Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGTUTUKSO NI KRISTO
|
Ang Panginoong Hesu-Kristo ay hinarap ni Satanas. Tignan ang Mateo 4:1. Ito’y nasa pahina 997 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya.
“Nang magkagayo'y inihatid ng Espiritu Santo si Jesus sa ilang upang siya'y tuksuhin ng diablo”
(Mateo 4:1).
Tumingala. Ang unang pangalan ni Satanas na ibinigay rito ay “diablo.” Isinasalin nito ang Griyegong salitang “diabolos” ang nangangahulugang “negosyante” o “mapagpanirang puri.” Tinukso niya si Hesus upang “masiraan Niya siya ng puri” kapag si Kristo’y naibigay sa kanya. Ngayon tignan ang berso tatlo,
“At ang manunukso ay dumating at nagsabi sa kaniya, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay ipagutos mo na ang mga batong ito ay maging mga tinapay” (Mateo 4:3).
Ang pangalawang pangalan ni Satanas rito ay “ang manunukso.” Isinasalin nito ang Griyegong salitang “pěirazō” na nangangahulugang “magtukso” o “magsubok.” Isinipi ni Hesus ang Bibliya, Deuteronomio 8:3, “Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4).
Ngayon, ang Diablo mismo ay sumipi ng Kasulatan. Tama si Shakespeare noong sinabi niya, “nakapagsisipi ang Diablo kasulatan para sa kanyang layunin” Isinipi ng Diablo ang Mga Awit 91:11-12, kahit na hindi niya ito isiniping saktong-sakto. Ang mga kulto tulad ng Saksi ni Jehovah at ang mga Mormon ay isinisipi ang ilan sa mga berso sa Bibliya, ngunit hindi nila ito isinisipi ng saktong-sakto. Sinagot ni Hesus ang Diablong tamang-tama,
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios,” Deuteronomio 6:16 (Mateo 4:7).
Tapos sinubok ng Diablo si Hesus sa pangatlong pagkakataon, na ibibigay niya kay Hesus ang lahat ng mga kaharian ng mundo kung sasambahin siya ni Hesus. Ngayon tignan ang Mateo 4:10,
“Nang magkagayo'y sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, Satanas: sapagka't nasusulat, Sa Panginoon mong Dios sasamba ka, at siya lamang ang iyong paglilingkuran,” isinisipi ang Deuteronomio 6:13 at 10:20 (Mateo 4:10).
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee, “Sinagot ng Panginoong Hesus si Satanas sa bawat pagkakataon mula sa Salita [ang Bibliya]. Mukhang iniisip ng Diablo na [ang Bibliya] ay nagbigay ng maiinam na mga sagot dahil sa pinakasunod na berso mababasa natin na, ‘Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo’ (Mateo 4:11)” (Isinalin mula kay J.Vernon McGee, Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], mga tala sa Mateo 4:1-11).
Pansinin na ang berso sampu na binigyan ni Hesus ang Diablo ng pangatlong pangalan, “Humayo ka, Satanas…” Isinasalin ang Griyegong salitang, “Satanas,” na nangangahulugang “ang akusador.” Si Hesus ay sinubok upang patunayn na hindi Siya nasira. Alam ko na hindi ka kasing makapangyarihan ng Panginoong Hesu-Kristo. Ngunit maari nating sundan ang Kanyang halimbawa at masanay na maging Kanyang mga sundalo at mga disipolo! Pansinin na sinagot ni Kristo ang bawat tukso sa pamamagitan ng pagsisipi ng Bibliya, ang Salita ng Diyos. Hindi Niya sinabi, “Sa palagay ko ito ganito o ganyan,” o “Naniniwala ako na mayroong isang mas mainam na paraan.” Sinipi lamang ni Hesus ang tamang mga berso ng Bibliya upang sagutin ang Diablo. Nag-aral ako para sa aking Masters digri sa isang lubos na liberal, na tumatangi ng Bibliyang seminary. Kinailangan kong magpunta doon dahil wala akong sapat na pera upang magpunta sa isang mainam na seminary tulad ng pinupuntahan ni John Cagan. Ngunit mayroon akong isang bagay na natutunan mula sa masamang seminaryong iyan. Natutunan kong sagutin ang mga propesor sa pamamagitan ng pagsisipi ng Bibliya sa kanila. Tinawag nila akong makitid ang isipang Pundamentalista. Hindi ako naligalig nito sa anumang paraan! Sinusundan ko si Hesus. Ako ang Kanyang disipolo – hindi kanila!
Iyan ang dahilan na napaka mahalaga para sa iyo na bumalik rito at matutunan ang Bibliya. Huwag tumakabo sa ibang simabahan o pag-aaral ng Bibliya. Ang taong namumuno ng grupong iyan ay maaring malaman ang Bibliya na napaka husay, kaya hindi ka nila masasanya na maging isang disipolo ni Kristo. Kung ika’y magpapatuloy na magpunta rito, ituturo namin sa iyo ang purong Salita ng Diyos, at mapamememorya ang maraming mga susing berso. Narito ay isang berso para sa iyong mamemorya ngayon.
“Ang salita mo'y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo”
(Mga Awit 119:11).
Ngayon gusto kong makita mo mula sa Bibliya, ang Salita ng Diyos, kung saan nanggaling si Satanas. Ang ilan sa mga mahihinang mga bagong ebanghelikal ay magsasabi sa iyo na hindi ito mahalagang malaman tungkol kay Satanas. Ngunit mayroon kang dapat malaman tungkol sa Diablo kung gutsto mong maging isang disipolo ni Kristo! Lumipat sa Isaias 14:12-15. Ito’y nasa pahina 726 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Magsitao at basahin itong tahimik habang basahin ko itong malakas.
“Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. [Ako’y maging Diyos!] Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:12-15).
Maari nang magsi-upo.
Sa berso 12 ang Diablo ay tinatawag na “Lucifer.” Ang Lucifer ay nangangahulugang “kumikinang na ilaw” sa Hebreo. Sa pagkakaalam lamang na ang pangalan ng Diablo ay “kumikinang na ilaw” ay makatutulong sa ilan sa inyo mamaya. Sa ilang mga kulto at ilang grupo ng mga taong Pentekostalista, nakikita nila ang isang “kumikinang na ilaw” at iniisip nila na ito ay ang Banal na Espirtiu. Hindi! Hindi! Ito’y si Satanas! Ito’y si Lucifer! Sa II Mga Taga Corinto 11:14, sinasabi ng Bibliya, “Si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.” Kung may makikita kang ilaw sa ulo ng isang tao, si Satanas ito! Hindi ito ang Diyos! Hindi ito ang Banal na Espiritu. Ito’y si Satanas, “nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.” Ngayon maraming mga tanyag na mga aklat na tumutukoy sa mga taong namamatay, at nagpupunta sa Langit, at tapos bumabalik sa lupa. Lagi sila laging tumutukoy na nakakakita ng isang “ilaw” sa Langit. Sa katunayan halos sa bawat pagkakataon sila’y nalinlang ni Satanas – nakita nila si Satanas at inakala na iyon ay ang Diyos! Ngunit hindi iyan posible. Sinabi ni Kristo sa atin,
“Walang taong nakakita kailan man sa Dios” (Juan 1:18).
Kung tunay na nakakita sila ng “ilaw” hindi ito ang Diyos! Ito’y si Lucifer (si Satanas) o isa sa kanyang mga demonyo! Hindi kailan man ang Diyos!
Pabalik sa Isaias 14:12. “Nagpahina nga ng mga bansa” si Lucifer noong itinapon siya mula sa Langit papunta sa lupa. Si Lucifer ay orihinal isang makapangyarihang anghel sa Langit. Ngunit si Lucifer ay itinapon mula sa Langit dahil sa pagsusubok na kunin ang lugar ng Makapangyarihang Diyos. Tignan ang Isaias 14:13-15, habang babasahin ko uli ito. Magsitayo.
“At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. [Ako’y maging Diyos!] Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:13-15).
Tignan ang tala sa Scofield sa ibaba ng pahina 726. Sinasabi nito, “Ang mga berso 12-14 ay maliwanag na tumutukoy kay Satanas…Ang pambihirang pasaheng ito ay minamarkahan ang simula ng kasalanan sa daigdig. Noong sinabi ni Lucifer, ‘Ako ay,’ ang kasalanan ay nagsimula.” Ngayon tignan ang Apocalipsis 12:9. Ito’y nasa pahina 1341 malapit sa katapusan ng Bibliya. Sundan ako habang babasahin ko ito.
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Apocalipsis 12:9).
Ang matinding dragon rito ay si Lucifer, si Satanas, “iyong matandang ahas, na tinatawag na Diablo, at Satanas.” Karamihan sa mga makabagong escolar ay nagsasabi na ito ay isa na namang pagtatapon ni Satanas sa katapusan ng daigdig. Ang bersong ito ay tumutulong na magpaliwanag sa parehong pagtatapon na mababasa natin sa Isaias 14. Sa parehong pagkakataon, diyan nanggaling si Satanas. Tayo ay sinasabihan rito na sa berso 9 na “ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.” Ang mga rebeldeng mga anghel na ito ay gayon naging mga demonyo na humarap kay Hesus sa Bibliya. Mayroong isang parirala na dapat pansinin sa Apocalipsis 1:9, “Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan.”
Kahit na si Winston Churchill ay hindi nagpupunta sa simbahang Kristiyano, naintindihan niya na mayroong isang Diablo. Alam ni Churchill na ang Diablo ay nasa likod ni Hitler at na masasamang puwersa ng Alemnaya sa Pangalawang Makamundong Digmaan. Iyan ang dahilan na alam ni Churchill na hindi siya makagagawa ng payapa kay Hitler. Ang mga iba tulad nina Chamberlain, Panginoong Halifax at ang mga “tagapagpalubag” ay naisip na maari silang gumawa ng payapang kasunduan kay Hitler. Ngunit alam ni Churchill na ang mga demonikong mga kapangyarihan ng mundong ito ay kailangang mahinto o katapusan na ng tinawag ni Churchill na “Kristiyanong sibilisasyon.”
Iyan ang dapat nating ipaglaban bilang mga disipolo ni Kristo. Ang aking kasamang si Kagalang-galang na si John Cagan, ay mangangaral patungkol sa ating kalaban – ang Diablo – mamayang gabi ng 6:15. Magkakaroon kami ng isang mainam, at mainit na hapunan para sa inyo at madidinig ninyo si Pastor John na mangaral. Tiyakin na bumalik ng 6:15 mamayang gabi!
Please stand and sing Luther’s great hymn, “A Mighty Fortress Is Our God.” It’s number one on your song sheet. Please stand and sing it! Magsitayo at kantahin ang dakilang himno ni Luther, “Isang Makapangyarihang Kuta Ay Ang Ating Diyos” [“A Mighty Fortress Is Our God”]. Ito’y bilang isa sa inyong kantahang papel. Magsitayo at kantahin ito!
Isang makapangyarihang kuta ang ating Diyos,
Isang tagapagtanggol na di kailan man nabibigo,
Ang ating taga tulong Siya, sa gitna ng baha
Ng mortal na karamdaman na nananaig.
Dahil ang ating lumang kalaban
Ay humahangad na gawin tayong mapighati;
Ang kanyang kasuwitikan at kapangyarihan ay matindi,
At, armado ng malupit na kamuhian,
Sa lupa ay hindi kanyang kapantay.
Tayo ba’y sa sarili nating lakas magtiwala, Ang ating magsisikap ay matatalo,
Hindi ba ang tamang Tao ay nasa ating panig,
Ang Tao ng sariling pagpipili ng Diyos.
Tatanungin mo sino iyon? Si Kristo Hesus, ito Siya;
Panginoong Sabaoth ang Kanyang pangalan,
Mula sa lahat ng mga panahon ay parehas,
At dapat Siyang magtagumpay sa dignaan.
(“Isang Makapangyarihang Kuta Ay Ang Ating Diyos.” Isinalin mula sa
“A Mighty Fortress is Our God” ni Martin Luther, 1483-1546).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Isang Makapangyarihang Kuta Ang Ating Diyos.” Isinalin mula sa
“A Mighty Fortress Is Our God” (ni Martin Luther, 1483-1546).