Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




SA PAMAMAGITAN NG KANYANG DUGO
TAYO AY NALILINIS!

BY HIS BLOOD WE ARE CLEANSED!

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-28 ng Enero, taon 2018

“Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; isang taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya’y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

“Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan…at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:5).


Noong huling Linggo ng gabi nangaral ako ng isang pangaral patungkol sa pangangailangan ng Dugo ni Kristo (“Mayroon o Walang Dugo”). Mayroong dalawang punto sa pangaral. Una, anong mangyayari sa iyo na wala ang Dugo ni Kristo. Pangalawa, anong mangyayari sa iyo kung mayroon ka ng Dugo ni Kristo.

Binanggit ko lamang ang Impiyerno ng dalawang maikling talata sa simula ng unang punto. Tapos iginugol ko ang natirang ng punto isa sa kasalanan. Sinabi ko na walang Dugo ni Hesuss, “Walang kalayaan mula sa iyong kasalanan. Walang kaligtasan mula sa iyong kasalanan. Walang kalayaan mula sa iyong kasalanan. Walang kapatawaran mula sa iyong kasalanan.” Tapos nagpunta ako sap unto dalawa, “Anong mangyayari sa iyo kung mayroon ka ng Dugo ni Hesus.” Gumugol ako ng apat na buong mga pahinang prinoproklama ang nakamamanghang kapangyarihan ng Dugo ni Kristo “na makabubura ng iyong kasalanan,” “upang patawarin ang iyong kasalanan,” “upang iligtas ka mula sa iyong kasalanan,” “upang palayain ka mula sa iyong kasalanan,” “upang patawarin ang iyong kasalanan,” at “upang dalhin ka sa Langit.” Sinabi ko na iyong mga nasa Langit ay kakanta na sila’y “naligtas ng Dugo ni Kristo.” Sumipi ako mula sa himno ni Fanny Crosby, “Iniligtas sa pamamagitan ng Dugo ng Kordero.” Sinipi ko si Spurgeon na nagsasabing, “Ang isang walang dugong ebanghelyo…ay isang ebanghelyo ng mga diablo.” Isinipi ko ang himno ni Charles Wesley, na nagsasabing,

Ang kanyang dugo ay makagagawa sa pinaka maruming malinis,
Ang nakinabang ako sa kanyang dugo.
   (“O Para sa isang Libong mga Dila.” Isinalin mula sa
      “O For a Thousand Tongues” ni Charles Wesley, 1707-1788).

Pinakanta ko sa inyo ang himnong iyan. Tapos pinakanta ko sa inyo ang, “Mayroong kapangyarihan, kapangyarihan, nakamamanghang gumagawang kapangyarihan Sa mahal na dugo ng Kordero” (Isinalin mula kay Lewis E. Jones, 1865-1936). Sa katunayan pinaka kanta ko sa inyo ito ng tatlong beses! Tapos isinipi ko ang isang talata mula kay Octavius Winslow, isang dakilang mangangaral ng ika-19 ng siglo, na nagsabing, “Lumuhod sa harap ni Kristo at ipalinis ang iyong konsensya sa pamamagitan ng dugong iyon, na nagpapatawad, nagtatakip, at nagkakansela ng lahat ng iyong pagkakasala.” Tapos isinipi ko si Spurgeon na nagsasabi sa isang binata, “Magpunta kay Hesus Mismo. Huhugasan Niya ang iyong mga kasalanan papalayo sa Kanyang mahal na Dugo.” Tapos isinipi ko ang himnong “Bilang Ako Lamang” na nagsaabsi na ang Dugo ni Hesus ay “ibinuhos para sa akin.” Tapos itinapos ko ang pangaral sa pamamagitan ng pagsasabing,” Magtiwala kay Hesus, magpunta kay Hesus, maging nahugasan mula sa iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng mahal na Dugo ni Hesus.” Hindi ko alam kung paano ko kaya nagawang mas malinaw pa ito!

Noong Linggong umagang pangaral, nangaral si Gg. John Samuel Cagan patungkol sa “Ang Pagkahihigit sa Lahat ni Kristo.” Si Gg. Cagan ay natapos ang pangaral sa pagsisipi ng Mga Taga Colosas 1:14,

“Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan.”

Tapos sinabi ni Gg. Cagan, “Ang Kanyang Dugo ay magbabayad para sa iyong kasalanan. Itapon ang iyong sarili sa Kanyang awa. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Panalangin ko na ika’y magtitiwalaa kay Hesus ngayon.” Ibinigay ang pangaral ni Gg. Cagan pagkatapos kinanta ni Gg. Griffith ang “O Banal Na Ulo, Ngayon Nasugatan,” [O Sacred Head, Now Wounded”] na ipinupuri ang madugong alay ni Kristo para sa ating mga kasalanan. O, at ang aking pangaral noong gabi ng Linggo ay pinangunahan ni Gg. Griffith na kumakanta ng, “Mayroong isang Bukal” [“There is a Fountain”] ni William Cowper – na nagsasabing,

Mayroong isang bukal na puno ng dugo,
   Na kinuha mula sa mga ugat ni Emanuel;
At ang mga makasalanan, ay lumulubog sa ilalim ng bahang iyon,
   Nawawala ang lahat ng kanilang masamang mga mantsa.

Gayon ang lahat ng mga pangangaral na iyan at pagkakanta patungkol sa nakalilinis na Dugo ni Hesus ay walang naiwang bakas sa anumang paraan sa marami sa inyong mga nawawalang taong nakaring nito! Wala sa anumang paraan! Isang babae ang nagpunta upang makita ako pagkatapos ng panggabing pangaral. Sinabi ko, Lumuhod ka at magtiwala kay Hesus.” Tinignan niya ako na galit at sinabing, “Hindi!” Hindi ko halos mapaniwalan ito! Bakit siya nagpunta upang makita ako? Inisip niya ba na ang pagpupunta upang makita ako ay magliligtas sa kanya? Ako’y nagulat! Tapos isang binate ang nagpunta upang makita ako. Mayroon siyang mga luha sa kanyang mga mata, kaya akala ko maaring siya’y nasa ilalim ng kumbiksyon ng kasalanan. Ngunit, hindi. Takot lamang siya na magpunta sa Impiyerno, na hindi ko halos binanggit sa aking pangaral! Siya ay takot na magpunta sa Impierno! Iyon lang ang lahat! Wala siyang binanggit na kahit ano tungkol sa kanyang kasalanan. At wala siyang sinabing isang salita – wala ni isang salita – tungkol sa Dugo ni Hesus at ang kapangyarihan into upang malinisan ang kanyang kasalanan! Wala ni isang salita – kahit na narinig niya ang patungkol sa nakalilinis na kapangyarihan ng Dugo ni Hesus na buong araw – mula sa pangaral ni John Cagan noong umaga ng Linggo hanggang sa aking pangaral noong gabi ng Linggo. Kahit ang lahat noong mga himno sa Dugo ni Hesus upang makalinis ng kasalanan ay hindi binanggit. Ito’y para bang hindi siya nakarinig kahit isang salita patungkol sa nakalilinis na kapangyarihan ng Dugo ni Hesus ng buong araw – walang isang salita ang kanyang natandaan!

Bakit ang batang babaeng iyon ay dumating na mayroong galit na mukha, hindi nag-iisip ng isang minute patungkol sa pag-ibig ni Hesus at dumurugong sakripisiyo para sa kasalanan? Bakit ang binatang iyon ay dumatin dahil sa takot sa Impiyerno – na walang isang salita patungkol sa nakalilinis ng kasalanang Dugo ni Hesus? Ang sagot ay nasa ating unang teksto,

“Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao; at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya’y hinamak, at hindi natin hinalagahan siya” (Isaias 53:3).

Aking minamahal na mga kaibigan, kinakailangan ng isang himala ng biyaya upang magsanhi sa mga nawawalang mga makasalanan na tumigil sa paghahamak at pagtatakuwil kay Hesus. Kinakailangan ng gawain ng Banal na Espiritu upang gisingin ang isang nawawalang makasalanan upang tumigil sa pagkukubli ng kanilang mukha mula kay Hesus – at pahalagahan ang Kanyang dumurugong sakripisyo para sa paglilinis ng kasalanan.

Ang ating pangalawang tekstot ay nagsasabi sa iyo kung anong ginawa ni Hesus upang iligtas ka, kahit na hanggang ngayon ay hinahamak at itinatakuwil mo Siya at Kanyang nakaliligtas na Dugo. Kahit na itinakuwil mo Siya at Kanyang Dugo,

“Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa [iyong] pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa [iyong] kasamaan…at sa pamamagitan ng kaniyang [mga sugat gumagaling ka]” (Isaias 53:5).

Bago ako nangaral noong huling Linggong gabi nabasa ko ang mga testimonyo ng dalawang kababaihang dalaga na nagpunta sa simbahan ni Spurgeon. Sa una ito’y nasabi na,

Ang kanyang puso ay nanatiling matigas hanggang sa nadinig niya si Gg. Spurgeon na mangaral. Siya’y naging lubos na takot ng paghahatol ng kanyang kasalanan. Nagpatuloy siyang magpunta sa simbahan ngunit nanatili sa kawalan ng pag-asa ng maraming buwan. Tapos nadinig niya si Gg. Spurgeon na mangaral [at] siya’y nagtiwala kay Hesus at ang Kanyang nagbabayad na dugo, at nagpuri. Nagtiwala siya kay Hesus lamang, at naligtas.

Patungkol sa pangalawang dalaga ito’y nasabi na,

Nagpunta siya upang madinig si Gg. Spurgeon na mangaral dahil sa pagka-usisa. Umalis siya mula sa simbahan sa takot. Sinabi niya, “Sana hindi nalang ako nagpunta upang madinig siya. Disidido akong di kailan man muli magpupunta. Ngunit ako’y naging malumbay kung nanatili akong malayo. Ako’y malumbay kung ako’y nagpunta upang madinig siyang mangaral, at ako’y malumbay kung ako’y nanatiling malayo. Hindi ko nahanap si Kristo hanggang sa sumuko na ako sa paghahanap ng kapayapaan sa kahit anong iba pa kundi si Hesus. Sinubukan ko ang lahat ng iba pang bagay muna.Ngunit walang ibang nagbigay sa akin ng kapayapaan hanggang sa nahanap ko si Kristo ang Kanyang nakaliligtas-lahat na Dugo”=.”

Naligtas! Kantahin ang koro kasama ko!

Naligtas, naligtas, naligtas sa pamamagitan ng dugo ng Kordero;
Naligtas, naligtas, ang Kanyang anak at magpakailan man ako.
   (“Naligtas” Isinalin mula sa “Redeemed” ni Fanny J. Crosby, 1820-1915).

Kantahin ito muli!

Naligtas, naligtas, naligtas sa pamamagitan ng dugo ng Kordero;
Naligtas, naligtas, ang Kanyang anak at magpakailan man ako.

Ang Dugo ni Hesus na nagliligtas sa atin ay hindi ordinaryong Dugo. Sa Mga Gawa 20:28 malalaman natin kung gaano na dakila ang Dugo ni Hesus. Sinabi ni Pablo sa mga mataanda ng Mga Taga Efesong simbahan,

“Pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.”

Sa tingin mo na ang Haring Santiagong Bibliya ay mali ang pagsasalin? Gayon pakinggan ang Bagong Internasyonal na pagsaalin,

“Maging mga pastol ng simbahan ng Diyos, na kanyang binili sa kanyang sariling dugo.”

Marahil ika’y hindi kumbinsido. Kaya ibibigay ko ang Bagong Amerikanong Batayang [New American Standard] na pagsasalin,

“Ang Pastol ng simbahan ng Diyos na Kanyang binili sa sarili Niyang dugo.”

Malinaw na nakikita natin na ang Dugo ni Hesus, na makalilinis sa iyo mula sa kasalanan, ay di karaniwang Dugo. Tayo ay naligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan ng “Dugo ng Diyos.” Si Hesu-Kristo ay ang Pangalawang Tao ng Trinidad – Diyos ang Anak. Diyos na naglamang tao. Diyos sa pagkatao. Kaya ito’y ganap na tamang tawagin ang Kanyang Dugong “Ang Dugo ng Diyos.” Iyan ang sinabi ng dakilang Spurgeon, “Walang mga kasalanan na hindi mahuhugasang maalis ng dugo ni Kristo.” Sinabi ito ni Charles Wesley na mahusay,

Sinisira Niya ang kapangyarihan ng nakanselang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilanggo;
Ang kanyang dugo ay magagawa ang pinaka maduming malinis,
   Nakinabang ako sa Kanyang dugo.
(“O Para sa isang Libong mga Dila upang Kumanta.” Isinalin mula sa
“O For a Thousand Tongues to Sing” by Charles Wesley, 1707-1788;
      Sa tono ng “O Set Ye Open Unto Me”).

Kantahin ito!

Sinisira Niya ang kapangyarihan ng nakanselang kasalanan,
   Pinalalaya niya ang bilanggo;
Ang kanyang dugo ay magagawa ang pinaka maduming malinis,
   Nakinabang ako sa Kanyang dugo.

Iniisip mo ba na wala kang kasalanan? Nagdududa ako na ika’y kasing linis ni Charles Wesley bago siya naligtas. Nag-ayuno siya ng maraming hapunan bawat linggo. Ginagawa mob a ito? Nanalangin siya ng maraming oras. Ginagawa mob a ito? Nagpunta pa nga siya bilang misyonaryo sa mga Amerikanong Indiyan. Gagawin mob a ito? Hindi niya aaminin na siya’y isang maksalanan sa kanyang puso. Siya’y tulad ng babae sa simbahan ni Spurgeon na nagsabing,

Sinubukan ko ang lahat muna. Hindi ko nahanpa si Kristo hanggang sa sumuko akong naghahanap ng kapayapaan sa kahit anong ibang bagay maliban si Hesus. Sinubukan ko ang lahat ng iba muna. Ngunit walang iba ang nagbigay sa akin ng kapayapaan hanggang sa [nagtiwala ako kay Hesus] at Kanyang nakaliligtas-ng lahat na Dugo.

Ginawa mo na ba iyan? Nasubukan mo na ang lahat ng iba pa. Ngunit hindi ka binigyan nito ng kapayapaan – hindi ba? Hindi ba? Siyempre hindi! At hindi mo kailan man mahahanap ang kapayapaan. Hindi kailan man magkakaroon ng kapayapaan! Hindi kailan man magkaroon ng kapayapaan! Hindi ka kailan man magkakaroon ng kapayapaan hanggang sa ihinto mo ang lahat ng ibang bagay at aminin kay Hesus na kailangan mo ang Kanyang nakaliligtas-ng lahat na Dugo!

Patungkol sa isa pang babae nasabi na,

Patuloy siyang nagpunta sa simbahan ngunit nanatili sa pagkawalang pag-asa ng maraming buwan. Tapos nadinig niya si Gg. Spurgeon na mangaral [at sa wakas] nagtiwala kay Hesus at ang Kanyang nagbabayad ng Dugo, at nagpuri. Nagtiwala siya kay Hesus lamang, at naligtas.

Hindi ko nahanap si Kristo hanggang sa isinuko ko ang paghahanap ng kapayapaan sa ibang mga bagay kundi kay Hesus. Sinubukan ko ang lahat ng ibang mga bagay muna. Ngunit walang iba ang nagbigay sa akin ng kapayapaan hanggang sa nahanap ko si Kristo at Kanyang nakaliligtas ng lahat na Dugo.

Sinasabi ng Bibliya,

“Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan.”

Tapos sinabi ni John Samuel Cagan, “Ang Kanyang Dugo ay magbabayad para sa iyong kasalanan. Itapon ang iyong sarili sa Kanyang awa. Siya lamang ang makaliligtas sa iyo mula sa iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang Dugo. Panalangin ko na magtitiwala ka kay Hesus ngayon.”

“Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao... at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao. Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, siya’y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan…at sa pamamagitan ng kaniyang mga [lsugat] ay nagsigaling tayo” (Isaias 53:3, 5).

“Maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran” (Mga Taga Hebreo 9:22). Ngunit Salamat sa Diyos “nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7). O, ngayong gabi, naway ang mga salita ni Charlotte Elliot (1789-1871) ay maging sa mga salita mo. Sinabi niya,

Bilang ako lamang, na walang pagmamaka-awa
   Kundi na ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin;
At na ako’y Iyong tinatawag na magpunta sa Iyo,
   O Kordero ng Diyos, Magpupunta ako! Magpupunta ako!

Sa edad na labin limang taong gulang, sinabi ni John Samuel Cagan,

Hindi ako makahanap ng kahit anong anyo ng kapayapaan…hindi ako makapigil sa kakadamang napahirapan…ako’y pagod-na-pagod sa pakikipaglaban, ako’y pagod-na-pagod sa lahat ng bagay na ako…sinusubukan kong maging ligtas. Sinusubukan kong magtiwala kay Kristo at hindi ko magawa ito. Hindi ko lang magawang matitulak ang aking saraili patungo kay Kristo. Hindi ako makapagpasiyang maging isang Kristiyano, at nagawa ako nitong lubos na walang pag-asa…ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa akin. Si Hesus ay nagpunta upang maipako sa krus para sa akin…Ang pag-iisip na ito ay bumiyak sa akin. Kinailangan kong isuko ang lahat…kinailangan kong magkaroon si Hesus. Sa sandaling iyon sumuko ako sa Kanya at nagpunta sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya…gamit ng aking buong puso, na may isang simpleng pamamahinga kay Kristo iniligtas Niya ako! Hinugasan Niya ang aking kasalanan papalayo sa Kanyang Dugo!...Hindi ko kinailangan ng isang pakiramdam. Mayroon ako si Kristo! Gayon sa pagtitiwala kay Kristo nadama ko na para bang ang aking kasalanan ay naalis mula sa aking kaluluwa, Tumalikod ako mula sa aking kasalanan, at tumingin kay Hesus lamang! Iniligtas ako ni Hesus...ang aking pananampalataya ay nakasalalay kay Hesus, dahil binago Niya ako…binigyan Niya ako ng buhay at kapayapaan…Si Kristo ay nagpunta sa akin, at dahil rito hindi ko Siya iiwan… Hinugasan Niya ang aking kasalanan papalayo sa Kanyang Dugo.

Bilang ako lamang, na walang pagmamaka-awa
   Kundi na ang Iyong dugo ay ibinuhos para sa akin;
At na ako’y Iyong tinatawag na magpunta sa Iyo,
   O Kordero ng Diyos, Magpupunta ako! Magpupunta ako!

Bilang ako lamang, at hindi naghihintay
   Upang maalisan ang aking kaluluwa
Ng isang maitim na mantsa,
   Sa Iyo na ang Dugo ay makalilinis ng bawat mansta,
O Kordero ng Diyos, Magpupunta ako! Magpupunta ako!

Bilang ako lamang, Tatanggapin mo ba,
   Tatanggapin, patatawarin, lilinisin, pagiginhawain,
Dahil ang Iyong pangako naniniwala ako,
   Magpupunta ako! Magpupunta ako!

Sa Iyo na ang Dugo ay makalilinis ng bawat mantsa,
   O Kordero ng Diyos, magpupunta ako! Magpupunta ako!

Magpupunta ka ba kay Hesus at mahuhugasan mula sa lahat ng iyong kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang mahal na Dugo? Kung magpupunta ka kay Hesus naghihinatay kaming manalangin para sa iyo. Habang ang iba ay magpunta sa itaas upang maghapunan, mapunta rito at umupo sa unang dalawang mga hilera. Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Iniligtas sa pamamagitan ng Dugo ng Isang Naipako sa Krus.”
Isinalin mula sa “Saved by the Blood of the Crucified One” (ni S. J. Henderson, 1902).