Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG ATING PAGTATAWAG NATIN UPANG
MAGING MGA MISYONARYO!

OUR CALL TO BE MISSIONARIES!
(Tagalog)

Ni Dr. R. L. Hymers, Jr.,
Pastor Emerito

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Hapon ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Marso 2020
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Afternoon, March 8, 2020


Si Isaias sa palagay ko, ang pinaka dakilang propeta sa lahat. Ngunit paano naging ganoon uri ng tao ng Diyos si Isaias? Sa ika-anim na kapitulo ng Isaias, mayroon tayong kasagutan.

“Noong taong mamatay ang haring Uzzias ay nakita ko ang Panginoon na nakaupo sa isang luklukan, matayog at mataas; at pinuno ang templo ng kaniyang kaluwalhatian” (Isaias 6:1).

Nadinig ni Isaias ang serapin na sumisigaw, “Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo: ang buong lupa ay napuno ng kaniyang kaluwalhatian” (Isaias 6:3).

Minahal ng binatang si Isaias si Haring Uzziah, isang mabuti at kagalang-galang na hari. Ngunit ngayon ang mabuting hari ay patay na. Anon ang mangyayari kay Isaias ngayon na ang mabuting hari ay patay na? Naiisip ko na ang nadama ng binatang ito ang kapareho ng nadama ng ilan sa inyo. Nalulungkot ka na ang ating simbahan ay natapos na. Ngunit hindi pa tapos ang Diyos kay Isaias.

Ang pangitain na ito ng Diyos ay kumapit sa kanyang kaluluwa. Si Isaias ay hindi bumagsak sa walang pag-asang pagkalungkot. Imbes ay ang pangitain ng Diyos ay kumapit sa kanya sa kakaibang paraan. Sinabi niya,

“Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo” (Isaias 6:5).

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

Ito ay isang espiritwal na pambihirang tagumpay para sa binatang si Isaias! Ito ay isang pambihirang tagumpay na maari mo ring maranasan. Ngunit dapat mong hangarin ang Diyos higit sa lahat ng ibang bagay! Sinabi ni Dr. A. W. Tozer, “Hindi sila lumayo mula sa simbahan dahil hindi nila gusto ang Diyos – kundi dahil may nahanap silang isang bagay na mas gusto nila higit sa Diyos…noong ang kanilang dating kalikasan ay naghalo tumalikod sila sa Diyis at lumayo mula sa kanilang simbahan. Nagpunta sila sa mga relasyon kasama ng mga walang diyos na mga kababaihan o kalalakihan. Nagpunta sila sa makamundong pagkakaibigan. Kumuha sila ng mga trabaho na walang pag-asang mapagalak at maluwalhati ang Diyos. Bumalik sila sa mundo. Sila’y disidido na makuha ang gusto nilang higit…tumatanggi akong linlangin sila sa pagtuturo sa kanila na maari kang maging isang Kristiyano at ibigin ang kasalukuyang mundong ito, dahil hindi ko ito magawa. Oo, maari kang maging isang ipokrita at ibigin ang mundong ito. Maari kang maging nalinlang na pastor at ibigin ang mundong ito. Maari kang maging isang makabagong ebanghelikal at ibigin ang mundong ito. Ngunit hindi ka maaring maging isang tunay na Bibliyang Kristiyano at ibigin ang mundo. Nagdadalamhati akong tumayong mag-isa sa prinsipyong ito, ngunit hindi ako magsisinungaling sa iyo tungkol rito.” (Isinalin mula sa Ang Pulpito ni Tozer [The Tozer Pulpit]).

Muli sinabi ni Dr. Tozer, “Sa aking opinion, ang pinaka dakilang nag-iisang pangangailangan ngayon ay ang magaang puso, mababaw na ebanghelikal ay tamaan ng pangitain ng Diyos na mataas at nakataas na ang kanyang kola na pumupuno sa templo.” Na walang pangitain ng Diyos na ganoon “tayo ay maiiwan sa ating sariling mga aparato, at mapupuwersang magdala ng walang halaga at mumurahing mga gawain upang mapanatili ang atensyon ng mga tao sa simbahan…Tayo ay masyadong takot na maging makitid na binuksan natin ang ating mga pintuan sa pakamakamundo. Ito ay nagdadala lamang sa espiritwal na trahedya… Ang Ebanghelikalismo ay nagkukulang sa ugali nito tungo sa Diyos, ang ugali nito sa mundo at ang ugali nito tungo sa kasalanan” (Isinalin mula sa Sumasandal sa Hangin [Leaning Into the Wind].

Pansinin ang berso 5,

“Nang magkagayo'y sinabi ko, Sa aba ko! sapagka't ako'y napahamak; sapagka't ako'y lalaking may maruming mga labi, at ako'y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka't nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo” (Isaias 6:5).

Noon lamang na ang batang si Isaias ay nilinis ng Diyos sa apoy “at ang iyong kasamaan ay naalis, at ang iyong kasalanan ay naalis” (Isaias 6:7).

Ngayon tignan ang berso 8. narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin?” (Isaias 6:8).

Noong nangyari ang pagbibiyak ng simbahan nadama kong tiyak na mawawala ko ang aking sigasig sa ebanghelismo. Kaya nagpasya akong igugol ang bawat gabi kasama ng tatlong kalalakihan na isinuko ang lahat para kay Kristo – si Pastor Richard Wurmbrand, si John Wesley, at ang huling tagapangunang misyonaryo sa Tsina, si Jonathan Goforth. Ito’y isang matalinong desisyon. Ginawa ko ang maliit na banyo, sunod sa aking silid, ang aking lugar ng panalangin at pakikisama kasama ng mga dakilang kalalakihan ng Diyos na mga ito. Mula kay Wurmbrand natutunan ko ang katatagan. Mula kay Wesley natutunan kong magpatuloy mula sa isang pasubok kasunod ng isa pa. Ngunit mula kay Goforth at kanyang asawang si Rosalinda, natutunan ko na dapat tayong sumulong sa ating mga tuhod sa panalangin. Sumulat si Hudson Taylor ng isang sulat na pumukaw kay Goforth at kanyang asawa. Sinabi ni Hudson Taylor, “Tayo bilang isang misyon na sinubukan ng dalawang taon na makapasok sa [Tsinong] probinsya ng Honan, at kamakailan lang nagtagumpay. Kapatid, kung papasukin mo ang probinsyang iyon, dapat kang sumulong sa iyong mga tuhod.” Ang mga salitang iyan mula kay Hudson Taylor ay naging pamansag ng mga Goforth sa Hilagang Honan na Misyon.

Tapos ang kanilang sanggol ay namatay. Isinulat ni Goforth, “Si Gertrude ay patay na. Ang amin ay isang teribleng pagkawala. Mas kulang ng dalawang linggo noon siya ay maigi, ngunit noong ika-24 ng Hulyo siya ay namtay, anim na araw lamang pagkatapos na siya’y nagkasakit ng pagtatae. Kinailangan kong dalhin ang kanyang katawan sa isang kariton ng limampung milya…Doon sa takipsilim ng gabi aming inilatag ang aming iniibig na sanggol sa pamamahinga.” Dalawang maliliit na mga Tsinong babae ang dumating tuwing umaga upang maglagay ng preskong bulaklak sa libingan ng aming minamahal na sanggol.

Kasunod ng pagkamatay ni Gertrude, isang maganda at maligayang batang lalake ang ipinanganak kay Gng Goforth. Tinawag nila siyang “Wee Donald.” Nahulog siya at tapos ay tumama ang kanyang maliit na ulo. Dahan-dahan niyang nawala ang gamit ng kanyang mga kamay at mga binti. Sa matinding init ng tag-init, noong ika-25 ng Hulyo, noong labing siyam na buwan lamang siya, si Wee Donald ay namatay. Sa pangalawang pagkakataon kinuha ni Goforth ang katawan ng maligayang batang ito sa isang kariton ng limam pung milya. Si Wee Donald ay inilibing sa isang libingan katabi ng katawan ng kanyang maliit na kapatid na babaeng si Gertrude. Agad-agad sa kanyang pagbalik si Goforth at ang kanyang minamahal na asawa ay naghandang umalis para sa kanilang tahanan sa Hilagang Honan. Ang kanyang limang buwang taong sanggol na si Pablo ay kasama nila.

Tapos si Jonathan Goforth ay naging nakamamatay na nagkasakit ng tipus Ang kanyang buhay ay nakabitin sa balanse sa pagitan ng buhay at kamatayan. Noong ika-3 ng Enero ang sanggol na si Florence ay ipinanganak. Napaka-init sa tag-init na iyon na ang maliit na si Pablo ay muntik nang namatay mula sa pagkaatake dahil sa lubhang pagka-init, ngunit nagawang mabuhay noong ang init ay bumaba.

Maraming mga teribleng paghihirap at mga pagsubok ang sumunod. Ang kanilang unang anak ay namatay noong Tagsibol. Ang ibang mga anak nila ay namatay maya-maya dahil sa malaria at meningitis. Maya-maya si Goforth at ang kanyang asawa ay kinalangang lumisan mula sa Rebleyon ng Boxer. Nakatakas lamang sila mula sa pagkakapatay dahil sa himala.

Si Gng. Rosalind Goforth ay naging binggi. Siya ang kanyang naging tainga. Tapos si Goforth ay naging lubos na bulag, siya ang naging kanyang mata. Namatay siya sa kanyang pagkatulog habang ang kanyang asawa ay nasa banyo. Sa kanyang libing, ang kayang anak na si Pablo ay nagsabi patungkol sa kanya, “Para sa akin ang aking ama ay isang dakilang tao.” Ang kanyang anak ana babaeng si Ruth ay isang misyonaryo sa Vietnam. Isinulat ni Ruthsa kanyang ina, “Naiisip ko lamang ang luwalhati ng bahagi ng paglisan ni Ama…simpleng prinomot lamang siya ng Diyos sa mas mataas na paglilingkod.”

Ang aklat na, Goforth para sa Tsina [Goforth for China], ay isinulat ng kanyang asawang si Rosalind pagkatapos ng kanyang pagkamatay. Anong tunay na nakamamanghang misyonaryo si Rosalind Goforth!

Una niyang nakatagpo siya pagkatapos na makita niya ang kanyang Bibliya, “Nakita ko ang kanyang Bibliya ang lubos na gamit na halos punit-punit, at namarkahan mula sa pang harap na takip hanggang sa panlikod na takip.” Sinabi ni Rosalind, “Iyan ang taong gusto kong pakasalan.” Sa taglagas na iyon sinabi niya sa kanya, “Isasama mo ba ang iyong buhay kasama ko para sa Tsina?” Ang sagot niya ay “oo.” Ilang araw maya-maya sinabi niya sa kanya, “Ibibigay mob a sa akin ang pangako na hahayaan moa ko laging ilagay ang Panginoon at Kanyang gawain muna, bago ka?” Ang sagot niya, “Oo, gagawin ko lagi.” Hindi niya nalalaman kung anong halaga ng pangakong iyan!

“Narinig ko ang tinig ng Panginoon, na nagsasabi, Sinong susuguin ko, at sinong yayaon sa ganang amin? Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito ako; suguin mo ako”(Isaias 6:8).

Ang ating simbahan ay Nawala iyong mga hindi handang maging mga misyonaryo. Panalangin ko na ang bawat tao rito nitong hapon ay maging isang misyonaryo. Mahihirapan tayong kolektahin ang sapat ng pera upang panatilihin ang ating Internet na misyon. Ikaw at ako ay maaring maging isang misyonaryo sa buong mundo sa pamamagitan ng (1) Pagtagumpay ng mga kaluluwa; (2) Pananalangin para sa ating buong mundong misyon; (3) Pagbibigay ng sapat na pera bawat buwan upang tulungan ang ating Internet na misyon na magpadala ng ating mga pangaral, kasama nito, upang tulungan ang mga misyonaryo sa Pangatlong Mundong ipangaral ang Ebanghelyo. Sinabi ng isang misyonaryong pastor patungkol sa ating mga pagkakataon ngayon, “Dapat tayong maging mga global na mga Kristiyano na mayroong global na misyon dahil ang Diyos natin ay isan global na Diyos.” Sasagot ka ba kasama ni Rosalind Goforth, “Oo, gagawin ko lagi”?

Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
   Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit na sa gitna ng lambak Ako’y iyong ginagabayan,
   Ang iyong di kumukupas na luwalhati ay pinapaligiran ako.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
   Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
   Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
   Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa ay pinupukaw,
Na mayroong Iyong kaganapan, Iyong banal na pag-ibig,
   Binabaha ang aking daan na may ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
   Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
   Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.

Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kahit anong kasalanan
   Aninuhan ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong pinagpalang mukha,
   Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang katapusang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
   Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kuminang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
   Ang iyong banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
       “Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.