Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




ANG MGA PAGPAPALA NG AKING BUHAY

THE BLESSINGS OF MY LIFE
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Richard Nixon Presidensyal na Librerya, sa Yorba Linda, California Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-8 ng Abril, 2018
A sermon preached at the Richard Nixon Presidential Library,
Yorba Linda, California
Lord’s Day Evening, April 8, 2018


Magsitayo habang basahin ko ang berso ng aking buhay.

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13).

Maari nang magsi-upo.

Maari kang magtaka kung bakit ko pinili ang Librerya ni Nixon upang ipagdiwang ang aking ika-labing anim na anibersaryo sa pangangasiwa. Kapag babasahin mo ang aking awtobiyograpiya matutuklasan mo kung paano ko nakuha ang berso ng aking buhay mula sa kay Pangulong Nixon.

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13).

Umalis ang aking ama noong ako’y dalawang taong gulang. Hindi ako kailan man muling tumira kasama niya. Nanirahan lamang ako kasama ng aking ina hanggang ako ay 12. Pagkatapos niyan nagpalipat-lipat ako mula sa iba’t-ibang mga lugar, naninirahan kasama ng mga kamag-anak na hindi ako gusto. Nagpunta ako sa 22 na iba’t ibang mga paaralan bago ako nagtapos mula sa hayskul. Laging ako ang “bagong bata.” Ako’y tunay na ulila. Ngunit ang pinaka malaking kawalan ay ang paglaki na walang ama. Ako’y nag-iisa na walang tulong o suporta. Ngunit mas malubha sa lahat, wala akong ama na isang modelo. Kaya nagsimula akong tumingin sa mga makasaysayang mga tao at lumikha mula kanila kung anong tao dapat akong maging. Ang mga kalalakihang mga ito ay naging aking mga bayani.

Ikinategorya ko sila bilang aking mga sekular na mga modelo at mga Kristiyanong mga modelo. Ang aking mga bayani ay lahat mga kalalakihan na humarap sa mga matitinding mga pagsubok at nadaig ang mga ito. Ang aking mga Kristiyanong mga bayani ay mga kalalakihang tulad nina Abraham Lincoln, John Wesley, Richard Wurmbrand at John R. Rice. Ang aking mga sekular na mga bayani ay sina Winston Churchill at Richard Nixon. Isa sa mga mananalambuhay ni Nixon ay nagsabi, “Siya ay isang tahimik na tao sa isang mapagpalabas na trabaho. Nakamamangha siya ay naging isang matagumpay na politiko. Mahiyain at mapagbasa ng mga aklat, alam niya na maari siyang matalo, at maitaboy, at gayon – lagi at anuman ang mga balakid – babangon muli.” Hindi, hindi siya isang Kristiyano. Ngunit, oo, lagi siyang bumabalik upang makipaglaban muli. Mga Taga Filipo 4:13 ay ang paboritong berso ni Nixon sa Bibliya.

Pagkatapos kong matagpuan kung bakit ginusto ni Pangulong Nixon ang bersong iyan ng higit, hindi ko siya kailan man di magugustuhan. Nadaig niya ang napakaraming mga balakid na nakita ko siyang isang kaugnay na espiritu. Sa kadilimang oras ng aking buhay, madalas kong naisip, “Kung si Richard Nixon ay maaring malagpasan ang Watergate, malalagpasan ko rin ito.” Sinabi ng peryodistang si Walter Cronkite, “Kung ikaw o ako ay si Richard Nixon, tayo ay patay na.” Sa akin siya ay isang modelo ng determinasyon. Sinabi ni Nixon, “Ang isang tao ay hindi tapos kapag siya’y natalo. Siya ay tapos na kapag siya’y susuko.” Walang makapipigil sa kanya. Natalo siya sa eleksyon ng Pagkapangulo kay John F. Kennedy noong 1960. Natalo siya sa pagtakbo bilang gobernadora sa California noong 1962. Nanalo siya sa Pagkapangulo noong 1968. Siya’y pinatalsik papalabas ng opisina sa dahil sa Watergate. Ngunit lagi siyang bumalik. Iyan ang dahilan na kahit na hindi siya isang Kristiyano, siya ang isa sa aking mga sekular na mga bayani.

Sinabi ng Apostol Pablo,

“Lahat ng mga bagay ay aking magagawa doon sa nagpapalakas sa akin” (Mga Taga Filipo 4:13).

Hindi ko ibig sabihin na makapagpapatubo ako ng buhok sa aking ulo! Hindi ko ibig sabihin na maari akong lumipad! Hindi nito ibig sabihin na maari akong maging mabuti sa matematiks! Ang ibig sabihin ng Apostol ay na kaya niyang matiis ang lahat ng mga pagsubok, na kaya niyang gawin ang lahat ng mga katungkulan, na kaya niyang madaig ang lahat ng mga balakid – sa pamamagitan ni Kristo na nagpalakas sa kanya. At natagpuan ko na totoo ito rin sa akin. Nagpapasalamat ako para sa bersong ito. Ngunit nagpapasalamat ako sa Diyos ng mas higit para sa Kristong ibinigay Niya sa akin upang palakasin ako! Nabigo ako sa kolehiyo, ngunit binigyan ako ni Kristo ng lakas upang bumalik at makakuha ng tatlong pagkadoktor na digri. Nabigo akong maging isang misyonaryo, ngunit ginawa ako ni Kristong isang pinagkukuhanan ng lakas ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng aming websayt.

At habang binabasa mo ang aking aklat, makikita mo kung bakit ang solo ni Gg. Griffith na kakakanta lang niya ay ang aking paburitong himno.

Tinawag tayo ng Panginoon; ang daan ay maaring mapanglaw
   At mga panganib at mga pagdurusa ay nakakalat sa daan;
Ngunit ang Banal na Espiritu ng Diyos ay pagiginhawaan ang pagal;
   Sinusundan namin ang Tagapagligtas at hindi makababalik;
Tinawag tayo ng Panginoon, kahit na pagdududa at tukso
   Ay maaring sumaklaw sa ating paglalakbay, masayang-masayang kakanta:
“Magpatuloy sumulong, tumingin pataas,”
   Sa pamamagitan ng higit na tribulasyon;
Ang mga anak ng Sion ay dapat sumunod sa kanilang Hari.
(“Ang Panginoon ay Dumating.” Isinalin mula sa
      “The Master Hath Come” ni Sarah Doudney, 1841-1926).

Isinulat ko ang aking awtobiyograpiya dahil sinabi sa akin ng aking anak na si Robert na gawin ito. Hindi ko kinaligayang isinulat ito dahil ang aking buhay ay puno ng mga kahirapan, pagkikipaglaban at sakit. Maraming beses na nadama kong itapon ang manuskrito dahil masyado itong negatibo. Ngunit sinabi sa akin ni John Samuel Cagan, “Huwag mo itong itapon, Dr. Hymers. Ang lahat na kailangan nito ay isa pang kapitulo. Sabihin mo ang tungkol sa panahon na sinabi sa iyo ng iyong ina na ‘bilangin ang iyong mga pagpapala.” Nakinig ako kay John at isinulat ang huling kapitulo, na aking ngayong ibibigay sa inyo sa pinaikling anyo.

Naka-upo ako sa tabi ng aking ina sa kama sa ospital. Ito ang ilang linggo pagkatapos ng Arawa ng Pagbibigay Pasasalamat. Pinag-uusapan namin ang isa sa aming mga paboritong mga taong, si Abraham Lincoln, at kung paano ginawa ni Pangulong Lincoln ang Araw ng Pagbibigay Pasasalamat na isang pambansang araw na walang trabaho. Kinanta namin ang kantang kinanta namin sa Araw ng Pagbibigay Pasasalamat.

Kung sa mga gumugulong na alon ng buhay ika’y bagyong naitatapon,
Kapag ika’y napanghihinangan ng loob, iniisip na ang lahat ay nawala,
Bilangin ang iyong maraming mga pagpapala, banggitin ang mga ito ng isa-isa,
At gugulatin ka nito kung anong ginawa ng Panginoon.
Bilangin ang iyong mga pagpapala, banggitin ang mga ito ng isa-isa,
Bilangin ang iyong mga pagpapala, tignan kung anong ginawa ng Diyos!
Bilangin ang iyong mga pagpapala, banggitin ang mga ito ng isa-isa,
Bilangin ang iyong mga pagpapala, tignan kung anong ginawa ng Diyos.
   (“Bilangin Ang Iyong Mga Pagpapala.” Isinalin mula sa
      “Count Your Blessings” ni Johnson Oatman, Jr., 1856-1922).

Noong natapos namin ang kanta, sinabi ni Ina, “O Robert, tunay na higit ang mapagpapasalamat natin sa ating mga buhay.” Tapos nagsimula naming bilangin ang aming mga pagpapala “isa-isa.” Nagsimula siya sa pamamagitan ng pagbibigay pasasalamat para sa aming mga batang lalakeng sina Robert at John. Tapos nagbigay pasasalamat siya para kay Ileana, ang aking asawa. “Siya’y napaka buti sa akin Robert, at siya’y isang napaka buting ina at asawa.” Nagpasalamat siya sa Diyos na nakatira siya sa aming tahanan. Nagpasalamat siya sa Diyos para sa ating simbahan. Nagpasalamat siya para sa aming mga miyembro, “isa-isa.” Tapos nagbigay ako ng maraming mga bagay na nagbibigay pasasalamat ako. At tapos kinanta namin ang koro muli.

Bilangin ang iyong mga pagpapala, banggitin ang mga ito ng isa-isa,
Bilangin ang iyong mga pagpapala, tignan kung anong ginawa ng Diyos.

Gabing-gabi na noon. Hinalikan ko siya, at tapos habang paalis ako ng kanyang silid nagsabi siya sa akin ng isang bagay na hindi ko kailan man malilimutan habang ako’y nabubuhay. Sinabi niya, “Robert, ikaw ang pinaka mabuting bagay na nangyari sa akin.” Napuno ang aking mga mata ng luha habang paalis ako ng kanyang silid, at lumakad ako palabas ng ospital sa gabi. Iyon ang huling pag-uusap na nagkaroon ako kasama siya. Nagkaroon siya ng malaking atake maya-maya sa gabing iyon na kumuha sa kanyang buhay.

“Huwag mo itong itapon, Dr. Hymers. Ang lahat na kailangan nito ay isa pang kapitulo. Sabihin mo ang tungkol sa panahon na sinabi sa iyo ng iyong ina na ‘bilangin ang iyong mga pagpapala.’” Kaya narito ay ilan sa mga nakamamanghang pagpapala na ibinigay ng Diyos sa akin sa pamamakay ng aking buhay.

Una sa lahat, nagpapasalamat ako sa Diyos na ang aking ina ay sa wakas naligtas. Siya ay walompung taong gulang at naisip ko na hindi siya kailan man mapagbabagong loob. Kasama ko si Ileana at ang mga bata sa New York, kung saan nangaral ako sa maraming mga simbahan doon. Habang pabalik-balik ako sa aming silid, nananalangin ako para sa kaligtasan ng aking ina. Tapos, biglang nalaman ko na siya’y maliligtas. “Nanalangin ako nang lubusan” gaya ng pagsabi ng mga taga lumang panahon. Tinawagan ko si Dr. Cagan at hiniling siyang magpunta at gabayin ang aking Ina kay Kristo. Hindi siya kailan man nakinig sa kanya noon. Ngunit sa pagkakataong ito nagtiwala siya kay Hesus. Ito’y isang himala, gaya ng lahat ng mga tunay na pagbabagong loob. Sa araw na iyon huminto siyang manigarilyo at uminom. Ako’y sinabihan ng mga doktor na ang isang alkoholiko na biglang tumigil na uminom tulad niyan ay magkakaroon ng mga kombulsyon maliban nalang na sila’y bigyan ng Phenobarbital. Ngunit hindi siya nagkaroon nito. Ito’y isang himala. Hindi siya kailan man nanigarilyo at nagpunta sa simbahan apat na beses kada linggo kasama ko. Bininyagan ko siya sa ika-4 ng Hulyo, ang kanyang paboritong pista. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagbabagong loob ng aking ina.

Pangalawa, nagpapasalamat ako para kay Ileana, ang aking nakamamanghang asawa. Nagpunta siya sa isang kasal na isinasagawa ko. Bago ng kasal nangaral ako ng isang maiksing pangaral sa Juan 3:16. Ito ang unang pangaral na kanyang nadinig sa isang Protestanteng simbahan. Tumugon siya sa isang imbitasyon at agad-agad na naligtas! Sa unang beses na tinanong ko siyang pakasalan ako, sinabi niya, “hindi.” Nabiyak ang aking puso. Inimbita ako nina Orlando at Irene Vazquez (na narito ngayong gabi) na sumama kasama nila sa Puerto Rico. Nagpunta ako ngunit patuloy kong inisip si Ileana. Iniisip niya rin ako. Sinabi niya na, “Sana tanungin niya ako uli.” Ginawa ko nga ito, at sa pagkakataon na ito sinabi niya, “oo.” Kami’y kasal na ng tatlompu’t limang taon. Nagpapasalamat ako para sa aking malambing na asawa araw-araw! Sinulatan niya ako ng isang sulat na nagsabing, “Robert, iniibig kita ng aking buong puso at kaluluwa. Umiibig lagi, Ileana.” Siya’y higit na tulad ng banal na babae sa Kawikain 31. Ang lahat na kailangan mong gawin ay basahin ang kapitulong iyan upang makita inilalarawan nito ang aking liyag na si Ileana. Mamahalin ko siya sa aking puso magpakailan man. Ang kanyang ama ay narito ngayong gabi. Nagpunta siya mula sa Guatemala upang makapunta rito. Salamat, Gg. Cuellar! At ang kanyang kapatid at kanyang pamilya ay narito rin. Salamat Erwin!

Pangatlo, nagpapasalamat ako sa Diyos para sa aking dalawang mga anak na lalakeng, si Robert at John. Sila’y kambal, at sila na ngayon ay tatlompu’t apat na taong gulang. Sila ay parehong mga nagtapos mula sa Unibersidad ng Estado ng California sa Northridge. Si Robert ay kasal sa isang magandang Koreanang babaeng nagngangalang Jin. Ang kanyang mga magulang ay narito ngayong gabi, at gayon din ang kanyang kapatid at kanyang asawa. Salamat sa pagdating! Si Robert at Jin at mga magulang ng dalawang babaeng, sina Hannah at Sarah. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pagbibigay sa akin ng mga magagandang mga apo.

Ang aking isa pang anak na lalake si John Wesley, ipinangalan pagkatapos ng dakilang Ingles na mangangaral. Si Robert at John ay parehong nagpupunta sa bawat pagpupulong ng aming simbahan. Si Wesley ay isang tao ng panalangin. Nananalangin siya at binabasa ang Bibliya ng madalas sa loob ng maraming oras. Siya ay isang mabuting Kristiyano at siya ay aking kaibigan. Ako’y nalulugod sa dalawa kong mga anak. Sila’y mga nakamamanghang pagpapala para sa aking asawa at ako.

Nagpapasalamat ako para kay Dr. Christopher Cagan. Siya ang aking kapatid na hindi ako kailan man nagkaroon. Siya ang aking matalik na kaibigan at pinaka malapit na tagatulong. Nirerespeto namin ang isa’t isa ng higit na hindi namin kailan man tinatawag ang isa’t isa sa aming unang pangalan. Kahit na kami ay nag-iisa lagi ko siyang tinatawag na Dr. Cagan at lagi niya akong tinatawag na Dr. Hymers. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa pagbibigay sa akin ng ganitong kadunong at mapagpananampalatayang kaibigan. Naiintindihan namin ang isa’t-isa. Kumikiling kaming parehas na tahimik, at pareho kaming gumugugol ng maraming oras sa panalangin at pag-aaral ng Bibliya. Siya ay mas siyentipiko at matematikal sa kanyang pag-iisip. Ako ay mas mistikal at mapagwatas. Ngunit lubos kaming comportableng magtrabahong magkasama. Kami ay magkatambal tulad nina Holmes at Watson, o Johnson at Boswell (mayroong nagdagdag, “Tulad ni Laurel at Hardy o Abbott at Costello,” mga lumang panahong komediyante).

Ako’y isang manlilikha ng mga bagong bagay at siya ay isang tagapagtatag ng mga bagay. Ako’y mapanitikang kaisipan. Siya ay matematikong kaisipan. Itinuturing niya akong isang pinuno. Itinuturing niya akong isang henyo. Ang aming pagtatambal ay naging isang pagpapala sa aming pareho. Nagpapasalamat ako para kay Dr. Christopher Cagan.

Nagpapasalamta ako sa Diyos para kay John Samuel Cagan. Siya ay ang mas nakakatandang anak nina Dr. at Gng. Cagan. Si John ang kabataang laake na namuno ng paglilingkod na ito. Siya ay inordina bilang isang Bautistang mangangasiwa kahapon. Kaya ngayon siya ay Kagalang-galang John Samuel Cagan! Siya ay isang napaka galing na mangangaral at tagapayo. Itinuturing ko si John na ang aking “anak” sa pangangasiwa. Siya ay nasa kanyang pangalawang taon sa Paaralan ng Teyolohiya ng Talbot sa Unibersidad ng Biola. Siya napaka talion. Hindi nakapagtataka, dahil ang kanyang ama ay mayroong dalawang Ph.D. at ang kanyang inang si Judy ay isang medikal na doktor. Si John ay deretsong A na mag-aaral. Pinaplano niyang kunin ang kanyang Ph.D. sa teyolohiya. Sa edad na 24 si John ay nangaral sa mga ebanghelistikong mga pagpupulong sa Indiya, Dominican Republic, at tatlong mga bansa sa Aprika. Nangangaral siya sa aming simbahan bawat Linggo ng umaga. Gumugugol kami ng kada Huwebes ng hapon na magkasama, nagdidiskusyon ng teyolohiya at gawain sa pangangasiwa. Nagpapasalamta ako sa Diyos para kay John. Susundan niya ako bilang ang sunod na pastor ng aming simbahan. Siya ang aking kaibigan. Ito’y kasing simple.

Nagpapasalamat ako sa Diyos para kay Noah Song. Siya ang isa ko pang “batang mangangaral.” Si Noah ay nagtatapos ng kanyang kolehiyo at tapos ay magpupunta sa seminary. Siya at si John Cagan ang gumagawa ng isang mainam na koponan, at pamumunuhan nila ang aming simbahan sa hinaharap.

Nagpapasalamat ako para kay Noah, Aaron Yancy at Jack Ngann. Sila ang aming mga bagong naordinang mga diakono. Si Aaron ay ang aking pare. Binabantayan niya ako tulad ng kung paano bantayan ng inahin ang nag-iisang sisiw. Siya ang isa sa aking mga pinaka malapit na kaibigan. Si Jack Ngann ay kasal at mayroong dalawang anak na lalake. At narito ay isang bagay na maaring hindi mo nalalaman. Hindi pa ako tapos! Sa sunod na taon magtatanim ako ng isang bagong Tsinong simbahan sa tahanan ni Jack Ngann.

Si John Cagan, Noah Song, Aaron Yancy, Jack Ngann at Ben Griffith ay aking mga katambal sa pananalangin. Nagsasama kami tuwing Miyerkules ng gabi para sa panalangin sa silid aralan sa aking tahanan. Nagpapasalamat ako para sa mga kalalakihang ito. Tinulungan inla akong makalampas sa ilan sa mga mahihirap na mga panahon, lalo na habang ako’y ginagamot para sa aking kanser.

Nagpapasalamat ako sa Diyos para kay Dr. Chan, Gng. Salazar at ang “39.” Si Dr. Chan ang aming pangalawang pastor, na namamahala ng aming ebanghelismo at aming teleponong pagsunod na pangangasiwa. Si Gng. Salazar ay namamahala ng aming Espanyol na pangangasiwa. Ang “39” ay ang mga mapagpananampalataynag mga tao na nagligtas sa aming simbahan mula sa bangkarota sa loob ng matinding paghihiwala sa simbahan. Nagpapasalamat ako para sa bawat isa sa kanila. Nagpapasalamat ako sa Diyos para kay Gg. Abel Prudhomme. Siya ang taong nagpatigil sa paghihiwalay ng simbahan. At nagpapasalamat ako sa Diyos para kay Gg. Virgel at Beverly Nickell. Siya ang mag-asawang nagpautang ng karamihan sa pera upang bilhin ang gusali ng simbahan. Hindi sila kailan man nag-atubili sa kanilang suporta para sa amin. Sila ay mga pinangangaralang mga miyembro ng aming simbahan.

Ang aming simbahan ay gawa ng halos limampung pursyentong mga kabataan sa ilalim ng edad na tatlompu. Lagi kong kinaligayahang pastorin ang mga kabataan. Ang grupong mayroon kami ngayon ay ilan sa pinaka maiinam na kailan man ay aking nakilala. Mayroon kaming isang nakamamanghang grupo ng mga diakono. Mayroong mga walong inordinang mga diakono, at iniikot naming sila kada dalawang taon. Si Aaron Yancy ang ay ang permanenting Tagapangulo ng mga Diakono, kaya siya ang isang di kailan man iikot. Nagpapasalamat ako sa Diyos para sa mga kalalakihang ito.

Ang mga mas matatandang mga tao sa simbahan ay nagbibigay ng suporta sa lahat na ginagawa namin. Nagpupunta sila sa bawat pagpupulong. Nananalangin silang napaka husay, at kumakayod sila upang itayo ang aming simbahan. Wala akong takot sa pag-iiwan ng Linggong umagang paglilingkod sa kamay nina John Cagan at kanyang ama, habang magpunta ako sa Montebello upang magsimula ng isang bagong Tsinong simbahan. Nagtitiwala ako sa kanilang lubos. Babalik ako sa inang simbahan upang mangaral kada gabi ng Linggo.

Ang aking buong buhay ay umiikot sa mga tao sa aming simbahan. Sila ang aking mga “pamilya.” Nagbibigay ito sa akin ng matinding galak upang maging isang patriyarka ng ganitong nakamamanghang pinahabang pamilya. Sinabi ni Hesus,

“Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa” (Juan 13:35).

Hindi ako maka-iisip ng mas mainam na paraan upang tapusin ang mensaheng ito kaysa sabihin sa inyo ang isang totoong kwento. Noong nangangaral ako sa Simbahan ng Bukas na Pintuan sa Probinsya ng Marin, lagi akong nagdala ng isang grupo ng mga tao sa San Francisco kada Biyernes at Sabado ng gabi. Nangaral ako sa mga kalye habang sila’y namigay ng mga papel. Madalas kaming nagpunta sa Hilagang Dalampasigang sakop ng lungsod. Ito’y malungkot na lugar, kung saan ang mga tao ay nagdroga, kung saan mayroong maraming mga “estriptis” na mga lugar. Madalas akong nangaral sa mga bangketa sa harap ng lugar ng mga estriptis na tinawag na “Hardin ng Eden”!!!

Isang gabi ilang mga kabataan ay nagdala ng isang binata sa akin. Sinabi niya sa akin na mayroon siyang napak mahal na herowinang adiksyon. Sinabi niya sa akin na gusto niyang maalis mula rito. Habang kinausap ko siya nadama ko na siya ay taos-puso. Sa katapusan ng gabi sinabi ko sa kanya na sumakay sa aking kotse at dinala ko siya sa aking apartmen. Inilagay ko siya sa aking kusina, kinandado ko ang pinto sa aking silid, at natulog.

Sa loob ng maraming araw dumaan siya sa maraming teribleng kaganpaan ng pag-aalis habang nakaupo sa sahig ng aking kusina. Sa wakas, huminahon siya at nagtanong kung mayoong may gitara. Pinadala ko ang isa sa aming mga kabataan ng gitara. Umupo siya sa sahig na naggigitara ng ilang araw. Tapos humingi siya ng isang himnal. Dinalhan namin siya ng isa at nagsimula siyang mag-imbento ng bagong tono para sa isa sa mga himno. Nalimutan ko na ang tunay na pangalan ng bata. Lagi ko siyang tinawag na DA, pinaiksi para sa drogang adik!

Tapos isang araw sinabi ni DA sa akin, “Makinig ka rito.” Pinulot niya ang gitara, binuksan niya ang himnal, at kinanta ang himno ni Albert Midlane (18250-1909), “Buhayin Muli Ang Iyong Gawain” [“Revive Thy Work”] sa kanyang bagong tono. Lubos na maganda! Kinakanta namin ang himnong iyan sa tono ni DA hanggang sa araw na ito!

Buhayin muli ang Iyong gawain, O Panginoon!
   Ang Iyong makapangyarihang bisig ay gawing hubad;
Magsalita na may tinig na gumigising sa patay,
   At ginagawa ang Iyong mga taong making.
Buhayin! buhayin! At magbigay ng nakapananariwang mga dutsa;
   Ang luwalhati ay maging lahta na sa Iyong sarili;
Ang pagpapal ay maging sa amin.
(“Buhayin Ang Iyong Gawain.” Isinalin mula sa
   “Revive Thy Work” by Albert Midlane, 1825-1909).

Noong bumalik ako sa Los Angeles, nawalan ako ng kontak kay DA. Ang buhay ay nagpatuloy at sa wakas ang aming simbahan ay ngayon matatagpuan na sa gusali ngayong sinasakop. Ang telepono ay tumunog isang gabi. Umakyat ako sa aking opisina at nagsabing, “Helo.” Ang tinig sa telepono ay nagsabing, “Hi, Dr. Hymers, ito’y si DA.” Sinabi ko, “Sino?” Sinabi niya, si “DA. Naalala mo, si Drogang Adik – DA.” Halos nahulog ako. Hindi ko narinig ang kanyang tinig ng halos tatlompung taon! Sinabi ko, “Nasaan ka?” Sinabi niya, “Nasa Florida. Kasal ako. Mayroong akong ilang mga anak at isang mabuting asawa. At nagtuturo ako ng Linggong Pag-aaral sa aming simbahan.”

Tumawa ako sa galak! Kumanta ako hanggang sa bahay sa gabing iyon! Ito’y mga panahon tulad nito na gumagawa sa aking maligaya na ako’y nagpunta sa pangangasiwa ng 60 na taon noon. Ito’y nararapat ng pagdurusa at sakit sa kabila ng lahat! Nananagumpay ng mga kabataan tulad ni DA, ay gumawa sa aking galak na ganap!

Ang sakita at pagdurusa ay natunaw kapag iniisip ko ang lahat ng mga kabataan na naligtas. Sa aking anim na pung taong pangangasiwa ay nagbigay sa akin ng matitinding panahon ng kaligayahan. Hindi ko ipagpapalit ang pangangasiwa para sa kahit ano!

Gaya ng dati, dapat akong kumuha ng ilang mga minute upang ipaliwanag ang Ebanghelyo. Si Hesus ay bumaba mula sa Langit para sa isang pangunahing dahilan – dumating Siya upang mamatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa ating kasalanan. Bumangon Siyang pisikal, laman at buto, sa Linggo ng Muling Pagkabuhay. Ibinuhos Niya ang Kanyang mahal na Dugo upang linisan tayo mula sa lahat ng kasalanan. Sinabihan niya tayo na magtiwala sa Kanya, at tayo ay malilinis mula sa kasalanan.

Sinusubukan kong magana ang aking kaligtasan sa pamamagitan ng pagiging perpekto. Ako’y isang Fariseo. Ngunit noong ika-28 ng Setyembro taon 1961 sa Kolehiyo ng Biola, nagtiwala ako kay Hesus. Ang kantang ito ang nagdala sa akin kay Kristo:

Matagal ang aking nabilanggong espiritu ay nakalapag
   Matatag na nakagapos sa kasalanan at gabi ng kalikasan.
Ang iyong mata ay lumaganap ng nakagigising na sinag,
   Gumising ako, ang piitan umaapoy sa ilaw.
Ang aking mga kadena ay nahulog, ang aking puso ay malaya,
   Bumangon ako, humakbang, at sinundan Ka.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito
   Na Ikaw na, aking Diyos ay dapat mamtay para sa akin?
(“At Maari Ba ito?” Isinalin mula sa
   “And Can It Be?” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Si Hesus ay Diyos na nagkalmang tao. Namatay Siya para sa akin. Naisip ko Siya sa isang bagong paraan. Nagtiwala ako kay Kristo. Panalangin ko na magtiwala ka kay Hesus at maligtas. Tapos tiyakin na pumasok sa isang nananampalataya sa Bibliyang simbahan at buhayin ang iyong buhay para kay Hesu-Kristo.

At sa lahat sa inyo ay masasabi ko, “Wala nang dakilang kagalakan sa ganang akin na gaya nito, na marinig na ang aking mga anak ay nagsisilakad sa katotohanan” (III Ni Juan 4). Amen.

Ibibigay ko na ngayon ang programa pabalik kay Kagalang-galang na John Cagan, upang isara ang paglilingkod na ito. (Ihahayag ni John ang mga kaarawan ni Dr. at Gng. Hymers na may dalawang keyk, at “Maligayang Bati.”)


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kasulatan Binasa Bago ng Pangaral ni Gg. John Wesley Hymers: Mga Awit 27:1-14.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Dapat Ko Bang Dalhin Ang Krus Na Mag-Isa” Isinalin mula sa
“Must Jesus Bear the Cross Alone?” (ni Thomas Shepherd, 1665-1739; una at huling taludtod)/
“Ang Panginoon ay Dumating” Isinalin mula sa
“The Master Hath Come” (ni Sarah Doudney, 1841-1926; huling dalawang taludtod).