Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGBAGSAK NG TAO
THE FALL OF MAN ni Dr. R. L. Hymers, Jr. |
Ang Aklat ng Genesis ay ang “kama-ng-butil” ng Bibliya. Isa sa pinaka nakamamanghang mga katangian ng Genesis ay ang katunayan na sinasagot nito ang napakaraming mga makabagong kasinungalingan. Sinabi ni C. S. Lewis, malapit sa katapusan ng kanyang buhay, ay nagsabi na ang Darwiniyang ebolusyon “ay sentral na kasinungalingan” ng makabagong mga panahon.
Ang kasinungalingan ng Darwiniyang ebolusyon ay pinabulaanan ng Genesis sa dalawang mga paraan. Una, tayo ay sinabihang paulit-ulit na ang mga hayop at pati mga halaman ay direktang nilikha ng Diyos. Pangalawa, sinasabi sa atin ng Genesis na ang lahat ng ibang mga halaman at mga hayop ay makapagbubunga lamang “pagkatapos ng sarili nilang uri.” Ang mga hayop at mga halaman ay makapagbubunga lamang sa loob ng kanilang “uri.” Pinabubulaanan nito ang ebolusiyonaryong teyoriya, na nagsasabi na ang pagpaparami ay maaring maganap sa ibayong mga “uri.” Isa sa mga pinaka mahinang argumento ng ebolusyon ay na maaring magkaroon ng pagtatawid mula sa isang “uri” papunta sa iba, na ang isang “uri” ay maaring magbago sa iba. Hindi pa ito napatutunayan. Kung gayon, ipinapakita ng Genesis na isa sa pinaka saligang palagay ng teyorya ng ebolusyon ay isang ganap na kasinungalingan! Ang isang aso ay hindi kailan man maaring maging isang kabayo. Ang isang agila ay hindi kailan man maaring maging isang manok. Walang pagtatawid mula sa isang “uri” tungo sa iba. Ipinapakita ng Genesis na isa sa mga saligang pagpapalagay ng ebolusyon ay isang maruming kasinungalingan!
Pangalawa, ang kasinungalingan na ang tao ay mga produkto ng kanilang paligid ay pinabubulaan ng Genesis. Ang ating unang mga magulang ay nabuhay ng isang perpektong kapaligiran. Gayon sila’y naging mga makasalanan. At ang kanilang unang anak ay isang mamamatay tao!
Pangatlo, ang kaisipan na ang problema ng kasamaan ay imposibleng maintindihan ay pinabuulaan ng Genseis. Ang Hardin ng Eden ay ang upuan ng higit na demoniko at Satanikong pagkilos. Pinanirahan ni Satanas ang serpyente na tumukso kay Eba sa kasalanan. Ang “nephilim” ng kapitulo anim ay mga produkto ng naimpluwensyahan ng demonyong mga kalalakihan na nanirahan kasama ng mga normal na mga kababaihan. Kung gayon ang “problema” ng kasamaan ay isang kasinungalingan, tinimplahan ng makabagong mga taong nabigong isaalang-alang ang katotohanan ni Satanas at mga demonyo.
Pang-apat, ang uniformiatriyan na teyorya ng makabagong geolohiyo ay nagpapakita na isang kasinungalingan ng Genesis. Ipinapakita ng lupa ang maraming patunay ng isang malawakang baha. Ang uniformitariyano ay nagsasabi, “Ang lahat ng mga bagay ay nagpapatuloy tulad nila mula sa simula ng pagkalikha” (II Ni Pedro 3:4). Sila’y “maluwag sa kalooban nilang mangmang” patungkol sa matinding Baha ng panahon ni Noah. Ang makabagong heolohiya ay walang totoong paliwanag kung paanong mga katangiang tulad ng Grand Canyon ay nabuo, o kung paanong makakikita ng mga labi ng mga nilalang ng dagat sa pinaka matataas na mga bundok. Kung gayon binabalaan ng Genesis ang kasinungalingan sa likod ng makapabagong heolohiya.
Panlima, ang kasamaan ng tao ay hindi maaring tunay na maipapaliwanag, at halos lahat ng mga teyorya ay napatunayang kasinungalingan, dahil maliwanag na ipinapakita ng Genesis kung paano ang tao ay nahulog mula sa kanyang orihinal na katuwiran sa nakasisirang kabangisan na nakikita natin sa paligid natin sa makabagong mundo, “Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim” (Mga Taga Roma 1:21). Kung gayon, ang iba’t ibang mga teyorya ng makabagong psikolohiya ay napatunayang isang kasinungalingan ng Aklat ng Gensis.
Ngayong gabi tutuon tayo ng mas higit na detalye sa kasinungalingang ito. Paki lipat sa Genesi 3:1-10.
“Ang ahas nga ay lalong tuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami: Datapuwa't sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo'y mamatay. At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. At nang makita ng babae, na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting kanin, at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. At nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga hubad; at sila'y tumahi ng mga dahon ng puno ng igos, at kanilang ginawang panapi. At narinig nila ang tinig ng Panginoong Dios na lumalakad sa halamanan sa kulimlim ng araw: at nagtago ang lalake at ang kaniyang asawa sa harapan ng Panginoong Dios sa pagitan ng mga punong kahoy sa halamanan. At tinawag ng Panginoong Dios ang lalake at sa kaniya'y sinabi, Saan ka naroon? At sinabi niya, Narinig ko ang iyong tinig sa halamanan, at ako'y natakot, sapagka't ako'y hubad; at ako'y nagtago” (Genesis 3:1-10).
Si Arthur W. Pink ay isang Taga Britaniyang teyolohiyano at tagakumento ng Bibliya. Tamang-tamang sinabi ni Pink na ang ikatlong kapitulo ng Genesis ay ang pinaka mahalagang sipi sa buong Salita ng Diyos. Sinabi ni Pink,
Ito ang “binhian ng Bibliya.” Narito ang mga pundasiyon na kung saan nakalatag ang maraming mga kardenal na mga doktrina ng ating pananampalataya. Dito mababakas natin pabalik sa pinanggalingan nito ang maraming mga ilog ng banal na katotohanan. Dito ang umpisa ng dakilang drama na ginaganap sa entablado ng kasaysayan ng tao…Narito ay mahahanap natin ang Banal na paliwanag ng kasalukuyang bumagsak at nasirang kondisyon ng lahi [ng tao]. Dito ay matututunan natin ang banayad na mga kagamitan ng ating kalaban, ang Diablo…Dito ay minamarkahan natin ang pangkalahatang kaugalian ng kalikasan ng tao upang takpan ang sarili nitong moral na kahihiyan gamit ng isang kagamitan ng sariling ginawa ng tao (Isinalin mula kay Arthur W. Pink, Paghihimlay sa Genesis [Gleanings in Genesis], Moody Press, 1981 edisiyon, pah. 33).
Sinasabi sa atin ng Kapitulo tatlo kung paano pumasok si Satanas sa Hardin ng Eden, naninirahan at nagsaalita sa pamamagitan ng bunganga ng isang di pa hinatulang serpyente. Doon makikita natin na si Satanas ay kumausap sa babae, naglalagay ng pagdududa sa kung anong sinabi ng Diyos kay Adam, binabaluktot at pinipilipit ang Salita na ibinigay ng Diyos, sinasabi sa kanya “Tunay na hindi kayo mamamatay” kung kakainin mo ang prutas noong isang pinagbabawal na puno, ang “puno ng kaalaman ng mabuti at kasamaan.”
Dapat tandaan na si Satanas sa panahong ito ay isang panginoon ng panlilinlang. Sinasabi ng Bibliya sa Aklat ng Apocalipsis,
“At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa…” (Apocalipsis 12:4).
Ang ibig sabihin ng bersong iyan ay dinalang malinaw sa ilang mga berso maya-maya, sa Apocalipsis 12:9,
“At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Apocalipsis 12:9).
Sinabi ni Dr. Henry M. Morris,
Ang dragon rito ay maiuugnay sa serpyente ng Eden (Genesis 3:1)…at bilang ang Diablo na sumubok kay Hesus [sa kaparangan] (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Tagapagtanggol ng Pag-aaral na Bibliya [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995, pah. 1448; sulat sa Apocalipsis 12:9).
Si Satanas ay pinalayas mula sa Langit dahil sa pagrerebelde laban sa Diyos, at paghahangad na makuha ang trono ng Diyos (Isaias 14:12-15; Ezekiel 28:13-18). Si Satanas ay pinalayas ng Langit sa lupa, kung saan siya ay naging
“…sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway” (Mga Taga Efeso 2:2).
Ngunit paano naman ang mga anghel na sumunod kay Satanas sa rebelyon laban sa Diyos? Sinasabi ng Apocalipsis 12:9,
“Siya'y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Apocalipsis 12:9).
Ilang mga anghel ang nagrebelde kasama ni Satansa? Ilan sa kanila ay “inihagis na kasama niya” sa lupa? Sinasabi ng Apocalipsis 12:4,
“At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, at ipinaghagis sa lupa” (Apocalipsis 12:4).
Sinabi ni Dr. Morris,
Ang mga ‘bituin ng langit’ na mga ito ay kinilalang mga anghel ni Satanas sa Apocalipsis 12:9 (Isinalin mula sa Morris, ibid., pah. 1447).
Gayon, naniniwala kami na isang katlo ng mga anghel sa Langit ay nagrebelde kasama ni Satanas ang kanilang pinuno at naitapon sa lupa, nagiging mga demonyong madalas ay nakatatagpo ni Hesus sa Kanyang makalupaing pangangasiwa.
Si Satanas ay nagsinungaling sa mga anghel na ito. Walang duda na ginamit niya ang parehong uri ng kasinungalingan na hayag kina Adam at Eba sa Hardin ng Eden, noong sinabi niya, “Kayo'y magiging parang Dios” (Genseis 3:5). Iyan ay walang duda na kasinungalingan na sumira sa mga anghel na iyon, “Sumama kayo sa akin, at kayo rin ay magiging mga diyos.” Naniwala sila sa kasinungalingan ng Diablo, ngunit hindi sila “naging parang dios.” O hindi! Sila’y naging malahalimaw maruruming mga demonyo, nagsisigal sa mundo sa galit, kasakiman at poot!
At gaya rin na si Satanas ay nagsinungaling sa mga anghel, sa pagtutukso sa kanila na magkasala laban sa Diyos, kaya ginawa niya muli noong nagsinungaling siya sa tao. Ang parehong ideya na umakit doon sa mga anghel na iyon na alin ay sumira sa kanila, ay pareho sa huwad na ideya na ginamit niya upang akitin si Adam at Eba sa Hardin ng Eden. Makinig sa Genesis 3:4-5,
“At sinabi ng ahas sa babae, Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama” (Genesis 3:4-5).
Si Satanas ay maaring gumamit ng parehong argumento, isang parehong kasinungalingan, upang dalhin ang isa katlong mga anghel ng Langit pababa sa dakilang anghelikal na Pagbagsak mula sa kanilang mataas na posisyon sa Langit.
At ngayon dinadal aniya ang kasinungalingan na iyan, at ang pagkabaluktot ng Salita ng Diyos, sa ating unang mga magulang. At, tulad ng mga anghel, ang ating mga magulang sa Hardin naniwala sa kanyang kasinungalingan at napahamak gaya ng mga anghel na naniwala sa “Ama ng mga kasinungalingan,” dahil iyan ang tinawag ng Panginoong Hesu-Kristo kay Satanas noong sinabi Niya sa mga Fariseo,
“Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito” (Juan 8:44).
Sa bersong iyan sinabihan tayo ni Hesus ng dalawang mahalagang mga bagay tungkol kay Satanas: (1) “Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una” at (2) Siya ay isang sinungaling, at ang ama nito.”
Si Satanas ay nagsinungaling sa mga anghel noong tinukso niya silang sundan siya. Nagsinungaling si Satanas kay Adam at Eba noong tinukso niya silang kumain mula sa isang puno sa Hardin na ipinagbabawal.
Si Satanas ay isang “mamamatay-tao buhat pa nang una.” Sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan kanyang “pinatay” ang mga anghel na sumunod sa kanya, “ang kanyang mga anghel, “ dahil sila’y naitapon mula sa Langit sa lupa, kung saan inaantay nila ang tiyak na kapahamakan sa apoy ng Impiyerno, “na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel” (Mateo 25:41). “Siya’y isang mamamatay-tao buhat pa nang una,” dahil hindi lamang niya “pinatay” ang isang katlo ng mga anghel ng Langit, pinatay niya rin ang buong lahi ng tao sa kanyang panlilinlang at kasinungalingan. Sinabi ni Hesus,
“Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya…” (Juan 8:44).
Sinira ni Satanas ang isang katlo ng mga anghel sa kanilang Pagbagsak. At “pinatay” ni Satanas ang buong lahi ng tao sa pamamagitan ng pagbibitag sa kanila sa matinding kasalanang ito na kanilang nakamit sa pamamagitan ng paglalaban sa nabubuhay na Diyos, at sinusundan ang Diablo sa pagkahamak sa Pagbagsak ng tao, nakatal sa ating pambukas na teksto ng Genesis 3:1-10.
Noong nagkasala si Adam hindi siya isang ordinaryong tao. Siya ay isang natural na puno ng buong lahi ng tao, at ang pederal na puno rin. Gaya ng rebelyon ni Satanas ay direktang naapektuhan ang isang katlo ng mga anghel sa Langit, gayon ang rebelyon ni Adam at kasalanan sa Pagbagsak din ay nagkaroon ng matinding kinahinatnan para sa iba. Ang buong lahi ng tao ay bumagsak kay Adam bilang kanilang pederal na puno. Isang lumang Puritanong aklat para sa bata ay tamang nagsabi na, “Sa pagbagsak ni Adam, tayong lahat ay nagkasala.” Dahil sa paniniwala sa kasinungalingan ni Satanas, at pagkain sa pinagbabawal na prutas, si Adam ay nagdala ng kamatayan sa lahat ng kanyang supling – sa buong lahi ng tao. Gaya ng paglagay ni Apostol Pablo nito,
“kung paano na sa pamamagitan ng isang tao [si Adam] ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao…” (Mga Taga Roma 5:12).
Ang epekto ng kasalanan ni Adam sa lahi ng tao ay Malaki. Bago ng Pagbagsak, ang Diyos at ang tao ay mayroong samahan. Pagkatapos ng Pagbagsak ang samahan ay natapos. Sila’y naputol mula sa Diyos. Pagkatapos ng Pagbagsak sinubukan nilang magtago mula sa Diyos.
Bago ng Pagbagsak ang tao ay inosente at banal. Si Adam at Eba ay walang kalikasang kasalanan. Pagkatapos ng Pagbagsak sila’y makasalanan at nahihiya. Sinabi ni Apostol Pablo,
“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan” (Mga Taga Roma 5:12).
Ang berso ay hindi nagsasabi mga “kasalanan” ay pumasok sa sanglibutan. Sinasbai nito ang “kasalanan,” isahan. Hindi dinala ni Adam ang kasalanan sa sanglibutan sa pamamagitan ng pagbibigay na masamang halimbawa. Ang pagkilos ng kasalanan ay nagdala ng pagbabago sa kanyang pinaka kalikasan. Ang kanyang pinaka puso ay masama.
Bago ng Pagbagsak ang tao ay maaring makakain sa Puno ng Buhay at nabuhay magpakailan man (Genesis 2:9; 3:22). Pagkatapos ng Pagbagsak ang kamatayan ng katawan ay naging bahagi ng multa para sa kasalanan ni Adam. Sinasabi ng Mga Taga Roma 5:12,
“kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan…” (Mga Taga Romans 5:12).
Tumutukoy ito sa parehong espiritwal at pisikal na kamatayan. Pagkatapos na nagkasala si Adam, sinabi ng Diyos,
“…sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi” (Genesis 3:19).
Gayon, pisikal gayon din espiritwal na kamatayan ay ang bunga ng kasalanan ni Adam.
Bilang bunga ng Pagbagsak ni Adam, ang kasalanan ay naging malawakan sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga tao ay ngayon ipinapanganak na mayroong makasalanang kalikasa, namana mula kay Adam, ang pederal na puno ng lahi ng tao. Sinasabi ng Bibliya,
“Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala” (Mga Taga Roma 5:12).
Ang kasalanang kalikasan ng bumagsak ng tao ay ibinigay sa buong Bibliya.
“walang tao na di nagkakasala,” (I Mga Hari 8:46).
“Tunay na walang matuwid sa lupa, na gumagawa ng mabuti, at hindi nagkakasala” (Ecclesiastes 7:20).
“Walang matuwid, wala, wala kahit isa: Walang nakatatalastas, Walang humahanap sa Dios. Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan; Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa” (Mga Taga Roma 3:10-12).
“Upang matikom ang bawa't bibig, at ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios” (Mga Taga Roma 3:19).
“Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay wala sa atin” (I Ni Juan 1:8).
Ang kasalanan ni Adam ay ibinintang sa lahat ng kanyang salinlahi, iyan ay, sa buong lahi ng tao. Dahil sa natural na pag-uugnay ng sangkatauhan, ipinaparatang ng Diyos ang kasalanan ni Adam agad sa lahat ng kanyang mga anak. Gayon, ang kalikasan na lahat ng mga tao ay ngayon tinataglay ay ang parehong masamang kalikasang tinaglay ni Adam pagkatapos ng Pagbagsak. Ayon sa Mga Taga Roma 5:12 ang kamatayan (parehong espiritwal at pisikal) ay ipinasa sa lahat ng mga tao, dahil ang lahat ay nagkasala kay Adam, sa kanilang natural na ulo.
Ito ang ibig naming sabihin sa “Lubos na Kasamaan” ng sangkatauhan. Ibig nitong sabihin na ang tao sa kanyang natural na masamang kalagayan ay walang tunay na pagmamahal para sa Diyos. Ibig nitong sabihin na mas pinipili nito ang kanyang sarili kaysa sa Diyos, na iniibig niya ang kanyang sarili higit sa kanyang Manlilikha. Lubos na Kasamaan ay ibig rin sabihin na ang bawat tao ay nasa natural na kalagayan ay mayroong pakamuhi sa Diyos, isang pagkasuklam o pagka-ayaw tungo sa Kanya, at laban sa Kanya.
“Sapagka't ang kaisipan ng laman ay pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7).
Ang “kaisipan ng laman” ay tumutukoy sa “isang taong hindi nabuhay muli,” hindi naipanganak muli (isinalin mula sa Ang Geneva Bibliya [The Geneva Bible], 1599, sulat sa Mga Taga Roma 8:7).
Kung gayon, ang Pagbagsak ni Adam, sa Genesis kapitulo tatlo, ay mayroong direktang epekto sa iyo. Maging ikaw man ay pinalaki sa simbahan o hindi, tumanggap ka ng isang kalikasan na mayroong pagkamuhi sa Diyos at kay Kristo, naipasa mula sa iyong ninunong si Adam. Wala sa iyong naiisip, natututunan o nagagawa ang makapagbabaligtad ng iyong namanang panloob na kasamaan. Kung gayon, ang kaligtasan ay dapat manggaling mula sa isang “banyagang” pinanggalingan, mula sa isang pinanggalingang ganap na nasa labas ng iyong sarili. At ang pinagmulan na iyan ay ang Diyos Mismo. Dapat kang gisingin ng Diyos mula sa iyong panloob na kasamaan. Dapat tuyuin ng Diyos ang iyong mga huwad na mga kaisipan ng kaligtasan, at kumbinsihin ka ng iyong panloob na kasamaan. Dapat kang dalhin ng Diyos kay Kristo, para sa parehong paglilinis at paglilikha ng bagong pagkapanganak sa loob mo. Dahil sa kasalanan ni Adam, wala kundi sai Kristo, ang “huling Adam,” ang makaliligtas sa iyo. Iyan ang kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya lamang, sa pamamagitan ni Kristo lamang. Iyan ang dahilan na naniniwala kami at nangangaral.
Bago ng pagbagsak ni Adam, nagkaroon siya ng ganap na kaugnayan sa Diyos. Lumakad siya kasama ng Diyos na gaya ng isang kaibigan. Ngunit pagkatapos niyang nagkasala, si Adam at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa Diyos sa mga puno ng Hardin.
Kung ika’y isang anak ni Adam. Iyan ang dahilan na ang iyong pag-iisip patungkol sa Diyos ay lahat mali! Imbes na pagtitiwala sa Kanya, nagrerebelde ka laban sa Kanya, at nagtatago mula sa Kanya, tulad lang ng ginawa ng iyong ninunong si Adam. Iyan ang dahilan na ika’y gumagawa ng isang pagkakamali pagkatapos ng isa kapag sinusubukan mong magtiwala kay Kristo. At iyan ang dahilan kung bakit ang iyong isipan ay umiikot-ikot – gumagawa ng parehong pagkakamali muli’t muli’t muli, walang katapusan.
Testinmonyo Ng Isang Kolehiyong Mag-aaral
Nagkaroon ako ng isang huwad na pagbabagong loob pagkatapos ng isa. Akala ko na kinailangan kong magkaroon ng isang pakiramdam sa pagbabagong loob. Pagkakaroon ng huwad na pagbabagong loob ay teribleng panahon para sa akin.
Noong nagpunta ako upang mapayuhan, mag-iisip ako ng isang bagay na sasabihin. Sinubukan kong tandaan ang sinabi sa pangaral, upang maulit ko ang kaunti nito. Ngunit ang aking mga salita ay di kailan man nagkaroon ng kahit anong halaga. Sinubukan kong kopyahin ang pagbabagong loob na testimonyo ng iba. Anong kahangalan!
Nagsimula akong manalangin na mag-isa at isipin ang tungkol sa aking sariling kasalanan. Tapos ang pangangaral ng Ebanghelyo ay dumating sa aking malinaw. Nagpunta ako kay Hesus bilang isang sirang makasalanan na walang pag-asa sa akin sarili – kundi ang aking pag-asa ay na kay Hesu-Kristo. Ang pinaka mahalagang bagay sa akin ay ang pagpupunta kay Hesus at aking mga kasalanan na nahuhugasang malinis sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Nagtiwala ako sa Kanyang Dugo.
Testimonyo Ng Isang Kolehiyong Edad na Babae
Patuloy na sinasabi sa akin ni Satanas, “Ang mga taong ito ay mali. Ika’y perpekto kung paano ka. Hindi mo kailangan si Hesus.” Tapos snagpunta ako sa simbahan at alam ko na mali ako. Lumuha ako at hindi makatigil. Tinanong ako ni Dr. Cagan, “Magpupunta ka ba kay Kristo?” Tumugon ako “Oo, magpupunta ako sa Kanya. Magpupunta ako sa Kanya.” Itinapon ko ang aking sarili kay Hesus sa araw na iyon. Lubos kong sinuko ang aking sarili kay Hesus. Yinakap ako ni Hesu-Kristo at ang aking mga kasalanan ay nahugasang malinis sa Kanyang Dugo.
Testimonyo Ng Isang Batang Lalake
Hindi ko na mapabayaan ang katunayan na ang aking puso ay pangit, rebelled, at puno ng kasamaan, at laban sa Diyos. Ang aking puso ay hindi na ako maluluko sa pag-iisip na ako’y isang mabuting tao. Hindi ako okey at walang kabutihan sa akin. Alam ko na kung namatay ako sa oras na iyon mapupunta akong diretso sa Impyerno. Karapatdapat akong magpunta sa Impiyerno. Ako’y isang makasalanan. Akala ko maitatago ko ang aking mga kasalanan mula sa mga tao. Ngunit hindi ko maitago ang mga ito mula sa Diyos. Nakita ng Diyos ang lahat ng aking mga kasalanan. Nadama ko na para bang si Adam na sinusubukang magtago mula sa Diyos pagkatapos niyang kainin ang pinagbabawal na prutas. Nadam akong lubos na walang pag-asa. Ang lahat ng aking mabuting gawain ay hindi makaliligtas ng isang sirang makasalanan tulad ko. Si Kristo lamang ang nakaligtas sa akin. Ang Kanyang Dugo ay nagtakip sa akin at humugas sa lahat ng aking mga kasalanan. Dinamitan ako ni Kristo sa Kanyang Dugo. Dinamitan Niya kao sa Kanyang katuwiran. Ang Kanyang Dugo ay humugas sa aking makasalanang puso. Ang aking pananampalataya at kasiguraduhan ay na kay Kristo lamang. Ako’y isang makasalanan – ngunit iniligtas ako ni Hesus.
Testimonyo ng Isang Kolehiyong Batang Babae
Lumakad ako sa simbahan at ang aking puso ay mabigat. Nadama ko na ako’y isang makasalanan. Hindi ko na mapabayaan ang katunayan na ang aking puso ay pangit, rebelde, puno ng kasamaan laban sa Diyos. Tapos, habang ang pangaral ay palapit sa katapusan, nadinig ko ang Ebanghelyo sa unang pagkakataon. Hindi ito kailan man nagkaroon kahulugan sa akin noon. Si Kristo ay namatay sa aking lugar sa Krus, upang magbayad para sa aking kasalanan. Namatay Siya sa Krus para sa akin! Ang Kanyang Dugo ay ibinuhos para sa akin! Lubha kong kinailangan si Hesus. Ang aking mga mata ay itinaas papalayo sa akin. Tumingin ako kay Kristo sa unang pagkakataon, at sa sandaling iyon iniligtas ako ni Kristo! Ngayon naintindihan ko ang ibig sabihin ni John Newton sa “Nakamamanghang biyaya! Napakatamis ng tunog, noong nagligtas ng isang sirang tulad ko! Ako minsan ay nawawala ngunit ngunit ngayon ay natagpuan na, noon ay bulag nugnit ngayon ay nakakakita!” Ako noon ay isang makasalanan, at iniligtas ako ni Hesu-Kristo mula sa aking kasalanan.
Hindi ko nakita o nadama si Hesus. Hindi ako nagkaroon ng isang banal na relihiyosong karanasan. Simpleng nagtiwala lang ako sa Kanya. Sa sandaling nagtiwala ako kay Hesus, hinugasan Niya ang kaing kasalanan papalayo gamit ng Kanyang Dugo.
Nadirinig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Nadirinig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Nadirinig ko ang aking Tagapagligtas na tumatawag,
Magpupunta ako kasama Niya,
Kasama Niya hanggang sa dulo!
(“Saan Niya Ako Dadalhin.” Isinalin mula sa
“Where He Leads Me” ni Ernest W. Blandy, 1890).
Magpupunta ako, Panginoon, Magpupunta ngayon sa Iyo;
Hugasan ako, linisin ako sa Dugo na umagos sa Kalbaryo.
(“Papunta Ako Panginoon.” Isinaling mula sa
“I Am Coming, Lord” ni Lewis Hartsough, 1828-1919).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Papunta Ako Panginoong.” Isinalin mula sa
“I Am Coming, Lord” (ni Lewis Hartsough, 1828-1919).