Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
PAGKAKITA O PANINIWALA?SEEING OR BELIEVING? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles “Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian: Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa” (I Ni Pedro 1:8, 9). |
Si Pedro ay nagsalita sa mga tao na di kailan man nakita si Hesus. Hindi nila Siya kailan man nakita noong Siya’y nasa lupa. Gayon sila’y naligtas Niya. Marami sa iba ay nakita si Hesus noong Siya ay nasa lupa. Gayon hindi sila naligtas. Masasabi nating tiyak ang sinabi ng dakilang si Spurgeon – “Ang Pagkakakita ay hindi Paniniwala, ngunit ang Paniniwala ay Pagkakakita.” Iyan ang pamagat ng pangaral ni Spugeon. Ito’y ayon sa ating teksto. Gagawing kong simple ang pangaral ni Spurgeon para sa iyo.
I. Una, ang pagkakakita ay hindi paniniwala.
Hindi mo kailangang malaman ang higit sa Bibliya upang malaman iyan. Sa buong apat na mga Ebanghelyo ay mga kalalakihan na nakita si Hesus. Nakita nila Siya, ngunit hindi naniwala sa Kanya. Si Hudas Iscariote ay isa sa mga Disipolo ni Hesus. Ngunit hindi naniwal asi Hudas kay Hesus. Sinundan ni Hudas si Hesus ng tatlong taon. Nanirahan siya kasama ni Hesus. Kumain siya kasama ni Hesus. Nagpalayas siya ng mga demonyo sa pangalan ni Hesus. Nangaral siya patungkol kay Hesus. Kilala niya si Hesus ng matalik at malapit. Tinawag pa nga siya ni Hesus na Kanyang kaibigan. Ngunit hindi naniwala si Hudas kay Hesus. Iyan ang dahilan na itinakwil niya si Hesus para sa tatlom pung piraso ng pilak. Iyan ang dahilan na siya’y nagpunta at ibinitin ang kanyang sarili, at nagpunta sa Impiyerno. Ang ibang mga Disipolo ay hindi mas mabuti. Sila rin ay hindi naniwala kay Hesus. Sinabihan Niya sila na Siya’y magpupunta sa Jerusalem upang magdusa at mamatay. “At wala silang napagunawa sa mga bagay na ito… at hindi nila napagtalastas ang sinabi” (Lucas 18:34). Hindi sila naniwala kay Hesus hanggang sa huminga Siya sa kanila (Juan 20:22). Ang Dispolong si Tomas ay hindi pa nga naniwala kay Hesus pagkatapos niyan! Nanirahan sila kasama ni Hesus ng tatlong taon. Ngunit hindi sila naniwala sa Kanya. Nakita Siya ni Haring Herodes, ngunit hindi naniwala sa Kaniya. Nakita Siya ni Pilato ngunit hindi naniwala sa Kaniya.
Nakita Siya ng mga Fariseong gumawa ng mga himala, ngunit hindi naniwala sa Kaniya. Ang mga Saduseyo at ang mga Herodiyano ay nakausap Siya, ngunit hindi naniwala sa Kanya. Ang matinding dami ng tao ay napakain Niya, at nakita Siyang gumawa ng mga himala. Ngunit karamihan sa kanila ay hindi naniwala sa Kanya. Halos wala sa mga nakakita kay Hesus habang Siya ay nasa lupa ay naniwala sa Kanya! Halos wala! Iyan ay nakagugulat na katunayan! Nakamamangha ng lubos na ang Apostol Juan ay nagsulat patungkol rito. Sinabi ni Juan, “Siya’y naparito sa sariling kaniya, at siya’y hindi tinanggap ng mga sariling kaniya” (Juan 1:11). Kaunti lamang na mga tao na nakakita kay Hesus sa lupa ay naniwala sa Kaniya.
Mula sa kantunayang ito alam natin na “ang pagkakakita ay hindi paniniwala.” Gayon ang ilan sa inyo rito ngayong gabi ay iniisip na paniniwalaan mo Siya kung makikita mo Siya. Hindi mo ito aaminn, ngunit ito’y totoo. Iyan ang dahilan na gusto mong “makadama” ng isang bagay upang patunayan na si Hesus ay totoo. Naghahanap ka ng isang “pakiramdam” o naghahanap ka ng isang berso sa Bibliya na mayroong pangako rito. Naiintindihan mo ang isang pakiramdam. Maari mong makita ang isang pangako sa Bibliya. Ngunit hindi mo maaring makita si Hesus. Iyan ang palusot mo para sa hindi paniniwala sa Kanya. Iyan ang iyong palusot para sa hindi pagtitiwala sa Kanya. Iyan ang iyong palusot para sa hindi paniniwala sa Kanya. Iyan ang iyong palusot para sa di pagkakaligtas. Ngunit sinasabi ko sa iyo, “ang pagkakakita ay hindi paniniwala.” Ang pagkakaramdam ng isang himala ay hindi paniniwal. Ang lahat ng mga di nananampalataya nabanggit ko ay alam ang mga berso sa Bibliya. Ang lahat sila’y nakita Siya. Halos lahat sa kanila ay nakita Siyang gumawa ng mga himala. Gayon hindi sila naniwala sa Kanya. At karamihan sa kanila ay namatay at nagpunta sa Impiyerno dahil hindi sila kailan man naniwala sa Kanya, kahit na nakita nila Siya ng maraming beses!
Ang propetang si Isaias ay tinukoy si Hesus. Sinabi ni Isaias, “Siya’y hinamak at itinakuwil ng mga tao” (Isaias 53:3). Sinabi ng Barnes’ Notes,
Siya ay hinamak…Ang Tagapagligtas ay ang bagay ng pagkahamak at paglibak ng mga Fariseo, ng mga Saduseyo, at ng mga Taga Roma. Sa kanyang buhay sa lupa ito’y ganito, sa kanyang pagkamatay ito’y ganoon pa din; at mula noon, ang kanyang pangalan at pagkatao ay lubos na bagay ng pagkahamak.
Itinakuwil ng mga tao…ang pariralang ito ay puno ng kahulugan, at sa tatlong mga salita ay binabanggit ang buong kasaysayan ng tao patungkol sa kanyang pagtrato sa Tagapagligtas. Ang pangalang “Itinakuwil ng mga tao” ay naghahayag ng lahat ng kalungkutan at mapanglaw na kasaysayan; itinakuwil ng mga Hudyo; ng mga mayayaman, ang mga dakila at ang mga may nalalaman; ng masa ng mga tao ng bawat grado, at edad, at rango.
Sinasabi ng Pulpitong Kumentaryo,
Siya’y hinamak. Ang pagkahamak ng Tao ay ipinakita bahagya sa kung gaano kaunti ng atensyon na kanilang ibinigay sa kanyang pagtuturo, bahagya ay mula sa kanilang pagtratrato sa kanya sa gabi at araw bago ng kanyang pagpapako sa krus. Itinakuwil ng mga tao, sa halip tinalikdan ng mga tao…Ang Ating Panginoon ay sa walang pagkakaton higit sa “maliit na kawan.” Kahit ang ilan sa kanila, “marami ay bumalik at hindi na lumakad kasama niya.” Ang ilan ay babalik lamang sa kanya sa gabi. Ang lahat ng mga “pinuno” at dakilang mga kalalakihan ay malayo mula sa kanya. Sa katapusan kahit ang kanyang mga apostol “ay tumalikod mula sa kanya at umalis.”
Halos lahat noong mga nakakita sa kay Hesus noong Siya ay nasa lupa ay hinamak Siya at itinakuwil Siya. Ikaw kaya ay iba mula sa kanila? Kung hindi ka napagbagong loob, ika’y saktong tulad nila! Hinamak mo Siya at itinakuwil Siya. Itinatago mo ang iyong mukha sa Kanya. Ika’y saktong tulada noong mga tumakuwil kay Hesus noong nakita nila Siya sa lupa! Nakita nila Siya. Nadinig nila ang Kanyang tinig. Gayon man hindi nila Siya pinaniwalaan. Ang pagkakakita ay hindi paniiwala!
II. Pangalawa, ang paniniwala ay pagkakakita!
“Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangangalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian: Na inyong tintanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa” (I Ni Pedro 1:8, 9).
Ang mga taong kinausap ni Pedro sa ating teksto ay di kailan man nakita si Hesus sa lupa. Gayon pinagkatiwalaan nila Siya at naligtas sa pamamagitan Niya! Bakit sila naniwala kay Hesus kahit na di nila kailan man nakita Siya, di kailan man nadinig ang Kanyang tinig, at di kailan man nahawakan Siya? Si Calvin, ang dakilang Tagareporma ay ibinigay ang sagot. Sinabi ni Calvin, “Walang tao ay kailan man ay makagagawa nito sa…kanyang sariling pagkakaintindi hanggang sa tuwirin [siya] ng Panginoon at gawin siyang bago sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu.”
Ang parehong Banal na Espiritu ay makabiigay sa iyo ng pananampalataya kay Hesus ngayon. Ngayon – kahit na hindi mo nakikita si Hesus sa iyong mga mata. Ang parehong Banal na Espiritu ay makadadala sa iyo sa pagkakadiit kay Hesus ngayon – kahit na hindi mo madama ang hawak ng Kanyang laman.
Ang unang punto ng pagkakadiit ay kay Hesus sa pagmamahal. Sinasabi ng ating teksto, “Na Siyang hindi mo nakikita, iyong iniibig.” “Kahit na hindi mo Siya nakita, iniibig mo Siya.” Ang pag-ibig ni Hesus ay dumarating sa atin sa maraming paraan. Noong nagsimula akong magpunta sa simbahan, pinagtawanan ako ng aking mga kamag-anak. At kinutya rin nila si Hesus. Sinabi nila, “Paano ka maniniwala sa Kanya? Anong ginawa Niya para sa iyo?” Ngunit mas higit na tumawa sila kay Hesus, mas higit na inibig ko Siya. Mayroon masasamang mga bata doon sa aking simbahan rin. Gumawa sila ng mga maruruming mga biro patungkol sa Kanyang ina na hindi raw birhen. Sinabi nila na Siya’y isang bastardo. Tinawanan nila Siya. Ngunit mas higit na tinawanan nila si Hesus, mas higit na inibig ko Siya.
Kapag naiisip ko si Hesus tuwing panhaon ng Muling Pagkabuhay inibig ko Siya ng mas higit. Inibig ko Siya para sa pagdurusa sa Krus. Kinamuhian ko ang pagkaka-isip ng mga pakong itinutusok sa Kanyang mga kamay at paa. Hindi ko alam kung bakit nila ginawa iyan sa Kanya. Ngunit nadama ko ang matinding awa at pagdurusa para sa Kanya.
Ako’y isang malungkot na batang lalake. Wala akong mga magulang kasama ko na magagawa sa aking ligtas at maligaya. At naisip ko si Hesus na nag-iisa – na walang kaibigan upang bigyan Siya ng kaginhawaan – at inibig ko Siya. Naisip ko, “Kahit na walang ibang umibig sa iyo, iibigin ka ni Hesus!” At ito’y Kanyang pag-ibig para sa akin na tumagumpay sa aking kaluluwa. Ang araw na ako’y naligtas kinanta nila ang himno ni Charles Wesley. Ang bawat taludtud ay nagtapos sa mga salitang bumiyak sa aking puso. “Nakamamanghang pag-ibig, paano ito, na Ikaw aking Diyos, ay mamatay para sa akin.” “Nakamamanghang pag-ibig, paano ito, na Ikaw aking Diyos ay mamatay para sa akin.”
Si Hesus ay Diyos sa laman ng tao. Ipinako nila ang aking Diyos sa isang magaspang na kahoy na krus. “Nakamamanghang pag-ibig.” Biniyak nito ang aking puso. Nagtiwala ako sa Kanya. Nakapagdiit ako sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang pag-ibig para sa akin – sa pamamagitan ng aking pag-ibig para sa Kanya.
Wala sa tingin ko na ang kahit sinong tao rito ay tatawagin si John Cagan na isang mahina. Hinahangaan mo si John para sa kanyang lakas at karakter. Nilabanan ni John si Kristo ng bawat hibla ng kanyang pagkatao. Wala sa sinabi ko sa kanya sa silid ng pagsisiyasat ay umapekto sa kanya. Sinabi niya, “Ang pag-iisip na kailangan kokng sumuko kay Hesus ay bumalisa sa akin ng lubos na para sa anong mukhang parang magpakailan man simpleng hindi ko gagawin. Ibinigay ni Hesus ang Kanyang buhay para sa akin. Si Hesus ay nagpunta upang ipako sa krus para sa akin noong ako’y Kanyang kalaban, at hindi ako susuko sa Kanya. Ang pagkakaisip ay bumiyak sa akin. Hindi ko na kayang pantilihin ang aking sarili na mas matagal pa. Kinailangan kong magkaroon si Hesus. Sa sandaling iyon sumuko ako sa Kanya at nagpunta kay Hesus sa pamamagitan ng pananampalataya…hindi ko kinailangan ng isang pakiramdam. Mayroon ako si Kristo!...Anong higit kaya na inibig ako ni Hesus upang patawarin ang pinaka hindi nararapat na makasalanan. Ibinigay ni Kristo ang Kanyang buhay para sa akin at para rito ibinibigay ko ang aking lahat sa Kanya…kinuha ni Hesus ang aking pagkamuhi at galit at imbes ay binigayan ako ng pag-ibig.”
Di kailan man na nagkita si Spurgeon at John Cagan. Ngunit nagsulat siya na para bang kilala niya si John. Sinabi ni Spurgeon, “Sa kabila ng lahat ito’y hindi sa pagkikita – na dapat laging maging panlabas – ito’y pag-iisip tungkol kay Hesus, pag-iintindi, pagiging apektado nito, alin ay ang tunay na punto ng pagdidiit. Kaya, ang pag-ibig kay Kristo ay nagiging isang tunay na paraan ng pag-uugnay, isang mas malakas ng pagsasama ay pagbibigkis higit sa maghawak ay…Pag-ibig ay gumagawa sa Tagapagligtas na totoo sa puso…gayon ang pagdidiit na ginagawa ng pag-ibig sa pagitan ni Kristo at ng iyong kaluluwa ay mas higit kaysa sa kahit ano na iyong mahahawakan o madaram.” “Kahit na hindi mo Siya nakita, iniibig mo Siya.”
Ngunit ibinibigay sa atin ng teksto ang isa pang punto ng pagdidiit kay Hesus – “Kung kanino, kahit na hindi mo siya nakikita, gayon ay naniniwala.” “Gayon ay naniniwala sa Kanya.” Dito muli tayo ay napapaalalahanan ng katunayna na maari kang maniwala kay Hesus na walang paningin. “Hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak…” Gayon ay naniniwala! Gayon ay naniniwala! Ang mga taong sinulatan ni Pedro ay di kailan man nakilala si Hesus. Hindi nila kailan man nahawakan si Hesus. Hindi nila kailan man nadinig ang Kanyang tinig. Ngunit kilala nila Siya! “Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak.” “Kahit na hindi mo Siya nakikita, naniniwala ka sa Kanya.”
Si Helen Keller ay ipinanganaak na ganap na bulag at ganap na bingi. Isang babaeng nagngangalang Anne Sullivan ay nagturo kay Helen Keller kung paano magsalita. Ito’y isang nakamamanghang kwento. Noong ako’y isang maliit na batang lalake nadinig ko si Helen Keller na magbigay ng isang talumpati sa radio. Kahit na siya’y lubos na bulag at bingi mula sa pagkapanganak, naniwala si Helen Keller kay Hesus! Maari kang maniwala kay Hesus – kahit na hindi mo Siya makita o marinig!
Ang paniniwala kay Hesus ay nagdadala sa iyo sa pagdidiit sa Kanya. Parehong pag-ibig at pananampalataya ay mga punto ng pagdidiit kay Hesus. Ang pag-ibig at pananampalataya ay nag-uugnay sa atin sa Tagapagligtas. “Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; bagama’t ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma’y inyong sinasampalatayanan, na kayo’y nangagagalak.” “Kahit na hindi mo Siya nakita, naniwala ka sa Kanya at nangagalak!”
Makinig kay Emi Zabalaga, ang piyanista ng aming simbahan. Siya ay isang mapagbatid na babae. Mapagkakatiwalaan mo ang sinabi niya.
Hindi ko pagkakatiwalaan si Kristo. Si “Hesus” ay isang salita lamang, isang doktrina, o isang taong kilala kong nabuhay gayon ay napaka layo. Imbes na nagpupunyagi para kay Kristo, naghaanap ako ng isang pakiramdam o isang uri ng karanasan.
Huli na isang gabi bigla kong natanto na si Hesus ay namatay para sa akin. Sa gabing iyon [naisip ko] Siya sa Hardin ng Gethsemani, umuungol at nagpapawis sa ilalim ng bigat ng aking kasalanan. Nakita ko [sa aking isipan] ang napako sa krus na Kristo. [Naisip ko] ang Kanyang dumurugong sakripisiyo at na Siya’y natusok sa pamamagitan ng aking pagtatakwil sa Kanya. Ngunit hindi pa rin ako magtiwala sa Kanya. Kumakapit pa rin ako sa aking pangangailangan ng isang pakiramdam ng kasiguraduhan.
Nagsimula si Dr. Hymers mangaral mula sa Awit ni Solomon sa pagkaganda ni Kristo. Habang nakinig ako, si Kristo ay naging higit-higit pang mas maganda. Nagsimula kaong kumirot para sa Kanya. Nading ko ang berso, “Bumangon ka, sinta ko, maganda ko, at tayo na” (Awit ni Solomin 2:10). Nadama ko na si Kristo ay nagsasalita sa akin, tinatawag akong magpunta sa Kanyang Sarili.
Alam ko na ang lahat ng mga karanasan na pinagdaanan ko, ang paghihirap, ang pagkawalang pag-asa ng buhay, ang malamig na kawalang laman ng mundo, ang nakadudurog na bigat ng kasalanan, ay lahat dahil inibig ako ng Diyos at ginagawa akong makita ko ang aking pangangailangan para kay Hesus.
Pinuntahan ko [si Dr. Hymers pagkatapos ng pangaral]. Isang pader ng kasalanan ay mukhang bumabangon sa harap ko – at ang kalupitan ng aking puso, ang masasamang mga kaisipan ng aking isipan, at ang walang katapusang pagtatakwil ni Hesus. Hindi ko na ito kaya. Kinailangan kong magkaroon si Kristo. Kinailangan kong magkaroon ang Hesus, takot na magkaroon na naman ng huwad na pagbabagong loob o paggagawa ng isang pagkakamlai, o pagtingin sa aking sarili, tinitignan ang aking pakiramdam o naghahapuhap sa kadiliman na lagi kong ginagawa noon, tumingin ako kay Kristo sa pananampalataya…Hinugasan Niya ang aking mga kasalanan sa Kanyang mahal na Dugo; Kinuha Niya ang aking mabigat na karga ng kasalanan papalayo! Pinatawad Niya ako ng lahat ng aking kasalanan.
Siya na ngayon ay aking bayani, aking Tagapagligtas at aking Panginoon! Maraming beses simula noon nagpunta ako kay Hesus para sa tulong, para sa lakas at para sa proteksyon. Gaya na kanta, “Awa ay sumulat muli sa aking buhay./ Awa ay sumulat muli ng aking buhay./ Ako’y nawala sa kasalanan/ ngunit si Hesus ang sumulat mulu ng aking buhay.” Napakarami kong galak ngayon kapag mayroong isa pang taong naliligtas ni Hesus. Hindi ko lubusang maipahayag ang pagkalugod at payapa na nanggaaling mula sa mga kasalanan na napatawad…hiling ko na iyong mga nakikipaglaban tulad ko ay maranasan ang kapatawaran mula kay Hesus! Ang Ebanghelyo na nakababagot at walang buhay noon, ay ngayon nakapananbik ngayon, at ang aking puso ay tumataba sa galak at pasasalamat kapag nakadidinig ako ng mga pangaral tungkol kay Hesus. Salamat sa Diyos para sa pagdadala sa akin sa Kanyang Anak, na si Hesus. Masasabi ko laman kasama ni Apostol Pablo, “Salamat sa Dios dahil sa kaniyang kaloob na di masabi)!
Minamahal kong mga kaibigan, ako mismo ay di kailan man tunay na alam ang ibig sabihin ng “galak” hanggang sa nakilala ko si Kristo. Dumaan na ako sa maraming mga pagsubok at paghihirap. Nabigo na ako dahil sa pagtitiwala sa mga tao. Nalungkot na kao at naranasan ang matindi pagdurusa. Lumakad na ako ng maraming oras sa gabi, bawat gabi. Naramdaman ko ang “mahinhin at biyolenteng kalungkutan” ng pagiging mag-isa na walang taong kaibigan. Kilala ko ang gabi. Ngunit kailan man at palaging si Hesus ay nagdala sa akin sa mga panahon ng pagadurusa. Kahit na noong nadama ko na walang ibang tumanggap sa akin, lagi akong tinanggap ni Hesus. “Kailan man sa pamamagitan ng pananampalataya nakita ko ang agos/ Ang iyong umaagos na mga sugat ay nagbibigay./ Nakaliligtas na pag-ibig ang naging aking tema/ at maging pa rin hanggang sa ako’y mamatay./ At maging pa din hanggang sa ako’y mamatay,/ At maging pa din hanggang sa ako’y mamatay,/ Nakaliligtas na pag-ibig ang aking naging tema,/ At maging pa din hanggang sa ako’y mamatay.” Kung ika’y nawawala pa din makinig ng mabuti sa magandang kantang ito.
Sinubukan Kong walang saysay isang libong mga paraan
Ang aking mga takot upang sugpuin, aking mga pag-asa upang ibangon;
Ngunit ang kailangan ko, sinasabi ng Bibliya,
Ay kailan man, si Hesus lamang.
Ang aking kaluluwa ay gabi, ang aking puso ay bakal –
Hindi ako makakita, hindi ako madama;
Para sa ilaw, para sa buhay, dapat akong umapela
Sa simpleng pananampalataya kay Hesus.
Namatay Siya, nabuhay Siya, naghari Siya, nagmaaka-awa Siya;
Mayroong pag-ibig sa lahat ng Kanyang mga salita at gawa;
Mayroong lahat ng isang nagkakasalang makasalanan ay kinakailangan
Magpakailan pa man kay Hesus.
(“Kay Hesus.” Isinalin mula sa “In Jesus” ni James Procter, 1913).
Maari mong sabihin, “Hindi ako kumbinsido. Ang tinutukoy mo ay pag-ibig at paniniwala.” Sasabihin mong, “Wala akong pag-ibig para kay Kristo.” “Hindi ako naniniwala sa Kanya. Ang iyong mga argumento ay hindi nakakukumbinsi sa akin.”
Gayon dapat kitang pagbalaan. Isang araw ay darating kapag hindi mon a maririnig ang matamis na mga salita ng pag-ibig at paniniwala. Ang iyong mga tainga ay malamig at patay. Wala nang mga salita ng kapayapaan at kapatawaran para sa iyo, Ang lahat ay lalamunin sa walang hanggang kadiliman ng Impiyerno.
Pakinggan na ako ngayon! bago magsalita ang Diyos sa iyo sa poot at paghahatol. At sinasabi ng Diyos sa iyo, “tumawag ako at tumangi ka.”
Ang lahat na masabi ko sa iyo ay, Magtitiwala ka ba kay Kristo? Gagawin mob a iyan ngayon? ngayong gabi? Wala na akong higit pang magagawa. Hindi kita magagawang magtiwala kay Hesus. Kailangan kong iwan ito sa Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kapnagyarihan, binuksan ng Diyos ang maraming mga puso na magtiwala kay Hesus. Ika’y naka-upo sa gitna ng maraming mga tao na dinala ng Diyos kay Hesus. Pinili ng Diyos na dalahin sila kay Hesus. Kung hindi ka Niya dadalhin, wala akong magagawa. Kung hindi ka isa sa mga nahirang wala na akong higit pang magagawa.
Ngunit kung ang Diyos ay kumausap sa iyong puso ngayong gabi, tanggapin si Kristo. Tanggapin Siya ngayon. Ikaw na higit sa lahat ay kailangan si Hesus, magpunta at magtiwala sa Kanya ngayon. Ang lahat ng sinabi ko ay walang ikabubuti maliban na lang kung ang Espiritu ng Diyos ay gagamitin ito sa iyong puso. Panalangin namin na ika’y magtitiwala kay Hesus ngayon tulad noong mga kausap ni Pedro sa ating teksto. Nanalangin kami para sa Diyos na gawin ang ginawa Niya kay John Cagan, at Emi Zabalaga at ang mga taong nakapaligid sa iyo. Naway piliin ng Diyos ang nahirang sa atin ngayong gabi. Naway magpunta ka kay Hesus, magtiwala kay Hesus, at maligtas magpakailan man sa pamamagitan ng Kanyang lahat-na-nakapagbabayad salang Dugo. Amen.
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Kay Hesus.” Isinalin mula sa “In Jesus” (ni James Procter, 1913).
ANG BALANGKAS NG PAGKAKITA O PANINIWALA? SEEING OR BELIEVING? ni Dr. R. L. Hymers, Jr. “Na hindi ninyo nakita ay inyong iniibig; na bagama't ngayon ay hindi ninyo siya nakikita, gayon ma'y inyong sinasampalatayanan, na kayo'y nangagagalak na totoo na may galak na di masayod at puspos ng kaluwalhatian: Na inyong tinatanggap ang layunin ng inyong pananampalataya, ang pagkaligtas ng inyong mga kaluluwa” (I Ni Pedro 1:8, 9).
I. Una, ang pagkakakita ay hindi paniniwala, Lucas 18:34;
II. Pangalawa, ang paniniwala ay pagkakakita! |