Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




HINAMAK NGUNIT KAIBIGIBIG!

DESPISED BUT LOVELY!
(Tagalog)

Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr.
at ipinangaral ni Rev. John Samual Cagan
sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Umaga ng Araw ng Panginoon, Ika-13 ng Mayo taon 2018
A sermon written by Dr. R. L. Hymers, Jr.
and preached by Rev. John Samuel Cagan
at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord's Day Morning, May 13, 2018

“Siya’y totoong kaibigibig” (Awit ni Solomon 5:16).


Hindi pa ako kailan man nangaral ng isang pangaral mula sa Awit ni Solomon. Tinitignan ang Kumpletong Indise ng mga pangaral ni Spurgeon, natagpuan ko na ang Prinsipe ng mga Mangangaral ay nagbigay ng 63 na mga pangaral sa Awit ni Solomon sa loob ng kanyang pangangasiwa sa London. Kaya nagpupunta ako sa tekstong ito ngayon.

“Siya’y totoong kaibigibig.”
“Siya’y totoong kaibigibig.”
“Siya’y totoong kaibigibig.”

Sinabi ni Dr. McGee, “Ang tinawag ng mga Hudyo ang Awit ni Solomon na Banal ng mga Banal ng Kasulatan. Kung gayon, hindi lahta ay pinayagan sa loob nitong sagradong bakod. Dito ay kung saan ika’y naninirahan sa sekretong lugar ng Pinaka Mataas…kung mahalaga ang Panginoong Hesus sa iyo at iniibig mo Siya, gayon ang maliit na aklat na ito ay mangangahulugan sa iyong matindi. Ang Awit ni Solomon ay isang matulain at praktikal. Dito ang Diyos ay nagsasalita sa Kanyang mga tao sa patulang awit na lumaladlad ng isang kwento. Kailangan nating alisin ang ating mga espirituwal na mga sapatos mula sa ating mga paa habang ating lapitan ang aklat na ito. Tayo ay nasa banal na lupain. Ang Awit ni Solomon ay tulad ng isang delikadong bulaklak na nangangailangan ng delikadong paghahawak. Mayroon nang apat na iba’t-iba at importanteng mga kahulugan na mahahanap sa aklat na ito” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1982, kabuuan III, pah. 143)

Una, ang Awit ni Solomon ay isag larawan ng pag-ibig sa pagitan ng mag-asawang lalake at babae. Pangalawa, ito’y isang larawan ng pag-ibig ng Diyos para sa Israel. Ang mga naunang mga rabbay ay nagbigay ng dalawang interpretasyon na ito. Ngunit mayroong dalawa pang mga aplikasyon para sa mga Kristiyano. Pangatlo, ito’y isang larawan ng pag-ibig sa pagitan ni Kristo at Kanyang simbahan. Pang-apat, inilalarawan nito ang pag-ibig ni Kristo para sa indibidwal na Kristiyano, at ang komunyon ng kaluluwa kay Kristo. Maraming mga dakilang mga santo ng Diyos ay naranasan ito. Ang Awit ni Solomon ay ang paboritong aklat ni Robert Murray McCheyne, ang Taga Eskosyang mangangaral na nakita ang makapangyarihang mga alon ng muling pagkabuhay sa loob ng kanyang pangangasiwa. Nasabi patungkol kay McCheyne, “Nangaral siya na ang walang hanggan na nakatatak sa kanyang noo,” kahit na 29 na taong gulang lamang siya noong namatay siya. Ang Awit ni Solomon ay ang kanyang paboritong aklat sa Bibliya. Kapag nangaral si Robert McCheyne mula sa Awit ni Solomon malalakas na mga kalalakihan ang bumagsak na lumuluha sa kanilang mga tuhod, at mga napatigas na mga makasalanan ay yinukod ang kanilang mga puso kay Kristo. Ito rin ang paboritong aklat ng dakilang Taga Eskosyang mangangaral na si Samuel Rutherford (1600-1661), si D. L. Moody (1837-1899) at Harry Ironside (1876-1951), at gaya ng sinabi ko, si Spurgeon ay nangaral ng 63 na mga pangaral mula sa Awit ni Solomon. Ang muling pagkabuhay ay dumating sa Maliit na Pulo ng Lewis noong si Duncan Campbell ay nangaral mula sa Awit ni Solomon.

Ngayon, gayon, mapupunta tayo sa teksto. Sinabi ng babaeng kasal sa kanyang asawa, “Siya ay totoong kaibigibig.” Gayon, din, ang totoong Kristiyano ay nagsasabi patungkol kay Hesus, “Siya ay totoong kaibigibig.” Habang aking isinaalang-alang na mangaral sa bersong ito naisip ko, gaya ni Spurgeon, “Mataas ito, hindi ko ito maabot.” Malalalim na mga teksto na tulad nito ay minsan ay napupuspos ako. Ngunit kung hindi ko mailalabs ang lahat ng ibig nitong sabihin, sa pinaka kaunti ay susubukan kong ilabas ang ilan sa mga ito ngayong umaga. Mas maiging magkaroon ng madaling pagtingin kay Hesus kaysa makita ang luwalhati ng mundo para sa isang panahon ng buhay, dahil Siya lamang “ay totoong kaibigibig.” Hayaan ako ng ilang sandal ay magdala sa iyo ng dalawang sumasalungat na mga pananaw kay Hesus— sa mundo at sa tunay na Kristiyano.

I. Una, ang nawawalang mundo ay hindi nag-iisip na si Jesus ay kaibigibig sa anumang paraan.

Napansin mo ba kung paano Siya itinataboy ng mundo ngayon? Mukha pa ngang ayaw nilang marinig ang Kanyang pangalan. Nadinig ko na ang mga kapelyan sa Estados Unidos Air Force ay hindi na pinapayagang manalangin sa pangalan ni Hesus. Kapag ang mga pastor ay hinihiling na manalangin sa mga pambayang pagtitipon, sila na ngayon ay partikular na hinihiling na huwag tapusin ang kanilang mga panalnagin sa pangalan ni Hesus. Ang pagkamuhing ito sa pangalan ni Hesus ay hindi bago, kundi lumalago ito ng mas higit kada taon. Mas malayo sa mas maagang mga araw ng mga pelikula, kapag ang mga Kristiyano ay inilalarawan sa panalangin, ang mga mogul sa mga estudyo ay ipinagbawal silang kailan man na sabihin, “Sa ngalan ni Hesus, Amen.” Siguro akala ng mga mogul na iyon na hindi natin ito mapapansin kapag inalis nila ang pangalan ni Hesus. Ngunit dahil lagi nating tinatapos ang ating mga panalangin “Sa ngalan ni Hesus” napansin natin ito, at nagsanhi sa ating maisip kung gaano kinamuhian ng mga taong iyon si Hesus.

Ang kanilang pagkamuhi ng Tagapagligtas ay naging mas maliwanag noong iyinagyag nila papalabas ang kalapastangan sa Diyos na palabas, “Ang Huling Tukso ni Kristo” [“The Last Temptation of Christ”], na inilalarawan ang Tagapagligtas na isang ulol sa pagtatalik na hangal. Ang ating pastor na si Dr. Hymers ay umupo sa kanyang upuan sa kanyang sala at naisip ang pelikulang iyan noong nabasa niya itong lalabas. At sinabi ng Diyos sa kanya, “Hahayaan mo ba silang makalampas?” Sinabi ni Dr. Hymers, “Ama, wala akong magagawa.” At sinabi ng Diyos, “Kung hindi mo gagawin ito, walang gagawa nito.” At kaya nagpunta tayo at ipinagtanggol si Hesus. Inilagay nila ang ating demonstrasyon sa bawat estasyon sa panggabing mga balita. Inilagay nila ito sa harapang pahina ng New York Times at Wall Street Journal. Inilagay nila ito sa Nightline, sa Tonight Show, sa Crossfire, at naglagay pati ng litrato at kwento patungkol sa ating demonstrasyon sa TV Guide! Ito’y iniulat na internasyonal sa Inglatera, Pransya, Italya, Gresya, Australya at sa Israel, kung saan isang kaibigan ang tumawag at nagsabi kay Dr. Hymers na ito’y nasa harapang pahina ng Jerusalem Post. Mayroong isang aklat sa pinamagatang “Ang Hollywood sa Ilalim ng Paglusob” [“Hollywood Under Siege”] ni Thomas R. Lindlof (2008, The University Press of Kentucky). Sa harapang takip ay ang litrato ng aking amang, si Dr. Cagan, kasama ang halos 125 na mga tao mula sa aming simbahan naghahawak ng mga karatula na prinoprotesta ang marumi, kalapastangan sa Diyos na pelikula. Ang pangunahing karatula, halos tatlompung talampakan ang haba, ay nagsabing, “Wasserman – Tigilan si Hesus!” Si Lew Wasserman ay ang taong lumikha ng pelikula. Sinipi si Dr. Hymers sa labin tatlong iba’t ibang mga lugar sa aklat na iyon. Hindi lamang nila kinamuhian si Hesus, kundi si Dr. Hymers din at ang aking ama, at ang ating simbahan, kahit pati pangangahas na ipagtanggol ang Tagapagligtas! Ang tawag sa aklat ay “Hollywood sa Ilalim ng Paglusob.” Pag-isipan ito, 125 na mga Bautista ay nakuha ang Hollywood sa “ilalim ng paglusob”! Ang dakila at makapangyarihang mogul ng mga pelikula ay “nasa ilalim ng paglusob” mula sa kakaunting dosenang maliliit na mga Bautista mula sa isang panloobang lungsod na simbahan! Ngunit alam ni Dr. Hymers kung gaano kinamumuhian ng Hollywood, at ang mga piling mga tao ng Beverlyo Hills, New York at Washington ang Panginoong Hesu-Kristo. Mula kay Bill Maher hanggang kay George Clooney, mula kay Anderson Cooper hanggang kay Wolf Blitzer – hinahamak at tinatanggihan nila ang Anak ng Diyos. At hindi ko naiisip na matatapos ito hanggang sa mayroong bukas na pag-uusig laban sa mga simbahan, at naniniwala kaon a makikita mo ito sa panahon ng iyong buhay.

Mas malubha sa lahat, si Hesus ay inilagay sa likurang mitsero sa marami sa ating mga simbahan ngayon. Hindi Siya malugod na tinatanggap pati sa tahanan ng Kanyang mga kaibigan! Nagsulat si Dr. Michael Horton tungkol riyan sa kanyang makapangyarihan at matalim na aklat na, Walang Kristong Kristiyanismo [Christless Christianity] (Baker Books, 2008). Sinasabi sa dyaket, “Ipinangangatuwiran ni Horton na habang hindi pa tayo nakarating sa Walang Kristong Kristiyanismo, tayo ay papunta na doon. Kahit na tinatawag natin ang pangalan ni Kristo, masyadong madalas na si Kristo at ang nakasentro kay Kristong ebanghelyo ay naitutulak sa tabi.” Ngunit hindi tayo dapat magulat na si Hesus ay trinatrato ng napaka sama ngayon. Sinasabi ng Bibliya,

“Walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya. Siya'y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:2-3).

Iyan ang paraan na ang natural na tao, sa kanyang di ligtas na kondisyon, ay nakikita si Hesus. “Walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya” at kaya Siya’y kanilang “hinahamak at tinatanggihan.” Ganoon ito kay Dr. Hymers. Noong siya’y maliit na batang lalake madalas siyang gumala sa isang Katolikong simbahan halos araw-araw. Pinanatili nilang bukas ang mga pintuan noong mga taong 1940. At magpupunta siya dahil tahimik at mapayapa doon. Mayroong isang parang buhay na kasing laki ng taong estatwa ni Hesus sa simbahan na iyon na nagbubuhat ng Kanyang krus, na mayroong dugo na umaagos pababa ng Kanyang mukha. Nakita ni Dr. Hymers si Hesus bilang isang nakapanlulumong anyo, isang martir, na namatay para sa walang dahilan maliban sa pagkamuhi ng Kanyang mga kalaban. Ang pananaw na iyon ni Hesus ay sumama sa kanya hanggang sa ilang araw bago ng kanyang pagbabagong loob, noong ika-28 ng Setyembre taon 1961, sa edad na dalawampu. Hanggang doon naisip ni Dr. Hymers si Hesus bilang isang teribleng di naintindihang, nakapanlulunong anyo na naipako sa isang krus at namatay, dahil sa walang partikular na dahilan. Ngunit sa araw na si Dr. Hymers ay napagbagong loob nakita niya Siya sa unang pagkakataon bilang isang buhay, muling nabuhay na Tagapagligtas na nagtagumpay laban sa kamatayan, at buhay sa kanang kamay ng Diyos sa Langit, na magliligtas sa kanya mula sa kanyang mga kasalanan at babaguhin ang kanyang buhay!

II. Pangalawa, ang tunay na Kristiyano ay nakikita na Siya ay totoong kaibigibig.

Hesus ay ang pinakamatamis na pangalan na nalalaman ko,
   At kapareho Niya lang ang Kanyang kaibigibig na pangalan,
At iyan ang dahilan na iniibig ko Siyang lubos;
   O, Hesus ang pinakamatamis na pangalan na nalalaman ko.
(“Hesus ay ang Pinakamatamis na Pangalan na Nalalaman ko.”
Isinalin mula sa “Jesus is the Sweetest Name I Know” ni Lela Long, 1924).

Maaring dumating ito sa iyong biglaan, gaya nito sa ating pastor. O maaring dahan-dahan mong makita kung gaano kaibigibig Siya, hanggang sa bumagsak ka sa harap Niya at magtiwala sa Kanya gaya ng iyong Tagapagligtas at iyong Diyos. Sa sandaling nagtiwala si Dr. Hymers kay Hesus nakanta niya kasama ni Charles Wesley,

Ang aking mga kadena ay bumagsak, ang aking puso ay malaya;
   Bumangon ako, humakbang, at sinundan Ka.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito
   Na Ikaw, aking Diyos ay mamatay para sa akin?
(“At Maari Ba Ito” Isinalin mula sa
“And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Sa katunayan, kinanta nila ang himnong iyan sa umaga na si Hesus ay naligtas ni Dr. Hymers!

Matagal na ang aking nabilanggong espiritu ay nakalatag,
   Madaling nakatali sa kasalanan at gabi ng kalikasan;
Ang iyong mata ay kumalat ng isang nakagugulat na sinag,
   Gumising ako, ang piitan ay umaapoy sa ilaw;
Ang aking mga kadena ay bumagsak, ang aking puso ay malaya;
   Bumangon ako, humakbang, at sumunod sa Iyo.
Nakamamanghang pag-ibig! paano ito
   Na Ikaw, aking Diyos ay mamatay para sa akin?

Sa sandaling iyon ang ating pastor ay maaring nasigaw kasama ni McCheyne o Spurgeon, “Siya ay totoong kaibigibig!” Maaring nakanta niya na ubod ng lakas ang lumang Alemang himno,

Pinaka marikit na Panginoong Hesus, Pinuno ng lahat ng kalikasan,
   O Sa Iyo Diyos at taong Anak!
Ikaw ay aking mamahalin, Ikaw ay aking pararangalan,
   Ikaw, Luwalhati ng aking kaluluwa, Galak, at Korona!

Magandang Tagapagligtas! Panginoon ng mga bansa!
   Anak ng Diyos at Anak ng tao!
Luwalhati at karangalan, papuri at pagsamba,
   Ngayon at magpakailan mang higit ay maging sa Iyo!
(“Pinaka Marikit na Panginoong Hesus.” Isinalin mula sa
“Fairest Lord Jesus,” ika-17 na siglong Alemang himno,
      Isinalin ni Joseph A. Seiss, 1823-1904).

“Siya ay totoong kaibigibig.”

Ito si Hesus,

“Na siya ang larawan ng Dios na di nakikita, ang panganay ng lahat ng mga nilalang: Sapagka't sa kaniya nilalang ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at ukol sa kaniyas: At siya'y una sa lahat ng mga bagay, at ang lahat ng mga bagay ay nangabubuhay dahil sa kaniya. At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan. At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya” (Mga Taga Colosas 1:15-22).

Aleluya! Iyan ay si Hesus! “Siya ay totoong kaibigibig!” Umiikot tayo mula sa paghahamak at pagtatangi sa Kanya sa pagbabagsak sa Kanyang paa sa isang mapagpasalamat na papuri – dahil Siya ay namatay sa Krus upang iligtas tayo, at bumangon tayo mula sa pagkamatay upang bigyan tayo ng buhay! Aleluya! “Siya ay totoong kaibigibig!” “Siya ay totoong kaibigibig!”

Hesus ay ang pinakamatamis na pangalan na nalalaman ko,
   At kapareho Niya lang ang Kanyang kaibigibig na pangalan,
At iyan ang dahilan na iniibig ko Siyang lubos;
   O, Hesus ang pinakamatamis na pangalan na nalalaman ko.

Magpunta tulad ng ginawa ng malupit na babaeng “hinahagkan ang kaniyang mga paa” (Lucas 7:38). At sinabi ni Hesus sa kanya, “Ipinatatawad ang iyong mga kasalanan” (Lucas 7:48). “Hagkan ang Anak.” Sinasabi ng Bibliya na gawin ito! “Hagkan ninyo ang anak…Mapapalad ang nanganganlong sa kaniya” (Mga Awit 2:12). Hahagkan mob a ang Anak ng Diyos ngayong umaga, at ilalagay ang iyong tiwala sa Kanya? “Hagkan ang Anak ng Diyos?” ang gabi mo. Oo! Oo! Hagkan Siya sa pamamagitan ng pananmapalataya at magtiwala sa Kanya, dahil Siya ay totoong kaibigibig! Sinabi ni Spurgeon,

     Hindi mo kailangang maging takot na magpunta kay Hesus, dahil “siya ay totoong kaibigibig.” Hindi sinasabi na siya ay totoong terible – iyan ang iyong maling pag-iisip sa kanya; hindi nito sinasabi na siya ay kaunting kaibigibig, at minsan handang tanggapin ang isang partikular na uri ng makasalanan; kundi “siya ay totoong kaibigibig,” kung gayon siya ay laging handa upang tanggapin ang pianaka masama [sa mga makasalanan]. Isipin ang kanyang pangalan. Ito’y Hesus, ang Tagapagligtas. Hindi ba iyan kaibigibig na pangalan? Isipin ang kanyang gawain. Siya’y dumating upang hanapin at iligtas iyong nawawala. Ito ang kanyang okupasyon. Hindi ba iyan kaibigibig? [Anomang paraan mo Siyang tignan] si Hesus ay kaakit-akit sa mga makasalanan na kailangan siya. Magpunta gayon, magpunta at maligayang pagdating, walang makapananatili sa iyong malayo, mayroon ang lahat [tumatawag sa iyo] na magpunta. Naway ang pinaka Sabat na araw na ito alin ay ika’y dinadala sa kanya, hindi kailan muli iiwan siya, kundi maging kanya magpakailan pa man. Amen. (Isinalin mula kay C. H. Spurgeon, “Totoong Kaibigibig” [“Altogether Lovely,”] The Metropolitan Tabernacle Pulpit, Pilgrim Publications, 1977 inilimbag muli, kabuuan 17, mga pahina 407-408).

“Siya ay totoong kaibigibig.” At tinatawag ka Niya na magpunta sa Kanya at magtiwala sa Kanya, at maging ligtas mula sa iyong kasalanan sa lahat ng panahon, at buong kawalang hanggan – dahil iniibig ka Niyang lubos! Dahil iniibig ka Niyang lubos! Dahil iniibig ka Niyang lubos! Magpunta sa Kanya – dahil iniibig ka Niyang lubos! Hindi ka Niya tatanggihan – dahil iniibig ka Niyang lubos!

Palabas mula sa aking pagkabihag, pagdurusa, at gabi,
   Hesus, magpupunta ako, Hesus magpupunta ako;
Sa Iyong Kalayaan, katuwaan, at ilaw,
   Hesus, magpupunta Ako;
Palabas mula sa aking karamdaman sa Iyong kalusugan,
   Palabas mula sa aking kagustuhan at sa Iyong kayamanan,
Palabas mula sa aking kasalanan sa Iyong Sarili,
   Hesus, magpupunta ako sa Iyo.

Ngayon making sa isa pang berso ng himnong iyan,

Palabas ng takot at sindak ng libingan,
   Hesus, magpupunta ako, Hesus, magpupunta ako;
Papunta sa galak at ilaw ng Iyong tahanan,
   Hesus, magpupunta ako sa Iyo;
Palabas ng kalaliman ng pagkasira di katanggap-tanggap,
   Tungo sa kapayapaan ng Iyong nakasisilong na yakap,
Kailan man ang Iyong maluwalhating mukha ay mamasdan,
   Hesus, magpupunta ako sa Iyo.
(“Hesus, Magpupunta Ako.” Isinalin mula sa “Jesus, I Come”
ni William T. Sleeper, 1819-1904).

Iniibig ka ni Hesus. Magpunta kay Hesus ngayong umaga. Magtiwala sa Kanya. Matatagpuan mo Siyang “totoong kaibigibig.” Ang Kanyang Dugo ay huhugas palayo ng iyong kasalanan. Kung gusto mong kausapin kami tungkol sa pagtitiwala kay Hesus, kapag ang natira sa atin ay magpunta sa itaas upang magtanghalian, magpunta ka at umupo sa unang dalawang hilera. Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Pinaka Marikit na Panginoong Hesus.” Isinalin mula sa “Fairest Lord Jesus”
(isinalin mula Alemang si Joseph A. Seiss, 1823-1904).


ANG BALANGKAS NG

HINAMAK NGUNIT KAIBIGIBIG!

DESPISED BUT LOVELY!

Isang pangaral na isinulat ni Dr. R. L. Hymers, Jr. at
ipinangaral ni Rev. John Samual Cagan
A sermon written by Dr. R. L. Hymers, Jr.
and preached by Rev. John Samuel Cagan

“Siya’y totoong kaibigibig” (Awit ni Solomon 5:16).

I.   Una, ang nawawalang mundo ay hindi nag-iisip na
si Hesus ay kaibigibig sa anumang paraan, Isaias 53:2-3.

II.  Pangalawa, ang tunay na Kristiyano ay nakikita na
Siya ay totoong kaibigibig, Mga Taga Colosas 1:15-22;
Lucas 7:38, 48; Mga Awit 2:12.