Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MGA LUHA SA PANANALANGIN

TEARS IN PRAYER
(Tagalog)

ni Dr. Christopher L. Cagan

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-2 ng Hunyo taon 2019
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Evening, June 2, 2019

“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7).


Ang ating teksto ay tumutukoy patungkol kay Hesus na nananalangin sa Hardin ng Gethsemani, sa gabi bago Siya naipako sa Krus. Siya ay nasa ilalim ng matinding pagdudurog habang ang ating mga kasalanan ay ipinapatong sa Kanya doon, para sa Kanyang dalhin sa Kanyang katawan sa Krus sa sunod na araw. Ang Ebanghelyo ng Lucas ay nagsasabi sa atin,

“At nang siya'y nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas; at ang kaniyang pawis ay naging gaya ng malalaking patak ng dugo na nagsisitulo sa lupa” (Lucas 22: 44).

Si Kristo ay nanalangin “nang siya’y nanglulumo” sa gabing iyon. Ang ating teksto ay nagsasabi na Siya’y “naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha.” Ang panalangin ni Hesus ay puno ng emosyon at pagdarama, malakas na pagsigaw at mga luha. Ngayong gabi gusto kong magsalita sa inyo patungkol sa emosyon at pagdarama sa panalangin.

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

I. Una, huwad na panalangin na pakiramdam.

Iniisip ng maraming mga Pentekostal at karismatiko na ang pagsisigaw at pagluluha, emosyon at pakiramdam, ay mahahalagang mga bahagi ng panalangin. Iniisip nila na ang pagsisigaw at pagluluha ay nangangahulugan na ang Banal na Espiritu ay nasa panalangin, at kung walang pag-aalog at pagsisigaw ang Banal na Espiritu ay wala roon. Sinasabi nila na hindi lamang ito patungkol sa panalangin, kundi patungkol sa paraan kung paano kumilos ang mga tao kapag sila’y kumanta, kapag nakikinig sila ng isang pangaral, at kapag ginagawa nila ang lahat ng ibang mga bagay na nangyayari sa simbahan. Ngunit mali sila. Ang emosyon, sa alang-alang nito ay walang kabuluhan. Maari itong mag-alis mula sa panalangin. Maari pa nga itong demoniko.

Hayaan akong bigyan ka ng isang halimbawa mula sa Bibliya ng huwad na emosyon sa panalangin. Hinarap ni Elijah ang isa sa mga propeta ng Baal. Sinabi niya sa kanila na gumugol ng isang araw na sumisigaw sa Baal, habang siya’y mananalangin sa Diyos ng Israel. Ang Diyos na sumagot sa pamamagitan ng apoy ay nagpakita na Siya ang tunay na Diyos. Ang propeta ni Baal ay naging mabangis at emosyonal sa kanilang mag panalangin. Ito’y magmumukhang maganda sa maraming mga simbahan ngayon! Kanilang “tinawagan ang pangalan ni Baal mula sa kinaumagahan hanggang sa kinatanghaliang tapat, na nagsisipagsabi, Oh Baal dinggin mo kami. Nguni't walang tinig, o sinomang sumagot. At sila'y nagsisilukso sa siping ng dambana na ginawa” (I Mga Hari 18:26). Sa hapon “sila'y nagsisigaw ng malakas, at sila'y nagsipagkudlit ayon sa kanilang kaugalian ng sundang at mga sibat, hanggang sa bumuluwak ang dugo sa kanila” (I Mga Hari 18:28). Ngunit “wala kahit tinig, ni sinomang sumagot, ni sinomang makinig” (I Mga Hari 18:29). Tapos si Elijah ay nanalangin ng isang simpleng panalangin sa Diyos at ang Diyos ay nagpadala ng apoy mula sa Langit. Ang demonikong emosyon, ang pagtatalon, ang pagsisigaw, at ang luluha at ang lahat ng iba, ay walang nagawang kabutihan sa mga huwad na mga propeta. Ang pagkakaramdam sa sarili nito ay walang kahuluguhan.

Nakita ko na ang emosyon sa alang-alang nito ng maraming beses. Wala kailan man itong nagawang kabutihan. Minsan pinapayuhan ko ang isang batang babae sa silid ng pagsisiyasat, sinusubukang gabayin siya kay Kristo. Nagpatuloy siyang lumuha at manginig. Hindi siya huminto sa pagluha noong tinanong ko. Sinabi niya na siya’y lumuluha dahil sa kanyang mga kasalanan, ngunit hindi siya kailan man lumayo mula sa pagluha papunta kay Hesus. Hindi niya kailan man idiniin ang kanyang atensyon kay Kristo. Hindi siya kailan man naligtas. Maya-maya nilisan niya ang simbahan at nagpunta sa isang buhay ng masidhing kasalanan.

Ang ibang mga tao ay lubos na emosyonal. Humahagulgol sila patungkol sa kahit ano. Natatandaan ko ang isang batang babae na ginawa iyan. Hindi lamang ito pagkatapos ng isang pangaral, o noong siya ay pinayuhan patungkol sa pagtitiwala kay Kristo. Ito’y sa lahat ng pagkakataon. Siya’y hahagulgol sa luha. Hindi niya mailagay ang kanyang isipan kay Kristo, o sa simbahan, o sa Bibliya. Isang araw nalungkot siya. Sinundan niya ang kanyang pakiramdam at lumisan mula sa simbahan. Hindi ko siya kailan man nakitang muli.

Ang pagluluha at pagsisigaw ay hindi nagagawa ang kahit anong “totoo.” Hindi nito ginagawa ang panalanging totoo. Ang pagsubok na paiyakin ang sarili o sumigaw ay walang nagagawa. Kapag nananalangin ka, pag-isipan kung anong pinananalangin mo. Maari kang manalangin na may luha o wala. Si Hesus ay nagpakita ng emosyon sa Hardin ng Gethsemani. Nanalangin Siya, “nanglulumo ay nanalangin siya ng lalong maningas.” Ngunit hindi ito pananalangin para sa alang-alang nito. Ang Kanyang mga luha ay hindi gumawa sa panalanging mainam. Ang Kanyang mga luha ay lumabas mula sa Kanyang panalangin. Nagmula ang mga ito sa Kanyang panalangin.

Sumigaw Siya sa Diyos sa Kanyang pagkabalisa, sa Kanyang pagkakapiga at sakit, habang ang kasalanan ng tao ay inilagay sa Kanya. Ang Kanyang pagluha ay nanggaling sa Kanyang pagkaseryoso, ang Kanyang pag-aalala, ang Kanyang pangangailangan, ang Kanyang karga, ang Kanyang pagdurusa. At gayon din ito sa iyo. Huwag mong subukang lumuha. Huwag mong planuhing lumuha o maghandang lumuha. Manalangin lang. Maaring gabayin ka ng Diyos na lumuha, o maaring hindi, ngunit anomang paraan ito’y magiging isang tunay na panalangin.

II. Pangalawa, ang huwad na panalangin na walang pakiramdam.

Ito’y mga salita lamang na sinasabi ng isang tao, hindi tunay na panalangin sa Diyos. Ang mga salita nito na mabuti ang tunog, na relihiyoso ang tunog, ngunit ang mga ito ay pagkapormal lamang, na walang kahulugan, na walang pagtingin sa Diyos at paghihingi sa Kanya ng isang bagay.

Nakapunta na ako sa maraming mga pagtatapos na seremonya. Sa bandang simula ng seremonya mayroong isang bagay na tinatawag nilang “inbokasyon.” Ito’y dapat isang panalangin, ngunit hindi ito. Ang taong nagsasalita ay nagsasabi ng ilang mga pangungusap na hininiling na ang pagtatapos na maging mainam, at para sa mga mag-aaral na magkaroon ng mabubuting buhay. Ngunit walang umaasa na sasagutin ang mga ito ng Diyos at aktwal na mayroong gagawin o babaguhin – lalo na ang taong “nananalangin.” Wala kailan mang kahit anong pakiramdam o pagpapahayaag ng puso sa ganoong uri ng invokasyon.

Minsan ay binisita ko ang Washington, D. C., ang kapital ng ating bansa. Doon ay nagpunta ako sa Nasyonal na Katedral. Si Pangulong Reagan ay kamamatay, at sila’y naghahandang isagawa ang kanyang libing. Doon ay narinig ko ang isang Episkopal na pare na nagsabi ng mga salita ng isang “panalangin.” Ngunit hindi siya nananalangin sa anumang paraan. Binabasa niya ang mga salita mula sa isang aklat. Iyon lang iyon. Wala siyang hinihingi mula sa Diyos na gawin. Hindi siya umaasang makatanggap ng sagot. Nagsabi lamang siya ng mga salita dahil iyon ang dapat niyang gawin. Walang pakiramdam mula sa puso.

Si Hesus ay tumukoy ng isang Fariseo na nagpunta sa Templo upang manalangin. Sinabi ng taong ito, “Dios, pinasasalamatan kita, na hindi ako gaya ng ibang mga tao, na mga manglulupig, mga liko, mga mapangalunya, o hindi man lamang gaya ng maniningil ng buwis na ito” (Lucas 18:11, 12). Hindi siya nananalangin sa anumang paraan. Wala siyang hiningi mula sa Diyos na kahit ano. Imbes sinabi niya sa Diyos kung gaano siya kabuti. Sinabi ni Kristo na nanalangin lamang siya “nanalangin sa kaniyang sarili” (Luke 18:11). Hindi siya nagpakita ng pakiramdam. Hindi siya nanalangin mula sa kanyang puso.

Nagalit si Kristo sa mga Fariseo dahil sa kanilang mga huwad na panalangin. Sinabi niya, “Sa aba ninyo, mga eskriba't mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka't sinasakmal ninyo ang mga bahay ng mga babaing bao, at inyong dinadahilan ang mahahabang panalangin” (Mateo 23:14). Sila’y nagdasal ng mahahabang mga panalangin upang ipakita na sila’y banal. Ngunit ang gusto talaga nilang gawin ay kunin ang mga bahay at mga pera mula sa mga matatandang mga babae. Ito’y ganoon kasimple. Anumang pakiramdam na ipinakita nila ay peke upang sila’y magmukhang mabuti. Hindi sila nanalangin mula sa puso. Ang kanilang mga puso ay hindi tama.

Maari mong sabihin, “hindi ako tulad nila.” Ngunit nagkukunwari ka bang nagsasabi ng mga salita? Nagawa ko na ito. Sa iyong pribadong oras ng panalangin, binabanggit mol ang ba ang mga tao at mga bagay na pinapanalangin mo, na hindi pinag-iisipan ang mga ito, na hindi talaga humihingi sa Diyos para sa mga sagot? Ginawa mo na ba iyan sa panalanging pagpupulong sa simbahan? Ginawa ko na ito. Nanalangin ka na ba dahil dapat kang manalangin patungkol sa isang bagay – dahil ang oras para sa iyong manalangin ay dumating na? Natutuwa ka kapag ang pagpupulong ay tapos na at hindi mo na kailangang manalangin. Hindi iyan tunay na panalangin. Ito’y isang bagay na dinaanan mo lamang. Sinubukan mon a bang “manalangin ng maigi” upang magyabang? Mayroon akong kilala na plinano ang kanyang mga panalangin ng maaga. Hindi talaga ito isang panalangin, ito’y isa lamang orasyon, isang talumpati. Ang sasabihin ko, “Huwag mong planuhin ang iyong mga panalangin, manalangin para sa mga ito!” Bago ng panalanging pagpupulong, gumugol ng ilang minute na humihingi sa Diyos na tulungan kang manalangin. At kapag manalangin ka sa isang pagpupulong o na mag-isa, pag-isipan kung anong ipinalalanangin mo. Pag-isipan kung gaano kasama magiging ang isang sitwasyon kung hindi ka tutulungan ng Diyos. Pag-isipan kung gaano mo kailangan ang sagot ng Diyos. Ang pag-aayuno ay makatutulong sa iyong mga panalangin, dahil isinesentro ang iyong atensyon at ipinapakita nito sa Diyos na ikaw ay totoong seryoso. Tumingin sa Diyos sa iyong panalangin at magmaka-awa sa Kanya na ibigay sa iyo ang hinihingi mo. Maari kang maluha na may pakiramdam. Huwag mong pigilan ang iyong sarili. Pinakilos ka ng Diyos na gawin ito. Minsan maaring hindi ka lumuha. Huwag mong puwersahin ang iyong sariling lumuha. Ang isang panalangin ay hindi mainam dahil mayroon itong pagluha – at hindi ito mabuti dahil wala itong pagluha. Ang panalangin ay mabuti kapag ang Diyos ay narito!

III. Pangatlo, ang tunay na panalangin na wala at mayroong pakiramdam.

Sinasabi ng ating teksto na si Kristo ay nanalangin sa Hardin na may “mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha.” Ngunit minsan tunay na panalangin ay nakakukuha ng sagot na mayroong kaunti o walang pakiramdam. Sinabi ko kung paano nanalangin ang mga propeta ng Baal sa kanilang huwad na diyos. Ngayon sasabihin ko sa iyo kung paano nanalangin si Elijah. Sinabi niya,

“Panginoon, na Dios ni Abraham, ni Isaac, at ni Israel, pakilala ka sa araw na ito, na ikaw ay Dios sa Israel, at ako ang iyong lingkod, at aking ginawa ang lahat na bagay na ito sa iyong salita” (I Mga Hari 18:36, 37).

Walang ulat na si Elijah ay lumuha. Walang ulat na tumalon-talon siya. Tiyak na hindi niya hiniwa ang kanyang sarili! Nanalangin lamang siya ng mga seryosong mga panalangin sa Diyos. Hiningi niya sa Diyos na ipakita sa mga tao na Siya ang tunay na Diyos. At sinagot ng Diyos ang panalanging iyon at nagpadala ng apoy mula sa langit upang sunugin ang alay ni Elijah. Sinabi ng mga tao, “Ang Panginoon ay siyang Dios; ang Panginoon ay siyang Dios” (I Mga Hari 18:39). Ang seryosong panalangin ni Elijah, na walang ulat na may emosyon, ay tumatayong nahahambing sa kabangisan ng propeta ng Baal. Ang tunay na panalangin ay hindi kailangan ng pakiramdam. Kailangan nitong magkaroon ng Diyos!

Ngunit madalas ang pakiramdam, at mga luha pati, ay kasama ng tunay na panalangin. Kung nadarama mo ang pangangailangan mo, natural lamang para sa iyong magkaroon ng pakiramdam. Maari kang tumawag sa Diyos na mayroong pasyon, may pag-aapura, at pagluha. Maari kang bumagsak at magmaka-aawa sa Kanya na mayroong mga luha. Sa maraming pagkakataon inuugnay ng Bibliya ang mga luha at panalangin. Ipinalangin ng Psalmista, “Iyong dinggin ang aking dalangin, Oh Panginoon, at pakinggan mo ang aking daing: huwag kang tumahimik sa aking mga luha” (Mga Awit 39:12).

Si Haring Ezechias ay may sakit na malubha. Si Ezechias ay nanalangin sa Diyos. Paano siya nanalangin? Sinasabi ng Bibliya, “At si Ezechias ay umiyak na mainam” (II Mga Hari 20:3). Siyempre lumuha siya. Mamamatay na siya. Lumuha siya na lubos. Lumuha siya sa kanyang mga panalangin. Tapos ang salita ng Panginoon ay dumating sa propetang si Isaias. Sinabi ni Isaias, “Bumalik ka uli, at sabihin mo kay Ezechias na pangulo ng aking bayan. Ganito ang sabi ng Panginoon ng Dios ni David na iyong magulang, Aking narinig ang iyong panalangin, aking nakita ang iyong mga luha: narito, aking pagagalingin ka” (II Mga Hari 20:5). “Aking nakita ang iyong mga luha.” Nakita ng Diyos at nadama ang mga luha ng walang magawang, nagmamaka-awang panalangin ni Ezechias. At sumagot ang Diyos at iniligtas ang buhay ng hari.

Sa Bagong Tipan, isang lalake ang nagpunta kay Hesus. Ang kanyang anak ay nasapian ng demonyo. Tinanong siya ni Kristo kung naniwala siya na ang kanyang anak ay mapagagaling. At ang “sumigaw ang ama ng bata, at sinabi, [na may mga luha] Nananampalataya ako; tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya” (Marcos 9:24) – [KJV]. Pinatalsik ni Hesus ang demonyo mula sa batang lalake. Madalas ang pasaheng ito ay ginagamit upang ipakita na ang isang mahina ang pananampalataya ay maaring makakuha ng kasagutan. “tulungan mo ang kakulangan ko ng pananampalataya.” Ngunit sinasabi rin ng pasahe naang ama ay “sumigaw” at kumausap kay Kristo “na may luha.” Ang taong ito ay hindi isa sa mga Disipolo. Hindi pa nga siya napagbagong loob na tao. Isa lamang siya sa “karamihan,” isa lamang tao sa karamihan (Marcos 9:17). Ngunit dinala niya ang kanyang anak kay Hesus at sumigaw sa Kanya na may mga luha.

Bakit sumigaw ang lalakeng ito kay Hesus na may mga luha? Hindi siya isang panalanging mandirigma. Hindi pa nga siya ligtas. Ito’y natural para sa Kanyang kumausap kay Kristo sa paraang iyon, dahil nakita niya ang kanyang sariling desperadong pangangailangan. Ang kanyang anak ay sinapian ng demonyo at walang paraan upang palayain siya na wala si Hesus. Hindi ginawa ng lalakeng itong paiyakin ang kanyang sarili. Mula sa kanyang pangangailangan, mula sa kanyang pagkawalang pag-asa, ay dumating ang kanyang mga luha. Pagkakadama ng pangangailangan, isang pagkamalay ng pagkawalang pag-asa at desperasyon, ay napaka dalas na nagdadala sa pagluluha at pag-iiyak. Nagsalita siya sa tunay na panalangin, na may pakiramdam. At dinadala tayo niyan sa ating teksto. Nanalangin si Kristo sa Hardin na may “mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha.” Hindi siya iyakin. Hindi siya isang emosyonal na babae na lumuluha patungkol sa lahat ng mga bagay. Siya’y isa nang mama, mas matanda pa sa tatlom pung taon. Bakit siya lumuha? Dahil siya’y napadalng habag sa Kanyang puso. Nadama niya ang kasalanan ng bawat lalake at babae na inilagay sa Kanya. Naisip Niya ang malubhang pagdurusa ng dapat Niyang pagtiisan sa Krus sa sunod na araw, o walang maliligtas. Gayon ang bigat ng kasalanan ng tao ay halos pumatay sa Kanya. Na wala ang biyaya ng Diyos, maaring namatay Siya sa Hardin sa gabing iyon at hindi umabot sa Krus. Si Kristo ay napuspos sa Kanyang puso.

Kaya nanalangin Siya na may “daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha.” Ito’y makakagulat kung hindi Siya nanalangin na may pakiramdam. Si Hesus ay nanalangin na may “daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha.” At ang ating teksto ay nagsasabi sa atin na Siya “ay nadinig.” Sinagot ng Diyos ang Kanyang panalangin at pinanatili Siyang buhay upang makapunta sa Krus sa sunod na araw. Sinagot ng Diyos ang Kanyang “[pagsigaw na] malakas at [pagluluha].”

Kristiyano, tinatanong kita, “Gusto mo bang manalangin na sumisigaw at may luha?” Hindi ko ko sinasabi ito patungkol sa bawat panalangin na sasabihin mo. Ngunit tinatanong ko sa iyo, “Nananalangin ka ba kailan man na may pagsigaw at luha?” Hindi ko ito ginawa ng madalas, na dapat ay ginawa ko. Nananalangin ka ba minsan na may bigat ng pangangailangan, nagmamaka-awa sa Diyos para sa sagot – minsan na may pagsigaw at pagluha? Kung hindi mo ito kailan man nagawa, wala kang isang mabuting buhay ng panalangin. Kung ikaw ay ganoon, huwag kang huminto sa pananalangin at antayin hanggang sa ang iyong mga panalangin ay mas maigi. Hindi iyan ang gusto ng Diyos. Ngunit manalangin sa Diyos na bigyan ka ng kumbiksyon ng iyong pangangailangan, at tapos ika’y mananalangin na may pakiramdam. Kung mag-aayuno ka, tuwing madarama mo ang gutom, isipin kung anong ang ipinapanalangin mo. Tumingin sa Diyos at manalangin.

Ang ilan sa inyo ay nawawala. Hindi mo pa pinagkakatiwalaan si Hesus. Tinatanong kita, “Nadarama mob a ang iyong kasalanan na may pagdadaing at luha – kahit minsan?” Mayroon ka bang kumbiksyon ng iyong kasalanan? Ang pagluluha ay hindi ang layunin. Magtiwala sa kanya lumuha ka man o hindi. Ngunit sinasabi ko sa iyo, “Nakadarama ka ba ng kahit anong kalungkutan para sa kasalanan ng iyong puso?” Dapat, dahil ang iyong puso ay “totoong masama” (Jeremias 17:9). Manalangin para ipakita ng Diyos sa iyo ang teribleng kasalanan ng iyong puso. Tapos manalangin sa Diyos na dalhin ka kay Kristo.

Si Hesus ang sagot sa iyong pangangailangan. Siya ang gamot at kabayaran para sa iyong kasalanan. Namatay Siya sa Krus upang magbayad sa bawat kasalanan, pati ang kasalanan ng iyong puso. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang takpan ang iyong kasalanan at hugasan ito magpakailan man. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang lupigin ang kamatayan ng buhay, hindi lamang sa Kanya mismo kundi para sa iyo. Kung magtiwala ka kay Hesus, ika’y maliligtas magpakailan man. Kung gusto mo kaming kausapin patungkol sa pagtitiwala kay Kristo, magpunta at umupo sa unang dalawang hilera ng mga upuan. Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Jack Ngann:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).


ANG BALANGKAS NG

MGA LUHA SA PANANALANGIN

TEARS IN PRAYER

ni Dr. Christopher L. Cagan

“Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na sumisigaw ng malakas at lumuluha doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot” (Mga Taga Hebreo 5:7).

(Lucas 22:44)

I.   Una, huwad na panalangin na pakiramdam, I Mga Hari18:26, 28, 29.

II.  Pangalawa, ang huwad na panalangin na walang pakiramdam,
Lucas 18:11, 12; Mateo 23:14.

III. Pangatlo, ang tunay na panalangin na wala at mayroong
pakiramdam, I Mga Hari18:36, 37, 39; Mga Awit 39:12;
II Mga Hari 20:3, 5; Marcos 9:24, 17; Jeremias 17:9.