Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




HAYAAN NA ANG PROPESIYA NG BIBLIYA ANG MAGPALAKAS SA IYO NG LOOB!

LET BIBLE PROPHECY MOTIVATE YOU!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-20 ng Mayo taon 2018

“Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito”
(I Mga Taga Tesalonica 4:18).


Binibigyan tayo ng Apostol Pablo ng isang paglalarawan ng “pagdadagit” sa mga bersong ito. At tapos ibinibigay niya ang ating teksto,

“Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito” (I Mga Taga Tesalonica 4:18).

Ang Griyegong salitang isinalin na “mangagaliwan” [“comfort”] ay mula sa “parakalěō.” Ibig nitong sabihin ay “mangagaliwan” at magpalakas ng loob” (NIV).

Ngayon ang buong pasahe ay mula sa besro 13 hanggang sa berso 17. Ang pasahe na ito ay ibinibigay ang “pagdadagit” ng mga Kristiyano sa katapusan ng panahong ito. Ang mga Kristiyano sa Tesalonica ay pinagdaraanan ang pag-uusig mula sa Romanong mga pagano at mga di nananamapalatayng mga Hudyo. Ang ilan sa kanila ay namatay. Namatay sila ng mga martir na mga kamatayan! Ang mga tao sa Tesalonica ay nagulo nito. Kaya sinabi ni Pablo sa kanila ang tungkol sa “pagdadagit” upang palakasin ang loob nila. Ibinibigay ni Dr. Thomas Hale ang paliwanag na ito ng “pagdadagit”:

“Iyong mga buhay sa pagdating ni Kristo ay maidadagit at dadalhin sa langit. Sa panahong iyon iyong mga nabubuhay ay ipagsasama doon sa mga namatay…Kung gayon palakasin ang loob ng isa’t isa gamit ng mga salitang ito” (Isinalin mula sa Ang Aplikadong Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary]; sulat sa I Mga Taga Tesalonica 4:17, 18).

Mangangaral ako sa pasaheng ito, at sasabihin sa iyo ang tungkol sa “pagdadagit” sa mas higit pang detalye sa ibang pagkakataon. Ang aking layunin ay ang ipakita sa iyo na isa sa mga pangunahing dahilan para propesiya ng Bibliya ay ang magpaaliwan at pagpalakas ng loob sa atin.

“Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito” (I Mga Taga Tesalonica 4:18)

I. Una, ang mga tanda ng pagdating ni Kristo ay nagbibigay ng lakas ng loob.

Noon sa aking pagkabata ang mundo ay naging magulo. Ito’y noong mga taong 1960. Mayroong laging naroong takot ng isang atomikong holokost. Sa kahit anong sandal ang Sobiyet na Unyon ay maaring magbagsak ng mga bomba sa aming mga lungsod. Ang digmaan sa Vietnam ay namamanalanta ng patuloy-tuloy. Takot akong matawag at ipadala upang mamatay sa mga kagubatan doon. Ang digmaan ay walang katapusan at walang say-say. Gusto kong tapusin ang aking digring bachelor sa kolehiyo. Sa parehong pagkakataon mayroong mga kaguluhan. Ang mga manggugulo ay sumunog na higit sa Chicago sa loob ng Demotratikong Kumbensyon doon. Si John F. Kennedy ay pinatay. Gayon din si Bobby Kennedy, Dr. Martin Luther King, Malcolm X, at si George Wallace ay nabaldado ng buong buhay dahil sa isang pagtangkang pagpapatay. Tapos nariyan ang paglaganap ng kultura ng droga, Woodstock, at ang Beatles, at ang Silangang mga relihiyon, at mga matitinding mga pagsalakay ng mga demonyo at ni Satanas. Gaya ng pagsabi ng mga Hipi, “napasabog nito ang aking isipan.” Ito’y isang panahon ng napakalaking kaguluhan at takot.

Sa magulong panahon na iyon, ang aking isipan at puso ay napatatag ng mga “tanda” ng pagdating ni Kristo.

Madilim ang gabi, ang kasalanan ay
   Nakikipaglaban laban sa atin,
Mabigat ang karga ng pagdurusang dala natin;
   Ngunit ngayon tignan ang mga tanda ng Kanyang pagdating;
Ang aming mga puso ay kumikinang sa loob namin,
   Ang tasa ng galak ay umaapaw!

Tumayo at kantahin ang koro kasama ko!

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang pinaka parehong Hesus, tinanggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Na may kapangyarihan at matinding luwalhati,
Siya’y darating muli!
(“Siya’y Darating Muli.” Isinalin mula sa
“He Is Coming Again” ni Mabel Johnston Camp, 1871-1937).

Maari nang magsi-upo. Narito ay ilang mga “tanda” na nagpalakas ng loob sa akin!

1. Ang Bansa ng Israel, na naitatag noong taong 1948, kasama ng mga Hudyong mga tao sa buong mundo nagsisibalikan sa kanilang ibinigay ng Diyos na tinubuang bayan.

Sinabi ni Hesus, “sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil” (Lucas 21:24). “Narito, [O aking mga tao]… aking dadalhin kayo sa lupain ng Israel” (Ezekiel 37:12) [KJV]. “Sa mga huling taon ay papasok ka sa lupain na ibinalik na mula sa paghabol ng tabak na napisan mula sa maraming bayan” (Ezekiel 38:8). Iminungkahi ni Pangulong Trump ang Jerusalem bilang kapital ng Israel ilang mga araw noon. Ang mga Hudyo na nagbabalikan sa Israel ay isang malakas na tanda na tayo ay kumikilos na mabilis patungo sa katapusan ng panahong ito at ang pangalawang pagdatin ni Kristo!

Aleluya! Si Kristo ay napakalapit nang darating muli!

 

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang pinaka parehong Hesus, tinanggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Na may kapangyarihan at matinding luwalhati,
Siya’y darating muli!

2. Ang “tanda” ng isang paglaki ng pag-uusig ng mga Kristiyano at ng mga Hudyo.

“Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan” (Mateo 24:9). Ang layunin ng mga Muslim ay ang sirain ang Israel at patayin ang mga Hudyo. Sa Amerika, ang ACLU ay ginagawa ang lahat na kanilang makakaya upang patahimikin ang mga simbahan at pahinain ang Kristiyanismo. Mayroong lumalaking popularidad ng mga “nagpapalit” na teyolohiya – na nagsasabi ng lahat ng mga pangako sa Bibliya ay para sa mga Kristiyano – ngunit ang lahat ng mga sumpa ay para sa mga Hudyo! Kung gayon maraming sa ating mga Narepormang mga simbahan ay tinatanggap ang di pangkaraniwang anyo ng anti-Semitismo. Tulungan tayo ng Diyos!

Ang propesiyang ito ay nagpapalakas sa ating loob, dahil ito’y natutupad sa harapan natin! Ang Diyos ay lubos na makapangyarihan!

“Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito” (I Mga Taga Tesalonica 4:18).

Kantahin ito!

Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Ang pinaka parehong Hesus, tinanggihan ng tao;
Siya’y darating muli, Siya’y darating muli,
   Na may kapangyarihan at matinding luwalhati,
Siya’y darating muli!

Maari nang magsi-upo.

3. Ang paglaganap ng katapusan ng panahong apostasiya.

“Sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas [“ang apostasiya” – Criswell]” (II Mga Taga Tesalonica 2:3).

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig.” (Mateo 24:11, 12). Tumutukoy ito sa masaamang mga simbahan ng huling mga araw. Ang katapusang panahon ng apostasiya ay demoniko ang pinanggalingan. “Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio; Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na hinerohan ang kanilang mga sariling budhi” (I Ni Timoteo 4:1, 2). Ang apostasiya ng huling mga araw ay nanggagaling mula sa mga di napagbagong loob na mga mangangasiwa na tinangihan ang Bilbiya. Ang “bagong teyolohiya” at ang “bagong moralidad” ay mga produkto ng apostasiyang ito, na sumira sa mga simbahan, nagpupuna sa kanila ng mga nawawalang mga tao. Nagsimula ito sa pangangasiwa ni Charles G. Finney at lumago hanggang sa ito na ngayaon ay komokontrolado sa halos lahat ng mga pangunahing mga simbahan, at inaapektuhan ang kahit mga mas konserbatibong mga simbahan. “Ang Apostasiya” ay sa wakas nagbubunga ng “bantog na pantutot” ng Apocalipsis 17, “alin ay ganap na tumalikod na Sangkakristiyanuhan, patungo sa itaas ng pagkapapa” (Isinalin mula kay Scofield).

Ang mga kasalukuyang mga kalakaran ay nagpapakita ng 4% lamang ng mga kabataan ay magiging mga ebanghelikal na mga Kristiyano sa panahon na sila ay mga matatanda na – ibig sabihin na 34% ng mga ebanghelikal ngayaon ay bababa ng 4% lamang sa sunod na kaunting mga taon. “Tayo ay patungo sa isang espiritwal na katastropiya” (Isinalin mula kay Dr. Jack W. Hayford, Ika-16 ng Agosto, 2006). Tignan “Ang Dakilang Ebanghelikal na Resesyon” ni John S. Dickerson. “Anim na mga Sanhi na dudurog sa Amerikanong simbahan.” Iyan ang ibabang pamagat ng aklat ni Dickerson. Ngayon 88 na pursyento ng mga kabataan na pinalaki sa Kristiyanong mga tahanan ay hindi nagpapatuloy bilang mga Kristiyano pagkatapos nilang magtapos mula sa hayskul. Di magtatagal ang ating bansa ay patatakbuhin nila – at ito’y magiging lubos na paganong Amerika!

II. Pangalawa, ang aplikasyon.

Kaunting mga ebanghelikal ang nagsasalita tungkol sa teribleng sitwasyon na nasa harap natin. Ngunit hindi nila alam ang gagawin nila tungkol rito. Kumbinsido ako na walang praktikal na bagay ang magagawa. Ang ating sibilisasyon ay babagsak. Ang ating mga kabataan ay magiging mababagsik. Di maisip na mga katatakutan ay naghihinta sa atin.

Dapat nating ihanda ang ating mga sarili na mabuhay sa isang maliit na minoridad, sinasalakay sa lahat ng tabi ng mga laganap na mga sangkawan ng mga pagano na bawat kaunti kasing bangis ng mga paganong mga taga-Roma na sumalakay sa mga naunang mga Kristiyano. Ilipat sa I Mga Taga Tesalonica, kapitulo isa, berso lima.

“Kung paanong ang aming evangelio ay hindi dumating sa inyo sa salita lamang, kundi sa kapangyarihan din naman...” (I Mga Taga Tesalonica 1:5).

Ang panahon ay maikli. Huwag ka dapat magloloko at “maglalaro” sa Kristiyanismo. Mga kabataan huwag mo lamang tanggapin ang mga salita ng pag-aaral ng Bibliya. Tumingin para sa isang tunay na pagbabagong loob. Tumingin para sa isang tunay na Kristiyanong buhay!

Ngayon tigna ang berso 9,

“Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay” (I Mga Taga Tesalonica 1:9).

Tumingin sa Diyos mula sa mga idolo sa iyong buhay. Paglingkuran ang nabubuhay na Diyos gamit ng bawat hibla ng iyong pagkatao.

Ang panahon ay maikli. Ang Antikristo ay darating. Maaring maghalaga ito ng iyong buhay upang maging isang Kristiyano! Tumalikod mula sa iyong mga idolo ngayon! Paglingkuran ang nabubuhay na Diyos ngayon! Tignan ang berso 10.

“At upang hintayin ang kaniyang Anak na mula sa langit, na kaniyang ibinangon sa mga patay, si Jesus nga na nagligtas sa atin mula sa galit na darating” (I Mga Taga Tesalonica 1:10).

Maghintay para sa Anak ng Diyos na dumating mula sa Langit – si Hesus na nagliligtas sa atin mula sa poot ng Diyos ay dartaing. Basahin ang “Pinahirapan para kay Kristo” [“Tortured for Christ”] ni Pastor Wurmbrand. Mabuhay tulad ng isang tao na umaasang magdusa para kay Kristo. Lumabas mula sa nawawalang mundo. Oo, imbitahin ang mga nawawalang mga kaibigan sa simbahan. Ngunit kung hindi sila magpupunta, ibagsak sila tulad ng isang mainit na bato. Gawin ang mga naligtas na mga bata sa ating simbahan iyong mga kaibigan. Magtipon na magkakasama sa panalangin. Magdala ng mga pangalan kapag magpunta ka sa ebanghelismo. Mabuhay para sa Diyos! Mabuhay para kay Kristo! Mabuhay para sa simbahang ito! Ang panahon ay maikli. Ang paghahatol ay darating! “Maghandang salubungin ang iyong Diyos.” Gawin ito ngayon na, bago huli na ang lahat! Si Charles Studd ay tama –

Isang buhay lamang,
   Ay di magtatagal lilipas.
Ang ginawa lamang para kay Kristo
   ang magtatagal!

Ibigay ang iyong sarili kay Kristo – huwag pipigilan ang kahit ano. Iniibig ka ni Hesus! Iniibig ka ni Hesus! Iniibig ka ni Hesus!

Tumingin sa himno bilang 5 sa iyong kantahang papel. Tumayo at kantahin ito! Kantahin ito! Kantahin ito!

Napakatamis ng tunog na pangalan ni Hesus
Sa tainga ng isang nananampalataya!
Pinagiginhawa nito ang kanyang mga pagdurusa,
Pinagagaling ang kanyang mga sugat, At itanataboy ang kanyang mga takot.
At itinataboy ang kanyang mga takot.

Minamahal na Pangalan, ang Bato kung saan ako’y naitayo,
Ang aking panangga at lugar ng taguan,
Ang aking di kailan mang nabibigong kabang-yaman,
Puno ng walang hangganang reserba ng biyaya!
Na may walang hangganang reserba ng biyaya!

Hesus! Aking Pastol, Kapatid, Kaibigan;
Aking Propeta, Saserdote at Hari,
Aking Panginoon, aking Buhay, aking Daan, aking Katapusan,
Tanggapin ang papuri na dala ko.
Tanggapin ang papuri na dala ko.

Mahina ang lakas ng aking puso,
At malamig ang aking pinakamainit na pag-iisip;
Ngunit kapag nakikita Kita na bilang Ikaw,
Pupurihin Kita gaya ng dapat.
Pupurihin Kita gaya ng dapat.

Hanggang gayon aking iproproklama ang Iyong pag-ibig na
May bawat lumilipas na hininga,
At naway ang musika ng Iyong pangalan ay
Magpasariwa ng aking kaluluwa sa kamatayan,
Magpasariwa ng aking kaluluwa sa kamatayan.
(“Napaka Tamis ng Tunog ng Pangalan ni Hesus.” Isinalin mula sa
“How Sweet the Name of Jesus Sounds” ni John Newton, 1725-1807;
      sa tono ng “Majestic Sweetness Sits Enthroned”).


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Si Kristo’y Bumalik.” Isinalin mula sa
“Christ Returneth” (ni H. L. Turner, 1878).


ANG BALANGKAS NG

HAYAAN NA ANG PROPESIYA NG BIBLIYA ANG MAGPALAKAS SA IYO NG LOOB!

LET BIBLE PROPHECY MOTIVATE YOU!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Kaya't mangagaliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito”
(I Mga Taga Tesalonica 4:18).

I.   Una, ang mga tanda ng pagdating ni Kristo ay nagbibigay ng lakas ng loob.

      1. Ang Bansa ng Israel, na naitatag noong taong 1948, kasama ng mga Hudyong mga tao sa buong mundo nagsisibalikan sa kanilang ibinigay ng Diyos na tinubuang bayan, Lucas 21:24; Ezekiel 37:12; 38:8.

      2. Ang “tanda” ng isang paglaki ng pag-uusig ng mga Kristiyano at ng mga Hudyo, Mateo 24:9.

      3. Ang paglaganap ng katapusan ng panahong apostasiya,
II Mga Taga Tesalonica 2:3; Mateo 24:11, 12; I Mga Timoteo 4:1, 2.

II.  Pangalawa, ang aplikasyon, I Mga Taga Tesalonica 1:5, 9, 10.