Print Sermon

Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.

Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .




PITONG MGA PUNTO PARA SA MGA BAGONG NAPAGBAGONG BUHAY

SEVEN POINTS FOR NEW CONVERTS
(Tagalog)

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles,
Sabado ng Gabi, Ika-7 ng Oktubre taon 2017
A sermon preached at the Baptist Tabernacle of Los Angeles
Saturday Evening, October 7, 2017

“Na pinatitibay [pinalalakas] ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22).


Ang Aplikadong Bagong Tipang Kumentaryo [The Applied New Testament Commentary] ay nagsasabi nito patungkol sa bersong iyan,

Hindi sapat na ipangaral ang Ebanghelyo sa isang lugar na isang beses lang. Ito’y kinakailangan na ituro sa mga bagong mananampalataya at upang itatag sila sa kanilang pananampalataya. At ito ang ginawa ni Pablo at Barnabas. Binalaan nila ang mga bagong mga disipolo na upang makapasok ng kaharian ng Diyos kailangan nilang tiisin ang maraming mga paghihirap [mga puwersa, mga paghihirap].

Sinasabi ni Apostol Pablo, “Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya” (II Ni Timoteo 2:12). Ibig nitong sabihin na isang tunay na nangakong Kristiyano ay dapat pagtiisn ang mga puwersa ng Kristiyanong buhay upang maghari kasama ni Kristo sa Kanyang darating na Kaharian. “Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus” (II Ni Timoteo 2:3).

I. Una, dapat kang maghirap ng ilang paghihirap.

Iyan ang unang bagay na dapat mong malaman. Hindi ka lang maligtas upang magpunta sa Langit. Pagkatapos mong maligtas, “Makipagtiis ka sa akin ng mga kahirapan, na gaya ng mabuting kawal ni Cristo Jesus… Kung tayo'y mangagtiis, ay mangaghahari naman tayong kasama niya” (II Ni Timoteo 2:3, 12). Hindi ako tinuruan nito bago ako nagpunta sa Tsinong simbahan. Akala ko magtiwala ka lang kay Kristo at tapos ay magpunta sa Langit. Itinuro sa akin ni Dr. Timothy Lin na dapat akong maging mapaglabang Kristiyano upang maghari kasama ni Kristo sa Kanyang Kaharian, “At ang magtagumpay, at tumupad ng aking mga gawa hanggang sa katapusan, ay bibigyan ko ng kapamahalaan sa mga bansa” (Apocalipsis 2:26). Ang mga Kristiyano sa Muslim na mundo at sa Tsina ay alam na dapat silang dumaan sa mga paghihirap upang maghari kasama ni Kristo sa Kanyang Kaharian. Gaya ng sinabi ng ating pambukas na teksto, “sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22). Itinuro ng Apostol Pablo sa mga bagong Kristiyano na kailangan inlang dumaan sa maraming paghihirap (thlipsis – mga puwersa) upang maghari kasama ni Kristo sa Kanyang darating na Kaharian. At iyan ang dapat mong gawin kung ika’y napagbagong loob sa muling pagkabuhay na ito. Itinuro iyan ng tanyag na himno ni Dr. Watts sa ating mga himnal sa loob na halos tatlong daang taon!

Dapat ba akong maikarga sa mga ulap
Sa mabulaklak na mga higaan ng kaluwagan,
Habang ang iba ay nakipaglaban upang mapanalunan ang premyo,
At maglayag sa madugong mga karagatan?
Tiyak na dapat akong makipaglaban, kung ako’y maghahari,
Dagdagan ang aking lakas, Panginoon,
Titiisin ko ang paghihirap, titiisin ang sakit,
Kaalalay ng Iyong Salita.
   (“Ako ay Kawal ng Krus.” Isinalin mula sa
      “Am I a Soldier of the Cross?” ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).

II. Pangalawa, dapat mayroong kang isang Bibliya at basahin ito.

“Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti” (II Ni Timoteo 3:16, 17).

Kailangan mong bumili ng isang Scofield na Pag-aaral na Bibliya upang makasunod ka habang ibigay naming ang bilang ng pahina. Kailangan mong kunin ang nailimbag na mga manuskrito ng mga pangaral na ito sa bahay at aralin ang mga ito sa loob ng lingo. Huwag making sa kahit anong mangangaral sa radio o telebisyon. Marami sa kanila ay mga huwad na mga guro. Huwag making sa kahit ano sa kanila maliban kay Dr. J. Vernon McGee. Maari kang making sa kanyang araw-araw na pag-aaral ng Bibliya kahit anong oras sa araw o gabi sa iyong kompyuter at sa www.ttb.org o www.thrutheBible.org. Si Dr. McGee ay ang matagal nang pastor ng Simbahan ng Bukas na Pintuan [Church of the Open Door], sa 550 South Hope Street, dito sa gitna ng lungsod ng Los Angeles. Natutunan ko ang Bibliya sa pamamagitan ng pakikinig sa kanya araw-araw. Iniiwasan niya ang halos lahat ng mga pagkakamali at mga sabi-sabi ng ngayon. Siya lamang ang nag-iisang guro ng Bibliya sa radio o telebisyon na pinagkakatiwalaan ko – ang nag-iisa isa. Nagkaroon tayo ng mga taong nagulo dahil sa pakiking doon sa isa na nagsasalita bago o pagkatapos ni Dr. McGee sa radio. Iyan ang dahilan na mas maiging making sa kanya sa inyong kompyuter (ang lahat ng di Ingles na wikang pagsasalin ay mahahanap sa www.ttb.org/global-reach/regions-languages).

Basahin ang Bibliya araw-araw. “Ang salita mo’y aking iningatan sa aking puso: upang huwag akong magkasala laban sa iyo” (Mga Awit 119:11).

III. Pangatlo, huwag magpunta sa ibang mga simbahan maliban nalang kung ika’y magpupunta sa bakasyon.

Tayo ay nabubuhay sa isang panahon ng matinding apostasiya sa mga simbahan. Lumayo mula sa mga ito.

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. At dahil sa pagsagana ng katampalasanan, ang pagibig ng marami ay lalamig” (Mateo 24:11, 12).

Hindi naming marerekomenda ang ibang mga simbahan. Kahit mga Bautistang mga simbahan ay madalas nagtataguyod ng “Desisyonismo” at ibang mga erehiya.

IV. Pang-apat, magpunta sa simbahang ito tuwing Linggo ng umaga at gabi. Magpunta sa Huwebes na panggabing pagpupulong at ebanghelismo kada lingo.

V. Panlima, kilalanin ang pastor at ang kasamang pastor.

Maari mong tawagan si Dr. Hymers at magtanong kahit anong oras – o lapitan siya rito sa simbahan.

“Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng papupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya” (Mga Hebreo 13:7).

“Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo’y pasakop sa kanila: sapagka’t pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito’y gawin nilang may kagalakal, at huwag may hapis: sapagka’t sa ganito’y di ninyo mapapakinabangan” (Mga Hebreo 13:17).

Ang mga salitang “namiminuno sa inyo” ay maaring maisaling “iyong mga pinuno.” Sinasabi ng Ang Repormasyong Pag-aaral na Bibliya ay nagsasabi patungkol sa Mga Hebreo 13:17, “Ang mga mapagpananampalatayang mga pinuno ay mga mapagpananampalatayang mga pastol…Ang mga pag-aalala ng mga pinuno (mga pastor) ay malalim at tunay dahil sila’y inatasan ng Diyos at mananagot sa Kanya. Ang lahat ay magdurusa kung ang kanilang pangangasiwa ay lalabanan.” Ang pastor ay si Dr. Hymers Maari mo siyang matawagan sa numerong (818)352-0452. Ang pangalawang pastor ay si Dr. Cagan. Maari mo siyang tawagan sa numerong (323)735-3320.

VI. Pang-anim, gawin ang pagtatagumpay ng kaluluwang isang malakas na prayoridad sa iyong buhay.

Walang maaring maging isang mainam na Kristiyano na hindi kumakayod ng lubos upang magdala ng mga tao upang making ng Ebanghelyo. Sinabi ni Hesus, “Pilitin mo silang magsipasok, upang mapuno ang aking bahay” (Lucas 14:23).

VII. Pampito, sumali sa isang maliit na grupo ng pananalangin.

Humingi ng tulung mula kay Gng. Hymers o Dr. Cagan na makahanap na pinaka mainam para sa iyo. Makipag-tagpo sa iyong grupo kada lingo.

“Sapagka’t kung saan nagkakatipon ang dalawa o tatlo sa aking pangalan, ay naroroon ako sa gitna nila” (Mateo 18:20).

Kung hindi ka pa ligtas, inuudyok kitang pagsisihan ang kasalanan at magtiwala kay Hesu-Kristo. Kapag magsisisi ka at magtitiwala sa Kanya, ang Kanyang Dugo ay maglilinis sa iyo mula sa lahat ng kasalanan.

“Nililinis tayo ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan” (I Ni Juan 1:7).

Puntahan si Dr. Cagan at hayaan siyang madinig ang iyong testimonyo kung iniisip mon a ika’y ligtas. Ang kanyang telepono ay (323)735-3320.

Amen.


KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.

(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa Internet sa
www.sermonsfortheworld.com
.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”

Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.

Kumanta na Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Ako ay isang Kawal ng Krus.” Isinalin mula sa
“Am I a Soldier of the Cross?” (ni Dr. Isaac Watts, 1674-1748).


ANG BALANGKAS NG

PITONG MGA PUNTO PARA SA MGA BAGONG NAPAGBAGONG BUHAY

SEVEN POINTS FOR NEW CONVERTS

ni Dr. R. L. Hymers, Jr.

“Na pinatitibay [pinalalakas] ang mga kaluluwa ng mga alagad, at inaaralan sila na magsipanatili sa pananampalataya, at sa pamamagitan ng maraming mga kapighatian ay kinakailangang magsipasok tayo sa kaharian ng Dios” (Mga Gawa 14:22).

(II Ni Timoteo 2:12, 3)

I.       Una, dapat kang maghirap ng ilang paghihirap,
II Ni Timoteo 2:3, 12; Apocalipsis 2:26.

II.      Pangalawa, dapat mayroong kang isang Bibliya at basahin ito,
II Ni Timoteo 3:16, 17; Mga Awit 119:11.

III.    Pangatlo, huwag magpunta sa ibang mga simbahan maliban nalang kung ika’y magpupunta sa bakasyon, Mateo 24:11, 12.

IV.    Pang-apat, magpunta sa simbahang ito tuwing Linggo ng umaga at gabi. Magpunta sa Huwebes na panggabing pagpupulong at ebanghelismo kada lingo.

V.     Panlima, kilalanin ang pastor at ang kasamang pastor,
Mga Hebreo 13:7, 17.

VI.    Pang-anim, gawin ang pagtatagumpay ng kaluluwang isang malakas na prayoridad sa iyong buhay, Lucas 14:23.

VII.   Pampito, sumali sa isang maliit na grupo ng pananalangin,
Mateo 18:20; I Ni Juan 1:7.