Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
ANG PAGKAKANULO AT PAGKA-ARESTO NI KRISTOTHE BETRAYAL AND ARREST OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” (Mateo 26:53). |
Noong nanalangin si Hesus sa pangatlong pagkakataon sa Gethsemane, nagpunta Siya sa mga natutulog na mga Disipolo at nagsabing,
“Magsitindig kayo, hayo na tayo: narito, malapit na ang nagkakanulo sa akin” (Mateo 26:46).
Tapos, sa gitna ng kadiliman, isang malaking pulong ng halos 300 mga sundalo ang nagsilapit,
“…ng mga kawal, at mga punong kawal na mula sa mga pangulong saserdote at mga Fariseo, ay nagsiparoon na may mga ilawan at mga sulo at mga sandata” (Juan 18:3).
Dinala sila doon ni Hudas dahil
“nalalaman ang dako: sapagka't madalas na si Jesus ay nakikipagkatipon sa kaniyang mga alagad doon” (Juan 18:2).
Si Hudas ay dumating at hinalikan Siya, kung gayon itinuturo sa mga kawal kung sino si Hesus. Pinagkanulo niya si Kristo gamit ng isang halik.
Sinabi ni Hesus sa mga kawal, “Sinong hinahanap ninyo?” Sinabi nila, “Si Hesus ng Nazareth.” Sinabi ni Hesus, “Ako siya.” Sila’y umalog “at bumagsak sa lupa” noong sinabi Niya ito. Ipinakita niyan ang Kanyang kapangyarihan bilang Diyos ang Anak. Sinabi ni Hesus, “Sinabi ko sa inyo na ako nga: kung ako nga ang inyong hinahanap, ay pabayaan ninyo ang mga ito na magsiyaon sa kanilang lakad” (Juan 18:8).
Sa sandaling iyon si Pedro ay gumising, inilabas ang kanyang espada, at ikinumpay sa aksyon. Ikinukumpay ang kanyang espada sa kadiliman, naputol niya ang kanang tainga ng tagapaglingkod ng mataas na saserdote. “Hinipo [ni Hesus] ang tainga ng alipin, at ito'y pinagaling” (Lucas 22:51). Tapos nagsalita si Hesus kay Pedro.
“Isauli mo ang iyong tabak sa kaniyang lalagyan: sapagka't ang lahat ng nangagtatangan ng tabak ay sa tabak mangamamatay. O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” (Mateo 26:52-53).
Humahatak ako ng dalawang simpleng mga aral mula sa tekstong ito.
I. Una, si Kristo ay maaring tumawag ng libo-libong mga anghel upang iligtas Siya.
Isang Taga Romang lehiyon ay ginawa ng 6,000 na mga kawal. Sinabi ni Hesus kaya niyang tumawag sa Diyos Ama, at maari Siyang nagpadala ng labin dalawang lehiyon ng mga anghel sa sandaling iyon. Kung ginusto Niya upang maligtas mula sa mga kamay ng mga kawal na ito, maari Siyang tumawag ng Diyos, at 72,000 na mga anghel ay magsisidating. Itinuro ni Dr. John Gill, na “isang nag-iisang anghel ay pumatay sa isang gabi ng isang daan at walumpu, at limang libong mga kalalakihan, 2 Mga Hari 19:35. Kung gayon may kahit anong kagustuhan si Kristong mailigtas mula sa kasalukuyang panganib, tumayo siyang walang pangangailangn sa espada ni Pedro” (Isinalin mula kay Dr. John Gill, Isang Pagpapaliwanag ng Bagong Tipan [An Exposition of the New Testament], The Baptist Standard Bearer, 1989 inilimbag muli, kabuuan I, pah. 340).
Ang mga salita ni Kristo at mga kilos ay nagpapakita ng Siya ay nasa ganap na kapangyarihan sa buong sitwasyon. Noong sinabi Niyang, “Ako siya,” ang mga kawal ay bumagsak patalikod sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos. Noong pinutol ni Pedro ang tainga ni Malchus, ang alipin ng mataas na saserdote, mapagmahal na hinawakan ni Kristo ang sugat at pinagaling siya. At ngayon mahinahong sinasabi ni Kristo kay Pedro na maari Siyang iligtas ng Diyos sa pamamagitan ng kapangyarihan ng libo-libong mga makapangyarihang anghel kung manalangin siya para sa ganoong kaligtasan. Ngunit hindi Siya nanalangin upang mailigtas.
Ginapos nila ang mga kamay ni Hesus sa hardin kung saan Nanalangin siya,
Dinala nila Siya sa mga kalye sa kahihiyan.
Dumura sila sa Tagapagligtas, na
Napaka puro at malaya mula sa kasalanan,
Sinabi nila, “Ipako Siya sa Krus; Siya ang sisihin.”
Maaring tumawag Siya ng sampung libong mga anghel
Upang sirain ang sanglibutan at palayain Siya.
Maari Siyang tumawag ng sampung libong mga anghel,
Ngunit namatay Siyang mag-isa, para sa iyo at para sa akin.
(“Sampung Libong mga Anghel.” Isinalin mula sa
“Ten Thousand Angels” ni Ray Overholt, 1959).
II. Pangalawa, si Kristo ay nagpunta sa Krus na maluwag sa looban.
Hindi natin dapat kalian man isipin na si Kristo ay inaresto sa Hardin na biglaan. Alam Niya na padating matagal na bago pa Siya inaresto sa gabing iyon.
Maraming mga araw bago Niya dinala ang mga Disipolo sa Jerusalem, sinabi Niya sa kanila kung anong mangyayari. Itinala ni Lucas ang sinabi ni Hesus sa oras na iyon, maraming mga araw bago Siya inaresto,
“Narito, nagsisiahon tayo sa Jerusalem, at ang lahat ng mga bagay na isinulat ng mga propeta ay mangagaganap sa Anak ng tao. Sapagka't siya'y ibibigay sa mga Gentil, at siya'y aalimurahin, at duduwahaginin, at luluraan: At kanilang papaluin at papatayin siya: at sa ikatlong araw ay muling magbabangon siya” (Lucas 18:31-33).
Ipinapakita nito na alam Niya ang saktong nangyari sa Kanya noong napunta sila sa Jerusalem. Ngunit nagpunta Siya kahit na ganoon nga iyon. Nagpunta Siya sa Kanyang pagdurusa at pagpapako sa krus na sadya, malaya, at maluwag sa kalooban.
Dalawang beses sinabi ni Hesus na nagpunta Siya para sa oras na ito, at sa layuning ito. Sinabi Niya sa mga Disipolo,
“Ngayon ay nagugulumihanan ang aking kaluluwa; at ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako sa oras na ito. Nguni't dahil dito ay naparito ako sa oras na ito” (Juan 12:27).
Muli, noong tumayo Siya sa harap ng Romanong gobernador na si Pontiu Pilato, sinabi Niya, “Ako'y ipinanganak dahil dito, dahil dito ako naparito sa sanglibutan” (Juan 18:37).
Si Kristo ay nagpuntang maluwag ang kalooban kasama ng mga kawal sa Krus dahil alam Niya na Siya ay ipinanganak para sa dahilang iyon – upang mamatay sa Krus upang magbayad ng multa para sa kasalanan ng tao. Ang Kanyang pagka-aresto doon ay hindi aksidente o pagkakamali. Alam Niya na ito padating sa buong buhay Niya. “Dahil dito ay naparito ako sa oras na ito” (Juan 12:27). “Ako'y ipinanganak dahil dito” (Juan 18:37).
Si Kristo ay nagpuntang maluwag ang loob kasama ng mga kawal, upang harapin ang paghahampas at pagpapako sa krus, para sa pagsunod sa plano ng Diyos para sa Kanyang buhay. Si Kristo ay
“bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao: At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus” (Mga Taga Filipo 2:7-8).
“Bagama't siya'y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; At nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya” (Mga Taga Hebreo 5:8-9).
Noong inaresto Siya sa Hardin ng Gethsemani, nagpunta Siya kasama nila na tahimik at walang protesta, dahil sa pagsunod sa Diyos Kanyang Ama.
“Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay hindi nagbuka ng kaniyang bibig; gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig” (Isaias 53:7).
Sa Kanyang mahal na ulo naglagay sila ng isang korona ng mga tinik,
Tumawa sila at nagsabi, “Tignan ang Hari.”
Pinalo nila Siya at isinumpa Siya,
At kinutya ang Kanyang banal na pangalan.
Nag-iisa pinagdusahan Niya ang lahat ng bagay.
Maaring tumawag Siya ng sampung libong mga anghel
Upang sirain ang sanglibutan at palayain Siya.
Maari Siyang tumawag ng sampung libong mga anghel,
Ngunit namatay Siyang mag-isa, para sa iyo at para sa akin.
Pinagdaanan ni Kristo ang Kanyang lubos na pagdurusa sa Krus na maluwag ang kalooban, dahil sa pagsunod sa Diyos. “Gaya ng kordero na dinadala sa patayan” (Isaias 53:7).
Isipin kung anong mangyayari sa atin kung si Kristo ay hindi sumama kasama ng mga kawal “gaya ng kordero na dinala sa patayan” sa gabing iyon. Paano kung tinawag Niya iyong masaganang mga sangkawan ng mga anghel, at tumakas mula sa Krus? Ano kayang nangyari sa iyo at sa akin?
Una, hindi tayo magkakaroon ng isang bikaryong nagbabayad ng halaga para sa ating mga kasalanan sa Krus. Wala tayong magiging kapalit, walang mamamatay para sa ating lugar para sa kasalanan. Maaring iniwan tayo niyan sa isang tunay na teribleng kalagayan. Kakailanganin nating magbayad para sa ating sariling kasalanan sa madilim na mga bituka na Impiyerno para sa buong walang hanggan.
Pangalawa, kung si Kristo ay hindi sumama kasama noong mga kawal “gaya ng kordero na dinadala sa patayan,” wala tayong naging tagapaggitna sa pagitan ng isang Banal at Makatawiran. Kinalangan nating harapin ang Diyos sa Huling Paghahatol na walang mangingitna para sa atin sa Diyos,
“Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus” (I Ni Timoteo 2:5).
Kung si Kristo ay hindi nagpunta kasama ng mga kawal sa Krus noong inaresto nila Siya, wala tayong maging tagapaggitna. Tumutukoy ito sa isang taong na namamagitan sa pagitan ng dalawang partido upang ayusin ang isang gulo. Si Hesu-Kristo ang nag-iisang tagapagmagitan na nagbabalik ng kapayapaan sa pagitan ng Diyos at mga makasalanan. Ang Diyos Anak lamang ang makadadala sa Diyos Ama at makasalanang taong magkasama. Kung si Hesus ay hindi nagpunta kasama ng mga kawal sa Kanyang pagpapako sa krus, wala tayong kahit sinong magdadala sa atin sa mapayapang kaugnayan sa isang Banal na Diyos.
Pangatlo, kung hindi sumama si Kristo doon sa mga kawal “gaya ng kordero na dinadala sa patayan” hindi tayo makapapasok sa walang hanggang buhay. Ang pinaka kilalang berso sa Bibliya ay nagsasabing,
“Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3:16).
Si Kristo ay sumama sa mga kawal noong inaresto nila Siya, ang Juan 3:16 ay hind imaging totoo, kung wala kang pag-asa na anuman na makamit ang walang hanggang buhay.
Pang-apat, kung si Kristo ay hindi sumama doon sa mga kawal, “gaya ng kordero na dinadala sa patayan,” ang Dugong ibinuhos Niya sa Krus sa sunod na araw ay hindi magiging kakamit-kamit sa iyo – upang linisin ka mula sa iyong kasalanan. Kung di Niya sinunod ang Diyos, at tumakas mula sa Krus, wala kang naipako sa krus na Dugo upang malinis ang iyong mga kasalanan papalayo. Ngunit si Kristo ay nagpunta nga kasama nila sa gabing iyon, upang maipako sa krus para sa iyong mga kasalanan. At ngayon mapangahas na masasabi ni Pablong,
“Kay Cristo Jesus: Na siyang inilagay ng Dios na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa kaniyang dugo” (Mga Taga Roma 3:24-25).
Mayroong isang bukal na puno ng dugo
Na nakuha mula sa mga ugat ng Immanuel;
At ang mga makasalanan, ay lumulubog
Sa ilalim ng bahang iyan,
Nawawala ang lahat ng kanilang pagkakasalang mantsa.
(“Mayroong Isang Bukal.” Isinalin mula sa
“There Is a Fountain” ni William Cowper, 1731-1800).
Magpupunta ka ba at magtitiwala kay Kristo? Babayaran Niya ang multa para sa iyong mga kasalanan. Siya ay magiging iyong tagapamagitan, dinadala ka sa pabor ng Diyos. Magkakaroon ka ng walang hanggang buhay. Ang iyong mga kasalanan ay mapapawi mula sa talaan ng Diyos, nahugasang papalyao na walang hanggang sa pamamagitan ng mahal na Dugo ni Kristo.
Natutuwa ako na sinunod ni Hesus ang Diyos Ama at nagpunta kasama ng mga kawal sa gabing inaresto nila Siya sa Hardin. Kung hindi Siya nagpunta kasama nila sa Kanyang kahihiyan, sa Kanyang pagdurusa, at sa Krus, hindi ako maka-aalay ng kahit ano sa mga mahahalagang mga bagay na iyon sa iyo.
Sa umuungol na dumudumog na mga tao Siya’y sumuko, Hindi para sa awa Siyang umiyak.
Ang Krus ng kahihiyan kinuha Niyang mag-isa.
At noong umiyak Siya, “Naganap na,”
Ibinigay Niya ang Kanyang sarili upang mamatay;
Ang nakamamanghang plano ng Kaligtasan ay nagawa na.
Maaring tumawag Siya ng sampung libong mga anghel
Upang sirain ang sanglibutan at palayain Siya.
Maari Siyang tumawag ng sampung libong mga anghel,
Ngunit namatay Siyang mag-isa, para sa iyo at para sa akin.
At ngayon tinatanong kita, magtitiwala ka ba sa Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanglibutan? Nilabanan mo Siyang masyado nang matagal. Pinatigas mo ang iyong puso laban sa Tagapagligtas na maraming beses. Ngayong gabi, susuko ka ba sa Kanya?
O, huwag maging tulad noong mga malulupit na kawal na kumutya sa Kanya! Huwag maging tulad noong mga mapagmalaki at napatigas na mataas na saserdote na tumanggi sa Kanya, at iyong mga Fariseo na dumura sa Kanyang mukha at tumangging magtiwala sa Kanya! Nagmamakaawa ako na huwag nang maging tulad nila! Ika’y naging tulad nila na napakatagal ng panahong sapat, higit sa matagal nang sapat! Ibigay ang iyong puso kay Hesus sa simpleng pananampalataya. Magtitiwala ka ba kay Hesus, “ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan”? (Juan 1:29).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Sampung Libong mga Anghel.” Isinalin mula sa
“Ten Thousand Angels” (ni Ray Overholt, 1959).
ANG BALANGKAS NG ANG PAGKAKANULO AT PAGKA-ARESTO NI KRISTO THE BETRAYAL AND ARREST OF CHRIST ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “O inaakala mo baga na hindi ako makapamamanhik sa aking Ama, at padadalhan niya ako ngayon din ng mahigit sa labingdalawang pulutong na mga anghel?” (Mateo 26:53). (Mateo 26:46; Juan 18:3, 2, 8; Lucas 22:51) I. Una, si Kristo ay maaring tumawag ng libo-libong mga anghel II. Pangalawa, si Kristo ay nagpunta sa Krus na maluwag sa looban, |