Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MGA TALA PATUNGKOL SA ATING PAG-AAYUNO SA MARTESNOTES ON OUR FAST-DAY ON TUESDAY ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't ikaw, sa pagaayuno mo, ay langisan mo ang iyong ulo, at hilamusan mo ang iyong mukha; Upang huwag kang makita ng mga tao na ikaw ay nagaayuno, kundi ng Ama mo na nasa lihim: at ang Ama mo, na nakakikita sa lihim, ay gagantihin ka” (Mateo 6:17, 18). |
Pansinin na hindi sinabi ni Hesus na, “kung sa pagaayuno mo.” Hindi, sinabi niya, “sa pagaayuno mo.” Mukhang ang pagaayuno ay di pangkaraniwan sa mga sekular na mga tayo ngayon. Minsan ang isang sobrang magpag-alalang ina ay iisipin na ika’y magugutom sa kamatayan kung magpapatuloy ka ng isang araw na hindi kumakain. Huwag kang mag-sinungaling sa iyong ina. Sabihin mo lang na hindi mo kakainin ang tanghaliang iyon.
Hindi lahat ay dapat magayuno. Kung mayroon kang pisikal na problema dapat kang magpakita sa isang medikal na doktor muna bago ka magsimula ng isang araw ng pagaayuno. Sa ating simbahan maari mong makita si Dr. Judith Cagan, o si Dr. Kreighton L. Chan. O maari mo silang tawagan sa telepono. Ang numero ng cellphone ni Dr. Judith Cagan ay (213) 324-3231. Ang numero ng cellphone ni Dr. Chan ay (323)819-5153. Kung mayroon kang kondisyon tulad ng diyabetes o mataas ang presyon, o iba pa, dapat mong tiyakin na tawagan si Dr. Judith Cagan o Dr. Chan, o kausapin ang isa sa kanila pagkatapos ng pag-lilingkod ng ito. Kung sasabihan nila kayong huwag magayuno, maari mo pa ring igugol ang iyong oras sa panalangin kapag magkaroon tayo ng araw ng pagaayuno sa Martes. Maaring mo kaming samahan sa panalangin na hindi nag-aayuno sa araw na iyon.
Sa Martes, Agosto 14, magkakaroon tayo ng araw ng pag-aayuno sa ating simbahan. Wala sa inyo ang kailangang mag-ayuno. Walang maninigurado upang tiyakin na ika’y nag-ayuno. Kung mag-aayuno kayo kasama namin ito’y ganap na boluntaryo. Gawin mo ito kung gusto mo. Huwag mo itong gawin kong ayaw mo.
Ito ang pinaka unang pagkakataon na magkakaroon tayo ng araw ng pag-aayuno ng maraming buwan. Pinaalalahanan ako ng pangangailangan para mag-ayuno at manalangin ni Dr. Elmer L. Towns, ang isa sa mga nakahanap ng Unibersidad ng Liberty. Ang mga kaisipan at mga kumento na ibibigay ko sa mensaheng ito at pinulot mula sa aklat ni Dr. Towns, Ang Gabay ng Baguhan sa Pag-aayuno [The Beginner’s Guide to Fasting], Bethany House Publishers, 2001. Ito’y isang mainam na aklat. Kung gusto mo ng isang kopya, maari kang mag-order ng isa sa Amazon.com.
Mayroong maraming uri ng pag-aayuno sa aklat ni Dr. Towns. Ngunit tayo ay magkakaroon ng isang araw nap ag-aayuno, na tinatawag niyang isang “Yom Kippur na Pag-aayuno” [“Yom Kippur Fast”]. Ito’y isang araw ng pag-aayuno na pinaniniwalaan ng mga Hudyong kinakailangang gawin (Levitico 16:29).
Ngayon ang mga Kristiyano ay hindi kinakailangang mag-ayuno – ngunit tayo ay pinapayagang mag-ayuno. Sinabi ni Hesus, “Pagka kayo'y nangagaayuno” (Mateo 6:16) dahil ang pag-aayuno ay isang disiplina upang magtatag ng ating karakter at pananampalataya.
Kung di ka pa kailan man nag-ayuno maari kang matakot na isipin ang isang araw na walang pagkain. Ngunit ang pag-aayuno ay hindi makasasakit sa iyo na mas higit kaysa sa pagdadayet upang mabawasan ang timbang. Ang isang araw ng pag-aayuno ay hindi makasasama sa isang normal na tao na binigyan ng “OK” ng isang doktor – tulad ni Dr. Judith Cagan o Dr. Chan.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
Ang isang araw ng “Yom Kippur na Pag-aayuno” ay ang pinaka mainam na paraan upang gawin ang iyong unang pag-aayuno sa Martes. Hindi ka kinakailangang mag-ayuno. Gagawin mo itong boluntaryo bilang isang espiritwal na displina. Huwag kang mag-alala sa iisipin ng iba, dahil ang iyong pag-aayuno ay isang personal na pangako sa pagitan mo at ng Diyos. Ang pag-aayuno ay makatutulong sa iyo upang maging isang mandirigma sa panalangin para sa Diyos.
Kapag mag-aayuno ka sa Martes, asahan ang pagtututol. Ang Diablo ay hahadlang sa iyo. Kung mananalangin ka para sa kaligtasan ng iba o para ang ating simbahan, hahadlangan ka ni Satanas. Ang pag-aayuno ay hindi madali. Kaya kapag magsisimula ka sa pakikipagsapalaran ng pag-aayuno gawin ito na may kaalaman na maari itong mahirap. Ngunit ang mga gantimpala ay magiging sapat!
Ang isang araw ng Yom Kippur na Pag-aayuno ay mula sa pagbaba ng araw hanggang sa sunod na pagbaba ng araw sa Bibliya. Kung ika’y mag-aayuno kasama namin sa isang araw dapat kang kumain ng isang meryenda bago lang nga pagbaba ng araw (mga 8:30 ng gabi). Kumain ng isang saging o isang maliit na mangkok ng siryal. Sa sunod na araw huwag kakain ng almusal o tanghalian. Kapag ang araw ay bumaba sa Martes magkakaroon tayo ng isang hapunan para sa inyo rito sa simbahan. Maari kang kumain ng isang miryenda, tulad ng isang saging bago ka magpupunta sa simbahan ng 7:00 ng hapon sa Martes. Magkakaroon tayo ng lugaw at isang sanwits para sa iyo kapag magpupunta ka rito.Tapos magkakaroon pa tayo ng pag-aayuno at higit pang mga panalangin, at mangangaral ako ng isang maikling pangaral.
KAPAG MAG-AAYUNO KA AT MANANALANGIN SA MARTES, KAILANGAN KANG MAGKAROON NG ISANG LAYUNIN. ANG LAYUNIN NG ARAW NG PAG-AAYUNONG ITO AY ANG HINGIN SA DIYOS NA GAMITIN ANG ATING PLANO NG GABI NG SABADONG MGA PALARO PARA SA MGA KALALAKIHAN NA MAGDALA NG IBA SA ATING SIMBAHAN. KUNG HINDI PAGPAPALAIN NG DIYOS ANG MGA PALARO WALANG PAPASOK SA ATING SIMBAHAN, AT ANG MGA PALARO AY MAGIGING ISA NA NAMANG GAWAIN, ISANG BAHGI NG “MAKINERYA” NG SIMBAHAN, ISA NA NAMANG GAWAIN NA HINDI NAGBUBUNGA NG PRUTAS. MAGKAKAROON NA NAMAN TAYO NG ISA PANG ARAW NG PAG-AAYUNO PARA SA BAGONG MGA GAWAIN NA MAGKAKAROON ANG ATING MGA KABABAIHAN SA ILANG ARAW. NGUNIT HINIHINGI KO NA ANG LAHAT, PAREHONG ANG MGA KABABAIHAN AT MGA KALALAKIHAN, NA MAG-AYUNO AT MANALANGIN SA MARTES PARA SA DIYOS NA GAMITIN ANG MGA SABADO NG GABING PALARO UPANG MAAKIT ANG MGA BAGONG TAO SA ATING SIMBAHAN. MAARI KANG MANALANGIN PARA SA IBANG MGA BAGAY – NGUNIT ANG PANGUNAHING LAYUNI NG PAG-AAYUNONG ITO AY DAPAT NAKA DIIN SA DIYOS NA GAMITIN ANG MGA PALARO UPANG MAGDALA NG MGA BAGONG KALALAKIHAN SA ATING SIMBAHAN. GAWIN ANG PANGUNAHING LAYUNIN NG IYONG MGA PANALANGIN NA NAKA SENTRO DIYAN – PARA ANG DIYOS NA TULUNGAN ANG MGA KALALAKIHAN NA MAGDALA NG MGA TAO SA MGA PALARO AT TAPOS BISITAHIN ANG LINGGONG PAGLILINGKOD. MAG-AYUNO AT MANALANGIN PARA SA LAYUNING IYAN. KAILANGAN NATIN ANG MGA KABABAIHAN UPANG MAG-AYUNO KASAMA NATIN PARA SA LAYUNING IYAN RIN.
Tandaan na simulan ang iyong pag-aayuno sa gabi ng Linggo ng isang maliit na miryenda, tapos mag-ayuno ng almusal at tanghalian sa Martes. Kumain ng isa pang maliit na miryenda patungo sa gabi, tapos magpunta sa simbahan ng 7:00 ng gabi sa Martes, at ating taapusin ang pag-aayuno magkakasama ng lugaw at isang sanwits.
“Sa pag-aayuno mo” … Ibig nitong sabihin na inaprobahan ni Hesus ang pag-aayuno. Ang mga Kristiyano ay dapat mag-ayuno upang makatanggap ng paggabay at kapangyarihan mula sa Banal na Espiritu. Sinabi ni Dr. John R. Rice, “alam ko na ang tunay na pag-aayuno…ay makukuha ang pagpapala na gustong ibigay sa atin ng Diyos.” Sinabi ni Spurgeon, “Nawala natin ang isang napaka dakilang pagpapala sa Kristiyanong simbahan sa pamamagitan ng pagsusuko sa Pag-aayuno.” Sinabi ni Dr. R. A. Torrey, “Kung tayo ay mananalangin na may kapangyarihan, dapat tayong manalangin na may pag-aayuno.” Ang pinaka dakilang ebanghelista si John Wesley ay nagsabi, “Mayroon ka bang mga araw ng pag-aayuno at panalangin? Bagyuhin ang trono ng biyaya…at awa ay bababa.” Ang aking Tsinong pastor na si Dr. Timothy Lin ay nagsabi, “Ang ating espiritwal na pagkakaalam ay madalas naaalis ang humahadlang agad-agad pagkatapos nating magsimulang mag-yuno at manalangin…ito’y nagsasalita mula sa personal na karanasan.”
Iuwi ang pangaral na manuskrito na ito sa bahay mo ngayong gabi. Basahin ang pangaral na ito bukas habang humanda mong simulant ang iyong pag-aayuno sa gabi na may isang miryenda. Narito ay ilang mga punto upang matandaan kapag mag-ayuno ka mula sa Linggo hanggang Martes ng gabi:
1. Gawin ang iyong pag-aayuno na isang sekreto (kung posible). Huwag ipagsabi sa mga tao na ika’y nag-aayuno.
2. Memoryahin ang Isaias 58:6 sa inyong pag-aayuno sa Martes.
“Hindi baga ito ang ayuno na aking pinili: na kalagin ang mga tali ng kasamaan, na pagaanin ang mga pasan at papaging layain ang napipighati, at iyong alisin ang lahat na atang??” (Isaias 58: 6).
3. Basahin ang Mateo 7:7-11 na maigi ng maraming beses habang ika’y nag-aayuno sa Martes.
“Magsihingi kayo, at kayo'y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo'y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo'y bubuksan: Sapagka't ang bawa't humihingi ay tumatanggap; at ang humahanap ay nakasusumpong; at ang tumutuktok ay binubuksan. O anong tao sa inyo, ang kung siya'y hingan ng tinapay ng kaniyang anak, ay bato ang ibibigay; O kung hingan siya ng isda, ay bibigyan niya ng ahas? Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?” (Mateo 7:7-11).
4. Manalangin para sa mga kalalakihan na magdala ng maraming mga lalaking kabatan sa basketbol na palaro sa Sabado, ng ika-18 ng Agosto.
5. Uminom ng maraming tubig, mga 1 bago kada dalawang oras. Maari ka ring uminom ng kapeng walang krema at asukal kung sanay kang uminom nito araw-araw. Kung nahihilo ka maari kang uminom ng isang malamig na Sprite o Seven-up (isang baso o dalawa). Huwag uminom ng inuming pampalakas!
6. Kung mayroon kang katanungan patungkol sa iyong kalusugan, tulad ng mataas na presyon o diyabetes, kausapin si Dr. Judith Cagan o Dr. Kreighton Chan bago kayo mag-ayuno. Ang mga numero ng kanilang mga cellphone ay ibinigay kaninang mas maaga sa sermon ito.
7. Simulan ang iyong pag-aayuno pagkatapos ng isang miryende sa gabi ng Linggo. Tapusin ang iyong pag-aayuno ng isang magaan na miryenda sa gabi ng Martes – tapos magpunta sa simbahan para sa isang magaan na hapunan sa 7:00 ng gabi ng Martes.
8. Tandaan ang iyong pokus sa iyong mga panalangin sa Martes sa tagumpay ng ating mga kalalakihan na pagdadal ng mga tao sa basketbol na palaro sa sunod sa Sabado.
Maari ninyo akong tawagan, Dr. Hymers sa (818)352-0452 kahit anong oras kung mayroong kang problema o katanungan o tawagan si Gng. Hymers sa (818)645-7356 at sabihin na abutin ako.
Mananalangin ako para sa iyo na magkaroon ng isang matagumpay na panahon ng pag-aayuno at panalangin! Isa pang bagay: Kung ika’y nagtratrabaho o nasa paaralan sa Martes, manalangin ng tahimik ng ilang sandal para sa mga kahilingang ito. Dalhin ang pangaral na ito sa Martes upang mabasa mo uli ang 8 mga punto na dapat tandaan (sa itaas). Pagpalain kayo lahat ng Diyos!
Dr. R. L. Hymers, Jr.
Mga Taga Filipo 4:13
Magsitayo at kantahin ang himno bilang 4, “Turuan Akong Manalangin” Isinalin mula sa [“Teach Me to Pray”].
Turuan akong manalangin, Panginoon, turuan akong manalangin;
Ito ang sigaw ng aking puso, araw-araw;
Hinahangad kong malaman ang Iyong gawain at Iyong paraan;
Turuan akong manalangin, Panginoon, turuan akong manalnagin.
Kapangyarihan sa panalangin, Panginoon, kapangyarihan sa panalangin,
Dito sa gitna ng kasalanan ng lupa at pagdurusa at pagkaka-abala;
Mga taong nawawala at namamatay, mga kaluluwa sa desperasyon;
O bigyan ako ng kapangyarihan, kapangyarihan sa panalangin!
Turuan akong manalangin, Panginoon, turuan akong manalangin;
Ikaw ang aking Modelo, araw araw;
Ikaw ang aking Tagapanagot, ngayon at magpakailan man;
Turuan akong manalangin, Panginoon, turuan akong manalangin.
(“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa “Teach Me to Pray”
ni Albert S. Reitz, 1879-1966).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Turuan Akong Manalangin.” Isinalin mula sa
“Teach Me to Pray” (ni Albert S. Reitz, 1879-1966).