Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
SOSYAL MEDIYA, MGA PALARONG VIDEYO AT PORNOGRAPIYA AY SISIRA SA IYONG BUHAY!SOCIAL MEDIA, VIDEO GAMES AND PORNOGRAPHY Isang aral ni Dr. C. L. Cagan na ibinigay sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles Araw ng Panginoong Hapon, Ika-18 ng Marso taon 2018 “Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan” |
Ang Hebreong salitang isinalin na “walang kabubuluhan” sa ating teksto ay nangangahulugang “kasamaan, pagkasira, nakasisirang moral, walang silbi” (tignan ang pinagsalinan na mula sa Strong’s Concordance #7723). Ang Salmista ay nanalangin na pananatilihin ng Diyos ang Kanyang mata mula sa mga bagay na “kasamaan, pagkasira, nakasisirang moral, walang silbi.” Iyan ang tinitignan ng mga kabataan ng maraming oras araw-araw – mga bagay na masama, nakasisira, nakasisira ng moral, at walang silbi.
Ano iyan? Ang ginagawa mo sa kompyuter! Hindi ko sinabing huwag kailan man gagamit ng kompyuter o ng isang iPhone. Gamitin ito kapag kailangan mo para sa paaralan o trabaho. Hindi ko sinabing huwag kailan man magpunta sa Internet. Gawin mo iyan kapag kailangan mo. Ngunit ang tinutukoy ko ay patungkol sa pag-aaksaya ng maraming oras araw-araw. Ang tinutukoy ko ay patungkol sa Facebook at ibang mga sosyal na mediya. Ang tinutukoy ko ay mga palarong videyo. Ang tinutukoy ko ay patungkol sa pornograpiya. Ang mga bagay na iyon ay hindi mabuti para sa iyo. Hindi lamang sila hindi nakasasakit na kasiyahan. Masasaktan ka ng mga ito. Ang lahat ng mga ito ay walang silbi – isang aksaya ng panahon. Maaring ka masira ng mga ito. Sisirain nila ang iyong buhay.
Una, sisirain ng sosyal mediya ang iyong buhay. Ano ang sosyal mediya? Ito ang paraan na ang mga tao ay nakikipaghalobilo sa Internet. Nagpapadala sila ng mga mensahe sa isa’t isa. Naglalagay sila ng mga letrato at ipinadadala ang mga ito sa isa’t isa. Sinasabi nila sa kanilang mga elektronikong mga “kaibigan” kung anong ginagawa nila. Tinitignan nila kung anong ginagawa ng iba. Nagpapadala sila ng mga kumento sa isa’t isa. Gumugugol sila ng maraming oras rito.
Hindi ako nakakakita ng mabubuting mga bagay sa sosyal mediya. Hindi pa ako kailan man nakakikita ng kahit sinong nag-iimbita sa mga taong magpunta sa simbahan doon. Hindi pa ako nakakakita ng kahit sinong sumasaksi patungkol kay Kristo doon. Hindi pa ako kailan man nakakita ng berso ng Bibliya. Puno ito ng tsismisan at basura – pati mula sa mga taong nagpupunta sa simbahan!
Ang tinutukoy ko ay patungkol sa Facebook. Ang tinutukoy ko ay patungkol sa Instagram at Snapchat. Ang tinutukoy ko ay patungkol sa Twitter – nagpapadala ng mga tweet at binabasa ang tweet ng ibang mga tao! Ang tinutukoy ko ay tungkol sa paano ka nag-aaksaya ng iyong panahon.
Ang karaniwang tao ay gumugugol ng higit sa dalawang mga oras kada araw sa sosyal mediya. Hindi iyan lamang sa Estados Unidos, ito’y sa buong mundo! (Tignan ang The Statistics Portal, Adweek and Social Media Today. I-klik ang mga kawing upang basahin ang mga artikulo.) Dalawang oras kada araw ay ang karaniwan. Ilang mga tao ay nag-aaksaya ng lima o anim na oras kada araw. Ngunit pag-isipan natin ang dalawang oras kada araw. Sa iyong buong buhay, iyan ay higit sa limang mga taon!
Maari kang makakuha ng malayong mas mainam na grado sa pamamagitan ng pag-aaral dalawang oras kada araw imbes na pag-aaksaya ng oras sa sosyal mediya. Maari kang mas mainam sa trabaho na may dalawang oras pa sa isang araw. Maari kang makipag-usap sa mga tao at makipagkaibigan. Maari kang maging tao muli!
Mas malubha, ang sosyal na mediya ay nakaka-adik. Tinitignan mo ba ang iyong Facebook at ibang sosyal mediya agad-agad pagkagising mo – at sa loob ng isang araw – at bago ka matulog? Maari ka bang magpatuloy na wala ito? Ng isang lingo? Ng isang taon? Kung hindi mo kaya, ika’y na-adik na.
Ipinakita ng artikulo sa Fox News (12/29/2017, i-klik ito) na ang Facebook ay naka-aadik sa parehong paraan gaya ng kokaina at mga opioid. Sinabi ni Dr. Tara Emrani ng Unibersidad ng New York, “Ang mga ‘likes’ sa Facebook at mga kumento ay binubuhay ang parehong mga bahagi ng utak gaya ng mga opioid…ang pakiramdam/mga karanasan ng utak…ay parehas doon sa mga bunga ng kokaina.”
Si Sean Parker ay isa sa mga nakahanap ng Facebook. Siya ang pangulo ng Facebook. Sinabi ni Parker, “Literal na binabago nito ang iyong relasyon sa lipunan, sa isa’t isa… Maaring humahadlang ito sa pagiging produktibo [pagkakatapos ng trabaho] sa maraming di pangkaraniwang paraan…Diyos lamang ang naka-aalam kung anong ginagawa nito sa mga utak ng ating mga anak” (Isinalin mula sa Fox News, ibid.). Ang mga lumikha ng sosyal na mediya ay alam kung anong ginagawa nila at ginawa itong sadya! Sinabi ni Parker,
Ang proseso ng pag-iisip na nangyari sa pagbubuo ng mga aplikasyon na ito, Facebook bilang ang una sa kanila…ay patungkol sa: ‘Paano natin makakain ang kasing rami ng iyong oras at pagkamalay na atensyon na possible?’ At ibig sabihin niyan na kailangan natin na para bang bigyan ka ng kaunting tama ng dopamine [ang dopamine ay isang kemikal sa utak] bawat kaunting panahon, dahil may isang taong nagustuhan o nakumentuhan sa isang letrato o isang pagpoposte o anuman. At iya’y makukuha sa iyong magbigay ng mas higit pang laman, at makukuha nito ng… higit pang mga pagkagusto at mga kumento… Ito’y isang sosyal na pagpapatunay na katugunang silo … saktong tulad ng isang bagay na ang isang haker na tulad ko ay maka-iimbento dahil pinagsasamantalahan moa ng kahinaan ng psikolohiya ng tao … Ang mga imbentor, mga manlilikha …ay naka-intindi nitong nagkakamalay. At ginawa natin ito anu pa man. (Isinalin mula sa Artikulo sa Axios [Article in Axios] – i-klik ito upang basahin ito ).
Paano mo maalis ang sosyal mediya mula sa iyong buhay? Tulad rin ng pag-aalis ng kahit anong droga sa iyong buhay. Tigilan ito! Kung nadaramang bumalik, huwag mong gawin ito! Mas maiging hindi magkaroon ng isang kompyuter o isang iPhone kaysa mag-aksaya ng dalawang oras kada araw. Maaring kakaiba ang pakiramdam sa umpisa, ngunit ika’y magiging isang totoong tao muli imbes na isang birtuwal. Lumayo mula sa sosyal na mediya bago ka nito sirain!
Pangalawa, ang mga videyong palaro ay sisira sa iyong buhay. Mayroong libo-libong mga videyong palaro. Ang ilan sa mga ito ay tungkol sa palaro. Naglalaro ka ng futbol o basketbol. Kontrolado moa ng mga manlalaro. Kapag maglalaro ka araw-araw, mas gumagaling ka. Ang ilan mga palaro ay tungkol sa pantasia. Nagpupunta ka sa isang pantasiang mundo. Maari kang maging isang pantasiang karakter. Nakakikita ka ng mga halimaw. Mayroon kang di-pangkaraniwang kapangyarihan. Ang ilang mga tao ay mas gusto ang pantasiang mundo na mas higit kaysa tunay na mundo. Maraming mga videyong palaro ay patungkol sa digmaan o pagpapatay. Pumapatay ka ng daan-daang mga tao. Maari kang maging isang mamamatay tao. Si Nikolas Cruz, na pumatay ng 17 na mga tao sa kanyang hayskul sa Florida, ay naglaro ng bayolenteng videyong palaro ng buong araw. Ang kanyang kapit-bahay ay nagsabi, “Ito’y patay, patay, patay, magpasabog ka ng bagay at pumatay pa ng higit, buong araw” (Isinalin mula sa Miami Herald, Ika-18 ng Pebrero taon 2018).
Ang mga tao ay nag-aaksaya ng maraming panahon sa videyong palaro. Isang pag-aaral ang nagsabi ng ang karaniwan ay 6.3 na oras kada lingo (Isinalin mula sa Time, Ika-27 ng Mayo taon 2014, i-klik ito upang basahin). At iyan ang karaniwan. Isang pag-aaral ng NPD noong 2014 ang nagsabi na mayroong 34 milyong “ubod na mga manlalaro” sa Estados Unidos na gumugugol ng karaniwang 22 oras ng lingo [higit sa 3 oras kada araw] na naglalaro ng videyong mga palaro (i-klik ito upang basahin ang artikulo). Iyan ay apat na taon noon! Ngayon madalas akong nakatatagpo ng mga batang lalake at mga binate na gumugugol ng apat, lima, anim na mga oras kada araw naglalaro ng videyong palaro.
Anong aksaya ng panahon! Kada oras na iyong ginugugol na naglalaro ng videyong mga palaro ay isang oras na maaring nagamit sa pag-aaral, pagtratrabaho, o pagiging kasama ng ibang mga tao. Tanggalin ang videyong mga palaro! Ang iyong mga grado ay tataas. Magkakaroon ka ng mga tunay na mga kaibigan. Para sa ilan sa inyo, lilinawin nito ang iyong isipan at maiintindihan mo ang Ebanghelyo at maliligtas!
Ang mga videyong palaro ay nakaka-adik. Patuloy kang bumabalik – muli’t muli. Bawat beses gumagaling ka ng kaunti. Nagpapatuloy ka ng mas malayo pa. Mayroong mga gantimpala na nauuna sa iyo. Kaya hindi ka sumusuko. Hindi ka makahinto! Ika’y naadik na. Kaparehas nito ang droga.
Ang mga videyong mga palaro ay nakadesenyong maging nakaka-adik. Sinabi ng PsychGuides.com, “Isa sa mga pangunahing dahilan na ang mga videyong mga palaro ay maaring maging napaka ka-adik…ay ang mga ito ay nadesenyong maging ganoon. Ang mga tagapagdisenyo, tulad ng kahit sinong ibang sumusubok na kumite, ay lagging naghahanap ng mga paraan upang makuha ang mas maraming mga tao na laruin ang kanilang mga palaro. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng paggagawa ng isang larong nakasusubok na sapat upang mapatuloy kang bumalik para sa mas marami pa ngunit hindi gaanong kahirap na ang manlalaro ay sa wakas susuko. Sa ibang salita, ang tagumpay para sa isang manlalaro ay madalas pakiramdam ay hindi maabot. Sa ganitong pagtukoy, ang adiksyon sa videyong palaro ay napaka parehas sa isa pang mas laganap na kinikilalang sakit: adiksyon sa pagsugal” (isinalin mula sa artikulong ito, i-klik ito para mabasa).
Ang mga videyong palaro ay makasisira ng iyong buhay. Si Keith Bakker, ang director ng Simth & Jones Addiction Consultants ay nagsabi, “Mas higit pa namin itong tignan, mas higit na nakita naming na ang paglalaro ay sumasakop sa mga buhay ng mga bata.” Sinabi niya na ang pagka-adik sa mga videyong laro ay makasisira ng mga buhay. Ang mga batang naglalaro ng apat hanggang limang oras kada araw ay walang oras para makipag-usap, gawin ang kanilang takdang aralin, o paglalaro ng isport. “Nag-aalis iyan mula sa normal na sosyal na pag-unlad. Maari kang makakuha ng isang 21 na taong gulang na mayroong emosyonal na intelehensya ng isang 12 taong gulang. Hindi siya kailan man natututong makipag-usap sa mga babae. Hindi siya kailan man natutong maglaro ng isport.” (Isinalin mula sa WebMD, i-klik ito upang basahin ang artikulo).
Ang mga videyong mga palaro ay aksaya ng panahon. Binabaluktot nito ang iyong isipan. Lumayo mula sa mga ito bago sirain ng mga ito ang iyong buhay! Mas mainam na hindi magkaroon ng isang kompyuter o isang iPhone kaysa igugol ang iyong oras sa paglalaro ng videyong palaro. Tanggalin ang mga ito mula sa iyong buhay tulad lang na iyong isusuko ang herowin. Alam mo sanay ka sa mga ito. Ngunit basta huwag mo lang itong gawin. Maaring kakaiba ang iyong pakiramdam sa simula ngunit makukuha mo ang iyong buhay muli!
Pangatlo,ang pornograpiya ay sisira sa iyong buhay. Hindi pa ako nakatatagpo ng isang batang lalake sa hayskul o kolehiyo na hindi pa nakakita ng pornograpiya – sa isang hubad na babae o mga taong nagtatalik. Ito’y nasa lahat ng lugar. Hindi laging ganito noon. Ang porno ay natatago. Ito noon ay ilegal. Ngunit sa taon na ako’y naipanganak sinimulan ni Hugh Hefner ang Playboy na Magasin. Milyong-milyong mga tao ang tumingin sa mga larawan. Ang pornong rebolusyon ay lumaganap sa buong bansa. Mayroong mga maruruming mga magasin sa bawat sulok kung saan ang isang bata ay maka-uupo at makikita ang mga ito. Mayroong mga pornong teyatro sa bawat lungsod.
Ngayon tinitignan ng mga tao ang porno sa kanilang mga kompyuter – sa hindi mabilang ng mga milyon. Apat na milyong mga Amerikano ay regular na binibisita ang mga pornong websayt (tignan ang Webroot.com. I-klik ito upang basahin ang artikulo). Ang kompyuter na seguridad na kompanyang Optenet ay nagsabi na “higit sa 36% ng lahat ng laman sa Web ay pornograpiya.” (I-klik ito upang basahin ang artikulo). Ang porno ay nasa lahat ng dako.
Ito’y kasalanan na tumingin sa pornograpiya. Sinabi ni Kristo, “Ang bawa't tumingin sa isang babae na taglay ang masamang hangad ay nagkakasala, na ng pangangalunya sa kaniyang puso” (Mateo 5:28). O, alam ko hindi mo matitignan ang sahig ng buong araw! Hindi mo matiis na tignan ang mga kababaihan. Sila’y kalahati ng lahi ng tao. Hindi ko sinasabing ang isang lalake ay hindi kailan man magkakaroon ng sekswal na mga kaisipan sa kanyan ulo. Ang katawan ng isang binate ay mayroon ang pagnanais na iyan. Hindi mo matatakasan ang lahat ng mga sekswal na mga kaisipan na ito. Ngunit hindi mo kailangang tignan ang pornograpiya! Ang pagtitingin sa pornograpiya, pag-iisip patungkol sa iyong nakita, ay kalibugan ng iyong puso. Ito’y isang kasalanan!
Ginawa iyan ni Haring David. Isang gabi “lumakad sa bubungan ng bahay ng hari: at mula sa bubungan ay kaniyang nakita ang isang babae na naliligo; at ang babae ay totoong napakagandang masdan” (II Samuel 11:2). Ito’y isang aksidente. Tinignan niya siya at inisip niya siya. Tapos “at nagpasiyasat tungkol sa babae” (11:3). Pinatawag niya siya. Nakipagtalik siya sa kanya. Sinira nito ang kanyang buhay! Nagsimula ito sa kanyang pornograpikong karanasan sa gabing iyon.
Tanungin kita ng isang “panayusay na katanungan.” Iya’y isang katanungan na hindi mo kailangang sagutin. Naa-alala mo ba ang nakita mo? Naa-alala mo ba ito maraming taon may-maya? Siyempre naa-alala mo ito. Mas mabuting hindi ito makita sa simula palang. Kung nakita mo na ito, huwag mo itong tignan muli. Hindi mo iyan kailangan sa iyong ulo!
Ang pornograpiya ay aksaya ng oras. Maaring may ginagawa kang iba bagay. Ngunit mas malubha ito. Ang Porno ay nakaka-adik. “Ang mga pag-aaral na sumusuri ng resulta ng neyuro-imaydying ng mga taong tumingin sa pornograpiya sa internet ay naglantad ng lugar sa utak na nagawang aktibo ay parehas sa pananbik at mga reaksyon ng hudyat ng droga para sa alcohol, kokaina, at nikotin… Gayon, ang pagtitingin sa pornograpiya, lalo na kapag ito’y nagiging humalingin sa uri, ay umaaktibo sa parehong pinagbabatayang mga sistema ng utak gaya ng alcohol at ibang mga droga. Ang mga pag-aaral na ito ay nag-aalay ng matinding ebidensya na ang humahalingin at patuloy na paggamit ng pornograpiya ay potensyal na kasing makapangyarihan ng droga” (tignan ang thedoctorweighsin.com. I-klik ito upang basahin ang artikulo).
Ang porno ay tulad ng isang droga. Natatandaan mo ang nakita mo – muli’t muli. Iniisip mo ang tungkol rito. Inaakit ka nito tulad ng isang magnet. Bumabalik ka rito. Hindi mo ito maalis sa iyong isipan. Hindi mo ito mahinto. Bumabalik ka muli. Napupunta ka ng mas malalim pa. Babaluntin nito ang iyong isipan. Babaluktutin nito ang iyong mga emosyon. Hindi ka makapag-iisip ng tama. Hindi ka magkakaroon ng normal na pag-aasawa. Hindi mo iisipin ang iyong kasalanan at iyong pangangailangan para sa Dugo ni Kristo. Ang porno ay pipigil sa iyong maging ligtas.
Lumayo mula sa porno bago nito sirain ang iyong buhay! Mas maiging hindi magkaroon ng kompyuter o isang iPhone kaysa tumingin sa porno. Tanggalin ito tulad ng herowin o kokaina. Tigilan ito at huwag bumalik! Maging kakaiba ang iyong pakiramdam sa umpisa. Gugustuhin mong tignan ito. Humindi sa iyong sarili. Huwag mo lang gawin ito. Hindi ka naninigarilyo ng mariwana, hindi ba? Bakit hindi? Eh, hindi mo lang ito ginagawa, kahit na ginagawa ito ng iba. Hindi ka gumagamit ng kokaina di ba? Hindi mo lang ito ginagwa. Ito’y pareho sa porno. Huwag mo lang gawin ito, ano man ang iyong pakiramdam. Tigilan ito at huwag kailan bumalik.
Gumugol ng oras na iniisip ang iyong kaluluwa. Makinig ng maigi sa mga pangaral na iyong naririnig sa simbahan. Basahin ang mga manuskrito ng pangaral na binibigay namin sa iyo. Basahin ito sa ating websayt sa www.sermonsfortheworld.com. Panoorin ang mga videyo ng pangaral sa ating websayt. Pag-isipan ang iyong kasalanan, lalo na ang iyong makasalanang kalikasan. Manalangin sa Diyos na dalhin ka kay Kristo, para ang iyong mga kasalanan ay maguhasang malinis ng Kanyang dugo. Manalangin na magtitiwala ka kay Hesus sa lalong madaling panahon. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.