Ang mga pangaral na manuskrito at mga videyo ay ngayon lumalabas sa 1,500,000 na mga kompyupter sa lampas na 221 na mga bansa kada taon sa www.sermonsfortheworld.com . Daan-daang iba ang nanonood ng mga videyo, sa YouTube, ngunit di nagtatagal ay iniiwan ang YouTube at nagpupunta sa aming websayt, dahil bawat pangaral ay nagtuturo sa kanila papalyo mula sa YouTube tungo sa aming websayt. Ang YouTube ay nagdadala ng mga tao sa aming websayt. Ang mga pangaral na manuskrito ay ibinibigay sa 46 na mga wika sa halos 120,000 na mga kompyuter kada buwan. Ang pangaral na manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, kaya nagagamit ng mga mangangaral ang mga ito na walang pahintulot. Mayroong daan-daang mga videyo ni Dr. Hymers at ng kanyang mga estudyanteng nangangaral. Ang mga manuskrito ay hindi nakarapatang magpalathala, ngunit lahat ng mga videyo nakarapatang magpalathala. Paki-klik ito upang matutunan kung paano ka maaring gumawa ng isang buwan-buwanang donasyon upang tulungan kami sa dakilang gawaing ito ng pagkakalat ng Ebanghelyo sa buong mundo, kasama ang mga Muslim at mga Hindu na mga bansa.
Tuwing nagsusulat kay Dr. Hymers, laging sabihin sa kanya kung anong bansa ka nakatira, o hindi ka niya masasagot. Ang email ni Dr. Hymers’ ay rlhymersjr@sbcglobal.net .
MULING PAGKABUHAY PARA SA PAGKABUHAYREVIVAL FOR SURVIVAL ni Dr. R. L. Hymers, Jr. Isang pangaral na ipinangaral sa Baptist Tabernacle ng Los Angeles |
Magsitayo at kantahin ang bilang 19 sa inyong papel ng mga kanta, “Narito ay Pag-ibig, Malawak gaya ng Dagat.”
Narito ay pag-ibig, malawak tulad ng dagat,
Umiibig-na-kabutihan na parang baha,
Kapag ang Prinsipe ng Buhay, ang ating Tagatubos,
Nagbuhos para sa ating ng Kanyang mahal na Dugo.
Na ang Kanyang pag-ibig ay hindi matatandaan?
Sinong makatitigil sa pagkanta ng Kanyang papuri?
Hindi Siya kailan man malilimutan, Sa Buong walang hanggan ng Langit.
Sa bundok ng pagpapako sa krus, Mga Bukal ay bumukas malalim at malawak;
Sa pagitan ng tarangkahan ng baha ng awa ng Diyos ay
Umagas ang isang malawak at mapagbiyayang alon.
Biyaya at pag-ibig, tulad ng makapangyarihang mga ilog,
Bumuhos na walang tigil mula sa itaas,
At at kapayapaan ng Langit at ganap ng hustisiya ay
Humalik ng isang nagkakasalang mundo sa pag-ibig.
Hayaan ako lahat ng Iyong pag-ibig na tumatanggap,
Ibigin Ka, kailan man lahat ng aking mga araw;
Hayaan akong hanapin ang Iyong kaharian lamang
At aking buhay ay maging Iyong papuri;
Ikaw lamang ang maging aking luwalhati,
Wala sa mundong ito na aking nakikita.
Nilinis mo Ako at ginawang banal, Ikaw lamang ang
Iyong Sarili ang nagpalaya sa akin.
Sa Iyong katotohanan ginagabayan ako Sa pamamagitan ng
Iyong Espiritu sa pamamagitan ng Iyong Salita;
At Iyong biyaya ay nagagampanan ang aking pangangailangan,
Habang magtiwal aako sa Iyo, aking Panginoon.
Sa Iyong kapunuan Ika’y nagbubuhos ng
Iyong dakilang pag-ibig at kapangyarihan sa akin,
Na walang sukat, puno at walang hangganan,
Inilalabas ang aking puso sa Iyo.
(“Narito ay Pag-ibig, Malawak tulad ng Dagat.” Isinalin mulA sa
“Here is Love, Vast as the Ocean” ni William Rees, 1802-1883).
Lahat manalangin na si Hesu-Kristo ay maluluwalhati ngayong gabi (nanalangin sila). Ngayon kantahin ang bilang 23, “At Maari Ba Ito?” [“And Can It Be?”]
At maari ba ito na makamit ang Isang interes sa dugo ng Tagapaglitas?
Namatay Siya para sa akin, na nagsanhi ng Kanyang sakit?
Para sa akin, sinong Siya ay sa kamatayan ay masikap na natamo?
Nakamamanghang pag-ibig!
Paano ito Na Ikaw, aking Diyos, ay mamatay para sa akin?
Nakamamanghang pag-ibig!
Paano ito, Na Ikaw, aking Diyos ay mamatay para sa akin?
Ang lahat ng ito ay misterio! Ang Imortal ay namatay!
Sinong makasisiyasat nitong di pangkaraniwang disenyo?
Sa kawalang saysay ang unang naipanganak na serapin ay susubukang
Patunugin ang kalaliman ng pag-ibig na Banal!
Ang lahat ng ito, hayaan na ang lupa ay sumamba;
Hayaan anag mga isipan ng mga anghel na hindi na mag-usisa.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito,
Na Ikaw, aking Diyos ay namatay para sa akin?
His grace; Iniwan Niya ang trono ng Kanyang Ama sa itaas,
Napaka laya, napaka walang hangganan ang Kanyang biyaya;
Tinanggal ang lahat sa Kanyang Sarili maliban sa pag-ibig,
At nagdugo para sa walang pag-asang lahi ni Adam;
Ito’y lahat awa, malaki at malaya; Dahil,
O aking Diyos, natagpuan ako nito.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito,
Na Ikaw, aking Diyos ay namatay para sa akin?
Matagal na ang aking nabilanggong espíritu ay
Nakalatag na nakagapos sa kasalanan at gabi ng kalikasan;
Ang Iyong mata ay nagkalat ng nakgigising na ilaw, Gumising ako, ang bilanguan ay umaapoy ng ilaw;
Ang aking mga kadena ay bumagsak, ang aking puso ay napalaya; bumangon ako, umabante, at nagpunta sa Iyo.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito,
Na Ikaw, aking Diyos ay namatay para sa akin?
Walang kondemnasyon ngayaon na aking kinatatakutan;
Si Hesus, at lahat na sa Kanya ay akin!
Buhay sa Kanya, ang aking nabubuhay na Ulo,
At nadamitan sa katuwirang Banal,
Matapang akong haharapin ang walang hanggang trono,
At inangkin ang korona sa pamamagitan ni Kristo sa aking sarili.
Nakamamanghang pag-ibig! Paano ito,
Na Ikaw, aking Diyos ay namatay para sa akin?
(“At Maari Ba Ito.” Isinalin mula sa “And Can It Be?”
ni Charles Wesley, 1707-1788).
Maari nang magsi-upo. Ang ating punong diakono, si Gg. Ben Griffith ay magpupunta upang kumanta para sa atin.
Narito tayo ngayong gabi upang purihin at luwalhatiin ang Panginoong Hesu-Kristo – at Siya lamang! Ngayon tumingin sa inyong Bibliya sa Mga Kawikain, kapitulo 14, berso 14. Ito’y nasa 681 sa Scofield na Pag-aaral na Bibliya. Tumayo muli habang aking basahin ang teksto.
“Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad” (Mga Kawikain 14:14).
Tanungin ang iyong sarili – “Nabubusog ba ako sa aking sariling mga lakad? Ang aking puso ba ay lumamig? Sinubukan kong manalangin kapag mag-isa ako, ngunit hindi ko nadaram ang presensya ng Diyos.” Ikaw ba iyan? Kapag nagpupunta ka sa ebanghelismo mayroon bang apoy sa iyong mga buto na pumipilit sa iyong maghanap ng isang nawawalng kaluluwa? O mayroon ka bang mas kaunting pagpupunyagi kaysa sa mayroon ka noon para sa ebanghelismo? Kapag naririnig mo ang isang taong manalangin ng malakas, ang iyong puso at iyong labi ba ay nagsasabing, “Amen” sa bawat petisyon? O iniisip mo ba na hindi sila kasing buti mo noong una kang nagsimulang manalangin? O iniisip mob a na, “Hindi magtatagal na sila’y babagsak”? Naghahanap ka ba ng mali sa mga bagong Kristiyano? Iniisip mo ba na hindi sila kasing buti mo noong una kang naligtas? Kapag ang pangangaral ay gumagawa sa iyong pag-isipan ang iyong mga pagkakamali, iniisip mo ba, “Hindi ko kailan man ikukumpisal ang mga ito. Hindi mo ako kailan man makukuhang magkumpisal”? Natutuwa ka ba kapag isang bagong tao ay binibigyan ng atensyon? O iniispi mo ba na hindi sila kasing buti mo noong una kang naligtas? Ikaw ba ay kasing buting Kristiyano tulad noong una kang naligtas? O ang iyong puso ba ay naging isang malamig at walang laman?
“Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad” (Mga Kawikain 14:14).
Noong una kang naligtas gagawin mo ang kahit ano para sa Panginoon. Noon, sinasabi mo, “Iniibig kong paglingkuran si Hesus. Hindi ako kailan man makagagawa ng higit para sa Kanya.” Masasabi mo ba iyan na totoo sa iyong puso? O ikaw ba ay tumalikod na Kristiyano? Hindi ko kinakausap ang mga kabataan lamang. Kausap ko rin ang “39” – kausap ko rin ang mga mas matatandang mg tao rin pati mga kabataan. Hindi ko kausap ang mga nawawalang mga tao. Kausap kitang naligtas na ng mahabang panahon na. Nawala mo ba ang iyong unang pag-ibig? Ikaw ba ay kasing puno ng pag-ibig para kay Kristo tulad noong una kang naligtas? Sinabi ni Hesus sa mga Kristiyano sa Ephesus,
“Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig. Nguni't mayroon akong laban sa iyo, na iyong iniwan ang iyong unang pagibig” (Apocalipsis 2:4, 5).
Ako’y naging isang mangangaral na ng halos 60 na taon. Ang aking puso ay tumalikod ng ilang mga pagkakataon sa 6 na dekadang iyon. Paano ako makalalabas mula sa tumalikod na kalagayan na ito? Nangyayari ito sa ganitong paraan. Una nagkakamalay ako na ang aking puso ay nabubusok ng aking sariling lakad. Naaawa ako sa aking sarili. Nalulungkot ako. Nagrereklamo ako kung gaano kahirap ng mga bagay. Pangalawa, nagsimula kong isipin na naiwanan ko ang aking unang pag-ibig para kay Hesus. Pangatlo, natatandaan ko kung gaano kalayo ang pinagbagsakan ko. Ako’y nakumbinsi ng mga kasalanan na pumagitan sa akin at ni Hesus. Tapos natatandaan ko si Hesus sa Krus, namamatay upang magbayad para sa aking mga kasalanan. Nagsisisi ako at nagtitiwala sa Kanyang muli. Ito’y halos parang isang pangalawang pagbabagong loob. “Punuin Ang Lahat Ng Aking Pananaw” [“Fill All My Vision”] Kantahin ito.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas, panalangin ko,
Hayaan akong makita si Hesus lamang ngayon;
Kahit sa lambak ako’y Iyong ginagabayan,
Ang Iyong walang kumpas na luwalhati ay pumapaligid sa akin.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay liliwanag.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang Iyong Banal na Imahen na nagpapakita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat Ng Aking Pananaw” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision,” Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Hindi ko hihingin sa inyong gumawa ng isang bagay na hindi ko gagawin sa sarili ko. Pinayuhan ko si John Cagan upang sumukong mangaral. Sa wakas sinabi niya na gagawin niya ito. Tapos natagpuan ko na siya’y isang mas mainam na mangangaral kaysa sa akin. Mayroon siyang lakas ng kabataan, habang ako’y matanda na at nawala na ang lakas. Ako’y naging naingit kay John. Ginulo ako nito hangang sa isang gabi ikinumpisal ko ito sa kanya. Tapos ikinumpisal koi to sa iyo. Tapos ako’y gumaling at ang aking galak ay naibalik. Hinihingi ko sa inyo ngayong gabi na gawin ang ginawa ko ngayong gabi. Ako’y lubos na tumalikod sa puso na aktwal na natakot ako na hindi niyo na ako gustong mangaral sa inyo. Tapos ang Diyos ay nagpadala ng isang tjkim ng muling pagkabuhay sa ating simbahan at nagsisi ako at bumalik kay Hesus para sa paglilinis muli sa Kanyang mahal na Dugo. Mukha ba itong di pangkaraniwan sa iyo na isang 76 na taong gulang na tao, na nangangaral na ng 60 na taon, ay kailangang magsisi? Hindi, hindi ito di pangkaraniwan. Ito ang nag-iisang paraan upang mapanumbalik at muling mabuhay sa inyong puso. “Magsisi ka at gawin mo ang iyong mga unang gawa” (Apocalipsis 2:5). Magsisi muli’t muli. Bumalik kay Hesus at malinis ng Kanyang Dugo muli’t muli! Ang dakilang Tagarepormang si Luther ay nagsabi, “Ang ating buong buhay ay dapat maging isang palagi o walang tigil na pagsisisi.” Kinailangan ni Luther na laging magsisi at bumalik kay Hesus para sa paglilinis. Ikaw rin at ako.
Naniniwala ako na ang Santiago 5:16 ay mayroong isang aplikasyon sa muling pagkabuhay. Sinasabi nito, “Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling…” Pansinin ang salitang “mga kasalanan.” Ang Griyegong salita ay “paraptōma.” Sinasbai ni Dr. Strong ang pangunahing kahulugan ng salita ay “isang pagkakamali; isang pagkadulas, at ibang mga kasalanan.” Ang hinihinging ikumpisal ay hindi lamang dakilang mga kasalanan, kundi dito tayo ay sinabihan na ikumpisal ang ating mga “pagkadulas,” ang ating mga “pagkakamali at mga kasalanan.” Ang ating galit sa isang tao, ang di natin pagkapatawad, ang ating inggit, ang pagkawalang pag-ibig, ibang mga kasalanan na pumapagitan sa atin at Diyos.
Madalas ang ating mga puso ay napagagaling sa pamamagitan ng pagkukumpisal ng ating mga kasalanan sa Diyos lamang. Pansinin kung gaanong kumikinang ang mukha ni Kai Perng ng pag-ibig at pag-aalala. Bago niyan mayroon siyang kapaitan, at galit na mukha. Tinanong ko siya anong nangyari. Sinabi niya sa akin “nakita ko kung paano gumalaw ang Banal na Espiritu kay Gng. Shirley Lee. Ginusto kong magkaroon ng kapayapaan at galak na mayroon siya. Ikinumpisal ko sa Diyos na galit ako sa inyo, pastor. Tapos ang aking sariling galit ay nawala at nagkaroon ako ng kapayapaan at pag-aalala para sa iba.” Nakamamangha! Binigyan ako nito ng matinding galak noong nadinig ko siyang nagsabi nito! Sinabi ko sa kanya na minamahal ko siya. Iyan ang ibig sabihin ng pangungumpisal. Ito’y patungkol sa pagpapatawad sa iba at pagkakaroon ng bagong kapayapaan at galak mula sa Diyos! Iyan ang ginagawa ng muling pagkabuhay – magkakaroron ka ng bagong kapayapaan at galak kapag magkumpisal ka ng iyong mga kasalanan sa Diyos.
Ngunit kapag ang Diyos ay gumagalaw sa atin, dapat mong ikumpisal ang iyong mga kasalanan diretso sa isang kapatid. Dapat mong ikumpisal ang iyong mga kasalanan sa isa’t isa. Ang Santiago 5:16 ay maaring isaling literal bilang “Gawin itong kagawian na nangungumpisal ng iyong mga kasalanan sa isa’t isa, at gawin itong kagawian na manalangin para sa isa’t isa.’ Ibig nitong sabihin hindi ka maghihintay hanggang sa pagkasuklam ay tumama sa iyo bago ka makumpisal” (Isinalin mula kay R. C. H. Lenski). Sa Tsina ginagawa nilang kagawian na magkumpisal ng kanilang mga kasalanan sa isa’t isa at gawing kagawian ng pananalangin para sa isa’t isa. Iyan ang dahilan na mayroon silang patuloy na muling pagkabuhay sa Tsina.
Sinabi ko sa isang kapatid na magbibigay ako ng isang imbitasyon para sa iyong magpunta at ipagpanalangin, gaya ng ginawa ko dalawang beses sa ibang pagkakataon. Tinanong ko siya, “Sa tingin mo mayroong kahit sinong magpupunta?” Pinag-isipan niya ito ng ilang sandal, at tapos sinabi niya, “Hindi. Walang magpupunta.” Tinanong ko siya bakit hindi kayo magpupunta. Sinabi niya na inisip ninyo na gusto ng muling pagkabuhay upang mas higit pang mga tao ang magpupunta sa simbahan. Ngunit hindi iyan ang dahilan. Tanungin ang iyong sarili, Anong kabutihan ang gagawin nito kung mas maraming mga tao ang magpupunta? Paano natin sila matutulungan kung magpupunta sila? Aalayan natin sila ng pagkikipagkaibigan, galak, at malalim na pakikisam. Ngunit mayroon ka ba niyan sa sarili mo? Mayroon ba? O mayroon ka lamang isang relihiyon ng tungkulin na walang pag-ibig? Hindi ka mapagmahal at mapag-aruga para isa’t isa, di ba? Wala kang malalim na pagkakaibgan, hindi ba? Wala kang galak, hindi ba? Wala kang malalim na samahan, hindi ba? Ang iyong puso ay hindi malalim na umiibig sa mga bagong mga tao, hindi ba? Maging tapat, wala ka nang malalim na pag-ibig para kay Hesus, hindi ba? Paano naming maiaalay ang mga bagay sa ito sa iba kapag wala tayo ng mga ito sa sarili natin?
Noong tinanong ko kayong ikumpisal ang iyong mga kasalanan at mga kasalanan iniisip mo, “Mapapahiya ako kung gagawin ko iyan.” Marami ka nang ginagawang trabaho – maraming trabaho! Hindi ito mas higit na gawain na kailangan mo. Ito’y mas higit na pag-ibig! Mas higit na pag-ibig para kay Kristo! Mas higit na pag-ibig para sa isa’t isa ay maari lamang dumating kapag mayroon tayong mas higit na pag-ibig para sa Kanya!
Punuin ang lahat ng aking pananaw, bawat hangarin
Panatilihin para sa Iyong luwalhati; ang aking kaluluwa’y napukaw,
Sa Iyong kaganapan, Ang Iyong banal na pag-ibig,
Binabaha ang aking daanan ng ilaw mula sa itaas.
Punuin ang lahat ng aking mga pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hanggang sa ang Iyong luwalhati ang aking espiritu ay liliwanag.
Punuin ang lahat ng akin pananaw, upang makita ng lahat
Ang Iyong Banal na Imahen na nakikita sa akin.
Iniisip ko ang kawawang si Samson noong isang gabi. Apat na buong kapitulo sa Bibliya ay nakatalaga kay Samson. Siya ay nakalista bilang isang naligtas na tao sa Mga Taga Hebreo 11:32. Kailan siya naligtas? Naniniwala ako na hindi siya naligtas hanggang sa ilang minute bago ng kanyang kamatayan noong siya’y sa wakas na sumigaw sa Diyos sa tulong. Ngunit tinawag siya ni Hesus na isang banal na tao, “magiging Nazareo sa Dios” (Mga Hukom 13:5). “pinasimulang kinilos siya ng Espiritu ng Panginoon” (Mga Hukom 13:25). Ngunit si Samson ay nabigong ibigin ang Diyos ng kanyang buong puso. Dahil karamihan sa kanyang maiksing buhay siya ay tulad mo. Inisip niya na maari niyang buhayin ang Kristiyanong buhay sa sarili niyang kapangyarihan, gamit ng kanyang sariling kapangyarihan. Ngunit hindi niya ito magawa. Nabigo siya muli’t muli, tulad mo at ako. Sa wakas ang Satanikong mga puwersa ay kumuha sa kanya at inalis ang kanyang mga mata, “at siya'y gumiling sa bilangguan” (Mga Hukom 16:21).
O mga kapatid, hindi ba ang ilan sa inyo ay tulad ni kawawang Samson? Ika’y tinawag ni Hesus. Ika’y pinakilos ng Banal na Espirtu upang gumawa ng dakilang mga bagay para sa Diyos sa nakaraan. Nugnit ika’y dahan-dahang naging mapait at malungkot. Hindi ka maligay ngayon. Wala kang tunay na pag-ibig para sa simbahan ngayon. Nagpunta ka sa simbahan na may bulag na mga mata. Ang iyong relihiyon ay mahirap na trabaho, nakababagot na gawain na walang galak. Mahirap na trabaho, gawain ng alipin! Iyan lang ang lahat! Nagpupunta ka sa simbahan bilang isang alipin. Ito’y isang simpleng nakababgaot na gawain. Hindi mo na iniibig na maparito. Ika’y “gumigiling sa bilangguan” tulad ng kawawang si Samson. Hindi ko alam kung anong iniisip ng iba patungkol sa kanya, ngunit lumuha ako ng mapait na mga luha kapag nababasa ko ang tungkol sa kanya “gumigiling sa bilangguan” – nakagapos ng mga tansong mga kadena, gumigiling, itinutulak ang gilingan na gumigiling sa butil, oras kada oras.
At alam ko na iyan ang iyong relihiyon rin, at minsan ang aking puso ay lumuluha para sa iyo. Wala kang galak. Wala kang pag-ibig. Wala kang pag-asa. Nagpapatuloy ka lang sa paggigiling gaya ng isang alipin sa bilangguan. Oo! Para sa ilan sa inyo ang simbahan na ito ay isang bilanguan, isang bilanguan kung saan gumigiling ka sa mga paglilingkod, kung saan gumigiling ka sa mga gawain ng alipin ng ebanghelismo. Kinamumuhian mo itong lubos! Ngunit hindi mo alam kung paano ito matatakasa! Ika’y nakagapos sa espiritwal na mga kadena, gumigiling, gumigiling, gumigiling na walang pag-asa. Minsan iniisip mong umalis. Alam ko na ang ilan sa inyo ay iniisip ito. Ngunit hindi ka makaalis. Ang mga nag-iisa mong mga kaibigan ay narito. Ang mga nag-iisa mong mga kamag-anak ay narito! Paano mo matatakasan ang walang katapusang paggigiling, ang nakamumuhing nakababagot na gawain at gawain ng isang simbahan na mukhang isang tulad ng isang bilangguan sa iyo? Gusto kitang tulungan! Alam ng Diyos na gusto kong gawin ito! Mayroong isa lamang paraan upang makatakas. Paano mo alam ito, mangangaral? Dahil nakapunta na ako sa lugar na iyan na kinalalagyan mo ngayon! Ako’y nagapos na sa isang simbahan, gumigiling, gumigiling, kinamumuhian ito – ngunit walang nahahanap na pagtakas! Ang nag-iisang paraan upang makatakas ay si Hesus! Ikumpisal ang iyong mga kasalanan! Bakit hindi? Ang iyong mga kasalnaan ay mga kadena na gumagapos sa iyo! Alisin ang mga ito! Magsisi at malinisan ng Dugo, dahil si Hesus lamang ang makapapalag ng iyong mga kadena at makapalalaya sa iyo muli.
“Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling...” (Santiago 5:16).
Ikumpisal ang iyong mta takot, at iyong mga pagdududa, ang iyong mga kasalanan, ang iyong mga galit, ang iyong mga pagkapait, ang iyong mga pagka-inggit. “Mangagpahayagan nga kayo sa isa't isa ng inyong mga kasalanan, at ipanalangin ng isa't isa ang iba, upang kayo'y magsigaling…” (Santiago 5:16). Ginawa ito ni Gng. Lee! At pinagaling siya ni Hesus. Ginawa ito ni Kai Perng, at pinagaling siya ni Hesus. Ngayon lang mayroong isang ilaw ng pag-asa. Iniisip mo na, “Hindi ito maari?” Oo! Ito’y totoo! Lahat manalangin para sa isang taong ikumpisal ng kanilang mga kasalanan at mapagaling ni Hesus (nanalangin sila).
“Sinabi ni Kristo, ‘Mapapalad ang nangahahapis’ (Mateo 5:4) alin ay tumutukoy doon sa mga nakadarama ang kanilang pagkatalikod at lumuluha dahil rito. Ang kasalanan ay laging problema sa mga Kristiyano na humahangad para sa muling pagkabuhay, at ang muling pagkabuhay ay laging di komportable sa mga bagay na di nakikita ng mundo. Ang muling pagkabuhay ay nagtatapon ng ilaw sa madidilim na mga lugar…upang maghanda para sa muling pagkabuhay, paaalalahanin sila ni Evan Roberts na ang [Banal] na Espiritu ay hindi darating hanggang sa ang mga tao ay handa: ‘Dapat nating alisan ang [simbahan] ng lahat ng masasamang mga pakiramdam – lahat ng malisya, pagka-inggit, pinsala, at di pagkakasundo. [Huwag manalangin] hanggang sa ang lahat ng pagkakasala ay napatawad na: ngunit kung nadarama mo na hindi ka makapagpatawad, yumukod sa alikabok, at humingi ng isang nagpapatawad na espiritu. Makukuha mo ito gayon’”…ang mga malilinis na mga Kristiyano ang maaaring mabuhay na malapit sa Diyos (Isinalin mula kay Brian H. Edwards, Muling Pagkabuhay [Revival], Evangelical Press, 2004, pah. 113). “Bawat tao ay nalimutan ang bawat iba. Ang bawat isa ay harap-harapan sa Diyos [habang kanilang ikinumpisal ang kanilang mga kasalanan]… [Ito ay] karaniwan sa halos bawat naitalang muling pagkabuhay. Walang malalim na muling pagkabuhay na walang malalim, di komportable at nakapagbababang loob na kumbiksyon ng kasalnaan” (Isinalin mula sa ibid., pah.116)… “Mayroon tayong isang di banal na simbahan ngayon dahil di nararamdaman ng mga Kristiyano ang kasalanan o kinatatakutan ito…Iyong mga naghahangad ng higit para sa muling pagkabuhay ay dapat magsimulang suriin ang kanilang mga puso at mga buhay sa harap ng isang banal na Diyos. Kung tatakpan natin ang ating mga kasalanan at hindi ikumpisal ito ngayon [hindi tayo magkakaroon ng muling pagkabuhay]… Isang banal na Diyos ay gumagawa sa Kristiyanong nagkakamalay ng kahit pinaka maliit na kasalanan… Iyong mga kilala ang kanilang mga sarili na maging nasa piling ng isang banal na Diyos ay laging nagkakakamalay ng personal na kasalanan… Ang malalim na gawain na ito ng kumbiksyon ay laging nagdadala sa kalayaan at kaligayahan sa bagong nahanap na karanasan ng pagkakapatawad. Kasunod ng ‘pagkakatira ng puso’ ay lumalabas ang pagsabog ng galak ng kaligtasan” (Isinalin mula sa ibid., pah 120).
Nagkaroon tayo ng labing pitong mga kabataan na inaasahan na napagbagong loob sa mga pagpupulong na iyon. Naranasan natin ang isang patikim ng muling pagkabuhay sa mga pagpupulong na iyon. Sa pinakamaliit iyong mga kabataang iyon ay nagising. Walang umasa sa kanilang nagising at inaasahang naligtas. Gayon noong inihayag ko ang kanilang mga pangalan, walang nagpuri sa ating kongregasyon. Bakit hindi ka nagpuri? Sa Tsina sila’y luluha sa ligaya! Bakit hindi rito?
Labinpitong mga kabataan ay inaasahang naligtas ngunit walang mga luha ng kagalakan, walang galak na anuman sa atin. Bakit? Dahil “Ang tumatalikod ng kaniyang puso ay mabubusog ng kaniyang sariling mga lakad” (Mga Kawikain 14:14)
“Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?” (Mga Awit 85:6).
Hindi tayo makaluluha sa galak hanggang sa ating ikumpisal ang ating mga kasalanan na mayroong mga luha! Iyan ay nangyayari sa Tsina. Bakit hindi sa ating simbahan? Natatakot kang ikumpisal ang iyong mga kasalanan sa isa’t isa, at manalangin para sa isa’t isa, upang ika’y mapagaling. Ang takot sa kung anong iisipin ng iba ang pumipigil sa iyo mula sa pagkukumpisal. Sinabi ni Isaias, “Sino ka na natatakot sa tao na mamamatay… At iyong kinalimutan ang Panginoon na May-lalang sa iyo…” (Isaias 51:12, 13).
“Siyasatin mo ako, Oh Dios, at alamin mo ang aking puso
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip:
At alamin mo ang aking puso;
Subukin mo ako, at alamin mo ang aking mga pagiisip;
At tingnan mo kung may anomang lakad ng kasamaan sa akin,
At patnubayan mo ako sa daang walang hanggan.”
(Mga Awit 139:23, 24).
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kasalanan
Madiliman ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong banal na mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang hangganang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hangang sa kasama ng Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang Iyong Banal na Imahen na nakikita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat Ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
Hindi ka nagpunta noon. Alam mo na dapat kang magpunta, ngunit ika’y natakot. Sinabi sa akin ni Gng. Chan sa telepono na siya’y teribleng tumalikod. Tapos tinignan ko siya noong umaga ng Linggo – at tinignan ako ni Gng. Chan. Alam ko na gusto niyang magpunta. Kinuha ko ang kanyang kamay at nagsabi, “halika.” Nagpunta siya. Takot siyang magpunta. Pagkatapos ng lahat, siya ay ang asawa ni Dr. Chan! Anong iisipin ng mga mga tao kung ikukumpisal niya ang kanyang mga kasalanan? Kalimutan ang iisipin ng iba! Habang tumayo tayo at kumanta, magpunta at lumuhod rito at ikumpisal ang iyong mga kasalanan. Kinukumbinsi ka ng Diyos, at tapos ang Dugo ni Kristo na ibinuhos sa Krus upang linisan kang muli.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, huwag hayaan ang kasalanan
Madiliman ang kaliwanagan na kumikinang sa loob.
Hayaan akong makita lamang ang Iyong banal na mukha,
Nagpipista ang aking kaluluwa sa Iyong walang hangganang biyaya.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, Tagapagligtas na banal,
Hangang sa kasama ng Iyong luwalhati ang aking espiritu ay kikinang.
Punuin ang lahat ng aking pananaw, upang makita ng lahat
Ang Iyong Banal na Imahen na nakikita sa akin.
(“Punuin Ang Lahat Ng Aking Pananaw.” Isinalin mula sa
“Fill All My Vision” ni Avis Burgeson Christiansen, 1895-1985).
KAPAG SUSULAT KA KAY DR. HYMERS DAPAT MONG SABIHIN KUNG ANONG BANSA KA SUMUSULAT MULA O HINDI NIYA MASASAGOT ANG IYONG EMAIL. Kung ang pangaral na ito ay nagkapagpala sa iyo paki padalhan ng isang email si Dr. Hymers at sabihin sa kanya – rlhymersjr@sbcglobal.net (i-klik ito). Maari kang sumulat kay Dr. Hymers sa kahit anong wika, ngunit sumulat sa Ingles kung kaya mo. Kung gusto mong sulatan si Dr. Hymers sa pamamagitan ng postal mail, ang kanyang address ay P.O. Box 15308, Los Angeles, CA 90015. Maari mo siyang tawagan sa telepono sa (818)352-0452.
(KATAPUSAN NG PANGARAL)
Maari ninyong mabasa ang mga sermon ni Dr. Hymers linggo-linggo sa
Internet sa
www.sermonsfortheworld.com.
Iklik ang “Mga Pangaral sa Tagalog.”
Ang mga sermonng dokumentong mga ito ay hindi nakarapatang magpalathala.
Maari ninyo gamitin ang mga ito na walang pahintulot ni Dr. Hymers. Gayon man,
lahat ng mga videyong mensahe ni Dr. Hymers ay nakarapatang magpalathala
at maari lamang magamit sa pamamagitan ng pahintulot.
Kumanta na Mag-isa Bago ng Pangaral ni Gg. Benjamin Kincaid Griffith:
“Mas Higit na Pag-ibig sa Iyo.” Isinalin mula sa
“More Love to Thee” (ni Elizabeth P. Prentiss, 1818-1878).