Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PANGANGARAL NG KRUS
THE PREACHING OF THE CROSS Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18). |
Ang ating pastor, si Dr. Hymers ay nangangaral na ng anim na pung taon. Nangaral na siya ng libo-libong mga pangaral. Isinulat niya ang pangaral na isinulat ko ngayon. Maraming daan-daan ng kanyang mga manuskrito ay ngayon nasa ating websayt, na berbatim. Isinalin ang mga ito sa 38 na mga wika. Ang mga pangaral na mga videyo at mga manuskrito ay lumalabas sa 221 na mga bansa ng mundo. Ang mga pastor sa buong mundo ay ipinangangaral ang kanyang mga pangaral. Si Dr. Hymers ay isang bukod tanging mangangaral! At gayon, kahit sa lahat ng kanyang karanasan, natatagpuan niyang mahirap pa ring magpasya sa kung anong ipangangaral.
“Bakit iyan napaka hirap?” maari mong tanungin. Sasabihin ko kung bakit. Magkakaroon ng maraming mga tao sa ating simbahan ng Linggo ng umaga na hindi mga tunay na mga Kristiyano. Ang ilan ay mula sa isang Budistang pinanggalingan. Ang ilan ay manggagaling mula sa isang Katoliko o bagong ebanghelikal na pinanggalingan, nominal na mga Kristiyano, mga Kristiyano sa pangalan lamang. Ang ilan ay hindi magkakaroon ng tunay na relihiyosong pinanggalingang anuman. Ang ilan ay mga di ligtas na mga tao sa ating sariling simbahan, na maraming nalalaman tungkol sa Bibliya, ngunit hindi kailan man naransan ang bagong pagkapanganak. Ang lahat sa kanila ay magkakaroon ng isang bagay na magkapareho. Hindi sila tunay na napagbagong loob kay Hesu-Kristo.
Tuwing Linggo ng umaga ang pangaral ay isang oras lamang o mas kaunti pa. Sa maikling panahon, ang pangaral ay dapat magsabi na isang bagay na makapagbabago ng lahat na akala mo tungkol sa relihiyon, at gawin ang tunay na Kristiyanismo na mukhang totoo, at hindi lang isang katotohanan, kundi ang katotohanan – ang nag-iisang katotohanan. Ang isang pangaral ay dapat makuha kang sumang-ayon rito at baguhin ang iyong buong paraan ng pag-iisip, at subukang hikayatin kang isuko ang iyong huwad na mga kaisipan, mapunta sa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan, at baligtarin ang iyong buong buhay tungo kay Hesu-Kristo. Iyan ay isang malaking takda! At mayroon lamang isang oras upang gawin ito! Ang ipangangaral ko ay mukhang isang simpleng Ebanghelyong pangaral, ngunit matinding pag-iisip at panalangin ang napunta rito.
Ang ating teksto ay isang nag-iisang berso ng Kasulatan. Ako na ngayon ay nananalangin na ang kaunting mga salita na sasabihin ko mula rito ay makatulong sa iyo; sa pinaka-kaunti panalangin ko na iyong matatandaan ang kaunti ng sinabi ko kapag umuwi ka ngayon, na, sa pinaka kaunti, ang mga kaisipan na dadalhin ko ay magsasanhi sa iyong isipan ang ating Panginoong Hesu-Kristo, at ang ginawa Niya para sa kaligtasan ng iyong walang hanggang kaluluwa. Narito, gayon, ay ang teksto, sa I Mga Taga Corinto 1:18. Makinig habang basahin ko ito.
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18).
Ang pangaral na ito ay magkakaroon ng tatlong pangunahing mga punto: (1) ang pangangaral ng krus mismo; (2) ang kahangalan ng pangangaral ng krus doon sa mga mapapamahak; at (3) ang pangangaral ng krus lamang ay hindi sapat na magkaroon ng isang malakas na simbahan.
I. Una, ang pangangaral ng krus mismo.
Anong ibig sabihin ni Apostol Pablo sa mga salitang iyon, “ang salita ng krus”? Ang salitang, “ang salita ng krus,” ay mayroong isang pangunahing tema. Ibig nitong sabihin na mayroong isa lamang katotohanan na humahayag sa mga salitang iyon. Tumutukoy ang mga ito sa isa at nag-iisang tunay na Ebanghelyo. Mayroong isang Ebanghelyo, tulad rin na mayroong isang Diyos. At mayroong nag-iisa lamang na Tagapagligtas – si Hesu-Kristo. Hindi natin pinaniniwalaan ang pagkatapos ng pagkamodernong ideya na “ang salita ng krus” ay maaring totoo sa akin ngunit hindi para sa iyo. Ang pagkatapos ng pagkamakabago ay maaring magsabi, “Iyan ang iyong katotohanan. Ito’y totoo para sa iyo. Ngunit hindi ito aking katotohanan.” Sinsasabi ko na iya’y pagkatapos ng pagkamakabagong kawalang-kabuluhan. Kapag ang Bibliya ay tumutukoy sa krus, itinutukoy nito ang isang may layong katotohanan – isang katotohanan na dapat harapin ng bawat isa sa inyo. Isang katotohanan na nananatiling totoo paniwalaan mo man ito o hindi. Dahil nagsalita ang Diyos patungkol rito sa Bibliya, ito’y totoo isipin mo man itong totoo o hindi. Ito’y isang katotohanang may layon, ibig sabihin ito’y totoo kahit na hindi nakukuha ng iyong isipan ang kahalagahan nito.
Sunod, “ang salita ng krus” ay matatagpuan, hindi lamang sa kung anong sinasabi ng Bibliya, kundi sa makasaysayang mga katunayan – ang katunayan na si Hesu-Kristo ay nagdusa na lubos para sa iyong kasalnaan, na Siya’y dumaan sa matinding paghihirap at sakit sa Hardin ng Gethsemani, noong inilagay ang iyong mga kasalanan sa Kanyang sariling katawan. Siya’y dumaan sa teribleng mga pagpapahirap noong pinaghahampas nila Siyang halos patay sa patyo ni Pilato. Tapos kinaladkad Siya sa Bundok ng Kalbaryo, kung saan nagpako sila ng pako sa Kanyang mga kamay at paa, kung saan itinaas nila ang krus, at iniwan Siyang nakabitin doon, nagdurugo at namamatay upang pagbayaran ang multa para sa iyong kasalanan, upang ika’y maligtas, hindi lamang mapatawad para sa iyong kasalanan, kundi mapatunayan ng Kanyang pagkamatay, iyan ay, binibilang na walang pagkakasala sa pamamagitan ng isang simpleng gawain ng pananampalatay sa Kanya.
“Ang salita ng krus” ay ang pangangaral na nagpapakita na ikaw ay
“patay dahil sa inyong mga kasalanan” (Mga Taga Colosas 2:13),
at ang pumapalit na ka kamatayan ni Kristo sa iyong lugar, ay makapagbabayad sa alang-alang ng iba para sa iyong mga kasalanan, pinapawalang bisa ang iyong mga kasalanan, at binibigyan ka ng bagong buhay sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo mula sa pagkamatay.
Ang “salita ng krus” ay nagpapakita na hindi nakikita ang kaligtasan sa pamamagitan ng mabubuting gawain o sa paminsan pagpupunta sa simbahan. Hindi! Hindi! Ang pangangaral ng krus ay nagpapakita sa harap ng katotohanan na walang kabutihan na iyong gagawin ay mayroong kinalaman anoman ang iyong gawin sa iyong kaligtasan. “Ang salita ng krus” ay nag-aalis lahat ng tinatawag na “mabubuting” mga bagay na ginagawa mo – at nagsasabi na ang nag-iisang bagay na makaliligtasa iyo ay ginawa ni Hesus sa krus upang gumawa ng punong pagbabayad para sa iyong kasalanan na sa alang-alang ng iba – isang tao, si Kristo (ang taong Diyos) namamatay upang magbayad para sa iyong mga kasalanan, na walang ibang pagdadagdag ng kahit anong mabuting mga bagay na iyong nagawa, o mga “desisyon” na iyong nagawa.
Hindi ko pinagdududahan ng isang minute na mayroon kang nagawang ilang mabubuting mga bagay. Simpleng sinasabi ko na ang mga mabubuting mga bagay na ito ay hindi liligtas sa iyo! Ang kaligtasan ay dumarating sa kamatayan ni Hesus, ang nag-iisang Anak ng Diyos, ang Pangalawang Tao ng Trinidad, na kumuha ng iyong mga kasalanan sa Kanyang sarili at nagbayad para sa smga ito noong Siya’y naipako sa Krus. Ginawa itong lahat ng Aposol Pablo na malinaw noong sinabi niyang,
“Datapuwa't ipinagtatagubilin [ipinapakita] ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin” (Mga Taga Roma 5:8-9).
Iniibig ka ng Diyos habang ika’y isang makasalanan. Namatay si Kristo upang bayaran ang multa para sa iyong mga kasalanan habang ika’y isa makasalanan. Maari kang mapatunayan sa Kanyang Dugo, kahit na ikaw ay isang makasalanan.
Panginoong Hesus, para rito ako’y higit na mapakumbabang nakikiusap,
Nag-aantay, pinagpalang Panginoon, sa Iyong ipinakong paa;
Sa pamamagitan ng pananampalataya, para sa aking paglilinis, nakikita ko ang Iyong dugong umaagos,
Ngayon hugasan ako, at ako’y maging mas maputi sa niyebe.
Mas maputi sa niyebe, oo, mas maputi sa niyebe;
Ngayon hugasan ako, at ako’y maging mas maputi sa niyebe.
(“Mas Maputi sa Niyebe.” Isinalin mula sa
“Whiter Than Snow” ni James Nicholson, 1828-1896).
Nadirinig ko ang Iyong umaalok na tinig,
Na tumatawag sa akin, Panginoon, Sa Iyo
Blood Para sa paglilinis ng Iyong mahal na Dugo
Na umagos sa Kalbaryo.
Ako’y papunta, Panginoon! Papunta na ngayon sa Iyo!
Hugasan ako, linisin ako sa dugo na umagos sa Kalbaryo.
(“Papunta Ako Panginoon.” Isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
Iyan ay pangangaral ng krus!
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18).
Ngunit mayroong isa pang pag-iisip sa ating teksto.
II. Pangalawa, ang kahangalan ng pangangaral ng krus doon sa mga mapapamak.
Pakinggan ang mga salitang iyon,
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak.”
Makinig sa teksto muli.
“Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak …”
(I Mga Taga Corinto 1:18).
Ang salitang “kamangmangan” ay nangangahulugang “mang-mang na pananalita,” “kawalang say-say.” Pagdidinig sa pangangaral na nagsasabi na dapat kang maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo ay isa lamang “mang-mang na pananalita” sa di napagbagong loob na isipan.
Iyong mga napapahamak ay di nakikita ang halaga ng pangangaral ng sa alang-alang ng ibang kamatayan ni Kristo upang magbayad para sa kanilang kasalanan. Ang dahilan na iniisip nila na ito’y hangal ay dahil wala silang nakikita halaga rito. Diyan pumapasok ang Banal na Espiritu. Sinabi ni Hesus,
“Pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan…”
(Juan 16:8).
Ang Banal na Espiritu ay dapat manumbat ng isang tao, at kumbinsihin siya ng kasalanan, o hindi niya makikita ang kahalagahan ng kamatayan ni Kristo sa krus. Bago ang isang tao ay makumbinsi ng Banal na Espiritu ng kasalanan, iisipin niya lamang ang pangangaral sa krus na kahangalan. Ang Griyegong salitang isinalin na “kahangalan” ay nanggagaling mula sa ugat sa na salitang “moros,” na nanggagaling mula sa ating Ingles na salitang “moron.” Ang pangangaral ng krus ay mukhang pananalita ng isang moron, isang bobong tao, hanggang sa ika’y nakumbinsi sa iyong sariling puso, sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, na ikaw ay isang nawawalnag makasalanan.
Iyang ang dahilan na hindi mo “matututunang” maging isang tunay na Kristiyano. Ang Kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pag-aaral ng karunungan ng tao. Ginawa itong malinaw ni Apostol Pablo sa berso dalawampu’t isa, noong sainabi niyang,
“Amang sa karunungan ng Dios ay hindi nakilala ng sanglibutan ang Dios sa pamamagitan ng kaniyang karunungan” (I Mga Taga Corinto 1:21).
Ang kaligtasan ay hindi dumarating sa pamamagitan ng pagkakaalam ng karunungan ng tao ng kahit anong uri. Dapat magkaroon ng isang paglilinaw sa puso, nagpapakita sa iyo na ika’y isang walang pag-asang makasalanan. Hanggang sa iyan ay mangyari, ang pangangaral ay na nagsaabsi sa iyo na ang nag-iisang solusyon sa iyong problem ay ang pagpapako sa krus ni Kristo ay mukhang isang walang kabuluhang pananalita ng isang tunggak. Hanggang sa iyo’y madama sa loob na ang iyong problema ay kasalanan, hindi mo kailan man makikita ang kahalagahan ng kamatayan ni Kristo sa krus. Sinasabi ng Bibliya,
“Si Cristo ay namatay dahil sa ating mga kasalanan” (I Mga Taga Corinto 15:3).
Namatay Siya sa ating lugar, upang magbayad ng multa para sa ating mga kasalanan. Sinasabi ng Bibliya,
“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).
Ngunit magmumukha lamang iyan na tulad ng isang nakakaintrigang teorya sa pinaka kabutihang palad, at isang pananalita ng mang-mang sa natitirang iba, hanggang sa ang iyong mga mata ay nabubuksa sa Espiritu ng Diyos upang makita na walang ibang paraan upang maligta mula sa sumpa ng kasalanan. Kapag lamang na ika’y nakumbinsi ng iyong walang magawang makasalanang kalagayan na ika’y makakakanta mula sa iyong puso,
Dahil walang kabutihan na aking nagawa
Kung saan ang Iyong biyay ay aangkinin –
Huhugasan ko ang aking mga damit hanggang pumuti
Sa dugo ng Tupa ng Kalbaryo.
Binayaran ni Hesus ang lahat ng ito, lahat sa Kanya ay aking pinagkaka-utang;
Sin had left a crimson stain, Ang kasalanan ay nag-iwan ng pulang mantsa,
Hinugasan Niya itong maputi tulad ng niyebe.
(“Binayaran Itong Lahat ni Hesus.” Isinalin mula sa
“Jesus Paid It All” ni Elvina M. Hall, 1820-1899).
Ngunit ang pangangaral ng krus mag-isa ay hindi magbibigay sa atin ng malakas ng simbahan. Dinadala ako nito sa huling punto.
III. Pangatlo, ang pangangaral ng krus mag-isa ay hindi sapat upang magkaroon ng malakas na simbahan.
Ang pangangaral ng krus ay kinakailangan kung ika’y magiging ligtas. Sa krus namatay si Kristo at ibinuhos ang Kanyang Dugo upang iligtas ka mula sa iyong kasalanan. Ngunit ang pangangaral ng krus mag-isa y hindi magbibigay sa ating ng malakas na simbahan. Iyan ang dahilan na binigay ni Kristo ang mga simbahan ng mga pastor. Sinasabi ng Bibliya na “ipinagkalooban…[ni Kristo]ang mga…pastor” (Mga Taga Efeso 4:11). Ang Griyegong salitang isinalin mula ay “pastor” ay poimen. Ibig nitong sabihin ay “pastol.” Binigyan ni Hesus ang ilang mga kalalakihan ang kalooban ng pagiging isang pastor, isang pastol, ng kanilang lokal na simbahan. At ang pastor ay isang kalooban sa simbahan. Ang mga tao sa simbahan ay mga tupa, ang kawan. Ang pastor ay ang pastor ng simbahan. Inaalagaan niya ang tupa. Prinoprotektahan niya ang tupa. Ginagabayan niya sila at pinananatili sila mula sa pagkakaligaw. Iyan ang ginagawa ng isang pastol.
Isa pang Griyegong salita para sa “pastor” ay episkopos. Ang ibig sabihin ng salita ay “tagapangasiwa.” Ito’y maisaalin na “obispo” sa Haring Santiagong Bibliya. Sinasabi ng Bibliya, “Kung ang sinoman ay magsisikap na maging obispo [episkopos, tagapangasiwa, pastor], ay mabuting gawa ang ninanasa” (I Ni Timoteo 3:1). Ang isang pastor ay nangangasiwa ng simbahan. Binabantayan niya ito. Ang literal nito ay pinapangisawaan ito. Binabantayan ang simbahan. Nananalnagin siya at pinag-iisapan niya ang simbahan. Nakikita niya kung paano ang simbahan. Nakikita niya ang mga problema. Nakikita ng pastor ang simbahan sa isang paraan na hindi nakikita ng iba. Kasama ng paggabay ng Diyos, nakikita niya kung anong gagawin. Ang pastor ay tumitingin – pinangangasiwaan an – ang mga tao sa simbahan. Nakikita niya kung kamusta sila. Nakikita niya ang kanilang mga paghihirap at kanilang mga problema. At kasama ng paggabay ng Diyos, tinutulungan niya silang magtagumpay sa kanilang Kristiyanong mga buhay.
Na walang nahandugang pastor, ang simbahan ay hindi magtatagumpay. Maari itong magkaroon ng iba’t-ibang uri ng mga gawain. Maari tayong magkaroon ng mga pagpupulong. Maari tayong magdala ng mga bisita tuwing Linggo. Maari namin kayong bigyan ng mga kantahang papel at isang buletin. Maari namin kayong bigyan ng hapunan. Maari kaming magkaroon ng pangangaral – ang pangangaral ng krus – at ginagawa naming ito. Ngunit ang pangangaral ng krus mag-isa ay hindi magbibigay sa atin ng malakas na simbahan.
Bakit kaya gayon nagbigay ang Diyos ng mga pastor sa simbahan? Bakit ang handog ng isang pastor nakalista bilang isa sa mga espiritwal na mga handog? Kung ang pangangaral mag-isa ay magbubunga ng isang malakas na simbahan, bakit ang Panginoon ay nagbigay ng “ilang mga ebanghelista” at hindi mga pastor sa anumang paraan? Alam ni Kristo na ang pangangaral ng krus mag-isa ay hindi sapat upang magkaroon ng isang malakas na simbahan. Kinakailangan ng simbahan ang isang pastor, at iyan ang dahilan na “ipinagkalooban ang ilan…ng mga pastor.”
Na walang isang pastor, ang simbahan ay mabibigo, kahit na ang pangangaral ay magaling. Ito’y magiging mahina. Ito’y mapupunta sa gulo. Sa wakas ito’y mamamatay. Na walang pastor, ang mga tao sa simbahan ay magiging masisipanumbalik sa dating kasamaang gawa. Sila’y lalamig. Maari silang gumawa ng malalaking mga pagkakamali sa kanilang mga buhay. Sila’y mapupunta sa gulo. Bakit?
Una, dahil mayroon isang Diablo. Sinasabi ng Bibliya siya’y “gumagala [na gaya ng isang leong umuungal], na humahanap ng masisila niya” (I Ni Pedro 5:8). Sinong masisila niya? Ang tupa! Ngunit ayaw ng Diablo na isipin mo siya. Gusto ka niyang lumundag sa iyo at kainin ka – at hindi mo pa nga ito matatanto na ang Diablo ang gumawa nito! Ang Diablo at ang kanyang mga demonyo at nariyan – matandaan mo man ito o hindi.
Pangalawa, dahil ang lahat ng mga tao ay makasalanan. Dahil sa Adam ay sumuway sa Diyos, ang lahat sa atin ay ipinanganak na mayroong kalikasang kasalanan. Sinasabi ng Bibliya, “Sapagka't kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao [si Adam] ang marami ay naging mga makasalanan” (Mga Taga Roma 5:19). Ang lahat ay – kahit mga Kristiyano – ay mayroon ang kalikasang kasalanan. Ito’y natural para sa atin na magkasala. Ito’y natural para sa atin na magkamali. Sinasabi ng Batas ni Murphy [Murphy’s Law] “Kung ang kahit ano ay maaring maging mali, ito’y magiging mali.” Ang mga bagay ay hindi natural na nagiging mas mabuti sa sarili nila. Maari na ang mga ito ay maging mali, maari itong bumaba, madaling sapat. At ang mga ito nga ay nagiging ganito. Ang mga tao ay hindi natural na nagiging mga malalakas na mga Kristiyano sa sarili nila. That’s why a church needs a pastor. Christ “gave some...pastors.” Thank God He did! Maari silang bumalik sa dati nilang kasamaan gawa. Maari silang maging malamig. Maari silang magkamali. At sila nga ay nagkakamali. Hindi mo kailangang magsikap upang magawa itong mangyari. Nangyayari ito sa sarili nito. Ang mga simbahan ay hindi natural na nagiging malakas sa sarili nito. Maari silang maging mahina. Maari silang bumagsak sa gulo. Iyan ay madaling sapat. Hindi mo kailangang kumayod upang magawa itong mangyari. Mangyayari ito sa sarili nito! At ito nga’y nangyayari. Iyan ang dahilan na ang isang simbahan ay kailangan ng isang pastor. “Ipinagkalooban [ni Kristo] ang mga ilan…ng mga pastor.” Salamat sa Diyos ginawa Niya ito!
Ang pastor ng ating simbahan ay si Dr. Hymers. Siya ay nasa pangangasiwa na ng anim na pung taon. Ginamit siya ng Diyos upang magdala ng daan-daang mga tao kay Kristo. Pinayuhan niya ang mga tao ng maraming taon. Nag-alaga siya ng mga tao. Natulungan niya sila. Nakatagpo si Dr. Hymers ng dalawang mga simbahan. Ginabayan niya ang ating simbahan sa gitna ng pagsubok at paghihirap. Dinala niya ang ating simbahan sa isang teribleng paghihiwalay. Ginamit siya ng Diyos upang itayo ang ating simbahan, upang alagaan tayo, upang protektahan tayo, upang panatilihin tayo. Si Dr. Hymers ay hindi lamang isang pastor. Siya ay isang bukod tanging pastor! Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa ating pastor, na si Dr. Hymers!
Paano naman ikaw? Hindi ikaw ang pastor. Ngunit maari mo siyang tulungan. Maari mong sabihin sa kanya kapag mayroon kang nakikita na maaring mali. Itong lahat ng ito ay mas totoo pa para sa mga diakono at mga pinuno ng ating simbahan. Narito ka upang tulungan ang pastor. Huwag mo lang pabayaan ang mga bagay-bagay. Huwag mong ipalagay na alam ng pastor. Kung makakita o makadinig ka ng kahit anon a maaring mali, sabihin sa pastor.
Ang ilan sa inyo ay hindi mga Kristiyano sa anumang paraan. Hindi ka pa nagtitiwala kay Hesus. Ang iyong kasalanan ay hindi pa nahugasan ng Kanyang Dugo. Paano naman ika? Kailangan mong maligtas sa pamamagitan ni Kristo. Namatay Siya sa Krus upang magbayad para sa iyong kasalanan. Ibinuhos Niya ang Kanyang Dugo upang hugasan ang iyong kasalanan papalayo. Bumangon Siya mula sa pagkamatay upang bigyan ka ng buhay. Kung gusto mong makipag-usap sa amin tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, habang ang iba ay magpunta sa itaas upang magtanghalian, magpunta ka at umupo sa unang dalawang hilera. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ligtas sa pamamagitan ng Dugo ng Isang Naipako sa Krus.”
Isinalin mula sa “Saved by the Blood of the Crucified One”
(ni S. J. Henderson, 1902).
ANG BALANGKAS NG ANG PANGANGARAL NG KRUS Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na nangapapahamak; nguni't ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na nangaliligtas” (I Mga Taga Corinto 1:18). I. Una, ang pangangaral ng krus mismo, II. Pangalawa, ang kahangalan ng pangangaral ng krus III. Pangatlo, ang pangangaral ng krus mag-isa ay |