Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG HUKBO NI GEDEON!GIDEON’S ARMY! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin” |
Ito’y isang simpleng kwento. Ngunit ito’y lubos na mahalagang kwento. Si Gedeon ay isang binate na nabuhay sa panahon ng matinding apostasiya. Dapat nitong dakmain ang iyong atensyon agad-agad dahil nabubuhay tayo ngayon sa isang matinding panahon ng katapusang apostasiya.
I. Una, ang apostasiya.
Ang mga tao ng Israel ay gumawa ng kasamaan sa paningin ng Diyos. At pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapabaya sa kanilang maging mga alipin ng mga Midianitas. Sila ay mga kaaway ng Israel. Ang mga tao ng Israel ay umurong mula sa mga mabagsik na mga Midianitas. Itinago nila ang kanilang mga sarili sa mga kweba mula sa mga masasamang mga Midianitas. Ang mga Midianitas ay lubos na malalakas na sinira nila ang mga pananim ng mga Israelita. Ninakaw nila ang kanilang mga tupa at mga baka at mga buriko. Ang Israel ay nadurog at nawalan ng pag-asa. Tumawag sila sa Panginoon.
Tapos ang Diyos dumating sa Gedeon. Ang Diyos ay dumating sa kaniya habang siya ay nagtatago mula sa mga Midianitas. At sinabi ng Diyos sa Gedeon, “Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang” (Mga Hukom 6:12).
Ako’y hindi isang makapangyarihang tao ng kagitingan noong nagpupunta ako sa isang liberal, tumatanggi-ng-Bibliyang seminary ng hilagang San Fransico. Ako’y isang mahinhin at malumanay na Bautistang batang lalakeng mangangaral. Ngunit ang nakita ko sa seminary ay nagsanhi sa aking magalit ng lubos sa makabagong ebanghelikalismo. Hindi sila naniwala sa Diyos ng Bibliya. Sila’y kontrolado ng mga Midianitas – na gustong ilagay ang Diyos sa isang straitjacket – iyong mga ayaw na kontrolado ng Diyos ang kanilang mga isipan at kanilang mga buhay.
Sumulat si Dr. David F. Wells ng isang mahalagang aklat sa katiwalian ng ebanghelikalismo sa ating panahon. Ito’y tinatawag na, Walang Lugar para sa Katotohanan: o Anomang Nangyari sa Ebanghelikal na Teyolohiyo? [No Place for Truth: or Whatever Happened to Evangelical Theology?] (Eerdmans, 1993). Si Dr. Wells ay isang galit na tao. Sinasabi niya, “Ang ebanghelikal na mundo ay Nawala ang radikalismo nito” (isinalin mula sa pah. 295). Ang mga ebanghelikal na mga simbahan ay hindi gumigising sa mga kabtaaan upang maging mga radikal na mga Kristiyano. Lumalakad silang malambot, mahina, at makasarili – takot na magsalita dahil takot sa kung anong iisipin ng mga tao sa kanila. Ang ebanghelikal na institusyon ay lalabanan ang kahit sino na gustong makita ang mga simbahan na nabago at buhay ngayon. Sinabi ni Dr. Wells, “Ang pagsasang-ayon ay isang makapangyarihang puwersa sa ebanghelikal na mundo, at madali itong sinasakal ang mga nag-iisang mga di mapag-alinsunod” (isinalin mula sa pah. 295).
Sinubukan nilang malubha na makuha akong sumang-ayon sa kanilang di paniniwala sa seminary na pinuntahan ko. Sinabi nila sa akin na hindi ako kailan man makakukuha ng isang Katimugang Bautistang simbahan kung nagpatuloy ako sa pagtatanggol ng Bibliya. Sinabi ko sa kanila, “Kung iyan ang kapalit, ayaw ko nito.”
Nawala ko ang lahat para sa pangunguha ng katayuang iyan. Anong nawala ko? Nawala ko ang lahat na mahalaga sa akin. Wala na akong kinailangan mula sa Katimugang Bautista. Kinamuhian ko ang denominasyon. Kinamuhian ko ang seminary. Kinamuhian ko ang aking simbahan dahil sa hindi pagsusuporta sa akin. Kinamuhian ko ang aking buhay. Kinamuhian ko ang lahat ng bagay maliban kay Hesus at ang Bibliya. Naglakad akong mag-isa sa gabi. Kinailangan kong magpatuloy maglakad o pakiramdam nito’y parang mababaliw ako.
Isang gabi sa wakas nakatulog ako sa aking silid sa dormitory. Ang Diyos Mismo ay gumising sa akin. Ang dormitory ay tahimik. Walang ingay. Lumakad ako sa gabi. Habang tumayo ako sa isang burol sa tabi ng seminary nakikita ko ang mga ilaw ng San Francisco sa tubig ng look. Ang hangin ay umihip sa aking buhok at sa aking mga damit. Ako’y naginaw sa buto. At sa hangin sinabi ng Diyos sa akin, “Hindi mo kailan man malilimutan ang gabing ito. Ngayon ika’y mangangaral lamang upang palugurin ako. Ngayon matututunan mong hind imaging takot. Ngayon magsasalita ka para sa akin lamang. Ako’y magiging kasama mo.”
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
ANG AMING MGA PANGARAL AY MAKUKUHA
NA NGAYON SA IYONG CELLPHONE.
MAGPUNTA SA WWW.SERMONSFORTHEWORLD.COM.
I-KLIK ANG BERDENG BUTONES NA MAY SALITANG “APP”.
SUNDAN ANG HAKBANG NA LALABAS.
+ + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + + +
Ngayon alam ko na iyon ang pagkatawag kong mangaral. Bago niyan ako’y isang boluntaryo. Ngayon ako’y tinawag ng Diyos na mangangaral. Naniniwala ako na bawat walang takot na mangangaral ay dapat dumaan sa isang parehong krisis bago siya pagkatiwalaan ng Diyos na magsalita ng katotohanan. Walang emosyon. Ito lamang, “Kung hindi mo ito sasabihin walang ibang gagawa nito, at malubhang kinakailangan itong masabi – at ang iba ay natatakot na sabihin ito, kaya kung hindi mo sasabihin ito, walang ibang gagawa nito, o sa pinaka kaunti ay hindi ito sasabihing napaka husay.” Nagpunta ako na ang mga kaisipang mga iyon na nakatatak sa aking isipan magpakailan man. Sa isang sanaysay ni Dr. A. W. Tozer, na tinawag na “Ang Kaloob ng Propetikong Kabatiran” [“The Gift of Prophetic Insight”], ay nagsabi nito: “Kokontrahin, tutuglisain at magproprotesta siya sa pangalan ng Diyos at kikitain ang pagkagalit at pagsalungat ng isang malaking bahagi ng Sangkakristyanuhan… Ngunit wala siyang katatakutan na humihingi ng mortal na hinga.” Marahil iyan ang dahilan kung bakit si Dr. Bob Jones III ay nagsabi na ako’y “tulad ng Lumang Tipang propeta sa pamamaraan at sa diwa.” Para sa mas malalim na pagpapaliwanag ng lahat ng ito, basahin ang aking awtobiyograpiyang, “Laban sa Lahat ng Pagkatakot.”
Sa gabing iyong karanasan kasama ng Diyos ay gumawa sa aking maintindihan ang isang lalake tulad ni Gideon. Sinabi ng Diyos sa kanya, “Ang Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.” Kahit na tiyak na hindi ako si Gideon, sa pinaka kaunti ay naiintindihan ko siya ngayon. Sinabi ni Gideon, “Hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian” (Mga Hukom 6:13).
Nadama ni Gideon na hindi karapat-dapat at hindi kayang gawin ito. Tulad ni Moses, si Gideon ay gumawa ng maraming mga palusot. Narito tayo, aking mga kaibigan, sa gitna ng matinding apostasiya ng huling mga araw. Nadarama nating hindi karapat-dapat at hindi nakakayang labanan ang huwad na relihiyon ng bagong ebanghelikal na mga Midianitas. Ang apostasiya ay masyadong malalim. Ang kapangyarihan ng ebanghelikal na Midianitas ay masyadong matindi. Wala tayong magagawa upang iligtas ang Bibliya at ang Diyos ng Bibliya mula sa mga taong ganap na tumalikod dating pananampalatay.
II. Pangalawa, ang Diyos ng mga Bibliya ay buhay pa din!
Sinabi ng Diyos, “Ako, ang Panginoon, ay hindi nababago”! (Malachi 3:6). Tapos ang Espiritu ng Diyos ay dumating kay Gideon. Nagpadala siya ng mga mensahero na nagpulong ng mga masa ng mga Israelitas upang makipagdigma laban sa mga Midianitas.
“Nang magkagayo'y si Jerobaal na siyang Gedeon, at ang buong bayan na kasama niya ay bumangong maaga, at humantong sa bukal ng Harod: at ang kampamento ng Madian ay nasa dakong hilagaan nila, sa dako roon ng Moreh, sa libis. At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin. Kaya't ngayo'y yumaon ka, ipagpatawag mo sa mga pakinig ng bayan, na iyong sabihin, Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit mula sa bundok ng Galaad. At bumalik sa bayan ang dalawang pu't dalawang libo; at naiwan ang sangpung libo” (Mga Hukom 7:1-3).
Sinabi ng Diyos kay Gideon, “Ang bayang kasama mo ay totoong marami.” Magpunta at sabihin, “Sinomang matatakutin at mapanginig, ay bumalik at pumihit” (Mga Hukom 7:3).
Doon ay dalawampu’t dalawang libo ang bumalik. Sampung libo ang nanatili kasama ni Gideon. Iyan ang nangyari sa amin. Ang aming simbahan ay tumaas hanggang 1,100 na mga tao noong nagtagpo kami sa Le Conte Junior High School. Ngunit karamihan sa kanila ay masyadong takot na mapanganib ang kanilang mga buhay para kay Hesus. Ang ilan ay lumisan mula sa simbahan sa paghahangad ng “katuwaan” – o pagtatalik – o droga. Iyong mga umalis ay inilalarawan ni Hesus sa Parabula ng Manghahasik. Sa Lucas 8:10-15 ang parabulang iyan ay ipinapaliwanag. Ang unang uri ng tao ay iyong mga nakaririnig ng saita ng Diyos, at ang Diablo ay dumarating at inaalis ang salita mula sa kanilang mga puso “upang huwag silang magsisampalataya at mangaligtas” (Lucas 8:12). Nakikita namin iyan halos linggo-linggo. Pumapasok sila tapos tinitignan ang kanilang iPad imbes na making sa pangaral. O isinasara nila ang kanilang mga mata at nag-iisip ng ibang bagay. Ang salita ng Diyos ay walang nagagawang kabutihan sa kanila, anumang paraan, dahil hinahayaan nila ang Diablong bunutin ang salita mula sa kanilang mga puso.
Ang pangaralang uri ay iyong mga nakaririnig ng salita na may galak. Ngunit walang ugat kay Kristo. Kaya mukhang naniniwala sila ng ilang sandali. Ngunit kapag sila’y natutukso sila’y bumabagsak papalayo.
Ang pangatlong uri ng tao ay iyong mga naririnig ang salita at nagsisiyaon sa kanilang lakad. Tapos sila’y iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, “at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.” Si Dr. J. Vernon McGee ay tama noong sinabi niya na ang mga uring ito ng mga tao ay di kailan man napagbagong loob. Inilalarawan nila ang lahat ng mga tao na iniwan ang ating simbahan sa nakaraan. Ang kanilang mga buhay ay nagpapakita na wala sa kanila ay tunay na napagbagong loob. Nagpunta lamang sila para sa samahan at katuwaan sa simbahan. Ngunit noong sila’y sinubok umalis sila dahail hindi sila kailan man nagsisi at hindi kailan man naipanganak muli. Ang mga ito ay isang larawan ng dalawampu’t dalawang libong mga tao na nagpunta upang tulungan si Gideon ngunit masyadong takot upang manatili rito at maging sundalo ng Diyos! At mga sundalo ng krus!
“At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin” (Mga Hukom 7:2).
Ngunit masyadong marami pa ring mga tao. Sinabi ng Diyos kay Gideon, “Ang bayan ay totoong marami pa; palusungin mo sila sa tubig, at doo'y aking susubukin sila sa iyo” (Mga Hukom 7:4). Ito’y napaka init doon “sa dako roon ng Moreh, sa libis” (Mga Hukom 7:1). Ang mga Israelitas ay lubos na nauuhaw. Karamihan sa mga tao ni Gideon ay tumakbo patungo sa tubig, at yumukod at inilagay ang kanilang mga kamy sa tubig, habang ito’y kanilang ininom. “ang bilang ng mga humimod, na inilalagay ang kanilang kamay sa kanilang bibig, ay tatlong daang lalake” (Mga Hukom 7:1). Ang mga Israelitas ay lubos na nauuhaw. Karamihan sa kanila ay inilagay ang kanilang mga kamay sa tubig dahil sila’y lubos na nauuhaw. Ngunit tatlo lamang ang naglagay ng tubig sa kanilang mga kamay at uminom mula sa kanilang mga kamay. Alam nila na kinailangan nilang ipanatiling nakataas ang kanilang mga ulo, upang magbantay para sa mga Midianitas.
“At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Sa pamamagitan ng tatlong daang lalake na humimod ay ililigtas ko kayo, at ibibigay ko ang mga Madianita sa iyong kamay: at pabayaan mong ang buong bayan ay yumaon bawa't isa sa kanikaniyang dako” (Mga Hukom 7:7).
Hanggang diyan lang tayo sa kwento ni Gideon at ang tatlong daang mga kalalakihang ngayong gabi. Ang mga Midianitas ay naroon sa lambak, “parang balang dahil sa karamihan; at ang kanilang mga kamelyo ay walang bilang, na gaya ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa karamihan” (Mga Hukom 7:12). Sa gabing iyon ipinadala ng Diyos ang makapangyarihang lehiyon ng mga Midianitas sa tatlong daang mga tao ni Gideon. Ang mga Midianitas ay tumakbo para sa kanilang mga buhay. At ang mga Israelitas ay kinuha ang mga prinsipe ng mga Midianitas, Oreb at Zeeb, at pinugot ang kanilang mga ulo at dinala ang kanilang mga ulo kay Gideon (tignan ang Mga Hukom 7:25). Ang tagumpay ay napanalunan ng Diyos sa pamamagitan ng maliit n abanda ng tatlong daan lamang mga sundalo!
Narito ang aral para sa gabing ito. Karamihan sa mga simbahan ngayon ay pinamumunuan ng mga kalalakihan na interesado lamang sa mga bilang. Ito ay ang mga ebanghelikal na mga Midianitas. Iniisip nila na kinakailangan na magkaroon ng daan daang mga tao na nagpupunta. At gayon wala silang kapangyarihan. Mas makabubuti para sa isang mangangaral na isipin si Gideon at ang kanyang maliit na banda ng mga mapagpananampalatayang mga sundalo.
Si Jonathan S. Dickerson ay sumulat ng isang dakilang aklat na pinamagatang Ang Matinding Ebanghelikal na Pag-urong [The Great Evangelical Recession] (Baker Books). Nagbigay siya ng mga estatistiko. Ngayon 7% ng ating mga kabataan ay nagproproklamang mga ebanghelikal na mga Kristiyano. Apat na pu’t limang pursyento ng mga ebanghelikal na mga Kristiyano ay mamamatay sa sunod na dalawampung taon. Ibig nitong sabihin na ang bilang ng mga kabataang ebanghelikal na mga Kristiyano ay di magtatagal babagsak mula 7% hanggang sa halos “4 na pursyento o mas kaunti pa – maliban na lang na mga bagong disipolo ay mabubuo” (Isinalin mula sa ibid., pah. 144).
Bakit ganoon nalang na pagbagsak sa bilang ng mga kabataan sa mga simbahan? Kumbinsido ako na ito’y dahil sa hindi sila nahahaman sa pamumuhay ng Kristiyanismo. Ano ang ating layunin? Ang ating layunin sa simbahang ito ay ang tulungan ang mga kabataan na maabot ang pinaka mataas na potensyal kay Kristo. Narito tayo upang magbangon ng isang grupo ng mga kabataan tulad ng lehiyon ni Gideon. Narito tayo upng tulungan ang mga taong magpunta sa ating simbahan at maging mga disipolo ni Hesu-Kristo. Ang mga taong gusto naming sumapi sa lehiyon ni Kristo ay mga kabataan. Sila’y mga kabataan na handang gumawa ng isang bagay na bago at nakakahamon. Sinabi ni Hesus,
“Kung ang sinomang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin” (Marcos 8:34).
Iyong mga hindi interesado sa pagsunod kay Hesus, anomang kapalit nito, ay dapat gamain. Iyong mga gustong alagaan na tulad ng mga sanggol ay ang tinatawag kong mga “mangunguha.” Iyong mga “mangunguha” na ayaw ikaila ang kanilang mga sarili. Ayaw nilang ibigay ang kahit ano kay Hesus. Kung gusto mong alagaan magpakailan man, hindi ito ang simbahan para sa iyo.
Ang aking asawang si Ileana ay nagpunta sa simbahan noong siya ay labing anim na taong gulang. Sa loob ng tatlong linggo nakakuha siya ng sarili niyang daan papunta sa simbahan. Hindi niya kinailangang “sunduin” pagkatapos lamang ng tatlong linggo. Agad-agad siya’y naging trabahador sa aming simbahan. Siya’y naging isang taga-tawag sa telepono noong 17 lamang siya. Pinakasalan niya ako noong siya ay 19 taong gulang lamang. Noong ang aming kambal na mga lalake ay naipanganak dinala niya sila sa simbahan na pinaka unang Linggo. Ang aking anak na si Leslie ay di kailan man nakaligtaang magpunta sa simbahan dahili sa pagkakasakit sa kanyang buong buhay. Maraming ibang mga kababaihan ay naisip na iyan ay masyado sobra. Pinanatili nila ang kanilang mga anak sa bahay kapag mayroon silang kaunting sipon. Ngunit ang aking asawa ay tama at ang iba ay mali. Halos lahat ng kanilang mga anak ay umalis sa simbahan upang mamuhay ng mga makasariling mga buhay. Ang aking dalawang mga anak na laakle ay narito ngayon sa bawat paglilingkod hanggang sa araw na ito. Sila ay narito dahil ang aking asawa ay disipolo ni Kristo. Si Dr. Kreighton L. Chan, na ating paparangalan sa kanyang ika-anim na pun taong kaarawan sa ilang minute, ay sinabi patungkol kay Gng. Hymers, “Kilala ko siya noong una siyang dumating sa simbahan. Nagkaroon siya, at patuloy na mayroong, matinding pag-ibig para kay Kristo at isang pasyon para sa mga nawawalang mga kaluluwa. Bilang isang [dalaga] itinapon niya ang kanyang buhay sa pangangasiwa ng ating simbahan at walang pinigil…Mga kabataan, gawin si Gng. Hymers iyong modelo. Kung susundan mo ang kanyang halimbawa, ang ating simbahan ay magkakaroon ng isang maliwanag at maluwalhating hinaharap.”
Dahil ating ipagdidiwang ang ika anim na pung taong kaarawan ni Dr. Chan ngayong gabi dapat ko rin sabihin na siya rin ay isang kumikinang na halimbawa ng isang disipolo ni Kristo. Siya’y naordinang pastor ng ating simbahan. Siya ay isang napaka masakitin noong siya ay bata. Siya’y lubos na nagkakasakit na inilagay nila siya sa isang salaaming kulungan sa ospital sa kanyang buong pagkabata. Nagpunta siya sa ating simbahan bilang isang binate nag-aaral na maging isang medikal na doktor. Ang ibang mga doktor ay nagsabi sa kanya na hindi siya mabubuhay hanggang sa edad na tatlom pu. Maari siyang naging isang mahinang maliit na lalake na gusto na ang simbahan ay mag-alaga sa kanya. Ngunit hindi! Itinapon niya ang kanyang sarili sa gawain ng simbahan at naging isang disipolo ni Kristo. Sinabihan nila siyang huwag ibuhos ang sarili o mamamatay siya bago ng edad ng tatlompu. Ngunit ang gawain ni Kristo ay sa katunayan nagpalakas kay Dr. Chan. Nakabuhay siya ng isang mainam, malakas na buhay sa loob ng tatalom pung taon mas matagal kaysa inaasahan. Binuhat niya ang kanyang krus at sinundan si Hesus. At ngayon umuupo siya sa platapormang ito na isang makapangyarihang tao ng Diyos sa edad na anim nap u!
Pede akong magpatuloy at sabihin sa inyo ang tungkol kay Gg. Mencia, at Gng. Salazar, at Gg. Ben Griffith, na nakabakasyon kasama ng kanyang asawa ngayong gabi. Maari kong sabihin sa inyo ang tungkol kay Gg. at Gng. Virgell Nickell, na nagpahiram sa atin ng karamihan sa pera upang bilhin ang gusaling ito. Gg. Nickell ay 75 na taong gulang na mayroong diabetes – gayon ay nagmamaneho siya ng higit sa isang oras bawat daan upang maging narito sa ating simbahan tuwing Miyerkules ng gabi, tuwing umaga ng Linggo, at tuwing gabi ng Linggo. O maari kong sabihin sa inyo ang tungkol sa nakamamanghang binatang si, Kagalang-galang na si John Samuel Cagan na di magtatagal ay papalit sa akin bilang pastor ng simbahang ito. Ang lahat ng mga taong ito ay naging mga disipolo ni Hesus, at mga sundalo ng krus.
Sinabi ng aking pastor na si Dr. Timothy Lin, “Mas kaunti ay mas maigi kaysa mas marami…Ang bawat upuan sa bawat bangko ng Linggo, ngunit ang katunayan ay nananatili na mayroon lamang isang dakot ng mga tao sa pananalanging pagpupulong… Hindi natin masasabi na iyan ay malusog” (Ang Sekreto ng Paglago ng Simbahan [The Secret of Church Growth], pah. 39). Iyong mga gustong tratuhing na tulad ng mga sanggol magkapakailan man ay gagamasin. Sila’y pirmihang mga “mangunguha” na di kailan man nagbibigay ng kahit ano para kay Kristo. Kung gusto nating magkaroon ng isang simbahan ng mga disipolo dapat nating pakawalan ang mga “mangunguha”, upang magkaroon tayo ng mga kabataan na gustong subukin ang mga Midianitas ng malambot na bagong-ebanghelikalismo, at baguhin ito. Dapat nating palakasin ang loob noong mga gusto na ang kanilang mga buhay ay mabilang para kay Kristo. At huwag dapat nating palakasin ang loob noong mga gusto nila tayong tratuhin sila tulad ng mga sanggol na hindi kailan man lumaki! Dapat nating palakasin ang loob noong mga gustong maging mga disipolo ni Hesus, at dapat nating hayaan ang ibang umuwi gaya ng ginawa ni Gideon!
Magsitayo at kantahin ang himno bilang 1 sa inyong kantahang papel, “Pasulong, Kristiyanong mga Sundalo.” Kantahin ito!
Pasulong, Kristiyanong mga sundalo, nagmamartsa gaya ng sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nauuna:
Si Kristo ang maharlikang Panginoon gumagabay laban sa kaaway;
Pasulong sa digmaan, tignan ang Kanyang mga bandila!
Pasulong, Kristiyanong sundalo, nagmamartsa gaya ng sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nauuna.
Tulad ng isang makapangyarihan lehiyon pinakikilos ang simbahan ng Diyos;
Mga kapatid, tayo ay yumayapak kung saan ang mga santo ay nagsiyapak;
Tayo ay hindi nakahiwalay, isang katawan tayo,
Isa sa pag-asa at doktrina, isa sa kawang-gawa.
Pasulong, Kristiyanong mga sundalo, nagmamartsa gaya ng sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nauuna.
Pasulong gayon, kayong mg atao, salihan ang aming maligayang karamihan,
Ipagsama kasama namin ang inyong mga tinig sa matagumpay na kanta;
Maluwalhati, nagpupuri at karangalan kay Kristo ang Hari;
Ito sa pamamagitan ng hindi mabilang na mga
Panahon mga tao at mga anghel ay nagsisikanta.
Pasulong, Kristiyanong mga sundalo, nagmamartsa gaya ng sa digmaan,
Dala ang krus ni Hesus na nauuna.
(“Pasulong, Kristiyanong Mga Kristiyano.” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Noah Song:
“Pasulong Kristiyanong Mga Sundalo.” Isinalin mula sa
“Onward, Christian Soldiers” (ni Sabine Baring-Gould, 1834-1924).
ANG BALANGKAS NG ANG HUKBO NI GEDEON! GIDEON’S ARMY! ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “At sinabi ng Panginoon kay Gedeon, Ang bayang kasama mo ay totoong marami sa akin upang aking ibigay ang mga Madianita sa kanilang kamay, baka ang Israel ay magmalaki laban sa akin, na sabihin, Aking sariling kamay ang nagligtas sa akin”
I. Una, ang apostasiya, Mga Hukom 6:12, 13.
II. Pangalawa, ang Diyos ng mga Bibliya ay buhay pa din! |