Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PANANAIG SA MGA DEMONYO NA NAGPAPAHINA
SA ATIN – “ANG GANITO”!

THIS KIND – OVERCOMING THE DEMONS
THAT WEAKEN US – “THIS KIND”!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-5 ng Agosto taon 2018
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Evening, August 5, 2018

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28-29).


Ngayong gabi magsasalita ako patungkol sa mga demonyo at si Satanas, at ang tinawag ni Dr. J. I. Packer “ang nasirang kondisyon ng kasalukuyang araw na simbahan,” at ang dahilan na walang malaking pambansang muling pagkabuhay sa Amerika simula noong taong 1859. Ako’y sumasalalay sa balangkas ng pangaral ni Dr. Martyn Lloyd-Jones. Ang batayang tema at balangkas ay mula kay Dr. Lloyd- Jones.

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28-29).

Gusto kong pag-isipan ninyo ang tungkol sa dalawang mga bersong iyon. Gagamitin ko ang mga bersong iyon sa humihiyaw na pangangailangan ng mga “nasirang” mga simbahan sa Amerika at Kanlurang mundo – kasama pati ang ilang mga puntong nakadirekta sa ating simbahan.

Alam ko na ang pinaka salitang “muling pagkabuhay” ay nakapaiinip sa mga tao ngayon. Ayaw nilang madinig ang tungkol rito. Ngunit ang dahilan na ganito ang nadarama nila ay Sataniko! Ito ay isang paksa na ayaw ng Diablong pag-isipan ng mga tao ngayon. Kaya panalangin ko na makinig kang maigi habang magsasalita ako patungkol sa kritikal na pangangailangan na ito ng ating simbahan, at ng lahat ng mga simbahan.

Ito ay isang paksa na dapat ay lubos na makaakit sa marami sa atin. Hanggang sa tayo’y magkadama ng matinding pag-aalala patungkol sa kondisyon ng mga simbahan ngayon tayo ay mahihinang mga Kristiyano. Sa katunayan, kung wala kang interes sa tunay na muling pagkabuhay, dapat mong tanungin kung ikaw ay isang Kristiyano! Kung wala kang pag-aalala para sa ating simbahan, at para sa iba, ikaw ay tiyak na hindi isang mataginting na Kristiyano! Inuulit ko, ang tunay na muling pagkabuhay ay dapat maging isang bagay na lubusang naka-iinteres sa bawat isa sa atin.

Kaya tayo at magsimulang pag-isipan ang kaganapang ito sa ika-siyam na kapitulo ni Marcos. Ito ay isang napaka mahalagang kaganapan, dahil ang Banal na Espiritu ay inalagaan itong lubos upang ibigay sa atin ang kwento nito sa tatlo sa apat na mga Ebanghelyo, sa Mateo, Marcos, at Lucas. Babasahin ko ang dalawang mga berso mula sa ulat ni Marcos. Sa mas maagang bahagi ng kapitulo sinasabi sa atin ni Marcos na kinuha ni Kristo si Pedro, Santiago atJuan at nagpunta sa Bundok ng Pagbabagong-anyo kung saan nasaksihan nila ang isang nakamamanghang kaganapan. Ngunit noong sila’y bumaba mula sa bundok, nakahanap sila ng malaking karamihan ng mga taong nakapaligid sa mga natitirang mga Disipolo at nakikipagtalo sa kanila! Ang tatlong bumaba kasama ni Hesus ay hindi maintindihan kung ano ito patungkol. Tapos isang lalake ang lumabas mula sa karamihan at nagsabi kay Hesus na ang kanyang anak ay sinapian ng isang demonyo na gumawa sa kanyang bumula sa bibig at mangalit gamit ng kanyang mga ipin. Tapos ang lalake ay nagsabi, “Dinala ko siya sa iyong mga disipolo [upang patalsikin ang demonyo] at hindi nila ito magawa” (Marcos 9:18). Sinubukan nila ngunit nabigo sila.

Tinanong ni Hesus ang lalake ng ilang katanungan. Tapos agad-agad Kanyang pinatalsik ang demonyo mula sa batang lalake. Tapos si Kristo ay nagpunta sa bahay, at ang mga Disipolo ay sumama sa Kanya. Pagkatapos na sila ay nasa bahay tinanong Siya ng mga Disipolo, “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28). Sinubukan nilang matinding gawin ito. Nagtagumpay sila noon ng maraming beses. Ngunit sa pagkakataong ito sila’y lubusang nagbigo. Gayon simpleng sinabi ni Kristo, “Lumabas ka sa kanya” at ang bata ay napagaling. Sinabi nila, “Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” sumagot si Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:29) –[KJV].

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.

+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +

Ngayon gagamitin ko ang kaganapang ito upang ipakita ang problema sa ating mga simbahan ngayon. Ang batang ito ay kumakatawan sa mga kabataan sa makabagong mundo. Ang mga Disipolo ay kumakatawan sa ating mga simbahan ngayon. Hindi ba ito malinaw na ang ating mga simbahan ay nabibigong makatulong ng mga kabataan? Sinasabi ni George Barna na nawawala natin ang 88% ng ating sariling mga kabataan na lumaki sa simbahan. At napaka kaunti ng mga kabataang natatagumpay natin, lubos na kaunti, mula sa mundo. Ang ating mga simbahan ay natutuyo at nabibigong mabilis. Ang mga Katimugang Bautista ay ngayon nawawala ang 1,000 na mga simbahan kada taon! Iyan ang sarili nilang mga numero! At ang ating independyenteng mga simbahan ay hindi mas nakabubuti. Ang kahit sinong tumingin sa mga numerong ito ay makikita na ang mga simbahan ay hindi kalahating kasing lakas gaya nila noon isang daan taon ang naka lipas. Iyan ang dahilan na nagsalita si Dr. J. I. Packer patungkol sa “nasirang kondisyon ng kasalukuyang simbahan.”

Ang ating mga simbahan, tulad ng mga Disipolo, ay ginagawa ang lahat ng kanilang makakakaya, at gayon sila’y nabibigo. Sila’y nabibigo kasing sama ng mga Disipolo noong sinubukan nilang tulungan ang batang lalake. Ang tanong na dapat nating tinatanong ay, “Paano ito na siya’y hindi namin napalabas?” Ano ang sanhi ng pagkabigong ito?

Dito, sa ika-siyam na kapitulo ng Marcos, para sa akin mukhang hinaharap ni Kristo ang katanungang iyan. At ang sagot ay ibinigay ni Kristo ay kasing kahalaga ngayon gaya nito noon.

“Tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28-29).

Ang teksto ay mahahati sa tatlong simpleng mga punto.

I. Ang unang punto ay “ang ganito.”

Bakit hindi nila siya mapatalsik? Sinabi ni Kristo, “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno] – [KJV].” Sinabi Niya sa kanila na mayroong mga pagkakaiba sa paigtan ng isang kalagayan at sa iba. Sa nakaraan ipinadala ni Kristo sila upang mangaral at magpalayas ng mga demonyo – at sila’y lumabas at nangaral at nagpalayas ng maraming mga demonyo. Sila’y bumabalik na nagpupuri. Sinabi nila na ang mga demonyo ay nagawang mga napailalim sa kanila.

Kaya noong ang lalakeng ito ay dinala ang kanyang anak sa kanila sila’y tiyak na makatutulong sa kanya sa pamamagitan ng paggagawa ng parehong bagay na ginawa nila noon. Gayon sa pagkakataong ito sila’y ganap na nabigo. Sa kabila ng lahat ng kanilang mga pagsisikap ang bata ay hindi natulungan sa anumang paraan, at sila’y nagtaka kung bakit. Tapos si Kristo ay nagsalita patungkol sa, “ganito.” Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng “ganito” at ng uri na kanilang nakaharap noon.

Sa isang paraan, ang problema ay laging pareho. Ang gawain ng simbahan ay ang magligtas sa mga kabataan mula sa kapangyarihan ni Satanas at kanyang mga demonyo, “upang sila'y mangagbalik sa ilaw mula sa kadiliman at mula sa kapangyarihan ni Satanas hanggang sa Dios” (Mga Gawa 26:18). Iyan ay laging pareho sa lahat ng panahon, at sa bawat kultura. Ang mga simbahan ay laging kailangang makasagupa si Satanas at mga demonyo. Ngunit mayroong pagkakaiba sa pagitan ng mga demonyo. Hindi sila lahat pareho. Sinabi ng Apostol Pablo na “ang ating pakikibaka ay hindi laban sa laman at dugo, kundi laban sa mga pamunuan, laban sa mga kapangyarihan, laban sa mga namamahala ng kadilimang ito sa sanglibutan, laban sa mga ukol sa espiritu ng kasamaan sa mga dakong kaitaasan” (Mga Taga Efeso 6:12).

Sinabi Niya sa atin na mayroon iba’t ibang mga antas ng mga demonyo, at ang pinuno nila ay si Satanas mismo, “sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2). Si Satanas ay buhay sa lahat ng kanyang kapangyarihan. Ngunit sa ilalim niya ay ang mga mas mabababang mga demonikong mga kapangyarihan. Madaling mapalayas ng mga Disipolo ang mga mas mahihinang mga demonyo. Ngunit dito, sa batang ito, ay isang espiritu ng mas matinding kapangyarihan. “Ang ganito” ay iba, at kung gayon ay mas matinding problema. Ang unang bagay na dapat nating tagpuan ay kung ano ang “ganito” na dapat nating harapin ngayon.

Habang tinitignan natin ang mga salitang iyon “ang ganito” nagtataka ako kung maraming mga pastor ngayon ay naiisip pa na ang digmaan na kinalalagyan natin ay isang espiritwal na digmaan. Tiyak ako na karamihan sa mga pastor ay di kailan man naiisip na ang gawain nila ay isang digmaan kay Satanas at masasamang mga espiritu. Ang mga seminary, at pati ang mga kolehiyo ng Bibliya, ay naglalagay ng matinding diin sa mga paraan ng tao. Ngunit hindi nila tinuturuan ang mga mangangaral na ang pangunahin nilang problema ay nakasalalay sa espiritwal na lupain.

Kaya nagpapatuloy sila, gamit ang mga partikular na mga pamamaraan na dati ay matagumpay sa nakaraan. Hindi nila naiisip na ang mga paraan na iyon ay hindi humaharap sa “ganito” ngayon. Alam ng lahat na mayroong isang pangangailangan. Ngunit ang tanong ay – anong sakto ang pangangailangan? Hanggang sa tayo ay magkamalay ng saktong pangangailangan ngayon, tayo ay magiging di matagumpay gaya ng mga Disipolo sa batang lalake.

Ano “ang ganito” ngayon? “Ang ganito” ay isang demonyo ng eksistensyalismo. Sinasabi ng eksistensyalismo na ang isang bagay ay tunay lamang kung maranasan mo ito – kung madama mo ito. Ang mga isipan ng mga tao ngayon ay nabubulag sa pamamagitan ng isang “demonyo ng pakiramdam.” Ang eksistensyal na demonyo ay pakiramdam ay nagsasabi na kailangan mong magkaroon ng isang katartikong karanasan – isang pakiramdam ng katiyakan. Ang mga demonyo ay nagsaabi na kung mayroon ka ng pakiramdam na ito, pinatutunayan nito na ika’y ligtas.

Ang mga nabulag na mga taong ito ay hindi naniniwala sa Diyos ng paghahatol. Naniniwala sila sa pakiramdam lamang. Iniisip nila na dapat silang magkaroon ng pakiramdam upang maligtas. Kailangan nila ng isang pakiramdam ng “kasiguradhan” upang patunayan na sila’y ligtas. Ang kanilang “kasiguraduhan” ay isang idolo! Nagtitwala sila sa sarili nilang pakiramdam, hindi kay Hesu-Kristo! Tinatanong namin ang mga tao, “Nagtiwala ka ba kay Kristo?” Sinasabi nila, “hindi.” Bakit nila sinasabing hindi? Dahil hindi sila nagkaroon ng tamang pakiramdam! Pinagkakatiwalaan nila ang kanilang sariling pakiramdam, hindi si Kristo! Ang mga demonyo ay bumulag sa kanilang mga isipan. “Ang ganito” ng demonyo ay matatalo lamang sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno! Dapat tayong mag-anuyo upang masira ang paghahawak ng “ganito!”

II. Ang pangalawang punto ay mga paraan na nabigo.

Nakikita ko ang ating mga simbahan na ginagawa ang mga bagay na napaka matulungin sa nakaraan, ngunit wala na ngayong higit na epekto sa “ganito.” At dahil nakasalalay tayo sa lumang mga paraan, nawawala natin halos lahat ng ating mga kabataan, at hindi tayo halos nakapagbabagong loob ng kahit sino mula sa mundo. Sa panganib ng mapagkamali ang pagka-unawa, ilalagay ko ang Linggong paaralan sa kategoryang iyan. Ito’y napaka epektibo isang daan at dalawampu’t limang taon noon. Ngunit iniisip ko na mayroong itong napaka liit na halaga ngayon. Sasabihin ko ang parehong bagay patungkol sa mga kaligtasang polyeto. Sa isang pagkakataon ang mga tao ay aktwal na bumasa ng mga ito at nagpunta sa simbahan. Ngunit tatanungin ko ang kahit sinong pastor, “Mayroon ka bang kahit anong mga kabataan sa iyong simbahan na nagpunta at naligtas sa pamamagitan ng pagbabasa ng isang polyeto?” Sa tingin ko ito’y maliwanag na ang “ganito” sa ating panahon ay hindi tumutugon ng mahusay sa mga paraan na ginamit sa nakaraan. Ilalagay ko rin ang papupunta sa bawat tahanan na pagbibisita sa kategoryang iyan. Ito’y makapangyarihang ginamit sa nakaraan, ngunit hindi tayo natutulungang makuha ang mga kabataan sa simbahan ngayon na tayo’y nakahaharap sa “ganito.”

Sila’y tiyak na mga bagay na di magagamit ngayon, kapag ang mga ito’y nagamit sa “ganito.” Sa ibang salita, sinasabi ni Kristo sa parehong epekto, “Ika’y nabigo sa kalagayang ito dahil ang kapangyarihan na mayroon ka, na sapat para ibang mga pagkakataon, ay walang halaga rito. Iniiwan ka nitong walang kapangyarihan upang tulungan ang batang lalake na nasa ilalim ng kapangyarihan ng ‘ganito.’”

Alam ko na mayroong mga pastor na naiisip na maraming mga bagay na ginawa natin sa nakaraan ay walang halaga ngayon. Ngunit sila’y nasanay na mag-isip ng pamamaraan kaysa ang mga “lalang” ni Satanas (II Mga Taga Corinto 2:11) – kaya sila’y dumuduyang marahas sa mga bagong mga paraan na hindi mas mainam kaysa sa luma – iyan ay, kung sinusubukan nating kumuha ng mga kabataan na maging mga matatag na mga miyembro ng simbahan. Halimbawa mayroon tayong mga partikular na mga kalalakihan na nagsasabi sa atin na ang sagot ay ang “magpatunay” sa mga kabtaan na ang kwento ng Genesis ay totoo at na ang ebolusyon ay huwad. Iniisip nila na ang kabataan ay mapagbabagong loob, at ang iba ay papasok mula sa mundo, kung mapabulaanan natin ang ebolusyon at makuha silang mahanap ang mga kasagutan sa Genesis. Iniisip nila na sa pamamagitan ng paraan na ito ay magagawan nila ng paraan ang kasalukuyang sitwasyon.

Sinabi ni Dr. Lloyd- Jones, “Ito’y saktong pareho sa simula ng ika-labin walong siglo, noong ang mga tao ay iniipit ang kanilang pananampalataya sa [apolohetiko]. Ang mga ito, ay itinuro nila s aatin, ay mga bagay na magpapakita ng katotohanan ng Kristiyanismo, ngunit hindi nila iyan ginawa. ‘Ang ganito’ ay hindi lalabas sa pamamagitan ng walang anong bagay sa hilerang iyon.”

Isa pang paraan na nabigo ay ang paggamit ng makabagong pagsasalin. Tayo ay sinabihan na ang mga kabataan ay di naiintindihan ang Haring Santiagong Bibliya. Ang kailangan natin ay isang Bibliya sa makabagong wika. Tapos babasahin ito ng mga kabataan. Tapos sasabihin nila, “Ito ay Kristiyanismo” – at sila’y magsisipasok sa ating mga simbahan sa kawan. Ngunit hindi iyan nangyari. Sa katunayan, ang saktong kabaligtaran ay nangyari. Ako’y natratrabaho halos ekslusibong kasama ng mga kabataan sa loob ng anim na pung taon. Alam ko sa katunayan na ang mga makabagong pagsasalin ay hindi umaakit sa mga kabataan sa anumang paraan. Sa katunayan, nadidinig ko ang marami sa kanilang nagsasabing, “Hindi tama ang tunog nito. Hindi lang nito tunog tulad ng Bibliya.”

Hindi pa ako nangaral mula sa isang makabagong pagsasalin, at hindi ko ito gagawin kailan man. At nakakikita kami ng mga kabataang napagbabagong loob palagi, pareho sa aming simbahan, at mula sa mundo rin. Anomang halaga mayroon ang mga makabagong pagsaalin na ito, hindi nila malulutas ang problema. Wala silang nagagawa sa “ganito.”

Ano pang sinusubukan inla? O, ang pinaka malaki ay ang makabagong musika! Kailangan nating makuha ang musikang tama at tapos sila’y papasok at magiging mga Kristiyano.” Ito’y napaka lungkot. Kailangan ko ba talagang magkumento rito? Mayroong isang Katimugang Bautistang simbahan na nagpupulong sa isang na-arkilang mga lugar sa Los Angeles. Ang mga pastor ay nagsusuot ng isang T-shirt at umuupo sa isang bangkito. Bago niya ibibigay ang kanyang pananalita, mayroong isang oras ng rock na musika. Isa sa ating mga kalalakihan ay nagpunta upang tignan ito. Siya’y nagulat. Sinabi niya na ang paglilingkod ay madilim at kaawa-awa, at hindi espiritwal sa anumang paraan. Sinabi niya na ang mga taong iyon ay hindi nagtatagumpay ng mga kaluluwa, at hindi niya mailarawan silang nananalangin ng isang oras tulad ng ating mga kabataan. Isang oras ng wala kundi panalangin? Kalimutan na ito! Kaya, makabagong rock na musika ay nabigo rin upang matalo ang “ganito.”

III. Ang pangatlong punto ay na kailangan natin ng isang bagay na makabababa sa ilalim ng masamang kapangyarihan, at wasakin ito, at mayroon lamang isang bagay na makagagawa niyan, at iyan ay ang kapangyarihan ng Diyos!

Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Kailangan nating maisip na gaano man katindi ng “ganito”, ang kapangyarihan ng Diyos ay walang hanggang mas matindi, na ang kailangan natin ay hindi mas higit na kaalaman, higit na pagkakatindi, higit pang apolohetiko, [mga bagong pagsasalin, o rock na musika] – hindi, kailangan natin ng kapangyarihan na makapapasok sa mga kaluluwa ng mga tao at wawasakin sila at babasagin sila at pakukumbabhain sila at gawin silang bago. At iyan ang kapangyarihan ng nabubuhay na Diyos.” At binabalik tayo niyan sa sunod na teksto,

“Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At sinabi niya sa kanila, Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” (Marcos 9:28-29) – [KJV].

Ang pananalangin at pag-aayuno. Walang ibang makatutulong sa ating simbahan na matalo “ang ganito” ng Satanikong pagsalakay. Ang ating mga simbahan ay hindi umaabot sa mga kabataan ngayon. Anong magagawa natin? “Ang ganito ay hindi mapalalabas ng anoman, maliban sa pamamagitan ng panalangin [at pag-aayuno]” – [KJV].

Sasabihin ng ibang mga “escolar”, “ang pinaka mahusay na manuskrito ay hindi nagsasabing ‘at pag-aayuno.’” Ngunit anong alam ng “escolar” na iyan tungkol sa mga demonyo? Anong alam niya patungkol sa pagbabagong loob ng mga hetano mula sa mga kalye at mga kolehiyong kampus ng ating mga lungsod? Anong alam niya patungkol sa muling pagkabuhay – ang muling pagkabuhay ay tulad ng kanilang nararanasan ngayon sa Tsina? Wala siyang alam tungkol sa mga bagay na iyon. Ako’y naging mga saksi sa nakawawasak ng kasalanang muling pagkabuhay ng tatlong beses sa aking buhay. Ako’y napuspos na isipin na ako’y matinding nagkapribilehiyo na mangaral sa lahat ng tatlong muling pagkabuhay na iyon. Hindi sila mga ebanghelistikong pagpupulong. Ang mga ito’y mga panahon na ang kapangyarihan ng Diyos ay pumasok sa mga puso ng tao, at nagwasak sa kanila, at binasag sila, at pinakumbaba sila, at ginawa silang mga bagong nilalang kay Kristo Hesus!

Kaya hindi natin susundan ang dalawang lumang mga manuskrito na nag-alis ng salitang “pag-aayuno.” Ang mga Gnostiko ay masyadong binigyang halaga ang pag-aayuno. Kaya ang mga taong kumopya ng Sinaitikus manuskrito ay nag-alis ng mga salitang “at pag-aayuno” upang protektahan ang berso mula sa pagkakagamit ng mga Gnostiko. “Ang mga Gnostiko ay inobserbahan ang pag-aayuno sa punto ng paggagutom” (Isinalin mula kay William R. Horne, Trinidad Ebanghelikal na Seminaryo [Trinity Evangelical Seminary], “Ang Pagsasagawa ng Pag-aayuno sa Kasaysayan ng Simbahan” [“The Practice of Fasting in Church History,”] pah. 3). Ang mga makabagong “escolar” ay nagsasabi sa atin na ang mga mangongopya ay nagdagdag ng mga salitang iyon. Ngunit mas posible na inalis nila ito (tignan ang pinagsalinan mula sa Ang Sekreto ng Kasaysayan ng mga Gnostiko: Ang Kanilang mga Kasulatan, Mga Paniniwala at Mga Tradisyon [The Secret History of the Gnostics: Their Scriptures, Beliefs and Traditions], ni Andrew Phillip Smith, kapitulo 5, pahina 1). Alam namin na sinabi ni Kristo, “at pag-aayuno.” Paano na alam namin iyan? Alam namin iyan para sa dalawang dahilan. Una, ang mga Disipolo ay malinaw na nanalangin noong pinalayas nila ang mga demonyo mas maaga kanina. Kaya mayroong kinailangang idinagdag. Mayroong ibang kinailangan – pag-aayuno! Ang panalangin mag-isa ay hindi sapat. Alam rin namin ito sa karanasan. Dahil nakapag-ayuno na kami at nakita namin sa sarili naming mga mata ang magagawa ng Diyos kapag aming ibinuhos ang aming mga puso sa pag-aayuno at panalangin.

Ngayon magsasara ako gamit sa isa pang pagsisipi mula kay Dr. Martyn Lloyd-Jones. Anong mangangaral! Anong kabatiran! Anong pasasalamat ko sa Diyos para sa kanya. Sa ibang lugar sinabi niya,

Nagtataka ako kung naisip natin kailan man na dapat nating isinasaalang-alang ang tanong ng pag-aayuno? Sa katunayan, hindi na, iyan ang buong paksa ng mukhang nahulog paalis ng ating mga buhay, at paalis mula sa ating buong Kristiyanong pag-iisip?

At iyan, ay mukhang higit pa sa ibang bagay, ay ang dahilan na hindi natin nadaig “ang ganito.”

Ako’y magtatawag para sa isang pangkalahatang pag-aayuno sa ating simbahan. Sasabihin ko pa sa inyo ang mas higit patungkol rito maya-maya. Sasabihin ko sa inyo kung kailan tayo mag-aayuno. Sasabihin ko sa inyo ang tungkol sa pag-aayuno, at kung paano tatapushin ang pag-aayuno.

Sa oras na ito tayo ay magpupunta rito sa simbahan at magkakaroon ng hapunan bago tayo magkaroon ng panalanging pagpupulong. Ilan sa mga taga telepono ay sasabihan ni Dr. Cagan na magtawag ng ilang sandal. Ang iba sa atin ay mananalangin, at si Dr. Cagan ay sasagot ng ilang mga katanungan.

1. Tayo’y mag-aayuno at mananalangin para sa tagumpay ng ating mga bagong programa.

2. Tayo’y mag-aayuno at mananalangin para sa isang bagong “balot ng buto” ng mga batang lalake at isang bagong “balot ng buto” ng mga kababaihan. Ang isang “balot ng buto” ay lima o anim na mga tao na nagpupunta ng Sabado, Linggong umaga at Linggong gabi na interesadong maging mga disipolo.

3. Mag-aayuno din tayo at mananalangin para sa pagbabagong loob sa ating simbahan. Tayo ay lalo nang magtutuon ng pansin sa “ganito” – ang mga demonyo na nag-aalipin sa mga tao na maghanap ng mga pakiramdam.


Ngayon dapat huwag kong isara ang pagpupulong na ito na hindi nagsasalita tungkol kay Hesus. Ang lahat na kailangan natin ay mahahanap sa Kanya. Ang Aklat ng Hebreo ay nagsasabing,

“Nakikita natin ang ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay lasapin niya ang kamatayan dahil sa bawa't tao” (Hebreo 2:9).

Si Hesus, ang Anak ng Diyos, namatay sa lugar ng mga makasalanan, bilang kapalit ng makasalanan. Si Hesus ay bumangong pisikal, laman at buto, mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Sa sandal na sumuko ka kay Hesus ang iyong mga kasalanan ay napapawalang bias sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus. Sa sandal na itapon mo ang iyong sarili sa Tagapagligtas, ang iyong kasalanan ay nalilinis mula sa talaan ng Diyos magpakailan man sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. Panalangin namin na magtitiwala ka sa Panginoong Hesu-Kristo at maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan Niya. Amen at Amen. Magsitayo at kantahin ang himno bilang 4 sa inyong kantahang papel.

Isang makapangyarihang kuta ang ating Diyos,
   Isang tagapagtanggol na di kailan man nabibigo,
Ang ating taga tulong Siya, sa gitna ng baha
   Ng mortal na karamdaman na nananaig.
Dahil ang ating lumang kalaban
   Ay humahangad na gawin tayong mapighati;
Ang kanyang kasuwitikan at kapangyarihan ay matindi,
   At, armado ng malupit na kamuhian,
Sa lupa ay hindi kanyang kapantay.

Tayo ba’y sa sarili nating lakas magtiwala, Ang ating magsisikap ay matatalo,
   Hindi ba ang tamang Tao ay nasa ating panig,
Ang Tao ng sariling pagpipili ng Diyos.
   Tatanungin mo sino iyon? Si Kristo Hesus, ito Siya;
Panginoong Sabaoth ang Kanyang pangalan,
   Mula sa lahat ng mga panahon ay parehas,
At dapat Siyang magtagumpay sa dignaan.
(“Isang Makapangyarihang Kuta Ay Ang Ating Diyos.” Isinalin mula sa
    “A Mighty Fortress is Our God” ni Martin Luther, 1483-1546).


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Lumang-Panahong Kapangyarihan.”
Isinalin mula sa “Old-Time Power” (ni Paul Rader, 1878-1938).


ANG BALANGKAS NG

PANANAIG SA MGA DEMONYO NA NAGPAPAHINA
SA ATIN – “ANG GANITO”!

THIS KIND – OVERCOMING THE DEMONS
THAT WEAKEN US – “THIS KIND”!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas? At nang pumasok siya sa bahay, ay tinanong siya ng lihim ng kaniyang mga alagad, Paano ito na siya'y hindi namin napalabas?” (Marcos 9:28-29).

(Marcos 9:18)

I.   Ang unang punto ay “ang ganito,” Mga Gawa 26:18;
Mga Taga Efeso 6:12; 2:2.

II.  Ang pangalawang punto ay mga paraan na nabigo,
II Mga Taga Corinto 2:11.

III. Ang pangatlong punto ay na kailangan natin ng isang bagay na makabababa sa ilalim ng masamang kapangyarihan, at wasakin ito, at mayroon lamang isang bagay na makagagawa niyan, at iyan ay ang kapangyarihan ng Diyos! Mga Hebreo 2:9.