod upang magdasal na ang Diyos ay magpadala ng maraming-maraming mga tao sa ani! Sinabi ni Dr. John R. Rice ito ng mahusay sa isa sa kanyang nakapapag-bagbag damdaming kanta,
Dapat tayong magdasal sa Panginoon ng Ani,
“Mga manggagapas na ipinadala sa parang.”
Kakaunti ang mga manggagapas; maputi at naaksaya
Ang mga parang, napaka yaman ng ani.
Narito ako! Narito ako! Ipadala ako, O Panginoon ng Ani,
Hingahan ako ang Iyong Banal na Espiritu.
Narito ako! Narito ako!
Ipadala ako upang makapagwagi ng isang mahal na kaluluwa ngayon.
(“Narito Ako.” Isinalin mula sa “Here Am I” ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).
Sa katapusan ng Kanyang makalupaing paglilingkod, sinabi ni Kristo sa kanila ang parehong bagay,
“Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan. Amen” (Mateo 28:18-20).
Sa katapusan ng Marcos sinabi ni Kristo,
“Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15).
Sa katapusan ng Lucas sinabi ni Kristo,
“At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).
Malapit sa katapusan ng ebanghelyo ni Juan sinabi ni Kristo,
“Kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo” (Juan 20:21).
At ang mga huling salita ni Kristo bago Siya pumaitaas pabalik sa Langit ay,
“At kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa” (Ang Mga Gawa 1:8).
Mayroon minsang isang lalake na nagpahiwalay sa simbahang ito sa pagsasabing ang mga pag-uutos na ito ay para lamang sa mga Apostol, at walang mga Krisityano ang nangangailangang sumunod sa kanila ngayon. Isinuot niya ang balabal ng labis na Kalvinismo upang humatak ng mga taong sumunod sa kanyang iwanan ang kanilang simbahan. Ngunit walang dumating mula rito, dahil hindi maaring magkaroon kailan man ng pagpapala kung saan ang mga salita ni Hesus ay binabaluktot at isinusuway
.Si Spurgeon ay isang limam-puntong Kalivinisto, ngunit hindi siya isang labis na Kalvinisto. Gaya nang ating makikita mayroong pagkakaiba sa pagitan ng dalawa. Sinabi ni Spurgeon,
O! Na madinig ng Simbahan ang Tagapagligtas na sinasabi ang mga salitang ito sa kanya ngayon; dahil ang mga salita ni Kristo ay nabubuhay na mga salita, hindi nagkakaroon ng kapangyarihan sa kanila kahapon lamang, kundi ngayon rin. Ang mga pag-uutos ng Tagapagligtas ay pirmihan sa kanilang obligasyon: hindi lamang sila bumibigkis sa mga Apostol lamang, kundi sa atin rin, at sa bawat Kristiyano na ang yugong ito’y pinagbabagsakan, “Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.” Hindi tayo malaya ngayon mula sa paglilingkod ng unang mga tagasunod ng Kordero; ang ating nagmamartsang utos ay parehas ng kanila, at ang ating Kapitan ay nangangailangan mula sa atin ng pagsunod na kasing agap at ganap na gaya ng mula sa kanila (isinalin mula kay C. H. Spurgeon, The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1986 inilimbag muli, kabuuan VII, p. 281)
Naway ang bawat isa sa atin ay magsabi kasama ni Dr. Rice,
Narito ako! Narito ako! Ipadala ako, O Panginoon ng Ani,
Hingahan ako ang Iyong Banal na Espiritu.
Narito ako! Narito ako!
Ipadala ako upang makapagwagi ng isang mahal na kaluluwa ngayon.
Sa Parabula ng Dakilang Hapunan sinabi ni Hesus, “Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23). Sa Parabula ng Pista ng Kasal sinabi ni Hesus, “Magsiparoon nga kayo sa mga likuang lansangan, at anyayahan ninyo sa piging ng kasalan ang lahat ninyong mangasumpungan” (Mateo 22:9).
Ang lokal na simbahan na itinayo ni Hesus sa Jerusalem ay kinuha ang pag-uutos na ito upang mag-ebanghelismong literal. Sa loob ng ilang lingo pagkatapos ng Pentekostes ang mataas na saserdote ay nagreklamo na “Pinuno ninyo ang Jerusalem ng inyong aral” (Ang Mga Gawa 5:28). Tapos sa Mga Gawa 5:42 tayo ay sinabihan, “sa araw-araw sa templo at sa mga bahay-bahay, ay hindi sila nagsisipagtigil ng pagtuturo at pangangaral, na si Jesus ang siyang Cristo.” Sa Mga Gawa 6:1 mababasa natin, “dumadami ang bilang ng mga alagad.” Maya-maya, sa Mga Gawa 12:24, mababasa natin na “lumago ang salita ng Dios at dumami.” Sinabi ni Dr. John R. Rice,
Sa Samaria, kung saan si Diakonong Felipe ay nagpunta upang mangaral, tayo ay sinabihan sa Mga Gawa 8:6, “At ang mga karamiha'y nangagkakaisang nangakikinig sa mga bagay na sinasalita ni Felipe…” Muli sa berso 12, “Datapuwa't nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae.” Ang ganoong uri ng nakamamanghang alon ng kapangyarihan ng Diyos at ng mga tao na naliligtas ay normal para sa mga Bagong Tipang mga simbahan.
Sa katunyan, sinasabi ng Mga Gawa 9:31, “Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong...palibhasa'y pinagtibay; at, sa paglakad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.”
Ang mga simbahan ay “nagsisidami,” iyan ay ang mga napagbagong loob ay nagsisidami at ang mga simbahan ay lumago. Iyan ay isang karaniwang di-nagbabagong halimbawa ng mga Bagong Tipang mga simbahang ito kung saan ang mga Kristiyano ay nakaplanong lumabas upang makamtam ang lahat ng taong kanilang makakaya nila at masasaksihan araw-araw (isinalin mula kay John R. Rice, D.D., Why Our Churches Do Not Win Souls, Sword of the Lord Publishers, 1966, p. 25).
Nagpatuloy si Dr. Rice na magsabing, “Sa kabila ng pag-uusig sa gitna ng mga hetano, ang mga bulag na mga tao ay nakamit ng maramihan…Ang nakamamanghang paglago ng Bagong Tipang mga simbahan ay halos lampas na sa sariling pagkakaintindi. Sinasabi ni Warnock, sa kanyang History of Protestant Missions, na sa katapusan ng unang siglo [anim-na-pu’t pitong] taon pagkatapos ng Pentekostes, mayroong 200,000 na mga Kristiyano. Sinasabi niya na sa katapusan ng pangatlong siglo mayroong [8,000,000] na mga Kristiyano maliban sa matinding pag-uusig at [ang] pagkamartir ng libo-libo. Sila na ngayon ay isa’t labin limang bahagi ng Romanong Imperyo! [Iyan ay, isa mula sa 15 mga tao ay isang Krisityano]…maliban sa madugong pag-uusig sa buong Romanong Imperyo. Maliban sa pagkamartir ni Esteban at Santiago sa Jerusalem, at maraming ibang mga nausig hanggang sa mamatay, na tinatalian at ipinapasok sa mga bilangguan ang mga lalake at gayon din ang mga babae’ (Mga Gawa 22:4), at ang pagkabilanggo at pagsubok na patayin si Pablo, libo-libo ang nakamit mula sa mga Hudyo. Maliban sa madugong pag-uusig sa ilalim ni Nero, na nag-utos na pugutan ng ulo si Pablo at ibang pa; ang pag-uusig sa ilalim ni Hadrian at lalo na sa ilalim ni Antoninus Pius, Marcus Aurelius at Septimus Severus, gayon pa man ang lumiliyab na apoy ng ebanghelismo ay nagpatuloy. Sinasabi ni Workman,
Sa loob ng dalawang daang taon, ibig sabihin ng maging Kristiyano ay matinding renunsiyasyon, ang pagsasama ng mga kinasuklaman at mga inusig na mga pangkat, ang paglalangoy laban sa alon ng tanyag na pinsala, ang pagdating sa ilalim ng pagbabawal ng imperyo, ang posibilidad na kahit anong sandali ng pagkabilanggo at kamatyan sa ilalim ng pinaka kinatatakutang anyo. Dahil sa dalawang daang taon siyang sumusunod kay Kristo ay dapat magbilang ng halaga, at maging handa upang magbayad…gamit ng kanyang kalayaan at buhay. Dahil sa dalawang daang taon ang simpleng propesyon ng Kristiyanismo ay sa sarili nito’y isang krimen” (Isinalin mula kay Rice, ibid., pp. 27-28).
Sinabi ni Dr. Rice, “Sa gitna ng mga pinaka masamang pangyayari, biyolente kamuhian, pag-uusig at ‘saradong mga pinto,’ ang mga Bagong Tipang mga Kristiyano ay nagpatuloy ng kanilang nakamamanghang nagkakamit ng kaluluwang gawain. Paano makukumpara ang pagkakamit ng kaluluwa ng ating simbahan sa Bagong Tipang simbahan at Bagong Tipang mga Kristiyano, ang ating kasalukuyang araw na mga simbahan at mga Kristiyanong tao ay karaniwang nabibigo na kanpinsa-pinsala at nakapamahihiya” (isinalin mula kay Rice, ibid., p. 29)
Muli, sinabi ni Dr. Rice, “Isa lamang isang lubusang paggawa ang makapapantay sa Bagong Tipan pagkakamit ng mga kaluluwa…Mayroon sa ating kaawa-awang malamang kalikasan isang inklinasyon upang lumutang mula sa lubos na pagsunod, mula sa mainit na kasigasigan patungo sa isang maaligamgam, kalahating-pusong paraan ng paggawa ng mga gawain ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng lumang kanta,
Makiling na gumala, Panginoon, nararamdaman ko ito,
Makiling na iwanan ang Diyos na iniibig ko.
Gayon, mayroong pangangailangan muli’t muli sa mga simbahan para sa isang muling pagkabuhay ng kasigasigan, isang muling pagkabuhay na pagkakamit ng kaluluwang pag-aalala, isang muling pagkabuhay na kapangyarihan ng Diyos sa atin. Walang paraan para sa isang simbahan upang magtagumpay ng mga kaluluwa pagkatapos ng Bagong Tipang halimbawa maliban nalang sa isang lubusang pagsisikap” (Isinalin mula kay Rice, ibid., p. 149-150).
Alam ko na mayroong mga magsasabi na ang pagdidiin ni Dr. Rice sa bawat taong paggagawa ng ebanghelismo ay hindi “uubra.” Kaya ang ilan ay tumingin sa labis na Kalvinismo – hindi limang puntong Kalivinismo – kundi labis na Kalvinismo, ang isang kaisipan na hindi mo kailangang habulin ang mga nawawala; Dadalhin sila ng Diyos papasok sa Kanyang makapangyarihang biyaya na walang ginagawang ebanghelismo ang mga Kristiyano. Sina George Whitefield, William Carey, Spurgeon at iba pang mga dakilang mga nagkakamit ng kaluluwa ay mga limang-puntong mga Kalvinista, ngunit hindi labis na mga Kalvinista.
Naniwala sila na dapat nating “gawin mo ang gawa ng evangelista” (II Ni Timoteo 4:5). Hiling ko na bawat Narepormang pastor ay babasahin ang, Spurgeon v. Hyper-Calvinism, ni Rev. Iain H. Myrrau (Banner of Truth Trust, 1995). I-klik ito upang mai-order ito. Ito’y isang nakamamanghang aklat na magbibigay sa iyo ng inspirasyon, magpapa-init sa iyong puso, at ipanunumbalik ang iyong pagsisikap sa ebanghelismo ng mga nawawala!
Hindi mali si Dr. Rice upang hiyakatin ang mga Kristiyanong ilagay ang kanilang puso at kaluluwa sa gawain ng ebanghelismo. Ang kahinaan ay dumating dahil karamihan sa mga simbahan na sumunod sa kanya ay hindi gumugol ng sapat na oras sa pagkikitungo sa mga nawawala na dinadala sa loob. Madalas nila karaniwan ay pinagsasabi ang mga tao ng “madaliang panalangin” na hindi gumugugol ng oras upang tiyakin na sila ay nagsisi, at nakaranas ng tunay na pagbabagong loob kay Kristo Hesus, bago sila binabautismohan. Si Dr. Cagan at ako ay nagsulat ng isang aklat sa problema ng “desisyonismo” na iyong mababasang libre sa websayt na ito sa pamamagitan ng pag-klik rito para sa Today’s Apostasy: How Decisionism is Destroying Our Churches.
Huwag itapon ang sanggol sa tubig paliguan! Lubos akong sumasang-ayon sa mga pagsisipi na aking ibinigay mula kay Dr. John R. Rice. Kailangan nating tignan mula ang ebanghelistikong pagsisikap ng mga maagang mga simbahan, at sundan ang kanilang halimbawa! Ating gamitin ang ating sarili sa pag-eebanghelismo ng mga nawawala! At hayaan rin kaming maging maingat upang gawing kasing tiyak ng posible na sila’y tunay na napagbagong loob bago namin sila binabautismuhan! Higit sa lahat, ating tandaan ang utos ni Kristo,
“Pumaroon ka sa mga daan at sa mga bakuran, at pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay”
(Lucas 14:23).
Magsitayo tayo at kantahin ang dakilang kanta ni Dr. Oswald J. Smith – “Magebanghelismo! Magebanghelismo!”
Bigyan kami ng isang salita para sa oras,
Isang nakagigising na salita, isang salita ng kapangyarihan,
Isang pagsigaw sa digmaan, isang umaapoy na hininga
Na tumatawag sa pagkatalo o kamatayan.
Isang salita upang gisingin ang simbahan mula sa pahinga,
Upang pakinggan ang malakas na hinihingi ng Panginoon.
Ang pagtawag ay ibinigay, Ang iyong pulong ay bumabangon,
Ang ating salita ay, magebanghelismo, magebanghelismo!
Ang natutuwang ebanghel ngayon ay nagproproklama,
Sa lahat ng lupa, sa ngalan ni Hesus;
Ang salita ay kumikiring sa mga ulap:
Magebanghelismo! Magebanghelismo!
Sa mga namamatay na mga tao, isang bumagsak na lahi,
Gawing kilala ang regalo ng Ebanghelyo ng biyaya;
Ang mundo na ngayon sa kadiliman na lagay,
Magebanghelismo! Magebanghelismo!
(“Magebanghelismo! Magebanghelismo!” Isinalin mula sa
“Evangelize! Evangelize!” ni Dr. Oswald J. Smith, 1889-1986;
sa tono ng “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.realconversion.com. I-klik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
You may email Dr. Hymers at rlhymersjr@sbcglobal.net, (Click Here) –
or you may write to him at P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015.
Or phone him at (818)352-0452.
Pagbabasa ng Kasulatan Bago ng Pangaral ni Dr. Kreighton L. Chan: Lucas 9:1-6.
Kumanta ng Solo Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Narito Ako.” Isinalin mula sa
“Here Am I” (ni Dr. John R. Rice, 1895-1980).