Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGHIHIKAYAT AT BABALA SA KAPIGHATIAN – NGAYON AT SA HINAHARAPENCOURAGEMENT AND WARNING IN TRIBULATION – Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33). |
Sinabi ni Hesus, “Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian.” Ang salitang isinalin na “kapighatian” ay thlipsis. Maari itong isaling “kagipitan.” Lahat tayo ay mayroong kagipitan sa ating mga buhay. Ngunit ang pinaka malubhang panahon ng kagipitan ay parating pa lamang. Ang Kapighatian ay ang pitong-taong panahon bago ng pagbababa ni Kristo sa Bundok Olivo upang mamuno sa mundo sa katuwiran. Ang pinakamalubhang bahagi ng kapighatian ay ang huling tatlo at kalahating mga taon. Sa pitong taon bago ng pagbalik ni Kristo sa lupa, ang Antikristo ay mamumuno sa mundo. Sinasabi ng Bibliya na ang lahat na nagiging isang Kristiyano sa loob ng apat na taong ito ay mamamatay na martir.
Nakita ng Apostol Juan ang isang pangitain ng mga kaluluwa ng mga Kapighatiang mga Kristiyanong ito sa Langit. Sinabi niya,
“Nakita ko sa ilalim ng dambana ang mga kaluluwa ng mga pinatay dahil sa salita ng Dios, at dahil sa patotoong sumakanila” (Apocalipsis 6:9).
Tapos isinulat niya,
“Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero” (Apocalipsis 7:14).
Ang pitong mga taon na ito ay magiging mas malubha para sa mga Kristiyano kaysa sa kahit ibang panahon sa kasaysayan. Sinabi ni Hesus,
“Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man” (Mateo 24:21).
Oo, magkakaroon ng isag pagadadagit. Sinasabi ito ng Bibliya,
“Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli: Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man” (I Mga Taga Tesalonica 4:16-17).
Gayon hindi dapat natin isipin na ang pangakong ito ay makaliligtas sa atin mula sa pagkaaroon ng mga pagsubok ngayon, bago ng Matinding Kapighatian. Sa ating teksto, sinabi ni Hesus na ang mga Kristiyano ay nagkakaroon ng mga kapighatian sa buong panahong ito.
“Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33).
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
Isaalang-alang nating mabuti ang sinabi ni Hesus rito ng masinsinan. Magkukumento ako sa pangalawang bahagi ng berso, tapos ang unang bahagi, at tapos ang huling bahagi.
I. Una, “sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian.”
Sinabi ito ni Hesus sa mga Disipolo, at ito’y patungkol sa lahat ng mga Kristiyano sa panahong ito. Ang mga Kristiyano ay magkakaroon ng pisikal na mga kaguluhan. Isinulat ni Apostol Pablo,
“Nang ako'y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang tinik sa laman,…” (II Mga Taga Corinto 12:7).
Mukhang ipinapahiwatig nito ang problemang na mayroon si Pablo sa kanyang paningin. Ito’y pagpapahiwatig na ang mga Kristiyano ay dadaan sa kapighatian ng pisikal na karamdaman, sakit, at pisikal na kamatayan. Hindi natin matatakasan ang pisikal na karamdaman at sakit kapag kapag tayo’y maging mga Kristiyano.
Ang mga Kristiyano ay pagdadaanan ang ibang mga pagsubok at kapighatian sa ating bumagsak, makasalanang mundo. Ang Apostol Pablo ay nagsalita tungkol sa mga Kristiyanong nakararanas ng
“…ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan” (Mga Taga Roma 8:35-36).
Ngunit tinukoy niya na wala sa mga kapighatiang ito ang “ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? (Mga Taga Roma 8:35a).
“Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian” (Juan 16:33).
Ang lahat ng mga Apostol ay pinatay para sa kanilang pananampalataya kay Kristo – maliban kay Juan – na nailubog sa kumukulong langis, at napeklatan sa kanyang buong buhay. Ang mga Kristiyano sa lahat ng mga panahon ay nagdusa para sa kanilang pananampalataya. Ang Foxes Aklat ng mga Martir [Foxe’s Book of Martyrs] ay isang klasikal na aklat na nagtala ng pagdurusa ng mga Kristiyanong martir sa buong kasaysayan. Sinabi ni Dr. Paul Marshall,
Sa mga kagubatan ng Sentrong Amerika…ang mga Tsinong pagawaan, mga Pakistaning mga bilangguan, mga Indian na mga kaguluhan, at mga Sudaneseng mga bariyo hindi mabilang na mga mananampalataya ay nabayaran na ang tunay na halaga para sa kanilang pananampalataya (Isinalin mula sa ibid., pahina 160).
Sa Sudan ang mga Kristiyano ay inaalipin. Sa Iran sila’y pinapapatay. Sa Cuba sila’y ibinibilanggo. Sa Tsina sila’y pinapalo hanggang sa kamatayan. Sa mas higit na 60 na mga bansa sa buong mundo ang mga Kristiyano ay ginugulo, inaabuso, pinahiirapan, o pinapatay dahil sa kanilang pananampalataya. 200,000,000 na mga Kristiyano sa buong mundo ay nabubuhay araw araw sa takot ng mga sekretong pulis, bihilante, o pagsusupil ng bayan at diskriminasyon… Milyon-milyong mga Kristiyano ay nagdurusa simple dahil sa pinaniniwalaan nila (Isinalin mula kay Paul Marshall, Ph.D., Ang Kanilang Dugo ay Sumisigaw, [Their Blood Cries Out], Word 1997, sa likurang yaket).
Kahit dito sa Kanluran, tunay na mga Kristiyano ay madalas binubukod at nililiit o ginigipit, ng isang lumalaganap na sekular na lipunan. Ang Kristiyanismo at ang Bibliya ay kinukutya sa mga silid aralan sa kolehiyo. Maraming mga Kristiyano ay nilalampasan para sa pag-unlad, at ang iba ay pinatatalsik mula sa kanilang mga trabaho dahil sa kanilang paghangad na pagsamba ng Diyos sa kanilang mga simbahan sa Araw ng Panginoon. Pati mga di Kristiyanong mga kapamilya at mahihinang mga bagong ebanghelikal naghahagis ng paglilibak sa mga dedikadong Kristiyano. Gaya ng sinabi ni Hesus,
“Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian” (Juan 16:33).
II. Pangalwa, “ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan.”
Ito’y isang pangako doon sa mga na “kay Kristo.” Siya ay ang pinagmulan ng panloob na kapayapaan. Sinabi ni Hesus,
“Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo…” (Juan 14:27).
Kapag ang isang tao ay kilala si Kristo, mayroong naninirahang panloob na kapayapaan na ang iba sa mundo ay wala.
Ang isang taong na na “kay” Kristo, at ipinagkakatiwala ang kanyang mga problema sa Diyos sa panalangin, ay mayroong isang kakaibang kapayapaan, na tinatawag ng Bibliyang “kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip” (Mga Taga Filipo 4:7). Hindi simpleng maintindihan ng mundo kung bakit ang mga Kristiyano ay dadaan sa pagkaaaresto, pagpapahirap, pagkabilanggo, at pagbiitay – gaya nila sa maraming ibang mga bansa sa buong mundo ngayong gabi.
Ang kapayapaang ito ay hindi ibig sabihin na ang Kristiyano ay walang panloob na kaguluhan, emosyonal na problema, o pisikal na mga sakita. Maraming mga ebanghelikal sa Amerika ay nahuumaling sa tagumpay, kaunlaran, katahimikan, kaligayahan, at pag-uunlad sa sarili. Ang mga paksang ito ay magmukhang kalokohan, para sa isang Tsinong Kristiyano na binibitay nang patiwarik dahil sa kanyang pananampalataya, o sa isang Kubanong Kristiyano na gumugol ng limang taon sa isang pagkakakulong na nag-iisa, o sa isang Kristiyano sa Iran na hinaharap ang kamatayan para sa paniniwala kay Hesus.
Ang mga nausig na mga Kristiyanong ito sa Ikatlong Mundong mga bansa ay mas malapit sa pagkakaintindi ng ibig sabihin ni Hesus noong sinabi Niyang, “ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan” (Juan 16:33). Sa palagay ko maiintindihan nila na ang kapayapaang ito ay tumutukoy sa panloob na kalmado, bunga ng kaalaman na ang kanilang mga kasalanan ay napatawad, at na may pagmamalasakit ang Diyos sa kanila.
Babasahin ko ang II Mga Taga Corinto 11:24-28. Makinig habang sabihin sa iyo ko kung anong nangyari sa Apostol Pablo. Sinabi niya,
“Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa. Makaitlong ako'y hinampas ng mga panghampas, minsan ako'y binato, makaitlong ako'y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako'y nasa kalaliman ng dagat; Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga bulaang kapatid; Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran. Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia” (II Mga Taga Corinto 11:24-28).
Paano na nakakapagsalita si Pablo patungkol sa pagkakaroon ng kapayapaan sa mga ganoong pangyayrai? Gayon man mayroon pa din siyang kapayapaan. Ibinigay ni Pablo ang kasagutan sa Mga Taga Filipo 4:6, 7.
“Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. At ang kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip, ay magiingat ng inyong mga puso at ng inyong mga pagiisip kay Cristo Jesus” (Mga Taga Filipo 4:6-7).
Si Pablo ay dumaan sa higit na kapighatian at pagdurusa, gayon nagsalita siya rito patungkol sa “kapayapaan ng Dios, na di masayod ng pagiisip.”
III. Pangatlo, “nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.”
Maari kang magtaka kung makakayanan mong pagdaanan ang mga pagsubok at kapighatian ng buhay. Ang mga kabataan sa mga sekular na mga kolehiyo ay dapat umupo sa iba’t ibang mga klase, kung saan ang Bibliya at ang Kristiyanismo ay napakasakita na sinasalakay, nililiit, at kinukutya. “Makakayanan ko kaya ito, at maging isang Kristiyano?”, iniisip ng kolehiyong mag-aaral. “Mapagdadaanan ko kaya itong kasalukuyang pagsubok na ito? Makakayanan ko kaya ito kung ang mga tao ay tatalikod sa akin? Makakayanin ko kaya ito kapag ako’y takot – at wala akong masayadong pananampalataya?”
Ngayon mga seryosong Kristiyano ay kinukutya na mga panatiko. Sasabihin ng mga tao na grabe masyado ang ginagawa mo para kay Hesus. Tinatawag ka nila sa isang madaling relihiyon ng isang oras sa Linggo ng umaga, o walang simabahan sa anumang paraan. Sinasabi nila na magiging maligaya ka kung hihinto ka sa pagsunod kay Kristo. “Walang pangangailangang buhatin ang krus. Walang pangangailangan na magdusa o sakit,” ang sabi nila. “Kalimutan itong lahat. Bitawan ito at maging katulad naming.” Naglalagay sila ng puwersa sa iyo. Gaya ng sabi ni Hesus, “sa sanglibutan ay mayroong kayong kapighatian.”
Ngunit sinasabi ni Kristo, “nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.” Makinig habang basahin ko ang Mga Taga Roma 8:35-39.
“Sino ang maghihiwalay sa atin sa pagibig ni Cristo? ang kapighatian, o ang kahapisan, o ang paguusig, o ang kagutum, o ang kahubaran, o ang panganib, o ang tabak? Gaya ng nasusulat, Dahil sa iyo kami'y pinapatay sa buong araw; Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan. Hindi, kundi sa lahat ng mga bagay na ito tayo'y higit pa sa mga mapagtagumpay sa pamamagitan niyaong sa atin ay umibig. Sapagka't ako'y naniniwalang lubos, na kahit ang kamatayan man, kahit ang buhay, kahit ang mga anghel, kahit ang mga pamunuan, kahit ang mga bagay na kasalukuyan, kahit ang mga bagay na darating, kahit ang mga kapangyarihan, Kahit ang kataasan, kahit ang kababaan, kahit ang alin mang ibang nilalang, ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pagibig ng Dios, na nasa kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Mga Taga Roma 8:35-39).
Kapag magpupunta ka kay Kristo, Siya ang pumapalit. Hahawakan ka Niya at hindi ka bibitawan. Kapag nagpunta ka na kay Kristo, hindi mo kailangan kumapit sa Kanya. Siya ang kakapita sa iyo! Mula sa sandali ng iyong pagbabagong loob, ikaw ay walang hanggang ligtas kay Kristo. Ang katunayan na 200 milyong mga tao sa Ikatlong Mundo ay handang magdusa para sa kanilang Kristiyanong pananampalataya ay nagpapatunay na si Kristo ay kumakapit sa Kanyang mga tagasunod, at hindi sila hahayaan na mamatay na walang pag-asa ng Langit. Magpunta kay Kristo, at Siya ang gumagawa ng lahat ng pagliligtas, at ang lahat ng pananatili! Gaya ng pagkakanta ni Gg. Ngann bago ng pangaral,
Ang kaluluwa na kay Hesus sumandal para sa pahinga,
hindi ako aalis patungo sa kanyang mga kaaway;
Ang kaluluwang iyon, kahit na ang buong impiyerno ay magsisikap na alugin,
Hindi ko kailan man, di kailan man, di kailan man talilikuran.
(“Gaano Katatag na Isang Pundasyon.” Isinalin mula sa
“How Firm a Foundation,” ‘K’ sa Rippon’s ‘Selection of Hymns,’ 1787).
Ang pamagat ng pangaral na ito ay “Paghihikayat at Babala sa Kapighatian – Ngayon at sa Hinaharap.” Binigyan kita ng paghihikayat ngayong gabi. Ngunit dapat rin kitang bigyan ng babala. Anumang kaguluhan ng ating pagdadaanan ngayon ay napaka liit kumpara sa anong pinaghihirapan ng mga tao sa ibang mga lugar. Sa Ikatlong Mundo ang mga Kristiyano ay binubugbog, inilalagay sa bilangguan, pinahiirapan at pinapatay para sa paniniwala kay Hesus. Ang ating buhay rito sa Amerika ay isang bakasyon kumpara sa kung paano ito doon. Sa hinaharap na mga taon maaring maging mas mahirap na maging Kristiyano rito. Ang puwersa ay magiging mas malubha. Maari mong mawala ang iyong trabaho, ang iyong bahay, at iyong pera dahil sa pagiging isang seryosong Kristiyano. Nangyayari ito sa ibang mga bansa ngayon. Ang iyong mga kaibigan ang iyong mga kamag-anak ay maaring tumalikod sa iyo. Tumutukoy sa Kapighatian, sinabi ni Hesus, “ibibigay ng kapatid sa kamatayan ang kapatid, at ng ama ang kaniyang anak; at magsisipaghimagsik ang mga anak laban sa mga magulang, at sila'y ipapapatay. At kayo'y kapopootan ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan” (Marcos 13:12, 13). Nangyayari ito sa ibang mga bansa ngayon. Huwag kang magugulat kung ang mga tao ay tatanggi sa iyo kahit bago noong pitong mga taon na iyon.
Ang propetang Jeremias ay nagsabi, “Kung ikaw ay tumakbo na kasama ng nangaglalakad, at kanilang pinagod ka, paano ngang makikipagunahan ka sa mga kabayo? at bagaman sa lupain ng kapayapaan ay tiwasay ka, gayon ma'y paano ang gagawin mo sa kapalaluan ng Jordan?” (Jeremias 12:5). Oo, ikaw ay dumadaan sa parehong kapighatian ngayon. Ngunit kung hindi mo kakayanin sa maliit na puwersa ng ngayon, anong gagawin mo kung lulubha na ito? Kung hindi mo mabuhay ang Kristiyanong buhay sa isang bakasyon ngayon, anong gagawin mo kapag ang bagyo ay darating? Inuudyok kita na maging isang malakas na Kristiyano ngayon. Kung gagawin mo iyan ngayon ikaw ay magiging isang malakas na Kristiyano mamaya. Naisip ko iyan na isang bagong Kristiyano noong nabaso ang aklat ni Pastor Richard Wurmbrand, na Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ]. Hindi lamang ito isang aklat na babasahin. Binago nito ang aking buhay. Ang pagiging isang Kristiyano ay hindi isang bakasyon. Ito’y maaring maging mahirap. Ito ay mahirap. Oo, “laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33). Ngunit tayahin ang halaga (tignann ang Lucas 14:28). Ito’y magiging sulit lahat, dahil mabubuhay ka kasama ni Kristo magpakailan man.
At ngayon dapat akong magsalita sa mga nawawala na narito ngayong gabi. Iniibig ka ni Hesus. Namatay Siya sa Krus upang bayaran ang iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang hugasan ang iyong kasalanan. Bumangon Siya mula sa libingan upang bigyan ka ng buhay. Kung magtitiwala ka sa Kanya, ika’y maging ligtas magpakailan man. Ngunit ang pagtitiwala kay Hesus ay hindi lamang ilang kaunting mga salita. Ang ibig sabihin ng pagtitiwala kay Hesus ay pagtitiwala kay Hesus. Oo, magkakaroon ng mga mahihirap na panahon. Oo, maari kang magdusa. Ngunit ito’y magiging sulit lahat. Makikilala mo si Hesus. Mabubuhay ka kasama ni Kristo magpakailan man, magpunta at umupo sa unang dalawang hilera. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Jack Ngann:
“Napaka Tatag na isang Pundasyon.” Isinalin mula sa
“How Firm a Foundation” (‘K’ sa Rippon’s ‘Selection of Hymns,’ 1787).
ANG BALANGKAS NG PAGHIHIKAYAT AT BABALA SA KAPIGHATIAN – ENCOURAGEMENT AND WARNING IN TRIBULATION – Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan” (Juan 16:33). (Apocalipsis 6:9; 7:14; Mateo 24:21; I
I. Una, “sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian,”
II. Pangalwa, “ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo,
III. Pangatlo, “nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang |