Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
BIBLIKAL NA MGA DIAKONOBIBLICAL DEACONS ni Dr. R. L. Hymers, Jr., Himnong Kinanta Bago ng Pangaral: “Magsantabi ng Oras upang maging Banal,” isinalin mula sa “Take Time to be Holy” (ni William D. Longstaff, taludtod 1, 2 at 4). |
Sa hapong ito gusto kong makita ninyo kung anong sinasabi ng Diyos tungkol sa mga diakono. Lumipat sa Mga Gawa 6:1-7.
“Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang. Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita. At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio: Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y mangakapanalangin na, ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon. At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:1-7).
Maari nang magsi-upo.
Ang mahabang panahon kong pastor sa Unang Tsinong Bautistang Simbahan ng Los Angeles, si Dr. Timothy Lin, ay kinakailangan na ang lahat ng mga kadidato para sa pagka- diakono ay parangalan ang sampong mga pangangailangan:
“Sampung mga ‘DAPAT’ Para sa Isang Diakonong Kandidato sa Simbahan”
(1) Dapat magkaroon ng pagnanasang paglingkuran ang Panginoon bilang isang diakono at malugod na pumapagya na parangalan ang isa’t isa.
(2) Dapat sundan ang mga pangangailangan na inilarawan sa Ni Timoteo 3:1-10.
(3) Dapat aralin ang Bibliy at manalangin araw-araw at nagbibigay ng ikapung bahagi ng sahod na malugod at palagi.
(4) Dapat maging kasal at ang asawa ay dapat maluwag sa loobang tulungan ang kanyang asawa bilang isang diakono sa pinaka makakaya niya.
(5) Dapat pakapagturo ng Linggong paaralan.
(6) Dapat maluwag sa loobang paglingkuran ang Panginoon sa kahit anong tungkulin, lalo na sa pagbibisita.
(7) Dapat dumalo sa lahat ng mahahalagang mga pagpupulong gaya ng mga pagsasambang mga paglilingkod, Linggong pag-aaral, pananalanging pagpupulong, pagpupulong nga mga opisyal at pagpupulong ng pangangalakal; at suportahan ang lahat ng mga organisasyon at mga proyekto ng Simbahan.
(8) Dapat makisali sa mga pagsasanay na mga oportunidad at ang pagsasanay ng iba sa pamamagitan ng Pagsasanay na Programa ng Simbahan at ibang mga programa.
(9) Dapat magpakita ng mabuting halimbawa sa harapan ng mga mas batang mga Kristiyano. Hindi kailan man makikipagtalo sa kanila o magalit sa kanila na walang layuning na sanayin sila.
(10) Dapat makipagtulungan sa mga pastor.
(Isinalin mula kay Dr. Timothy Lin, Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan
[The Secret of Church Growth], mga pah. 45, 46).
Tama si Dr. Lin. Kung ang mga diakono ay sumunod sa mga sinabi ni Dr. Lin, hindi sila magsasanhi ng mga pagbibiyak ng mga simbahan. Ngunit hindi ito ganoon ngayon.
Ang mga diakono, sa mga nagsasariling mga simbahan tulad ng atin, ay ang karaniwang sanhi ng pagbibiyak ng simbahan. 92 pursyento ng mga diakono sa ating mga simbahan ang sanhi ng mga pagbibiyak ng mga simbahan. 93 pursyento ng mga diakono ang sanhi ng mga pagbibiyak ng simbahan sa mga Katimugang Bautistang mga simabahan. Ang mga bilang na ito ay nakuha mula sa Pagbibiyak ng Simbahan [Church Split] ni Dr. Roy L. Branson. Sinabi ito ni Dr. W. A. Criswell tungkol sa aklat ni Dr. Banson, na Pagbibiyak ng Simbahan [Church Split],
mayroon kang mga aklat na hindi nabasa sa taong ito, huwag mong makakaligtaan ang Paghihiwalay ng Simbahan [Church Split]. Ito’y isang aklat na bawat pastor ay kailangang mabasa.
– Isinalin mula kay Dr. W. A. Criswell,
Mahabang panahong pastor ng Unang Bautistang simbahan ng Dallas, Texas.
[First Baptist church of Dallas, Texas].
Sinabi ni Dr. Lee Roberson, kanselor ng Unibersidad ng Tennessee Temple [Tennessee Temple University], patungkol sa aklat ni Dr. Branson,
Ang mga pastor at mga pinuno ay makikinabang mula sa pagbabasa ng aklat na ito.
Sinabi ni Dr. Branson, “Karamihan sa mga diakono ay mapanganib dahil sinusubukan nilang gawin ang trabaho na hindi sila kailan man nararapat” (Isinalin mula kay Branson, pah. 51).
Paano natin maiiwasan ang mga pagbibiyak sa hinaharap? Sinasabi ni Dr. Branson na dapat tayong bumalik sa unang mga prinsipiyo. Sinasabi ni Dr. Branson na
a. Ang programa nila ay pangangaral, pananalangin, pagtuturo at pag-eebanghelismo.
b. Sila’y pinamamahalaan ng kanilang mga pastor.
“Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya” (Mga Hebreo 13:7).
“Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan” (Mga Hebreo 13:17).
c. Nagwawagi ng mga nawawala at tinuturuan sila ay ang kanilang pagnanasa.
d. Gawing simple ang lahat!
Alisin ang lahat mabilaban pangangaral, pananalangin, at pag-eebanghelismo.
1. Alisin ang buwan-buwanang pagpupulong na pangangalakal.
2. Alisin ang pagpupulong nga mga diakono.
3. Atb. (mga pah. 228, 229, 230 Branson).
4. Alisin ang lahat ng mga pagpupulong na pangangalakal at lahat ng mga lupon at konseho.
Sinabi ni Dr. Branson, na “Ang nag-iisang ‘pangangalakal na pagpupulong’ sa Bibliya ay noong ang mga pastor/propeta ay ipinagpulong ang mga tao at nagsabi ‘Ito ang gagawin natin,’ at ang mga tao ay sumagot, ‘Oo, gagawin namin ito.’”
Sinasabi ni Dr. Branson na, “Karamihan sa mga diakono ay mapanganib dahil sinusubukan nilang gumawa ng isang trabaho kung saan hindi sila nararapat” (isinalin mula sap ah. 51).
Ang mga diakono ay hindi mga namumunong mga lupo; hindi sila nabigyan ng kapangyarihang magdesisyon na anuman sa Bibliya. Ang pamumuno sa simbahan ay binigay ng tahasan lamang sa pastor. Sinasabi ng Diyos,
“Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan” (Mga Hebreo 13:17).
Isa sa mga diakono ay nagtanong, “Ano sa tingin mo ang dapat gawin ng mga diakono?”
Binuksan ng pastor ang Mga Gawa 6:1-6. Tapos sinabi ng pastor, “Narito ang nag-iisang trabaho na partikular na ibinigay sa Bibliya.” Sinabi ng diakono, “Ang Bibliya ay nagbibigay ng higit pa riyang kapangyarihan sa mga diakono kaysa sa riyan!”
Tapos isa pang diakono ang nagsabi, “Alam ko na ang Bibliya ay nagbibigay sa mga diakono ng higit pa riyan kaysa diyan.”
Sinabi ng pastor, “Iyan na nag panghuling pagkakataon na nadinig naming ang patungkol sa paksang iyan. Bakit? Dahil walang mahahanap sa Bibliya.”
Dahil ang mga diakono ay hindi naitatalaga at hindi dapat sasabihan ang pastor kung anong gagawin o hindi gagawin, bilang nakatagpo at pastor emeritus ng simbahang ito, hinihirang sina Gg. Mencia, Gg. Ngann at John Wesley Hymers bilang mga diakono ng isang taon, at si Dr. Cagan ng dalawang taon.
Magkakaroon tayo ng isang pangangalakal na pagpupulong kada Enero, kung saan hihirangin o hihirangin muli ko ang mga diakono ng isa pang taon, kung makikita kong nararapat na gawin ito.
Babasahin ko na muli ang pambukas na sipi. Paki lumipat kasama ko sa inyong Bibliya sa Mga Gawa 6:1-7.
“Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw. At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang. Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito. Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita. At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio: Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y mangakapanalangin na, ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon. At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote” (Mga Gawa 6:1-7).
Magsitayo at kantahin ang ating himno para sa araw na ito,
Magsantabi ng oras upang maging banal, Maghayag patungkol sa iyong Panginoon;
Manatili sa Kanya lagi, At kainin ang Kanyang Salita.
Kaibiganan ang mga anak ng Diyos, Tulungan iyong mga mahina,
Walang nalilimutan ang Kanyang pagpapala ang hangarin.
Magsantabi ng oras upang maging banal, Ang mundo ay nagmamadalli;
Higit na panahon na iginugugol sa sekreto Kasama si Hesus na mag-isa.
Sa pamamagitan ng pagtingin kay Hesus, Tulad ikaw ay magiging tulad Niya;
Ang iyong mga kaibigan sa iyong pag-uugali ang Kanyang pagkakatulad ay kanilan makikita.
Magsantabi ng oras upang maging banal, Maging kalma sa iyong kaluluwa,
Bawat pag-iisip at bawat motibo ay kontrolado Niya.
Gayon pinangungunahan ng Kanyang Espiritu Sa mga bukal ng pag-ibig,
Ikaw ay di magtatagal na mararapat Para sa paglilingkod sa itaas.
(“Magsantabi ng Oras na Maging Banal” Isinalin mula sa
“Take Time to be Holy” ni William D. Longstaff, 1822-1894; taludtod 1, 2 at 4).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.