Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




MANGAHAS NA MAGING NAKIKIPAGLABANG KRISTIYANO!

DARE TO BE A FIGHTING CHRISTIAN!
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles
Gabi ng Araw ng Panginoon, Ika-10 ng Disyembre, taon 2017
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Lord’s Day Evening, December 10, 2017


Nakabasa ako ng isang nakawiwiling artikulo sa Magasing World kamakailan lang. Ito’y patungkol sa mga Tsinong mga mag-aaral na nagiging ebanghelikal habang nag-aaral sa Amerika, at kung paano ang karamihan sa kanila ay hindi nagkakasya sa mga bahay na simbahan kapag sila’y bumalik sa Tsina. Isang batang babae ay naging isang ebanghelikal at bumalik sa Tsina ay ipinaliwanag ang problema na mayroon sila. Sinabi niya, “nagpunta ako upang bisitahin ang isang bahay simbahan. Ngunit masyadong mahirap ibahagi ang aking mga karanasan sa kanila. Hindi lang sila maka-ugnay. Masyado akong nalungkot at napuspos.” Sinabi ng artikulo na ang kanyang karanasan ay tipikal. Maraming mga naging ebanghelikal sa Amerika ay di handa para sa anong nakita nila sa mga bahay simbahan doon – mga panggigipit sa pamilya, iskedyul sa trabaho, at isang radikal kakaibang kultura ng simbahan. “Pagkatapos ng dalawang taon mga halos 80 pursyento ng mga mag-aaral na naging ebanghelikal ay hindi na nagpupunta sa simbahan” (Isinalin mula sa World na Magasin, Ika-30 ng Setyembre, taon 2017, pah. 48). “Ang kanilang mga inaasahn ay nadurog noong sila’y humakbang sa mga simbahan ng Tsina – ang ilan ay walang aircon o walang gusali – kung saan walang nagsisilbi sa kanilang mga pangangailangan.”

Sa parehong pagkakataon ang mga pastor sa Tsina ay natatagpuan na ang mga bumabalika na mga kabataang ito ay nagreklamo at sinubok ang kapangyarihan ng simbahan. Gusto nila na ang Tsinong bahay simbahan ay maging mas tulad ng mga simbahan na pinuntahan nila sa Estados Unidos.

Natagpuan ko itong nakamamangha dahil sa ating simbahan mataas ang tingin naming patungkol sa mga Tsinong bahay simbahan. Ang mga Tsinong Kristiyano na ito ay nakaligtas mula sa pag-uusig ng mga Komunista ng maraming taon. Gayun din mayroong tunay na muling pagkabuhay sa marami sa mga Tsinong bahay simbahan. Ito’y mukha sa aming simbahan na ang mga naging Amerikanong mga batang lumaki sa simbahan ay dapat inibig na makasama ang mga seryosong mag-isip at mga nasa isipan ang muling pagkabuhay na mga Tsinong kabataan sa mga bahay simbahan! Ngunit hindi, ang mga naging Amerikanong ebanghelikal “ay hindi maka-ugnay” sa lubos na espiritwal na Tsinong mga kabataan sa mga bahay simbahan! “Pagkatapos ng dalawang taon mga halos 80 pursyento ng mga naging Amerikanong ebanghelikal ay hindi na nagpupunta sa simbahan!”

Bakit? Walang air con! Kawawang bata! Walang magandang simbahang gusali! Kawawa, kaawa-awang bata! Walang nagsilibi sa kanilang mga pangangailangan! O kawawang ako! Hay naku! Kawawang mga bata! Gusto namin ang lahat ay ibigay sa amin – tulad ng mga ebanghelikal sa Estados Unidos! Nagrereklamo kami! Sinusubok namin ang kapangyarihan ng mga pinuno ng simbahan – tulad lang ng mga bulok na Amerikanong ebanghelikal! Hindi kami interesado sa isang seryosong panalanging pagpupulong! Bakit kailangan nilang manalangin ng higit at napaka lakas! Bakit sila kailangang mangaral na napaka tapang at napaka lakas? Bakit hindi nila kami bigyan ng matamis at maliliit na mga Bibliyang pag-aaral tulad noong ginagawa nila sa Amerika?

Anong mali sa mga nasanya sa Amerikang mga Tsinong ebanghelikal? Ito ang sinabi ng World na Magasin ay mali sa mga naging Amerikanong ebanghelikal na bumabalik sa Tsina – 8 mula sa 10 sa kanila ay malinaw na hindi mabanggit ang Ebanghelyo! 8 mula sa 10 sa kanila ay hindi alam ang Ebanghelyo! Hindi sila napagbagong loob sa mga ebanghelikal na mga simbahan sa Amerika! Iyan ang pangunahing bagay na mali sa mga naging Amerikanong ebanghelikal. 8 mula 10 sa kanila ay simpleng hindi mga tunay na Kristiyano! Hindi nakapagtataka na hindi gusto ang mga tunay na mga Kristiyano sa mga Tsinong bahay simbahan! Pangalawa, wala silang personal na kaugnayan sa Diyos, mayroon lang kaugnayan sa ibang mga miyembro ng simbahan. Kung ang nag-iisang dahilan na nagpupunta ka sa simbahan ay para sa pakikipagkaibigan, hindi ka magtatagal! Kung ika’y wala sa isang tunay na kaugnayan kay Hesu-Kristo, aalis ka mula sa simbahan mas maaga o maya-maya! Pangatlo, hindi sila naturuang paglingkuran ang Diyos sa simabahan. Gusto nilang maalagaan na hindi pinaglilingkuran ang ibang mga tao at tinatagumpay sila kay Kristo!

Ang ipinapakita ng lahat ng ito ay ang kaaba-abang pagkabigo, ang halos lubusang pagkabigo, ng Amerikanong mga ebanghelikal na makuha ang mga kabataang tunay na napagbagong loob at iniibig ang gawain para kay Kristo! Alam na natin iyanm hindi ba? Sinasabi ng mga naging Amerikanong ebanghelikal, “Ako'y mayaman, at nagkamit ng kayamanan, at hindi ako nangangailangan ng anoman; at hindi mo nalalamang ikaw ang aba at maralita at dukha at bulag at hubad… sapagka't ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita sa aking bibig” (Apocalipsis 3:17, 16). Sinasabi ni Kristo sa mga mapagmalaking mga naging Amerikanong mag-aaral, “isusuka kita sa aking bibig” (literal). At dinadala tayo niyan sa ating apat na mga kaibigan sa Aklat ng Daniel. Si Daniel, Shadrach, Meschach, at Abenego ay 1,500 na milya mula sa kanilang tahanan. Ang mga kalalakihang ito ay mga binatilyo lamang, malayo mula sa kanilang tahanan, sa isang paganong Babyloniyang lungsod. Sila ba ay maging katulad ng mga mahinang mga bagong ebanghelikal na bumabalik sa Tsina?

Ang apat na mga kalalakihang ito ay hindi ang mga nag-iisa lamang na mga Hebreong batang kalalakihan na nadakip doon. Lumipat sa Daniel 1:3. Ito’y nasa pahina 898 ng Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Magsitayo habang basahin ko ang bersong iyon.

“At ang hari ay nagsalita kay Aspenaz, na puno ng kaniyang mga bating, na siya'y magdala ng ilan sa mga anak ni Israel, sa makatuwid baga'y sa lahing hari at sa mga mahal na tao” (Daniel 1:3).

Ngayon tignan ang berso 6.

“Na sa mga ito nga, sa mga anak ni Juda, si Daniel, si Ananias, si Misael, at si Azarias” (Daniel 1:6).

Maari nang magsi-upo. Ang mga bersong iyon ay nagpaakita na mayroong maraming ibang mga kabataang kalalakihan ng Israel na kinuha bilang mga bihag. Ngunit ang mga kalalakihang mga ito ay ang mga pinaka mahuhusay. Sila ay sasanayin ng tatlong taon upang maging mga madunong na mga kalalakihan at tapos ay maging mga tagapagpayo kay Nebuchadnezzar, ang hari ng Babylonia. Si Daniel ay isa sa kanila at ang iba ay sina Shadrach, Meshach, at Abenego. Sila’y matatalinong mga kabataang kalalakihan, na mga lubos na nauuna sa kaalaman, sa siyensya, at mga wika.

Ngunit mayroong ibang bagay patungkol sa mga apat na mga kabataan iyon na iba. Ayaw nilang kainin ang pagkain o inumin ang alak ng hari. Hiniling nila na kanilang sundin ang utos ni Moses patungkol sa pagkain at inumin. Maari silang nabitay. Sila’y tumatayo sa isang mahirap na kalagayan para sa Diyos sa paganong korteng ito. Tignan ang berso 8. Sinasabi nito, “pinasiyahan ni Daniel sa kaniyang puso na siya'y hindi magpapakahamak sa pagkain ng hari, o sa alak man na kaniyang iniinom.” Ginawa din noong tatlo ang parehong bagay. Sila’y tumayo sa isang mahirap na paninindigan para sa Diyos. Kita mo hindi ang mga tagapaglingkod ng hari ang nagsasanay sa kanila. Ang Diyos Mismo ang nagsasanay sa kanila upang tumayo para sa Kanya at huwag Siyang ikahiya. Yinuyukod mob a ang iyong ulo at pinasasalamatan ang Diyos para sa pagkain tuwing ika’y kakain? Patuloy mo bang ginagawa iyan kahit na ang mga kasama mo ay hindi mga Kristiyano? Ginagawa mo ba iyan kung ika’y nasa gitna ng karamihan ng tao sa isang restawran? Magpuputa ka bas a simbahan sa Bisperas ng Pasko, sa piging? O ikaw maliliban mula sa simbahan sa Bisperas ng Pasko upang magpunta sa isang lugar ng kasalanan? Ikaw ba ay makakasama naming sa simbahan sa Bisperas ng Bagong Taon? O ika’y magpupunta sa isang paganong salo-salo? Kinakailangan ng pananampalataya at lakas upang manindigan katulad ng ginawa ng mga kalalakihan ito? May binago akong isang salita sa kanta.

Mangahas na maging tulad ni Daniel,
   Mangahas na tumayong mag-isa!
Mangahas na magkaroon ng layuning matatag!
   Mangahas na gawin itong kilala!

Tumayo at kantahin ito!

Mangahas na maging tulad ni Daniel,
   Mangahas na tumayong mag-isa!
Mangahas na magkaroon ng layuning matatag!
   Mangahas na gawin itong kilala!

Maari nang magsi-upo.

Ang apat na mga kabataang kalalakihang iyon ay hindi katulad ng mga naging Amerikanong Tsinong mga kabataan na gusto ang mga mabubuting mga simbahan sa Tsina na maging mahinhin at nagkokompromiso tulad ng mga Amerikanong ebanghelikal. Hindi! Hindi! Ang mga batang kalalakihang mga iyon ay nagpatuloy sa pagsusunod sa Diyos mayroon mang magkagusto nito o hindi! Iyan ang mga uri ng mga kabataan na pinararangalan ng Diyos! Pinarangalan Niya sila at pararangalan ka Niya kung ika’y seryoso tulad ng mga kalalakihang iyon!

Ngayon ang mga kalalakihang mga ito ay binigyan ng isa pang pagsubok. Naipasa nila ang unang pagsubok sa pamamagitan ng di pagkain ng nadungisang pagkain. Kaya ngayon binibigyan binibigyan sila ng Diyos ng isa pang pagsubok – ang pagsubok ng panalangin. Ang hari ay nagkaroon ng isang panaginip at gustong malaman kung anong ibig nitong sabihin. Ngunit hindi niya sinabi sa kaniyang madudunong na mga kalalakihan kung ano patungkol ang panaginip. Hiniling niya sa kanila na una nilang sabihin sa kanya kung ano patungkol ang panaginip bago nila ipaliwanag kung anong ibig nitong sabihin. Kung hindi nila ito magawa sila’y pupunitin nang pirapiraso. Sinabi ng hari, “inyong ipaliwanag ang panaginip at ang kahulugan niyaon” (2:6). Ang mga magdunong na mga kalalakihan ay nagsaabi na walang tao ang makagawa ng hiningi niya. Naging galit ang hari dahil rito at iniutos niya na ang lahat ng mga madunong kalalakihan sa Babylonia ay masira. Ang utos ng hari ay lumabas at kanilang hinanap si Daniel at ang kanyang tatlong mga kaibigan upang patayin kasama ng ibang madudunong na mga kalalakihan.

Si Daniel ay nagpunta sa hari at humingi ng maskaunti pang oras at ibibigay niya ang kasagutan. Anong ginawa ni Daniel? Nagpunta siya kay Shadrach, Meshach at Abenego, ang kanyang tatlong mga kaibigan. At ang apat na mga kalalakihang ito ay nagkaroon ng isang panalanging pagpupulong. Napaalalahanan ako nila ni John, Jack, Noah at Aaron, ang apat na kalalakihan na nakapagpupulong kasama ko para sa panalangin. Humingi sila ng awa mula sa Diyos ng Langit. Nanalangin sila para sabihin ng Diyos sa kanila ang sekreto ng panalangin. Tignan ang Daniel 2:19, “Nang magkagayo'y nahayag ang lihim kay Daniel sa isang pangitain sa gabi. Nang magkagayo'y pinuri ni Daniel ang Dios sa langit.” Tignan ang Daniel 2:23. Sinabi ni Daniel, “Pinasasalamatan kita, at pinupuri kita, Oh ikaw na Dios ng aking mga magulang, na siyang nagbigay sa akin ng karunungan at lakas, at nagpatalastas ngayon sa akin ng ninais namin sa iyo; sapagka't iyong ipinaalam sa amin ang bagay ng hari.” Tumingala. Sinabi ng hari, “Kaya mo bang sabihin sa akin ang panaginip at anong ibig nitong sabihin?”

Sinabi ni Daniel, “Ang lihim na itinatanong ng hari ay hindi maipaaaninaw sa hari kahit ng mga pantas na tao. ‘Nguni't may isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim’ … Ito ang panaginip na nagkaroon ka at ito ang ibig nitong sabihin.” Tapos si Daniel at kanyang tatlong mga kaibigan ay nagsabi sa hari ng kanyang lihim na panaginip at kung anong ibig nitong sabihin. Ngayon tignan ang berso 47, “Ang hari ay sumagot kay Daniel, at nagsabi, Sa katotohanan ang inyong Dios ay Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga hari, at tagapaghayag ng mga lihim, yamang ikaw ay nakapaghayag ng lihim na ito.” Ngayon tumingala. Tapos ginawa ng hari si Daniel na isang dakilang tao, at ginawa siyang tagapamuno sa probinsya ng Babylon, at inilagay siyang tagapamuno sa lahat ng mga madudunong na mga kalalakihan sa Babylonia. Si Shadrach, Meshach at Abenego ay binigyan rin ng matataas na posisyon, ngunit ang binatang si Daniel ay ginawang pangunahing minister ng buong Kaharian ng Babylonia!

Pinasa ng mga bata ang unang pagsubok na ibinigay sa kanya ng Diyos sa pamamagitan ng pagtatangging madungisan gamit ng pagkain at alak ng hari. Inilagay nila ang Diyos muna at pumasa sa pagsubok na ito na matagumpay!

Ngayon ang mga kalalakihang kabataan ay pumasa ng pangalawang pasubok. Nagsama-sama sila at nanalangin para ilantad ng Diyos ang panaginip ng hari. Sumalalay sila sa Diyos sa panalangin at naipasa ang pangalawang pagsubok na matagumpay rin!

Gumugol ako ng oras upang ipakita sa iyo ito dahil ito’y napaka mahalaga. Madalas nating isipin na maari kang lumundag sa isang dakilang kapangyarihang Kristiyano. Ngunit hindi ka “lumulundag” sa dakilang kapangyarihan sa Diyos. Lumalago ka. Naliligtas ka tapos lumalago! Sinabi ni Hesus,

“Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami” (Lucas 16:10).

Kung ika’y mapagpananampalataya sa isang maliit na bagay tulad ng pagiging nasa simbahan sa Bisperas ng Pasko at Bisperas ng Bagong Taon, gayon mayamaya, ika’y magiging isang mapagpananampalataya sa mas malaking mga bagay!

Ang mga kalalakihang mga kabataang ito ay mapagpananampalataya sa anong kinain nila. Napasa nila ang pagsubok. Sila rin ay mapagpananampalataya sa panalangin. Napasa rin nila ang pagsubok na ito.

Maya-maya mayroon silang mas malaking pagsubok. Sila ba’y yuyuko at sasamba sa gintong idolo ng hari, o ipapanganib nilang masunog na buhay sa maapoy na pugon dahil sa hindi pagyuyuko? Napasa nila ang mas maliit na mga pagsubok. Kaya maya-maya mapangahas nilang masasabing,

“Ang aming Dios na aming pinaglilingkuran ay makapagliligtas sa amin sa mabangis na hurnong nagniningas; at ililigtas niya kami sa iyong kamay, Oh hari” (Daniel 3:17).

Natuto sila sa pamamagitan ng pagpasa ng mas maliit na mga pagsubok na ililigtas sila ng Diyos mula sa mas malaking pagsubok ng maapoy na pugon!

Gayon din sa pamamagitan ng seryosong panalangin sila’y naligtas mula sa pagkakapatay ng hari. Maya-maya, noong nagbabala ang haring itapon si Daniel sa isang yungib ng umu-ungal na mga leyon, si Daniel ay pinatiling ligtas, ng Diyos sa pamamagitan ng pagpapadala ng anghel upang panatilihing nakasara ang bunganga ng leyon! Si Hesus ay nasa maapoy na pugon at iniligtas sila. Si Hesus ay ang anghel na iyon. Si Hesus ang leyon sa pugon noong si Daniel ay itinapon. Nagkaroon siya ng pananampalatayang tumayo laban sa Diablo. Sinasabi ng Bibliya, “Maghandang makatagpo ang iyong Diyos.” Kung hindi ka handa, ika’y bibigay sa Diablo at ikakaila ang Panginoon!

Kailangan mong magsanay ngayon na upang maging handang tumayo at mabilang. Gayon din si Daniel. Gayon din ikaw, kung gusto mong matakasan ang apoy!

Iyan ang dahilan na dapat kang magsanay ngayon na! Hindi maya-maya, kundi ngayaon! Hindi ka biglaang nagiging isang dakilang tao ng pananampalataya! Hindi! Kinakailangan ng pagsasanay! Makinig sa sinabi ni Dr. Chan patungkol sa aking asawa, si Gng. Hymers. Sinabi ni Dr. Chan, “Si Gng. Hymers ay hindi naging isang dakilang Kristiyano ng pagkalipas ng isang araw. Lumaki siya sa pamamagitan ng maraming taon ng mapagpananampalatayang paglilingkod sa Panginoon. Gaya isang dalagang itinapon ang kanyang buhay sa pangangasiwa ng simbahan na walang alinlangan. Ginamit siya ng Diyos ng napaka dakila dahil rito.” Nagsimula siya sa edad na 16 taong gulang ginagawa ang kanyang pinaka mahusay para sa simbahan. Ngayon, maraming taon maya-maya, siya ay isang higante para sa pananampalataya. Kung hindi ka seryoso at mapagpananampalataya ngayon na, sa maliliit na mga trabaho na mayroon ka, hindi ka biglaang magiging isang dakilang tagapagtagumpay ng kaluluwa at panalanging mandirigma sa hinaharap.

Walang maikling daan para kay Daniel at ang kanyang tatlong mga kaibigan – at walang maikling daan para sa iyo. Magsimula na ngayon sa pamamagitan ng pagiging isang seryoso at masigasig na magpunyaging pumasok kay Kristo. Kung ika’y tamad sa simula, ika’y di kailan man magiging isang dakilang Kristiyano maya-maya. Magpunyagi ng lahat ng iyong lakas na pumasok kay Kristo ngayon. Mayroong nagsabing, “Nasimulang mahusay ay kalahating tapos na.” Si Gng. Hymers ay tumalikod mula sa kasalanan at nagtiwala kay Hesus sa pinaka unang pagkakataon na nadinig niya akong mangaral ng Ebanghelyo! Gayon din si Dr. Judith Cagan. Gayon din si Dr. Kreighton Chan. Gayon din si Gng. Melissa Sanders. Gayon din si Gg. Ben Griffith. Hindi nakapagtataka na sila’y napakalakas na mga Kristiyano ngayon! Isang babae ang tumingin sa akin na mayroong matinding pagmamalaki na sila’y naligtas na napaka bilis. Siya mismo ay naritong nawawala ng maraming taon. “Paano na nagawa nila ito na napaka bilis?” ang tanong niya. Sila’y seryoso at ika’y hindi seryoso. Ganyan ang paano! Kung ika’y magloloko at hindi magpupunyaging lubos na pumasok sa kaharian sa simula, ika’y laging magiging isang mahinang bagong-ebanghelikal, tulad noong mga Tsinong kabataan na nasira sa pamamagitan ng pagpupunta sa luyloy, mahinang, bagong-ebanghelikal na mga simbahan. Sinasabi ng Bibliya, “Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3). Mangahas na maging tulad ni Daniel! Kantahin ito!

Mangahas na maging tulad ni Daniel,
   Mangahas na tumayong mag-isa!
Mangahas na magkaroon ng layuning matatag!
   Mangahas na gawin itong kilala!

Tiyak na dapat akong makipaglaban, kung ako’y maghahari;
   Dagdagan ang aking lakas, Panginoon!
Titiisin ko ang hirap, titiisin ko ang sakit,
   Suportado ng Iyong Salita.
(“Ako’y Isang Sundalo ng Krus?” Isinalin mula sa
      “Am I a Soldier of the Cross?” ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).

“Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya!” (I Ni Timoteo 6:12).

Ang mga tamad na mga bagong-ebanghelikal ay di-kailan man gumagawa ng mabuting mga miyembro ng simbahan! Hindi lamang sila maniniwala na ang kanilang mahinang bagong-ebanghelikalismo ay mali! Iyan ang dahilan na mga bagong ebanghelikal ay bihirang maligtas. At hindi sila kailanman naliligtas sa unang pagkakataon na kanilang madinig ang Ebanghelyo. Kailangan mong makipaglaban sa kanila ng maraming taon bago nila aminin na ang kanilang relihiyon ay mali. Iyan ang dahilan na hindi sila kailan man nagiging mabuting mga miyembro ng simbahan! Hindi kailan man! Hindi kailan man! Hindi kailan man! Kung masyado kang tamad upang ipaglaban ang iyong daan tungo kay Kristo, di ka kailan man makakapaglaban para sa kahit ano may halaga sa Kristiyanong buhay! Ang tinutukoy ko ba ay patungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng gawain lamang? Hindi ito ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay tungkol sa kaligtasan sa pamamagitan ng biyaya, biyaya na nagdadala sa iyong ipaglaban ang iyong daan palampas ng iyong mga pagdududa at mga takot. Ang tinutukoy ko ay patungkol sa pananampalatay na ipinaglalaban ang daan nito kay Kristo, at tapos ay nagpapatuloy na makipaglaban para sa kabutihan ng simbahan ni Kristo. Si Dr. R. A. Torrey ay mayroong isang pangaral na pinamagatang – “Kinakailangan, Nakikipaglabang Mga Kristiyano!” Maging isa mula sa simula! Kung ika’y tama patungkol sa pagiging isang Kristiyano – ika’y magiging tamad sa iyong buong buhay! “KinakailanganMga Nakikipaglabang Kristiyano!” Iyan lamang ang uri na mayroon kami dito sa Baptist Tabernacle. Kung gusto mo ng tamad na Kristiyanismo, magpunta sa ibang simbahan! Maraming mga mahihinang bagong-ebanghelikal na mga simbahan! Magpunta sa isa! Magpunta sa isa! Magpunta sa isa! Lumabas at magpunta sa isa!

Ngunit sandal! Hindi pa ako tapos! Hindi ko talaga kayo gustong umalis. Gusto kong manatili kayo at maligtas! NGAYON MAKINIG SA AKIN NG MABUTI. ITO ANG PINAKA MAHALAGANG BAHAGI NG PANGARAL KUNG HINDI KA LIGTAS. PUMOKUS SA SINASABI KO SA IYO NGAYON. PAKINGGAN ITO NA PARANG DI MO PA KAILAN MAN PINAKINGGAN NOON!

Itinapon ng hari ang tatlong mga batang lalakeng iyon sa nasusunog, umaapoy na pugon. Nalampasan na nila ang lahat ng pag-asa. Hindi ba ganyan ang nararamdaman mo ngayon? Ika’y nasa isang walang pag-asang kondisyon. Hindi mo maligtas ang iyong sarili. Sa katunayan, isinuko mo na ang lahat ng pag-asa upang maligtas. “Hindi ako maaring maging tulad ni Dr. Chan o Gg. Griffith o Judy Cagan o Gng. Hymers.” Nadama mong walang pag-asa. Alam mo na ika’y masusunog sa Impiyerno at wala kang magagawa upang iligtas ang iyong sarili! Ngunit, sandali! Noong ang hari ay tumingin sa umaapoy na pugon hindi niya nakita ang tatlong mga batang lalake lamang. Nakita niya ang apat na mga kalalakihan sa pugon, “nagsisilakad sa gitna ng apoy, at sila'y walang paso; at ang anyo ng ikaapat ay kawangis ng isang [Anak ng Dios]” (Daniel 3:25) [KJV]. Tama si Spurgeon. Ang pang-apat na tao sa apoy ay si Hesus – ang naunang laman na Anak ng Diyos. Si Hesus ay naroon sa apoy kasama nila. Si Hesus ay naroon inililigtas ang mga batang lalake mula sa mga apoy! Sinasabi ng Bibliya na “ang apoy ay hindi tumalab” upang sunugin sila (Daniel 3:27). Si Hesus ay kasama nila at iniligtas sila ni Hesus mula sa apoy mula sa Impiyerno.

Minamahal kong kaibigan, ililigtas ka rin ni Hesus. Mayroon Siyang pagkahabag sa iyo. Iniibig ka Niya. Gaano man kaliit ang iyong pananampalataya, si Hesus ay lubos na makapangyarihan. At si Hesus ay nasa iyong tabi! Sinasabi ng Bibliya ito! Sinasabi ng Bibliya, “si Cristo Jesus ay naparito sa sanglibutan upang iligtas ang mga makasalanan” (I Ni Timoteo 1:15).

Wala akong paki-alam kung gaano ka walang pag-asa ang nadaram mo ngayon. Sa katunayan, mas wala kang pag-asa mas maigi! Bakit? Dahil ibig nitong sabihin na maaring handa ka nang hayaan si Hesus na gawin ang lahat ng pagliligtas. Hindi mo maliligtas ang iyong sarili. Alam mong hindi mo ito kaya. Alam mong hindi ka maaring maging mabuting sapat o malakas na sapat. Mabuti! Ngayon hayaan na si Hesus ang maging pang-apat na lalake sa iyong pugon. Hayaan Siyang iligtas ka.

Sinasabi mo, “wala akong sapat na pananampalataya.” Alam ko. Ngunit ililigtas ka ni Hesus ano mang paraan. Iniligtas ako ni Hesus noong nawala ko ang lahat ng pag-asa. Nagpunta Siya sa akin at iniligtas ako sa pugon ng pagdududa at takot. Si Hesus ay namatay sa Krus upang iligtas ka. Si Hesus ay bumangon mula sa pagkamatay upang iligtas ka. Si Hesus ay narito para sa iyo ngayong gabi. Bababa Siya sa iyo sa iyong pugon ng pagdududa at takot. Bibigyan ka Niya ng kapayapaan at pag-asa. Alam ko hindi mo ito pinaniniwalan. Ngunit umabot sa Kanya at Siya ay narito para sa iyo. Huwag mong tignan ang iyong sarili. Tumingin sa Kanya. Magtiwala sa Kanya na mayroong lamang maliit na pananampalataya, halos wala. Hindi kinakailangan ng higit! Kaunting tiwala lamang. Narito Siya sa pugon kasama mo.

Magtiwala sa Kanya na kaunti lamang at ang lahat ay magiging mabuti. Hindi mo pa nga kailangang paniwalaan ito. Maniwala ka lamang sa akin. Alam ko ililigtas ka Niya. Hayaan ang aking pananampalataya ay tumulong sa iyo. Hayaan akong tulungan kang magtiwal kay Hesus at ang lahat ay magiging mabuti. “Naniniwala si Dr. Hymers na ililigtas ako ni Hesus, kaya magtitiwala ako sa pastor at magtitiwala rin kay Hesus!” “Magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya ngayon. Ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya, ililigtas ka Niya ngayon.” “Ngunit,” sabai mo, “hindi Niya ako niligtas noon.” Mukhang ganoon ito, ngunit ililigtas ka Niya ngayon.

Magpunta bawat kaluluwang pinhihirapan,
Mayroong awa sa Panginoon,
At tiyak na bibigyan ka Niya ng pahinga
Sa pamamagitan ng pagtitiwala sa Kanyang Salita.
Magtiwala lamang sa Kanya, magtiwala lamang sa Kanya,
Magtiwala lamang sa Kanya ngayon,
Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya, Ililigtas ka Niya ngayon.
   (“Magtiwala Lamang sa Kanya.” Isinalin mula sa
      “Only Trust Him” ni John H. Stockton, 1813-1877).

Tumalikod mula sa iyong mahinang bagong-ebanghelikal na relihiyon. Tumalikod mula rito ngayon! At magtiwala kay Hesus at maligtas mula sa kasalanan sa pamamagitan Niya – sa pamamagitan ng Dugo na ibinuhos Niya para sa iyo sa Krus!


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumantang Mag-isa Bago ng Pangaral si Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mangahas na Maging Tulad ni Daniel.” Isinalin mula sa
“Dare to Be Like Daniel” (ni Philip P. Bliss, 1838-1876;
binago ni Dr. Hymers).