Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG “LAMAN NG LAHAT NG TEYOLOHIYA” NI SPURGEON

SPURGEON’S “SUBSTANCE OF ALL THEOLOGY”
(Tagalog)

Ipinangaral ni Dr. R. L. Hymers, Jr.
sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-6 ng Mayo taon 2018
Preached by Dr. R. L. Hymers, Jr.
at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Evening, May 6, 2018


Si Spurgeon ay 27 na taong gulang lamang. Ngunit siya ang pinaka tanyag na mangangaral sa London. Siya ay nangangaral sa 30,000 na mga tao kada Linggo ng umaga. Noong Martes, ng ika-25 ng Hunyo taon 1861, ang tanyag na binatang mangangaral ay bumisita sa bayan ng Swansea. Umulan sa araw na iyon. Kaya ang mga tao ay sinabihan na siya’y mangangaral sa dalawang mga lugar. Ang ulan ay huminto sa araw na iyon. Sa gabing iyon ang kilalang mangangaral ay nagsalita sa isang malaking pagpupulong ng mga tao sa labas. Ito’y ang pangaral na ipangangaral ko sa gabing ito na mayroong kaunting dagdag. Lumipat sa ating teksto, Juan 6:37).

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

Narito ay isang teksto na ang isang tao ay mangangaral ng isang libong pangaral. Maari nating kunin ang dalawang punto ng berso bilang isang kasing haba ng buhay na teksto – at di kailan man mauubos ang mga dakilang mga katotohanan nito.

Ngayon maraming mga Kalvinistikong mga mangangaral na makapagsasalitang mahusay sa unang kalahati, “Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin…”

Sa kabilang dako maraming mga mabubuting mga Arminian na mga mangangaral na makapagpapangaral sa pangalawang kalahati ng teksto, “at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.” Ngunit hindi sila makapagsalita ng papuwersa sa unang hati, “Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin…”

Mayroong mga grupo ng mga mangangaral na hindi makita ang parehong panig. Tinitignan nila ang teksto na mayroong isang mata. Hindi nila makikita ang lahat na maaring makita kung parehong mata ay kanilang buksan

Ngayon susubukan ko ang aking pinaka mahusay ng aking makakaya upang magsalita patungkol sa parehong panig ng teksto – at gayon iproklama ang lahat na gusto ni Hesus na ating marinig.

I. Una, ang pundasyon kung saan ang kaligtasan ay nakasalalay.

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.”

Ang kaligtasan ay hindi nakasalalay sa isang bagay na ating gagawin. Ito’y nakasalalay sa anong gagawin ng Ama. Binibigyan ng Ama ang partikular na mga tao sa Kanyang Anka, ang Panginoong Hesu-Kristo. At sinasabi ng Anak, “Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.” Ibig nitong sabihin na ang lahat na gustong magpunta kay Kristo ay isang ibinigay ng Ama kay Kristo. At ang dahilan na sila’y napupunta ay na inilagay ng Ama ito sa kanilang pusong magpunta. Ang dahilan kung bakit ang isang tao ay naligtas, at ang isa ay nawawala, ay mahahanap sa Diyos – hindi sa kahit anong ginawa ng naligtas, o hindi ginawa. Wala sa kahit anong nadama ng isang ligtas na tao, o hindi nadam. Ngunit sa isang bagay na nasal abas niya – kahit na ang pinakmakapangyarihang biyaya ng Diyos. Dapat ipaliwanag ng Bibliya ang puntong ito. Sinasabi ng Bibliya,

“Ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan: Na mga ipinanganak na hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao, kundi ng Dios” (Juan 1:12, 13).

Muli, sinasabi ng Bibliya,

“Kaya nga hindi sa may ibig, ni hindi sa tumatakbo, kundi sa Dios na naaawa” (Mga Taga Roma 9:16).

Ang bawat tao na nasa Langit, ay naroon dahil dinala siya ng Diyos kay Kristo. At bawat tao na papunta na sa Langit ngayon ay pupunta doon dahil ang Diyos mismo ang gumawa sa kanyang “na ikaw ay matangi” (I Mga Taga Corinto 4:7).

Ang lahat ng mga tao, sa kalikasan, ay tinatangihan ang imbitasyon na magpunta kay Hesus. “silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan…Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios. Silang lahat ay nagsilihis” (Mga Taga Roma 3:9, 11, 12). Ang mga tao gumagawa ng maraming mga pagdadahilan upang di magpunta kay Hesus. “silang lahat na parang iisa ay nangagpasimulang nangagdahilan” (Lucas 14:18). Ang ilan ay nagsasabi na hindi sila makapunta kay Hesus dahil hindi nila Siya nakikita. Ang iba ay nagsasabi na hindi sila makapunta kay Hesus dahil hindi nila Siya madama.

Ang iba pa din ay sumusubok na magpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pagkopya ng mga salitang nadinig nilang sabihin ng iba. Silang lahat ay gumagawa ng mga pagdadahilan para sa pagtatangi kay Hesus. Ngunit ang Diyos sa makapangyarihang biyaya, ay gumagawa ng pagkakaiba sa ilan. Dinadala ng Diyos ang ilang mga kalalakihan at kababaihan upang maging handa at magawang magpunta kay Hesus. “Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.” Sila’y magiging “naghahandog na kusa sa kaarawan ng iyong kapangyarihan” (Mga Awit 110:3). Ang Diyos, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Banal na Espiritu, ay nagdadala ng ilang mga tao kay Kristo. “Tayo'y nagsisiibig, sapagka't siya'y unang umibig sa atin” (I Juan 4:19). Iyana king kaibigan, ay pagkakahirang.

Hindi ko ito pinaniwalaan ng mahabang panahon. Gayon man lagi akong nagtataka kung paano ako naligtas. Ako’y dinala sa isang Linggong Pag-aaral na klase sa Unang Bautistang Simbahan ng Huntington Park [First Baptist Church of Huntington Park]. Mula sa malaking klaseng iyon sa aking pagkakaalam ako lamang ang nag-iisang nasa simbahan pa din. Sa pagkakaalam ko, ako lamang ang nag-iisang napagbagong loob. Paano ito? Nanggaling ako mula sa isang teribleng pinanggalingan. Ako’y kinutya at pinagtutukso dahil sa pagpupunta ko sa simbahan. Hindi ako binigyan ng kahit anong lakas ng loob. At gayon man alam ko sa aking puso na walang pag-asa maliban kay Hesus. Paano ko nalaman iyan? Basahin ang aking awtobiyograpiya, Laban sa Lahat ng Takot [Against All Fears]. Wala ni isang sinag ng pag-asa para sa akin. At gayon narito ako, anim na pung taon maya-maya, nangangaral pa rin ng kaligtasan! Wala ni isang tao sa aking klase na isang Kristiyano pati, at tiyak na walang gumugol ng anim na pung taon na nangangaral ng Ebanghelyo. Paano naging ganito?

Tignan si Dr. Cagan. Pinalaki sa na isang ateyistiko. Walang tumulong sa kanya. Walang nag-alaga sa kanya. Gayon siya ang isa sa pinaka mainam na Kristiyano na nakilala ko. Paano na ito’y maari?

Tignan si Gng. Salazar. Ang kanyang asawa ay bumugbog sa kanya dahil sa pagpupunta sa simbahan. Ang kanyang mga anak ay lumisan mula sa simbahan at naging walang silbi para sa Diyos. Gayon si Gng. Salazar ay naglalakad na nag-iisa. At gayon siya ay isang maligayang babae. Ginugugol niya ang kanyang buhay sa pagtutulong ng mga kabataan sa simbahan. Paano na ito’y maari?

Tignan si Aaron Yancy! Walang iba sa kanyang pamilya ay isang mabuting Kristiyano. Gayon si Aaron ay isa sa mga pinaka mainam na Kristiyanong nakilala ko. Paano na ito’y maari?

Tignan si Gng. Winnie Chan. Siya’y laging nagtratrabahong tahimik sa likuran para kay Hesus. Nagdadala siya ng mas maraming mga pangalan mula sa pag-eebanghelismo kaysa kahit sinong babae sa simbahan. Anong nagpapanatili sa kanyang magpatuloy? Paano na ito’y maari?

Tignan si John Samuel Cagan. Dumaan siya sa matinding paghihiwalay ng simbahan. Ang lahat ng kanyang mga kaibigan ay nagsi-alis. Gayon si John Cagan ay nangangaral rito kada Linggo ng umaga. Gayon si John Cagan ay nag-aaral sa isang seminary upang maging mangangaral. Paano na ito’y maari?

Tignan si Gng. Hymers. Siya ya nakamamanghang naligtas sa pinaka unang pagkakataon na nadinig niya akong nangaral ng Ebanghelyo. Ang lahat ng kanyang mga kaibigan ay nilisan ang simbahan para sa isang buhay ng pagkamakasarili at kasalanan. Ngunit si Gng. Hymers ay lumalabas mula sa lahat ng mga ito na isang makapangyarihang kababaihan ng ng Diyos! Paano na ito’y maari? Wala akong ibang paraan na nalalaman upang ipaliwanag ang pagbabagong loob ng mga taong ito, at ang kanilang dakilang pananampalataya kay Kristo sa simbahan. Pagkakahirang ang nag-iisang kasagutan! Masasabi nila kasama ng patriyarkang si Job,

“Bagaman ako'y patayin niya, akin ding [pagkakatiwalaan siya]” (Job 13:15) [KJV].

Ang pinaka dakilang Kristiyano na aking nakilala ay si Pastor Richard Wurmbrand. Basahin ang kanyang kwentong, Pinahirapan para kay Kristo [Tortured for Christ]. Sasang-ayon ka sa akin, kapag mabasa mo ito, na siya ay mas dakila sa mata ng Diyos kaysa kay Billy Graham, Papang John Paul II, o kahit sinong ibang klero ng ika-20 ng siglo. Siya ay pinahirapan sa punto ng kamatayan sa loob ng 14 na mga taon sa isang Komunistang bilangguan, binugbog hanggang sa punto ng kamatayan, ginutom hanggang sa punto ng muntik nang pagkabaliw. Masasabi niya kasama ng patriyarkang si Job,

“Bagaman ako'y patayin niya, akin ding [pagkakatiwalaan siya]” (Job 13:15) [KJV].

Paano ito na hindi ito ang makapangyarihang biyaya ng Diyos na humirang sa kanya at nagdala sa kanya kay Hesu-Kristo? Paano na ito’y maari kung ang mga salita ni Kristo ay hindi totoo? Dahil si Hesus Mismo ang nagsabi,

“Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko” (Juan 15:16).

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.”

II. Panglawa, ang walang hanggang kaligtasan ng lahat ay ibinigay kay Hesus.

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.”

Ito’y walang hanggang naayos, at lubos na naiayos na hindi ito mababago ng tao o ng Diablo. Pati ang dakilang Antikristo mismo ay hindi makapipigil ng kahit isa mula sa pagpupunta kay Hesus, na kaninong ang mga pangalan ay nakasulat sa “sa aklat ng buhay ng Cordero na pinatay buhat nang itatag ang sanglibutan” (Apocalipsis 13:8). Ang bawat isa sa kanila ay sa loob ng panahon ay dadalhin ng Banal na Espiritu, at magpupunta kay Hesus, at mapananatiling ligtas ng Diyos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo, at madadala sa Langit kasama ng Kanyang tupa, sa tuktok ng luwalhati!

Makinig! “Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.” Wala ni isa doon sa mga ibinigay ng Ama kay Hesus ay mamamatay. Kahit isa ay nawawala, sasabihin ng teksto “halos lahat” o “ang lahat maliban sa isa.” Ngunit sinasabi nito, “lahat” na walang kahit anong pagbubukod. Kung isang hiyas ang nawawala mula sa korona ni Kristo, gayon ang korona ni Kristo ay hindi magiging buong-maluwalhati. Kung isang miyembro ng katawan ni Kristo ay mamamatay, ang katawan ni Kristo ay hindi magiging ganap.

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.” “Ngunit ipalagay na hindi sila magpupunta.” Hindi ko maaring ipalagay ang kahit anong ganoong mga bagay. Dahil sinasabi ni Kristo na “magsisilapit sa kain.” Gagawin silang handa sa araw ng kapangyarihan ng Diyos. Kahit na ang tao ay malayang kinatawan, gayon maikikiling siya ng Diyos, handang-handang, magpunta kay Hesus. Sinong gumawa sa kanyang tao? Ang Diyos! Sinong gumawa sa Diyos? Dapat ba nating itaas ang tao sa makapangyarihang trono ng Diyos? Sinong maging panginoon, at magkaroon ng sarili niyang paraan? Ang Diyos o tao? Ang kagustuhan ng Diyos, na nagsasabi na sila’y “magsisilapit,” ay alam kung paano sila magawang magsilapit.

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.” Mayroong maraming mga paraan na ginagamit ng Diyos, kahit sa Tsina, kahit sa mga isla ng dagat, kahit sa mga bilangguan sa ilalim ng yugo ni Satanas. Kahit sa huwad na mga doktrina ni Finney ay hindi maka dadaig sa kapangyarihan ng pinaka makapangyarihang biyaya ng Makapangyarihang Diyos! Ito ang doktrina ng Kasulatan! Ito ang doktrina ng Diyos! Ito ang doktrina ng ginamit ng Diyos muli’t muli sa muling pagkabuhay. Ang mga droga at libreng pagtatalik ng mga Hipi ay hindi makatitigil ng Kilusan ni Hesus mula sa paghahapyaw ng libo-libong mga anak ni Satanas sa Kaharian ng Diyos! At kaya Niyang gawin ito muli! ““Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin.”

Ngunit ipalagay natin na mayroong isang napili ng Diyos na naging napaka napatigas na walang pag-asa para sa kanya? Ano gayon? Kung siya ay nahirang ang taong iyon ay aarestuhin ng biyaya ng Diyos. Ang mga luha ay aagos mula sa kanyang mga pisngi, at siya ay magagawang handang magpunta kay Hesus at maliligtas. Ako’y nawaala sa kaligtasan sa pamamagitan ng gawain sa loob ng 8 taon. Kung maitutupi ng Diyos ang aking kagustuhan, at madala ako kay Hesus, maari Niyang dalhin ang kahit sino! Walang nahirang na kaluluwa na lampas sa kaabutan ng pag-asa, walnag napili na hindi maidadala ng Diyos kay Hesus, kahit mula sa mga tarangkahan ng Impiyerno! Maaring ilabas ng Diyos ang Kanyang mga kamay, at bunutin ang gatong “naagaw sa apoy” (Zakarias 3:2).

III. Pangatlo, making sa pangalawang bahagi ng teksto.

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

Walang pagkakamali rito. Ang maling tao ay hindi makakalapit. Ang kahit sinong nawawalang mga tao ay magpupunta kay Hesus, siya’y tiyak na ang tamang tao. Mayroong magsasabing, “Ipalagay na ako’y magpupunta sa maling paraan.” Hindi ka maaring makapunta kay Hesus sa maling paraan. Sinabi ni Hesus, “Walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama” (Juan 6:44, 65). Kung magpupunta ka kay Hesus sa anumang paraan, ang kapangyarihan na magpunta ay ibinigay na sa iyo ng Ama. Kung magpupunta ka kay Hesus, hindi ka Niya itataboy. Walang posibleng dahilan para kay Hesus upang itaboy ang kahit sinong makasalanan na magpupunta sa Kanya. Sinasabi ni Hesus,

“Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin” (Mateo 11:28).

Iyan ang Kanyang imbitasyon at Kanyang pangako, rin.

Si Spurgeon ay 27 na taong gulang lamang. Ang batang mangangaral ay tinapos ang kanyang pangaral sa mga salitang ito:

Ito ang sinasabi ni Hesu-Kristo sa bawat isa sa inyo – ito ang Ebanghelyong imbitasyon: “Magpunta, magpunta, magpunta kay Hesus, na kung paano ka lang.” Sasabihin mo, “Ngunit kailangan kong makadama ng higit pa.” “Hindi, magpunta ka lang kung paano ka.” “Ngunit pabayaan akong umuwi at manalangin.” “Hindi, hindi, magpunta kay Hesus kung paano ka.” Kung magtiwala ka kay Hesus Mismo, ililigtas ka Niya. O, panalangin ko na mangangahas kang magtiwala sa Kanya. Kung mayroong tututol, “Ika’y isang napakaruming makasalanan,” sumagot kang, “Oo, totoo, Ako nga’y ganoon; ngunit si Hesus Mismo ang nagsabi sa aking magpunta.”

Magpunta, kayong mga makasalanan, kawawa at wasak,
   Mahina at nasugatan may sakit at nasasaktan;
Handa si Hesus tumatayong iligtas ka,
   Puno ng awa sinamahan ng kapangyarihan;
Kaya Niya,
   Handa Siya, handa Siya,
      huwag nang magduda
(“Magpunta Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” ni Joseph Hart, 1712-1768).

Makasalanan, magtiwala kay Hesus, at kung ika’y mapapahamak sa pagtitiwala kay Hesus, ako’y mapapahamak kasama ninyo. Ngunit hindi iyan kailan man mangyayari; iyong mga nagtiwala kay Hesus ay di kailan man mapapahamak. Magpunta kay Hesus, hindi ka Niya itataboy. Huwag mong subukang makuha ito. Magtiwala lamang sa Kanya, at hindi ka kailan man mapapahamak, dahil iniibig ka Niya.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kasulatan Binasa Bago ng Pangaral: Juan 6:35-39.
Kumanta na Mag-isa Bago ang Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Magpunta Kayong Mga Makasalanan.” Isinalin mula sa
“Come, Ye Sinners” (ni Joseph Hart, 1712-1768)


ANG BALANGKAS NG

ANG “LAMAN NG LAHAT NG TEYOLOHIYA” NI SPURGEON

SPURGEON’S “SUBSTANCE OF ALL THEOLOGY”

Ipinangaral ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy” (Juan 6:37).

I.    Una, ang pundasyon kung saan ang kaligtasan ay nakasalalay, Juan 6:37a;
Juan 1:12, 13; Mga Taga Roma 9:16; I Mga Taga Corinto 4:7;
Mga Taga Roma 3:9, 11, 12; Lucas 14:18; Mga Awit 110:3;
I Ni Juan 4:19; Job 13:15; Juan 15:16.

II.   Panglawa, ang walang hanggang kaligtasan ng lahat ay ibinigay kay Hesus,
Juan 6:37a; Apocalipsis 13:8; Zakarias 3:2.

III.  Pangatlo, making sa pangalawang bahagi ng teksto, Juan 6:37b; Mateo 11:28.