Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
INIWAN NILA SIYA AT NAGSITAKAS
THEY FORSOOK HIM AND FLED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56). |
Tinapos ni Hesus ang Kanyang oras ng pananalanging mag-isa sa Hardin ng Gethesmani. Ginising Niya ang mga natutulog na mga Disipolo. Sinabi Niya, “Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin” (Mateo 26:46). Tapos si Judas ay dumating at na pinangungunahan “ang lubhang maraming taong may mga tabak at mga panghampas, mula sa mga pangulong saserdote at sa matatanda sa bayan” (Mateo 26:47).
Ang lahat ng mga Disipolo ay maaring magkakamukha doon sa kadiliman ng Gethsemani. Sinabihan ni Judas ang mga kawal ng Templo, “Ang aking hagkan, ay yaon nga: hulihin ninyo siya” (Mateo 26:48). Hinalikan ni Judas si Hesus sa pisngi. “Nang magkagayon ay nagsilapit sila at kanilang sinunggaban si Jesus, at siya'y kanilang dinakip” (Mateo 26:50). “Si Simon Pedro nga na may tabak ay nagbunot nito, at sinugatan ang alipin ng dakilang saserdote, at tinagpas ang kaniyang kanang tainga. Ang pangalan ng aliping yaon ay Malco” (Juan 18:10). “Hinipo [ni Hesus] ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling” (Lucas 22:51). Tapos sinabi ni Hesus kay Pedro na itago ang kanyang batak. Sinabi ni Hesus sa kanya, “O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” [72,000 na mga anghel!] Kung gayo'y paano bagang mangatutupad ang mga kasulatan, na ganyan ang nauukol na mangyari?” (Mateo 26:53-54). Si Hesus gayon ay tumingin doon sa mga dumating upang arestuhin Siya at nagsabing, “Kayo baga'y nangagsilabas na waring laban sa isang tulisan, na may mga tabak at mga panghampas upang dakpin ako” (Mateo 26:55). Dinadala tayo nito sa ating teksto,
“Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
Ang mga kaganapang ito ay inilarawan ng mga propeta daan-dang mga taon na mas maaga. Sinabi ni Dr. R. C. H. Lenski, “Ang buong bagay na ito ay naganap para sa isang dahilan at para sa isa lamang: ‘upang ang mga Kasulatan ng mga propeta...ay dapat matupad.’ Narito ang mga tunay na mga puwersa na kumikilos na nagaganap sa gabing ito: isinasagawa ng Diyos ang kanyang propetikong mga plano, si Hesus gayon ay kusang inilalagay ang kanyang sarili sa mga kamay ng mga mandarakip… Ngayon ang berso 56 ay natupad. Habang si Hesus [ay] dinala papalayo, ang lahat ng mga disipolo ay nagsitakas” (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski, Ph.D., Ang Interpretasyon ng Ebanghelyo ni San Mateo [The Interpretation of St. Matthew’s Gospel], Augsburg Publishing House, 1964 edisiyon, pah. 1055; sulat sa Mateo 26:56).
“Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
Sa pangaral na ito, susuriin ko pang maigi ang bersong ito, upang makahukay ng ilang dahilan na ang mga Disipolo ay “iniwan siya […] at nagsitakas.” Ayon kay Dr. George Ricker Berry, ang Griyegong salitang isinalin na “iniwan” sa KJV ay nangangahulugang “inabandona” (Isinalin mula sa Isang Griyegong-Ingles Lehikon at Bagong Tipang mga Kasingkahulugan [A Greek-English Lexicon and New Testament Synonyms]). Narito ay maraming mga dahilan kung bakit iniwan ng mga Disipolo si Hesus, habang inibandona nila Siya at tinakasan.
I. Una, iniwan nila si Hesus at tumakas upang matupad ang mga kasulatan ng mga propeta.
Sinasabi ng ating teksto, “Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta…” Kasama nito ang propesiya ng mga Disipolo na iniiwan Siya at tumatakas. Sinasabi ng Zakarias 13:6-7,
“Ano ang mga sugat na ito sa pagitan ng iyong mga bisig? Kung magkagayo'y siya'y sasagot, Iyan ang mga naging sugat ko sa bahay ng aking mga kaibigan... saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat” (Zakarias 13:6-7).
Patungkol sa mga salitang iyon, “saktan moa ng pastor at ang mga tupa ay mangangalat,” sinabi ni Dr. Henry M. Morris,
Ang bersong ito ay isinipi sa Mateo 26:31 at Marcos 14:27 ni Kristo Mismo. Siya, ang Mabuting Pastor, ay ibibigay ang Kanyang buhay para sa tupa (Juan 10:11), ngunit sa pagkagulat ng mga nakapababago ng mundong mga kaganapan, Ang Kanyang mga tupa ay makakalat ng ilang sandal (Isinalin mula kay Henry M. Morris, Ph.D., Ang Tagapagtanggol ng Pag-aaral na Bibliya [The Defender’s Study Bible], World Publishing, 1995 edisiyon, p. 993; sulat sa Zakarias 13:7).
Ang Panginoong Hesu-Kristo Mismo ang nagsabi na ang Zakarias 13:7 ay nagpropesiya ng pag-iiwan ng mga Disipolo sa Kanya at pagtatakas. Sa Mateo 26:31 sinabi ni Kristo,
“Kayong lahat ay mangagdaramdam sa akin sa gabing ito: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa ng kawan” (Mateo 26:31).
Muli, sa Marcos 14:27,
“Sinabi sa kanila ni Jesus, Kayong lahat ay mangatitisod: sapagka't nasusulat, Sasaktan ko ang pastor, at mangangalat ang mga tupa” (Marcos 14:27).
Ang mga Disipolo na umiwan at nagsitakas mula sa Kanya ay isang katuparan ng propesiyang iyon sa Zakarias 13:7.
“Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
II. Pangalawa, iniwan nila si Hesus at tumakas dahil sila ay mga miyembro ng nahulog na lahi.
Ang lahi ng tao ay isang nahulog na lahi. Hindi dapat natin kalian man makalimutan iyan. Ika’y isang makasalanan – dahil ika’y bahagi ng isang makasalanang lahi – isang anak ni Adam. Sinasabi ng Bibliya,
“Sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao” (Mga Taga Roma 5:12).
Ito ang dahilan na ang lahat ng mga tao ay ipinanganak sa “mga patay dahil sa ating mga kasalanan” (Mga Taga Efeso 2:5). Iyana ng dahilan kung bakit ang mga tao ay “katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba” (Mga Taga Efeso 2:3). Iyan ang dahilan na ika’y isang makasalanan sa kalikasan. Huwag mong isisi ang lahat sa Diablo! Hindi tayo maaalipin ng Diablo kung hindi tayo mga makasalanan sa kalikasan. Ang lahat ng mga anak ni Adam ay mga makasalanan sa kalikasan. Ika’y isang makasalanan sa kalikasan. Oo, ikaw!
Ang mga Disipolo ay hindi mas mainam kay sa sa natira sa atin. Sila rin, ay “katutubong mga anak ng kagalitan.” Sila rin, ay “patay dahil sa ating mga kasalanan.” Sila rin, ay mga anak ni Adam. Gaya ng sinabi ng isang lumang aklat ng mga bata sa Bagong Inglatera,
“Sa Pagbagsak ni Adam
Tayong lahat ay nagkasala.”
Ang mga Disipolo ay mayroong mga karnal na mga kaisipan alin ay mga “pakikipagalit laban sa Dios” (Mga Taga Roma 8:7). Kung gayon tinanggihan nila ang Ebanghelyo sa bawat pagkakataon na nangaral si Kristo sa kanila. Sa parehong paraan na ika’y tumanggi sa Ebanghelyo! Sinabi ni Dr. J. Vernon McGee,
Inulit [ni Kristo] ng limang beses ang katunayan na Siya ay magpupunta sa Jerusalem upang mamatay (Mateo [16:21]; 17:12;17:22-23; 20:18-19; 20:28). Sa kabila nitong masidhing pagtuturo, ang mga disipolo ay nabigong makuha ang kahalagahan ng [Ebanghelyo] hanggang sa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay (Isinalin mula kay (J. Vernon McGee, Th.D., Sa Buong Bibliya [Thru the Bible], Thomas Nelson Publishers, 1983, kabuuan IV, pah. 93; sulat sa Mateo 16:21)
Bakit hindi “nakuha [ng mga Disipolo] ang kahulugan” ng Ebanghelyo? Ang sagot ay simple,
“Kung ang aming evangelio ay natatalukbungan pa, ay may talukbong sa mga [nawawala]”
(II Mga Taga Corinto 4:3) – [KJV].
Sa kanyang sulat sa Juan 20:22, sinabi ni Dr. McGee na ang mga Disipolo ay hindi naipanganak muli (nabuhay muli) hanggang sa nakatagpo nila si Kristo, at hinihangan Niya sila, at nagsabing “Tanggapin ninyo ang Banal na Espiritu” (Isinalin mula kay J. Vernon McGee, Th.D., ibid., pah. 498; sulat kay Juan 20:22). (I-klik ito upang basahin ang aking mga pangaral sa paksang ito – “Ang Takot ng Mga Dispolo,” “Ang Sabing Ito Ay Nalingid Sa Kanila,” “Ang Pagbabagong Loob ni Pedro,” “Si Pedro Sa Ilalim ng Paghahatol,” at “Ang Huwad na Pagsisisi ni Hudas.”
“Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56).
Kinailangan nilang pagdaanan ito upang makita na sila ay mga makasalanan. Tulad ng kinailangang makita ni John Cagan at Emi Zabalaga na sila’y nasirang mga makasalanan. Katulad lamang ng dapat kang magawang makita na isang nawawalang makasalanan!
Ang ilan ay maaring magsabi sa iyo na sumobra na ako masyado sa pagsasabi na ang mga Disipolo ay hindi napagbagong buhay at di napagbagong loob hanggang pagktapos ng muling pagkabuhay ni Kristo. Iniisip mo ba na ang mga Disipolo ay iba sa iyo? Alam ko hindi sila iba sa akin! Na wala ang Dugo ni Hesus hindi ako nakatayo sa harap ninyo ngayong gabi! Na wala ang Dugo ni Hesus ako pa din ay maging isang nawawalang makasalanan na magpupunta sa Impiyerno!
Hinanap ako ni Hesus noong ako’y dayuhan,
Gumagala mula sa kawan ng Diyos;
Siyang magliligtas sa akin mula sa panganib,
Namagitan ang Kanyang mahal na Dugo.
(“Halika, Iyong Bukal.” Isinalin mula sa
“Come, Thou Fount” ni Robert Robinson, 1735-1790).
Hinahangan ko ang aklat ni Iain H. Murray, Ang Lumang Ebanghelikalismo [The Old Evangelicalism] (The Banner of Truth Trust, 2005). Nagsasalita patungkol sa pagbabagong loob sa pangkalahatan sinabi ni Iain H. Murray, “Mayroong isang mahalagang pangangailangan ngayon para sa pagbabawi ng katotohanan tungkol sa pagbabagong loob. Isang malawakang kontrobersiya patungkol sa paksang ito ay isang malusog na hangin upang umihip ng isang libong mas kaunting mga bagay” (pah. 68). Magsulat sa akin patungkol rito. Gusto kong makadinig mula sa inyo, at personal kong sasagutin ang bawat tao! Ang aking email ay rlhymersjr@sbcglobal.net.
“Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56),
dahil hindi pa sila nalilinis mula sa kanilang kasalanan sa pamamagitan ng Dugo ni Hesus! Ikaw ba’y nalinis ng Dugo ni Hesus? Ikaw ng ba? Ikaw nga ba? Wala kang pag-asa maliban kung ika’y malinis ng Dugo ni Hesus!
III. Pangatlo, iniwan nila si Hesus at nagsitakas dahil hindi sila nagkaroon ng tunay kumbiksyon ng kasalnaan bago ng panahong ito.
Nagkaroon sila ng matinding lakas ng loob sa kanilang sariling kakayahan. Nakikita natin iyan na paulit-ulit bago bumangon si Kristo mula sa pagkamatay at nagpakita sa kanila at huminga sa kanila. Halimbawa, sinabihan ni Hesus si Pedro na ikakaila niya Siya sa gabing iyon. Kinailangan pa din nilang dumaan sa paglalantang gawain ng Banal na Espiritu – upang magawa silang madama nila ang kanilang kasalanan!
“Sinabi sa kaniya ni Pedro, Kahima't ako'y mamatay na kasama mo, ay hindi kita ikakaila. Gayon din ang sinabi ng lahat ng mga alagad” (Mateo 26:35).
Wala pa ni isa sa mga Disipolo ay napagbagong loob! At ni ikaw! Kailangan mong dumaan sa paglalantang gawain ng Banal na Espiritu – upang gawin kang madamang makasalanan! Sinabi ni Dr. Martyn Lloyd-Jones,
Walang tunay na ebanghelismo na walang doktrina ng kasalanan, at na walang pagkakaintindi kung ano ang kasalanan…ang ebanghelismo ay dapat magsimula sa kabanalan ng Diyos, ang pagkamakasalanan ng tao at ang walang hanggang mga bunga ng kasamaan at maling gawain. Isa lamang tao na nadala upang makita ang kanyang pagkakasala sa ganitong paraan na tumatakas kay Kristo para sa kaligtasan at pagtutubos [Kumento ni Dr. Hymers: Ako mismo ay naging lubos na naranasan ang kumbiksyon ng kasalanan sa pamamagitan ng paggaganap ng papel ni Hudas sa isang Muling Pagkabuhay na dula!] (Isinalin mula kay D. Martyn Lloyd-Jones, M.D., Mga Pag-aaral sa Pangaral sa Bundok [Studies in the Sermon on the Mount], InterVarsity, 1959, kabuuan 1, pah. 235; pagdidiin ay sa akin).
Ang mga Disipolo ay hindi napunta sa ilalim ng tunay na kumbiksyon ng kasalanan hanggang sa lahat sila ay “iniwan siya at nagsitakas.” Noong ang mga Disipolo ay nagsabi na mas maaga ng kaunti kanina, “nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios,”
“Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo? Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa...” (Juan 16:30-32).
Ang kumbiksyon at pagdurusa ni Pedro, pagkatapos niyang ikaila si Kristo, ay tiyak na nadama ng ibang mga Disipolo. “At [si Pedro ay] lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan” (Lucas 22:62). Nagkumento si Dr. W. G. T. Shedd, “Ang Banal na Espiritu ay hindi ordinaryong nagbubuhay muli ng isang tao hanggang siya ay isang nahatulan na tao” (Isinalin mula kay Shedd, Dogmatikong Teyolohiyo [Dogmatic Theology], kabuuan 2, pahina 514). At ang mga Disipolo ay hindi nahatulan ng kanilang kasalanan hanggang sa kanilang itinakuwil si Hesus. Tapos nalaman nila na desperado nilang kinailangang nagawang malinis gamit ng Kanyang Banal na Dugo! Ang ilan sa inyo ay iniisip na maari kang mapagbagong loob na hindi unang nahahatulan ng iyong kasalanan! Hindi ka kailan man mapagbabagong loob hanggang sa ika’y nahatulan ng iyong kasalanan! Si Pedro ay nagpunta at tumangis ng mapait. Karamihan sa mga tao ay tumangis tulad ni Pedro bago sila napagbagong loob. Ikaw ba’y lumuha ng mapapait na mga luha?
PAGGAMIT
Babalik na ako ngayon at gamitin ito doong sa inyo na mga hindi pa napagbagong loob. Nadama mo na ba na ika’y isang nasirang makasalanan, na ang iyong puso “ay mandaraya… at totoong masama”? (Jeremias 17:9). Nadama mo na bang, “Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan?” (Mga Taga Roma 7:24). Nawala mo na ba ang lahat ng lakas ng loob sa iyong sarili? Lumuha ka na ba at tumangis para sa iyong mga kasalanan? Walang pag-asa para sa iyo hanggang sa ika’y umiyak at lumuha para sa iyong kasalanan! Hanggang sa sabihin mong, “Diyos maawa ka sa akin na isang makasalanan!” Gaya ng sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ito’y ang isang [tao] lamang na nadala upang makita ang kanyang pagkakasala sa paraang ito, ang lumilipad kay Kristo para sa pagpapalaya at pagtutbuos” (isinalin mula sa ibid.).
Sa pangalan ni Hesus, sa isang kusa,
Magtaas ng isang sagradong himno,
At isipin anong nakapagpapagaling na sapa ang
Kanyang ibinuhos Mula sa bawat dumurugong biyas.
O, sinong makapagsasabi anong kapighatian ang
Kanyang kinarga Noong ang purong dugong iyon ay nabubo,
Anong matinding kirot ang pumunit sa Kanyang pinahirapang dibdib
Noong tinambakan ng iyong pagkakasala?
Ito’y hindi ang naka-iinsultong tinig ng paglilibak na
Napak lalim na pumiga sa Kanyang puso;
Ang nakatutusok na pako, ang matalim na tinik,
Ay hindi nagsanhi ng pinaka malungkot na kirot.
Ngunit bawat nakikipaglabang hinagpis ay pinagtaksilan ang
Isang mas mabigat na pighati sa loob,
Paanong sa Kanyang nabibigatang kaluluwa ay
Nailagay ang bigat ng lahat ng ating kasalanan.
(“Ang Panginoon Ay Nagpatong sa Kanya.” Isinalin mula sa
“The Lord Hath Laid on Him” ni William Hiley Bathurst, 1796-1877;
sa tono ng “Amazing Grace.”)
Dapat mong madama ang ating kasalanan ng napaka lakas na mapa-iiyak at luluha ka ng mga tunay na mga luha gaya nila sa Tsina sa muling pagkabuhay.
Sa isang sandal hihilingin kong magpunta ka at umupo sa unang dalawang hilera upang makipag-usap kasama naming tungkol sa pagiging ligtas. Marami sa inyo ang magpupunta, ngunit walang kahit anong mabuti ang magagawa nito sa marami sa inyo. Aalis kayo rito bilang isang nawawalang makasalanan. Bakit hindi ka nito matutulungan na magpunta rito? Dahil hindi mo nararamdaman na nawawala. Ikaw ay tulad ng mga Disipolo. Mayroon kang matinding lakas ng loob sa iyong sarili. Iniisip mon a maari kang mong buhayin ang iyong buhay bilang isang Kristiyano kung papano ka na ngayon. Ngunit mali ka. Agad-agad o maya-maya ang Diablo ay darating upang tuksuhin ka. At gagawin mong sakto ang ginawa ng mga Disipolo. Iiwan mo si Kristo. Aalis ka mula sa simbahang ito. Magpupunta ka sa isang buhay na kasalanan. Bakit alam ko iyan? Dahil nangangaral na ako ng 60 na taon. Nakakita na ako ng daan-daang mga taong tulad mo. Iyan ko papanong nalalaman na iiwanan mo si Kristo tulad ng ginawa ng mga Disipolo sa gabing iyon. Agad-agad o maya-maya gagawin mong sakto ang ginawa nila. Hindi mo iniisip na gagawin mo ito. Ngunit nagkakamali ka! Maging tapat sa iyong sarili. Naisipan mo nang iwanan ang simbahan. Maging tapat. Naisipan mo nang umalis, hindi ba? Hindi ba? Hindi ba? Alam mong nagawa mo na ito.
Dapat mong tignan ang iyong puso. Dapat mong madama ang iyong kasalanan. Dapat mong madama ang pagkakulang ng iyong pananampalataya kay Hesus. Dapat mong madama na ika’y nawawalang makasalanan! Dapat mong madama ang pagkakasala – pagkakasala ng hindi pagtitiwala kay Hesus. Iyan ang pinaka matinding kasalanan sa lahat – ang kasalanan ng hindi pagtitiwala kay Hesus. Sinabi ni Hesus, “Ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na” (Juan 3:18). Hindi mo kailangang mag-antay hanggang sa mapunta ka sa Impiyerno. Ika’y nahatulan na! Sinabi ni Dr. Lloyd-Jones, “Ito lamang ay [kapag ika’y nadala upang makita [at madama ang iyong] pagkakasala sa paraang ito [na ika’y magpupunta] kay Kristo para sa pagpapalaya at kaligtasan.” Nadarama mob a ang iyong kasalanan? Kung nadarama mo ang iyong kasalanan, at ginugulo ka nito, ikaw gayon ay magpupunta kay Hesus at magtitiwala sa Kanya, at maging ligtas sa Kanya, at mahugasang malinis sa pamamagitan ng Dugo na Kanyang ibinuhos upnag linisin ka mula sa iyong kasalanan. Walang ibang paraan upang tunay na maligtas. Panalangin ko na hindi kailan man magkakaroon ng isang Linggo na hindi ako mangangaral sa Dugo ni Hesus. Wala akong alam na ibang ebanghelyo maliban rito – magtiwala kay Hesus at ika’y malilinis. Ang Dugo ni Hesus na ibinuhos sa krus ng Kalbaryo ay ang iyong nag-iisang pag-asa! Gayon hindi mo binabanggit si Hesus o Kanyang Dugo! Bakit hindi? Dahil hindi mo nadarama ang iyong kasalanan – iyan ang dahilan! Iyan ang dahilan! Iyan ang dahilan! Sinusubukan mong matutunan ang mga tamang salita. O, anong hanggal mo! Sinabi ni Augustine, “Ang ating mga puso ay balisa hanggang sa makahanpa sila ng pahinga sa Iyo.” Mayroong isang bukal na puno ng Duga, nakuha mula sa mga ugat ng Tagapagligtas. Ang ang mga makasalanan, ay lumulubog sa ilalim ng baha, upang mawala ang lahat ng kanilang nagkakasalang mga mantsa. Magpunta kay Hesus ngayon. Maging nalinis mula sa bawat kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Dugo! Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Nag-iisa.” Isinalin mula sa “Alone” (ni Ben H. Price, 1914).
ANG BALANGKAS NG INIWAN NILA SIYA AT NAGSITAKAS THEY FORSOOK HIM AND FLED ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas” (Mateo 26:56). (Mateo 26:46, 47, 48, 50; Juan 18:10; Lucas 22:51; I. Una, iniwan nila si Hesus at tumakas upang matupad II. Pangalawa, iniwan nila si Hesus at tumakas dahil sila ay mga III. Pangatlo, iniwan nila si Hesus at nagsitakas dahil hindi sila |